Ang Munting Ibon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 17

ANG MUNTING IBON

Noong unang panahon, may mag-asawang nanininrahan sa malayong bayan ng Agamaniyog. Sila sina Lokes a
Babay at Lokes a Mama. Pangangaso ang ikinabubuhay ng mag-asawa subalit hindi lang ang lalaking si Lokes a
Mama ang nangangaso kundi maging ang kanyang maybahay na si Lokes a Babay. Bago sumapit ang takipsilim
ay inilalagay na ng mag-asawa ang kani-kanilang bitag sa gubat at ang mga ito’y kanilang binabalikan sa
madaling araw.

Isang gabi, habang nahihimbing si Lokes a Babay ay dahan-dahang lumabas ng bahay si Lokes a Mama upang
tingnan ang kanilang mga bitag. Anong laking gulat niya nang makitang ang kanyang bitag na nakasabit sa puno
ay nakahuli ng isang munting ibon samantalang ang bitag ng kanyang asawang nasa lupa sa tabi ng ugat ng isang
malaking puno ay nakahuli ng isang malusog na usa. “Hmmm, hindi maaari ito,” ang sabi ni Lokes a Mama sa
sarili. “Matabang usa ang nahuli ng bitag niya samantalang ang sa aki’y isang munting ibon lang ang nadale.
Alam ko na. Pagpapalitin ko ang mga hayop na nahuli ng aming mga bitag,” ang nakangising wika ni Lokes a
Mama habang inililipat ang usa sa kanyang bitag at saka itinali ang ibon sa bitag ng asawa. Umuwi si Lokes a
Mama nang nasisiyahan sa kanyang ginawa kahit alam niyang isang panloloko ito sa kanyang asawa.

Kinabukasan, maagang ginising ni Lokes a Mama ang asawa. Gusto niya kasing sabay silang magtungo sa
kagubatan upang sabay ring Makita ang mga huli ng kani-kanilang mga bitag. Gulat na gulat si Lokes a Babay
nang makita ang matabang using nakasabit sa bitag ng asawang nasa itaas ng puno samantalang ang kanyang
bitag na nasa tabi ng puno ay nakahuli lang ng isang maliit na ibon. Ipinagtataka niya kung paanong ang bitag na
nasa itaas ng puno ang nakahuli ng isang usa subalit hindi na lang siya kumibo. Sa halip, iniuwi niya ang
munting ibon at inilagay ito sa isang hawla.

Samantalang, iniuwi naman ni Lokes a Mama ang kanyang huli at saka iniluto. Umaamoy sa kapaligiran ang
nakakagutom na amoy ng nilulutong usa subalit nang handa na’y agad itong nilantakan ng lalaki nang hindi man
lang nag-alok sa kanyang asawa. Sinolo niyang kainin ang buong usa sa loob ng tatlong araw kahit alam niyang
gusto rin ito ng kanyang asawa. Isa pa’y ang bitag naman talaga ni Lokes a Babay ang totoong nakahuli sa usa.
Likas siyang maramot at walang pagpapahalaga sa asawa kaya hanggang sa maubos ang usa ay hindi niya
binigyan si Lokes a Babay na nanatiling walang kibo sa kabila ng ginagawa ng asawa.

Nang maubos niya ang nilutong usa ay muling niyaya ni Lokes a Mama ang asawa. “Gusto ko uling makatikim
ng matabang usa. Halika, maglagay tayong muli ng bitag sa gubat,” ang kanyang paanyaya sa asawa. Muli,
naglagay ang dalawa ng kani-kanilang mga bitag. Subalit hindi marunong umakyat ng puno si Lokes a Babay at
dahil hindi man lang siya tinulungan ni Lokes a Mama ay inilagay na lang niya uli ang kanyang bitag sa tabi ng
puno kung saan siya dating naglalagay.

Hatinggabi nang mamalayan ni Lokes a Babay ang kanyang asawang bumangon at dahan-dahang lumabas ng
pinto. Nagkunwari siyang tulog. Matalinong babae si Lokes a Babay at nahulaan niya ang ginagawa ng asawa.
Subalit wala siyang intensyong sundan ito. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan”, ang
tahimik niyang naibulong sa sarili at saka niya pinilit makatulog kahit pa siya’y nagdaramdam sa ginagawang
pagtrato sa kanya ng asawa.

Nang siya’y makatulog ay nanaginip siya. Napanaginipan niyang pinakakain daw niya ng palay ang kanyang
alaga at anong laking gulat niya nang mangitlog ito ng isang montias o isang mamahaling hiyas.

Nagising na lang siya dahil tinatawag na pala siya ni Lokes a Mama para tingnan ang kanilang mga bitag. Subalit
wala na siyang interes sa bitag. “Ikaw na lang ang pumunta,” ang sabi niya sa asawa. “Masakit ang ulo ko at mas
gusto ko pang magpahinga na lang.” ang dugtong pa niya.

“Bahala ka. Basta’t pag may nahuli ako ay hindi uli kita bibigyan. Kanya-kanya tayo,” ang sabi ni Lokes a
Mama habang pababa ng hagdan. Hindi sumagot si Lokes a Babay. Sanay na siya sa pagiging tuso at madamot
ng kanyang asawa. Wala rin itong pagpapahalaga sa kanya at hindi niya naramdamang mahal siya nito.
Pagkaalis ng kanyang asawa ay agad niyang pinuntahan ang kanyang munting ibon. Kumuha siya ng palay at
ipinatuka sa ibon. Gayon na lang ang kanyang panggigilalas nang makitang pagkalunok nito sa palay ay biglang
nangitlog ng isang maningning na diyamante ang ibon. Dinampot niya ang diyamante. “Mayaman na ako!
Mayaman na ako!” ang paulit-ilit niyang sabi sa sarili habang itinatago ang mamahaling bato.

Tulad ng dati, pag-uwi ng kanyang asawa ay iniluluto nito ang kanyang huli at mag-isang kumakain nang hindi
man lang nag-aalok. Subalit hindi na ito pansin ni Lokes a Babay ngayon. Sa halip ay masaya siyang humuhuni
ng paborito niyang himig habang gumagawa sa bahay na labis namang ipinagtataka ng kanyang asawa.

Araw-araw nga, pagkaalis ng kanyang asawa upang kunin ang anumang nahuli ng kanilang bitag ay pinakakain
naman niya ng palay ang ibon at saka mag-aabang sa ilalabas nitong diyamante. Walang kamalay-malay si Lokes
a Mama na marami na palang naiipong diyamante si Lokes a Babay.

Isang araw, habang mag-isa na namang kinakain ni Lokes a Mama ang kanyang inilutong huli ay nagsalita si
Lokes a Babay. “Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin. Alam ko na ang ginagawa mong panloloko sa
akin. Bukod pa riyan hindi ko na rin kayang tiisin ang pagiging maramot mo at kawalan mo ng pagpapahalaga sa
akin,” ang buong kapaitan niyang sabi sa asawa na hindi man lang tumingala mula sa pagngasab sa niluto niyang
ligaw na pato. “Payag na ako sa dati mo pang sinasabing pakikipaghiwalay sa akin. Magmula ngayon, lilipat na
ako ng tirahan at hindi na kita aabalahin subalit huwag na huwag mo na rin akong aabalahin.” ang pangwakas na
sabi ni Lokes a Babay.

Medyo nakonsensya naman ang lalaki dahil totoong lahat ang sinabi sa kanya ng asawa. Pero ito na ang
pinakahihintay niyang pagkakataon. Ngayon ay Malaya na siya. Matagal na niyang sinasabi kay Lokes a Babay
na gusto niyang makipaghiwalay subalit hindi ito pumapayag. Ngayon ay heto at pumapayag na siya sa kanyang
kagustuhan.

Nag-impake si Lokes a Babay ng kanyang mga gamit at dala ang pinakamamahal niyang ibon at umalis siya ng
bahay. Naiwan naman si Lokes a Mama at ipinagpatuloy lang ang kanyang pangangaso.

Samantala si Lokes a Babay ay bumili ng isang malawak na lupain at nagpatayo ng isang torogan o
malapalasyong tahanan. Kumuha siya ng mga guwardiya at mga katulong na magsisilbi sa kanya. Naging
maayos at masagana ang kanyang pamumuhay. Nabalitaan ni Lokes a Mama ang napakagangdang kalagayan sa
buhay ng kanyang dating asawa kaya’t muli siyang nagplano.

“Babalikan ko si Lokes a Babay para makasalo rin ako sa kanyang kayamanan. Hindi ko alam kung saan niya
kinuha ang kanyang kayamanan subalit dapat lang na makinabang din ako,” ang sabi sa sarili ng tusong lalaki.

Subalit napaghandaan na pala ito ni Lokes a Babay. Kilala niya kasi ang pagiging tuso at manloloko ng asawa
kaya’t pinabilinan niya ang kanyang mga guwardiya na huwag na huwag itong palalapitin man lang sa kanyang
magarang tahanan. Kahit anong gawin ni Lokes a Mama ay hindi na nagpaloko sa kanya ang asawa.

At magmula noon, namuhay sa bayan ng Agamaniyog si Lokes a Babay nang maligaya, masagana, at payapa.

NATALO RIN SI PILANDOK


Kilala si Pilandok sa kanyang pagiging tuso at mapanlinlang. Katunayan, madalas na panlilinlang o panloloko
ang ginagamit ni Pilandok sa kanyang mga laban kaya naman lagi siyang nananalo. Subalit sa pagkakataong ito,
bumalik sa kanya ang mga nagawa niyang panloloko o panlilinlang kaya siya naman ang natalo. Sino kaya ang
hayop na nakatalo sa kanya. Isa kaya itong malaki at makapangyarihang hayop? At sa paanong paraan kaya niya
natalo ang Pilandok? Halina’t iyong alamin.
Isang hapon, mainit ang sikat ng araw kaya’t nagpasya ang matalinong pilandok na magpunta sa paborito niyang
malinaw na batis upang doon magpalamig at uminom. Isang malaki at gutom na gutom na baboy-ramo pala ang
nakatago sa gilid ng malalabay na puno at naghihintay ng anumang darating na maaaring makain. Nang makita
niya ang pilandok ay agad na nagningning ang kanyang mga mata. Mabilis siyang lumabas at humarang sa
daraanan ng pilandok. “Sa wakas, dumating din ang aking pagkain. Gutom na gutom na ako sa maghapong hindi
pagkain, Pilandok, kaya’t humanda ka na dahil ikaw ngayon ang aking magiging hapunan,” ang tatawa-tawang
sabi ng baboy-ramo. Kitang-kita ng pilandok ang matutulis na ngipin at pangil na baboy-ramo.

Takot na takot ang pilandok dahil alam niyang sa isang sagpang lang sa kanya ay tiyak na magkakalasog-lasog
ang kanyang payat na katawan subalit hindi siya nagpahalata. “Kawawa ka naman baboy-ramo, maghapon ka na
palang hindi kumakain,” ang sabi na tila awing-awa nga sa kalagayan ng kausap. “Puwede mo nga akong
maging pagkain pero alam mo, sa gutom mong iyan at sa liit kong ito, tiyak na hindi ka mabubusog sa akin.”
Ang dugtong pa nito.

“Kung gayon, ano ang gagawin ko? Gutom na gutom na ako!” ang malakas na sigaw ng baboy-ramo.

“Ha! Matutulungan kita riyan, Baboy-ramo,” ang sabi ni Pilandok habang mabilis na nag-iisip. “Tao, tao ang
dapat mong kainin para mabusog ka. Sasamahan kita sa paghahanap ng isang taong tiyak na makabubusog sa
iyo”. ang paniniyak nito.

“Ano ba ang tao? Tiyak ka bang mabubusog ako sa tao?” ang tanong ng baboy-ramo.

“Ang tao ang pinakamalakas na hayop sa buong mundo,” ang sagot naman ng pilandok.

“Mas malakas pa kaya sa akin?” ang tanong ng baboy-ramo habang hinihipan at pinalalaki ang kanyang dibdib.

“Oo, malakas talaga ang tao subalit sa talas ng iyong mga ngipin at pangil, at sa bilis mong tumakbo, tiyak na
kayang-kaya mong sagpangin at kainin ang tao,” ang pambobola pa ng pilandok sa baboy-ramo.

Nahulog na nga ang baboy-ramo sa bitag ng pilandok. Paniwalang-paniwala ito sa kanyang matatamis na
pananalita. “Kung gayon, samahan mo na ako sa tao at nang ako’y makakain na. Basta’t tandaan mo, kapag hindi
ako nakakain ng tao ay ikaw pa rin ang magiging hapunan ko,” sabi ng baboy-ramo sa pilandok.

“Oo, basta, ako ang bahala sa iyo. Tiyak na mabubusog ka, kaibigan,” ang paniniyak pa ng pilandok sa baboy-
ramo.

Naglakad-lakad nga ang dalawa sa kagubatan hanggang sa mapunta sila sa isang talon. Nakarinig sila ng tinig ng
isang batang tila tuwang-tuwa sa paglangoy. Nakita nila ang isang batang lalaking nagtatampisaw sa batis na
nasa ibaba ng talon. “Iyan, iyan na ba ang tao? Susunggaban at kakainin ko na,” ang mabilis na sabi ng baboy-
ramo.

“Kaibigan, hindi pa iyan ang tao. Sumisibol pa lang iyan kaya’t hindi ka pa masisiyahan diyan,” ang sagot ng
pilandok.

“Kung gayon, saan natin makikita ang taong gagawin kong hapunan?” ang naiinip nang tanong ng baboy-ramo.

“Doon, sag awing hilaga,” ang sagot ng pilandok.

Nakakita sila ng isang taniman ng mga kamote. May isang matandang lalaking nagtatanim. Nakabaluktot na ang
likod niya at nakalalakad na lamang sa tulong ng baston.

“Iyan na ba? Iyan na ba ang taong gagawin kong hapunan? Ayoko niyan, payat at ni hindi ako matitinga riyan,”
ang sabi ng baboy-ramo.
“Tama ka, kaibigan. Payat masyado iyan at hindi ka mabubusog diyan. Tira-tirahan na lang iyan. Hindi iyan
nababagay sa isang matikas na baboy-ramong tulad mo,” ang muling sabi ng pilandok.

Galit na ang baboy-ramo.” Kung gayon, saan ko makikita ang taong kakainin ko? Gutom na gutom na ako!
Niloloko mo lang yata ako eh. Ikaw na lang ang kakainin ko!” ang gigil na sabi nito sa pilandok.

“Huwag! Huwag, kaibigan. Hayun na, hayun na ang taong laan para sa iyong hapunan,” ang sabi ng pilandok
sabay turo sa isang matikas at matangkad na mangangasong naglalakad sa gilid ng gubat.

“Tiyak na mabubusog ka riyan dahil malaman iyan at tiyak, hindi mo na gugustuhin pang kumain ng isang
munting hayop na tulad ko pagkatapos mo siyang makain,” ang nakangising sabi ng pilandok.

“Tama ka, Pilandok. Ito na nga ang hapunan ko,” ang sigaw ng baboy-ramo sabay sugod sa nabiglang
mangangaso. Subalit nabigla man at natumba ang mangangaso ay mabilis pa rin itong nakabangon at napaputok
ang dalang ripple kaya’t tinamaan ang baboy-ramo.

Nakahinga nang maluwag ang tusong Pilandok. Ngayon siya nakadama ng matinding uhaw kaya’t naisip niyang
muling bumalik sa batis upang ipagpatuloy ang naputol na pag-inom. Tahimik na umiinom ang pilandok nang
bigla niyang maramdamang may sumunggab sa kanyang isang paa. Paglingon niya ay nakita niya ang buwayang
makailang beses na niyang nalinlang. Alam niyang galit sa kanya ang buwaya pero galit din siya rito dahil sa lagi
siyang pinipigilang umiinom sa batis.

Sa halip na magsisigaw sa sakit ay mabilis na umisip ng solusyon ang matalinong pilandok. “Hay naku, kawawa
naman ang buwayang ito. Hindi niya makilala ang pagkakaiba ng patpat sa paa ng isang usa,” ang tila nang-
uuyam na sabi ng pilandok.

Subalit hindi siya binitawan ng buwaya. Sanay na kasi itong naiisahan ni Pilandok kaya ngayon ay natuto na
siya. Baka isa na namang patibong ito ng pilandok.

Subalit hindi tumigil doon ang pilandok. “Buwaya, bulag ka ba? Patpat lang ang kagat-kagat mo. Heto ang paa
ko, o,” ang malakas na sabi niya sabay taas sa isang binti. Biglang binitawan ng buwaya ang kagat-kagat nap aa
ng pilandok. Akmang susunggaban n asana nito ang isang paang itinaas ng pilandok nang mabilis itong
makalundag palayo. Sising-sisi ang buwaya, naisahan na naman siya ng matalinong pilandok

Habang naglalakad pauwi ang pilandok ay nasalubong niya ang isang suso. Dahil maliit ang suso ay naisip ng
Pilandok na kayang-kaya niyang magyabang dito. Hinamon niya ang suso sa isang karera at anong laking gulat
niya nang pumayag ang suso at nagsabi pa itong kayang-kaya niyang talunin ang pilandok.

Ang hindi alam ng pilandok ay kalat na kalat na sa kaharian ng mga hayop ang kanyang pagiging tuso o
mapanlinlang kaya’t napaghandaan na ang suso ang araw na siya naman ang maaring pagdiskitahan ng pilandok.
Kinausap na niya ang kanyang mga kapatid. Magkakamukha sila at aakalain mong iisang suso lang sila dahil sa
kanilang parehong-parehong itsura.

Nagsimula na nga ang karera. Agad umarangkada at tumakbo nang ubod bilis ang pilandok. Subalit paghinto
niya sa kalagitnaan upang silipin kung nasaan na ang kalaban ay anong laking gulat niya nang magsalita ang
suso. “O, ano Pilandok, pagod ka na ba?” ang tanong nito. Gulat na gulat sa kung paanong nagawa ng suso na
mauna pa sa kanya kaya’t mabilis na tumakbo uli ang pilandok hanggang sa makarating sa dulo ng karera nang
halos lumawit ang dila sa pagod. Subalit, hayun at nauna na naman ang suso na ipinagbubunyi na ng ibang mga
hayop bilang nagwagi. Hindi makapaniwala ang pilandok na natalo siya ng isang suso. Natalo niya ang mabangis
na baboy-ramo, natalo niya ang malaki at mahabang buwaya, minsa’y naisahan na rin niya ang isang matalinong
sultan subalit, heto, siya naman ngayon ang natalo ng isang munting suso. Kinamayan niya ang suso at buong
pagpapakumbaba niyang sinabi,”Suso, kung sa paanong paraan mo man ginawa iyon, tinatanggap kong tinalo
mo ako.

Matalino ka nga. Binabati kita at dahil diyan, ipinangangako kong iiwasan ko na ang ginagawa kong
panlalamang sa kapwa.” Muling nagbunyi ang mga hayop sa nakarinig kay Pilandok.

Indarapatra at Sulayman (Epikong Mindanao)

Noong unang panahon ay may isang dakilang hari. Siya ay si Indarapatra, hari ng Mantapuli. Ang Mantapuli ay
matatagpuan sa bahaging kanluran ng Mindanao, doon sa malayong lupain kung saan ang araw ay lumulubog. Si
Indarapatra ay nagmamay-ari ng isang makapangyarihang singsing, isang mahiwagang kris at isang mahiwagang
sibat. “Hinagud, aking sibat, magtungo ka sa bahaging silangan at lupigin moa ng aking mga kaaway!” ang
makapangyarihang utos ng hari. Pagkatapos magdasal, inihagis niya ang sibat na si Hinagud nang ubod lakas.
Nang makarating na ito sa Bundok Matuntun, agad na bumalik ito sa Mantapuli at nag-ulat sa kanyang hari.

“Aking dakilang hari, maawa kayo sa mga taga Maguindanao. Sila’y pinahihirapan at kinakain ng mga walang
awing halimaw. Sinisira ng mga halimaw ang kanilang mga pananim at ang mga kabahayan. Binabalot ng mga
kalansay ang kalupaan!” ulat ni Hinagud.

Nagalit si Indarapatra sa narinig. “Sino ang mga halimaw na iyon na walang awing pumapatay sa mga walang
kalaban-laban na mga taga-Maguindanao?” galit na tanong ni Indarapatra.

“Ang una po ay si Kuritang maraming paa at ganid na hayop sapagkat sa pagkain, kahit limang tao’y kayang
maubos,” sagot ni Hinagud. “Ang ikalawa’y si Tarabusao. Isa siyang halimaw na mukhang tao na nakatatakot
pagmasdan. Ang sinumang tao na kanyang mahuli’y agad niyang kinakain. Ang ikatlo’y si Pah, isang ibong
malaki. Ang bundok ng Bita ay napadidilim sa laki ng kanyang mga pakpak. Ang lahat ng tao’y sa kweba na
naninirahan upang makaligtas sa salot. Ang ikaapat ay isa pang ibon na may pitong ulo, si Balbal. Walang
makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na mata pagkat maaari niyang matanaw ang lahat ng tao.” Sunud-
sunod na paliwanag ni Hinagud.

Nang marinig ito ni Indarapatra, nagdasal siya at inutusan ang kapatid na si Sulayman, ang pinakadakilang
mandirigma ng kaharian. “Mahal kong kapatid, humayo kayo at tulungan ang mga taga-Maguindanao. Heto ang
aking mahiwagang singsing at si Juru Pakal ang aking mahiwagang kris. Makakatulong sa iyong pakikidigma
ang mga ito.” Kumuha si Indarapatra ng isang batang halaman at ipinakiskis niya ang singsing na ibinigay kay
Sulayman sa halaman at kanyang sinabi,”Ang halamang ito ay mananatiling buhay habang ikaw ay buhay at
mamamatay ito kung ikaw ay mamamatay.”

At umalis si Sulayman sakay ng kanyang vinta. Lumipad ang vinta patungong silangan at lumapag sa
Maguindanao. Biglang dumating si Kurita. Biglang tumalon si Juru Pakal, ang mahiwagang kris, at kusang
sinaksak si Kurita. Taas-baba si Juru Pakal hanggang mamatay si Kurita.

Pagkatapos nito ay kinalaban naman si Tarabusao. “Lisanin mo ang lugar na ito, kundi ay mamamatay ka!” ang
malakas na utos ni Sulayman.

“Lisanin ang lugar na ito! Nagkasala ang mga taong ito at dapat magbayad!” sagot ni Tarabusao.

“Narito ako upang tapusin na ang inyong kasamaan”” ang matapang na sabi ni Sulayman.

“Matalo man ako, mamamatay akong martir!” sagot ni Tarabusao. Naglaban sila at natalo ni Sulayman si
Tarabusao.
Naglakad si sulayman sa kabilang bundok upang sagupain si Pah. Ang bundok Bita ay balot ng mga kalansay at
ng mga naaagnas na bangkay. Biglang dumating si Pah. Inilabas ni Sulayman si Juru Pakal at pinunit nito ang
isang pakpak ni Pah. Namatay si Pah ngunit nahulog ang pakpak nito kay Sulayman. Namatay si Sulayman.

Sa Mantapuli, namatay ang tanim na halaman ni Indarapatra. Agad siyang nagtungo sa Maguindanao at hinanap
ang kapatid. Nakita niya ito at siya’y nagmakaawa sa Diyos na buhayin muli ang kapatid. Tumagis siya ng
tumangis at nagdasal kay Allah.

Biglang may bumulwak na tubig sa tabi ng bangkay ni Sulayman. Ipinainom ito ni Indarapatra kay Sulayman at
biglang nagising pagkainom. “Huwag kang umiyak, aking kapatid, nakatulog lang ako nang mahimbing,” sabi ni
Sulayman. Nagdasal sila Indarapatra at Sulayman upang magpasalamat sa Diyos. “Umuwi ka na, aking kapatid,
at ako na ang tatapos kay Balbal, ang huling halimaw,” utos ni Indarapatra. Umuwi si Sulayman at nagtungo si
Indarapatra sa Bundok Guryan at doon nakipaglaban kay Balbal.

Isa-isang pinutol ni Indarapatra ang mga ulo ni Balbal hanggang isa na lamang ang natira. Dahil ditto, lumisan si
Balbal na umiiyak. Inakala ni Indarapatra na namatay na si Balbal habang tumatakas. Ngunit ayon sa matatanda
ay buhay pa si Balbal at patuloy na lumilipad at humihiyaw tuwing gabi.

Pagkatapos ng labanan, naglakad si Indarapatra at tinawag ang mga taong nagsipagtago sa kweba ngunit walang
sumasagot. Naglakad siya nang naglakad hanggang siya’y magutom at mapagod. Gusto niyang kumain kaya’t
pumulot siya ng isda sa ilog at nagsaing. Kakaiba ang pagsasaing ni Indarapatra. Inipit niya ang palayok sa
kanyang mga hita at umupo siya sa apoy upang mainitan ang palayok. Nakita ito ng isang matandang babae.
Namangha ang matandang babae sa taglay na kagalingan ni Indarapatra. Sinabihan ng matanda na maghintay si
Indarapatra sa kinalalagyan sapagkat dumaraan doon ang prinsesa, ang anak ng raha. Umalis ang matandang
babae dala ang sinaing ni Indarapatra.

Paglipas ng ilang sandali ay dumaan nga ang prinsesa at nakuha ni Indarapatra ang tiwala nito. Itinuro ng
prinsesa kung saan nagtatago ang ama nito at nalalabi sa kaharian nila. Nang Makita ni Indarapatra ang raha,
inialay ng raha ang kanyang pag-aari kay Indarapatra. Ngunit tinanggihan ito ni Indarapatra bagkus kanyang
hiningi ang kamay ng prinsesa.

Sa maikling panahong pananatili ni Indarapatra sa Maguindanao, tinuruan niya ang mga tao kung paano gumawa
ng sandata. Tinuruan niya kung paano maghabi, magsaka, at mangisda. Pagkalipas ng ilang panahon pa,
nagpaalam si Indarapatra. “Tapos na ang aking pakay rito sa Maguindanao. Ako ay lilisan na. Aking asawa,
manganak ka ng dalawa, isang babae at isang lalaki. Sila ang mamumuno rito sa inyong kaharian pagdating ng
araw. At kayong mga taga-Maguindanao, sundin ninyo ang aking kodigo, batas, at kapangyarihan. Gawin ang
aking mg autos hanggang may isang mas dakilang hari na dumating at mamuno sa inyo,” paalam ni Indarapatra.

PAGISLAM

Napaangat sa pagkakasandig sa pasimano ng bintana ang ulo ni Ibrah nang maramdaman niya ang rumaragasang
yabag ni Tarhata, ang kanyang kapatid. Kipkip nito ang ilang baru-baruan patungo sa silid na pinagmulan ng
nag-iihit ngunit maliit na tinig ng pag-iyak, batid ni Ibrah na dumating na... dumating na ang kanyang
pinakahhihintay. Parang gusto niyang lumundag. Lalaki kaya? Babae kaya? Kung lalaki ay... Hindi na niya
napigil ang kanyang sarili. Napasugod siya. Totoong sabik na sabik siyang makita ang bata at si Aminah.
"Lalaki! At malusog na malusog!" mataginting na wika ng panday
habang binibihisan ang bagong silang na sanggol.

"Oh! Aminah, wala na akong mahihiling pa kay Allah. Dininig din niya ang ating panalangin," wika
niyang sabay haplos sa pawisang noo ng asawa.
Ipinukol ni Ibrah ang nananabik na paningin sa sanggol na hawak pa rin
ng panday. Gayon na lamang ang kanyang kagalakan nang makita niyang parang nagpupumiglas ang sanggol sa
pag-iiyak. "Makisig at lalaking-lalaki talaga ang aking anak. Manang-
mana sa kanyang ama," bulong sa sarili ni Ibrah. Nasa gayong pagmamalaki sa sarili si
Ibrah nang marinig niyang may sinasabi ang kanyang ina. "Mas mainam
siguro kung susunduin mo na ang Imam upang maisagawa na ang bang."
Hindi na pinakinggan ni Ibrah angiba pang sasabihin ng ina. Magaan ang loob na tinungo niya ang tirahan ni
Imam. Masayang ibinalita niya sa Imam ang panganganak ng asawa at magalang nainimbita ito para sa
seremonyang dapat isagawa para sa isang bagong silang na anak ng Muslim. Ikinagagalak itong Imam at dali-
daling hinagilap ang kanyang dasalan para sa gagawing seremonya.

Tahimik na nakamasid ang mga kasambahay ni Ibrah habang banayad na ibinulong ng Imam sa kanang
tainga ng sanggol ang bang. "Allahu Akbar,
Allabu Akbar
Allahu Akbar, Allabu Akbar
Ash-hadu, Allah la Ilaaha
Ash-hadu, Allah la Ilaaha
Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah
Wa ash-hadu, Anna Mohammadur Rasullallah.
... ang magandang aral niya."
"Ngayon isa ka nang ganap na alagad ni Allah, nawa'y panatilihin mo ang
magagandang aral niya," dugtong pa ng Imam.

"Kailan naman ang paggugunting?" nakangiting tanong ng imam.


"Tulad po ng nakaugalian, pitong araw mula ngayon," sagot ni Ibrah.
Masuyong inalalayan ni Ibrah ang Imam sa pagbaba at inihatid ito sa
kanyang tirahan. Ang sumunod na araw ay lubhang naging abala para sa
mag-asawa. Totoong di nila maatim na ang kauna-unahang bunga ng kanilang palad ay hindi pa mahandugan ng
buo nilang kaya. Ilang araw bago sumapit ang
paggunting, napag-usapan ng mag-asawa ang ipapangalan sa anak. "Ano kaya ang
mabuting ipangalan sa ating anak?" sabik na tanong ni Ibrah kay Aminah. "Kaygandang
pangalang Abdullah. Bagay na bagay talaga sa ating anak," pagmamalaki ni Ibrah.

At sumapit ang araw ng paggunting. Sa bahay ay marami nang tao; halos naroon nang lahat ang mga
kapitbahay na tutulong. Maaga pa’y kinatay na ni Ibrah at ilang katulong ang limang kambing na sadyang
inihanda bilang alay at pasalamat sa pagkakaroonnila ng supling. Samantala, angkababaihan nama’y abala sa
pag-aayos ng hapag-kainan at paghahanda ng masasarap na kakainin para sa mga panauhin.
Ilang sandal pa’y dumating na ang Imam at ibang pandita. Sa saliw ng Balyanji, isang katutubong awit,
sinimulan na ang paggunting. Lumapit ang Imam kay Abdullah na kasalukuyang kalong ng ina at gumupit ng
kapirasong buhok sa bata. Ang ginupit na buhok ay maingat na inilagay ng Imam sa isang mangkok ng tubig.
Tahimik na pinagmasdan ito ng lahat.
“Wala ni isa mang hibla ng buhok ang lumubog sa tubig!” sigaw ng karamihang nakapaligid.
Sapat na itong narinig nina Ibrah at Aminah upang umapaw ang kagalakan sa kanilang puso.
Nakapipiho silang papatnubayan ni Allah ang paglaki ng kanilang anak. Maganda ang hinaharap nito sa buhay.
Ipinagbubunyi ng mga tao ang magandang kinalabasan ng seremonya. Bawat isa sa mga panauhin ay
nagbigay ng pera at regalo sa bata. siyang-siya ang mag-asawa sa kanilang nasaksihan. Abot-abot ang kanilang
pasasalamat sa mga dumalo sa paggunting kay Abdullah.
“Ilang panahon pa’y masasaksihan naman natin ang huling yugto ng pagislam ni Abdullah”, wika ng
isang panauhin.
“Pihong mas malaking handaan iyon, ano Ibrah?” biro ng isa pa.
“Hayaan ninyo at pitong taon mula ngayon ay imbitado kayong muli,” nakangiting sagot ni Aminah.
“Sana Kasabay ng Maulidin Nabi para masaya,” mungkahi ng iba.
“Tiyak iyon”, halos panabay na wika ng mag-asawa habang masuyong pinagmamasdan ang inaantok
na si Abdullah.
ANG MAHIWAGANG TANDANG
Si Sidapa na Bathala ng Digmaan ay lagi nang nilalapitan ng mga datu upang mapanatili ang kapayapaan sa
kanilang barangay. Alam ni Sidapa na nasa pakikipagkaibigan ng mga pinuno ang susi upang hindi matuloy ang
alinmang digmaan.
Sumisikat pa lang ang araw ay nakapila na ang maraming puno ng barangay. Si Sidapa ang nagpapayo upang
mapanatili ang kapayapaan sa kani-kanilang lugar.
May mga pagkakataong hindi kaagad nakakasangguni ang mga datu. Nagkakalaban ang mga puno. Kapag
nangyari ito, nauuwi sa digmaan ang mga barangay.
Matutulis na sibat ang karaniwang panlaban ng mga mandirigma. Kapag may nasusugatan o namamatay sa
labanan, lubos na nalulungkot si Sidapa.
Kapag napagkakasundo ni Sidapa ang nagkakahidwaang mga raha ay natutuwa siya. Naliligayahan siyang
nagbibigayan at may respeto sa isa't isa ang bawat datu. Naniniwala si Sidapa na kapag may digmaan ay walang
pag-iibigan. Na kapag may pag-iibigan ay walang digmaan. Lagi niyang pangarap na nag-uusap-usap ang lahat
at naggagalangan.
Sa dami ng mga mamamayan, datu at mga barangay sa bayan-bayan, at sa dami rin ng problema na inihahain
kay Sidapa, kailangang may nagpapaalala sa kanya sa tuwi-tuwina. Kailangan ding may gigising sa kanya
tuwing madaling araw bilang hudyat na may mga datu nang naghahain ng problema.
Isa sa mga sundalo ni Sidapa ang nagprisintang orasan niya. Obligasyon niyang paalalahanan si Sidapa na oras
na ng pagkain, o oras nang tapusin ang isang pulong, o oras nang humarap sa ilang bisita, o oras nang magbigay
desisyon sa isang problema. Pinakamahirap na Gawain ng Sundalong Orasan ang paggising nang napakaaga
tuwing madaling araw. Noong unang mga lingo ay laging napakaaga niyang gumising pero kapag
napapakuwento siya sa mga kapwa sundalo ay bahagya siyang nahuhuli sa paggising kay Sidapa.
Mapagpasensya ang bathala niya. Lagi itong pinagbibigyan ang Sundalong Orasan. Upang ganahan sa trabaho ay
dinadagdagan ni Sidapa ang mga insentibo nitong pilak, damit at pagkain para sa pamilya.
Tuwang-tuwa naman ang Sundalong Orasan pero mahina itong manindigan. Sa kaunting aya ng mga kaibigan ay
natatangay siya upang uminom ng alak. Hindi lamang isa o dalawang kopita, kunidi maraming alak na
nagpapalasing sa kanya.
Sa pagkalasing ay naibalita pa niya sa ilang kawal ng naglalabang tribo ang mga sikretong pandigmaang di dapat
na ipaalam. Galit na galit si Sidapa. Maraming hindi pagkakaunawaan ang naganap dahil hindi siya ginising ng
Sundalong Orasan sa madaling araw.
Nang matuloy ang isang madugong digmaan ng dalawang malaking barangay ay ipinatawag ni Sidapa ang
Sundalong Orasan.
Lasing na lasing ang Sundalong Orasan nang humarap sa kanyang bathala.
"Ikaw ang dahilan sa madugong digmaang sana ay naiwasan."
"Pa...patawad po, Bathalang Sidapa."
"Pinagbibigyan na kita ng ulang ulit! Marami ang namatay dahil sa iyong kapabayaan. Wala kang utang na loob.
Ang mga lihim pandirigmaan at pangkapayapaan ay ipinaalam mo sa lahat. Ang obligasyon mong gisingin ako
sa madaling araw ay hindi mo pinahahalagahan. Bilang parusa , magiging isang hayop kang walang gagawin
kundi gisingin ang daigdig tuwing nagmamadaling araw!"
Sa isang kisapmata ang Sundalong Orasan ay lumiit nang lumiit. Nagkabalahibo ito sa buong katawan. Naging
pakpak ang mga kamay at nagkatahid ang mga paa. Sa halip na magsalita ay tumilaok itong parang nanggigising.
Sa sobrang kahihiyan, lumipad papalabas ng tahanan ni Sidapa ang Sundalong Orasan na magmula noon ay
tinatawag na Tandang. Ang Tandang na tumitilaok sa madaling araw ang nagpapaalalang siya ang unang
tagagising ng sandaigdigan.

ANG ALAMAT NG PALENDAG

Ang palendag ay isang instrumentong pang-musika ng mga Magindanaw. Ito’y galing sa salitang Magindanaw
na lendag, na nangangahulugang “paghikbi.”

Gawa ito sa isang uri ng kawayang tinatawag na bakayawan ang mga katutubo. Ito’y may habang dalawa
hanggang tatlong talampakan, may tigdadalawang butas sa magkabilang gilid na isang pulgada ang pagitan.
Tinutugtog ito na gaya ng plauta.
Karaniwang tinutugtog ito ng isang nabigong mangingibig upang aliwin ang sarili. Nabibigyang-kahulugan ng
isang mahusay na tumugtog sa palendag ang iba’t ibang damdamin at nakalilikha ng isang maganda at
makaantig- damdaming musika.
Ayon sa alamat, may isang binatang umibig sa pinakamagandang dalaga sa pook. Nagkakaisa ang kanilang
damdamin, ngunit dahil sa ipinagbabawal ng tradisyong. Magindanaw ang pagliligawan, ang kanilang
pagmamahalan ay nanatiling lihim. Lihim man ang pag-iibigan, waring walang hanggan ito.
Isang araw, tinawag ng datu ang binata. Bilang isang kawal ng sultan, binigyan siya ng misyon sa isang
malayong lugar. Sa pamamagitan ng isang kaibigan, nagkita ang dalawa bago makaalis ang binata. Nalungkot
ang dalaga sa nalamang misyon ng lalaki.
Inaliw siyang aalalahanin at uuwi agad pagkatapos ng misyon. Ipinangako rin niyang
susulat nang madalas.
Sa unang ilang linggo, panay ang dating ng sulat na punung-puno ng pagmamahal at pag-aalaala. Pagkatapos ng
ilang buwan, dumalang ang dating ng sulat hanggang sa ito’y tuluyang nawala.
Isang araw, nabalitaan niya sa isang pinsan ang nakalulungkot na balitang ang binata ay ikinasal sa ibang babae,
sa lugar ng kanyang misyon.
Lubhang nasaktan ang dalagang manghahabi. Upang maitago ang kalungkutan sa mga magulang, maraming oras
ang ginugugol niya sa kanyang habihan. Parati siyang umiiyak nang tahimik. Ang kanyang luha’y laging
pumapatak sa kapirasong kawayang
ginagamit sa paghabi. Nagkabutas ang kawayandahil sa laging pagpatak dito ng luha ng dalaga. Isang araw, sa di
sinasadyang pagkakataon, nahipan niya ito at lumabas ang isang matamis at malungkot na tunog. Mula noon,
inaliw niya ang sarili sa pagtugtog ng palendag, ang pangalang ibinigay sa kakaibang instrumentong
pangmusika.

MGA AWITING BAYAN AT BULONG MULA SA KABISAYAAN

Ang awiting-bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma subalit kailanman’y nilapatan ng himig
upang maihayag nang pakanta. Sa ganitong paraan ay higit na maging madali ang pagtanda o pagmemorya sa
mga awiting ito. Hindi man nasusulat ay sa isip at puso naman ng mga mamamayan nanahan at naisatitik ang
mga awit kaya naman maituturing na walang kamatayan ang mga ito. Ang awiting-bayan ay isang masining na
paraan ng pagpapahayag ng sariling opinyon at saloobin. Gayundin, ito’y isang paraan ng pagpapatibay at
pagpapaunlad ng sariling pagkakakilanlan. Ang Kabisayaan ay nagtataglay ng makulay at mayamang kultura’t
tradisyon na lalo pang pinaniningning ng mga katutubong panitikan. Sa araling ito ay bibigyang-pansin at
itatampok ang mga awiting- bayang Bisaya o Visayan folksongs at mga bulong sa Bisaya.
Ang mga bulong Maliban sa mga awiting-bayan, ang mga bulong ay isa pang yaman ng ating katutubong
panitikang pasalindila. Magpahanggang ngayon, ang bulong ay ginagamit pa rin ng marami nating kababayan sa
pagpapasintabi kapag napaparaan sa tapat ng isang nuno sa punso, sa kagubatan, sa tabing-ilog, at sa iba pang
lugar na pinaniniwalaang tirahan ng mga engkanto, lamang-lupa, o malign. Binibigkas ang bulong para
mabigyang-babala ang mga nilalang na hindi nakikita” na may daraan para maiwasang sila’y maapakan o
masaktan. Pinaniniwalaan kasing kapag hindi sinasadyang nasaktan ang mga “nilalang” na ito ay maaari silang
magalit, manakit, o magdulot ng hindi maipaliwanag na karamdaman. Gumagamit din ng bulong ang mga
albularyo sa kanilang panggagamot. May bulong na binibigkas sa pagtatawas para gumaling ang isang nausog,
sumakit ang tiyan at iba pa. May bulong din para sa panggagamot sa isang taong maaaring nakulam, namaligno,
o napaglaruan ng lamang-lupa.

ALAMAT NG ISLA NG PITONG MAKASALANAN

Noong unang panahon, isang matandang mangingisda at ang kanyang pitong anak na dalaga ang naninirahan sa
isang tahanang nakaharap sa baybayin ng Dagat-Bisaya. Ang kanilang tirahan ay nasa bayan ng Dumangas,
isang baying nasas gawing hilagang-silangan ng lalawigan ng Iloilo na bahagi ng isla ng Panay. Araw-araw
makikita ang pitong dalagang masayang nagsasagawa ng mga gawaing-bahay o kaya nama’y nasa dalampasigan
at nagtatampisaw o masayang lumalangoy, naghahabulan at nagtatawanan. Tila sila mga nimpang kaygaganda
habang nakikipaghabulan sa mga alon sa baybayin.
Ang kagandahan ng pitong dalaga ay bantog hindi lang sa kanilang bayan kundi maging sa malalayong lugar.
Kaya naman, hindi kataka-takang ang kanilang tahanan ay dinarayo ng maraming binatang naghahangad na
makuha ang kamay ng isa sa mga dalagang napupusuan. Mahal na mahal ng ama ang mga anak at ang labis
niyang ikinakatakot ay ang makapag-asawa ang sinuman sa kanyang mga dalaga ng mga lalaking maaaring
maglayo sa kanya. “Sana, kung makahanap man ng mapapangasawa ang aking mga anak ay tagarito lang sa
aming islaupang hindi sila mapalayo sa akin,” ang naibubulong ng ama sa sarili habang pinagmasdan ang
kanyang mga anak na abala sa mga gawaing-bahay.

Isang araw nga ay isang pangkat ng makikisig na binatang mangangalakal ang dumating sa kanilang bayan.
Nabalitaan din pala ng mga binata ang kagandahan ng mga dalaga kaya’t nagsadya sila sa baying iyon hindi lang
para sa kanilang mga kalakal kundi para makilala rin ang mga dalaga. Sakay sila ng magagara at mabibilis na
bangka.

“Ako man, ako man,” ang sunod-sunod na sabi ng iba pang dalaga. Sinamantala ng magkakapatid ang pag-alis
ng ama upang mangisda. Bitbit ang kani-kanilang mga pansariling gamit ay sumakay ang mga suwail na anak sa
tatlong bangkang dala ng mga binata palayo sa kanilang tahanan.

Nang sila’y nasa bahagi na ng baybayin ng Guimaras kung saan nangingisda ang kanilang ama ay natanaw niya
ang tatlong bangka ng mga estranghero lulan ang kanyang pitong anak na dalaga. Buong lakas na sumagwan ang
ama para mahabol ang kanyang pinakamamahal na mga anak subalit lubhang mabagal ang kanyang maliit na
bangka kompara sa makabagong bangka ng mga estranghero kaya hindi na niya nahabol ang mga anak.

Buong pait na lumuha at nagmamakaawa ang ama sa kanyang mga anak. “Mga anak, huwag kayong umalis.
Bumalik kayo! Maawa kayo,” ang walang katapusang pagsigaw at pagmamakaawa ng ama habang patuloy siya
sa paggaod subalit hindi siya pinakinggan ng walang turing niyang mga anak. Laylay ang mga balikat sa
matinding pagod sa paggaod at sa labis na kalungkutan sa paglisan ng kanyang mga anak, walang nagawa ang
matanda kundi lumuha nang buong kapaitan. Wari’y nakidalamhati rin sa kanya maging ang kalangitan sapagkat
ang maliwanag na sikat ng araw ay biglang naparam at sa halip ay napalitan ng nagdilim na himpapawid.
Gumuhit ang matatalim na kidlat na sinabayan ng malalakas na dagundong ng kulog. Biglang pumatak ang
malakas na ulan kaya’t walang nagawa ang matanda kundi umuwi na lamang.

Sa kanyang pag-uwi ay isang napakatahimihik at napakalungkot na tahanan ang kanyang dinatnan. Hindi napigil
ng matanda ang muling pagluha nang masagana. Wari’y sinasabayan din ng malalakas na patak ng ulan sa
bubungan ng kanyang ulilang tahanan ang walang katapusang pagluha ng kaawa-awang matanda. Labi-labis ang
kanyang kalungkutan at pangungulila sa kanyang mga anak. Sa kabila ng ginawa ng mga suwail na anak ay ang
kanila pa ring kaligtasan ang inaalala ng ama lalo pa’t masamang panahon ang kanilang nasalubong sa
paglalakbay.

Kinaumagahan, hindi pa sumisikat ang araw ay pumalaot na ang matanda. Inisip niyang maaaring sumilong ang
bangka ng mga estranghero dahil sa sama ng panahon nang nagdaang gabi. Baka sakaling mahabol niya pa ang
kanyang mga anak. Subalit anong laking pagtataka niya nang siya’y nasa laot na. Nakatanaw siya ng maliliit na
islang tila isinabog sa gitna ng laot sa pagitan ng kanilang isla ng Dumangas at isla ng Guimaras. Sa lugar na ito
siya nangisda kahapon at alam niyang walang islang tulad nito sa lugar nang nagdaang araw.

Kinabahan ang matanda at kasabay ng mabilis na pagtibok ng kanyag puso ang mabilis na paggaod papunta sa
mga mumunting isla. Anong laking panlulumo niya nang makita ang nagkalat na bahagi ng bangkang sinakyan
ng kanyang mga anak na nakalutang sa paligid. Binilang niya ang mumunting isla. Pito! Pito rin ang kanyang
mga anak na dalaga. Humagulgol ang matanda. Parang nahulaan niya ang nangyari. Nalunod ang kanyang mga
anak nang ang sinasakyan nilang mga bangka ay hinampas ng malalakas na along dala ng biglang pagsama ng
panahon kahapon at sumadsad sa mga korales at matatalas na batuhan kaya nagkahiwa-hiwalay ang mga ito.
Ang mga mumunting isla ay tinwag na Isla de los Siete Pecados o Mga Isla ng Pitong Makasalanan. Ito ay bilang
pag-alala sa pagsuway at kasalanang nagawa ng pitong suwail na dalaga sa kanilang mapagmahal na ama.

ANG TAMBULI NI ILIG

Noong unang panahon malapit sa Zamboanga Del Sur may mga pangkat na naninirahan, sila ay ang
mga “Subano” Ang ina (G’libon Hap) at ama (Thimuay Gabun) ni Ilig ay isang pinuno sa pangkat nila. Nung
malaki na si Ilig niligawan ni Ilig si Tam. Palagi silang nagsasama sa batis kasama niya si Tam. Isang araw
napagusapan nila Ilig at Tam ang mga banyaga na gustong sumakop sa lupain nila sabi ni Tam na
paghihigantihan natin ang mga banyaga sa pagsakop nila sa mga lupain ng mga Subano, pero hindi nagustuhan
ni Ilig ang desisyong iyon. Tapos mas tumatagal pa ang samahan nila Tam at Ilig at isang araw nagpasya na sila
na magpakasal na silang dalawa. Sumang ayon naman din ang kanilang mga magulang at nag-impake na sila sa
paghahanda sa kasalan nila, ang mga Taong bayan naman ay nagaabala rin sa paghahanda sa kasalan
nila Ilig at Tam. Dahil nandarayuhan lamang sila ni Ilig at Tam sa kabilang bukid hinihingi-an din sila ng mga
alahas bago makapasok o makagawa ng isang kilos. Kinagabihan sa pag salo salo nila binawi-an ng buhay ang
mga magulang ni Ilig sina Thimuay Gabun at G’libon Hap. Sabi ng mga Kalalakihan dahil iyon sa pang-aagaw
ng lupa sa kanilang tribo. Sa araw ng libing ng mga magulang ni Ilig, sabi ni IligAma! Ina! Ano ang nangyari sa
amin ngayong wala na kayo? Ano nalang ang gagawin namin? Sabi ng asawa(Tam) ni Ilig Tama na Ilig.
Ipaubaya na lang natin kay Apo Megbebaya ang matiwasay na pagpanaw nina ama at ina. At kinaumagahan
pinauubaya nila kay Apo Megbebaya ang dalawang minamahal nila sa buhay. At gumawa sila ng iba’t ibang mga
ritwal. Sa kabila ng kabataan ni Ilig nakita nila ang kahusayan niya sa pag-iisip at pagbibigay ng mga desisyon.
Kaya pinauubaya nila kay Ilig ang pamumuno ng pangkat nila. Isang araw patuloy parin ang pag-aabuso ng
mga Banyaga sa mga Subano, Sabi ng isang mamayanan “Lumaban nalang kaya tayo? Galit ang mga
mamayanan sa desisyon ni Ilig na hindi labanan ang mga Banyaga na sumasakop sa lupa nila. Ang tugon
ni Ilig Hindi iyan magugustuhan ni Apo Megbebaya at gayun din ni Thimuay Gabun.
At sabi niya “Huwag tayong ganyan mga kasama. Pinapahalagahan natin ang Kapayapaan kaya iwasan natin ang
kaguluhan dahil hindi iyan ikatutuwa ni Apo Megbebaya” Sabi ng isang Mamamayan “Pero Ilig Hahayaan na
lang ba natin na agawin ang ating mga lupain? Ang tugon ni Ilig “Hindi iyan ang ibig kong sabihin kung gusto
nilang agawin ang ating lupa, atin itong ibibigay o ibenta sa kanila. Doon tayo sa kabundukan manirahan tutal
naroon naman ang malapad na kabukiran. Naroon ang matiwasay na pamumuhay kasama ang mga ibon sa
kalawakan.
Dumaan ang maraming araw napansin nila Ilig at kanyang mga kasamahan na mas lalo na silang umuunalad ang
kanilang mga pamumuhay. Sa pagkakaisa nilang lahat magagawa talaga nilang maunlad ang kanilang
pamumuhay. Sumama si Thimuay Ilig sa pangangaso nila Diut. At biglang nawala si Thimuay Ilig! Noong
nalaman nila Bal at Diut na nawawala na si Ilig laking kaba nila kung nasaaan na si Ilig! Hinanap at Hinanap nila
si Ilig hanggang lumipas na ang gabi. Noong sinabihan nila si Tam na nawawala si Ilig hindi maka panipaniwala
ang kanyang asawa sa mga sinasabi nila na nawawala si Ilig. Napansin ni Diut na tumutunog ang “Tambuli ni
Ilig” ito ay isang senyales na “Ipagpatuloy ang kanilang pamumuno kahit pumanaw na si Thimuay Ilig ” Sama
sama silang lahat at pinagluksaan ang pagpanaw ni Ilig. Sabi nang kanyang asawa na si Tam“Maraming
Salamat Thimuay Ilig”
Sa kabila ng pagkawala ng kanilang pinuno na si “Thimuay Ilig” Pinatuloy padin nilang ang pamumuhay nila ng
Mapayapa.

HINILAWOD

Noong unang panahon, may isang Dyosa ng kalangitan na nag ngangalang "Alunsina", sa takot na di na
makapag asawa ay iminungkahi ng hari ng mga Dyos na si "Kaptan" na sya ay mag asawa na.

Maraming Dyos ang dumating makadaupang palad lamang si Alunsina. Ngunit ang lahat ay bigo sapagkat ang
napili ni Alunsina ay isang mortal na nag ngangalang "Paubari".

Si Paubari ay isang datu na namumuno sa Halawod.


Ang desisyon ni Alunsina ay lubos na ikinagalit ng ilang nabigong dyos. Napagkasunduan ng ilang dyos sa
pangunguna ni "Maklium-sa-t’wan" na magkaroon nang pagpupulong upang maudlot ang kasal ni Alunsina at
Paubari sa pamamagitan ng isang baha sa halawod.

Ngunit si Alunsina at Paubari ay nakaligtas sa kapahamakan sa tulong ni Suklang Malayon, ang kapatid ni
Alunsina. Natunugan ni Malayon ang plano ng ilang dyos kayat sinabi nitong magpunta sa mataas na lugar sina
Paubari at Alunsina.
Pagkatapos humupa ang baha ay palihim na bumalik si Alunsina at Paubari sa halawod.
Matapos ang ilang bwan ay nagsilang si Alunsina ng triplets at pinangalanang Labaw Dongon, Humadapnon at
Dumalapdap.

Pagkatapos isilang ay agad na ipinatawag ni Alunsina ang paring si Bungot-Banwa para gawin ang ritwal upang
maging malakas ang mga kambal. Matapos ang ritwal ay naging malalakas at makisig sina Labaw Dongon,
Humadapnon at Dumalapdap.

Ang tatlong magkakapatid ay kapwa nagkaroon ng kanya kanyang pakikipagsapalaran katulad na lamang ni
Labaw Donggon na nakipaglaban kay Saragnayan ngunit ito'y bigo at ibinilanggo ni Saragnayan.

Dahil dito ay naghiganti ang anak ni Labaw Donggon at agad na kinalaban si Saragnayon. Kalauna'y
nagtagumpay ang anak ni Labaw Donggon at sila'y parehong bumalik sa kanilang lugar.

Dahil din sa pagkakabilanggo ni Labaw Donggon ay lubos na nagalit si Humadapnon at Dumalapdap. Nangako
si Humadapnon na ipaghihiganti nya ang kapatid hanggang sa kaapu-apuhan ni Saragnayan.

Pagkatapos umalis ni Humadapnon upang maghiganti ay umalis din si Dumalapdap upang makipagpalaran at
pakasalan si "Lubay Lubyok Mahanginun si Mahuyokhuyokan". nakipaglaban si Dumalapdap sa nilalang na
may dalawang ulo na kung tawagin ay "Balanakon".

Pagkatapos nito ay nilabanan din ni Dumalapdap ang nilalang na "Uyutang" na kawangis ng isang paningi na
may malaking mga pangil at makamandag na kuko. Nilabanan ni Dumalapdap ang Uyutang sa loob ng pitong
buwan.

Naging matagumpay si Dumalapdap at kasama na nyang umuwi si "Lubay-Lubyok Hanginun si


Mahuyokhuyokan" upang pakasalan.

Nang makabalik na ang magkakapatid ay ipinagdiwang ni Datu Paubari ang tagumpay ng mga ito.

SI PINKAW

Si Pinkaw ay isang babae na nakatira sa tambakan ng basura, siya ay masipag sa pangangalakal niya ng mga
basura, habang nangangalakal siya sa tambakan sinabayan niya ang kanyang pagtratrabaho ng awit. Habang
nagtutulak ng kariton si Pinkaw sinsabayan niya din ito ng kanyang pagawit. Minsay ay tinutukso siya nga mga
bata dahil sa panget niyang boses pero dahil si Pinkaw ay isang mabait na babae hindi niya ito pinapansin. Hindi
niya nga sinasaktan ang kanyang mga anak. Sabi ni Pinkaw “Hindi kailangang paluin; sapat nang sabihan sila ng
malumay. Iba ang batang nakikinig sa magulang dahil sa paggalang at pagmamahal. Ang bata kung saktan,
susunod siya sa iyo subalit magrerebelde at magkikimkim ng sama ng loob”. Pag dating niya galing
pangangalakal agad niya tinatawag ang kanyang mga anak na si “Poray, Basing, at Takoy” sa panaghalian ang
ulam nila ay mga tira-tirang “Sardinas, Karne norte, o kayay Pork-en-bins, pen de sal na kadalasa’y nakagatan
na, at kung minsan sinuswerte, may buto ng Prayd tsiken na may lamang nakadikit” ” kahit ganyan lang ang
ulam nila Pinkaw nagpapasalamat padin si Pinkaw sa mga grasya na binigay niya. Minsan ang mga tulong galing
sa mga gobyerno ay hindi na niya tinatanggap at binibigay ito ni Pinkaw sa mga taong mas nangangailangan ng
tulong. Isang araw noong umalis si Pinkaw at pumunta sa bahay ng kapatid niya na may sakit. Nabalitaan niya
na nagkasakit ang kanyang mga anak dahil nakakain sila ng mga panis na mga Sardinas. Agad niyang pinuntahan
ang kanyang mga anak at dinala agad sa ospital; walang makitang mga kotse si Pinkaw na magdadala sa anak
niya doon sa ospital kaya ang inisakay na lamang niya ang kanyang mga anak sa kariton at dali dali siyang
pumunta sa bahay ng doktor pagdating niya doon wala ang doktor, sabi ng kasambahay nag Golf ang doktor,
Pagpunta naman ni Pinkaw sa pangalawang doktor dala dala ang kanyang anak na nag-aagaw buhay na, walang
lumbas na doktor at nakita ni Pinkaw na may sumisilip lang sa bintana. Agad namang umalis si Pinkaw at dinala
niya sa Ospital ang kanyang anak. Sinikap talaga ni Pinkaw na makadating sila sa ospital kahit lubak lubak ang
daanan at maputik. Pagdating doon hindi agad siya ini-asikaso ng mga nurse at doktor dahil pagkita nila na
Pinkaw na punit punit lang ang kanyang mga damit at mahirap lang. Noong may lumapit na doktor agad dinala
sa Emergency room ang dalawang anak ni Pinkaw na may sakit na “El Tor” pero binawi-an agad ito ng buhay,
Kinabukasan ang bunso niyang anak ay namatay din dahil nagkasakit . At nabalew na si Pinkaw at
pinagtatawanan siya ng mga bata na nasa lansangan habang kinakantahan niya ang kanyang binihisang lata na “
Hele-hele, tulog muna. Wala rito ang iyong nanay” At doon nagwakas ang kwento.

SI IPOT-IPOT AT SI AMOMONGO
Isang gabi, tahimik na lumilipad-lipad upang dumalaw sa kaibigan si Ipot-Ipot (isang alitaptap). Tulad ng dati’y
dala-dala niya ang kanyang ilawan. Maya-maya’y nakasalubong niya ang isang buskador na gorilyang
nagngangalang Amomongo. “Hoy, Ipot-ipot, bakit ba lagi mong dala-dala ang iyong ilawan? Nakatatawa ka
tuloy tignan. Ha-ha-ha!” ang sabi ni Amomongo habang palundag-lundag na tumatawa sa harap ng alitaptap.

Tinignan muna siya ng alitaptap bago ito matatag na sumagot. “Alam mo, Amomongo, dinadala ko ang
aking ilawan, una, upang makita ko ang aking daraanan; at pangalawa, upang makita ko ang mga lamok at nang
sila’y aking maiwasan,” paliwanag nito.

“Gusto mong iwasan ang mga lamok? Isa kang duwag! Takot ka sa lamok! Duwag! Duwag! Ha-ha-ha!”
pambubuska ni Amomongo kay Ipot-Ipot.

Hindi na lang pinansin ng alitaptap ang pambubuska ng gorilya. Nagpatuloy na lamang siya sa tahimik
niyang paglalakbay. Subalit hindi roon tumigil ang buskador na gorilya. Tinungo nito ang iba pa niyang mga
kalahing unggoy at saka ipinagsabing ang alitaptap ay duwag at takot sa lamok kaya’t laging nagdadala ng
ilawan saanman ito magpunta. Nagtawanan ang iba pang gorilya na nakarinig sa kuwento tungkol sa pagiging
duwag ng alitaptap.

Hindi nagtagal at kumalat na rin ang kuwento sa iba pang mga hayop sa kagubatan. Nang lumaon ay
nakarating ito kay alitaptap. Halos liparin ng alitaptap ang pagtungo sa bahay ni Amomongo. Nadatnan niya
itong natutulog. Itinapat ng alitaptap ang kanyang ilaw sa mukha ni Amomongo upang magising ito. “Hoy,
Amomongo, gising! Bakit ipinamamalita mo raw na duwag ako? Sadya nga yatang maitim ang budhi mo. Sige,
bukas ng gabi, pumunta ka sa plasa at sa harap ng lahat ay patunayan kong hindi ako duwag.”

“Hoy Ipot-Ipot, huwag ka ngang balat sibuyas. At ngayo’y naghahamon ka sa isang labanan? Iyang liit
mong iyan? Pupulbusin kita. Ha-ha-ha! Sige nga, sino ang dadalhin mo para labanan ang isang malaking
gorilyang tulad ko?” nagmamalaking tanong ni Amomongo.

“Mag-isa akong pupunta subalit kung gusto mo ay dalhin mo pa lahat ang mga kaibigan mo,” matatag na
sabi ni Ipot-ipot.

Lalong tumawa nang tumawa si Amomongo. “Mag-isa kang pupunta! Hah! Maganda yan para makita mo
kung ano ang gagawin ng malalakas na nilalang na tulad naming sa munting alitaptap na tulad mo.”

Nalaman ng iba pang hayop ang tungkol sa napipintong labanan. Kinabukasan ay napuno ang plasa ng
mga hayop na gustong makapanood sa labanan ng nag-iisang alitaptap at ng malalaking gorilya.
Maagang dumating si Ipot-Ipot. Maya-maya pa’y dumating na rin ang pulutong ng mga gorilya. May
dala-dala ang mga itong malalaki at mahahabang pamalo. Masigla silang nagtatawanan sapagkat para sa kanila,
ang paghahamon ni Ipot-Ipot ng labanan ay isang malaking kahibangan.

Pagkakita ni Amomongo kay Ipot-Ipot ay inutusan niya agad ang mga kalahing atakihin ang naghihintay
na alitaptap. Subalit mabilis itong lumipad at dumapo sa ilong ni Amomongo. Nag-unahan ang mga unggoy sa
pagpalo sa alitaptap na nakadapo sa ilong ng kanilang kasamahan subalit mabilis itong nakalipad palayo kaya’t
ang ilong ni Amomongo ang inabot ng mga pamalo. Bumagsak ito sa lupa. Pagkatapos ay sa ilong naman ng isa
pang gorilya dumapo ang alitaptap. Muling sinugod ng iba pang gorilya ang alitaptap subalit tulad ng nangyari
kay Amomongo, hindi rin nila tinamaan ang alitaptap kaya’t ang ilong na naman ng pangalawang gorilya ang
tinamaan. Bumagsak din ito sa lupa. Gayon ng gayon ang nangyari sa iba pang gorilya. Pinapalo nila ang
alitaptap na nakadapo sa ilong ng isa sa kanila subalit sa halip na tamaan ito, ang mga gorilya ang isa-isang
bumabagsak sa lupa dahil mabilis umilag ang alitaptap kaya’t sila-sila ang nagkakatamaan. Hanggang sa isang
kisap mata ay bumagsak sa lupa ang lahat ng gorilya.

“Ngayon, sino sa inyong mga gorilya ang magsasabing duwag ako?” ang mataginting na tanong na maliit
na alitaptap. Yukong-yuko ang ulo ng mga gorilya. Bahag ang buntot dahil sa kahihiyang dala ng nangyari kaya’t
hindi sila makapagsalita. Tinignan muna sila ng alitaptap na umiiling-iling sa kinahinatnan ng isang pulutong ng
mga unggoy at saka ito tahimik na lumipad palayo upang ipagpatuloy ang kanyang sariling lakad tulad ng dati.

ANG SARILING WIKA

Ang Sariling Wika


Ang sariling wika ng isang lahi
Ay mas mahalaga sa kayamanan
Sapagkat ito’y kaluluwang lumilipat
Mula sa henerasyon patungo sa iba
Nangangalap ng karanasan, gawi,
Pagsamba, pagmamahal, pagtatangi at pagmithi.

Nais mo bang mabatid layunin ng kanyang puso,


Ang kanyang mga pangarapin.
Mainit na pagmamahal na sa puso’y bunubukal
Kasama ng mahalagang layuning nabubuo sa isipan?
Pakinggan ang makahulugang gintong salita
Na sa kanyang bibig ay nagmumula.

Minanang wikang itinanim sa isipan


Iniwan ng ninuno, tula ng iniingatang yaman
Pamanang yamang di dapat pabayaan
At dapat pagyamanin ng mga paghihirap
Para sa kaunlaran, di dapat masayang
Tulad ng halaman na natuyot at nangalagas sa tangkay.

Minana nating wika’y


Maihahambing sa pinakadakila
Ito’y may ganda’t pino,
Aliw-iw at himig na nakakahalina
Init nito’t pag-ibig mula sa musa
Pagpapahayag ng pagmamahal ay kanyang kinuha.

Wikang Kapampangan, buo ang iyong ganda


Ang himig ng iyong tunog
Tulad ng pagaspas ng bagwis ng mga ibon
Tulad ng awit na likha ng brilyanteng makinang
Tulad ng lagaslas na himig ng tubigan
Tulad ng awit ng malamig na hanging amihan.

Wikang Kapampangan, ikaw ay mahalaga


Sa lahat ikaw ay maikokompara
Ikaw ang mapagmahal at matamis na pahayag ng pag-ibig
Tulad mo’y walang katapusang awit

Ang lahat sa iyo ay tulad ng bumubukang bulaklak.

ISANG MATANDANG KUBA SA GABI NG CAÑAO


Dumating ang matatandang iyon sa isang pagkakataong hindi inaasahan. Isa iyong matandang kubang papilay-
pilay na lumapit at naupo sa nakatumbang lusong. Walang makapagsasabi kung siya at wala namang nag-aksaya
pa ng panahong mag-usisa. Ang totoo’y hindi siya gaanong napag-ukulan ng pansin kung hindi lamang siya
nadagil ng mga katutubong nagkakatuwaan pa sa paghabol sa iaalay na baboy kaugnay ng idinaraos nilang
canao.
Isang tanging piging iyon upang mag-alay kay Kabunian, ang pinakadakilang bathala. Kanina, sa pagtungo ni
Lifu-o sa kaingin, ay nakakita siya ng isang uwak sa gitna ng daan. Iyon ay isang masamang pangitain. Bumalik
na siya sa kanilang ato. Ipinasiya ni Lifu-ong tawagin ang mga intugtukon. Ibig niyang magdaos ng canao. Ibig
niyang ganapin iyon sa kanilang af-fong.
Ang pagdiriwang na tugging ito na nagliliklik sa mga labis, sa mga burol, at sa mga bundok ay tibok ng buhay sa
pook na iyon ; sa idinaraos na canao nakatuon ang pansin ng nakakaunawa sa kahulugan niyon: pagkakasal kaya
pagsilang, pagtatanim, pag-aari kaya, pakikipagdimaan, paghinging biyaya, paghinging-patnubay, pagkamatay
kaya ng isang katutubi? At dinadaluhan nila ang ganitong canao at naiisip niya ang matandang kubang iyon ay
isa sa naaakit dumalo; isa ring intugtukon sa ili na sumakop sa ato nila.
“Ama,” pumukaw ang tinig si Sabsafung. “Ihahanda ko na ang mga tap-pey at fayas.”
Binabalingan ni Lifu-o ang anak na nakalapit na nang hindi niya namamalayan. Sa makulay nitong lufid na
nabibigkisan ng wakes, naisip niyang isang tanging canao ang idinaraos. Naiiba ang ganda ng anak niya ngayon.
Makintab ang buhok nito na sinusupil ng ap-pong. Sa malikot na liwanag ng mga sulo at siga, ang fatek sa braso,
balikat at leeg ng anak ay nagiging magagandang guhit na hindi makapagkukubli sa katotohanang dalaga na rin
ang anak; malusog na ang dibdib nito na naiitiman din ng iginuhit na fatek. Naisip ni Lifu-o na makakatulong na
sa kanya ang anak sa pangangasiwa sa pagtatanim at pag-aani sa kanilang kaingin… at sa pagdaos ng canao.
“ihanda mo na… Tulungan mo ang iyong ina…”
Bigla ang bulalas na sigawan. Hinahabol ng mga kabataang igorot ang baboy na papatayin sa canao. Sa
paghahabulan ay napadako sa lusong na kinauupuan ng matanda. Sa biglang daluhong ng mga nagsisihabol,
natumba ang lusong kasama ang matandang kuba.
Natanaw ni Lifu-o kung paano tinulungang makatayo ang matanda. Muli itong naupo sa lusong. Sa saglit na
iyon, may nakita si Lifu-ong na tila kakaiba—pang-akit
Wari sa katauhan ng matanda. Nagsalita iyon “Bayaan na ninyo ako…”
Nakiumpok si Lifu-o sa mga intugtukon. Siya’y nag-iisip. Ang mga am-ama ay umaawit na ng ay-eyeng—
malalakas a nananawagan: iligtas kami sa anumang panganib… iligtas kami sa mga kapahamakang darating,
kadakilaan… O, Kabunian!
Sa kalooban ni Lifu-o’y naroon din ang piping dakilang dalangin: bigyan mo: Bigyan mo, Dakilang Kabunian,
ng masagana at mahabang buhay ang mga nasa ato s ailing ito.
Napatay na ng matatanda ang baboy at kasalukuyang dinadarang na sa apoy. Mamamasid-masid lamang ang
matandang kuba sa pagkakaupo. Nahiwalay na siya sa karamihang ngayo’y nakapaligid sa kinakalusang baboy.
Ang ningas ay kumain na sa tinipong kahoy; mga baga na lamang iyon ng sigang kangina’y nakatanglaw sa
matanda. Nasa dilim na siya…
Binalikan ni Lif u-o ang matanda.
Doon ka, am-ama. Makiisa ka sa amin.”
Babalik din sila riyo…”
“Ibig mo bang ngumata ng tabako habang naghihintay?”
Dumukot si Lifu-o sa nakasuklob na tinuod at iniabot na tuyong dahon ng tabako.
“Salamat… Ngunit bumalik ka na roon.” Itinaboy siya ng matanda.
Bumalik na nga sai Lifu-o sa bahay. Kailangang roon siya sa pagdaraos ng ritwal. Hinahanap na nga siya.
“Nasaan si lifu-o?”
“Si Lifu-o?”
“Lifu-o…?”
Bumalik pagkaraan ng mga sandal ang lahat sa labas ng bahay na malapit sa binuhay na mga siga… bumalik
silang masasaya… at lumalakas ang awiitan… ang tunog ng gangsa, ng kalos, ng koongan.
Nasiyahan ang mga anito… ang apdo ng baboy ay nakaturong palabas…”
Tuhugin sa patpat…suksok sa bubungan… sa malapit sa pintuan!”
“Magbibigay ng magandang kapalaran ang mga anito sa patnubay ni Kabunian…!”
“Dulatan ng karne ang mga anito: ilagay sa kiyag… paanyayahan muna ng panalangin!”
“Lifu-o,” bahagyang nagulantang ang tinawag. “Idudulot na ang tap-pey, Lifuu-o.” Nasa tabi na ni Lifu-o ang
asawang si Napat-a.”

SI MANGITA AT SI LARINA

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata, upang
mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy ng sikat na araw ay nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng
nagaganyak na dumampot.

Ang ningning ay maraya.

Ating hanapin ang liwanag; tayo’y huwag mabighani sa ningning.

Sa katunayan ng masamang kaugalian: Nagdaraan ang isang karuaheng maningning na hinihila ng kabayong
matulin. Tayo’y magpupugay at ang isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapua’y marahil naman ay isang
magnanakaw, marahil sa isang malalim ng kaniyang ipinatatanghal na kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay
natatago ang isang sukaban.

Nagdaraan ang isang maralita na nagkakanghihirap sa pinapasan. Tayo’y napapangiti, at isasaloob.

Saan kaya ninakaw? Datapua’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kaniyang noo at sa hapo ng kaniyang
katawan na siya’y nabubuhay sa sipag kapagalang tunay.

Ay! Sa ating naging ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtakwil sa liwanag. Ito nga ang
dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng kapalaluan at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na
maningning, lalong-lalong na nga ang mga pinuno na pinagkatiwalaan ng ikagiginhawa ng kanilang mga sakop
at walang ibang nasa kundi ang mamalagi sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na nagbibigay
sa kanila ng kapangyarihan.

Tayo’y mapagsampalataya sa ningning, huwag nating pagtakhan ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat at
magbalat-kayong maningning.

Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan na puspos na galang ay ang maliwanag, ang magandang asal at
matapat na loob, walang magpapaningning pagka’t di natin pahahalagahan. At ang mga isip at akalang ano pa
man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng katuwiran.
Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang hindi mapagmalas ng mga matang
tumatanghal ang kanilang kapangitan; nguni’t ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad sa ningning,
mahinhin, at maliwanag na mapatatanaw sa paningin.

Ang mahabang panahong lumipas ay isang labis na nagpapatunay ng katotohanan nito.


Mapalad ang araw ng liwanag!

Ay! Ang Anak ng Bayan, ang kapatid ko, ay matututo kaya na kumuha ng halimbawa at lakas sa pinagdaanang
mga hirap at binatang mga kaapihan?

YUMAYAKAP ANG TAKIPSILIM

Umiikot ang kwento sa isang matanda na may dalawang anak na sina Ramon at Rey. Si Ramon ay may anak sa
asawa nitong si Carmen na nagngangalang Lydia. Si Odet naman ang anak ni Rey, ang bunsong anak ni Lola.
Isang araw pinuntahan ni Lydia ang kanyang Lola kung totoo ba na ito ay titira na sa kanyang Tiyuhin na si Rey,
Ang Lola ay nagtaka at walang ideya sa tinanong ni Lydia ngunit maharahan nitong sinagot na "Hindi apo hindi
ako pupunta sa Tiyo Rey mo. Natuwa si Lydia sa balitang ito ngunit nagiwan ito nag pagtataka kay Lola kung
san ito nakuha ng bata. Kinabukasan kinausap ni Ramon si Lola kung okay lamang na manatili ito ngayon
bakasyon sa kanyang Bunsong Kapatid na si Rey. Sinabi din ni Ramon na sabik na sabik ito makasama ni Rey at
ayaw nitong payagan si Lola na doon tumira, magbabakasyon lamang ito. Natuwa si Lola sa balitang ito bagamat
wala na itong ideya sa itsura ng kanyang apo na si Odet at ang Asawa ni Rey. Pinainum ni Tinay si Lola ng
gamot at sinabing nasa ibaba na ang bunsong anak nito na Rey, si Tinay ang kasambahay nila Ramon sa bahay.
Binaba na si Lola na nakaupo sa upuang di gulong. Sabik itong pumunta kay Rey. Nagusap ang magkapatid sa
isang silid na malayo ke Lola. Sa kagustuhan ni Lola na marinig ang kanilang usapan, ito ay nalungkot
sakanyang narinig. Pagod na ang kanyang panganay na anak sa pagaalaga sa ina kaya pinakiusapan nitong si Rey
muna ang magbantay. Ang bunsong si Rey naman ay hindi din gustong magalaga sa ina. Si Lola ay napaluha
sakanyang narinig at wala naman na siyang magagawa dahil totoo namang siya ay pabigat na sa mga anak.
Masakit lamang ito kay Lola ngunit ito ay kanyang hinayaan nalamang.

You might also like