Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

G.R. No.

L-12790, 31 August 1960


JOEL JIMENEZ vs. REMEDIOS CAÑIZARES

Nag-sampa ng reklamo si Joel laban sa kaniyang asawang si Remedios para ipa-


walang bisa ang kanilang kasal dahil ang butas ng ari nito ay masyadong maliit para
maipasok ang ari ng lalaki upang makapagtalik silang mag-asawa.

Pinadalhan ng summon si Remedios para sagutin ang alegasyon ng kaniyang asawa


ngunit dhindi ito sumagot. Inatasan ng korte ang city attorney ng Zamboanga para
imbestigahan kung may naganap na sabwatan at para alamin kung ang ebidensiya ni
Joel ay totoo. Inatasan din ng korte si Remedios na sumailalim sa isang
eksaminasiyong medical ngunit hindi niya ito sinunod.

Matapos ang pagdinig ng kaso ay pinawalang-bisa ng korte ang kasal nila Joel at
Remedios. Kinontra naman ng city attorney ang desisyong ito dahil sa kawalan ng
ebidensiya na nagsasabing totoo ngang baog si Remedios dahil sa ayaw nitong
magpasuri sa doktor.

Nang iakyat ang kaso sa Korte Suprema, ang tanong na dapat masagot ay kung maaari
bang ipa-walang bisa ang isang kasal na base lamang sa testimoniya ng asawa na
nagsasabing baog ang kaniyang asawa?

Sinabi ng Kataas-taasang Hukuman na “Marriage in this country is an institution in


which the community is deeply interested. The state has surrounded it with safeguards
to maintain its purity, continuity and permanence. The security and stability of the state
are largely dependent upon it. It is the interest of each and every member of the
community to prevent the bringing about of a condition that would shake its foundation
and ultimately lead to its destruction. The incidents of the status are governed by law,
not by will of the parties.”

Malinaw ang mga batayan na kailngang patunayan para isawalang-bisa nag isang
kasal. Sa kasong ito, hindi sapat ang pagputol sa kasal nina Joel at Remedios base
lamang sa testimoniya ng isang asawa. Bagaman ang kanyang pagtanggi na suriin o
kabiguan na magpakita sa korte, gayon pa man hindi ito matutuing na pagtago ng
ebidensiya dahil ang mga kababaihan ng bansang ito ay likas na mahiyain at hindi
agad-agarang papayag sa isang pisikal na pagsusuri maliban kung napilitan sa
pamamagitan ng karampatang awtoridad.

Hindi ito magagawa ng korte nang may karahasan o piliting pagsalitain na maaaring
gamitin na ebidensya laban sa kaniya. Ang nag-iisang patotoo ng asawa na ang
kanyang asawa ay baog o walang kakayanang maikipagtalik ay hindi sapat para putulin
ang kasal ng mag-asawa.

You might also like