Week 18-Oct. 8-12,2018 - VAL ED

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Banghay Aralin

Banghay Aralin sa: Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang at Sekyson: 10-Jacinto at Baltazar


Guro: Fatima A. Uli Markahan: Ikalawang Markahan
Petsa:Oktubre 8-12, 2018

Paksa: Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng tao
sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya

Pamantayang Pangnilalaman:
- Naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa konsepto ng pagkukusa ng makataong kilos at
mga salik sa nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya.

Pamantayang Pagganap:
- Nakapagsusuri ang mag-aaral ng mga sumusunod sariling kilos na dapat panagutan at
nakagagawa ng paraan upang maging mapanagutan sa pagkilos at sarili batay sa mga salik na
nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya at nakagagawa ng mga hakbang
upang mahubog ang kaniyang kakayahan sa pagpapasiya.

Kasanayang Pampagkatuto:
 Nakikilala: - na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa malayang pagsasagawa
ng kilos-loob sa pamamatnubay ng isip.
- ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang
kilos at pasiya.
 Nakapagsusuri ng: - mga kilos na may pananagutan;
- mga sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos dahil sa kamangmangan,
masidhing damdamin, takot, karahasan at gawi
 Napatutunayan na: -ang makataong kilos ay sinadya (deliberate) at niloob ng tao, gamit ang isip, kaya
pananagutan niya ang kahihinatnan nito (kabutihan o kasamaan).
-nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan at
gawi sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos dahil
maaaring mawala ang pagkukusa ng kilos.
 Nakapagsusuri ng: -sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang maging
mapanagutan sa pagkilos.
-sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan
ng kilos at pasiya at nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog ang
kaniyang kakayahan sa pagpapasiya nang tama at mabuti.

Tiyak na Layunin:
 Naipapaliwanag ng mga mag-aaral ang pagunawa sa kosepto ng pagkukusa ng makataong kilos
at mga salik sa nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya.
 Naipapahayag ng mga mag-aaral ang sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan
upang mapanagutan sa pagkilos ng bawat isa batay sa mga salik na nakaapekto sa kahihinatnan
ng kilos at pasiya.
 Nakabubuo ng mga hakbang upang malinang ang kaniyang kakayahan sa pagpapasiya..

ARAW 1
Panimulang Gawain:
 Panalangin
 Pagbati
 Kalinisan at kaayusan
 Atendans

“Malayang Talakayan”
Ang guro ay magsasagawa ng isang malayang talakayan patungkol sa pagsasabuhay ng mga
pagkatuto. Ang mga mag-aaral ay sasagot ng kanilang pananaw o opinyon hinggil sa paksang tinalakay.
Gawain 1: “Pagninilay”
Panuto: Pagnilayan ang mga sumusunod na tanong.
1. Ano ang pagkatao ng isang taong may matibay na paninindigan sa kanyang kilos?
2. Ano ang mga paraan na maari mong gawin upang hindi ka maapektuhan ng mga salik
sa makataong kilos?

ARAW 2

Balik-aral:
 Ano ang mga natutunan sa tinalakay kahapon? .

Pagsasabuhay:

Gunitain ang mga pangyayari sa buhay mo kung saan may mga tao kang nasaktan (maaaring dahil
sa kapabayaan mo o dahil sa pansariling kabutihan lang ang inisip mo).Isulat ang mga sitwasyong
ito at an kapuwang nasaktan sa una at ikalawang kolum. Magtala sa ikatlong kolum ng mga
hakbang upang ayusin ang mga pagkakataong may nasirang tiwala, samahan o ugnayan sa
pagitan mo at ng iyong magulang, kapatid, kaibigan , kaklase, o kapitbahay.

Sitwasyon kung saan Kapwang nasaktan Mga Hakbang upang


may nasaktan akong (Hal: Magulang at iba aking ayusin ang mga
kapwa pa) ugnayan.

Synthesis/Closure
Sa gawain ito ang mga mag-aaral ay malinaw na naipahahayag ang sariling ideya at opinyon sa
paksang tinalakay.

Sanggunian
- Edukasyon sa Pagpapakatao -Modyul para sa Mag-aaral 10 ,Kagawaran ng Edukasyon p.83-104

Iniwasto ni: _________________________ Petsa: _______________________________

You might also like