Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

G.R. No.

L-2474 May 30, 1951

MARIANO ANDAL, assisted by mother Maria Dueñas as guardian ad litem, and


MARIA DUEÑAS vs. EDUVIGIS MACARAIG

Nagsampa si Mariano ng kaso laban kay Emiliano na siya nang mangyari ng lupa para
mabawi ang pagmamay-ari nito. Ang lupa na ito ay ibinigay sa knaya ng kanyang ina na
si Virgilia. Sa pagkakataong iyon ay mahina na si Emiliano dahil sa sakit na
tuberculosis.

Taong 1942 nang makipag-tanan ang asawa ni Emiliano na si Maria sa kapatid niyang
si Felix. Nang sumunod na taon ay namatay si Emiliano na hindi man lang dumalaw sa
burol nito ang kanyang asawa.

Sa taon rin na iyon ay nanganak si Maria sa sanggol na si Mariano, na matatandaang


nagsampa ng kaso para bawiin ang lupa ni Emiliano.

Sinabi ni Virgilia na walang karapatan si Mariano sa mga pagmamay-ari ni Emiliano


dahil hindi niya ito kaano-ano. Sa kabilang-banda ay sinabi ni Mariano na anak siya ni
Emiliano.

Nang umakyat ang kaso sa Kataas-taasang Hukuman ay sinabi ng Korte na lehitimong


anak ni Emiliano si Mariano. Matatandaan na ipinanganak si Mariano noong ika-17 ng
Hunyo 1943, kung saan naman namatay si Emiliano noong ika-1 ng Enero 1943.
Maipagpapalagy na lehitimong anak ni Emiliano si Mariano dahil pinanganak ito sa loob
ng tatlong daang araw kasunod ng pagkakaputol ng kasal nito kay Virgilia.

Sinabi pa ng Korte na kahit na may malubhang sakit si Emiliano ng mga panahong iyon
ay hindi maaalis ang pagpapalagay na lehitimong anak ni Emiliano si Mariano.
Kailangang mapatunayan na walang posibilidad na magkita at magtalik ang mag-asawa
sa panahon bago ito nag-buntis, o kaya ito ay baog.

Hindi masasabi na kahit na may ibang naka-relasyon si Maria bago ito magdalang-tao
ay wala nang posibilidad na mkipagtalik siya sa kanyang asawa. Kaya, hindi matatanggi
na lehitimong anak nina Maria at Emiliano si Mariano.

You might also like