Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

KARUNUNGANG-BAYAN

1. SALAWIKAIN – ito ay nakaugalian nang sabihin


at nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-
asal ng ating mga ninunong naglalayong mangaral
at umakay sa mga kabataan sa pagkakaroon ng
kabutihang-asal.
Halimbawa:
 Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
 Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, di
makararating sa paroroonan.
2. SAWIKAIN – ito ay nagtataglay ng talinghaga
sapagkat ito ay may nakatagong kahulugan.
Tinatawag din itong idyoma o kaya naman ay
eupemistikong pahayag.
Halimbawa:
 bagong-tao - binata
 bulang-gugo - gastador; galante
 balat-sibuyas - iyakin
3. KASABIHAN – ang mga kasabihan noong unang
panahon ay yaong pinalalagay na mga sabihin ng
mga bata at matatanda na katumbas ng Mother
Goose Rhymes. Ang kasabihan ay karaniwang
ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng
isang tao.
Halimbawa:
Putak, putak Tiririt ng ibon,
Batang duwag Tiririt ng maya
Matapang ka’t Kaya lingon ng lingon
Nasa pugad. Hanap ay asawa.
4. BUGTONG – ang mga bugtong ay pahulaan sa
pamamagitan ng paglalarawan. Ito ay binibigkas
ng patula at may lima hanggang labindalawang
pantig.
Halimbawa:

 Bungbong kung liwanag, kung gabi ay dagat.


(banig)
 Dalawang katawan, tagusan ang tadyang.
(hagdan)
5. PALAISIPAN – ito ay nasa anyong tuluyan na
kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao
upang bumuo ng isang kalutasan sa isang
suliranin.
Halimbawa:
 Sa isang kulungan ay may limang baboy na
inaalagaan si Mang Juan. Lumundag ang isa.
Ilan ang natira?
 May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng
sombrero. Paano nakuha nag bola nang hindi
man lang nagalaw ang sombrero?
Sagutin o magbigay-hinuha sa mga tanong batay sa
tulang napakinggan/nabasa.
1. Bakit daw “bagyo ang aanihin kapag hangin ang
itinanim”?
2. Ano ang mangyayari kapag hindi nagamit nang
wasto o madaling naubos ang mga biyaya sa
buhay?
3. Paano isasabuhay ang kasabihang “Ang lumakad
nang matulin kung matinik ay malalim”?
4. Bakit nasabing “Ang kalusugan ay kayamanan”?
5. Ano ang ibig sabihin ng “Kung ano ang
bukambibig, siyang laman ng dibdib”?
Ipaliwanang ang mga sumusunod:
1. Pag may sinuksok, may madudukot.
2. Kung anong taas ng lipad, siyang lakas ng
pagbagsak.
3. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain.
4. Ang mahirap kunin ay masarap kaiinin.
5. Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon.
Takdang Aralin:
Magtanong ng mga sawikain o idyoma mula sa mga
matatanda at ibigay ang kahukugan nito.
Halimbawa:
Butas ang bulsa – walang pera
Ikrus sa noo – tandaan
Magdilang-anghel – magkatotoo ang sinabi
Ibigay ang kahulugan ng mga sawikain o
matatalinghagang salitang ginamit sa pangungusap.
1. Mahirap ang maging anak-dalita.
2. May mga anak na hanggang tumanda ay pasang-
krus ng magulang.
3. Mahirap pigilan ang taong buo ang loob.
4. Hindi nakabubuti ang pagkakalat ng mga
balitang-kutsero.
5. Ginagawa niya ang kanyang responsibilidad
bilang ilaw ng tahanan.
Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na
sawikain.
1.Nakalutang sa ulap (masaya)
2.Mababawa ang luha (iyakin o madaling
mapaiyak)
3.Buhol-buhol ang dila (sinungaling)
4.Parang aso at pusa (palaging nag-aaway)
5.Nagsusunog ng kilay (nag-aaral ng mabuti)

You might also like