Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

G.R. No.

243522, 19 February 2019


Edcel Lagman, et al vs. Salvador Medialdea, Executive Secretary

Noong ika-23 ng Mayo 2017, inisyu ni Pangulong Rodrigo Duterte and Proclamation
No. 216 na nagdedeklara ng Martial Law at suspensiyon ng privilege of the writ of
habeas corpus sa buong Mindanao para pagtuunan ng pansin ang rebelyon ng Grupo
ng maute at Grupo ng Abu Sayaff sa loob ng aninampung araw.

Kinuwestiyon ng mga Petisyoner ang constitutionality ng nasabing pagproklama na


dineklarang constitutional sa isang Desisyon noong ika-7 ng Hulyo 2017.

Ilang araw makalipas ang nasabing Desisyon, hiniling ng Pangulo na palawigin pa ang
Proclamation No. 216 hanggang ika-31 ng Disyembre 2017. Matapos nito ay ilan pang
magpapalawig sa Proclamation No. 216 ang ipinasa ng Kongreso sa botong 235-28 na
palawigin ang deklarasyon ng Batas Militar at suspensiyon ng privilege of the writ of
habeas corpus sa Mindanao hanggang ika-31 ng Disyembre, taong 2019.

Kinuwestiyon ito ng mga Petisiyoner at sianbing walang basehan ang ikatlong


ekstensiyon ng Batas Militar at suspensiyon ng privilege of the writ of habeas corpus sa
Mindanao hanggang ika-31 ng Disyembre, taong 2019.

Sinabi rin nila na kung meron mang mga nangyaring pagbobomba (isa na rito ang pag
bomba sa Jolo Sulu Cathedral), ang mga bagay na ito ay hindi acts of rebellion kundi
acts of terrorism na mareresolba ng estado sa ibang paraan

Ayon sa mga petisyoner, ang objective ng acts of rebellion ay magkaiba sa objective ng


acts of terrorism. Sinabi rin nila na pinapayagan lamang ng Saligang Batas ang pag
deklara ng Batas Militar kung may aktwal na rebelyon at ang batas military ay
kinakailangan para sa kaligtasan ng publiko.

Ayon naman sa Solicitor General, ang masidhing pag bobomba sa mga lugar na matao
ay malinaw na armadong pag-aalsa laban sa pamahalaan para na may layunin na
tanggalin ang anumang parte ng bansa o alinmang bahagi nito mula sa soberanya ng
Republika ng Pilipinas.

Subalit, nagpasya ang Korte Suprema na itaguyod ang constitutionality ng extension ng


deklarasyon ng Batas Militar at suspensiyon ng privilege of the writ of habeas corpus sa
Mindanao hanggang ika-31 ng Disyembre, taong 2019. Sinabi ng Korte Suprema na
ang rebelyon sa ilalim ng Artikulo 134 ng Kodigo Penal na:

Art. 134. Rebellion or insurrection; How 1 committed. - The crime of '


rebellion or insurrection is committed by rising publicly and taking arms
against the Government for the purpose of removing from the allegiance
to said Government or its laws, the territory of the Philippine Islands or any
part thereof, of any body of land, naval or other armed forces, depriving
the Chief Executive or the Legislature, wholly or partially, of any of their
powers or prerogatives.

Sa kaso ng Mindanao, ang rebelyon ay ang tuloy-tuloy na paggawa ng krimen na


naging udyok ng karahasan na gumagambala sa kapayapaan at kaayusan, at
nagdudulot ng seryosong pagbabanta sa seguridad ng bansa. Ang tunay na layunin ng
mga taong ito ay ang “pag-sakop sa kapangyarihan mula sa gobyerno at partikular 'para
sa layunin ng pagtanggal mula sa katapatan sa sinabi ng Pamahalaan o mga batas
nito, ang teritoryo ng Pilipinas, mga isla o anumang bahagi nito, ng anumang lupain,
hukbong-dagat o iba pang armadong pwersa, pag-aalis ng Punong Tagapagpaganap o
ng Lehislatura, ganap o bahagyan, ng alinman sa kanilang mga kapangyarihan o
kaukulang karapatan. "

You might also like