Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

G.R. No.

173988 October 8, 2014


FELINA ROSALDES vs. PEOPLE OF THE PHILIPPINES

Noong taong 1996, ang pitong taon na si Michael na noon ay nasa Grade 1 sa isang
elementarya sa Ilo-ilo, ay nagmamadaling pumasok ng kanilang classroom nang
aksidente niyang matamaan ang tuhod ng kaniyang guro na si Felina na natutulog sa
sofa.

Nang magising ang guro ay agad niyang pinagsabihan si Michael na humingi ng tawad
sa kaniya. Subalit, hindi ito sumunod at dumiretso na siya sa kaniyang upuan at dito na
lumapitang gurong si Felina at kinurot ang hita ng batang si Michael. Itinayo niya ito at
tinulak sa sahig. Sa pagkahulog niya sa sahig ay tumama ang ulo nito sa mesa at
biglang nawalan ng malay. Patuloy pa niyang inumpog umpog ang ulo ni Michael sa
sahig.

Pagtapos ng insidenteng ito ay nagpatuloy na sa pagtuturo ang guro. Nang


mananghalian ay sinamahan ng dalawang bata si Michael sa pag-uwi kung saan
umiiyak itong nagsumbong sa kaniyang magulang ukol sa lahat ng mga nangyari sa
eskwelahan. Nang magsumbong ang ina ni Michael sa barangay ay pinayuhan niya
itong ipatingin si Michael sa doktor at kumuha ng medical certificate.

Natagpuan nga ng doktor na may pananakit sa tenga at hita si Michael. Dagdag pa rito
ang hirap ni Michael sa paglalakad.

Sinampahan ang gurong si Felina ng child abuse sa Regional Trial Court ng Ilo-ilo dahil
sa pagmamaltrato nito sa bata. Hinatulan ng guilty si Felina sa kasong ito ng mababang
korte. Inakyat ito sa Court of Appeals na pinagtibay lamang ang hatol na ito.

Nang i-akyat ang kaso sa Kataas-taasang Hukuman ay hindi binago ng Korte ang hatol
at sinabing napatunayan ng prosekusiyon ang ginawang pagmamaltrato o child abuse
kay Michael.

Sa ilalim ng Republic Act 7610, ang isang akusado ay masasabing nagkasala kung
gumawa ito ng alin sa mga sumusunod:

(1) Psychological and physical abuse, neglect, cruelty, sexual abuse and
emotional maltreatment;
(2) Any act by deeds or words which debases, degrades or demeans the
intrinsic worth and dignity of a child as a human being;
(3) Unreasonable deprivation of his basic needs for survival, such as food
and shelter; or
(4) Failure to immediately give medical treatment to an injured child
resulting in serious impairment of his growth and development or in his
permanent incapacity or death.
Sa kasong ito ay masasabing ang pagdidisiplina ni Felina ay isang ako na “debases,
degrades or demeans the intrinsic worth and dignity of a child as a human being”, o
nagpababa sa sa tunay na halaga at dignidad ng isang bata bilang isang tao.

You might also like