Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

1.

Magsaliksik ng iba pang halimbawa ng multinational at transnational


companies sa Pilipinas gamit ang aklat at internet.

 Jollibee Food Corporation


 San Miguel Corporation
 SM Investment Corporation
 Petron Corporation
 Manila Electric Company
 Nestle Philippines Incorporated
 Mercury Drug Corporation
 Chevron Holdings Incorporated
 Philippine Long Distance Telephone Company
 Pilipinas Shell Petroleum Corporation
 Philippine Associated Smelting and Refining Corporation
 Goldilocks Philippines
 Ayala Corporation
 Megaworld Corporation’
 Metro Pacific Investments Corporation
 Puregold Price Club Incorporated
 SM Prime Holdings
 LT Group Incorporated
 Globe Telecom Incorporated
 Alliance Global Group Incorporated
 GT Capital Holdings Incorporated

2. Tukuyin alin sa mga ito ang may operasyon sa ating bansa at kung ito ay
may kakompetensyang local na namumuhunan.

 Ang lahat ng nabanggit ay may operasyon sa ating bansa at ang


bawat isa sa mga nabanggit na MNC ay may mga kakompetensyang
local na namumuhunan.
3. Sa pangkabuuan, nakabubuti o nakasasama ba ang mga pagbabagong
nabanggit? Pangangatwiran.

 Nakatutulong ang mga ito sa pag-unlad ng bansa sa kadahilanang


dumadami ang mga produkto o serbisyo ang napagpipilian kung saan
nakalilikha ito ng mga trabaho na maaaring makatulong sa pag-unlad
ng bansa.
 Natutulungan nito na umunlad ang bansa sa pamamagitan ng
pamamahagi ng mga serbisyo at produkto na nakatutulong sa
pagbibigay ng trabaho sa mga tao kung saan nabibigyan din ng
kaukulang pera ang pamahalaan dahil dito.

Isa isahin at ipaliwanag ang mabuti at di mabuting epekto ng MNCs at


TNCs sa ekonomiya ng bansa

Dahil sa pagbubukas ng ekonomiya at kalakalan ng bansa sa mga


dayuhang mangangalakal at mamumuhunan, lumago ang bilang ng mga
dayuhang kompanya na umiiral sa bansa, partikular na ng mga tinatawag
na multi-national companies (MNCs) at transnational companies (TNCs).

Kaalinsabay ng mga mabubuting epekto na hatid ng mga ito, tulad ng


dagdag trabaho, mayroon din itong mga masasamang epekto, tulad ng
mga sumusunod:

1. Mababang kita ng pamahalaan mula sa mga TNCs at MNCs dahil sa


mga umiiral na tax exemptions.

2. Hindi maaayos na pagtrato sa mga manggagawa.

3. Naapaakan ang mga maliliit na negosyo at negosyante

4. Hindi pantay at makatarungan na pagpapasahod sa mga manggagawa.

5. Karapatan na mag-may-ari ng mga lupain at murang pagbili ng mga


hilaw na materyales.
Ano ang mabuti at di mabuting epekto ng Multinational companies at
Transnational companies sa ekonomiya ng bansa?

Mga Mabuting Epekto ng MNC at TNC:

1. Nagkaroon ng karagdagang trabaho ang mga Pilipino.

2. Nabago ang dinamiko (oras, sistema, istruktura) ng paggawa sa


maraming kompanya.

3. Ang lengguwaheng English ang isa sa pangunahing wika na madali sa


mga Pilipino

4. May magandang epekto sa paglago ng ekonomiya ng bansa (GDP)

5. Malaki ang naitulong ng pagdagsa ng makabagong gadget sa bansa


kaya madaling makasabay ang mga Pilipino sa mga sebisyong on-line.

6. Gumagaling ang mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya at


impormasyon

Mga hindi mabuting epekto ng mga MNC at TNC:

1. Humihina o bumababa ang paglago ng sektor ng agrikultura.

2. Kalimitan ay may mga kapitalistang mababa ang pagpapasweldo

3. Pabagu-bago ang paggawa sa bansa

4. Naapektuhan ang kalusugan ng maraming manggagawang


namamasukan partikular ang mga call center agents.

You might also like