Kapasiyahan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republika ng Pilipinas

Lalawigan ng Batangas
Bayan ng Mabini
Barangay Talaga East

TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BARANGAY

Sipi sa katitikan sa nakaraang pangkaraniwang pulong ng Sangguniang


Barangapangkaraniwang pulong ng Sangguniang Barangay ng Talaga East na
ginanap noong ika - __ ng Mayo, taong 2019, ganap na ika - ____ ditto sa Bahay
Pulungan ng Barangay Talaga East, Bayan ng Mabini, Lalawigan ng Batangas.

Mga Dumalo:

Hindi Dumalo:

KAPASIYAHAN BLG. ___


Serye 2019

“KAPASIYAHANG PAGHIHILING SA PAGKIKIL NG PERMANENTENG


PAGKAKASARA LABAN SA HOLCIM PHILIPPINES”

SAPAGKAT, ang Holcim Philippines Inc. ay isang kompayang gumagawa


ng mga semento at iba pang mga materyales na pangkonstruksyon;

SAPAGKAT, ang Holcim Philippines Inc. ay nagsimulang magpatakbo ng


planta sa Brgy. Talaga East, Mabini, Batangas noong taong 2012;

SAPAGKAT, ang Holcim Philippines Inc. ay nagsimulang magbuga at


maglabas ng mga alabok, gabok, usok, ingay at mga iba pang pang-industriyang
basura noong bandang Oktubre taong 2018;

SAPAGKAT, ang kalusugan ng mga residente, pati na rin ang mga pananim
at mga koral sa karagatan ay nanganganib nang dahil sa mga alabok at gabok na
ibinubuga ng planta ng Holcim Philippines Inc.;

SAPAGKAT, noong 13 Pebrero 2019 ay pinatawan ng Environment


Management Bureau – Region IV ang planta ng Holcim Philippines Inc. sa Brgy.
Talaga East, Mabina, Batangas dahil sa paglabag sa Environmental Compliance
Certificate ng Holcim Philipines, Inc.;

SAPAGKAT, ang Environmental Compliance Certificate ng Holcim


Philippines Inc. ay para lamang sa pagpapatayo ng bulk terminal facility for storage
with a port facility;

DAHIL DITO, sa nagkakaisang desisyon ng lahat ng miyembrong naririto;


Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Batangas
Bayan ng Mabini
Barangay Talaga East

TANGGAPAN NG SANGGUNIANG BARANGAY

IPINASYA AT DITO AY PINAGPASYAHAN na hilingin ang pagkikil ng


PERMANENTENG PAGKAKASARA ng Holcim Philippines Inc. sa Talaga East,
Mabini, Batangas.

IPINASYA PA RIN, na padalhan ng sipi ng kapasyahang ito ang Punong


Bayan at Sangguniang Bayan ng Mabini para sa kanilang pag-aaral, kaalaman at
pagpapatibay.

Pinagtibay : __ Mayo 2019

Pinatunayan:

NAME
Kalihim ng Barangay

Pinagtibay:

NAME NAME
Kagawad Kagawad

NAME NAME
Kagawad Kagawad

NAME NAME
Kagawad Kagawad

NAME NAME
Kagawad SK Chairman

NAME
Punong Barangay

You might also like