niyang minamaliit ang mga hayop na mas maliit sa kanya. Sa isang dapit rin ng gubat may nakatirang langgam. Tuwing umaga, naghahanap ang langgam ng pagkain at sa tuwing umuuuwi siya ay lagi niyang nakikita na ginagambala ng elepante ang ibang mga hayop.
Isang araw, noong pabalik na ang langgam sa
kanyang paghahanap para ipunin ito, ay biglang nagbuga ng maraming tubig ang elepante sa kanyang nguso at nasaktan ang mga maliliit na hayop. Sinabi ng langgam "'Wag mo namang saktan ang mga hayop na mas maliit pa sa'yo." at sinabihan lang siya nito na "Tumahimik ka, langgam kung hindi aapakan kita diyan hanggang sa mamatay ka." galit na sabi ng elepante. Tumahimik ang langgam at tumuloy na sa kanyang pupuntahan. Pero nagpasya siya na turuan ng leksiyon ang elepante.
Sumunod na araw, noong natutulog ang elepante ay
dahan-dahang pumasok ang langgam sa nguso ng nito at kinagat-kagat ito hanggang sa nagising. Sinubukan niya na ang lahat para mailabas niya ang langgam na nasa nguso niya pero hindi niya ito magawa-gawa. Gayong napakamalaking hayop pero hindi magawang maialis ang napakamaliit na langgam.
Nagsimulang umiyak ang elepante at nanghingi ng
paumanhin sa langgam. At sinabi ng langgam "Sana ngayon naiintindihan mo na kung ano ang pakiramdam kung ginagambala mo kami.". "Oo, alam ko na ngayon." iyak na sabi ng elepante at nakiusap ito na lumabas ang langgam sa kanyang nguso. Naawa ang langgam sa elepante kaya lumabas ito. At simula noong araw na 'yon, hindi na ginambala ng elepante ang ibang hayop.