Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

MATAAS NA PAARALAN NG TAPUYAN

Gasan, Marinduque
PRE TEST ARALING PANLIPUNAN 7

Pangalan: ____________________________________________________ Puntos: __________


Piliin ang titik ng pinakatamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa unahan ng bawat bilang.

______1. Nahahati sa limang rehiyon ang Asya: Hilaga, kanluran, Timog, Timog-Silangan at Silangang Asya.
Tinatawag na heograpikal at kultural na sona ang mga rehiyong ito dahil isinasaalang-alang sa paghahati ang
mga aspektong pisikal, kultural at historikal. Kumpara sa ibang mga rehiyon, bakit ang hilaga at kanlurang
Asya ay kadalasang tinitingnan bilang magkaugnay?

A. Ang mga ito ay parehong napailalalim sa halos parehong karanasang historical, cultural, agrikultural
at klima.
B. Magkaama ang mga ito sa parehong pamamaraan ng paglinang ng kapaligirang pisikal.
C. Ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig ng mga ito ay halos pareho.
D. Apektado ng iisang uri ng klima ang uri ng pamumuhay ng mga tao rito.
______2. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa
A. Timog Silangang Asya B. Timog Asya C. Kanlurang Asya D. Silangang Asya
______3. Maraming uri ng anyong lupa ang matatagpuan sa Asya, isa na rito ay ang mga bundok. Makikita sa
Asya ang pinakamataas na bundok sa buong mundo, alin ito?
A. Mt. Fuji B. Mt. Kilimanjaro C. Mt. Everest D. Mt. Apo
______4. Isang katangiang pisikal ng kapaligirang matatagpuan sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang
pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands. Tinatayang ang sangkapat (1/4) ng kalupaan sa
mundo ay gantiong uri. Alin sa mga uri ng grasslands ang may damuhang mataas na malalim ang ugat na
matatagpuan sa ilang bahagi ng Russia at maging sa Manchuria?
A. prairie B. savanna C. steppe D. tundra
______5. Ang mga lupaing matatagpuan sa mga lugar na malapit sa ekwador ay nakakaranas ng klimang
A. monsoon B. temperate C. tropical D. continental
______6. Ang mga bansa sa Kanlurang Asya ay nakakaranas ng temperate climate, ito ay may katangiang
A. May katamtamang init at pagbuhos ng ulan
B. Malamig na panahon na may kasamang pagyeyelo
C. Mainit na panahon at bihirang maranasan ang ulan
D. Mahabang pag-ulan at maiklling tag-init
______7. Bakit kaya mabagal ang pag-unlad ng mga bansang kapuluan sa Asya tulad ng Pilipinas at
Indonesia?
A. Magkakalayo ang mga pulo. B. Maraming tao sa mga pulo
______8. Sa iyong pagtingin sa mapa, paano mo ilalarawan at bibigyang interpretasyon ang kinalalagyan ng
kontinente ng Asya?
A. Ang hugis at anyo ng mga lupain sa bawat bahagi ng kontinente ay pare-pareho
B. Karamihan sa mga bansa sa Asya ay may mainit na panahon
C. Ang malaking bahagi ng hanggahan ng Asya ay may mga anyong tu big
D. Insular ang malaking bahagi ng Asya
______9. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang walang katotohanan hinggil sa paghahating heograpikal ng
Asya?
A. Pisikal na katangian ang tanging pinagbabatayan sa paghahati ng rehiyon ng Asya
B. Pinagbabatayan ang kasaysayan ng mga bansa sa paghahating heograpikal
C. Karaniwang pinagsasama ang mga bansang may pagkakapareho sa kultura at relihiyon
D. Karaniwng pinagsasama ang mga bansang may parehong lahi
______10. Bakit tanyag ang Kabundukang Himalayas sas buong mundo?
A. Dito matatagpuan ang Silk Road
B. Dito matatagpuan ang pinkamataas na bundok sa buong mundo-ang Mt. Everest
C. Ang tuktok nito ay nababalutan ng yelo
D. Maraming hayop ang naninirahan dito.
______11. Ang mga bansa sa Timog at kanlurang Asya ay karaniwang nasa disyerto, mainit at salat sa tubig. Sa
kabila nito, mauunlad ang mga bansang Saudi Arabia, UAE, at Qatar dahil sa
A. masaganag ani ng palay B. suplay ng ginto
C. deposito ng tingga at bakal D. mina ng langis
______12. Ang bawat rehiyon sa Asya ay may kanya-kanyang pisikal na katangiang namumukod sa iba pang
bahagi ng Asya at mundo sapagkat
A.Nahahati ito sa iba’t-ibang rehiyon B. Maraming uri ito ng vegetation cover
C. May iba’t-ibang uri ng klima D. Lahat ng nabanggit
______ 13. Ang topograpiya ng mga rehiyon ng Asya ay may malaking epekto sa pamumuhay ng tao katulad
ng
A. ito ang pinagbabatayan nila ng kanilang hanapbuhay
B. ito ang pinagkukunan nila ng kanilang pangunahing ikinabubuhay
C. ito ang nagdedetermina ng kanilang uri ng pamumuhay
D. lahat ng nabanggit
______14. Ang pagkakaiba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba’t-ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at
topograpiya ng isang lugar. Kung sa Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at palagian ang klima, at sa Hilagang
Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima sa Timog-
Silangang Asya?
A. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, tag-lamig, tag-araw at tag-ulan.
B. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na nababalutan ng yelo
C . mahalumigmig, taglamig, tag-init, tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t-ibang
buwan sa loob ng isang taon.
D. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng mga tao.
______15. Sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikal ng kontinente ng
Asya?
A. Ang hanggahan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaring nasa anyong lupa o anyong tubig.
B. Ang Asya ay tahanan ng iba’t-ibang uri ng ng anyong lupa: tangway, kapuluan, bundok,
kapatagan talampas, disyerto at kabundukan.
C. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong halaman.
D. Ang iba’t-ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng iisang uri ng klima na may malaking implikasyon
sa pamumuhay ng mga Asyano.
______16. Ang sumusunod ay kahalagahan ng wika sa isang grupong etnolinggwistiko maliban sa
A. nagiging dahilan upang hindi sila maintindihan ng ibang grupo
B. nagiging btayan sa paghubog ng kultura ng grupo
C. nagsisilbing isang batayan sa pagkakakilanlan ng grupo
D. nakatutulong sa pagkakaisa ng grupo.
______17. Ano ang nangyayari sa wika kapag ang isang tao ay nagpupunta sa ibang lugar?
A. dala niya ang kanyang wika saanma siya magpunta.
B. natuto siyang magsalita ng ibang wika
C. nakalilimutan niyang magsalita ng ibang wika
D. wala sa mga nabanggit
______18. Aling pangungusap ang naglalarawan sa mga Balinese?
A. Batayan sa paggawa nila ng desisyon ang sistema ng consensus.
B. Magagalang sila sa matatand at makapangyarihan sa lipunan
C. Maganda ang kanilang kilos at tindig at mahilig sila sa sining.
D. Mahilig silang kumain ng maanghang na curry.
______19.Ano ang tinutukoy ng grupong etnolinngwistiko?
A. Pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura
B. Pagkakapareho ng mga tao sa isang bansa ayon sa kultura.
C. Pagkakapareho at pagkakaiba ng mga sa isang bansa ayon sa kultura
D. Pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao sa isang bansa ayon sa wika
______20. Ano ang batayan sa paghahati ng grupong etnolinggwistiko
A. Etnisidad at pamahalaan
B. Etnisidad at wika
C. Etnisidad at lahi
D. Wika at ugali
______21. Kung iba’t iba ang kultura ng mga pamayanang etniko sa Asya, nangangahu-lugang
pinakamalaking hamon sa rehiyon ang _______.
A. ideolohiyang politikal
B. pagkakakilanlan
C. modernisasyon
D. pagkakaisa
______22. Alin sa mga pangungusap sa ibaba ang kumakatawan sa pahayag na “ Sinasalamin ng wika ang
kultura ng isang lahi ”
A. Ang wika ay may iba’t ibang layunin.
B. Iba’t iba ang wika ng iba’t ibang tao.
C. Ang wika ay susi sa pag-unlad ng kultura at kabuhayan ng tao.
D. Ang wika ay kinakikitaan ng kultura ng isang lahi.
______23. Alin sa sumusunod na institusyon ang may mahalagang papel sa pagtataguyod ng wika?
A. Mag-anak
B. Pamahalaan
C. Pamayanan
D. Simbahan
______ 24. Ang mga sumusunod ay mga batayang salik sa pagkakaroon ng kabihasnan. Alin dito ang hindi
kabilang?
A. organisado at sentralisadong pamahalaan
B. masalimuot na relihiyon, kaalaman sa teknolohiya, sining, arkitektura, sistema ng pagsasaka
C. espesyalisasyon sa gawaing pang-ekonomiya at uring panlipunan
D. maraming pera at kilalang mga mamumuno
______ 25. May mga paghahanda o pamamaraang ginawa ang mga kabihasnang umusbong sa Asya upang
hindi sila magapi ng hamon ng kalikasan sa kanilang lugar tulad ng malakas na ulan at pagbaha. Anong
paghahanda ito?
A. nagtatanim sila ng iba’t ibang uri ng malalaking puno sa tabi ng ilog
B. nagtayo ng mga dike, at inayos ang mga daanan ng tubig
C. nagtatago sila sa mga kweba kapag umuulan
D. nagtatanim ng mga puno sa tabi ng bahay
______ 26. Papaano nagsimula ang pamumuhay ng mga unang tao ayon sa pag-aaral ng mga yugto ng
pamumuhay ng mga sinaunang tao sa Asya?
A. pagtatanim ng halaman C. pangangalap ng pagkain
B. pag-aalaga ng hayop D. pagpapalitan ng mga produkto
______ 27. Ano ang nagtulak sa mga unang tao upang permanenteng manirahan sa isang lugar?
A. pag-aalaga ng hayop B. pag-asawa at pagpapamilya C. pagtatanim D. paggamit ng
metal
______ 28. Alin sa sumusunod ang sumasaklaw sa kahulugan ng kabihasnan?
A. paninirahan sa malapit at maunlad na pamayanan
B. pamumuhay na tumutugon sa pangangailangan ng mamamayan
C. mataas na uri ng ng paninirahan sa malawak na lupain
D. pamumuhay na nakagawain at pinauunlad ng maraming pangkat ng tao
______ 29. Paano nabuo ang isang kabihasnan?
A. kapag naging maayos ang pamumuhay at nabago ang kapaligiran
B. kapag nagkaroon ng paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan
C. kapag may pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura, at sistema ng pagsulat
D. sa pagkakaroon ng sentralisadong pamahalaan, uring panglipunan, sining at
arkitektura at sistema ng pagsulat
______30. Ang mga sumusunod ay mga sinaunang panahon at kabihasnan na umusbong sa Asya. Alin
dito ang hindi kabilang?
A. Panahong Paleolitiko C. Panahong Neolitiko at Panahon ng Metal
B. Panahong Mesolitiko D. Panahong Legalismo
______31. Alin sa mga nakatala sa ibaba ang hindi kabilang sa mga pangyayari o pagbabago sa paglipas
ng panahon sa sinaunang panahon sa Asya?
A. natuklasan ang paggamit ng apoy
B. nakagawa ng mga kasangkapang yari sa bakal, metal at tanso
C. nagkaroon ng malawakang pagtatanim
D. nagkaroon ng sistemang mandato
______ 32. Ano ang kahulugan ng sibilisasyon?
A. masalimuot na pamumuhay sa mga lungsod
B. pamumuno ng isang angkan sa isang imperyo o kaharian sa loon ng mahabang
mahabang panahon
C. saloobin o opinyon ng isang tao batay sa kanyang paniniwala
D. ang pananaw ng mga Tsino na sila ang superiyor sa lahat
______ 33. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga lambak-ilog sa pag-usbong ng mga
sinaunang kabihasnan kagaya ng Sumer, Indus at Shang?
A. ang simoy ng hangin ay nagdudulot sa kanila ng kaaya-ayang pakiramdam
B. nagsilbing tagpuan ng dalawang nagmamahalan
C. dito nagpasimula ang kalakalan, pananiman, natatag ang mga pamayanan, at uring
panlipunan na nagpaunlad ng kanilang pamumuhay
D. magandang pasyalan at liguan
______34. Ang mga sumusunod ay dahilan ng pananakop para sa ikalawang yugto ng kolonyalismo at
imperialism. Alina ng tumutukoy sa mababang pagtingin ng mga kanluranin sa kultura, relihiyon at paniniwala
ng mag Asyano?
A. Kapitalismo B. White Mans Burden C. Nasyonalismo D, Reblolusyong Industriyal
______35. Iba iba ang sistemang ginamit ng mga kanluranin sa pananakop sa mga bansa sa Asya. May
gumamit ng pakikipagkalakalan, karahasan, o dili kaya’y pakikipagkaibigan . Alin sa nmga sumusunod ang
epekto nito sa mga bansang Asyano ?
A. Paglawak ng kapangyarihan ng mga bansa
B. Pagsasamantala sa likas na yaman ng mag bansa
C. pag-unalad ng ekonomiya ng mag bansa
D. Pagyakap ng mga Asyano sa kulturang kanluranin
______36. Ang panaka-nakang pag-aalsa ng mga katutubo lanban sa mga dayuhang mananakop ay
patunay ng isang realidad . Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy dito ?
A. Inabuso ng mga mananakop ang pagtitiwala ng mga katutubo
B. Naghahangad ng mabuting pamumuhay ang mga katutubo mula sa mga dayuhan
C. Kalinman ay hindi nagustuhan ng mga katutubo ang pagdating ng mga dayuhan
D. Natural sa mga sinaunang tao ang lumaban pag naapi
______37. Ang neokolonyalismo ay nakabatay sa ekonomiyang pabor sa mga mayayamang bansa na dating
may sakop sa mga mahihinang bansa. Ang mga sumusunod ang paraan upang makontrol ng mga
mayayamang bansa ang ekonomiya ng mahihirap na bansa . Alin ang hindi kabilang ?
A. Nagdidikta sila ng mga kondisyyon sa mahihirap na bansang umaasa sa kanilang pamumuhunan at
mga pautang
B. Tinitiyak nilang pabor sa kanilang negosyo at pamumuhay ang pulitika at ekonomiya ng mga
bansang ito
C. Nagluluwas sila ng mga produktong lihim na kumukontol sa pag-iisip at pagdedesisyon ng mga local
na politiko at negosyante
D. Nagsasagawa sila ng mga hakbang upang matiyak na mayroon silang pantay na karapatan o “
parity “ upang magamit at mapakinabangan ang mga likas na yaman ng mga dating sakop na bansa
______38. Sa pag-aagawan at pag-uunahan sa panggalugad ng mga bansa, nagkaroon nmg di
pagkakaunawaan ang Espanay at Portugal. Ang hidwaan ay nalunasan sa pagtatalaga ng line of
demarcation. Ano ang ibig sabihin ng line of demarcation ?
A. instrumento sa paglalayag na ginagamit upang malaman ang latitude o layo ng barko
B. hangganan kung saang bahagi ng mundo maggagalugad ang dalawang bansa, ang Spain at
Portugal
C. pananakop sa isang mahinang bansa
D. wala sa nabanggit
______39. Sa pag – iral ng merkantilismo, ang mga bansang Kanluranin ay may iisang layunin sa pagpunta sa
Asya. Ano ang kanilang pangunahing layunin?
A. makasakop ng mga lupain
B. mapalaganap ang Kristyanismo
C. makakuha ng karangalan
D. lahat ng nabanggit
______40. Iba;t ibang pagpapahalaga ang iniisip ng isang mabuting pinuno na magbibigay kasagutan sa iba’t
ibang suliranin na makatutugon sa pangangailanagn ng mga mamamayana. Anoa ng tawag sa mataas na
uri ng pagpapahalagng ito ?
A. Nasyonalismo B. Pamahalaan C. Ideolohiya D. Renaissance
______41. Nabuo ang nasyonalismo sa Asya bilang reaksyon ng mga Asyano sa kolonyalismo
at imperyalismo. Bilang mag-aaral ng kasalukuyang panahon, paano mo ipakikita ang damdaming ito sa
bayn ?
A. Maging mabuting mag-aaral at aktibong makilahok sa mga gawain pangkomunidad
B. Makiisa sa mga samahang nagsusulong ng pangangalaga sa kalikasan
C. Mag-aral na mabuti upang hindi maging pabigat sa lipunan
D. Lahat ng nabanggit
______42. Isang kontrobersyal na isyu ngayon ang pagmamay-ari sa Isla ng Spratly. Sa iyong palagay, ano ang
nararapat gawin ng Pilipinas sa usaping ito ?
A. Humanap ng kakamping malakas na bansa
B. Magdeklara ng digmaan laban sa Tsina
C. Palakasin ang pwersa upang maging handa sa anumang mangyayari sa bansa
D. Idulog na muli ang usapin sa pandaigdigang husgado upang maresolba ang usapin
______43. Kung ikaw ay magiging pinuno n gating bansa at papasok sa isang kasunduan , ano ang dapat
mong isaalang alang?
A. Isusulong ang interes ng ating bansa at babantayan ang ating karapatan
B. Isusulong ang malayang kalakalan upang yumaman ang mga mamumuhunan
C. Bibigyang pabor ang interes ng ibang bansa upang mapanatili ang kapayapaan
D. Isusulong ang pag-unlad n gating abnsa kahit maapektuhan ang ating kapaligiran
______44. Kung ikaw ay pangulo ng Samahan ng mga Mag-aaral at naatasang maglalahad ng presentasyon
tungkol tungkol sa imperyalismo at kolonyalismo sa Timog at kanlurang Asya, alin ang pipiliin mong paraan?
A. Multimedia presentation at pagtalakay
B. Pagkukuwento at pagtatanong
C. Pagbabasa ng teksto at pagbibigay ng haka-haka
D. Debate at pag-uutos ng dapat gawin
______45. Ang ideolohiya ay nahahati sa dalawang kategorya-politikal at pang-ekonomiya. Alin
sa sumusunod ang tumutukoy as ideolohiyang pampolitikal ?
A. pamumuno at sa paraaan ng pagpapatupad ng batas saga mamamayan
B. pagpaptupad ng mga patakarang pangkabuhayan
C. pagpapalakas ng hukbong military
D. pagpapaunlad ng kalagayang panlipunan
______46. Mahigpit ang kampanya ng administrayong Duterte lanban sa Droga, bilang mag-aaral, paano ka
makatutulong sa pamahalaan sa pagpapatupad nito?
A. Laging manonood ng telebisyon
B. Huwag pansinin ang mga nagyayari sa kapaligiran
C. Husgahan ang mga nahuhuling gumagamit ng droga
D. Mag-aral na mabuti at magsilbing babala ang mga kinahinatnan ng mga gumagamit ng droga
______47. Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga naging kontribudsyon ng
Timog at kanlurang Asya sa larangan ng sining, humanities, at palakasa ?
A. Mag-aaral na mabuti upang magkaroon ng sapat na kaalaman sa mga nabanggit na kontribusyon
B. Paggamit ng mga nabanggit n kontribusyon tulad ng larong chess, at martial arts
C. Paglinang sa sariling kakayahan upang maging isang buhay na halimbawa ng mga kontribusyon
mula sa mga bandsang ito
D. Lahat ng nabanggit
______48. Si Dr. Jose Rizal na ating bayani ay isa sa mga nagbuwis ng buhay para sa Inag bayan. Paano mo
pahahalagahan ang kanyang mga ginawa ?
A. Isaulo ang kanyang mga isinulat na mga tula
B. Alamin ang kinaroronan ng kanyang mag kaanak
C. Dalawin ang mga lugar na kanyang tinirhan
D. Tularan ang kanyang pagmamahal sa bayan sa iyong simpleng pamamaraan
______ 49. Sa paglaya ng maraming bansa sa Asya ang isa sa pinaka nakatulong upang makamit ang
paglaya ay ang pagkakaroon ng pambansang kamalayan kagaya nang pagtatanggol sa bayan,
paghahandog ng sarili para sa bayan, pag-iisip kung ano ang ikabubuti ng sambahayan ang konseptong
tinutukoy ay-
A. Patriotismo B. Kolonyalismo C. Nasyonalismo D. Neokolonyalismo
______ 50. Pahayag 1: Ang lahat ng mga bansa sa Silangan at Timog- Silangang Asya ay sinakop ng mga
Europeo. Pahayag 2: Ang mga bansang lumaya sa pananakop ng mga Kanluranin ay naging
demokratikong bansa
A. Pahayag 1 ay tama, pahayag 2 ay mali
B. Pahayag 1 ay mali, pahayag 2 ay tama
C. Lahat ng pahayag ay tama.
D. Lahat ng pahayag ay mali.

You might also like