Professional Documents
Culture Documents
Ang Tigre at Ang Alamid
Ang Tigre at Ang Alamid
Sa kagubatan, ang Tigre at ang Alamid ay magkasamang naghahanap ng pagkain. Ilang oras na ang lumipas ay hindi pa
rin sila makakita ng mga maliliit na hayop na maaari nilang kainin.
Hanggang isang kuneho ang kanilang nakita at agad na hinabol. At madali naman nitang nasukdol ito, ngunit
nagsimulang mag-angilan ang Tigre at Alamid.
"Akin ang kunehong ito! Sa gutom ko ay kulang pa ang kunehong ito." Ang sigaw ng Tigre sabay kalmot sa Alamid.
"Hindi maaari sa akin ang kunehong ito." Ang sigaw naman ng Alamid pagkatapos ay kinagat nito sa paa ang Tigre. Hindi
pa rin makakilos ang nanginginig sa takot na kuneho. Nag-away naman ng husto ang Tigre at ang Alamid.
Makalipas ang ilang sandali, dumating ang isang Leon at inawat ang away ng dalawa. "Bakit kayo nag-aaway?" ang
tanong ng Leon.
"Dahil dapat sa akin ang kuneho dahil ako ang unang nakakita dito." ang sigaw ng Tigre. "Hindi, sa akin dapat dahil ako
ang unang humabol dito." ang sigaw ng Alamid.
Natawa ang Leon. "Dahil sa pag-aaway ninyo ang pagkaing pinag-aagawn ninyo ay wala na,hayun!" ang sabi ng Leon
sabay turo sa kunehong malayo na ang narating at Malabo ng mahuli.
Nagsisi ang dalawa at mula noon natutuhan nila ang kanilang leksyon.
"Ako, kaya mong utusan? Hindi tulad mo ang katatakutan ko." Sagot ng Lamok.
Hampas at kagat ang ginawa ng Leon ngunit walang nangyari sa pagsisikap ng Leon.
Buong pagyayabang at halakhak ng Lamok dahil bigo ang Leon, na hulihin siya. Bigong umalis ang Leon at ang Lamok
namari ay buong galak na lumilipad na pinagtatawanan ang Leon.
Sa sobrang pamamayagpag, hindi napansin ni Lamok na may sapot sa tinunguhan nya. Hindi man niya sinadya ay nadikit
siya sa sapot at pigil hininga niya lamang hinintay ang gagamba na kakain sa kanya pagkat wala na siyang magawa.
Ubos ang pag-asa niya sa kanyang kaligtasan at naisip niya ang pang-aapi niya sa ubod ng laking Leon.
Isang araw, naaksidente sa paglipad ang tipaklong at ito'y bumagsak. Nawalan ang tipaklong ng malay kaya't agad
siyang tinulungan ng paruparo nang makita siya.
Ang mga langgam noon ay nagmamartsa pauwi kasama ang kanilang reyna at hari. Ang isa sa mga sundalong langgam
ay tumawag sa kanilang kolonya ng doktor. Nang nakita ng doktor na langgam si tipaklong at sinabing: "Malubha ang
kanyang kalagayan. Sana'y gumaling siya sa ibibigay kong lunas".
Nang marinig iyon ng paruparo ay para itong nabunutan ng tinik. Hinintay niyang magising ang nawalan ng malay
niyang kaibigang tipaklong. Nang magbukas ang mga mata ng tipaklong, nagulat siyang makita ang paruparo sa
kanyang tabi, nagbabantay.
Kinuwento ng paruparo ang lahat ng nangyari sa tipaklong at nagpasalamat si tipaklong. Tumanaw ito ng utang na
loob lalo't nagawa pa nitong tumawag ng maggagamot sa kanya. Naghapunan ang dalawa't nagpaalam sa isa't isa.
Nangako ang dalawa na magkikitang muli.
Nang pauwi na ang paruparo, nasalubong niya ang sundalong langgam na sumaklolo sa tipaklong. Sinabi ng langgam
na mamamatay na sa gutom ang kaniyang pamilya. At dahil naramdaman ng paruparo na dapat matulungan niya ang
langgam, dinala niya ito sa kanyang tahanan. Umupo naman ang langgam sa hapagkainan.
Habang nasa kusina ang paruparo, binuksan niya ang kanyang lalagyan ng mga naipong nektar noong tag-araw. Kaya
ang mga ito ay masasarap. Ibinigay niya ang lalagyan na ito sa langgam.
Tuwang-tuwa ang sundalong langgam at nakiusap itong buksan ang tsiminea para agad nang maluto ang nektar sa
lalagyan at maging asukal. Ginamit rin ng sundalo ang telepono para tawagin ang iba pang langgam para may
katulong ito sa pagdadala ng naluto pabalik ng kanilang kaharian.
Nang makarating ang mga ito, pinainom pa ng paruparo ang mga langgam na silang uhaw na uhaw sa pagmartsa.
Ang lahat ng langgam ay nagpasalamat nang buong puso kay paruparo.
1. Walangdiskriminasyon
1. Sa anumang samahan, mas malakas kung sama-sama at nagtutulungan. Higit sa lahat, napakahalaga ng pagtitiwala
sa bawa isa.