Exam

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukayon
Rehiyon IV-A CALABARZON
Sangay ng Laguna
Distrito ng Pila
PILA SENIOR HIGH SCHOOL
Brgy. Pinagbayanan, Pila, Laguna
Panimulang Pagtataya sa
Pagbasa at pagsulat ng Iba’t Ibang Teskto Tungo sa Pananaliksik
Panuto: Piliin kung anong uri ng teksto ang tinatalakay sa bawat paksa.
1. Sa paggunita ng Ika-40 pagdiriwang ng Alay-Kapwa, inihayag ng Catholic Bishops’ Conference of the
Philippines ( CBCP) ang 2014-2015 bilang Taon para sa Dukha.
a. Deskriptib b. Ekspository c. Naratib d.Persuweysib
2. Doon sa Silid: Ang silid ni lolang kinakatakutan, Yari sa lumang kahoy at inaanay. Bagama’t may kaba ako
ay pumasok, puro alikabok... nakasusulasok.... at may maya-maya pa.
a. Deskriptib b. Ekspository c. Naratib d.Persuweysib
3. Dapat hirangin ang “Kalakal” bilang salita ng Taon ngayon 2014 dahil ang susi sa ating kinabukasan at
kaunlaran. Matutugunan ang kahirapan kung pipiliin at isasapuso ng bawat Filipino ang magig isang
magangalakal o negosyante. Ayon sa artikulong nailathala sa Forbes Magazine, kinakailangan marunong
makipagsapalaran ang isang mangangalakal upang maging matagumpay.
a. Deskriptib b. Ekspository c. Naratib d.Persuweysib
4. Paano magluto ng Puto: Una ihanda ang mga kinakailangan na kagamitan tulad ng steamer tasang
panghalo salaam, muffin pan, mga kutsara. Ikalawa ihanda ang mga sangkap tulad ng 2 tasang rife flour. ½
kutsaritang asin.....
a. Argumentatbi b. Dekonstruksyon c. Naratib d.Persuweysib
5. Naniniwala ako na ang dapat na apatnapung taong gulang pataas ang kandidato sa araw ng eleksyon.
a. Argumentatbi b. Dekonstruksyon c. Naratib d.Persuweysib
II. Piliin ang titik ng tamang sagot
6. Ito ang pag-aaral hingil sa paggagamot, pinag-aaralan dito ang iba’t ibang lunas sa mga sakit.
a. Artitektura b. Biyolohiya c. Medisina d. Sosyolohiya
7. Ito ang pag-aaral ng pagpapaunlad at kultura ng lipunan.
a. Artitektura b. Biyolohiya c. Medisina d. Sosyolohiya
8. Ito ay ang pag-aaral sa pagpaplano, pagdidisenyo at pagtatayo ng mga gusali at iba pang pisikal a
estruktura.
a. Artitektura b. Biyolohiya c. Medisina d. Sosyolohiya
9. Uri ng teksto na ipinakikita ang proseso o wastong mga hakbang sa paggawa ng isang bagay tulad ng
pagluluto ng pagkain o pagbuo ng isang bagay tulad ng robot.
a. Argumentatib b. Bibliyograpiya c. Naratib d. Prosidyural
10. Ito ay naglalahad ng isang proposisyon ag may-akda na kakikitaan ng isang matibay na ideya at
makabuluhang detalye upang mahikayat ang mambaba na tanggapin at suportahan ang inihain na
proposisyon.
a. Argumentatib b. Bibliyograpiya c. Naratib d. Prosidyural
11. Pasalaysay na teksto na inilalahad ng may-akda sa mambabasa ang mga pagkakasunod-sunod ng
pangyayari.
a. Argumentatib b. Bibliyograpiya c. Naratib d. Prosidyural
12. Bilang tanda ng paggagalang, nagmamano tayo sa nakatatanda sa atin, ____________ sa ibang bansa sa
Asya ng Tulad ng Tsina at Hapon, naipakikita nila ang kanilang respeto sa nakakatanda.
a. bagkus b. gayundin c. subalit d. tulad
13. Madali lang ang pagsusulit ____ nag-aral kayo.
a. basta’t b. dahil c. dahil dito d. gayundin
14. Mayroong pagsusulit sa Daniel bukas ____ namasyal siya ngayon sa halip na mag-aral.
a. bagkus b. maliban c. ngunit d. subalit
15. Ayon sa mga doctor, nakasasama ang paninigarilyo sa kalusugan, _____, itinigil na ni Samuel ang
paninigarilyo.
a. dahil dito b. gayundin c. para kay d. subalit
16. Kapag hindi ka nagsesepilyo araw-araw, _____ masira ang iyong mga ngipin.
a. dahilan b. maaaring d. sa madaling salita d. samantala

Pag-unawa sa Binasa: Basahin ang talata. Kasunod nito ay mga tanong o pahayag batay sa salaysay. Piliin
ang pinakamahusay na sagot.
Noong panahon ng Kastila, isang lugar sa Maynila ang inilaan para sa pantahanan ng Intsik. Parian ang
tawag sa pabirahang ito na nasa labas ng mga pader ng Intramuros.
Mahigit na sa isang pamayanang tirahan ang Parian. Naririyong lahat ang mga tindahan, pagawaan, at
kainan. Naririto rin ang lahat ng mga uri ng kalakal, mga gawaing pangkamay, pati mga mangagawa,
manggagamot, at albularyo. Dito dinadala at ipinagbibili ang lahat ng mga panindang galing sa Tsina na
sakay ng mga bapor ng Intsik gaya ng binurdahang mga tela, seda, porselana, sinulid, at mga buhay na
alagang hayop.
17 . Ano ang tawag sa panirahang Intsik noong panahon ng Kastila?
a. Binondo b. Intramuros c. Parian d. Shangrila
18. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga panindang galing sa Tsina?
a. Buhay na alagang hayop b. Ginto c. Sinulid d. Tela
19. Nang dumating ang mga kastila noong ika-16 na dantaon, sinakop nila ang bansa sa pamamagitan ng
Espada at Saan nanggaling ang mga kalakal na dumarating sa Parian?
a. Amerika b. Espanya c. Hapon d. Tsina
20. Saan matatagpuan ang Parian?
a. Intramuros b. Maynila c. Quiapo d.Villalobos

Krus: espada sapagkat ginamit nila itong armas bilang pananggalang sa mga katutubong ayaw pasakop sa
kanila at krus sapagkat ginamit nila ang relihiyon upang mapasailalim tayo sa kanilang lahi. Sapilitan nilang
ipinasik ang kanilang bagong sibilisasyon. Nanirahan sila sa ating kapuluan na taglay ang kanilang kultura-
pagkain at alak, paraan ng pamumuhay, pamahalaan at mga batas, wika at panitikan, relihiyon, mga
kaugalian, sining at agham. Isinalin sa ating mga kababayan ang kulturang ito bilang pamana ng kastila.

21. Ang paksang tinalakay sa talata ay ang:


a. Kahalagahan ng espada b. Mga naninirahang kastila sa ating bayan
c. Pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas d. Sibilisasyon ng mga Kastila
22. Ang paggamit ng mga Kastila ng Espada sa kanilang pananakop sa ating bansa ay nagpapahiwatig na:
A. Handing makipaglaban ang mga katutubo sa mga banyagang mananakop
B. Ibig nilang ipakilala sa mga Pilipino na sila ang makapangyarihan
C. Nais nilang turuan ang mga Pilipino sa paghawak ng espada
D. Takot sila sa mga katutubo kaya ang talim ang naging sandigan nila
23. Alin sa mga sumusunod ang maituturibg na pinakamahalagang ambag ng mga kastila sa Pilipinas?
a. Alak b. Pagkain c. Relihiyong katoliko d. Wika at panitikan
24. Kailan dumating sa ating bansa ang mga Kastla?
a. Ika-14 na dantaon b. Ika-15 na dantaon c. Ika-16 na dantaon d. Ika-17 na dantaon

Pangunahing tungkulin ng tahanan ang paghubog ng damdamin at kaugalian. Dito binubuo ang isang
mabuti at maayos na pamumuhay sa lipunan. Ang tahanan din ang nagsisilbing pandayan ng wastong pag-
uugali at kilos na humuhubog at nagtuturo ng mabubuting asal at kaugalian.

25. Ayon sa talata, pangunahing tungkulin ng isang tahanan ang:


a, paggalang sa mga matatanda b. paghubog ng damdamin at kaugalian
c.Pagtuturo ng kung ano ang tama o mali d.Pagtuturo ng pagsimba
26. Ang tinutukoy ng salitang “dito” sa ikalawang pangungusap ay ang:
a. Bansa b. Pag-ibig c. Pamilya d. Tahanan

Ang babae nga ba ay pantahanan lamang? Iyan ang katanungang matagal nang pinagtatalunan ng
marami. Marahil, ito ay nag-uugat sa isang matandang paniniwala na ang babae ay pantahanan lamang.
Wala siyang ibang gagawin kundi asikasuhin ang kanyang mag-anak. Hindi dapat makialam ang mga
babae sa usaping lalaki. Hindi dapat magtrabaho sa opisina ang babae. Hindi sila dapat gumawa ng
gawaing panlalaki. Hindi puwedeng maging lider mg isang pamayanan o bansa.
Ngunit tulad ng isang tuyong dahon ang ating kababaihan ay sumusunod din sa daloy ng panahon, sa ihip
ng hangin. Marami na rin sa kanila ang nakawala sa tanikalang gumagapos sa kanilang katawan, sa
kanilang kaluluwa.

27. Batay sa talatang kababasa lamang, ang katanungang matagal nang pinagtatalunan ng marami ay:
a. Ang babae nga ba ay pantahanan lamang?
b. Ang ina ba ay tunay na ilaw ng tahanan?
c. Ang lalaki lamang ba ang may karapatang maghanapbuhay?
d. Nararapat bang magtrabaho sa opisina ang babae?
28. Ang paniniwalang ang babae ay pantahanan lamang ay nag-uugat sa:
a. Ating mga ninuno b. Kasalukuyang henerasyon c. Mga kabataan d. Mga kalalakihan
29. Batay sa salaysay, alin sa mga sumusunod ang dapat lamang gawin ng isang babae?
a. Asikasuhin ang kanyang mag-anak b. Gawin ang mga gawaing panlalaki
c. Maging lider ng bansa d. Pumasok sa opisina
III. Pananaliksik. Piliin ang titik ng tamang sagot.
30. Saan inihambing ang mga kababaihan?
a. Bituin b. Ninuno c. Rosas d. Tuyong dahon
31. Ito sistematikong paghahanap ng mahahalagang impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin?
a. Pagtatanong b. Pananaliksik c. Panayam d. Pagbabalita
32. Ito ang hakbang sa pananaliksik na tuloy-tuloy ang pagsulat ng kaisipan o ideyang dumadaloy sa
kaisipan?
a. Pangangalap-tala b. Balangkas c. Pagwawasto at Pagrerebisa d. Pagsulat ng Burador
33. Sa pananaliksik na ito gumagamit ng estadistika upang suriin ang datos na nakalap at malaman ang tiyak
na resulta.Anong uri ito ng pananaliksik?
a. Kwantitatibo b.Kwalitatibo c. Maunlad d. Masining
34. Layunin nito ang makahanap ng bagong kaalaman at mapalawak ang kaalaman sa pag-aaral.Anong uri
ito ng Pananaliksik
a. Puro b. Personal c. Paggalugad d. Praktikal
35. Tumutukoy ito sa kakayahang mailatag ang mga kaisipan at impormasyon sa isang
maayos,organisado,obhetibo,at masining na pamamaraan mula sa panimula ng akda o komposisyon
hanggang sa wakas nito.
a. Kasanayan sa Paghabi ng buong sulatin b.Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pagsulat
c. kasanayang Pampag-iisip d. Kasanayang pampag-iisip
36. Sa pananaliksik na ito gumagamit ng estadistika upang suriin ang datos na nakalap at malaman ang tiyak
na resulta nang sa gayon ay makapagbigay ng mahalagang impormasyon.
a. Aksyong Saliksik b. Kwantitatibong Saliksik c. Kwalitatibong saliksik d. Pananaliksik
37. Katangian ng mananaliksik na dapat naaayon at makatotohanan ang impormasyong nagmula sa sariling
opinyon lamang ng mananaliksik.
a. Walang kinikilingan b. Mapagkakatiwalaan c. Paggalang d. Responsable
38. Ito ay tumutukoy sa teorya, konsepto, o kahulugan na ginamit ng mananaliksik na may kaugnayan sa
isinasagawang pag-aaral.
a. Modelong Balangkas b. Konseptwal na Balangkas
c. Teoretikal na Balangkas d. Teorerikal na Pagsusuri
39. Ito ay nagsisilbing gabay ng mananaliksik upang matugunan ang suliranin at layunin ng pananaliksik.
a. Modelong Balangkas b. Konseptwal na Balangkas
c. Teoretikal na Balangkas d. Teorerikal na Pagsusuri
40. Ito ay may mahalagang papel ng mga baryabol na kumakatawan sa mga konseptong tinutukoy sa pag-
aaral.
a. Baryabol b. Diagram c. Konsepto d. Paradim
41. Ito ay pagsusuri ng mananaliksik sa pangkalahatang kalagayan ng paksang pinag-aaralan sa
pamamagitan ng pagkuha ng mga makabuluhang impormasyon sa mga tagasagot ayon sa antas ng
kalagayang panlipunan at opinyon.
a. Case study b. Correlation study c. Feasibility study d. Sarbey
42. Ito ay angkop upang masusing mapag-aralan ang isang tiyak na indibidwal o grupo. Kinakailangan
mapagtuunan ng pansin ng mananaliksik ang mga katangian o kilos ng indibidwal o grupo ng pag-aaralan.
a. Case study b. Correlation study c. Feasibility study d. Sarbey
43. Sa pag-aaral na ito, sinusuri ng mananaliksik ang posibilidad na maging maunlad ang isang negosyo o
kompanya batay sa pagsisiyasat ng mga salik na may kaugnayan dito.
a. Case study b. Correlation study c. Feasibility study d. Sarbey
44. Sinusuri ng mananaliksik kung may kaugnayan ba ang dalawang baryabol o salik sa pag-aaral na ito na
may parehong uri g populasyon.
a. Case study b. Correlation study c. Feasibility study d. Sarbey
Panuto: Isulat ang
a. kung Tama ang A at B
b. Kung Tama ang A at mali ang B
c. Kung Mali ang A at tama ang B
d. Kung Mali ang A at B
A. 45. A. Ang purposive sampling ay tumutukoy ng tiyak na sample na kailangan niya mula sa populasyon na
sa tingin niya ay sapat na makapagbibigay ng sagot
B. Convenience sampling ay tinatawag ding accidental sampling dahil ito ang pinakamadaling
pagkuha ng sample.
C. 46. A. Ang stratified sampling at tumutukoy sa pamamagitan ng paghihiwalay ng mga yunit o bahag ng
populasyon sa mga katangian mayroon ang populasyon
B. Stratified sampling ay tumutukoy sa sample sa pamamagitan ng paghihiwalay ng mga yunit o
bahagi ng populasyon sa mga katangiang mayroon ang populasyon tulad ng edad, kasarian ar tirahan.
D. 47. A. Ang disenyong pangkasaysayan ay tumutukoy sa pagpapaunlad ng negosyo sa pamamagitan ng
pananaliksik.
B. Ang Disensyong eksperimento ay nagpapaliwanag sa mga obserbasyon sa paligid.
B. 48. A. Ang realidad ay ipinapakita kung lagi bang pareho at matibay ang resulta ng datos na nakukuha
mula sa tagapagsagot.
B. Ang Face validity ay pagsasaalang-alang ng content , kailangan tiyakin ng mananaliksik ang saklaw
ng nilalaman ng panukat at kung sapat na ito.
A. 49. A. Ginagamit ang bar graph upang maipakita kung alin sa mga baryabol ang pinakamataas at
pinakamababa.
B. Ang Pie graph ay ginagamit upang maipakita ang pagkakahati at distribusyon ng halaga ng
baryabol mula sa kabuuan nito.
B. 50. A. Sa pagsulat ng kongklusyon, kailangang mulig balikan ng mananaliksik ang nabuong ipotesis o
palagay,
B. Ang rekomendasyon ay naglalagay ng mga palagay sa kinalabasan ng pag-aaral.

Inihanda ni: NORIEL D. DEL ROSARIO


Dalubguro II Pinagtibay ni: Greg M. Ibesate, Ed.D.
Punongguro II

You might also like