Professional Documents
Culture Documents
MOA Usufruct Blank
MOA Usufruct Blank
MOA Usufruct Blank
ALAMIN NG LAHAT:
-at-
SAKSIHAN:
11. Hindi magtatayo ng pader o bakod ang IKALAWANG PANIG sa kahit na anong
bahagi ng PARSEL NG LUPA ng walang naunang nakasulat na pahintulot ng
UNANG PANIG;
16. Ang IKALAWANG PANIG ay walang ano mang karapatan sa mga tanim o
bunga/bulaklak ng mga ito na nakatanim sa looob ng PARSEL NG LUPA;
19. Hindi ilipat o i-tatalaga ng IKALAWANG PANIG ang Kasunduang ito sa kahit
na sino ng walang naunang nakasulat na permiso ng UNANG PANIG;
20. Hindi din maaring ibenta, i-talaga o ilipat man ng IKALAWANG PANIG ang
mga konstruksyon, imprastraktura o pagpapabuti na itinayo niya o ng kanyang
pamilya, lahat ng kanyang kaanak, bisita o kahit na sinong naninirahan o lumalagi
dito sa kanyang pahintulot o naghahayag ng karapatan sa ilalim niya sa PARSEL
NG LUPA sa ibang tao;
24. Ang kasunduang ito ay matapos din sa pagkamatay ng kahit na sino sa dalawang
panig na siyang nagsawa ng kasunduang ito;
25. Kapag na kansela o natapos na ang kasunduang ito, kusa at lubos na lilisanin ng
IKALAWANG PANIG, kasama ang buo niyang pamilya, lahat ng kanyang
kaanak, bisita o kahit na sinong naninirahan o lumalagi dito sa kanyang pahintulot
o naghahayag ng karapatan sa ilalim niya an PARSEL NG LUPA, at ang
PARSEL NG LUPA ay ibibigay/ibabalik ang posesyon sa UNANG PANIG na
hindi na kailangang sabihan o palalahanan pa;
26. Kapag na kansela o natapos na ang kasunduang ito, kusa ring gigibain o
tatanggalin ng IKALAWANG PANIG ang ano mang istraktura na kanyang
itinayo o itinayo ng kanyang pamilya, lahat ng kanyang kaanak, bisita o kahit na
sinong naninirahan o lumalagi dito sa kanyang pahintulot o naghahayag ng
karapatan sa ilalim niya sa PARSEL NG LUPA nang hindi magdudulot ng hindi
resonable at permanenteng kasiraan sa PARSEL NG LUPA at sisiguraduhin ng
IKALAWANG PANIG na ibabalik niya ang PARSEL NG LUPA sa orihinal
nitong kondisyon o estado bago siya manirahan dito;
28. Ang ano mang gastusin na tinustusan ng UNANG PANIG na may kaugnayan sa
pagpapagiba sa istraktura na itinayo at iniwanan ng IKALAWANG PANIG sa
PARSEL NG LUPA o sa pagpapsaayos ng PARSEL NG LUPA upang ibalik ito
sa orihinal nitong kondisyon o estado ay babayaran ng IKALAWANG PANIG sa
UNANG PANIG;
31. Ang mga nakapaloob dito ang kumpletong kasunduan ng mga partido ukol sa
PARSEL NG LUPA at pinapawalang bisa at pinapalitan nito ang lahat ng
naunang kasunduan nila tungkol dito, nakasulat man o hindi.
32. Ang hindi paggamit ng ano mang karapatan o pagpapatupad ng ano mang
obligasyon ng bawat panig sa Kasunduang ito ay hindi nangangahulugan
pinapaubaya na ito. Ang lahat ng pagpapaubaya ukol sa mga karapatan at
obligasyon sa kasunduang ito ng kahit na sinong panig ay dapat na malinaw at
nakasulat.
33. Sakaling maideklarang illegal, labag sa Konstitution o hindi pwedeng aksyonan
(unenforceable) ang ano mang bahagi ng Kasunduang ito kasama ang ano mang
papeles na kalakip o kaugnay dito, ang ibang bahagi nito ay mananatiling
epektibo.;
34. Ang kahit na anong susog o pagbabago sa Kasunduang ito ay dapat na nakasulat
at sinusunod lahat ng pormalidad na sinunod dito;
35. Sa lubos ng kanilang makakaya, aayusin ng mga partido ang ano mang hindi
pagkakaintindihan sa Kasunduang ito sa pamamagitan ng mapayapang paguusap
at mga alternatibong paraan.
36. Ang lugar ng lahat ng aksyong legal ukol sa Kasunduang ito ay eklosibo lamang
sa tamang hukuman ng lungsod ng San Pablo.
37. Ang ano mang komunikasyon o abiso sa pagitan ng mga partido ay dapat na
nakasulat. Lahat ng sulat, abiso o ano pa mang komunikasyon na ipinadala ng
isang panig sa address ng kabilang nakasaad sa itaas ay pinapalagay na natanggap
nito.
_______________________________ _______________________________
GIID Type/No:__________________ GIID Type/No:___________________
Issued by:______________________ Issued by:______________________
Issued on:______________________ Issued on:______________________
Valid until:_____________________ Valid until:_____________________
Mga
Saksi:
PAGPAPATUNAY
REPUBLIKA NG PILIPINAS )
LUNGSOD NG SAN PABLO ) S. S.
NOTARYO PUBLIKO
Kas. Blg. ______;
Pahina Blg. _______;
Libro Blg. _______;
Serye ng 2019