Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 2

~1~

REPUBLIKA NG PILIPINAS )
LUNGSOD NG PARAÑAQUE ) S. S.

SINUMPAANG SUMBONG SALAYSAY

AKO si RALPH SAPITULA, may sapat na gulang, may asawa at


kasalukuyang naninirahan sa No. 39 Riverside, Brgy. Don Galo,
Parañaque City, matapos manumpa ng ayon sa batas ay kusang loob
na nagsasalaysay ng mga sumusunod:

1. Na idinidimanda ko si MARC EDWIN BAESA, nasa wastong


gulang, Pilipino at kasalukuyang nakatira sa #30 Julio
Compound, Pulang-Lupa 1, Las Piñas City, ng salang ESTAFA
o PANLOLOKO sa dahilan ayaw niyang ibalik ang pera ko na
ang pangyayari ay ganito:

2. Na noon nakaraang taon, Hulyo 2011 ay inalok sa akin ng


katabi kong pwesto sa palengke na meron daw ibinibentang
bahay sa Las Piñas na “rights” lang at walang titulo at ang sabi
ko ay interesado ako;

3. Na dahil dito kami ay nagkita at nagkausap ni MARC EDWIN


BAESA sa aking pwesto sa Pamilihang Bayan ng Palengke sa
Parañaque at ditto ay nagbigay ako ng paunang bayad na
Dalawampung Libong Piso (P20,000.00) Salaping Pilipino at
nasundan noong Nobyembre 2011 ng halagang Apatnapung
Libong Piso (P40,000.00) Salaping Pilipino na duon ko na rin
inabot sa Pamilihang Bayan ng Palengke sa Parañaque at
kasabay nun ay nagbigay si MARC EDWIN BAESA ng Deed of
Sale, kopya ng Deed of Sale na pirmado na niya bilang Annex
“A” at ang kakulangan na Dalawampung Libong Piso
(P20,000.00) ay ibibigay ko sa Pebrero 2012;

4. Na noong Pebrero 2012 ay pinuntahan ko si MARC EDWIN


BAESA para ibigay ang kulang dito at ang sabi nya na nagbago
na ang isip niya at ayaw na niyang tanggapin ang panghuling
bayad at ibabalik na lang niya ang pera ko at bigyan ko lang
siya ng isang (1) buwan;

5. Na lumipas na ang ilang buwan ay hindi na siya tumatawag sa


akin at hindi pa rin niya naibabalik ang aking pera. Dahil dito
siya ay inireklamo ko sa Barangay Hall ng Pulang Lupa, Las
Piñas City, kopya ang kasunduan bilang Annex “B” at ito ay
~2~

hindi niya tinupad at noong Hunyo 18, 2012, siya ay gumawa


ng sulat na nangangako na isasauli niya ang pera ko sa buwan
ng Hulyo 2012, kopya ng sulat kamay ni MARC EDWIN BAESA
bilang Annex “C’;

6. Na lumipas ang Hulyo 2012 ay hindi pa rin niya ibinabalik ang


pera ko. Dito ay pinadalhan naming siya ng Demand Letter
bilang Annex “D” at hanggang sa ngayon ay hindi pa rin niya
ibinabalik ang aking pera;

7. Na ang ginawa sa akin ni MARC EDWIN BAESA ay malinaw na


panloloko dahil ayaw din niyang pumayag na tirhan ko ang
bahay niya dahil sila ang nakatira ditto.

SA KATUNAYAN NG LAHAT NG ITO, ako po ay


lumalagda dito sa ibaba nitong ika-26 ng Setyembre 2012 dito
sa Lungsod ng Parañaque.

RALPH SAPITULA
Nagsusumbong

SUBSCRIBED AND SWORN to before me this 26th day of


September 2012 at the City of Parañaque.

Katherine May Roxas


Asst. City Prosecutor

I HEREBY CERTIFY that I have personally examined the affiant and


that I am convinced that she voluntarily executed and fully
understood her Sinumpaang Sumbong Salaysay.

Katherine May Roxas


Asst. City Prosecutor

You might also like