Professional Documents
Culture Documents
Karunungang Bayan
Karunungang Bayan
Ito ay isang sangay ng panitikan kung saan nagiging daan upang maipahayag ang
mga kaisipan na nakapapabilang sa bawat kultura ng isang tribo. Mayaman na tayo sa
mga karunungang bayan bago pa man dumating ang mga Kastila dito saating bansa.
I. Salawikain
halimbawa:
1. Ang maniwala sa sabi-sabi walang bait sa sarili.
2. Hamak mang basahan , may panahong kailangan.
3. Kung ikaw ay may ibinitin mayroon kang titingalain.
4. Kung sino ang matiyaga, siyang nagtatamo ng pala.
5. Sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
II. Sawikain
Halimbawa:
III. Bugtong
Ito ay binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat at tugma. Ang
pantig naman nito ay maaaring apat hanggang labindalawa. Paborito itong libangan ng
ating mganinuno, maging hanggang sa ngayon.
Halimbawa:
1. Hinila ko ang baging, nagkakara ang matsing.
(Kampana)
2. Kambal ngunit hindi magkakilala, hindi rin nagkikita.
(Tenga)
3. Kapag busog ay nakatuyo, kapag gutom ay nakayuko.
(Sako)
4. Ang dalawa ay tatlo na, ang maitim ay puti na, ang bakod ay lagas na.
(Matanda)
5. Lumalalim kung bawasan, bumababaw kung dagdagan.
(Tapayan)
6. Sa bukid nagsaksakan, sa bahay nagbunutan.
(Amorseko)
7. May binti walang hita, may tuktok walang mukha.
(Kabute)
8. Hindi sa akin, hindi sa iyo pag aari ng lahat ng tao.
(Mundo)
IV. Palaisipan
Noon pa man ay may matatawag ng palaisipan ang ating mga ninuno. Ito ay isang
paraan para upang tumalas angisipan ng mga mag aaral. Gumigising ito sa isipan ng
tao upang bumuo ng isang kalutasan sa suliranin. Ang palaisipan ay nasa anyong
tuluyan.
Halimbawa:
1. Paano tatawa ang dalaga nang hindi makikita ang kanyang ngipin?
(Tatakluban ng palad ang bibig.)
2. May isang prinsesa na sa isang tore nakatira. Ang balita'y mayroong pambihirang
ganda. Bawal tumingala upang siya'y makita. Ano ang gagawin ng binatang sumisinta?
(Kunwari'y iinom ng tubig para makatingala)
3. May isang bola sa lamesa. Tinakpan ito ng sombrero. Paano makukuha ang bola ng
hindi manlang nagagalaw ang sombrero.
(Butas ang tuktok ng sombrero.)
Polytechnic University of the Philippines
Unisan Branch
Unisan, Quezon
Karunungang Bayan
Submitted By:
Alcantara, Marife F
Rabe, Gleizalyne L.
BEED III
Submitted To:
Prof. Ednalyn G. Pureza