Professional Documents
Culture Documents
Hell University
Hell University
HELL
UNIVERSITY
This is a work of fiction. Names, characters, places and events are fictitious,
unless otherwise stated. Any, resemblance to real person, living or dead, or actual
event is purely coincidental.
PLAGIARISM IS A CRIME!
Kuya KiB: Hi! Ang main inspiration ko rito ay ang The Purge which is all about sa
legal ang pagpatay every specific range of time and the rest, ay mula na sa aking
imahinasyon.
Don't accuse me of copying if you haven't yet read the whole story. I am sorry to
tell you that you can't compare my work to other's work. I have my own plot and I
really work hard for this.
Peace!
Hell University
Hell University
- Welcome to Hell -
Chapter 1
Warning: May mga maseselang pangyayari ang maaring makita nyo sa kwentong ito.
Huminga ng malalim at sabay-sabay nating pasukin ang Hell School.
"Sigurado ba kayong dito ang daan? Sabihin nyo lang kung naliligaw na tayo ah? Para
naman hindi ako mabigla." Inis na sambit ko.
"Pwede ba, Zein? Tumahimik ka? Kanina ka pa angal ng angal eh wala ka namang
naitutulong."
Inirapan ko na lang si Mia na busy sa pagturo sa direksyon. Siya kasi ang may hawak
ng mapa na napulot nya sa kung saan.
"Masyadong matalahib. Mag-ingat na lang kayo baka may ahas sa paligid." Sambit ni
Dave.
"Sshh. Mas mapapagod lang kayo kung magdadada kayo." Suway ni Jerome na nauuna sa
aming maglakad.
Halos mapamura ako ng may putik na dumikit sa aking hita. Sinamaan ko si Vanessa
dahil sa hawak nyang stick.
Natawa na lang sya bago tumabi kay Mia. Hindi man lang humingi ng sorry.
"Aray!" Nasubsob ako sa likod ni Matt nang bigla siyang huminto. Ngayon ko lang
napansin na huminto pala silang lahat.
Nalaglag ang panga ko nang makita kung ano ang tinitignan nila. Isang lumang gate
na sobrang laki at kinakalawang na. Sa gitna ay may nakalagay na Hell University na
nakasulat sa parang dugo. Creepy.
"Heto na ba 'yon?" Tanong ni Jerome. Halos umikot ang mata ko. Isn't it obvious,
Jerome?
Humawak ako sa damit ni Matt dahil sa takot sa biglaang pagsulpot ng isang mama na
may dalang itak. Gosh!
Sumilay sa tuyong labi ng mama ang isang ngisi. Shit! Parang ayoko na.
Humawak ako sa braso ni Vanessa na excited na. Bakas sa mukha nila ang excitement
habang ako ay natatakot. Psh.
Hindi ako makapaniwala pagpasok namin. Bumungad sa amin ang mga estudyanteng
tahimik na nag-uusap. Iyong iba ay umiiyak.
Hindi ko matanggal ang tingin sa mga estudyante. Iyong iba ay matalim na titig ang
ipinupukol sa amin. Tapos 'yong iba ay nakangisi. Shet! Creepy.
"Riot? Eh bakit parang walang pumipigil sa kanila? Ikaw? Bakit andito ka pa rin?"
Tanong ni Dave.
Huminto kami sa isang pintuan. Humarap sa amin ang mama na hindi na natanggal ang
ngisi sa labi.
Pumasok kami sa loob ng kwarto at sinalubong kami ng isang babaeng naka upo sa
swivel chair. Sinenyasan nya kami na maupo na syang ginawa namin.
Ang maputik na sahig ay lalong pumutik dahil sa mga sapatos naming nababalot ng
putik. Hindi ba sila marunong maglinis? Tsk.
"So, Good Morning newbies. I am Madame Violet, HU's Headmistress. Please, fill up
the forms." Inabutan kami ng mama ng mga forms.
Nagkatitigan si Madame at Mama sabay natawa. Gosh! Bakit parang ang weird nila?
Natuwa naman si Vanessa at Mia na nag-apir pa habang sina Matt, Jerome at Dave ay
nakangisi lang.
"But..."
"You must know our one and only rule here." Nakangising sambit ni Madame.
"Isa lang ang rule nyo?! Woa!" Amaze na sambit ni Dave.
Bakit parang hindi nila napapansin na ang weird ng lahat ng nangyayari? Walang
tuition fee? May school bang ganon? Or kung meron man ay malamang tumatanggap ng
scholar but this school? HU? Nevermind.
"Everything is free. You will have your freedom. Is it also the time where Killing
is legal, lock all the doors, never get outside that range of time because if you
do, you will die."
Umakyat lahat ng dugo ko sa katawan matapos kong marinig lahat ng sinabi ni Madame
na hanggang ngayon ay nakangisi pa rin.
Gosh! Hindi ba sila marunong matakot? This adventure is not the adventure I want.
Nakakakaba ang isang ito.
"You are the newbie. Mas mabuti kung mag-iingat kayo. Hindi lahat ng kaibigan ay
kaibigan din ang turing sa inyo. Never let your guard down, or else. You know what
I mean?"
I need air at kailangan ko ring pakalmahin ang sarili ko. Napakaraming negative ang
pumapasok sa isip ko like dito na kami mamamatay at marami pang iba.
Dinala ako ng aking mga paa sa park na malapit. Napayakap ako sa aking sarili ng
umihip ang malamig na hangin. Walang tao rito.
Umupo ako sa swing na kinakalawang na at tinulak ang lupa para gumalaw ang swing.
Nabalin sa may puno ang tingin ko na kung saan may lalaking nakamaskara na itim ang
nakita ko. Humihithit ito ng sigarilyo.
"Who are you?" Binalot ako ng takot ng makita ang nalaglag nyang kutsilyo na
naliligo sa dugo.
"Z-Zein."
Humalakhak sya nang marinig ang sinabi ko. Mejo nakaramdam ako ng pagkainsulto
dahil sa tawa nya. There's nothing funny here!
"Sounds angel but at the end. You will also hold a knife to survive."
Hinagis nya sa akin ang kutsilyo na hawak nya kaya napaatras ako. Nanuyo ang
lalamunan ko sa kaba.
"Sino ka ba?!"
Humakbang sya ng ilang beses papunta sa akin kaya napahakbang naman ako paatras.
This guy is creepy! Gosh!
Lumukot ang mukha ko sa sinabi nya. Ano bang ibig nyang sabihin? Nakakalito.
"It's already 6:30 pm. You still have 30 minutes to leave. Lock all the doors.
Mainit ang mata nila sa inyo. Mag-ingat kayo."
Nagtawanan sila sa sinabi ko kaya hindi ko maiwasang mairita. Bakit ba ayaw nilang
maniwala? This is not a joke! Nasa panganib ang buhay naming lahat.
"Alam mo Zein? Mauuna kang mamamatay sa amin sa takot. Kalma lang." Ani Mia na
natatawa.
"7:00 oclock"
Binalot kami ng katahimikan at ramdam ko ang kabog sa aking dibdib. Ang sikip.
"It's already bloody night." Sambit ni Vanessa na aktong lalabas ng pinto pero
mabilis akong humarang.
"Ano ba?! Magpapakamatay ka ba?" Inis na tanong ko pero tinawanan nya lang ako.
Sabay-sabay silang tumawa. Pinagtatawanan nila ang seryosong bagay. Baliw ba sila?
"Guys please. Ayokong may mangyaring masama sa kahit na sino man sa atin dito.
Please lang!"
"Hei sorry." Ramdam kong niyakap ako ni Vanessa at tumabi naman sa akin si Mia.
Ramdam kong lumandas sa mata ko ang luha dahil sa pangamba na baka may mangyaring
masama sa kahit na sino man sa amin. I don't want that to happen.
"Mia. I am really serious. There's something in this school more than this bloody
night. They are hiding lots of secrets!"
Ramdam ko ang mga titig sa amin nina Madame at nung mama kanina. Parang may
pinaplano sila. Gosh! Napaparanoid na ba ako?
"Sshh. Okay. Let's sleep for now on at bukas na bukas din ay aalis na tayo."
Niyakap din ako ni Mia.
"Sshhh." Napatingin kaming lahat kay Dave nang senyasan nya kaming manahimik.
Nakakatakot sila. Sino sila at anong ginagawa nila sa labas gayong bloody night
ngayon? Bakit sila nakamaskara?
Mabilis na isinara namin ang bintana nang tumingin sa amin ang isa sa kanila.
"I thin-"
Hindi na naituloy ni Dave ang sasabihin nya ng may sunod-sunod na kumatok sa pinto
namin na parang kinakalabog na ito.
"Okay. Okay."
Chapter 2
Chapter 2: Pako
Naka black pa rin itong damit. Maging ang kanyang labi at kuko ay kulay itim. Black
lady ata 'to.
"Good Morning Madame Violet. Gusto na po naming umalis dito sa school." Sambit ni
Vanessa sa magalang na tono.
"This school is a complete mess! Walang kwenta! How come hindi naipapasara ang
school na ito?!" Hindi ko na napigilan ang bibig ko.
"Easy Miss Zein Shion, Hell University is an independent school. Hindi ito saklaw
ng gobyerno at hindi nila ito maaring pakialaman."
"How come?! Basta! Lead us the way nang makaalis na kami sa pesteng school na ito!"
Sabi ni Dave.
Tumalim ang titig sa amin ni Madame. That pure intimidating black eye is
penetrating our souls. Sino ba sya?
"We have a motto here. Once you enter, there's no turning back." Mahina itong
tumawa.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Hindi na kami makakaalis? No way! Hindi kami
ligtas sa lugar na ito! All students here are evil! Nakakatakot sila at sigurado
akong kapag nagtagal kami rito ay maaring mapahamak kami.
Pinaglaruan ni Madame Violet ang tip ng buhok nya bago umupo sa swivel chair at
pinaikot ito. Napaiwas ako ng tingin dahil nakakahilo ang ginagawa nya. Iniinis nya
talaga kami at hindi sineseryoso. Damn.
"We are not joking here! Lead us the way!" Utos ni Matt.
"Nah. Pumasok kayo rito. Walang pumilit sa inyo. All you have to do now is.....
panindigan nyo!"
"Bull shit! Aalis kami rito! Makakahanap kami ng daan! Isusuplong namin kayo sa mga
pulis!" Nagtatangis ang bagang na sambit ni Jerome.
"Go Mr.Jerome Marquez. Find the way out if there is. Walang pumipigil sa iyo."
Natatawang sambit ni Madame.
Naningkit ang mata ko. Pinaglalaruan nya ba kami? Iniinis nya ba talaga kami? Anong
pinaplano nya? Seryoso ba sya? UGH!
Tinapunan lamang namin ng tingin ang mga inilabas nyang plastic na may pangalan
namin.
Sumusumpong na naman ang pagkamaldita nya. Well, hindi ko sya masisisi. This woman
is really weird, nakakainis ang ngisi nya.
"Hell University is still a school. We have lots of teachers. Pili lang ang mga
guro rito na pumapasa sa amin, kaya I assure you na marami kayong matututunan here
over the other school. Magagaling lahat sila." Aniya.
"Woa! May mga teacher na gusto paring magturo rito despite of danger? Amazing!"
Sarkastikong tugon ni Matt.
"Ipagpalagay na lang natin na hindi rin normal ang sahod nila. Hindi lang doble o
triple ang perang natatanggap nila. Enough for the discussion. Go to your
respective classes now and wear your uniform. Baka mahuli kayo ng President.
Sigurado akong, hindi nyo magugustuhan ang parusa."
Wala kaming nagawa kundi ang sumunod sa kanya. Andito na kami ngayon sa cr at
nagbibihis. Iyong mga boys ay nauna na dahil magkaiba kami ng schedule.
"I must say ang cute ng uniform nila." Puri ni Mia sa mini skirt na suot namin.
Natigilan kami sa pagdadaldalan nang pumasok ang isang babaeng matangkad, I mean
mas matangkad sa akin ng konti. Ako ang pinakamatangkad sa aming tatlo nila Van at
Mia.
Hindi ko maiwasang masulyapan sya sa salamin. Naghugas sya ng kamay. Itim ang buhok
nya at itim na itim pa ang mata nya. Ang ganda nya.
Ibinalin ko sa harap ng salamin ang paningin ko at inayos ang blouse ko. Ramdam ko
naman ngayon na sa akin sya nakatingin. Shit! Bakit ba ako natatakot sa kanya?
"Tama pala ang balita na may anim na daga ang pumasok dito. Pathetic."
Nagpantig ang tainga ko sa sinabi nya kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya
nang nakataas ang kilay.
Mahina itong natawa. Humarap syang muli sa salamin at naglagay ng lipstick sa labi.
Pinanuod namin ang galaw nya. May peklat sya na hiwa sa leeg pero hindi halata.
"Aalis kayo? Ituro nyo sa akin ang daan kapag nakita nyo ah?" Natatawang sambit
niya.
Ngumisi siya sa akin bago ibinalik sa shoulder bag nya ang lipstick nya.
"Walang may alam. Once you enter, there's no turning back...unless patay ka na
or..." pambibitin niya.
Naglakad siya papunta sa pinto pero bago pa man siya lumabas ay binuo na nya ang
salita nya.
"Makakaalis kayo kung may tutulong sa inyo na may mataas na ranggo sa HU. Guess
who?" Pabagsak nyang isinara ang pinto at iniwan kaming tatlo na lutang.
Ano daw?!
--**--
Hindi nga nagbibiro si Madame Violet tungkol sa sinabi nya na high class ang mga
teacher nila. Itong first subject namin na Math ay mas madaling intindihin, it is
more like na lahat ng mga long method ay may sarili silang method which makes it
easier than I thought.
"Zein. Wala ka bang napapansin?" bulong sa akin ni Vanessa na nasa kanan ko. Si Mia
naman ang nasa kaliwa ko bale ako ang nasa gitna at kaming tatlo ay nasa likod.
Hindi ako sumagot sa tanong nya at pinakiramdaman lang ang paligid. I knew it!
Halos nakatingin lahat sa amin ang mga kaklase namin. Iyong iba ay pasulyap-sulyap
lang habang ang iba ay lantaran kung kami ay titigan. May mga nakangisi at may iba
namang animo'y nag-aalala.
"Mia?" Sinubukan kong kunin ang atensyon ni Mia na tulala sa labas ngunit hindi man
nya ako binigyan pansin.
Nakarinig ako ng mga bulungan at sigawan din nang makita nila ang kawawang lalaki.
Naglapitan silang lahat doon na pinamumunuan ni Sir Alvarez, ang teacher namin sa
Math. Hindi ko naman magawang sumunod dahil nakayakap sa akin si Mia na
humahagulgol.
"Shit! Sinong may gawa no'n? Napakawalang puso naman." Komento ni Vanessa na
hinahagod ang likod ni Mia para patahanin.
Nagdatingan ang mga boys na humahangos. Halata ang alala sa kanilang mga mata.
"Ayos lang siya. Natakot lang. Mabuti pa at iuwi na natin sya sa dormitoryo nang
makapagpahinga na." suhestyon ko na sinang-ayunan nilang lahat.
Magtatanong sana ako nang tumakbo sya sa mga nagkukumpulang tao para makiusyoso.
Sumunod ako sa kanya. Tinakpan ko ang aking bibig nang malapitan na makita ang wala
ng buhay na lalaki.
Nanlaki ang mata ko at halos masuka nang makita ko ang nakalawit nyang dila na may
tatak na pako. Parang tinatakan ito gamit ang nag-aapoy na bakal dahil sa mejo
malalim ito.
"Ako si Meico. 3rd year student." pagpapakilala nya. Tumango na lang ako dahil wala
akong interest na makipagkilala sa kahit na sino.
"That nail in his tongue symbolized the Black Blood Gang. Ngayon lang ulit sila
nagparamdam matapos ang nangyari last week."
Hindi ko napigilan ang makinig sa sinabi nya at nakakalito talaga. Ano bang
sinasabi nya?
"It's just means that another war will happen soon... Alam kong mas matindi ito
ngayon dahil pinatay nila ang nag-iisang kapatid ni Raze Silvenia, the leader of
the Devil God Warrior."
Napalunok ako matapos marinig ang mga iyon. Shit! Kailangan na naming makaalis sa
lalong madaling panahon dahil kung hindi.... madadamay kami sa isang malaking
pangyayari.
"Tara na?" Tanong sa akin ni Matt na galing sa kung saan. Sandali kung sinulyapan
ang kawawang lalaki bago tumango.
Palayo na kami sa pangyayaring iyon ngunit parang nakatatak na sa aking isip ang
replika nito, lalong lalo na ang pakong nasa dila nito. How brutal they are? O
baka, patikim pa lamang ito ng kademonyohan nila.
"Rouge Silvenia. Siya ang nag-iisang kapatid ni Raze Silvenia." sabi ni Matt na
seryosong nakatingin sa daan.
Nanatili ang mga tainga ko sa kanya, naghihintay ng marami pang detalye.
"Who are they?" Tanong ko kahit na alam ko na kung sino ang tinutukoy niyang Raze,
ang leader Devil God Warrior na sinabi ni Meico.
"Enough. Wala kang dapat malaman, Zein, kundi ay hindi ka na talaga makakaalis dito
at iyong ang hinding-hindi ko hahayaang mangyari." aniya.
Hindi ko sya maintindihan. Bakit andami nyang alam? May nagsabi ba sa kanya? Paano
sya? Marami na syang alam, posible bang hindi na sya makaalis dito? UGH!
"Kain na kayo. Oo nga pala, anong subject nyo?" Tanong sa amin ni Vanessa na nag-
aayos ng lamesa. Nasa kwarto siguro sina Jerome at Dave.
"Ikaw lang pala ang mahihiwalay." Sambit naman ni Vanessa na ikinatigil ni Matt sa
pagsandok.
"Ikaw lang mag-isa Zein. Gusto mo bang bantayan kita?" Suhestyon ni Matt na titig
na titig sa akin.
Pagkatapos naming kumain ay saktong kagigising lang ni Mia na mugto pa ang mata.
Umupo kami sa harap nya at saktong kakalabas lang din nila Jerome at Dave sa
kanilang kwarto na halatang kagigising lang din.
Kating-kati na ang aking bibig na magtanong pero pinigilan ko ang aking sarili.
Baka mabigla sya at hindi nya pa kayang magsalita. Alam kong nakita nya ang mga tao
sa likod ng kawalang hiyaang iyon.
"Ikaw nga ang inaalala ko. Ikaw lang ang mahihiwalay sa atin." sambit niya.
"Ano ka ba! Kaya ko ang sarili ko. Marunong kaya ako mang-karate." biro ko.
Tanghaling tapat, grabe ang init habang naglalakad ako sa dulong building ng mag-
isa. Kakaunti na lang ang mga estudyanteng nakakalat dahil oras ng klase at alam
kong late na ako.
Minadali ko ang paglalakad at binalewala ang mga titig ng mga tao. Ano bang
problema nila? Hindi pa ba sila nakakamove on na may mga tangang pumasok sa school
na ito? Psh.
Naabutan ko ang katahimikan sa room namin. Wala pa ang teacher namin. Yumuko ako sa
awkward na nararamdaman dahil nakatingin sa akin ang lahat. Nakayukong umupo ako sa
dulo.
Napatingin ako sa katabi ko at laking gulat na ito ang babaeng nasa CR. Iyong
pulang-pula nyang labi at itim na mata. Nakakatakot ang titig niya.
Nanlaki ang mata ko nang makita kung ano ang iginuguhit niya.
Pako?
Chapter 3
Chapter 3: Break the rule
Hindi ako mapakali habang nakaupo sa silya sa gitna nila Jerome at Dave. Lahat sila
ay nakatuon ang atensyon sa teacher na nagsasalita sa harap, kami lang ata ni Matt
ang hindi mapakali.
"Sa tingin mo okay lang kaya siya?" Tanong ko kay Matt na seryosong nakatingin sa
labas.
Hindi siya sumagot at alam kong kinakabahan din sya. Mag-isa lang si Zein sa
subject na iyon plus na babae pa sya kahit na amazona iyon.
Pinagpawisan akong muli nang maalala lahat ng nangyari kanina. Iyong ngisi sa akin
ng lalaking pula ang buhok.
-flashback-
Kumunot ang noo ko nang biglang may sumulpot na lalaking pula ang buhok sa gilid
ko, bale nasa labas siya ng bintana. Nakangisi siya sa akin.
May earings ito na halos lahat ng parte ng tainga nya ay meron. Maputi ito at
matangos ang ilong. Matangkad at malapad ang katawan.
Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Ni hindi ko magawang lumingon kay Zein na
kanina pa ako tinatawag. Ilang minuto syang nakatayo roon at muling sumilay sa labi
nya ang isang ngisi. Nakakakilabot.
Mabilis ang pangyayari at nawala sya sa paningin ko at may lalaking nakatali sa
silya na. Nabigla ako kaya hindi ko maiwasang mapayakap kay Zein at humagulgol.
Sino sya? Ginawa nya lang ba iyon para lituhin ako at mailagay nila ang lalaki sa
silya na iyon? Bakit nila ginawa iyon? Anong gusto nila?
Umakyat lahat ng dugo sa mukha ko dahil sa hiya na kanina pa pala ako kinakausap ng
teacher namin.
--**--
Ramdam ko ang pagtagaktak ng pawis mula sa noo ko, ang bilis ng tibok ng puso ko.
Pakiramdam ko ay nasa isa akong paglilitis.
Tumango na lang ako nang hindi tumitingin sa kanya. Sino sya? Anong kinalaman nya
sa Black Blood Gang na simbolo ang pako? Shit! Kasabwat ba sya sa pagpatay?
"You want to know everything?" Bulong nya sa aking tainga na nagbigay sa akin ng
hindi maipaliwanag na pakiramdam. Pinagpapawisan ang palad ko.
"Nah. Malalaman ko lahat sa aking sariling sikap. Hindi ko kailangan ng tulong mo."
Matapang na sagot ko.
Isang nakakabinging halakhak ang lumabas sa bibig nya. Ni hindi man magawang
lumingon ng mga kaklase namin sa kanya na animo'y ikamamatay nila kapag tumingin
sila sa kanya.
"Your curiosity will kill you Zein but if you really wanna know... find out by
yourself, break the only rule." bulong nyang muli.
Kumunot ang noo ko. Wala akong maintindihan at hindi ako makapag-isip ng maayos
dahil sa napakabigat na presensya ng babaeng ito.
Mas lalo itong pinagpawisan. Halatang nanginginig din ito. Ano bang problema nya?
May humahabol ba sa kanya? Shit! Curiosity is killing me.
"Pathetic poor girl. Kung ako sa'yo ay huwag ka na lang makialam, mapapaaga ang
paglisan mo sa mundo." sambit ng katabi ko.
Inipon ko lahat ng lakas ng loob ko bago siya binalingan ng tingin. Nakatitig ako
sa itim na itim nyang mata.
"Sabihin na natin na isa ako sa pinakakinatatakutan dito, walang sino man ang
nangahas na sigawan ako gaya ng ginagawa mo. Alam mo ba kung bakit? Syempre hindi
kaya hahanap ka ng sagot, tama? Go! feed your curiosity, ngayon pa lang ay
napahanga mo na ako Miss Zein Shion, ano pa bang susunod mong gagawin na mas
magpapahanga sa akin?"
Buong klase ay tulala ako sa kawalan. Last subject namin ay between 5:00-6:30, 30
minutes bago ang bloody night. Hindi ako pumasok at alam kong nag-aalala na sa akin
ang mga kaibigan ko.
Mabilis na nagtago ako sa isang poste, palipat-lipat ako ng pwesto para hindi
makahalata ang babaeng demonyo na sinusundan ko sya.
Tama ba ang ginagawa ko? O mas nilalapit ko lang ang aking sarili sa kapahamakan?
Shit! Kinakain ako ng takot pero mas nangingibabaw ang kuryosidad.
Masyado akong naging lutang at nawala sa paningin ko ang babae. Lumabas ako sa
kinatataguan ko at nagpalinga-linga.
Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. May nakatutok na sa aking leeg na pako at
maling galaw ko lang ay masasaksak na ako nito.
"Mapangahas ka. Anong akala mo sa akin? Maiisahan mo? Hindi mo pa talaga ako
kilala. Marami na akong napatay, gusto mong masama?" Tanong niya.
Nakakakilabot ang tono ng pananalita nya. Tama nga sya. Kaya pala kinakatakutan sya
ay skilled din sya. Nagawa nyang mawala sa aking mata sa sandaling segundo.
Nakahinga ako ng maluwag nang pakawalan na nya ako. Muli nyang itinago sa kanyang
bulsa ang pakong gamit nya.
"You wanna know my name?" Tanong niya. "Well, I am Nicky. Mark my name bitch."
katulad ng nangyari kanina ay mabilis na nawala siya sa aking paningin.
Napaupo ako sa sahig. Mabilis pa rin ang paghinga ko at animo'y hinabol ako ng
asong lobo. So dangerous.
Hindi ko alam kung ilang minuto akong nakaupo roon. Nanghihina pa rin ako.
Napagitla ako at napatayo nang may nagsalita sa likod ko. Mabilis na humarap ako sa
kanya.
Isa itong lalaking nakasalamin. May hawak itong notebook. Para siyang nerd na
lalaki pero bakit ganito? Dumoble ang pangangatog ng tuhod ko.
"Zein Shion."
Binuklat niya ang notebook na dala niya at hinanap roon ang pangalan ko. Nakakunot
ang noo nito habang naghahanap.
Normal na estudyante lang naman sya pero bakit ang bigat ng dating niya.
"Boom!"
Napatili ako ng sumigaw siya. Tumawa siya ng tumawa habang ako ay nakahawak sa
aking dibdib. Grabe sya...
"Ano bang pakialam mo?!" Aalis na sana ako nang hawakan nya ang braso ko at hawakan
ng mahigpit.
Nakangisi pa rin sya. Hindi ko maiwasang mapasigaw sa sakit ng mas higpitan nya pa
ang kapit sa braso ko na parang bunabakat na ang kuko niya rito.
"A-Aray..."
Ilang segundo ang nakalipas bago nya ako pakawalan. Muli akong napaupo sa sahig
dahil sa panghihina.
Isang kamay lang ang gamit nya pero halos magkalasaw-lasaw na ang buto ko. Halimaw
ang lakas niya.
Nanlumo ako ng makita ang bakas ng kamay niya roon. Bakat din ang kuko nya.
"That's the first warning Miss Zein Shion, sa oras na makita pa kitang pakalat-
kalat sa oras ng klase, baka tuluyan na kitang alisan ng isang braso.." Ngumisi ito
at tumalikod na sa akin.
"P-President? Ace?"
Siya ba? Siya ba ang sinasabi sa akin ni Nicky nung nalate ako. Siya ba ang dahilan
kung bakit takot na takot ang mga estudyanteng malate at maging ang mga teacher?
Isa lang siyang nerd kung tignan pero sa loob nito ay nakakubli ang isang demonyo
na may pambihirang lakas. No wonder kung bakit siya kinakatakutan.
Nakahawak ako sa aking braso habang papunta sa last subject namin. Tinignan lang
ako sandali ng teacher namin bago dumapo ang tingin nya sa braso ko at umiling.
Dumiretso ako sa likod kung saan naghihintay ang mga nag-aalala kong kaibigan.
Hindi ko nagawang sumagot dahil sa mga after shocks na nangyari kanina. Nakasagupa
ko lang naman ang dalawa sa pinakakinakatakutan sa HU, Si Nicky na muntik na akong
patayin at si President Ace na muntik ng durugin ang braso ko. Ang swerte ko.
"Anong nangyari sa braso mo?" Tanong ni Matt. Marahas na inalis nya ang kamay ko na
nakatakip dito.
Nakarinig ako ng mga bulungan sa buong klase na nakatingin sa braso ko. Ano bang
problema nila? Pati ba naman ito ichichismis nila? Psh.
"What happened?!" Alalang tanong sa akin ni Mia na pinagmamasdan ang braso kong
sobrang pula at bakas ang kuko ni Ace.
Napatingin kami sa teacher namin na napapailing na lang. Inabutan nya kami ng first
aid kit na kinuha ni Jerome upang gamutin ang nasa braso ko.
"Si Supremo ang may gawa niyan. Huwag na huwag mo lang hahayaang magkaroon ka pa ng
dalawang warning, sa hukay na ang bagsak mo."
Halos matawa ako sa sinabi ng teacher namin. Spell OA? Duh! Maypawarning-warning pa
silang nalalaman! Psh.
Nag-umpisa ang klase namin na walang kumikibo na animo'y mga natatakot kumilos
kahit na konti. Nakaramdam ako ng awa sa mga estudyante rito.
Ilang araw pa lang kami rito pero hindi na kami gaanong makatulog tuwing gabi,
paano pa kaya sila na matagal na rito? Anong kahayupan na kaya ang nasaksihan at
naranasan nila?
Sino pa ba ang mga tao sa likod ng HU? Sino-sino ang myembro ng Black Blood Gang at
Devil God Warrior, sino ang nasalikod ng mga ito? Shit!
"Your curiosity will kill you Zein but if you really wanna know... find out by
yourself, break the only rule." Ito ang muling salitang binitawan ni Nicky na
hanggang ngayon ay hindi ko maintindihan.
Gusto nya bang suwayin ko ang nag-iisang alituntunin ng HU? Pero ang rule ng HU ay
legal ang pagpatay sa pagsapit ng 7:00pm hanggang 5:00am.
Gusto nya bang lumabas ako ng bahay sa ganong oras? Gusto nya bang lumabas ako
kapag sumapit ang Bloody Night?
Shit! Parang.... parang may nagtutulak sa akin na gawin iyon. Masama ito.
Chapter 4
Chapter 4: Bloody Night
"6 oclock." Bulong ni Mia na nakatingin lang din doon. Labas namin ay 6:30 kaya 30
minutes pa bago ang labasan and definitely ay 30 minutes pagkatapos ng labasan
namin ang Bloody Night.
Napatingin ako sa labas na madilim na. Ano na naman kaya ang mangyayari? Dadanak na
naman ba ang dugo?
"Gaga ka talaga! Alam mo ng delikado sa labas iyang pantog mo pa talaga ang iniisip
mo!" Bulyaw sa akin ni Mia.
"Gusto mo na ba talaga mamatay Zein? Sabihin mo lang ah? Ako mismo ang sasaksak
sa'yo!" Biro ni Vanessa na inirapan lang ako.
"Samahan na kita Zein. Tara?" Inilahad ni Matt ang kamay nya na agad ko namang
tinanggap.
"Bilisan nyo. Mapanganib sa labas at hanggat maari ay huwag nyong paiiralin ang
kuryosidad nyo." Paalala nya sa amin.
Kahit naguguluhan ay tumango na lang ako. Mahigpit ang hawak ni Matt sa kamay ko,
ang mga ilaw sa poste lang ang nagsisilbing ilaw namin.
"Shh. Huwag ka ngang magsalita ng ganyan. Makakaalis tayo rito. Ok?" Pangungumbinsi
niya sa akin.
Pumasok na ako sa CR at naiwan si Matt sa labas upang bantayan ako. Pumasok ako sa
isang cubicle.
Katahimikan ang namayani sa paligid at tulo ng tubig lang ang naririnig ko.
Nakaramdam ako ng pangingilabot kaya minadali ko ang pag-ihi.
Halos tumakbo na ako papunta sa pinto at walang Matt ang bumungad sa akin.
Nangangatog ang tuhod na inilibot ko ang aking tingin.
Napatakip ako sa aking bibig nang may naaninag ako na mga tao sa hindi kalayuan.
Marami sila.
Naiiyak na ako nang sumulpot sa dilim si Matt na pawis na pawis. Hinigpitan nya ang
hawak sa kamay ko at hinila ako palayo roon.
"Matt hindi rito ang daan." sambit ko dahil sa kabila kami dumiretso.
Gusto ko pa sanang magtanong kung sino ang tinutukoy niya ngunit wala ng lumabas na
boses sa bibig ko.
Naglalakad kami ng walang tunog na nililikha. Nagtatago kami sa dilim kung saan
hindi kami makikita. Tama nga siya, nakakalat na ang mga taong nakamaskara na itim.
Tumaas lahat ng balahibo ko nang mapagtanto na bloody night na. Sunod na sunod na
mura ang kumawala sa bibig ni Matt at mas humigpit ang hawak niya sa aking kamay.
Kahit papaano ay nawala ang kaba sa aking dibdib dahil sa sinabi ni Matt. Ngunit
hindi pa rin sapat para patahanin ang pangangatog ng aking mga tuhod.
Hinila ako ni Matt papunta sa likod ng malaking trash can para magtago dahil sa
parating na isang batalyon na mga lalaking nakamaskara, may hawak silang mga
patalim gaya noong una.
Ngayon ay mas nakita ko sila ng malapitan. Ang maskara nila ay kalahati lang ng
mukha ang natatakpan ngunit sapat para hindi namin sila makilala. Kulay itim ang
maskara nila. Kapansin-pansin din ang kwintas nila na pako.
Napatakip ako sa aking bibig. Sila! Sila ang myembro ng Black Blood Gang, katulad
ni Nicky, dahil sa simbolo nila ng pako.
Napansin ko rin na sa iisang direksyon lang din ang tinatahak nilang lahat. Kung
bibilangin ay nasa 25+ silang lahat.
Tumayo na kami ni Matt nang wala ng natirang BBG(Black Blood Gang) member sa daan.
Hihilahin na sana ako ni Matt nang inalis ko ang pagkakahawak nya sa kamay ko.
Kinunutan nya ako ng noo.
"Mauna ka na Matt, may kukumpirmahin lang ako." sambit ko sabay takbo sa daan na
tinahak ng mga lalaki.
Hindi pa ako nakakalayo nang may humigit sa aking braso. "Mapapahamak ka! Kapag
nakita ka nila, maari kang magaya kay Rouge Silvenia o mas malala pa. Zein, naman
please." Ramdam ko ang alala sa tono ng pananalita niya.
Hinaplos nya ang buhok ko bago hinawakan ang aking kamay. "Kailangan na nating
makabalik, habang palalim ng palalim ang gabi ay mas delikado na." Aniya bago ako
hinila palayo sa lugar na iyon.
Habang tumatakbo kami ay alam kong may nakamasid sa amin. Hindi lang sila dalawa o
tatlo dahil parang nasa sampo sila.
"Kung impormasyon ang hanap mo Zein, handa akong ibigay lahat ng nalalaman ko.
Huwag mo lang gagawin muli ang ginawa mo kanina."
Hindi ko maiwasang magtaka bakit andaming nalalaman ni Matt? Saan nya nakalap ang
mga impormasyon? Sinong nagsabi sa kanya?
"Matt!" Lumuhod ako sa harapan nya para hanapin kung ano ang masakit sa kanya.
Ngayon ko lang napagtanto na may nakatusok na pako sa binti niya.
Narinig ko ang mga yabag ng paa palapit ng palapit sa amin kasabay nang paglaki ng
pangamba sa akin.
Pinunasan ko ang luha sa aking pisngi habang umiiling. Nanginginig ang aking
katawan sa alala at takot. Pero ang ipinagtataka ko ay pako lang naman iyon, bakit
ganito ang epekto?
Napahawak ako nang mahigpit sa kamay ni Matt nang makita ko na ang mga lalaking
nakamaskara na itim na palapit sa amin.
Parang nabingi na ako at wala ng maramdaman. Hindi ako makapag-isip ng maayos basta
ang alam ko lang ay hinding-hindi ko iiwan si Matt dito.
Napahinto ang mga nakamaskarang lalaki nang may humarang sa kanila. Isang lalaking
nakamaskara ang buong mukha, kulay pula ito.
Naramdaman ko ang takot sa mga lalaki nang makita ito na animo'y ang lalaking
nakamaskara na pula si kamatayan na dapat nilang takasan.
Lumingon siya sa amin at halos mapaatras ako nang makita ang isang mata niya na
pula. Hindi ko alam kung nakangisi siya o seryoso dahil tanging ang isa niya lang
mata ang nakalabas.
Dumiretso siya sa amin at binuhat si Matt na wala ng malay ngayon. Sumunod ako sa
kanya, ni hindi ko magawang makapagsalita at parang umurong ang aking dila sa
takot.
Lutang na lutang ang aking isip at hindi ko namalayan na nasa harap na kami ng
dormitoryo. Nilapag nya sa sahig si Matt na walang malay bago tumalikod.
"Paduguin nyo ang sugat niya, banlawan niyo ng maligamgam na tubig nang mawala ang
lason."
Tinulungan ako nila Jerome at Dave sa pagbuhat kay Matt papasok. Pinaulanan naman
ako nila Vanessa at Mia ng mga tanong na hindi ko magawang sagutin.
Ginawa namin lahat ng sinabi ng misteryosong lalaking nagligtas sa amin.
Sino sya?
--**--
Limitado lang ang nasagot ko sa kanilang mga tanong dahil patuloy pa rin nagsisink-
in sa akin lahat ng nangyari kagabi. Magdamag kong inisip kung sino ang
misteryosong lalaki sa likod ng pulang maskara.
"Hindi lang basta-basta pako ang ginamit kay Matt. Taglay nito ang pinagsamang
lason at tetano. Pasalamat na lang tayo at may tumulong sa inyo." sambit ni Jerome
na pinupunasan ang parte kung saan natamaan si Matt ng pako.
Napakalaki ng utang na loob namin sa lalaking tumulong sa amin. Hindi siya myembro
ng Black Blood Gang dahil hindi itim ang maskara niya kundi pula.
"Lesson learned Zein. Mas mabuti ng pigilan ang ihi kesa buhay mo ang kapalit."
pangaral ni Vanessa.
"Oh sya! Sige na at mauna na kami at baka malate pa kami. Sigurado ka bang hindi ka
talaga papasok?" Tanong ni Mia.
Isinarado ko ang pinto bago lumapit muli kay Matt na mejo mainit pa rin pero hindi
na kasing init ng kagabi.
"Sorry Matt. Sana hindi ka nasa ganitong kalagayan kung hindi mo ako sinamahan."
Sambit ko.
Kung sana hindi na rin ako nagpumilit pang sundan ang mga lalaking nakaitim na
maskara ay hindi ito mangyayari kay Matt.
Kuryosidad ang muntik ng magpahamak sa amin. Pero gusto ko lang naman makumpirma
ang hinala ko eh.
"Z-Zein?"
"Matt! Ayos na ba ang pakiramdam mo? Nagugutom ka ba?" Sunod-sunod na tanong ko.
"Nagugutom ka ba?" Ulit na tanong ko. Tumango siya kaya pinaghain ko siya.
Sabay kaming kumain sa lapag ng walang nagsasalita. Nanlaki ang mata ko nang
makitang kinuha nya ang tatlong pulang sila at sinubo ito ng buo.
Pinanuod ko lang ang paglagok niya sa lahat ng tubig sa baso naming dalawa bago
bumuga ng malakas sa harap ko. Pinalo ko sya sa braso dahil feeling nya dragon sya.
"Sili ang pumapatay sa natirang lason sa katawan ko. Ang anghang ah!" Biro niya na
ikinatawa ko.
Nagbalik na rin ang sigla niya at pumunta kami sa park at umupo sa swing. Bigla
kong naalala ang unang lalaking naencounter ko at ang unang lalaking nagbanta sa
akin.
Nakaitim siyang maskra. Hindi kaya isa siya sa myembro ng BBG? UGH!
"Zein, salamat." Panimula niya. Nakatingin lamang siya sa lupa. "Salamat at hindi
mo ako iniwan. Sorry kung muntik ka ng mapahamak ng dahil sa akin. Sorry." paghingi
nito ng paumanhin.
"Wala 'yon. Ginawa ko lang ang dapat at isa pa, kasalanan ko rin naman kung bakit
ka nalagay sa ganong sitwasyon eh."
"Bago ako mawalan ng malay. Nakita ko ang nakamaskarang lalaki." aniya na seryoso
ng nakatingin sa akin ngayon.
Ngayon ay napagtanto ko na. Ang itim na maskara ay para sa Black Blood Gang at
pulang maskara ang sa Devil God Warrior.
"Hindi lang siya basta-basta myembro. Base sa nakitang kong takot sa mata ng
malaking nagtangka sa buhay natin, kung paano mangatog ang tuhod nila, kung paano
mabilis na nagsialisan sila. Maaring siya si Raze Silvenia."
Nanatili akong tahimik. Raze Silvenia? Ang leader ng Devil God Warrior? Pero bakit
ganon? May kakaiba akong naramdaman sa kanya? Hindi ko mapaliwanag.
"Kagabi rin Matt, nong tumatakbo tayo, may mga nagmamasid sa atin." Halos pabulong
kong sambit.
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Pero hindi ako maaring magkamali, may
nagmamatyag sa amin na para bang pinapanuod nila kami.
"Posible. Naroon si Raze, kaya maaring anduon din ang pangkat niya." Pagsang-ayon
niya.
"Tara na. Balik na tayo sa kwarto at nang makapagbihis na tayo para makapasok."
Inilahad niya ang kamay niya na kinuha ko naman nang nakangiti.
Napaatras siya na animo'y takot na takot. "H-Huwag please." Tumakbo ito palayo sa
amin.
Chapter 5
Chapter 5: Secret
Sa loob ng ilang oras, mga subjects na lumipas, wala naman kakaibang nangyari.
Parang ordinaryong araw, walang gulo, parang ang panatag ng paligid.
"Good Morning class..." Bati sa amin nang kakapasok lang na Physics techer namin na
si Teacher Kath.
Walang nag-abalang bumati sa kanya pabalik. Hindi na rin naman ako nag-abala pang
ibuka ang bibig ko. Ang boring.
"Before anything else, I have a big announcement." Halata sa mata nito ang
excitement.
Mabilis na nakuha nya ang atensyon ng lahat. Masaya sya, pero bakit ganon? Hindi
maganda ang pakiramdam ko. Am I just being paranoid? O may something talaga sa
balita nya.
"It's been a long time since this event happened. But now, we are happy to announce
that there will be an Acquintance Party!"
Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa apat na sulok ng kwartong ito. Ang
kaninang malawak na ngisi ng aming guro ay mas lumapad pa.
Ngayon ko lang din napansin, parang close ang mga kaklase namin sa isa't-isa, pero
mailap sa amin. Bakit?
"Yes?"
"Sa tingin ko po ay hindi pa tayo dapat magkaroon ng isang kasiyahan, wala pang
isang buwan nang mamatay ang ating latehead master Dominique Valdez." anito sa
isang magalang na tono.
"I am sorry to say this but we can't do anything about it. Madame Violet had
finalized it and it will happen this coming friday at the Wide Space."
Walang nagawa si Celine kundi ang umupo. Tinapik ng babaeng katabi nya ang balikat
nito.
Bakit ganon? Parang may kulang? Shit! Ginagawa nila kaming tanga! Anong binabalak
nila?
Wala sa sariling napangisi ako. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong pakiramdam.
Iyong pakiramdam na kailangan din nila kaming katakutan. Nagkamali kayo o kung sino
man ang nasa likod nito, hindi kami basta-basta. Kung ano man ang pinaplano nyo.
--**--
Break time. May isang cafeteria lamang ang HU pero ang laki nito ay higit sa triple
sa normal na cafeteria. Ang kaibahan lamang sa ordinaryong cafeteria ay parang
restaurant ito, may mga waiter na kukuha sa order nyo at hindi mo na rin kailangang
tumayo para magbayad dahil sila na mismo ang kukuha sa bayad mo kaya wala kaming
ibang ginawa kung umupo.
"Matt, ayos na ba ang pakiramdan mo?" Tanong ko kay Matt na kumakain ng spaghetti.
"Ahh oo. Sigurado akong namatay na ang lason dahil sa sili." Natatawang sagot nya
na ikinatawa ko.
Kumunot naman ang noo nila dahil hindi nila maintindihan ang pinag-uusapan namin.
"Binalikan namin ni Dave ang daan kung saan tayo dumaan noong pinapasok tayo pero
nakakapagtakang wala. Napakataas na pader lang ang naroon." Naguguluhang sambit ni
Jerome.
Pinaglalaruan talaga nila kami, hindi lang kami kundi lahat ng estudyante na
narito. Ikinulong nila kami sa isang hawla na kung saan ang nag-iisang daan ay
nakatago. Pinapaikot nila kami at may pinaplanong hindi ko alam.
"I have a plan," Sambit ko. Lumingon silang lahat sa akin. Walang nag-abalang
magsalita sa kanila o magtanong dahil naghihintay sila na buuin ko ang sinasabi
kong plano.
"Hindi nyo ba napapansin? Pinasok natin ang HU nang walang alam. Hindi natin alam
ang history nito o kung sino ang mga nagpapatakbo nito. Ginagawa nila tayong
tanga.." Pag-uumpisa ko.
"Tama si Matt, they are planning something na maaring tayo ang maging sangkap.
Hindi na tayo makakalabas dito kaya ang tanging magagawa na lang natin ay lumaban.
Makipagpatayan para mabuhay, kailangan natin silang maunahan sa kanilang plano. We
need an information." mahaba kong litanya.
Kung hindi kami kikilos at magpapakatanga, maaring buhay namin ang panganib.
"Si Celine. May alam sya." sambit ni Mia na malalim ang iniisip.
Nagtugma ang iniisip namin ni Mia. Base sa nangyari kanina, may alam talaga ang
Celine na iyon, kailangan lang namin syang makausap, para makakuha ng ideya.
"How? Mailap sila sa atin na parang kinakatakutan nila tayo. How will we approach
her?" ani Vanessa.
"Paano ang mga gang dito? Anong gagawin nating hakbang?" Tanong ni Matt.
Oo nga pala. Ang dalawang nagbabanggaang gang sa HU na Black Blood Gang at Devil
God Warrior. Paano nabuo ang grupong ito at ano ang ipinaglalaban nila? Pero isa
lang ang alam ko, related ito sa history ng HU.
"Huwag. Huwag nyong papakialaman ang mga gang!" Kumunot ang noo namin sa inasta ni
Dave na parang takot na takot sya dahil sa pagsigaw niya.
"Magkarugtong ang mga pangyayaring ito Dave, once nalaman natin ang history ng HU,
magdudugtong-dugtong na ang lahat, including the gangs." sabi ko.
"H-Hindi naman sa ganon." Nauutal na sambit ni Dave. "Pero kasi, dapat natin munang
pagtuunan ng pansin ang history ng HU bago natin pasukin ang gang." dugtong nito na
somehow ay may point.
Bigla kong naisip si Nicky. Isa siyang BBG member. May alam siya na higit sa
nalalaman ng iba pero alam kong imposibleng makakuha ako ng impormasyon sa kanya at
baka maging isang malamig na bangkay na ako knowing na mapanganib siyang babae.
Mabilis na tumayo ako sa bench nang makita na si Celine na naglalakad kasama ang
isa pang babae. Napaatras sila nang makita ako sa harapan nila.
"Wait! Hindi ko kayo sasaktan o ano pa. We need your help." Pigil ko sa kanila.
"H-Huwag kang lalapit sa amin, madadamay lang kayo." sabi ng babaeng kasama nya na
ikinakunot ng noo ko.
"Damay na kami pagkapasok pa lang sa HU. So please, I need your help, Celine."
Halos lumuhod na ako sa harap niya para pumayag siya.
Pinagtitinginan na rin kami ng mga tao na animo'y ay napakabig deal ang pagkausap
namin sa kanila.
Sumunod ako sa kanya at iniwan ang kasama nyang babae na nag-aalala. Pumasok kami
sa dormitoryo nila at nilock nya ang mga pinto na animo'y takot na may makarinig sa
amin.
"Tatanungin kita Zein, kaya mo bang ipagpalit ang buhay mo para sa impormasyon na
ito?" seryosong tanong niya.
Sumikip ang dibdib ko habang iniisip na ang impormasyon na makukuha ko ang tuluyang
magkukulong sa akin sa impyernong ito. Ayoko man pero may nagtutulak sa akin na
gawin ito.
"Matapang ka Zein, pero katulad ka rin nila. It's just your curiosity."
Hindi ako nakasagot. Oo, inaamin ko na kuryosidad lang ang ngingibabaw sa akin NOON
pero alam ko NGAYON na hindi lang. Hindi lang ito puro kuryosidad.
"Hell University, hindi ito ang dating pangalan ng unibersidad na ito kung hindi
Philippine High University o mas kilala bilang PHU(fu)," Panimula niya.
"Isang kilalang unibersidad na kung saan mayaman lang ang nakakapasok, hanggang sa
isang sakim na pinuno ang humawak sa unibersidad na ito, isa siyang baliw na
scientist na mayaman, ang kanyang pagkatuso ang naging dahilan para mapasakanya ang
kayamanan ng lahat ng nandito. Hanggang isang araw, nagulat na lang ang lahat, wala
ng daan balabas, nagawa ng pinuno na itago ang unibersidad na ito sa buong
Pilipinas, hindi na kailanman nabanggit sa mga radyo, telebesiyon at pahayagan ang
paaralan na ito, walang nagawa ang mga magulang ng lahat. Nakakalungkot isipin na
isa ako sa nakulong sa impyernong paaralan na ito."
"Bakit nya ipinasara ang PHU?" Isang tanong na nagpapakunot sa aking noo.
Anong pinlano nya sa pagsara sa PHU?
"Pagkasara ng PHU ay pinalitan nya ito bilang Hell University. Nagdamdam kami nang
husto sa nangyari, maliit pa lamang kami noong nakulong kami sa impyerno na ito
hanggang ngayon ay andito pa rin kami. Hindi namin naiwasang magtanim ng sama ng
loob sa aming mga magulang namin na hindi man gumawa ng paraan. Maraming
nagrebelde, maraming gang ang nabuo, kasama na ang dalawang gang na nagbabanggan
ngayon. Ang Black Blood Gang at Devil God Warrior."
Napalunok ako nang marinig iyon. Ang mga myembro sa loob nito ay tanging mga
rebelde? Hindi ko naiwasang makaramdam ng inis sa kanila, napakakitid ng mga utak.
Psh.
"Ang scientist na iyon ay si Dr. Quizon, sa sobrang talino nya ay nawala na sya sa
sarili nya. Bago sya naging pinuno rito ay maraming gamot na syang nagawa na
pinagkaguluhan ng buong mundo. Ang sagot sa tanong mo na bakit nya isinara ang HU
ay dahil sa ginawa nya kaming lahat na experemento sa isang formula na bago
nagtagumpay ay maraming nasayang na buhay. Ang formula na likido na kayang bumuhay
sa isang patay."
Nangilabot ako matapos kong marinig ang sinabi nya. Isang formula na kayang bumuhay
sa patay? Imposible. Hayop ang nilalang na iyon, hindi makatao ang experemento
niya.
"Narinig mo ba ako Zein?! Nagtagumpay si Dr. Quizon! Nagawa nyang kumpletuhin ang
formula na iyon."
Umiling siya.
"Namatay si Dr. Quizon ng hindi nalalaman ng iba ang formula na iyon, hindi nya ito
nagamit sa sarili niya pero may isa siyang naging estudyante noon na may alam ng
formula na iyon. Subalit walang nakakakilala sa estudyanteng iyon, kaya hanggang
ngayon ay nakasara ang HU ay dahil pinaghahanap ng mga opisyal dito ang taong iyon,
gusto nilang makuha ang formula na iyon."
"Iyon ang lihim ng HU na ayaw nilang makalabas. Ang sigurado ako ay nasa paligid
lamang natin ang taong may alam ng formula, Zein, nanganganib ang taong iyon,
sigurado ako ngayon na malapit ng malaman ng mga opisyal ang taong iyon. Alam mo
ang mas kinakatakutan ko sa lahat? Ang mukuha ng mga demonyo ang taong iyon at
malaman ang formula, maaring gamitin nila sa masama."
Tumayo na ako dahil sa ang sakit na ng ulo ko. Ayaw pa rin mag sink in sa aking ang
lahat.
"Aalis na ako." Paalam ko. Hinawakan ni Celine ang braso ko at tinitigan ako na
animo'y isa akong kriminal.
"Zein Shion, kilala mo ba ang taong hinahanap nila? Kung kilala mo sya, lumayo ka
sa kanya. Madadamay ka."
Napaupo ako sa likod ng puno. Parang hinang-hina ang katawan ko. Ang sikreto ng HU
ay ayaw nilang may makaaalam na may formula na ganoon na maaring maunahan sila ng
iba. Shit!
Biglang sumulpot sa harap ko si Nicky. Nakangisi ito pero alam kong inis iyon.
Anong problema nya?
Umupo siya para magkalevel kami. Inilapit niya ang mukha nya sa akin na animo'y
hahalikan ako. Tinitigan niya ako sa mata.
"Hindi pa Zein, kalahati pa lang ang alam mo, hindi ang buo. Malapit ka ng mamatay
Zein, ikaw na ang target nila. Humanda ka."
Chapter 6
Chapter 6: Secretary
"W-Wala. Natakot kami..." sambit ni Mia na halatang takot na takot. Kumunot ang noo
namin sa kanilang dalawa ni Vanessa.
"Si Miss Leinora, iyong librarian. Sinindak nya kami.." ani Vanessa.
Nanuyo ang lalamunan ko sa sinabi niya. Ako, permanente na ako sa HU. Nalaman ko na
ang nag-iisang lihim na iniingat-ingatan nila. Shit!
"Ganoon din ang sinasabi sa amin ng mga estudyanteng nilapitan namin." Sambit ni
Dave.
Umiling silang lahat na ikinamutla ko. Ako lang. Ako lang ang nag-iisang nakakaalam
ng sikreto sa aming magkakaibigan, kung sakali man, ako lang ang maiiwan.
Lumunok ako at ramdam ko ang init ng mukha ko. Ayoko, ayoko silang pag-aalahanin.
Kaya mabilis na umiling ako.
Mas mabuti ng hindi na lang nila alam.
Biglang pumasok sa isipan ko ang sinabi ni Nicky. Totoo kaya? Ako na ang target
nila? Pero sino ang tinutukoy niya? Nakaramdam ako ng takot. Ayoko pang mamatay.
Anong kasalanan ko sa kanila?
"May nalaman ako. May nag-iisang paraan para makalabas tayo ng HU. Sinabi sa amin
ng librarian." Desididong sambit ni Mia.
Nagseryoso ang lahat pero lang sa akin. Kahit na anong gawin ko, hindi na nila ako
hahayaang makalabas. Maaaring... sila na lang ang makalabas kung sakali.
Umiling silang dalawa ni Vanessa bago sumilay sa labi nila ang isang ngiti.
"Rank? You mean, sa classroom natin? Top achievers ganon?" Dire-diretsong tanong ni
Jerome.
"Hindi lang sa claroom ito kundi sa Top 10 rank ng HU. Buong school na kasalukuyang
nangunguna ay si Raze Silvenia." Sambit ni Mia.
Raze Silvenia. Ang leader ng DGW, siya ang pinakamatalino sa buong HU? Hindi ko pa
sya nakikita pero humahanga na ako sa kanya. Ang alam ko kasi sa mga basag ulo ay
tinatakwil ang pag-aaral.
"Ito ang list." Ipinakita sa amin ni Vanessa ang isang papel na naglalaman ng
kumpletong listahan ng top 10 rank o mas kilala bilang Highest 10.
Pumapangalawa si Ace Craige, ang President. Pangatlo ang nagngangalang Nazzer Lumia
At sa huli ang pangalan ni Nicky. Kasama pala sya.
"Nazzer Lumia. Siya ata ang leader ng Black Blood Gang." Sambit ni Dave.
Nazzer and Raze, the leaders of the both gang. How dangerous they are? Napapansin
ko na tumahimik ngayon ang magkabilang kampo. Tahimik ngunit mapanganib.
"Guys, ligtas tayo hanggang wala tayong nalalaman. Kaya ang pagsikapan nalang natin
ay ang masali sa Highest 10." Suhestyon ni Vanessa na sinang-ayunan ng lahat.
Nanatiling tikom ang bibig ko. Nakakalungkot lang isipin na kahit mapasali pa ako
rito ay hindi rin ako makakalabas.
Lumipas ang mga araw at naging abala na ang lahat sa paghahanda para sa
Acquaintance Party na kung saan masquerade ang theme.
Bakit kailangan pa naming magmaskara? Paano namin makikilala ang isa't-isa? O baka
naman, may itatago sila sa likod ng mga ito.
Andito kami ngayon sa gymnasium kung saan magkakaroon ng general meeting para sa
gaganapin na party this coming friday na two days na lang.
"Good afternoon ladies and gentlemen." Umpisa ni Madame Violet na as usual ay naka
itim.
Agad na nahagip ng aking paningin si Ace na kinakausap ang isang lalaki na halatang
nangangatog ang tuhod.
"Shit. Pangatlong warning na nya 'yan." Bulong ng sa harap namin habang nakatingin
kina Ace at sa lalaking sinasabi nila.
"That's the last warning. Maaring, dalhin na sya sa Dark Hell Jail." Dugtong ng
isa.
Kumunot ang noo ko. Ano namang klaseng parusa ang naghihintay sa lalaking ito sa
sinasabi nilang Dark Hell Jail? Maaring kamatayan pero anong klaseng kamatayan?
"Alam kong alam nyo na, sa byernes na ang Acquaintance Party niyo. And it's a
masquerade and all of you are required to wear one. Except red and black color."
Sambit ni Madame Violet.
Kumunot ang noo ko. Bakit naman hindi maaring gamitin ang kulay na iyon? Anong
meron?
"It's because that color is exclusively for the gangs. Black Blood Gang members is
for black and Devil God Warrior for red."
Nakarinig ako ng mga violent reactions sa mga estudyante pero walang nag-abalang
sumalungat. Alam kong kahit na anong gawin nila ay wala silang laban, lahat kami
rito ay mga puppet lamang nila.
"At ang byernes na iyon ay matatawag ding Free Bloody Night na kung saan,
pinagbabawalan ang pagpatay. Ang sino mang lumabag ay mapaparusahan ng kamatayan."
Naging mas ma-awtoridad na ngayon ang kanyang tono na nagbabanta.
I guess, wala ng lalabag. It's the headmistress who is talking in front. Ang
kasalukuyang pinakamataas sa buong HU.
"I would like to call Mister President Ace Craige here in the stage."
Kumalabog ang puso ko nang tumigil ang titig niya sa akin bago ngumisi. Kinilabutan
ako.
"I.am.all.watching.you." ulit nito na may halong diin. Sinambit niya iyon sa aking
mga mata.
--**--
Mag-isa akong naglalakad sa hallway dahil ang mga nagmamatalino kong kaibigan ay
nasa library para mag-advance lesson. Hindi ba sila naaawa sa akin na maaring
maiwan ako? Sa bagay, hindi pala nila alam.
Bumaba ang tingin ko hanggang sa makita ko ang mga requirements. Isa lang naman ito
pero ang nakalagay ay,
Halos matawa ako sa pagkabasa ko. Seryoso ba sila? Sa tingin nila ay may gustong
maging secretary nila?
Nagtakbuhan ang kalahati ng mga babaeng estudyante papunta sa gymnsium kung saan
maya-maya lang ay gagawin ang paghahanap ng bagong secretary. Napailing na lang
ako, gusto talaga nilang maging secretary? Duh.
Nahati sa dalawa ang mga nagkukumpulang estudyante na lumikha ng daan sa gitna kung
saan nasa dulo ang isang babaeng blonde ang buhok, maputi, at masasabi kong sobrang
ganda nya.
Ngayon ko lang napansin na nasa gitna pa rin pala ako ng daan kaya napaangat ng
kilay si Fritzy.
"Aren't you going to step out of my way?" Sa isang iglap ay nasa harap ko na sya.
Hindi siya nakauniform. Nakataas ang kilay nito habang nakatingin sa akin.
Pinitik nito ang buhok niya bago ngumiwi sa akin. Halata ang inis sa mukha nito.
"You must be one of the noob. I am the secretary here, Ms. IDontCareWhoYouAre."
Anito na ikinangisi ko.
Nakakainis na ang pagkamaldita nya at ang tinawag niya sa akin. Malapit na raw
akong mamatay, siguro susulitin ko na ang bawat sandali ng oras ko, sa paglaban sa
mga demonyo gaya ng nasa harapan ko ngayon.
"Well, can't you read? O baka gusto mong basahin ko sa harapan mo kung ano ang
nakasulat dito?" Turo ko sa bulletin board.
Hindi na sya ang secretary. Wala na syang karapatang tawagin ang sarili nya bilang
ito. Wala na.
"That's just a paper. Hindi ko pa binibitawan ang pwesto." Matigas na sambit nito
sa akin.
Ngumisi ako bago kinuha ang papel at nilukot sa harapan nya. Nakarinig ako ng mga
bulungan sa paligid. Ayoko sa lahat yong nagrereyna-reynahan.
"What are you doing?!" Tanong nito sa akin nang pinilit kong ipahawak sa kamay niya
ang papel na nilukot ko.
Nanlisik ang mga mata niya at hinila ang buhok ko. Hindi ako nakapagpigil at hinila
ko rin ang buhok niya. Nagsabunutan kami.
"Pigilan nyo sila!" Dinig kong may sumigaw mula sa mga estudyanteng nakapalibot sa
amin pero walang nagtangkang umawat sa amin.
May malakas na pwersang tumulak sa akin palayo kay Fritzy, tumama ang noo ko sa
matulis na bagay kaya dumugo. Naramdaman ko ang hapdi nito at ang agos ng dugo mula
rito.
"Wala kang karapatan na saktan ang Supreme Student Secretary!" Sigaw sa akin ng
lalaking galit na galit.
Pinagpagan ni Fritzy ang kamay niya bago ngumisi sa akin. Sinubukan kong tumayo
pero nahihilo ako dahil sa pagkatulak sa akin ng lalaking ito.
Gagu ba sya? Eh iyang demonyitang Fritzy ang nag-umpisa ng away eh! UGH!
"I am the Supreme Student Vice President here!" Sigaw nito pero wala akong
pakialam. Gusto ko syang sapakin sa mukha.
Ikinuyom nya ang kamao nya. Namutla ako ng inambahan nya ako ng suntok.
"Punch her Mr. Onel Ty and you, together with the former secretary will have the
warning number 3 from me."
Nanigas ang lahat matapos marinig ang tinig na iyon. Kahit nanlalabo ang paningin
ko ay nakita ko si Ace sa likod nila Fritzy at Onel daw. Nakahalukipkip ito habang
nakangisi.
"All of you take my command. I want this place to be clear in the count of one..."
Nagtakbuhan ang mga estudyante at sa isang iglap ay kami nalang apat ang natira.
Hindi natinag sina Onel at Fritzy.
Bago tumalikod si Fritzy ay tinaliman nya ako ng tingin na para bang sinasabing
hindi pa kami tapos.
Tumitig sa akin si Ace na madilim ang mata. Namutla ako sa klase ng tingin na
ipinupukol niya sa akin. Mukhang galit na galit sya.
"Kill me now." Suhestyon ko.
"Well, not now Ms.Shion. Kailangan mo munang gumaling bago harapin ang parusa mo."
Binalewala ko ang bulungan sa paligid. Ano bang big deal kung binubuhat ako ng
President? Responsable naman nya talaga at ang gagong Vice na iyon. I swear,
magkasalubong lang ang landas namin, sisirain ko ang mukha nya. UGH!
"Heal her wound, Nurse Cha." Utos ni Ace sa school nurse na dalaga pa at sa tingin
ko ay mas matanda lang sa amin ng limang taon.
Hiniga ako ni Ace sa hostipal bed at agad na umalis. Well, ano bang inaasahan ko?
Babantayan nya ako? Duh.
Pinunasan ni Nurse Cha ng malambot towel ang sugat ko bago nilapatan ng first aid.
"Kung siya ang may gawa nito, malamang patay na ako ngayon. Pero buhay pa ako hindi
ba? So, ibig sabihin gawa ito ng isang mahinang aso." Pagtataray ko.
Mahina siyang natawa sa sinabi ko. "Baka magkapeklat ka sa noo nito." Aniya.
"Don't let that to happen. Heal it, together with the scar." Halos napatalon ako sa
gulat nang marinig ang tinig ni Ace.
Sinulyapan ko sya at tama nga. Nakatayo sya at nakasandal sa pinto ng clinic habang
madilim na nakatingin sa amin.
Napapikit ako sa hapdi at the same time ay sa antok. Hindi ako gaanong nakatulog
kagabi. Maraming bumabagabag sa akin.
Mahinang natawa si Nurse Cha bago tumango. In that cue, I just found myself
sleeping in tiredness.
--**--
Nabalitaan namin ang nangyari kay Zein na ngayon ay kalat na kalat sa buong campus.
"Bakit ginawa ng President iyon?! Gosh!" Halos mahimatay si Mia sa alala at inis at
the same time.
Andito kami ngayon sa clinic at hinihintay na magising si Zein na humihilik pa.
Parang wala lang sa kanya ang nangyari.
"May galit ba sya kay Zein?" Tanong ni Jerome. Habang si Matt ay wala man lang
reaksyon na nakaupo sa sofa ng clinic, katabi ni Jerome.
"Nagutom ako doon ah!" Aniya matapos maubos lahat ng binili ni Dave.
"GHAD! Zein! Ano na namang kabulastugan ang ginawa mo?!" Sabat ko.
Sa aming magkakaibigan, sya lagi ang nasasabak sa panganib. Matapang kasi 'yan.
Palaban, kahit na sinong umaway sa kanya ay papatulan nya. Kahit pusa.
"Not me. It was that fucking Vice President who did it!" Halata ang inis sa tono ni
Zein.
Kumunot ang noo ko. "Vice President? Akala namin si President Ace ang may gawa
nito?" Tanong ko.
"Of course not! Siya pa nga ang tumulong sa akin at dinala ako rito. That Fritzy
and Onel, sila ang gumawa nito. UGH!"
Nakapasok si Zein sa ibang klase namin. Parang wala lang talaga sa kanya ang benda
sa noo nya.
Kasalukuyan kaming nagkaklase nang pumasok ang isang lalaki na ikinatigil ng lahat.
Naningkit ang aking mata. Tatayo na sana si Zein nang pigilan ko sya.
"Where is Zein Shion?" Tanong nito. Tumigil ang tingin niya kay Zein na nasa tabi
ko lang.
Naglakad ito papunta kay Zein kaya agad na tumayo sina Matt at Jerome pero lang kay
Dave na nakaupo pa rin.
"I am sorry for what I did. Please, patawarin mo ako. Nabigla lang ako."
Nalaglag rin ang panga ni Zein sa ginawa nito. Nagsinghapan din ang mga kaklase
namin.
"Miss Shion, please patawarin mo na ako. Ayoko pang mamatay." Sambit nito.
Hindi ko maiwasang mahiwagaan kay Zein. Anong meron sa kanya? Bakit napaluhod nya
ang Supreme Student Vice President?
Chapter 7
Chapter 7: Acquaintance Party
Ginala ko ang aking mata sa kabuuan ng Wide Space. Triple ang laki nito kumapara sa
football field. Madilim na rin at ang mga iba't-ibang kulay ng light effect na
bumubuhay sa paligid. Ang party song na bumubuhay ng ingay.
Napakagarbo ng paligid. May mga table rin sa paligid at sa gitna ang mawalawak sa
espasyo na sa tingin ko ay ang magiging dance floor.
Umupo kami sa pang-anim-an na table. Nakakulay asul na maskara sina Matt, Dave at
Jerome, habang ang kay Mia ay pink at kay Vanessa ay orange na terno sa mga damit
namin.
"Kahit na Free Bloody Night ngayon ay hindi pa rin natin masisugurado ang paligid,
lalo na at wala ang President." Dugtong ni Jerome.
Tumango naman kami. Hindi naman kami talaga lalayo at as much as possible ay wala
kaming planong sumayaw.
Agad namang may nagserve sa amin ng pagkain. Konti lang ang kinuha ko dahil busog
pa ako.
Hindi pa nag-uumpisa ang party. Hindi rin ipinagbabawal ang alak dito kaya maraming
umiinom. Hindi naman namin makilala ang mga tao dahil nakamaskara ang lahat.
"They are here." Bulong ni Vanessa. Sinundan namin ang tingin niya.
Humigpit ang hawak ko sa aking gown at ramdam kong pinagpapawisan ang aking palad.
Natahimik ang lahat at tanging ang party music na lang ang nag-iingay.
Naka black na formal silang lahat plus their black mask. Kapansin-pansin ang
lalaking nangunguna. Ang kanyang mga mata ay seryoso, ang aura niya ay napakalamig.
"That red hair." Bulong ni Mia refering doon sa katabi ng leader ata nila. Pula ang
buhok nito.
"Siya iyong nakita ko bago nakita ang walang buhay na bangkay ni Rouge Silvenia."
Bulong ulit ni Mia.
Mas lumakas ang kabog sa aking dibdib nang tumingin sa table namin ang leader nila
na si Nazzer Lumia. Alam kong hindi siya sa akin nakatingin.
Sa tantsa ko ay nasa labing dalawa sila. Umupo sila sa table sa kaliwang dulo.
Hindi pa man natatanggal ang kabog sa aking dibdib nang dumating na naman ang mga
nakamaskarang pula, naka white formal ang mga ito.
Mas uminit ang paligid. Ang nangunguna sa kanila ay ang pumukaw sa aking tingin.
Hindi siya sumulyap sa amin. Gaya ni Nazzer, napakalamig ng aura nito.
Nasa labing dalawa lang din sila at umupo sa dulong bahagi ng Wide Space sa kanan
naman sila.
"I am Fritzy Saldivar, and before we start. It's an honor for me to introduce the
Admins behind the Hell University." Pag-uumpisa niya.
May sasakyan pala sila? Para saan naman? Para pang intense ganon? Napairap na lang
ako sa hangin.
"The Vice President of Hell University. The one who created the only law of
university which is the Bloody Night. Lets give him a warm of a clap. Mr. Francisco
Augustine."
Mahina kaming pumalakpak bago bumaba sa isang sasakyan ang isang lalaking walang
maskara. Natigilan kami ng makilala ito.
"Siya pala ang Vice President ng HU, Mr.Francisco Augustine huh?" Sambit ko sa
aking sarili.
Tumigil ang palakpakan nang makaupo na ito sa pangalawang upuan. Ngumisi ito sa
lahat.
"The Head of Supreme Student Goverment. SSG Adviser, Ms. Katherine Velasquez."
Natigilan kami sa pangalawang pagkakataon nang makita kung sino ang bumabawa sa
isang magarang kotse.
Oo, ang physics teacher namin. Ngayon ay alam ko na kung ano ang sinasabi ni Celine
na may mataas itong katungkulan. Psh.
Isa na lang ang natitirang nakasara ang pinto. Alam ko na kung sino ito. Black
lady.
"And last but definitely not the least. The highest among all in this university.
Please, bow your heads as I introduce the headmistress, Madame Violet Rivera."
Yumuko rin si Fritzy at lahat ng narito. Wala kaming nagawa kundi ang sumunod sa
ginawa nila. We bow our heads for the black lady.
Pasimple ko syang sinulapan. As usual ay nakaitim ito. Nasa mids 50 ito pero ang
ganda pa rin nya.
Iniangat na naman ang ulo namin nang magsalita na ito. Umupo si Fritzy sa isang
table.
Itinodo ata ang mga speaker sa paligid at parang tumatalbog na ang table namin.
Naghiyawan ang mga gangs na humila sa mga babaeng nasa ibang table at isinayaw.
Hindi sinasadyang mapadako ang aking tingin kay Raze na ngayon ay nakatingin na sa
akin. Akala ko ay iiwas siya ng tingin ngunit ngumisi ito sa akin na nagdulot ng
pagtayo ng aking mga balahibo.
Umiwas ako ng tingin. Parang hinihigop ang aking lakas. He is a demon, they are
demons.
"Ms. Shion?"
Tanong ng isang lalaking lumapit sa akin. Lumukot ang mukha ko. Hindi ko man sya
makilala dahil sa maskara nyang berde ay nakilala ko sa kanyang boses.
"What can I do for you Supreme Student Government Vice President Onel Ty?" Matigas
na tanong ko.
Hindi katulad nong una ay nakangiti na ito s akin ngayon. Psh.
"Congratulation." Bati nito na ikinakunot ng noo ko. "You are the new Supreme
Student Government Secretary." Dugtong niya.
"But this is the President decision and sad to say. Wala ka ng magagawa. Plus,
dahil sa posisyon na iyan ay mabilis kang naitaas sa pang siyam na pwesto sa
ranggo. Yes, you must be glad, wala pang nakakagawa ng ganoon kabilis plus the fact
na pihikan si Supremo sa pagpili ng kanyang sekretarya. Congrats again."
Seriously?
"T-Top 9?" Hindi makapaniwalang tanong ni Vanessa. Maging ako ay hindi rin
makapaniwala.
I should be glad! I must be happy! But there's something about this happening.
Maaring maging simula ito ng panibagong kalbaryo ng buhay ko.
"Zein! You are now in the Highest 10! Maari ka ng makalabas ng HU!" Masayang sambit
ni Mia na malawak ang ngisi.
Hindi ko alam kung anong nagtulak sa akin para kunin ang shot glass na may alak sa
table namin na para sana sa boys. Napapikit ako sa pagguhit ng pakla nito sa aking
lalamunan.
"Why not, Matt?! Makakalaya na si Zein sa impyerno na ito! Maari syang humingi ng
tulong sa mga kinauukulan!" Ani Jerome habang si Dave ay nagsalin muli ng alak at
diretsong nilagok ito.
Hinila ko sa kamay ni Dave ang alak saka diretsong nilagok ito. Mabilis naman na
kinuha sa akin ni Matt ang alak at inilayo.
Sumandal ako sa upuan at inayos ang aking buhok. Ang init sa pakiramdam ng alak.
"Being the Supreme Student Secretary is not easy! Lahat ng bagay ay may kapalit! At
mas marami pa ang masamang maidudulot nito kay Zein!" Giit ni Matt.
Hindi naman kami marinig ng iba dahil sa lakas ng tugtog. Naging mas maingay ang
paligid habang lumalalim ang gabi.
"Kalma lang! Pwede?! Let Zein decide about it!" Suhestyon ni Dave.
Tumingin silang lahat sa akin at naghihintay ng sagot. Hindi ko alam ang gagawin
ko. Hindi nila maiintindihan. Hindi pa sa ngayon.
Mabilis na nakarating ako sa gitna kung saan konting kilos ko lang ay masasagi ko
na ang iba. Ipinikit ko ang aking mata nang maramdaman ang pag-ikot ng aking
paningin. Damn that alcohol.
"What's bothering you?" Naramdaman ko ang kiliti nang may kung sinong lalaki ang
bumulong sa akin.
I tried to open my eyes pero wala akong maayos na makita. Umiikot pa rin ang
paningin ko plus na sobrang gulo ng mga taong nagsasayaw.
"I heard about your promotion. And I think, it was really a bad idea."
"Dapat ay matagal ka ng bangkay, pero prinotektahan ka nya but sad to say, hindi ka
nya habang buhay na mapoprotektahan. I told yah, you will also hold a knife, and I
must say, you must hold one now before it's too late."
--**--
"Ano bang problema mo Matt?! Ginugulo mo ang isip ni Zein?" Singhal ko.
"Sinasabi ko lang ang totoo. Hindi basta-basta ang posisyon na iyon, at basta-basta
na lang nya nakuha. Isn't it weird?" Tanong nito na hindi maipagkakailang may
punto.
Nanatili kaming tahimik hanggang sa nagulat na lang kami ng binasag ni Matt ang
bote ng alak.
"Shit!" Sigaw ni Dave dahil sa gulat. Pero bago pa man makatayo si Dave ay agad na
itong tumumba sa lupa.
"Shit! Shit!" Sunod-sunod na mura ni Matt. Dumudugo na ang kamay nya habang hawak-
hawak ang isang plastic na nasa loob ng alak.
"Isang uri ng pinagbabawal na droga." Napatingin kami sa isang babaeng nasa tabi na
namin. Nakaitim itong maskara at sa tingin ko ay myembro ng BBG.
"D-Droga?" Tanong ko.
Napatayo ako ng hindi oras sa kinatatayuan ko nang marealized na may naghalo nito
sa alak. Si Dave, uminom sya ng alak kaya ngayon ay nawalan na sya ng malay.
Chapter 8
Chapter 8: Danger
Tatayo na sana ako sa aking kinauupuan para sundan si Matt sa pagpunta kay Zein
ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakatayo ay buhat-buhat na ito ni Matt.
Banayad lamang itong naglalakad habang buhat-buhat si Zein ngunit kapag tumingin ka
sa kanyang mata ay alam mong kahit na anong oras ay sasabog ito sa galit. Ngayon ko
lang syang nakitang ganon.
"Isugod nyo na sa clinic!" Dinig kong sigaw ni Mia mula sa aking likod.
Naikuyom ko ang aking kamao. Anong klaseng namumuno sya? Nagawa nya pang magsaya
kahit na nag-aagaw buhay ang dalawang estudyante. Shit!
"I must say.... umpisa na ang pagdanak ng dugo." Bulong ng katabi ko na may dalang
wine.
Ito ang babaeng nagsabi na drugs iyon. Ang natatanging babae na kasapi ng Black
Blood Gang.
Iniwan ko na sya roon sa table namin at tumakbo papunta sa clinic. Habang tumatakbo
ako ay maraming katanungan ang tumatakbo rin sa aking isip.
Sino ang may gawa non? Anong pinaplano nya? Bakit nya ginawa iyon? Kami ba ang
puntirya nya?
Shit!
Pumasok kami sa loob at naabutan ang walang malay na si Zein at Dave. Nawala na ang
panunuyo ng balat ni Dave subalit ang kay Zein ay meron pa at parang mas lumalala
pa.
"Isang klase ng pinagbabawal na droga ang naihalo sa alak, hindi biro ang dossage
nito kaya ganon na lang ang nangyari. Maya-maya lang ay gising na si Dave, habang
si Zein ay kailangan pang obserbahan." Sambit nito sa amin.
Nanlumo ako dahil sa sinapit nila. At the same time ay galit na galit sa kung sino
mang hayop na gumawa sa kanila nito. Demonyo sila.
"Ang ipinagtataka ko lang ay bakit ganoon ang epekto kay Ms. Shion. Malala
masyado." Nakakunot na dugtong nito.
"Paanong nangyari 'yon? Pareho lang naman silang uminom non?" Tanong ni Mia.
Oo nga. Bakit naging malala ang kay Zein? Bakit parang may mali na naman?
"Hindi ko rin alam, but maybe kumporme iyon sa dami ng nainom nila."
"Nakadalawang baso lang si Zein! Marami na ang nainom ni Dave! Bakit parang
baliktad?" Tanong ni Jerome.
"Hindi ko pa masasagot 'yan ngayon but we will conduct an investigation about this.
Don't worry, once na nalaman na namin ang sagot. We will inform you. Excuse me."
Lumabas ito ng clinic.
Umupo sa sofa si Matt habang nakayuko habang kami ni Mia ay pinagmasdan ang
kalagayan ng dalawa.
"Kung sino man ang may gawa nito. I swear, hinding-hindi ko sya mapapatawad." Gigil
na sambit ni Mia.
Sa malapitan ay maging ang labi ni Zein ay nangitim na. Ang balat nya ay parang
wala ng dugo. Sana walang mangyaring masama sa kanya.
"Damn that nurse." Bulong na sambit ni Matt na sinasabunutan ang kanyang buhok.
Tumawa ito ng malakas. Nakakakilabot ang tawa nito. Parang hindi na sya si Matt.
Parang sinapian ng kung ano. Anong nangyayari sa kanya?
"Sa tingin nyo, tutulungan nila tayo?" Tanong nito sa amin. "Hindi. Kahit mamatay
tayo, wala silang gagawin." Nakangising sambit nito.
Tumayo ito at lumapit kay Zein. Hinaplos nito ang kanyang buhok. Lumulot ang mukha
nito at paunti-unting kumuyom ang kamao.
"W-what do you mean?" Tanong ni Mia na halatang gulong-gulo.
Maging ako ay naguguluhan. Bakit nya sinisisi ang nurse? Wala naman itong
kasalanan.
"Wala siyang ginawa. Hindi nya ginamot o pinakialaman man lang sina Zein at Dave."
Sagot nito.
Ngayon ko nga lang napansin na dapat ay may mga aparatong nakalagay kina Zein.
Dapat ay may oxygen na nagsusupply dahil halatang nahihirapan silang huminga, lalo
na si Zein. Pero wala.
"Hindi nya dapat malaman na nagdududa tayo. Baka may gawin syang masama sa atin
lalo na kina Zein at Dave." Sambit nito na hindi maipagkakailang may punto.
Walang nagawa si Mia kundi ang umupo sa sofa at lukutin ang unan doon.
Demonyo sila. Sinusubukan talaga nila kami. Humanda talaga sila kapag may
nangyaring masama kina Zein at Dave. Humanda sila.
"We need to do something! Nanganganib ang buhay nila Zein at Dave!" Sigaw ko.
Napayuko kami nang biglang mabasag ang bintana sa gilid namin. Mabilis na tumakbo
si Jerome palabas para tignan kung sino ang gumawa non habang kami ni Mia ay walang
nagawa kundi ang umupo sa isang gilid.
Niyakap ko sya dahil ramdam kong takot na takot sya. Nanginginig ang katawa niya.
Parang isang panaginip ang lahat ng ito. Isang bangungot. Para rin kaming nasa
isang laro na maraming palaisipan, isang laro na hindi namin alam kung sino ang
kalaban.
Ngayon ko lang napansin na may hawak si Matt na isang kulay asul na likido,
nakalagay ito sa isang maliit na bote. Para itong umiilaw.
Iniwan ko na muna si Mia para lumapit kay Matt na nakatitig parin sa bote.
"Yan ba ang pinambato nila? Pero, para saan 'yan?" Tanong ni Jerome na hindi rin
maalis ang tingin sa bote.
Inalis nya ang tingin sa bote at ibinalin sa amin ang tingin nya.
"Sino? Teka! Hindi natin kilala kung sino ang nagbigay nyan! Baka kung anong
mangyari kina Zein!" Awat ko.
Baka mas lumala pa ang lahat. Hindi namin kilala kung kanino ito galing.
"We need to trust them. Kailangan nating magtiwala. Nasa panganib na ang buhay nila
Zein at Dave. Kung hindi sila agad malulunasan, maaring...maaring mas lumala ang
lahat." Nagsusumamong paliwanag nito na humihingi ng pagsang-ayon.
Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag pinainom nila ang likidong asul na ito
kina Zein at Dave pero kapag hindi kami kumilos, baka maaring manganib na talaga
ang buhay nila.
Tumango na lang ako. Ngumiti sa akin si Matt at hinawakan ang aking balikat. "Trust
me." Sambit nito bago tumalikod at tumungo kina Zein at Dave.
Unang pinainom ni Matt si Dave bago si Zein. Lumipas ang ilang minuto at nanatili
kaming nakatingin sa dalawang mahimbing na natutulog. Lumakas ang pangamba sa amin
nang walang nangyari.
Walang sumagot sa amin. Ayoko ng ganito. Ayokong mag-isip ng kung ano pero hindi
maalis sa isip ko ang mga pangamba at takot.
Nabuhayan kami ng loob ng dumilat ang mata ni Dave. Hingal na hingal ito kaya
inabutan namin sya ng tubig. Nakatatlong baso sya na animo'y ilang araw na hindi
nakainom ng tubig.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Alam namin ang pagtingin ni Mia kay Dave. Kaya alam
kong gayon na lang ang takot nya nang mangyari ito.
Napalingon sya sa tabi nya kung saan naroon si Zein na wala pa ring malay. Bakit
ganon? Bakit hindi pa rin sya nagigising.
Narinig namin ang pagkabasag ng base sa tabi ni Matt na ngayon ay nakayuko na lang.
"Hindi. Gigising si Zein! Bakit ba ganyan ang inaakto nyo?! Imumulat ni Zein ang
mata nya! Susungitan nya pa tayo!" Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Niyugyog ko sya ngunit walang nangyari. Nagbadya na ang luha sa aking mga mata.
This can't be! Hindi mamamatay si Zein!
"Bakit ganon?! Umepekto kay Dave bakit kay Zein hindi?!" Hindi na rin mapakali si
Jerome.
Nanaig ang katahimikan sa amin hanggang sa narinig namin ang pagbukas ng pinto.
Iniluwal nito ang isang babae na mejo bata sa amin siguro.
"Hindi ako kaaway. Andito ako para tulungan kayo." Sabi nito.
Nanlaki ang mata namin nang makitang naglabas ito ng kutsilyo. Hindi kami nakakilos
at pinanuod lang namin kung paano nya itinaas ang damit ni Zein at hiniwa ng maliit
ang gitna ng dibdib nito.
"Anong ginawa mo?!" Hinablot ni Jerome ang damit ng babae pero wala man lang itong
naging reaksyon.
"Ngayon. Ipainom nyo sa kanya ang gamot na ibinigay nila." Sambit ng babae na
ngayon ay pinakawalan na ni Jerome.
"That is the Blue Elixir. Isang uri ng gamot na kayang linisin ang daluyan ng dugo
sa puso. Hindi ito umubra kanina dahil tulog siya kaya hiniwa ko ang tyan nya para
magising sya." Pagpapaliwanag ito.
Napatalon ako sa tuwa nang iminulat na ni Zein ang kanyang mata. Katulad ni Dave ay
uhaw na uhaw rin ito.
Tumulo ang luha sa aking mata dahil sa saya. Lumuwag na rin ang aking paghinga.
Lumingon ako sa likod para sana magpasalamat sa babae pero wala na sya.
Ayon sa pagkakaexplain nya. Ang blue elixir ay uubra lang kung gising ang iinom
nito. Hindi umubra kay Zein dahil tulog sya pero bakit kay Dave umubra?
Paano?
Chapter 9
Chapter 9: Siya
Ang huli kong naaalala bago ako tuluyang mawalan ng malay ay bago pa man ako
bumagsak, may umalalay na sa akin. Malabo na ang lahat kaya hindi ko na makita ito.
Ang sakit na rin ng aking ulo na parang binibiyak na ito.
"Salamat at walang nangyaring masama sa'yo. Buti na lang talaga at dumating ang
misteryosong babae. 'Yon nga lang ay lalagyan ka pa nya ng peklat sa dibdib." Sabi
ni Mia.
Hindi ko napigilang mapangiti. Nakaramdam ako ng hapdi kanina na parang may napunit
sa akin kasabay ng kung anong likido na pinainom nila sa akin na walang lasa. Para
lang itong tubig.
"Iyong blue elixir. Sino ang sa tingin nyo ang nagbigay non?" Tanong ni Vanessa.
Walang nagtangkang sumagot dahil walang nakakaalam ng sagot. Kung sino man ang mga
misteryosong tao na tumulong sa amin, utang namin sa kanila ang aming buhay.
Sabay-sabay kaming napalingon nang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Nurse Cha
na malawak ang ngiti. Nawala rin ang ngiti nito nang mapansin ang basag na bintana
bago lumipat sa amin ang kanyang tingin.
"G-Gising na pala kayo." Halata ang gulat sa mata nito pero sinusubukan nyang
takpan ng ngiti.
"Bitch." Dinig kong bulong ni Vanessa kaya hinawakan ko ang kanyang kamay para
pakalmahin.
"Yes, salamat sa tulong Nurse Cha." Ani Matt na mababakas ang galit pero mukhang
hindi naman nakahalata si Nurse Cha dahil mas lumawak ang ngiti niya.
Hindi ko naiwasan ang pagngisi. Really Nurse Cha? Sagipin ang buhay? O tuluyan ang
buhay namin? How dare you bitch.
"Bumilib nga ako sa iyo Nurse Cha eh." Lumapit si Mia sa kanya na nakangisi.
"Nagawa mong iligtas ang buhay nila ng sandaling minuto. Magaling ka talaga pala."
Puri ni Mia.
Ngumiti itong muli. Tanga ba sya? Bakit hindi sya marunong makiramdam? Ang
katangahan mo Nurse Cha ang magpapahamak sa'yo. Sunod-sunuran ka lang nila at sa
huli, wala ring kwenta ang buhay mo sa kanila.
Kinabukasan ay balik sa dati ang lahat. Matapos ang insidente kagabi ay walang
nagchismisan tungkol dito, parang sanay na sila na laging may ganong insidente.
As usual ay walang nag-abalang batiin sya pabalik. Gusto ko sanang bumati pero
tinatamad ako. Psh.
Nag-umpisa na itong magturo. Nakatingin lang ako sa kanya habang ang aking isip ay
lumilipad sa kung saan.
"Sa tingin mo. Sinong kalaban sa kanila?" Tanong nya na ikinalingon ko sa kanya.
Anong sinasabi nyang kalaban? Sa mga kaklase namin may kalaban? Sino? Paano nya
nalaman?
Nanatili ang tingin nya kay Sir Alvarez na nagsusulat ng equation sa black board.
Unti-unting lumapad ang kanyang labi hanggang sa mahinang tumawa na ito.
Ang weird.
"Too innocent and numb. Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Hindi lahat ng nalaman
mo ay katotohanan. Hindi lahat ng kaibigan mo ay kaibigan din ang turing sa iyo. Sa
huli, sarili pa rin nila ang iisipin nila."
Lumingon sya sa akin at hindi ko alam kung bakit napayuko ako. Tama sya, sa loob ng
impyernong ito, hindi mo talaga alam kung sino ba ang dapat pagkatiwalaan sa dapat
iwasan, kung sino ba ang dapat pakisamahan sa dapat layuan.
"Sa bawat inosenteng ngiti, may kinukubling lihim, huwag kang yayakap ng mahigpit
sa kahit na sino dahil hindi mo alam kung sino ang may hawak ng kutsilyo.
Mamamalayan mo na lang na may dugo ka na."
Gusto kong takpan ang aking tainga ngunit ayaw gumalaw ng aking kamay. Ayokong
isipin na maaring may makagawa ng ganon sa aking mga kaibigan. Ayokong mag-isip ng
kahit na masama sa kanila. Ayokong masira ang tiwala.
"Ikaw, Zein? Kaya mo bang talikuran ang mga kaibigan mo para mailigtas ang iyong
sarili?"
Nangilabot ako sa tanong nya at namalayan ko na lang na tumayo na pala ako sa aking
kinauupuan.
"May I go out?" Ang tanging lumabas sa aking bibig. Hindi ko na sya hinintay na
sumagot at lumabas na ako.
Hingal na hingal ako pagkarating sa CR. Itinukod ko ang aking kamay sa lababo dahil
pakiramdam ko ay bibigay ang aking tuhod. Shit!
Hindi. Hindi ko magagawang talikuran ang mga kaibigan ko. Magkamatayan na, hindi ko
sila ipagkakalulo.
Naghugas na lang ako ng kamay bago lumabas. Nawalan na ako ng ganang pumasok at
ayoko ring makita si Celine. Kinikilabutan ako sa kanya.
Napagpasyahan ko na lang na pumunta sa gymnasium kung saan walang tao dahil oras ng
klase. Papasok na sana ako nang may kumalbit sa akin.
Humarap ako sa tao sa likuran ko. Kumunot ang noo ko nang mapagtanto na ito ang
babaeng nakabunggo namin ni Matt na takot na takot sa amin.
Hindi ito nagsalita pero bigla na lang may lumabas na luha sa mata nya. Gulo-gulo
ang kanyang buhok at gusot din ang kanyang blouse.
Umungol-ungol ito na hindi man lang binubuksan ang bibig. Halatang nanginginig ito
sa takot at may gustong sabihin sa akin.
"Hei! Ayos ka lang?!" Alalang tanong ko habang hinahawakan ang kanyang braso para
pakalmahin.
Umiling-iling ito.
"Sandali!"
Tumakbo ako palapit sa kanya ngunit hindi pa man ako lubusang nakakalapit nang
bumagsak na ito sa sahig. Nanlaki ang mata ko sa takot at gulat.
Dahan-dahan akong lumapit sa kanya kasabay ng panlalaki ng mata ko. Napatakip din
ako sa aking bibig.
Nakalabas na ang dila nito na may tatak na pako. Katulad ng nangyari dati ay
halatang pinaso din ito gamit ng mainit na bakal. Sumiritsit ang dugo sa leeg nya
kung saan may nakatarak na pako.
Nahihirapan na itong huminga at halos lumuwa na ang mata. Pinipilit nyang magsalita
ngunit walang lumalabas na tinig sa kanyang bibig.
"Zein!"
"OH MY GOD!"
Naramdaman ko na lang na inilayo na ako nila Matt at Dave sa ngayon ay walang buhay
na babae. Nakamulagat ang kanyang mata habang parang nakatingin sa akin, ang
kanyang daliri ay nakaturo rin sa akin.
Inabutan naman ako ni Jerome ng mineral water ngunit hindi ko ito nakuhang inumin.
Sinong gumawa nito?
Paanong may nakatusok na sa kanyang pako? Hindi ko nakita ito kanina. Posibleng may
tumira nito sa kalayuan.
Tumango na lang ako bago lumagok sa bote ng mineral water. Nagsidatingan na din ang
mga guard at binuhat ang bangkay na babae.
"Pero parang may gusto syang sabihin sa akin. Kaso hindi nya nasabi dahil ang
kanyang dila.." lumunok ako matapos maalala kung bakit ungol lang ang nagagawa nya.
"May tatak na ng pako." Sambit ko.
"Ms. Zein Shion, maari ba kitang maimbitahan sa aking office?" Tanong ng isang
babae na sa tingin ay ang principal ng HU dahil sa ID nito.
"Hindi na. Sige na, mauna na kayo sa dorm. Susunod na lang ako." Pigil ko.
Ramdam ko ang pagtutol nila sa kanilang mata pero wala rin silang nagawa. Sumunod
ako kay Madame Principal. Hindi ko maiwasang mapayuko dahil sa klase ng tingin na
ipinupukol sa akin ng mga makakasalubong namin na animo'y ako ang may kasalanan
kung bakit namatay ang babaeng 'yon.
"Oh Madame Carmie, buti naman at dumating ka na agad. Inip na inip na ako." Bungad
nito.
Humingi naman ng paumanhin ang principal na ikinakunot ng aking noo. Bakit ganon?
Parang takot sa kanya ang principal? Psh.
"Maupo ka." Tumayo si Ace sa swivel chair ni Principal Carmie at umupo sa sofa kung
saan ako nakaupo.
Umupo naman doon ang principal bago pinagsalikop ang kanyang kamay sa ibabaw ng
lamesa nya.
"Anong gusto nyo?" Tanong ko. "Kung pagbibintangan nyo ako tungkol sa nangyari
kanina ay paumanhin pero hindi ako ang may gawa no'n." Dugtong ko.
"How rude Ms. Shion, baka nakakalimutan mong kaharap mo ang Principal at ang SSG
President. Learn to respect." Mahina ngunit may diin na sambit ni Ace.
"This is about you, Ms. Shion as the newest secretary." Pag-uumpisa ni Principal
Carmie.
"Ilang beses ko bang sasabihin na hindi ako interesado sa posisyon na 'yon." Inis
na sambit ko.
Akala ko tatanungin nila ako tungkol sa insidente kanina pero tungkol pala ito sa
pagiging secretary ko. Geez.
"As if you have the choice. I had choosen you personally and that's final. Period."
"A.yo.ko!"
Tumayo si Ace at umupo sa table ni Madame Principal. Oh! The President haven't also
a manner. Pakitang tao lang pala ang isang ito na animo'y masunurin pero isa palang
demonyo, oh well demonyo na pala siya dati pa.
"Ms. Shion. You will also benefit from this. Malalaman mo lahat ng gusto mong
malaman once na tanggapin mo ang posisyon. Makokontrol mo ang mabababang tao.
Kakatakutan ka nila." Mahina itong tumawa.
Halos matawa ako sa sinabi nya. Sa tingin nya ba kukunin ko ang posisyon na 'yon
para lang maging superior sa iba? Ganon ba talaga ang mga may posisyon? Pakiramdam
nila kaya nilang paikutin ang lahat gamit ang kapangyarihan nila?
"Pag-iisipan ko." Pagsuko ko.
Pagod na akong makipagtalo sa kanila at alam kong wala akong laban. I hate him!
"Fine. Anyway, how are you? I've heard what happened to you last night."
Tumayo na ako at pinagpagan ang aking sarili. Mahinang tumawa si Ace. This guy is
getting into my nerves.
Natigilan ako bago tumingin sa kanya. Tumalon siya mula sa pagkakaupo sa table ni
Principal Carmie at naunang pumunta sa pinto.
"Tsk tsk. Huwag mong gawing tanga ang sarili mo. Alam kong may napapansin ka na,
tama ang hinala mo. SIYA ang gumawa non."
Iniwan nya akong tulala. Hindi, mali ang iniisip ko. Hindi ako dapat magbintang,
hindi SIYA ang may kasalanan.
Chapter 10
Chapter 10: Accepted
Hindi ko naman sineryoso ang mga sinabi nya. Malamang ay nantitrip lang 'yon at
gusto nya lang pasakitin ang ulo ko sa kakaisip. Hmp!
"Ms. Shion!"
Tinanaw ko sa hindi kalayuan ang tumawag sa aking pangalan. Mabilis na lumapit ako
sa kanya.
Hawak nito ang tatlong libro na ginagamit nya habang nakasakbit sa kanyang braso
ang kulay itim nyang shoulder bag. Masasabi kong may itsura talaga ito na sa
palagay ko ay nasa mid's 25-30 ang edad nya.
Hindi ko alam kung ano ang pag-uusapan namin pero dahil sa alam kong seryoso ito at
halatang importante ang sasabihin ay pumayag na ako.
Pumunta kami sa cafeteria at umorder sya ng dalawang juice para sa aming dalawa.
Nakaupo kami sa dulong bahagi ng cafeteria kung saan hindi kami gaanong kita kapag
may mga bagong pumapasok dito.
Wala sa sarili nakagat ko ang straw ng orange juice ko dahil sa sinabi nya. Seryoso
ito at hindi ka makakita ng kahit na anong expression sa kanyang mata kundi ang
pagsusumamo na tulungan ko sya.
Sumandal ako sa upuan at tumitig sa kanyang seryosong mata. I have a bad feeling
about this, may panibago na naman ba akong poproblemahin? Andami ko ng iniisip.
"I am not just a teacher. I am also a detective. They sent me here to rescue you
all. Tulungan mo ako."
Hindi ko nagawang ibuka ang aking bibig dahil sa gulat. Hindi ko inakalang
detective sya dahil hindi halata sa kanya. Pero anong sinasabi nyang irescue kami?
"Listen Zein, isa akong detective at the same time ay secret agent. Dati pa namin
minamanmanan ang lugar na ito pero hindi kami makakuha ng impormasyon. Hindi rin
namin kayang pakialaman ang university na ito dahil hindi siya sakop ng gobyerno,
that's why patago ang ginagawa ko. Isang buwan na ako rito pero wala pa rin akong
makitang maaring maging butas ng HU, ililigtas ko kayong lahat but I can't do that
by myself that's why I am asking for your help."
Nanatili ang mga mata ko sa seryosong nyang mata. Gusto kong tumanggi pero gusto ko
rin namang makatulong.
I am just an ordinary student. Wala akong alam sa HU, wala aking maibibigay na
impormasyon sa kanya. Isa pa rin kaming newbies dito.
Kumunot ang noo bago bago napagtanto ang ibig nyang sabihin.
"If you have the position, it would be a big help. Malalaman mo ang hindi nalalaman
ng iba. Alamin mo kung nasaan ang Hidden Laboratory nila rito."
"Laboratory?"
"Yes. They are hidding their laboratory, pinag-aaralan nila ang formula na nakuha
nila bago mamatay si Dr. Quizon."
Mas gumulo ang lahat matapos kong marinig iyon. "Akala kong hindi pa nila nakukuha
ang formula dahil namatay si Dr. Quizon na walang nakakaalam nito?" Tanong ko.
"Hindi namatay si Dr. Quizon ng kusa, pinatay nila sya para makuha ang formula."
Bulong niya na nagdulot ng pagtaas ng aking balahibo sa balat.
Unti-unting namuo na naman ang galit sa aking katawan. Napakasakim nila, nagawa
nilang patayin ang isang tao para makuha ang isang ideya na hindi naman sa kanila.
How cruel! Mga demonyo talaga sila.
"Nakuha nila ang formula pero may kulang. Hindi lahat naitala ni Dr. Quizon sa
nakasulat. Ang isang nakapahalagang sangkap ang hindi pa nila nahahanap na
itinatago ng isang estudyante. Kaya ngayon ay pinaghahanap nila ito, pero humahanap
din sila ng sangkap na maaring pamalit doon na ginagawa nila sa isang sikretong
laboratoryo."
"Zein, kailangan nating mahanap ang laboratoryo na iyon bago mahuli ang lahat.
Dapat itong mapigilan bago mahuli ang lahat. I need your help, Zein Shion."
"Zein! Anong ginawa nila sa'yo?! Tinorture ka ba nila para mapaamin? Ano? Umamin ka
ba?"
"Pumasok. Nagpaiwan na ako para may kasama ka." Inabutan nya ako ng tubig.
Inilapag ko sa gilid ang baso bago nagpakawala ng buntong-hininga. This is too much
for an ordinary girl like me. Paano ko ba tatapusin lahat ng pinasok ko? UGH!
"Hindi naman konektado sa nangyari kanina ang pinag-usapan namin. Pinipilit nila
akong tanggapin ang posisyon."
UGH!
"Here. This is your new uniform. Wear it now and I'll show you our office."
Walang buhay na tinanggap ko ang ibinigay sa akin na paper bag ni Ace kung saan
naglalaman ito ng isang uniform na pang secretary.
Pumasok ako sa CR at nagpalit. Napangiwi ako nang mapagtanto na mas maikli pa ang
mini skirt nito kesa sa dati. Ang blouse na white ay naging kulay ocean blue. May
plate din ako sa gilid kung saan nakasulat ang pangalan ko at ang posisyon which is
obviously the secretary.
Nang kuntento na ako sa aking itsura ay lumabas na ako ng CR kung saan nakaabang si
President Ace na halatang inip na inip na.
Bumusangot na sumunod ako rito. Lahat nang makakasalubong namin ay gumigilid. Iyon
ang ayaw ko sa lahat. Psh.
Nanatiling seryoso ang aking mata na nakatingin sa kanila. Nakayuko na sila ngayon
at halatang takot na takot.
"That's my line. Psh. Lets go." Hinila na ako ni Ace palayo doon.
Nawala ang ngiti sa aking labi nang mapagtanto na hawak nya ang aking isang kamay.
Hindi lang ito basta nakahawak dahil naka intertwin ang bawat daliri namin na
parang magkaholding hands kami.
Iniwas ko ang aking tingin at pinilit alisin ang kamay nya pero hindi ko magawa.
Binitawan nya rin ito bago kami pumasok sa isang office kung saan may nakalagay na
SSG Office.
Nakaupo sa isang table si Onel Ty na tumayo ng makita kami. Si Teacher Kath ay nasa
dulo na ngayon ay nakataas na rin ang kilay sa amin. Napadako ang tingin ko sa
isang babaeng nakaupo sa Secretary Chair. Bitch.
"Get out of her chair." Mahina ngunit may diin na sambit ni Ace sa kanya
"President Ace. Si Fritzy pa rin ang pinili kong secretary." Sambit ni Teacher
Kath.
Nagulat kami nang kinalampag ni Ace ang desk na katabi nya na nagdulot ng
nakakabinging ingay sa buong paligid. Halos masira din ang table na hinampas nya.
"All of you, take my command. Sit on your respective chairs and get out of here Ms.
Fritzy Saldivar."
Walang nagawa sina Teacher Kath at Onel kundi ang bumalik sa kanilang pwesto habang
si Fritzy ay naglakad na palabas pero binangga muna ako.
Tumayo ito sa harapan namin na ngayon ay seryoso na naman. Ano bang meron sa kanya
at bakit pati si Teacher Kath ay walang nagawa? Psh.
"For now on, si Zein Shion na ang bagong sekretarya ng HU, and I don't want any
questions about that. Respect her as you respect me. She is now in the 9th Power of
Highest 10. Mababa kung ikukumpara sa'yo Mr. Ty na nasa ikalimang ranggo pero dapat
pa ring respetuhin. This is my desicion and it's FINAL."
Hindi ko alam na kapag pala naging myembro ka na ng SSG, ay dapat sila lang ang
kasama mo buong araw, I am not allowed to talk to my friends. UGH!
"Fuck you."
Napayuko ako nang sinamaan ako ng tingin ni Ace dahil sa pagmura ko sa kanya.
Nakakainis!
Tumingin ako sa kabilang table kung saan naroroon ang aking mga kaibigan na tahimik
na kumakain, pasimpleng sumusulyap sa akin sina Dave at Jerome habang sina Vanessa
at Mia ay talagang nakatitig sa akin habang nakakunot ang noo, si Matt ay hindi man
ako nagagawang sulyapan.
Nagpakawala ako ng malakas na buntong-hininga bago ibinaba ang burger ko. Nawalan
na ako ng gana.
"Fine!" Napalingon ako kay Ace nang magsalita ito. "You are allowed to be with your
friends but, kapag tinawag na kita ay dapat na mabilis kang lumapit. Are we clear?"
Ngumiti ako bago tumango. Nagmadali akong umupo sa table ng mga kaibigan kong
nakabusangot.
"Oo nga. Mag bago ka na palang kaibigan. Snob muna kami." Gatong ni Mia.
"That's the rule of SSG. Once you are a member, you are not allowed to talk to your
friends the whole day unless the president let you. Kaya nga ayokong tanggapin mo
ang alok nila eh." Sa wakas ay nagsalita na rin si Matt na halatang nagtatampo rin.
Bakit ganon? Gusto ko lang naman na makatulong pero bakit kailangan pang may
maisakripisyo? Tulad ng mga kaibigan ko? Psh.
"Psh. It's ok. Hindi lang talaga kami sanay." Sabi ni Jerome.
Bumusangot akong muli bago tumayo. Maging ang mga kaibigan ko ay walang nagawa.
Nanlaki ang mata ko nang biglang may lalaking nakabunggo si Ace. Natapon ang orange
juice nito sa polo ni Ace na wala man lang reaksyon.
Hindi sumagot si Ace, bagkus ay kinuha nito ang notebook na dala nya.
"F-Ferry Marcos."
Inilipat ni Ace ang pahina ng kwaderno bago ginuhitan ang buong pangalan nito. Isa
lang ang tumatakbo sa isip ko ngayon, mamamaalam na ang lalaking ito.
Chapter 11
Chapter 11: Past Newbies
Nakasunod kami kay Supremo na banayad lang na naglalakad. Nasagilid ko ang lalaking
nanginginig pa rin hanggang ngayon, kasama rin namin sina Onel at Fritzy na hindi
rin kumikibo.
Kung tutuosin ay maliit na bagay lamang para sa atin ang matapunan ng juice, I mean
magagalit tayo pero hindi naman hahantong sa ganito. Hindi ko pa nakikita ang Dark
Hell Jail o DHJ pero hindi ko pinapangarap na mapasok doon. I am sure na kamatayan
ang hatid noon sa kahit na sino.
Nakaramdam ako ng awa pero hindi ko kayang magsalita at sumalungat kay Ace. Hindi
ngayon na nag-aapoy sya sa galit. Nakita ko na naman ang demonyong nagkakubli sa
kanya. Nakakakilabot.
Habang palayo nang palayo ang nilalakaran namin ay palayo kami ng palayo sa HU, I
mean is parang likod ito ng HU. Mga nagtataasang puno lang ang narito at mga
talahib. Mabuti na lang at tanghali pa lang kaya hindi mahirap lakarin.
"Ayoko pang mamatay..." Muling sambit nito sa sarili na halatang kahit na anong
oras ay iiyak na.
"Once he said it, no more question. That's who Ace Craige is." Sambit ni Onel.
"Kung ako sa'yo Zein, bitawan mo na ang pwesto. Hindi mo gugustuhing makita ang
buong demonyo na nakakubli sa loob nya." Pananakot ni Fritzy na nakangisi.
"Really? Pero ako, oo. Nakita ko na minsan kung paano sya magalit. Silent but
deadly." bulong nitong muli na hindi ko na pinansin.
Yes. Alam ko na hindi ko pa nakikita ang buong Ace at inaamin kong nakakaramdam din
ako ng takot sa kanya. He is the President of this Hell for pete's sake. He is
totally a devil more than anyone else here. That's for sure.
Sementado ang kabuuan nito. Tanging nag-iisang pinto lang ang meron ito at malakas
na klase ng bakal ito na hindi basta-basta nasisira. Wala akong makitang kahit na
ano sa loob dahil madilim. Ano kayang meron sa loob nito? Kamatayan.
May kinuha si Ace sa kanyang bulsa. Isang susi, ang susi ng DHJ. Binuksan nya ito
at masangsang na amoy ang nasingot namin na ikinaatras namin ni Onel at Fritzy.
Ang bakal na pinto ay may bahid ng mga natuyong dugo. Shit! Anong kaparusahan ito?
"Don't let me to push you inside." Walang emosyon na sambit ni Ace na seryosong
nakatingin sa lalaking tahimik na lang at parang tanggap na ang katapusan nya.
Kinilabutan kami nang lumawak ang ngisi sa labi ng lalaking mahinang tumatawa na
ngayon.
"I know. Kaya nga kita dinala rito eh. Alam ko rin ang sikreto mo." sagot ni Ace na
ikinakunot ng noo ng lalaki.
Anong sikreto ang sinasabi nila? May mga sikreto pa bang nakakubli?
"Hindi ako ganon kababaw para lang sa natapon na juice ay parusahan ka ng ganito.
Alam ko ang ginawa mo, ikaw ang pumatay kay Grace." Sagot ni Ace. "Alam mong hindi
ito magugustuhan ni Jane kapag sinabi ko ito sa kanya."
Is this how evil Ace is? Pero demonyo rin naman ang lalaking ito para pumatay ng
isang tao. Evils.
Mabilis na tumakbo ito sa loob kasabay ng paglock ni Supremo sa pinto. Wala kaming
narinig na kahit na anong ingay. Anong nangyari?
"This is our job Ms. Zein, kailangan nating patayin lahat ng makasalanan.
Kailangang mawala lahat ng dapat mawala."
Wala na akong nagawa kung hindi sumunod sa kanila na ngayon ay pabalik na. Muli
kong sinulyapan ang DHJ, hindi ko alam kung ano ang nakita ko pero sigurado ako,
may iba pang tao sa loob non.
"The President was the one who implemented that punishment." Sabi ni Onel na ngayon
ay nakangiti na, parang wala lang sa kanila ang nangyari.
Si Ace? Sya ang gumawa ng parusang kamatayan na ito? Pero bakit? God! Nakakakilabot
ang isang halimaw na ito. Mas magiging maingat na ako ngayon sa kanya. Ayokong
mangyari sa akin kung ano ang nangyari sa lalaking iyon.
"Supremo! Supremo!"
Humagulgol ito ng iyak kaya nilapitan ko na ito. Inakay ko sya papunta sa isang
bench. Umalis lahat ng nakaupo roon matapos akong makita.
"Kasama ka sa Highest 10! You shouldn't say sorry! Secretary ka pa! Lahat ng mataas
ay hindi humihingi ng tawad!"
Boyfriend nya sya? Ang babaeng ito ba ang tinutukoy ni Ace? Pero bakit ganon ang
naging reaksyon ni Ferry nang tinakot sya ni Ace na sasabihin kay Jane na pinatay
nito si Grace?
"Hindi ko na alam ang gagawin ko. Pinatay nila ang nag-iisang bestfriend kong si
Grace, tapos ngayon ang boyfriend ko naman."
SHIT! Bestfriend nya si Grace na pinatay ni Ferry na boyfriend nya? Kaya pala
ganoon ang naging reaksyon nya ng tinakot sya ni Ace? Pero, bakit kaya nya pinatay
si Grace? Anong rason nya?
"Kayo ang newbie hindi ba? Sa loob ng limang taon, ngayon lang ulit nagkaroon ng
bago rito." sambit nito.
5 years ago? May mga napadpad na rin dito? Panibago na namang tanong na kailangan
kong hanapan ng sagot. "Anong nangyari sa kanila?" tanong ko.
Sino sya? Isa rin ba sya sa mga bago noon? Anong ginagawa nya? Bakit naging maayos
ang lahat noon?
"Pero hindi rin nagtagal ang lahat. Lahat ay may hangganan, nagbalik ang lahat sa
dati. Ang mas nakakatakot ay mas bumangis ang mga demonyong noon ay maamo."
"Ate Zein, ang babaeng iyon ay matagal mo ng nalamangan." sambit nito na ikinakunot
ng noo ko. "Naging myembro sya ng Highest 10 dalawang buwan matapos ang pagpasok
nila rito, ikaw, wala pang isang buwan. Ang pinagkaiba nyo lang ay nainlove sa
kanya ang supremo na anak ng dating head master ng HU. Sige ate Zein, mauna na
ako."
Nainlove sa kanya ang dating Supremo na anak ng dating headmaster? Sino? Sino ang
babaeng iyon? Sino ang dating Supremo? Sino ang headmaster na tinutukoy niya?
Chapter 12
Chapter 12: Innocent Evil
"Alam mo? Nakakapanibago sila." Sambit ni Vanessa habang pinagmamasdan ang mga
estudyante na binabati kami.
Nagagawa na nilang ngumiti sa amin. Iyon kasi ang utos ng Supremo, kailangan nila
kaming pakitaan ng maganda. Kahit na alam kong napipilitan lang sila.
Agad na naagaw ng pansin ko ang librarian na matanda na. Nakangisi ito sa akin kaya
ibinalin ko sa iba ang aking tingin. Anong meron sa ngisi nya?
Umupo kami sa isang table kung saan hinihintay ko si Vanessa na makabalik dahil
hinahanap pa nya ang libro. Sandali kong inikot ang aking paningin, parang
ordinaryong library, napakaraming sign ng katahimikan, may mga mangilan-ngilan ding
estudyante ang narito.
"Ikaw si Zein?"
"Totoo nga ang balita. Mabilis kang nagkaroon ng posisyon at naitaas sa ika-siyam
na pwesto." Sabi nya habang nakatingin sa aking uniform.
Hindi ko nagawang sumagot dahil hindi pa rin ako makaget over sa panggugulat nya sa
akin.
"Parang nauulit ang lahat. Sana nga..." aniya. "Sana sa pagkakatong ito,
magtagumpay na." Dugtong niya.
Hindi ko maalis ang tingin sa kanya. Mahaba ang buhok nitong kulot na puti, kulubot
na ang balat nito at nababalutan ang mata nya ng makapal na eye glass. Nakalagay sa
nameplate sa kaliwang dibdib nya ang pangalang 'Leonora'.
"A-ano pong sinasabi nyo?" Tanong ko. Hindi ko kasi maintindihan. Anong sinasabi
nyang mauulit muli? Ano ang tinutukoy nya.
"Kaibigan mo 'yon?" Tanong nya sabay turo kay Vanessa na nagkakalkal sa mga libro.
"Alam ba nila?" Tanong nya.
"Ano po? Teka, ano po ba ang sinasabi nyo?" Wala talaga akong maintindihan.
"Nag-aaral sila ng mabuti para mapasali sa Highest 10, para makaalis dito. Pero
ikaw, kasali ka na. Ano pang ginagawa mo sa impyernong ito?" Tanong nya sabay
mahinang tumawa.
Napalunok ako nang mapagtanto ang ibig nyang sabihin. Natikom ang aking bibig.
"Alam mo na hindi ba? Nagpaniwala ka naman?" Tanong nya. "May mali sa bawat kwento,
tandaan mo Zein, walang tutulong sa iyo kundi ang sarili mo lang din. Kahit ang mga
kaibigan mo, huwag kang magtitiwala. Ikaw din. Baka maulit ang nangyari dati. Mag-
iingat ka."
Tumalikod na sya at pumunta muli sa upuan nya sa dulo kung saan naroroon ang
kanyang table.
Hindi ko pa rin ma-absorb lahat ng sinabi nya. Hindi tama 'yon, kaibigan ko sila,
dapat ko silang pagkatiwalaan. Ginugulo nya lang ako, tama! Ginugulo lang nila ako.
Hindi ako makikinig sa kanila, pinagkakatiwalaan ko ang aking mga kaibigan gaya ng
pagtitiwala nila sa akin.
"Oh? Anyare sa'yo? Tulala ka?" Tanong ni Vanessa na nakaupo na pala sa aking
harapan.
Umiling na lang ako at pinanuod syang magbasa sa libro. Hindi nila ako kayang
traydorin, hindi nila ako babaliktarin. Hindi talaga.
Napatingin sya sa akin na nakakunot ang noo. Nakataas rin ang kaliwang kilay nito
na parang nawi-weirduhan sa tanong ko.
"Ano bang klaseng tanong 'yan Zein? Syempre gustong-gusto" sagot nya. "Bakit ikaw?
Ayaw mo ba?" Tanong nya pabalik.
Ang sikip sa dibdib na kahit gusto ko talagang makaalis dito ay hindi na maaari.
Hindi nila ako papaalisin. Hindi nila ako hahayaang makalabas ng humihinga. Kahit
na anong gawin ko, mabubulok na rin ako dito.
Sumilip ako at nakita ang isang lalaking may hawak na gitara at kumakanta.
Nakasalamin din ito gaya ng mga nerd.
Ang ganda ng boses nya kaya hindi ko na napigilang pumasok. Natigilan siya sa
pagtugtog nang makita ako.
Napaangat ang ulo nya at tumingin sa aking mga mata. Napakainosente ng kanyang mga
mata at parang walang bahid ng kasamaan.
"A-ano?"
Inangat nya ang isang parte ng tela sa polo nya kung saan nakasulat ang number 3.
Sya nga. Siya nga ang leader ng BBG. Pero bakit ganon? Napakainosente nya? Parang
hindi mo aakalain na isa rin syang demonyo. Shit!
Mahina itong tumawa. Isang nakakakilabot na tawa. Isang tawa na parang mahirap
kalimutan. Innocent evil. Hindi dapat minamaliit ang mga tao base sa itsura nila
dahil hindi natin alam kung ano ang nasa loob nila.
Nanuyo ang lalamunan ko. Ngayon ko lang din napansin ang tattoo sa kanang braso
nya. Isang ahas na nakapako. Ito ba? Ito ba ang simbolo ng BBG? Makamandag ang
pako. Kaya pala ganon nalang ang epekto non kay Matt.
"Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo, hindi lahat ng mabuti sa'yo ay totoo dahil
minsan... mas demonyo pa sila sa mga inaakala mong demonyo."
Hindi ko nagawang makakilos sa kinatatayuan ko nang lapitan nya ako. Inayos nito
ang eye glass nya at tinitigan ako sa mata.
That eye! Ang kaninang inosente na ngayon ay parang ang mata na ni Nicky. Hindi mo
kayang titigan ito ng matagal dahil parang hinihigop nito ang buo mong lakas.
Masyado itong nakakilabot.
"Number 9 huh? Kahanga-hanga ka. Pero wala ka ring kwenta para sa amin at sa
kanila, mamamatay ka rin, maaring ako o iba ang gumawa no'n. Sayang ka, tatanungin
kita." Aniya.
Nanatili ang mga mata nya sa akin habang ako ay hindi ko na alam ang gagawin ko.
Lumalabas na ngayon sa kanya ang totoong demonyo. Demonyong nakakubli sa loob ng
inosenteng lalaking ito.
"Sumali ka sa amin. Gagawin kitang reyna. Ako mismo ang magliligtas sa iyo."
Ayokong maging reyna ng demonyo. Mas gugustuhin ko na lang ang mamatay kesa sa
sumanib sa kasamaan. Hindi ako kailanman sasanib sa kahit na sinong demonyo.
Namutla ako nang tutukan nya ako ng pako sa leeg. Hindi ako makahinga ng maayos.
Ang sikip at pakiramdam ko na kahit isang galaw lang ay ikamamatay ko na.
Humalakhak sya at inalis ang pako sa leeg ko. Tinawanan nya ako na parang ang
sinabi ko ay ang nakakatawang biro na narinig nya.
"Tama nga sila. You are not afraid of death at parang si kamatayan pa ang takot sa
iyo. Pero, hindi ka muna mamamatay. Hindi muna sa ngayon na may silbi ka pa."
"Ayon sya!"
Nanlamig ako nang sugurin nila si Nazzer at paulanan ng suntok. Naistatwa ako sa
kinatatayuan ko.
Bakit hindi sya lumalaban? He is a monster, a complete devil but why the hell he is
not fighting back?!
Natigilan sila at humarap sa akin. Halatang nagulat sila nang makita ako. Hindi ata
nila ako nakilala kanina.
"S-sorry binibini."
Hindi ko sila pinansin at dumiretso ako kay Nazzer na nakangisi. Putok ang labi
nya.
"Binibini! Layuan mo ang lalaking nerd na iyan! Basura sya!" Sigaw ng isang lalaki
sa likod ko.
Nanlaki ang mata ko nang may mapagtanto. Hindi kaya.... Hindi nila alam na ang
lalaking ito ay kasama sa H10 dahil tinatago nya ang numero sa polo nya.
Shit!
"Tama binibini. Hindi nila ako kilala, hindi nila kilala na ako ay isang demonyo."
Napaatras ako nang sugurin na naman sya ng mga lalaki. Hindi ko alam pero lumabas
ako ng music room.
Kaya pala. Kaya pala nila sya ginaganyan dahil hindi nila alam kung sino sya. Na
sya ang leader ng BBG! Na isang demonyo! Hindi nila sya kilala!
Hindi ko alam kung kanino ako maaawa. Kay Nazzer o sa tatlong lalaking iyon.
Napadako sa lalaking pula ang buhok ang aking tingin. Naaalala ko sya. Sya ang
sinabi sa akin ni Mia na nakita nya ng mangyari ang pagpatay kay Rouge Silvenia.
May tattoo ito ng maliit na pako sa gilid ng kanyang braso na parang nakabalot sa
isang koronang tinik.
"Isa ka rin sa kanila?" Tanong ko.
"Nakakainip naman. Hindi pa rin sya tapos bugbugin." Aniya sabay inat na animo'y
inaantok na.
Sandali nya lang akong tinitigan sabay tumawa ng bahagya. Inayos nya ang buhok
nyang pula bago umiling.
"Hindi pwede. Pero tandaan mo ang mukha ng tatlong lalaking 'yan.... sila na ang
susunod sa yapak ng iba pang namatay."
Kinilabutan ako. Sigurado akong totoo ang sinabi nya. Pagbabayaran ng tatlong
lalaking iyon ang kapangahasan nila.
Ang nerd na binubugbog nila ang pinuno ng isa sa kinakatakutang gang dito. Black
Blood Gang, Nazzer Lumia. Ang pumapangatlo sa pinakamataas sa loob ng impyernong
ito.
Chapter 13
Chapter 13: King and Queen
Pinauna ko na si Zein dahil alam kong matatagalan pa ako. Ang hirap talagang
magmarunong lalo na kung napipilitan ka lang. Katulad ng ginagawa ko, nagpapaka
book worm para lang mapasali sa Highest 10. Sigh.
"Here..."
Narinig kong may nagsalita sa harap ko at naglatag ng isang libro sa lamesa ko.
Tumaas ang aking paningin at tumambad sa akin ang isang lalaki na nakangiti. Mejo
chinito ito na matangkad lang sa akin ng konti.
"Tapos na kami sa assignment na 'yan and I've got my answers from that book." Turo
nya sa librong ibinaba nya kanina.
Sinulyapan ko ang libro at binasa ang title. Tumugma sa assigment ko ang title kaya
kinuha ko na ito.
"May I hear the magic word?" Tanong nya na ngayon ay nakaupo na sa kaninang pwesto
ni Zein.
"Yon! Akala ko 'di ka marunong magsalita, tuturuan sana kita." Biro nya na mahina
kong ikinatawa.
"Liam."
Maikli kong tugon at binalewala ang kamay nyang nakalahad pa rin. Ibinalik ko na
lang sa librong ibinigay nya ang aking paningin.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nya. I am not really a friendly, kontento na ako sa
mga kaibigan ko ngayon. I usually ignore people who getting near on me.
Inilipat ko ang pahina ng libro sa sinabi nya at saglit na binasa ang content nito.
Wala sa sariling napangiti ako nang makita lahat ng sagot sa aking tanong.
Ngayon ko lang narealized na baka hinihintay nya ang libro na ipinahiram nya lang
sa akin kaya nahihiyang ibinalik ko 'yon sa kanya.
"Nah. You can borrow it since tapos na rin kami sa librong 'yan." aniya sabay balik
ng libro sa akin.
Kumunot ang noo ko nang tumayo rin sya. He is still in his usual smile. Ano bang
nakakatuwa? Inaasar nya ba ako?
I tried to keep my mouth shut and walk towards the door. Saglit akong natigilan
nang unahan nya na ako sa pinto at pagbuksan ako nito. Tinaasan ko sya ng kilay
bago nilagpasan.
I don't need a guard. I don't need an assistant. I don't want him around and I
don't know why.
"Mamaya pa." Mahina kong tugon. Pinipigilan ko talaga ang masabihan sya ng ano na
masakit dahil sa ipinahiram nya ako ng libro pero kasi feeling close na sya.
I only know his name, not his surname or his entire self. In short, we are totally
a strangers.
"Oh bakit ka nagmamadali? Gusto mo bang kumain? Libre ko."
Nagulat ako nang hawakan nya ang aking kamay at hilain papunta sa cafeteria.
Napangiwi na lang ako sa ginawa nya.
'Anak ka ng tatay mo't pinanganak ka ng nanay mo!' Ano bang problema nya?! Hindi
nya ba alam ung gentle? Akala ko naman gentleman, kung makahila naman sya, ginawa
nya akong kabayo.
"You should learn how to take things slower." Inis na sambit ko bago umupo.
"I am easy to get bored especially in taking things slower. I want to fasten
everything." sagot nya na sa totoo lang ay hindi ko naintindihan.
"Good Afternoon, sir/ma'am. May I know your order?" Tanong sa amin ng waiter.
Halos mahambalos ko ang chinitong tumatawa ngayon na hawak kong mga libro. Ang
mahal ng in-order ko tapos tatawanan nya lang?! Baka naman natawa sya kasi wala na
syang pera? Duh!
"Katulad din ng sinabi nya. Tapos pala, pakisabi rin sa babaeng nasa tabi ko na
LIBRE ang pagkain dito at walang bayad." Mahina na naman syang tumawa.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Hindi ko alam na libre pala ang lahat. Kumain
na kami rito at akala ko ay nilibre kami ni Matt o ni Dave. Yon pala ay libre!
Gosh! Non-sense din ang pagsasayang ko ng laway sa pagsabing PINAKAMAHAL.
Kaignorantehan strikes. Grr.
"Bakit ang init ng dugo mo sa akin? Wala naman akong ginawang masama, katunayan ay
tinulungan pa kita." aniya na nakangiti pa rin.
"You are too annoying and I hate how you drag me here!" inis na sambit ko. "And
just want to say that I am fully paid with your help 'coz I already had said THANK
YOU." dugtong ko.
Mauubusan ako ng hininga kakadada rito habang sya ay parang hindi naman natitinag
sa ngiti nya. Ok, ikaw na ang chinitong smiley. Geez.
Hindi ko alam kung bakit ako natigilan. Did I exceed the limit? Nag exaggerate na
naman ba ako? Should I apologize?
"No. It's not like that." ang tanging lumabas sa bibig ko. Paano ba ito?
Hindi naman siguro masamang makipagkaibigan ako sa iba. Wala namang mawawala sa
akin. Para lang naman ito sa konsensya ko na nasungitan ko sya. Kasi naman eh! UGH!
"Thanks." aniya.
Dumating ang pagkain ay tahimik kami hanggang sa natapos kaming kumain ay tahimik
pa rin kami. Walang nagtatangkang magsalita sa amin.
"Am I late?"
Halos maitapos ko ang tubig sa aking kamay nang biglang sumulpot si Jerome wearing
his smiley face. Katulad na katulad sila ni Liam, laging nakangiti.
Mahina itong tumawa at kinindatan ako. Tumingin ito kay Liam na nakangiti rin. Eh?
Napapoker face na lang ako nang magsulputan na ang mga adik kong kaibigan.
Nginisian ako ni Mia na nginunguso si Liam na kinakausap na nila Dave.
"Eh! Di ba si Liam 'yon? Iyong gwapong laging tinititigan ng mga babae rito."
aniya.
Kumunot na lang ang aking noo. Wala naman akong pakialam kung tinitilian sya rito.
Duh! Impyerno kaya ito!
"Type mo?" Panunukso ni Zein na tinutusok pa ang tagiliran ko. "Yiee. Ikaw ah!"
aniya pa.
Tinabig ko ang kamay nya at sinamaan sya ng tingin. Tinawanan lang ako ng dalawang
bruha.
Alam kasi nila na ganon talaga ako sa ibang tao. Hindi naman sa anti-social, ah
basta! Kuntento na kasi ako talaga sa mga kaibigan ko ngayon.
Natigilan kaming lahat nang may narinig kaming nabasag na baso. Agad na tumingin
kami sa gilid kung saan nakatayo ang isang babae na naka high heels. Ngayon ko lang
sya nakita.
"Gosh! Ang ingay kasi, ayan tuloy nabasag ang baso." aniya.
"Roxane?"
Nagtaka ako sa inakto ng marami rito. Iyong ibang staff ay agad na inalis ang mga
bubog habang ang iba ay chineck kung nagalusan ba si Roxane?
"OMG! May galos ang binti ko!" Halos himatayin ito nang makita ang napakaliit na
galos sa binti nya. Parang tuldok lang!
Naglapitan naman sa kanya ang mga staff. Halos mataranta ang iba. Ok, may hindi ba
kami alam dito? Bakit ganon ang reaksyon nila? Sino ang Roxane na ito?
"Kayo!" Turo nya sa amin. "It was all your fault. Pagsisisihan nyo ito." aniya bago
sya idinala sa clinic.
Natawa na lang ako. Ano bang kasalanan namin sa nangyari sa kanya? Kung may dapat
mang sisihin dito, 'yon ay ang katangahan nya. NOT US!
"Who is she?" Tanong ni Zein. Ang isa ring tanong na bumabagabag sa akin.
Nalaglag ang panga ko matapos kong marinig iyon. Ang bruhang maarte na oa na 'yon?
Sya ang girlfriend ng Number 1 sa Highest 10 at ang leader ng Devil God Warrior,
Raze Silvenia.
"Raze is the current King of Hell University and definitely, that girl, Roxane
Allister is the Queen."
Ok. Hindi pumasok sa isip ko na may ganon sa HU. May Queen at King kuno pa pala
sila.
Pero ang tanong ngayon. Sino si Raze Silvenia? Hindi ko pa sya nakikita maliban
noong acquaintance party na nakamaskara pa sya.
"Ahhhhh!!!"
Napatayo kami sa pagkakaupo nang marinig ang isang sigaw na malakas. Agad na
umakyat sa dibdib ko ang kaba. Ano na namang nangyari?
Chapter 14
Chapter 14: Death
Agad na nagtakbuhan kami sa direksyon kung saan namin narinig ang sigaw. Malakas
ang tibok sa dibdib ko. Alam kong may masamang nangyari na naman.
Agad na bumungad sa amin ang isang lalaking nakabulagta na. May saksak ito sa likod
ng tatlong beses. Malamang na sinaksak sya ng patalikod nang hindi nya namamalayan.
"Alisin nyo na nga ang bangkay na 'yan!" Nagulat kami nang nasa harap na pala namin
si Teacher Kath na halatang inis na inis sa nakikita nya. "Nakaharang sa daan!"
dugtong niya.
Dumating ang mga guard at iginuyod ang walang buhay na lalaking iyon. Iginuyod nila
ito na parang walang pakialam sa bangkay. Hindi na nga nila ginalang ito,
nilapastangan pa nila. Walang puso.
"At kayo!" Turo sa aming lahat ni Teacher Kath. "Ano pang tinutunganga nyo?!" aniya
na mabilis na ikinalaho ng mga estudyante.
Kaming pito lang ang natira dito, kasama si Liam na inaaya na kaming umalis.
Maging ako ay nagulat sa ginawa nila. Parang wala lang sa kanila na may namatay na
estudyante na hindi alam kung sino ang gumawa.
"Anong gusto mong gawin namin? Pag-aksayahan ng oras ang isang walang kwentang tao?
Kung gusto nyo, kayo na lang. Excuse me."
Dumaan ito sa harap namin na nakataas ang kilay. Naiwan kaming pitong muli ay hindi
makapaniwala.
"May namatay pero wala silang pakialam?" Hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Mia.
"Ipinapakita lang nila na walang kwenta lahat ng andito, na hindi dapat tayo pinag-
aaksayahan ng panahon." Ani Matt na malalim ang iniisip.
"Ganyan naman talaga sila e, wala silang pakialam sa mga namatay at lalo na sa
pumatay." sabi ni Liam na ngayon ay nakangiti ng muli.
Anong meron sa lalaking ito at nagagawa nya pa ring ngumiti? Demonyo rin kaya sya?
Katulad nila? Anong itinatago nya sa loob nya?
Anong meron? Totoo kaya? Baka naman may pinaplano lang sya?
Muli kong sinulyapan ang sahig kung saan hanggang ngayon ay may dugo pa rin. Isa na
naman ang namatay at hindi alam kung sino ang pumatay.
Agad na nakuha ang atensyon ko ng mga patak ng dugo na papunta sa isang building.
Naramdaman ko na lang na sinundan ko na ang patak na ito.
Mapanganib kung bubuksan ko ito. Hindi ko alam kung ano ang naghihintay sa akin,
kapahamakan? Maari, pero alam kong wala rin akong magagawa kapag binalot na ako ng
kuryosidad.
Madilim na kwarto ang bumungad sa akin. Kinapa ko ang sindihan ng ilaw, mejo
kinilabutan ko ng maramdaman na mejo mabasa-basa ang switch. Patay-sindi lang ang
ilaw at isang magulong kwarto ang tumambad sa akin.
Namutla ako nang makita ang kamay kong pinambukas ng ilaw na may dugo. Sinulyapan
ko ang switch at may dugo nga ito na sa tingin ko ay hinawakan din ng killer
kanina.
Pigil ang hininga ko sa tuwing mamatay ang ilaw at lumalakas ang takot sa akin
kapag sumisindi naman ito. Ang patay sinding ilaw na mejo mahina na ay parang kahit
na anong segundo ay kusa na lang mamamatay.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto. Tama nga, isang lumang silid-
aralan, ito. Nakatumba ang mga upuan maging ang table ng teacher. Masakit sa ilong
ang maalikabok na amoy nito.
Asan sya?
Namutla ako at sandaling tumigil ang tibok ng puso ko nang may biglang nagsara ng
pinto. Naramdaman ko na lang na may humablot sa akin at marahas akong isinandal sa
pader.
Nawala rin ang kaba sa aking dibdib nang mamukhaan ko itong lalaking ito kahit na
patay-sindi ang ilaw.
Siya ay isa sa tatlong lalaking nambugbog kay Nazzer. Malamang na ang lalaking may
saksak kanina ay isa sa tatlong ito pero bakit? Bakit nya pinatay ang sarili nyang
kaibigan?
Parang natauhan naman ito at binitawan ako. Sinipa nito ang isang nakatumbang upuan
na lumikha ng malakas na ingay.
Ngayon ko lang napansin na hawak nya pa pala ang kutsilyo na sa tingin ko ay ang
ginamit nyang panaksak kay Raven.
Ang damit nito ay puno rin ng dugo. Ang kamay nya na may hawak na kutsilyo ay puno
rin ng dugo.
Humarap ito sa akin kasabay ng pagbukas ng ilaw na panandalian lang. Umiiyak ito at
parang nagsisisi sa ginawa nya.
"Kung hindi ko sya papatayin, ako. Ako ang papatayin nila." sagot nito.
That hits me! Ito, ito ang tinutukoy ng red hair na iyon. Sinabi nya na mamamatay
ang tatlong lalaking ito at malamang na sya ang nanakot sa lalaking ito.
"Pero labag sa batas ng tao, lalong lalo na sa batas ng Diyos ang pagpatay."
"Alam ko, wala akong pagpipilian. Kailangan ko syang patayin para mabuhay ako."
Bigla itong lumabas ng kwarto kaya mabilis ko syang sinundan. Mabuti na lang at
oras ng klase ngayon kaya walang estudyante ang nakakalat kundi ay makikita nila
ang dugo sa damit ng lalaking ito.
Halos tumakbo na ako sa bilis nyang maglakad. Hawak pa rin nito ang kutsilyo.
Napahinto ang nang makita kung sino ang parating, ang ikatlong lalaking kasama sa
nambugbog kay Nazzer.
"Paulo? Bakit may hawak kang kutsilyo?" Tanong nito habang nakatingin sa kamay ni
Paulo. "Narinig mo na ba ang balita? Pinatay si Raven." malungkot nitong sambit.
"Alam ko Julse, ako ang pumatay sa kanya." Sagot ni Paulo na ikinatigil ni Julse.
Inilahad ni Paulo ang kanyang kamay na may hawak na kutsilyo sa harap ni Julse.
Kumunot ang noo nito.
"Alam kong 'pag hindi mo ako pinatay, ikaw ang papatayin nila." sambit ni Paulo.
Maging ako ay natigilan matapos kong marinig iyon. Ibang klase, manipulator talaga
sila. Binlockmail nila ang tatlong lalaking ito para sila-sila mismo ang
magpatayan. How cruel.
Nanlaki ang mata ko nang makitang may hinugot si Julse sa kanyang likod, huli na
para mapagtantong kutsilyo ito dahil sinaksan na nya si Paulo na ngayon ay
bumulagta sa na sa lupa.
Dito na ba talaga nagtatapos ang lahat? Ligtas na ba talaga ang natitirang lalaking
ito na si Julse?
Mali. Hindi pala sya ligtas, maaring sa kapahamakan ligtas na sya ngunit ligtas ba
sya sa konsensya?
Katulad ng kaninang nangyari sa bangkay ni Raven, kinuha rin ng guard ang bangkay
ni Paulo na parang basura lang.
Bumalik na ako sa SSG Office at wala akong dinatnan na tao roon. Umupo ako sa aking
table at pagod na isinandal ang likod ko sa upuan.
Muling bumalik sa akin lahat ng nangyari kanina. Nagsimula ang lahat dahil sa
maling akala, maling akala na isang ordinaryong lalaki lamang ang binugbog nila.
Nagkamali sila at ito ang nagpadali ng buhay nila.
"How's investigating Ms. Shion? Nalaman mo nga kung sino ang pumatay? May napala ka
ba?" Tanong ni Teacher Kath na papunta sa kanyang table. "Wala 'di ba? Wala kang
napala. So, bakit pa namin pag-aaksayahan ng panahon ang isang tao kung alam naming
wala kami mapapala." Karwiran nito.
Ganon ba talaga ang trato nila sa lahat? Kapag wala lang silbi, wala silang
pakialam sa'yo. Ganon ba talaga ang prinsipyo nila?
"Kahit na, at least dapat binigyan nyo pa rin ng pansin ang pangyayaring 'yon,
buhay ang pinag-uusapan Teacher Kath," sambit ko.
"Buhay na walang kwenta. Maswerte nga sila eh," anito. "Hindi nila mararanasan ang
delubyong darating." dugtong niya.
Natigilan kami sa pagsasalita nang bumukas ang pinto at pumasok sina Fritzy at
Onel.
"Hay naku! Nakakastress na ah! Pakalat-kalat na ang mga bangkay. Kadiri." maarteng
sambit ni Fritzy.
"A-Anong pangalan?"
Chapter 15
Chapter 15: Devil Inside
Zein's Point of View
I knew it! Konsensya nya ang mismong papatay sa kanya. I salute that red guy! Alam
nya talagang walang matitira sa tatlo.
Biglang pumasok naman si Supremo na mukhang badtrip. Ngayon ko lang syang nakita na
nakasimangot, lagi na lang kasi syang fierce.
"Damn!" Hinampas nya ang lamesa nya at sinubsob ang mukha roon.
Tumingin ako kay Onel na nagkibit-balikat lang. Hindi ko na lang din pinansin si
Ace at ibinalik sa ginagawa ko ang aking tingin.
Natigilan kaming lahat nong magsalita si Supremo. Hindi ko alam kung ano ang ibig
nyang sabihin pero hindi ko maiwasang kabahan. Ano ba ang iniisip nya?
"What do you mean?" Tanong ni Teacher Kath na nakatayo na ngayon sa harap namin.
"Kinakalaban talaga tayo ng BBG, pumapatay sila even though hindi bloody night..."
pag-uumpisa nya. "Makikita nila kung ano ang hinahanap nila," sambit muli nito.
Sumilay muli sa labi ni Ace ang isang ngisi. Isang nakapangingilabot na ngisi.
Anong gagawin nya?
Ito na ba? Ito ba ang delubyong sinasabi ni Teacher Kath? Ito ba talaga o umpisa pa
lang ito? Danger, nararamdaman ko na ang panganib. Mas lalong sumisikip ang HU,
kinakalaban ng gang ang Supreme Student President. Sino ang matibay? Sino ang
mananaig?
"Well...well...well."
Napahinto ako sa paglalakad dala ang mga papeles na kailangan ni Madame Violet nang
harangan ako ni Roxane kasama ang mga alipores nya. Sinulyapan ko ang binti nyang
may band aid. Masakit ba talaga? Ang arte nito.
"Woa! You are just a newbie, pero nagmamatapang ka. Porque nasa ganyan ka ng
position?"
I almost rolled my eyes. Bakit lagi na lang kasama ang position ko sa mga ganito?
I don't care if she is the Queen here! I also have the position and plus that I am
in the nineth place in the highest 10, I think may karapatan din akong maging
bitch.
"Zein right? Marami akong naririnig tungkol sa'yo. Nagpapasikat ka." Ngayon ay
ramdam ko na ang inis sa tono nya.
Napangisi ako sa narinig ko. Lumabas din ang tunay na pakay nya. Ayaw nyang
nalalamangan at nakakasira sa image niya. Pathetic bitch.
Napamura ako nang sampalin nya ako ng malakas. Malakas na dodoblehin ko kapag
nakawala ako sa pagkakahawak ng bwisit na alipores nya.
"You are still a pathetic bitch. You are the Queen? Powerless."
Nanlaki ang mata nya sa sinabi ko and I really don't care. Masakit ang sampal nya.
50 degree, I guess. Kapag talagang nakawala ako rito, papatikimin ko sya ng 180
degree.
Nanlaki ang mata ko ng punitin nya ang blouse ko. Napamura ako at hindi ko na alam
ang gagawin ko.
Nakarinig ako ng tawanan sa crowds. Nagsisipulan ang mga lalaki. They are out of
their mind, specially this bitch.
"One more Queen Roxane, and I'll show you how this game should be done." Sambit ko
sa isang matigas na tono.
Tinawanan nya lang ako. Napapikit ako ng tuluyan na nyang makalas ang ilang butones
ng blouse ko.
Hindi ko alam kung ano ang nasa loob ko. Masyadong mainit. Parang nawawala ako sa
aking sarili. Parang kahit na anong oras ay may lalabas sa akin.
Ang mga sumunod na eksena ay hindi ko na namalayan. Basta ang alam ko na lang ay
wala na ang alipores nya na nakahawak sa dalawa kong braso, bagsak na ang dalawa
ito na ngayon ay lupasay na sa lupa.
Ngumisi ako nang makita ang takot sa mata ni Roxane. Lumapit ako sa kanya na
ikinaatras nya. Scared bitch.
"Damn you, pagsisisihan mo ang ginawa mong ito, makakarating ito kay Raze." Sumilay
sa may dugong labi nito ang ngisi.
Raze. Do I really need to be afraid of him? What kind of monster he is? The king
demon? Well, I don't care. Alam kong sa huli ay mamamatay din ako, pero dahil sa
ginagawa ko ay mas napapadali ang lahat. Baka nga hindi na ako abutan ng ilang
buwan pa e.
Pinulot ko ang mga papeles na natapon sa lupa at pinagpagan ang mga ito. Sinamaan
ko ng tingin si Roxane na hanggang ngayon ay nakangisi pa rin.
Inirapan ko sya bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi pa rin ako makapaniwala kung
paano ko nagawa ang mga ginawa ko kanina, kung paano ko napabagsak ang tatlo. Basta
nilamon na lang ako ng galit, that's it.
Pumunta muna ako sa locker para magpalit ng blouse. Kinuha ko ang extra kong blouse
at pumunta sa cr.
Saglit akong napangiwi nang makita ang blouse kong lukot-lukot at tanggal ang mga
butones.
Hindi ko sya sinagot bagkus ay inilapag ko lang sa lamesa nya ang mga papeles na
ipinapabigay ni Supremo. Hindi nya ito sinulyapan at nanatili ang kanyang mata sa
akin.
Lumabas na ako ng kwarto na iyon dahil hindi ko naman alam kung ano ang sinasabi
nya. Kung sino ang tinutukoy nyang naaalala nya sa akin. Psh.
"Zein!"
"Uhm?"
"I-ikaw ang gumawa no'n kay Roxane?" Tanong nya na halatang kinakabahan.
Napakabilis talagang kumalat ng balita, parang virus lang. Oo nga pala, sinaktan ko
ang reyna nila. Haha. PSH.
"Hindi mo dapat ginawa 'yon, sya ang reyna rito at ang boyfriend nya ang leader ng
Devil God Warrior! Nanganganib ka."
Sandali akong natigilan. Devil God Warrior, bakit hindi ako nakakatanggap ng balita
sa kanila? Bakit ang tahimik nila? Anong pinplano nila?
"Death is near, Vanessa. Duon din ang bagsak ko." Walang buhay na sambit ko bago
naglakad palayo.
Naramdaman ko na sinundan nya ako at hinigit ang braso ko. Sinamaan ko sya ng
tingin pero agad ding naglaho ang masamang tingin ko nang makita ang luha sa
kanyang mata.
"Why so selfish, Zein? Hindi mo man lang iniisip ang mararamdaman namin kapag
nawala ka, napakamakasarili mo!"
Tumakbo ito palayo at parang napako ako sa aking kinatatayuan dahil ayaw gumalaw ng
aking mga paa para sana sundan sya.
Natamaan ako sa sinabi nya. Hindi ako takot mamatay, pero sila takot akong mawala.
Hindi ko iniiisip ang sarili ko habang sila ay nag-aalala sa akin. Naging
makasarili nga ako.
Nataranta ako nang may magposas sa akin. Dalawang lalaki na nakamaskarang pula.
Binalot ako ng takot, ni hindi ko nagawang magpumiglas.
Wala akong nagawa nang idaan nila ako sa likod kung saan walang makakita sa amin.
Sinulyapan ko si Madame Violet na nakatingin lang sa akin.
Chapter 16
Chapter 16: Behind The Mask
Nakatakip ang aking bibig ng tela. Hindi naman na ako nag-abalang sumigaw, nakatali
ang bibig ko at wala ring makakarinig sa akin at kung meron man ay alam kong
magdadalawang isip silang tulungan ako lalo na at hawak ako ng DGW.
Dinig ko ang bulungan nila. Bakit ganon? Hindi ako makaramdam ng takot sa mga
sandaling ito, totoo nga ba ang sinabi nila? Na hindi ako takot mamatay?
"Wala pa kasing nagtangkang saktan si Queen, and this newbie just slapped her hard.
Merciless."
Seryoso? Sinusubukan ba nila talagang iparinig sa akin para matakot ako? Well,
sorry but I already accepted my death, matagal na, simula nang nalaman ko ang
sikreto ng HU.
Napayuko na lang ako dahil nangangawit na ako. Darating pa ba ang boss 'kuno' nila?
Nangangawit na ako, kung papatayin na lang din niya ako, dapat ay kanina pa.
"Why so selfish, Zein? Hindi mo man lang iniisip ang mararamdaman namin kapag
nawala ka, napakamakasarili mo!"
Bigla kong naalala ang litanya ni Vanessa. Siguradong malulungkot na naman sila
kapag may nangyaring masama sa akin, andami ko ng nagawang hindi maganda. Hindi pa
ako nakakabawi sa kanila.
Hindi pa ako maaaring mamatay. Not now, not unless, sila mismo ang tumalikod sa
akin.
Isang pares ng sapatos ang nakita ko sa lupa dahil nakayuko ako. Iniangat ko ang
aking tingin at tumambad sa akin ang isang lalaking mukhang addict. Maraming
earings, tattoo sa katawan at namumula ang mata nya. Is this Raze Silvenia? For
real?
Kumunot ang noo ko. Bakit ganon? Wala akong kahit na anong mabakas sa boses nya? I
must be trembling in fear! He is a demon but how come? There is something wrong
here!
Ngumisi ito sa akin at tinanggal ang telang nakatali sa aking bibig. Hinawakan nya
ang panga ko na animo'y babasagin nya na ito. Nanginginig pa ang kanyang kamay.
"Bitch."
Napayuko ako nang sampalin nya ako. Nalasan ko ang kalawang sa aking labi na sa
tingin ko ay dumudugo na dahil sa pagkakasampal nya. I must say it is fucking
hurts.
Muli akong napapikit nang sampalin nya ako. Ang hapdi na ng aking pisngi,
namamanhid na rin ata ito dahil sa lakas ng pagsampal nya.
"You are just a newbie! I am the King here! Dala ko si Kamatayan, parating na rin
sya," aniya.
Hindi ko alam pero natawa ako. Matagal ko ng kakampi si kamatayan, hindi nya ako
pwedeng sunduin dahil magkakampi kami. Magpapatayan kami bago nya ako makuha.
"Anong nakakatawa?!"
Lumabas na ang ugat nya sa noo. Ang mata nya ay lalong pumula. Nagngingitngit din
ang kanyang ngipin. Kahit na anong gawin nya, hindi ko makita ang demonyo. Pero
bakit? Asan na ito?
Natigilan ito at biglang nanigas. Natawa ako ng malakas. Confirmed! I knew it!
"Shut up!"
Aktong sasampalin nya na naman nya ako nang magsalita na ako. "Slap me once more o
malalaman ng dalawang ito ang sikreto mo." Turo ko sa dalawa nyang kasamahan.
"Anong sikretong pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong niya. You really don't know?
Great pretender.
Nanigas itong muli bago sinenyasan ang dalawa nyang kasamahan na iwan kami.
Cowardice.
Dinilaan ko ang dugo sa aking labi bago ngumisi. Kaya pala, kaya pala parang may
mali. Mapapaniwala nila ang iba pero hindi ako. Umpisa pa lang ay nagduda na ako,
at dahil sa reaksyon nya ay nakumpirma ang hinala ko. Pathetic. Such a great
pretender.
"Tell me!"
Tumalsik ang laway nya sa akin dahil sa galit pero hindi sapat para matakot ako. I
can't see the demon. I want to see that demon! Pero alam kong wala, walang demonyo
sa kanya.
Hinawakan nya ang aking panga at hinarap sa kanya. Ngayon ay mas nakumpirma ko na
ang hinala ko, gawin nya man ang kahit na ano sa sarili nya ay hindi kailanman
mababago ang nasa puso nya. "Raze Silvenia!" Sigaw nyang muli.
"You can't fool me Mr.Whoeveryouare," sambit ko. "You are not him, you are not Raze
Silvenia." Unti-unting lumukot ang mukha nya.
Simula pa lang ay dapat nakita ko na ang demonyong nakakubli sa kanya ngunit wala,
walang lumabas. Hindi porque ginawa nya ang ganyan sa katawan nya ay masama na sya,
hindi porque ipinapakita nya na dapat syang katakutan ay nakakatakot na sya. Hindi,
hindi nya kayang lokohin ang sarili nya.
"W-what are you talking about?! I am Raze Silvenia! The leader of Devil God
Warrior!"
"Stop it! You are not him! Don't try to be one! Raze Silvenia is not you!"
Nakita ko na minsan si Raze noong niligtas nya kami sa BBG, oo, pareho silang
mapula ang mata pero hindi nya kailanman makokopya si Raze. That unique demon.
Unang kita ko pa lang sa totoong Raze ay nanayo na ang balahibo ko. Hindi nya
kailangan sumigaw o maging marahas para katakutan sya, presensya nya pa lang,
ramdam mo na ang demonyo sa kanya. Pero itong sa lalaking ito? Walang dapat
ipangamba, hindi nya ako madadala sa itsura nyang nakakatakot.
"Shit! Paano mo nalaman?!" Umupo sya sa ugat ng puno at isinandal ang likod rito.
Sinabunutan nya ang sarili sa inis.
"You can't copy the original Raze Silvenia, no one can compare how scary and
dangerous he is. Maging ikaw, nong binanggit ko ang pangalan nya, natigilan ka,
natakot ka sa pangalan pa lang nya!"
Iyon ang nakumpirma ko kaninan. Noong sinabi ko ang 'Raze Silvenia' ay natigilan
sya. Smirk.
"Pero bakit? Lahat sila napaniwala ko, even Roxane. Alam nya na ako ang leader ng
DGW, pero bakit ikaw? Nalaman mo?" Tanong nya.
"Simple lang, nakita ko na si Raze, once. Sila? Hindi pa nila ito nakita, kaya
hindi sila maghihinala." Sagot ko.
Mahina itong natawa sa sinambit ko. Parang naglaho ang pagpapanggap na kasamaan sa
kanya. This is the man behind the mask. Yes, he is scary physically but not enough
to compare to a Raze Silvenia.
"Tama ka, nakita ko na rin si Raze but not his real face, nakamaskara sya. He asked
for my help, kailangan kong magpanggap na siya."
"Pero bakit?"
"Hindi ko alam, pero isa lang ang alam ko. Wala pang nakakakita sa mukha niya, baka
isa siya sa mga nakakasalamuha natin pero hindi natin alam."
So wala pa nga talagang nakakakita sa mukha ng totoong Raze? Even his proxy. Ang
alam nilang lahat, this man is Raze Silvenia, isang malaking pagkakamali pero, sino
nga ba ang totoong Raze?
"Can I ask you a favor?" halos lumuhod na ito sa aking harap sa pagsusumamo. "Don't
tell anyone about this, magkakagulo ang lahat, lalo na pagnalaman nya, papatayin
nya ako." Takot na sambit nya.
Isang malakas na sampal ang inabot nya sa akin 'pagkakalag nya sa akin. Hindi ito
lumaban at nanatiling nakayuko.
Inilapit ko ang bibig ko sa tenga nya. "Ang sikreto ay sikreto," sambit ko bago
tumalikod.
Nakita ko ang dalawa nyang kasamahan na nanlaki ang mata sa pagsampal ko sa boss
nila, ni hindi nila nagawang makapagsalita.
"I am sorry,"
Napatingin sya sa akin at ngayon ko lang napagtanto na namumula pa ang mata nya at
halatang kakagaling lang sa kakaiyak.
"Marami, kaya humihingi ako ng paumanhin," Napayuko na lang ako nang maramdaman
kong nagbadya na ang luha sa aking mata.
Naramdaman ko na lang na niyakap nila ako kaya hindi ko na napigilan ang pagluha.
"Shh. It's ok. We are friends, nag-aalala lang kami sa'yo. Pero wala kang
kasalanan," pagpapatahan ni Davies na hinahagod ang likod ko.
Tumingin ako kay Vanessa na nanatiling nakaupo sa sofa at nakayuko. Kumalas ako sa
pagkakayakap nila at lumapit sa kanya.
Natawa na lang ako ng bigla syang yumakap sa akin, napahiga tuloy ako sa sofa.
Humagulgol sya na animo'y bata.
"Ikaw kasi eh! Huhu! Nagtatampo ako sa'yo! Hindi kita bati!"
Kapag talaga sumumpong ito, nag-iisip bata. Naaalala ko bigla nong hindi ko sinabi
sa kanya na crush ko si Matt, in-unfriend nya ako sa fb tapos blocked pa! Haha
grabe sa ka-oa-an.
"Thank you."
Halos hindi ako makahinga nang dumagan pa sa amin si Mia, Davies at Jerome habang
si Matt ay tumatawa lang.
Davies, Mia, Jerome, Vanessa, Matt and I. We are friends forever. I guess, no one
can tear us apart, I mean absolutely no one.
I hope so.
Chapter 17
Chapter 17: The Punishment
Sinamaan ko ng tingin si Mia nang makita ko ang pasimpleng pagkuha nya sa aking ice
cream.
Inirapan nya ako bago kumembot muling paalis at nakisalo sa mga kaibigan nya atang
puro lalaki.
"Ah guys, pasensya na ah? Pinapatawag na ako eh," Napakamot ako sa aking ulo dahil
sa hiya.
Tumango na lang ako at sabay kaming naglakad. Malayo-layo rin ang wide space ng HU
dahil mejo sa dulo ito.
Natigilan ako at hindi agad nakapagsalita. Gusto kong tumawa dahil alam kong kahit
kailanman ay hindi kami magiging malapit ni Ace, ni wala nga syang kaibigan e.
"Pinalitan mo na ako."
Hindi ko na talaga napigilan ang pagtawa dahil sa kacornihan nya na inaamin kong
nakakakilig. Kung assuming lang ako ay malamang na iisipin kong nagseselos sya but
knowing this guy, alam kong nagbibiro lang sya.
Sigh!
"Magiging malapit kaming lahat sa SSG but not him, he isolated himself, kinakausap
lang nya kami kapag may kailangan sya."
Sinamaan ko sya ng tingin dahil sa sinabi nya na ikinatawa nya. Inakbayan nya pa
ako. Eh!
"Biro lang, alam ko naman na ako lang ang nasa puso mo eh,"
Kyah!
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Sa lahat ng biro, ang joke ni Matt ang pinaka
nakakakilig. Psh.
"Haha anong corny don? Nagsasabi lang ako ng totoo, alam kong may crush ka sa akin
eh!"
Natigilan na talaga ako at ang init ng mukha ko. Alam nya? Sinong nagsabi? Masyado
ba akong obvious?! Kyah! Nakakahiya!
Eh? Buti na lang! Akala ko talaga alam nya talaga. Naku lang! Lagot talaga sa akin
kung sino ang nagsabi sa kanya! Baka mailang sya sa akin, baka iwasan nya ako.
Mababasag ang puso ko 'pag ganon.
Corny!
"Bakit ka ba kasi pinapatawag ng mokong na 'yon? Ngayon na nga lang tayo nagkaroon
ng time tapos sisingit pa sya!"
Ramdam ko na talaga ang pagkadismaya sa tono ng pananalita nya. Walang halong biro.
"Wala. Pero kung ikaw ang dahilan, magkakaroon talaga ako ng lakas ng loob."
Seryoso sya? Kakalabanin nya si Supremo para sa akin? Eh? Nagbibiro lang sya hindi
ba? Naman Matt! Masyado kang paasa! Sana nga totoo. Sana.
Unti-unti na nyang tinanggal ang pagkakaakbay sa akin. Wala nga talagang forever.
Hay.
"Wala 'yon, kahit ano para sa bestfriend ko." Aniya na ikinangiti ko.
Bestfriend. K.
"Mauna na ako," Sambit ko. Hindi ko alam pero nawalan na ako ng gana. Bakit naman?
Kanina lang ang saya ko ah? Bipolar ba ako?
"Teka!" Hinigit nya ako kaya napasubsob ako sa dibdib nya. Sinamaan ko sya ng
tingin pero sinuklian nya lang ako ng isang ngiti.
Shit!
Ang gwapo!
Ano na naman ito Matt? Paasa ka naman eh! Huwag ka ng magtanong kung pwede ba ang
manligaw! Pwede naman talaga.
"Sinong mas gwapo sa amin ni Supremo?"
Nalaglag ang panga ko sa tanong nya. Ni hindi agad ako nakasagot dahil sobrang
hirap ng tanong nya, dinaig pa ang math.
"Sagutin mo na lang."
Napabuntong-hininga na lang ako. Alam kong hindi nya ako titigilan hanggat hindi ko
sya sinasagot. Naku lang.
Lumawak ang ngiti sa kanyang labi at tumingin sa aking likod. Nanlaki ang mata ko
ng makita si Supremo na poker face.
Malamang!
Hindi ako nakapagsalita. Monitor nya pala ang oras? Sabagay, kailangan nya ng time
management dahil marami syang ginagawa.
Hindi ko naman kasi namalayan na masyado palang natagalan ang pag-uusap namin ni
Matt.
"At mukhang alam ko na kung bakit. Remember our agreement Ms. Shion, once na
pinatawag kita. ASAP. Baka gusto mong pagbawalan na kita sa pakikipag-usap sa
kanila?" Pananakot nya.
"Sorry,"
"Anyway kaya kita pinatawag ay dahil sa nabalitaan ko," Napatingin ako sa kanya.
Seryoso pa rin sya. Inayos nya ang eye glass nya. "Nalaman ko ang ginawa mo kay
Queen Roxane." Pagpapatuloy niya.
"Roxane is the Queen of HU for pete's sake! Wala kang karapatang saktan sya, you
are just nothing but a powerless secretary!"
Ang sakit mong magsalita. Sila naman ang nauna eh, kung hindi nila ako ginambala at
sinaktan, hindi sana sya nasampal ng 160 degree. It's no longer my fault! Stupid.
Inayos nyang muli ang kanyang salamin bago nagsalitang muli.
"Anong napala mo? Nasaktan ka ni Raze," Ngumisi siya sa akin na animo'y tuwang-tuwa
na nasaktan ako.
Hindi ko napigilang magsungit. Panira ng araw! Pinatawag nya lang pala ako para
sermonan.
"K."
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya. Sa dinami-rami ng naiisip kong parusa, hindi
sumagi sa isip ko na paglilinis ang parusa ko.
Wala na akong nagawa. Once he said it, he mean it, no more question.
Pumunta muna ako sa library para magpalamig. As usual ay tahimik at ang librarian
ay busy sa binabasa nya.
Naramdaman ko na may umupo sa harap ko. Iniangat ko ang aking paningin at tumambad
sa akin si Celine na nakangisi.
Creepy Shit.
This girl is really creepy. Ang mga nalalaman nya ay hindi basta-basta.
"Wala naman. May nalaman lang ako na siguradong ikagugunaw ng mundo mo," aniya.
Ano na naman ang nalaman nya at bakit maaapektuhan ako? Ayoko, ayokong malaman ang
nalalaman nya. Masyado na akong maraming iniisip, ayoko ng dagdagan.
Hindi ko alam pero napatayo ako sa kinauupuan ko. Ayokong marinig kung ano man ang
sasabihin nyan. Ayokong malaman ang nalaman nya. Ayoko.
"Mag-iingat ka Zein, kapag nalaman nya kung ano ang sikretong formula, manganganib
ka. Parating pa lang ang delubyo, bilisan mo Zein, unahan mo na sila."
Lumabas na ako ng library ng hindi man lang nakakapagpahinga. That Celine is really
hell weird. Wala na ata sya sa katinuan.
Sino sila?
Hapon na at ito talaga ang araw na kasumpa-sumpa sa akin. Bitbit ang walis-tambo at
basahan ay tumambad sa akin ang disaster na cafeteria.
Hindi ko alam kung sinadya talaga nilang magkalat ngayon, hindi naman ganito ka
grabe ang kalat dati ah pero ngayon parang dumaan ang isang bagyo.
"I'm gonna watch you and monitor your performance," ani Supremo na babantayan daw
ako.
Nag-umpisa akong magwalis sa marmol na sahig at pinulot ang mga plastic, at ibang
pang baso na pinaglagyan ng juice.
"Faster, maaabutan ka ng bloody night if you won't work fasterer than this," inip
na suhestyon nya.
Hindi ako nag-abalang sumagot. Hindi ko pa nga sya kinakausap magsimula kanina eh,
nagtatampo ako. Hmp!
Napangiwi ako nang mahawakan ang malagkit na kape sa sahig. Inis na pinahid ko ito
sa aking blouse.
Inis na napairap ako sa kawalan bago kumuha ng basahan at pinunasan ito. Isang
linggo akong ganito?! Damn.
Pagkatapos ko sa sahig ay mga table naman ang pinunasan ko. Pawis na pawis na ako
at ang bwisit na Ace na ito ay walang ginawa kundi ang magkomento na puno ng
panlalait. Pakiramdam ko ay sobrang lagkit ng katawan ko na totoo naman.
"You took 2 hours and 5 minutes. Psh. Iligpit mo na ang mga ginamit mo," lumabas na
sya ng cafeteria at ako naman ay napadabog na sa inis.
Haggard!
Napatingin ako sa wall clock. 30 minutes na lang pala at bloody night na.
Nagmadali na akong lumabas at halos mapatili ako nang tumambad sa akin si Supremo
na naghihintay pala.
"You took 10 minutes again." Naiiling na sambit nya. "Ihahatid na kita sa dorm
nyo." Prisinta nya.
Huh! Buti na lang at naawa pa sya sa akin. I hate you Ace! I also hate you Roxane!
Magsama kayong dalawa!
Hindi ko alam pero natigilan ako. This is the first time na tinawag nya ako sa
pangalan ko. Laging tawag nya sa akin ay Ms. Shion.
What's the big deal, Zein?
"Oh please Dave. Huwag kang mang-asar, bad trip ako ngayon!"
Chapter 18
Chapter 18: Monster/Demon
Kumunot ang noo ko nang makita si Dave na galing sa labas at pawis na pawis.
Sumulyap ako sa orasan at 4:30am pa lang and definitely ay bloody night pa rin.
Teka, anong ginawa nya sa labas?
"W-wala. Nagpahangin lang." Aniya at sinilip ang kabilang kwarto kung saan
natutulog pa sina Matt at Jerome.
"Nagpaantok lang ako, sige matulog na ako." Aniya sabay pasok sa kwarto nila at
nilock ang pinto.
Nagpahangin pero pawis na pawis? Nagpaantok pero hinihingal? Ang labo naman nya.
Naramdaman kong muli ang antok kaya sandali akong nakabalik sa tulog.
Mabilis na napatayo ako sa kama nang marinig ko ang nakakabinging tinig ni Mia.
Magkakaklase kami sa first subejct which is math at kay Sir Alvarez 'yon.
"Teka, ang oa nyo naman! Pwede naman tayong hindi pumasok ah," inaantok na
suhestyon ko.
Wala naman na kasi kaming magagawa since 30 minutes na lang at tapos na ang first
subject namin. Kahit bilisan namin ay hindi na kami aabot.
Kaya naman pala puro libro ang hawak nila this week ay periodical na at definitely,
hindi kami nakapag exam kay Sir Alvarez.
Lumabas kami at binuksan ang pinto ng boys na tulog na tulog pa rin. Natawa na lang
ako nang paghahampasin sila nina Vanessa at Mia ng unan.
Nag-inat-inat pa sila at hindi alam na late na late na kami. "Wala na! Late na tayo
sa Math!" Nanghihinayang na sambit ni Vanessa.
"Late rin kaming nagising! UGH! 60 percent ang periodical test! We will failed!
God! Paano na ang inaasam nating Highest 10!" Naghi-hysterical na talaga si
Vanessa.
Hindi ko alam pero unti-unting naglaho ang ngiti sa aking labi matapos marinig ang
'highest 10'. Pumunta na lang ako sa cr para maghilamos at magtoothbrush.
Masama ba akong kaibigan kung magiging masaya akong hindi sila nakapagperiodical?
Inaamin ko, sumaya nga ako kasi for sure na babagsak sila sa Math at hindi na sila
mapapasama sa H10, 'di na rin sila makakalabas ng HU.
"What's good in the morning? Hindi nga kayo nakapag exam e." Natatawang asar ko.
Nagkibit balikat lang si Matt bago nagbukas ng refrigerator para magluto. Sa aming
magbabarkada, si Matt lang ang marunong magluto. Dinaig pa kaming mga babae haha.
"Aye Aye captain!" Sumaludo pa sya sa akin bago naghiwa ng mga ingredients.
Umupo na lang ako at pinagmasdan si Matt. Ideal man talaga sya, mabait na, gwapo,
gentleman, at magaling pang magluto.
Sigh!
"Woa! Nagsosolo kayo ah!" Hyper na puna ni Dave.
I just rolled my eyes to them para hindi mapaghalataang kinikilig ako pero alam ko
naman na alam na nilang dalawa ang pagtingin ko kay Matt. Haha.
Kumain kami nang sama-sama habang nakasimangot sina Mia at Vanessa na parang
pinagsakluban ng langit at lupa. Nasayang daw ang effort nila sa pag-aaral.
Lumabas na ako ng dorm namin suot ang aking uniform dahil may klase pa akong
pupuntahan. Arts and Music, periodical din ngayon pero hindi man ako nagreview.
Para saan pa?
"Miss Shion!"
Natigilan ako sa paghakbang nang harangin ako ni Sir Alvarez na nakakunot ang noo.
"Bakit hindi kayo pumasok?" Tanong nito agad.
"Ah nalate po kasi kami ng gising eh, " Nahihiyang sambit ko.
Alam ko na ang pag-uusapan namin kaya pumayag na ako, maaga parin naman para sa
next subject ko. Pumunta kami sa office nya, may kanya-kanya kasing office ang mga
teachers dito e.
Well, being secretary is not really that hard, pero kung napapaligiran karin naman
ng mga halimaw, masasabi kong hell talaga. Hindi nga ako makasabay sa pinag-uusapan
nila minsan dahil hindi ko naman alam ang tinutukoy nila.
"Don't worry about the exam, I'll give you the high grade , together with your
friends."
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Ipapasa nya kami? Hindi naman nga kami nakapag
take ng exam pero ipapasa nya kami.
"Never worry about your grades. Ako na ang bahala sa mga 'yon basta gawin mo lang
ang hinihingi kong tulong."
"Salamat pero wala pa rin akong ideya kung saan ba ang hidden laboratory nila. Ni
hindi nga nila nababanggit ito e."
"Right. Hindi nila talaga ito sasabihin, basta, do your job as the secretary.
Manmanan mo rin ang kanilang kilos, especially Lady Katherine."
"P-Paano kung mahuli ako?" Biglang sumagi sa isip ko.
Anong mangyayari sa akin? Hindi pa ako handang mamatay hanggat hindi ko nailalabas
ang mga kaibigan ko sa impyernong ito. Kailangan ko muna silang iligtas.
"Kaya nga mas mabuting mag-ingat ka, Zein. Sa kamay mo nakasalalay ang kaligtasan
ng lahat."
Lumabas ako ng office ni Sir Alvarez na lutang. Kapag pumalpak ako, maaring lahat
ng plano namin ay masira. Mangangnib ang lahat, kailangan kong maging maingat.
She is in her usual intimidating pressence. Teka, ano bang sinasabi nyang layuan
ko?
"Huwag na huwag mong kakalabanin ang HU Admins at HU SSG Officers. Hindi mo sila
kilala, hindi mo pa sila lubusang kilala,"
Natigilan ako sa sinabi nya. Tama sya, sa ginagawa kong ito ay kinakalaban ko na
rin ang mga tao sa likod ng HU.
"You are easy to read. This is a warning Zein Shion, huwag mong ituloy ang
binabalak mo. Parating na ang delubyo, mas mabuting manahimik ka na lang kung ayaw
mong masali."
Tumingin na sya ngayon sa akin. Hindi. Hindi ako mananahimik, kailangan ko lang mas
maging maingat. Tatapusin ko ang pinasok ko, tatapusin ko at sisiguraduhin kong sa
magtatapos ito sa aking paraan.
"Acting like a hero huh?" Natatawa nyang sambit. "Walang lugar dito ang pagpapaka
bayani. Hindi ka na rin naman aabutin ng ilang araw pa, nalalapit na ang kamatayan
mo." Tumalikod na sya sa akin.
Kinikilabutan talaga ako sa tuwing may ngumingisi sa akin. Lumapit pa sya sa akin
at parang napako naman ako sa kinatatayuan ko.
Nanayo ang balahibo ko nang marinig ko ang ibinulong nya sa akin. Parang tumigil
din ang pintig ng puso ko.
"Be a monster Zein. Kung halimaw sila, maging demonyo ka. Palabasin mo ang
nakakakilabot na katauhan na matagal ng nakakubli sa loob mo. 'Yon lang ang tanging
paraan para matalo mo sila, kaya mo ba?"
Totoo kaya?
Chapter 19
Chapter 19: Late Headmaster
Half day lang kami in-announced kanina dahil magkakaroon ng general meeting na
gaganapin sa gymnasium at dahil bilang secretary, kasama ko ang mga SSG Officers.
Si Supremo ay kausap si Teacher Kath habang kami ni Onel ay nakaupo na sa harap at
nakatingin sa kabuuan ng mga estudyante na hindi man lang nag-aabalang lumikha ng
anumang ingay. Lahat sila ay nakaupo lang at taimtim na naghihintay kung para saan
ba ang general meeting na ito.
Mas bumigat ang presensya nang dumating na sina Madame Violet at Sir Francisco na
kapwa nakangiti sa mga estudyante, lahat ng madadaanan nila ay hindi nagagawang
tumingin sa kanila na animo'y ikamamatay nila kapag nakipag eye contact sila sa isa
man lang sa dalawa.
A.yo.ko.
"Is that how you greet us, Miss Shion?" Nakangiting tanong ni Francisco.
Ano bang in-e-expect nila? Yumuko rin ako? Lumuhod? Ano sila? Diyos? Never, I will
never ever bow my head on them, they don't deserve it and will never be. They wont
earn a respect from me.
I guess, that was enough. At least, I had still showed respect, even just a little.
"Samantha..."
Napatingin ako sa sinabi ni Madame Violet. Nakatingin sya sa akin habang nakangisi.
Anong sinabi nya? Samantha? That's not me, ulyanin na rin ata ang isang 'to.
Tumango na lang si Madame Violet kay Ace bago ibinigay ang mic dito. Pumunta sina
Madame Violet at Francisco sa harap kaya umupo na kami sa aming respective places.
Kumaway ako kina Mia at Vanessa na nakatingin sa akin. Kumaway naman silang lima sa
akin na nakangiti.
Nakarinig ako ng mga violent reaction mula sa crowds. Sa loob ng ilang araw na
pamamalagi naming dito ay ngayon ko lang narinig ang pag-apela ng mga estudyante.
It is more like, nainsulto sila sa sinabi ni Francisco.
No one bothered to agree. Who would be? Una, hindi dapat magsaya dahil namatay ang
dating headmaster, pangalawa, nakakawalang respeto ang pagtawag nyang tanga sa
dating pinuno. That's insulting.
Hindi ko alam pero kumalabog ang puso ko sa sinabi nya. Biggest event, it will be a
bloody one. Ito na ba? Ito na ba ang sinasabi nilang delubyo na parating? Totoo ba?
Malapit na nga ba ang katapusan?
Anong mangyayari?
"Hindi!"
Napagitla kaming lahat ng marinig ang sigaw mula sa mga estudyante. Tumingin kami
sa likod at isang lalaking nakayuko at nakatayo ang agad na nakaagaw n gaming
pansin.
Kumunot ang noo ko. Tumingin ako kina Madame Violet at Francisco na nagtatawanan,
nakuha pa nilang mag-apir sa harap namin. "Sino ba kasing nagsabing namatay sya?
You were right, we killed him, at susunod ka na." dinakip ng dalawang lalaki ang
lalaking sumigaw.
Tumingin ako kay Supremo ngunit nanatili ang kanyang mata kina Madame Violet at
Francisco, poker face na nakaupo. Parang walang nangyayaring kaguluhan sa paligid.
"Pakawalan nyo ako!" Nagpumiglas ito ngunit hindi nya kinaya ang dalawa.
Dahil lang sa pagsigaw nya ay mapaparusahan sya ng kamatayan. Parang masyado naman
ata 'yon.
"Sobra naman ata 'yon!" Nanlaki ang mata ko at dumoble ang kabog ng dibdib ko nang
Makita kung sino na ngayon ang nakatayo. "You killed the late headmaster, hindi ba
parang baliktad? Dapat kayo ang maparusahan ng kamatayan." Sambit ni Vanessa.
Shit!
"We are not stupid to kill ourselves. Ang tanga rito ay ang lalaking 'yon," Turo
nya sa lalaking bitbit na palabas ng gymnasium. "At ikaw." Turo nya kay Vanessa.
Nanlaki ang mata ni Vanessa nang may humawak sa kanyang dalawang kamay. Nanlisik
ang mata ko nang makitang binigla nilang hinablot ang braso ni Vanessa na dahilan
ng pagkaumpog nito sa pader na katabi nila.
My heartbit skipped a bit when I saw how she fainted. That's too much.
I glanced at Ace. Umiling ito sa akin na parang binabawalan ako sa gagawin ko.
Damn! Ang init na naman ng pakiramdam ko, parang nangyayari ulit ang nangyari sa
akin no'ng kay Roxane. I am loosing my temper, I am out of control of myself,
again.
"Touch her once more, or you will regret it." Sambit ko nang aktong hahawakan na
naman nila ang walang malay na si Vanessa.
"First of all, Wala kayong karapatang magpataw ng parusa, because the Supreme
Student President lang ang pwede," Umpisa ko. I've read once the manual of Hell
University and according to this, ang president lang ang maaring magpataw ng
parusang kamatayan "Second, the way you stand in front of us shows disrespecful now
tell me, how can you earn respect from us?, and lastly, I am the Supreme Student
Secretary and definitely, I also have the power to against on your decisions"
I am just stating the truth that compare to the Hell University Headmaster, SSG
President is much more powerful.
"How rude Miss Shion, Alam ko naman na i-a-approve ni Supremo ang aking sinabi,
right, President?" Tanong ni Madame Violet kay Ace na hindi man lang nagsalita.
"President Ace? Anong sa tingin mong parusa ang maaring ipataw natin sa Secretary?"
Tanong niya.
I remain silent.
"Punishment? Are you kidding me?" Natatawang sambit ni Ace na nakatingin kay Madame
Violet. Unti-unting naglaho ang ngiti sa labi nya. "How can I punish MY secretary
if she deserves an award?" Tanong ni Ace.
"I mean, honestly, Miss Shion amazed me. Sa lahat ng naging secretary ko, sya lang
ang nakakaalam na ako lang ang maaaaring magpataw ng kamatayan. Amazing, right
madame?"
"Lets call it a bloody week, where killing will be legal even in day time. Good
luck everyone, I guess half population of HU will be lessen."
Chapter 20
Chapter 20: Together
My jaw literally dropped when I heard that. Tumingin ako sa mata ni Madame Violet
na nakangiti pa sa mga estudyante. She must be crazy! Bloody hell week? That's
insane! It is too much!
Tumingin ako kay Supremo na hindi man lang nabigla at parang inaasahan na nya
talaga ito. Hindi rin ako nakarinig ng pagtutol mula sa mga estudyante na animo'y
kagat-kagat nila ang kanilang dila at nagbubulag-bulagan sa mga nangyayari.
"Do you have a problem with that, Miss Shion?" Tanong ni Francisco.
"Stop it, Miss Shion. You must not talk that way to them, they are still higher
than us."
I rolled my eyes. "Yeah, right Supremo. Excuse me." Nagwalk out na ako dahil
narinig ko na rin naman ang walang kwentang announcement nila.
Sino ba kasing matinong pinuno ang magpapatupad ng ganon? Isang linggong legal ang
pagpatay, kahit umaga! UGH! They are really making fun of us. Parang pinaglalaruan
na lang nila kami.
Walang tao sa hallway, tanging pag-ihip lang ng hangin ang naririnig ko. Ang
tahimik ng paligid. Mas magiging tahimik ang paaralan na ito sa lunes, ano kayang
mangyayari? Parating na ang delubyo na sinasabi nila. Ano kaya ang pinaplano nila?
"Okey na. Anong nangyari? Bakit andito ako?" Sunod-sunod na tanong nito.
Hindi ko alam pero napangiti na lang ako. Kumunot ang noo nya sa akin at nagtaas pa
ng kilay. "Anong nginingitingiti mo?" Tanong nya na ikinalingon nilang lahat sa
akin.
Umiling na lang ako. "I was just amazed to you, Van." Panimula ko. "Hindi ka
natakot magsalita, sumalungat sa kanila. You are one of a hell brave to against on
them." Halata sa tono ng pananalita ang pagkamangha ko kay Vanessa.
"Eh? Ang oa nito." Aniya na namumula pa ang pisngi. Sus! Nahiya pa ang bruha.
"I must agree! Mas lalo tuloy akong nainlove..." Biro ni Jerome kaya binatukan sya
ni Vanessa na sobrang pula na ng pisngi.
"Tumigil nga kayo!" aniya sabay isinubsob ang mukha sa throw pillow na kinuha nya
sa gilid nya. Natawa na lang kami sa inasta nya.
"But lets not also forget the secretary.." Ani Matt na nakangisi sa akin.
Ngumisi silang lahat sa akin kaya ako na naman ngayon ang nakaramdan ng
awkwardness. Umangat ang ulo ni Vanessa na nakakunot ang kilay, oo nga pala.
Nawalan sya ng malay kaya hindi na nya alam ang mga nangyari kanina.
"Alam kong kamanghamangha na si Zein, pero ano ang ginawa nya kanina? Sya ba ang
dahilan kaya hindi ako nahatulan ng kamatayan?"
"Yes, Zein, saved you from death and awaken us to that rule." Sagot ni Matt na
halatang proud na proud.
Hmp!
Napayuko na lang ako sa hiya. Hindi naman nila kailangang magsalita ng mga ganito,
'yong mga papuri kasi nila ay iba, ang oa na.
Mautak talaga si Supremo. Siya ang gumawa ng parusang 'yon, sya lang ang maaring
magpataw, sya lang ang maaring bumuwag, siya lang, tanging si Ace Craige lang.
"G-Ganon?" Gulat na tanong ni Vanessa. Tumango na lang ako bilang sagot. "Waaah!"
Napahiga ako sa sahig nang biglang yumakap sa akin si Vanessa.
"Oo nga pala, hindi na problema ang mga grade natin! Si Sir Alvarez na ang bahala,
kinausap ko na sya!" Masaya kong sambit.
Inaasahan ko na magsisisigawan sila, magtatalon sila sa tuwa but silence just ate
them. Anong nangyari? Bakit ganon ang reaksyon nila?
Nabigla ako nang bigla akong niyakap ni Mia na umiiyak. Hindi ako nakagalaw sa
pagkabigla. Si Mia, hindi sya basta-basta nanyayakap. Hindi sya basta-basta umiiyak
sa walang kwentang bagay pero ngayon ay lumuluha na sya. Anong nangyari?
"Bakit, Zein?! Bakit ka naglihim sa amin?" Tanong nya pagkaalis nya sa pagkakayakap
sa akin.
"Alam na naming alam mo na ang sikreto ng HU. Hindi ka na makakaalis dito." Sambit
ni Matt na animo'y galit.
Natigilan ako at hindi nakapagsalita. Nalaman na pala nila 'yon. Sinong nagsabi?
Shit!
"Bakit Zein?! Tinutulungan mo kami, laging ikaw ang nagliligtas sa amin. Bakit
hindi mo naiisip ang sarili mo? Paano ka? Paano kung makalaya kami at maiwan ka?!
Paano Zein?!" sigaw ni Mia.
"I will protect you! Gagawin ko ang lahat para makalabas kayo rito sa impyernong
ito!"
"What about me? What? Wala akong pakialam sa aking sarili! Tanggap ko na, dito ako
mamatay! Hindi na nila ako papakawalan! Alam ko na ang pinaka-iniingatang sikreto
ng HU! How about you guys? Wala kayong alam at hinding-hindi ko sasabahin sa inyo!"
"Nasa paligid lang natin ang may hawak ng nawawalang sangkap." Ani Vanessa.
Sumikip ang aking dibdib nang mapagtanto na alam na nila. Alam na nila ang
pinakainiingat-inagatang sikreto ng Hell University. Isa lang ang ibig sabihin
nito. Sabay-sabay na kaming makukulong sa impyernong ito. Walang ni isa ang
makakalabas sa amin.
Chapter 21
Chapter 21: Weird
Habang naglalakad ako ay nakakarinig ako ng mga iyakan mula sa mga estudyante, may
mga nagyayakapan na animo'y huling araw na nila sa mundong ito.
Ilan lang 'yan sa mga naririnig ko sa kanila. Halimaw naman talaga sila,
pinaglalaruan lang nila kami, buhay ang nakataya. Sigh.
Umupo ako sa isa sa mga bench, tumabi ako sa isang babaeng tulala habang nakatingin
sa kawalan, malalim ang iniisip. Ni hindi nya nga ata naramdaman na umupo ako sa
tabi nya e.
All students are suffering from the insanity of their leaders, definitely, also us.
"Heartless..." Napatingin ako sa babaeng katabi ko nang magsalita sya. "Wala silang
puso, they are worse than monsters." Sambit nito.
Nanatili ang mga tingin ko sa kanya habang ang kanyang tingin ay nasa malayo.
Nangilabot ako ng tumingin sya sa akin. Ngayon ko lang napansin na lapnos ang
kalahati ng mukha nya dahil natatakpan ito kanina ng kanyang buhok na itim.
Nanlaki ang mata ko ng bigla nya akong hinila. Hindi ko alam kung bakit ngunit
hinayaan ko ang aking sarili na magpahila sa kanya. Dinala nya ako sa likod ng
isang abandunadong silid-aralan.
"You!" Dinuro nya ako. "You can do something about this.... but you are afraid."
Sambit niya na animo'y sinisisi ako sa mga nangyayari ngayon.
Tumawa ito ng malakas na animo'y nawawala na sya sa katinuan. Natakot ako sa inasta
nya ngunit hindi ko pinahalata.
"Bakit sya? Bakit sya nagawa nya? You are just afraid! Weak! Akala ko katulad ka
rin ni Samantha, but it was a big mistake."
Sino ang Samantha na tinutukoy nya? Bakit tinawag din akong Samantha ni Madame
Violet? Bakit naihahalintulad ako sa kanya?
"Si Sam ay isa sa mga bago noon. Isa siya sa apat na tanga na pumasok rin dito,
pero hindi katulad mo, may nagawa sya para sa amin." Pagmamayabang nya sa akin.
Si Samantha ba ang tinutukoy ni Jane na past newbie? Ang dating secretary na
napaibig ang dating Supremo?
"Ahh!"
Sumigaw sya habang hawak-hawak ang ulo na animo'y sobrang sakit ng nararamdaman
nya. I tried to help but she pushed me away.
Halata na rin ang alala sa aking tono. Napaluhod na sya sa sahig habang sapo-sapo
ang ulo. May masakit ba sa kanya?
"Hihingi ako ng tulong." Sambit ko pero bago pa ako makaalis ay nahawakan nya na
ang braso ko.
Kahit na hirap na hirap na sya ay nagawa nya pa ring umiling. Tumayo sya kaya
inalalayan ko sya.
Pulang-pula na ang mata nya na animo'y dumudugo na ito. Ang kanyang labi ay biglang
nanuyo. Anong nangyari sa kanya?
"Hindi na rin ako magtatagal dahil alam kong kakalat na ang formula na itinurok
nila sa akin." Aniya. Kumunot ang aking noo sa sinabi nya. Anong formula ang
sinasabi nya? "They also used me as a human tester for that imperfect formula.
Tsk." Sambit niyang muli.
Ginawa syang human tester para sa isang formula na ginagawa nila? Hindi pa nga nila
ito nakukumpleto pero hindi naman makatarungan na gumamit ng mga estudyante para
maging tester. Sa sarili na lang nila dapat itinuturok. Tsk.
"They are still finding that secret formula. Nakakatakot lang na makumpleto nila
ang formulang iyon dahil alam kong sa masama lang nila ito gagamitin."
Kumunot ang noo nito na animo'y hindi nagustuhan ang tanong ko.
"But--"
"Umalis ka na!"
Wala na akong nagawa nang ipagtulakan nya ako palayo. Umalis na rin ako dahil wala
rin naman akong mapapala sa kanya dahil ayaw nyang sabihin kung saan itinatago ang
sikretong laboratoryo nila.
"Binalaan na kita..."
"Stupid."
Hapon na kaya pumunta na ako sa cafeteria para maglinis. Wala na ring tao rito.
Walang ganang dinampot ko ang mga plastic bottle na nakakalat.
Hindi ko pinansin si Supremo na andito na naman para pansinin ang gagawin ko. Lagi
na lang nya akong napupuna.
"What's bothering you?" Tanong nya ngunit nanatiling tikom ang aking bibig.
Masyadong marami akong iniisip para pansinin ang isang asungot. Una, that bloody
week, pangalawa, alam na rin ng mga kaibigan ko ang sikreto ng HU, pangatlo, 'yong
babaeng human tester na ayaw sabihin sa akin kung saan ko matatagpuan ang hidden
laboratory nila at huli ay si Nicky na lagi na lang akong pinapakaialaman.
Sigh.
"Are you alright? Why aren't you answering me?" Tanong nya.
I rolled my eyes. Kumuha na lang ako ng bagong basahan pero hinablot nya rin.
"Wala akong problema. Look, I am just tired. Pwedeng huwag ka ng makialam nang agad
akong makatapos at magpahinga?" Inis na sambit ko.
Andaming nangyari ngayon. Pagod na pagod na ako at parang kahit na anong segundo ay
babagsak na ako. Inaantok na rin ako tapos naglilinis pa ako. Gusto ko ng matapos
agad ito at makapag pahinga.
Nanlaki ang mata ko nang biglang nagpunas ng table si supremo na nakanguso. Hindi
naman sa pagiging oa pero kasi ngayon ko lang syang nakitang sumimangot at
nakanguso pa, tapos nagpupunas pa ng lamesa.
"I can do it by myself, I don't need your help." Sambit ko ngunit parang binging
hindi sya tumigil.
Lumapit ako sa kanya para kunin ang basahan ngunit bigla na lang syang umalis at
lumipat ng lamesa.
UGH!
"It is the last time you will do it. No more cleaning after this."
Ano ba talagang nakain nito at parang sinapian ng anghel? Asan na ang supremo na
walang puso? Walang pakialam sa mga tao sa paligid nya?
Agad kaming nakatapos kaya naglalakad na ako ngayon pabalik. Tahimik na binabaybay
namin ang tahimik na daan patungo sa dorm namin.
Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nya pero alam kong nahihiya syang sabihin 'yon.
Tumingin ako sa kanya ngunit nanatili ang maya nya sa daan.
"Slow."
Slow? Hindi ko naman talaga maintindihan ang sinasabi nya o ang ibig nyang sabin sa
huwag ko ng uulitin eh! Slow daw! Ang labo kaya nya!
Buti na lang at tinulungan nya ako kaya hindi na ako nagbunganga nang tawagin nya
akong slow. UGH!
Inis na binilisan ko ang paglalakad. Hindi ko alam kung bakit pero nakakasabay
parin sya sa akin e halos tumakbo na nga ako habang sya ay naglalakad lang. Masyado
ba syang malaki? Nanliliit ba sya sa akin?
"Dito na lang," sambit ko nang ilang hakbang na lang ay nasa dorm na ako.
"Makakaalis ka na baka maabutan ka ng bloody night." Dugtong ko.
Nag-init ang pisngi ko dahil sa tanong nya. "Worried? Sayo? Ako?" Turo ko pa sa
sarili ko.
Tumawa ako pero halatang pilit habang sya ay seryoso lang na nakatingin sa akin.
"Bakit naman ako mag-aalala sa'yo? Assuming ka rin 'no? FYI, wala akong pakialam
kahit maabutan ka ng Bloody Night at mamatay!" Nairap na lang ako sa hangin.
"Don't worry about me, I can handle myself." Inosenteng sambit nya.
It takes a second for me before I understand what he means. Kaya ko lang sya hindi
kinausap kanina ay dahil pagod ako at gusto ko ng matapos agad na hindi ko magagawa
kung kakausapin ko pa sya.
Nabalik ako sa realidad nang pitikin nya ang aking noo. Sinamaan ko sya ng tingin.
"Yes!"
Hindi ko alam pero napasagot ako ng malakas na ikinangiti nya. Natigilan ako.
Ngumiti.
Chapter 22
Chapter 22: Preparation
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi dahil sa ngiti ni Supremo. I mean,
once in a blue moon lang 'yon, ngayon ko lang nakita pero ganon ang epekto sa akin.
Mariin kong ipinilig ang aking ulo. Tumayo na ako nang magring ang bell, hudyat na
lunch break na.
"Gagawin, as in as a secretary. Gosh, Matt. Kailan pa naging marumi ang isip mo?"
Naiiling na tanong ko.
Hindi ako slow kaya alam ko kung ano ang ibig sabihin nya. Hindi ako inosente,
hindi rin ako green-minded. Open-minded kaya ako.
"Kayo ah! Zein, baka naman..." Pinanliitan ako ng mata ni Vanessa. "May gusto ka ba
kay supremo?" Nakangising tanong nya.
Napangiwi ako sa tanong nya bago umikot ang aking mata. "Matakot ka nga sa
pinagsasabi mo Van. Hindi nga kami friends, lovers pa? Ewan ko sa'yo!" Kunwaring
naiinis na sagot ko.
Pero, totoo naman kasi e. Paano naman ako magkakagusto kay Supremo e dinaig pa ang
may period non, well except kagabi na sinapian sya ng kung sinong good spirit pero
over all? He is still a complete monster. And I guess, that's an enough reason for
me to hate him.
"Tss..."
Bigla nalang umalis si Matt na ginugulo ang kanyang buhok. Ginagawa nya lang 'yon
kapag naiinis sya o galit.
"Nag walk out na si Boss! Alam mo ba kung bakit?" Tanong sa akin ni Dave na
natatawa.
Wala naman kasi akong nakikitang rason para mag walk out sya. Maliban na lang kung
nagugutom na talaga sya at hindi na makapagpigil.
"Or maybe, tawag ng kalikasan?" Sunod na sagot ko. "UGH! Nevermind, I have to go!
Baka masermonan na naman ako." Paalam ko sabay sakbit ng back pack ko.
"Ingat ka. May magmamahal pa sa'yo!" Sigaw ni Jerome na hindi ko na lang binigyan
pansin.
Baliw talaga ang mga 'yon. Napahinto ako sa paglalakad nang makita ang parating. Si
Roxane at si Mr. Poser, I mean si Raze 'kuno'.
Tinaasan ako ng kilay ni Roxane bago inilingkis ang kanyang braso sa braso ni Raze
at idinikit ang kanyang dibdib dito. Bitch.
"Kilala mo naman siguro kung sino ang kasama ko, right?" Maarteng tanong nya sabay
tingin kay Raze na ngayon ay nakatitig na sa akin. "Natikman mo na ang bagsik nya.
Tama?" Tumawa ito ng malakas.
"Yeah. And I must say, it taste like hell." Nakangising sagot ko. "I was so scared
that time." Dugtong ko.
Hindi ko napigilan ang matawa. Kawawa ka naman Queen Roxane. Pathetic powerless
queen. May alam akong hindi mo alam, isang sikreto na ikagugunaw ng mundo mo kapag
nalaman mo.
"Para saan 'to?" Tanong ko kay Onel na busy rin sa ginagawa nya.
"Pakilagay raw sa stock room sabi ni Supremo." Sagot nito nang hindi man lang
tumitingin sa akin. He must be too busy huh?
Dumapo ang aking tingin sa table ni Supremo na bakante. "Asan sya?" Tanong ko.
Walang ganang binitbit ko ang mga papeles na nasa lamesa ko. Lalabas na sana ako
nang biglang pumasok si Fritzy na nakanguso.
"Hintayin mo ako!" Sambit nya sa akin bago kumuha ng mga papeles sa lamesa at nag
bitbit din. "Hindi na nya ako secretary pero kung makapag-utos! Hmp!" Inis na
bulong nya.
Natawa ako kaya sinamaan nya ako ng tingin. Inutusan din sya ni Supremo. Buti na
lang dahil hindi ko alam kung makakailang balik ako bago matapos ang mga ito.
"Ok lang."
"Ok lang? Hindi ka nya pinagbibitbit ng mga papeles araw-araw? Pinabibili ng kung
anu-ano? Sinesermonan? Hindi ka ba nakatikim ng mga masasakit na salita sa kanya?"
Tanong nito sa akin.
"Tama ka. Well, ganon naman talaga sya. Anong magagawa ko?" Maikling sagot ko sa
mahabang tanong nya.
Ganon naman talaga si Supremo e. Pero may kabaitan naman sya, kapag sinapian ng
good spirit pero all the time ay evil spirit ang nakasanib sa kanya.
Bigla kong naalala ang ngiti nya kagabi. Mauulit pa kaya 'yon?
"Bakit kasi hindi na lang sya ang nagbitbit ng mga ito." Ngayon ay reklamo ko dahil
malayo pa ang stock room.
Bigla ko naman naalala nong tinulungan nya akong magpunas ng mga table sa
cafeteria. "Hindi naman." Sagot ko.
Pagkarating namin sa stock room ay agad naming ibinagsak ang mga papeles at umalis
roon dahil ang sakit sa ilong nang alikabok. Ilang dekada na kayang hindi nalilinis
'yon?
Ibang klaseng babae. Naiiling na sinundan ko na lang sya. Nauuhaw na rin naman ako.
Nakakapagod ang mag lakad ng malayo bitbit ang mga papeles na basura na 'yon.
Maraming kumakain dahil lunch break pero hindi ko nakita ang mga kaibigan ko.
Malamang na nasa dorm ang mga 'yon, mas gusto pa raw nila ang luto ni Matt kesa sa
chef rito e.
Napangiwi ako ng biglang sumingit sa mahabang pila si Fritzy. "Ano ba?! Gorgeous
first!" Sigaw nya kaya walang nagawa ang iba na umatras para mabigyan sya ng space.
Pumunta na lang ako sa likod ng pila dahil hindi naman ako katulad ni Frizty na
over taker sa pila.
"Nakapila. Obvious ba?" Pagtataray ko dahil nakataas rin ang kanyang kilay.
"May policy dito! Gorgeous first! Kaya dito ka sa aking likod!" Aniya.
Nakayukong pumunta na lang ako sa likod nya dahil ayoko nang marinig ang
nakakabinging sigaw nya na abot hanggang sa labas ng cafeteria.
Saan naman nya nakuha ang policy nyang gorgeous first?! Ito talagang babaeng 'to,
inventor maka singit lang. Nauuhaw na rin naman ako.
"Asan na ung order kong guava juice?! Masamang pinaghihintay ang dyosa, baka
makatikim kayo ng pasa." Inip na sambit nya.
"5 seconds!"
Natawa na lang ako sa kaartehan at kamalditahan ng babaeng 'to. Inabot naman agad
sa kanya ang baso na may juice.
It's my turn.
"Orange ju-"
"Give her, guave juice." Nanliit ang mata ko nang biglang nagsalita si Fritzy.
Tinignan ako ng babae na nag-alinlangan. Tumango na lang ako dahil alam kong hindi
papatalo si Fritzy at hindi naman masama ang guava juice.
"Ayan! Partner tayo!" Masayang sambit ni Fritzy at pinagdikit pa ang baso namin.
Hindi naman masama ang lasa pero mas bet ko pa rin ang orange juice.
Hapon na nang matapos kami ni Fritzy sa paglipat ng mga papeles. Dumagdag pa kasi
ang kaartehan nya na nagretouch pa, tapos nagpahinga pa sa bench, tapos nagtaray pa
sa mga nakakasalubong namin kaya umabot kami ng hapon.
Paalis na sana ako sa SSG Office nang dumating si supremo na halatang pagod rin.
Gulo-gulo pa ang buhok nito at tabingi ang salamin na animo'y ginahasa. Natawa ako
sa iniisip ko.
"What's funny?" Kunot-noong tanong nya sa akin na ikinatigil ko.
Masungit na naman sya. Sabi ko na nga ba sinapian lang sya kagabi. Psh.
Umiling ito at nangalkal sa kanyang drawer. Aalis na sana ako nang magsalita pa
sya.
"Ano 'to?" Tanong ko. Regalo ba 'to? Bakit hindi naka gift wrap? Hindi ko naman
birthday.
Nyek.
Itinago ko na lang ito sa aking back pack at naglakad na pauwi. Bigla kong naalala
na bukas na mag-uumpisa ang bloody week.
Pagkarating ko sa dorm ay napatakip ako sa aking bibig. Marami kasing patalim ang
nasa lamesa na pinagkakaguluhan nila Matt, Dave, at Vanessa.
"Para saan 'yan?!" Bulalas ko. Napatingin naman silang lahat sa akin.
Lumapit ako sa kanila at pinagmasdan ang mga patalim. Sobrang talim ng mga ito na
parang masusugatan ka agad kapag hinawakan mo.
"Ayoko! Kahit na anong mangyari, hindi ako hahawak nyan!" Sambit ni Vanessa na
malayo sa amin.
Preparation for the bloody week? Gosh! Kahit ako ay hindi ko kakayaning humawak ng
ganyan. Nakakatakot.
"This is just for emergency purpose only. We'll just keep it in our bags." Sambit
ni Dave.
"Starting tomorrow, nasa tabi na natin si Kamatayan, kaya kung ayaw nyong sumama sa
kanya, kukuha kayo ng isa sa mga 'yan at itatago sa inyong bag." Sambit ni Dave na
halatang sya ang nagplano nito.
Nanliit ang aking mata nang makita kong kumuha si Mia. "Hindi ko ito gagamitin
unless kailangan talaga." Anito.
Tumingin sa akin si Matt na halatang nag-aalala. "I'll get two, just incase na
magbago ang isip mo." Sambit ni Matt.
"My mind won't change. Hindi ako gagamit ng mga patalim na 'yan. No matter what."
Desididong sambit ko.
"We are in danger, Zein. Kung hindi natin tutulungan ang ating sarili, sinong
tutulong sa atin? Wala." Sambit ni Jerome.
Wala na silang nagawa kaya niligpit na rin nila ang mga patalim na 'yon. Humiga ako
sa tabi ni Vanessa na malalim ang iniisip.
"Do you think, we can survive this?" Wala sa sariling tanong nya.
Umupo ako at pinilit siyang paupuin din. Iniharap ko sya sa akin, pinanghihinaan na
sya ng loob, kailangan ko syang palakasin.
"No one will die among us. Remember that." Sambit ko.
"How can you be so sure? Hindi na natin hawak ang ating buhay!"
"Nasa tabi mo lang kami, hindi natin iiwan ang isa't-isa magsimula bukas. We'll
protect each other."
Tumingin syang muli sa akin sabay ngumiti. Hindi ko na rin maiwasang mapangiti.
Hindi ako agad nakatulog at pinagmamasdan ko lang sina Mia at Vanessa na natutulog
na.
Napadako ang aking tingin sa back pack ko at naalala ang box na ibinigay sa akin ni
Supremo kanina. Lumapit ako rito at binuksan ang bag ko.
Pinagmasdan kong mabuti ang box na kahoy. Ano naman kayang laman nito? Bakit bigla
na lang sya nagbigay nito?
Shit!
Ano 'to?
Chapter 23
Chapter 23: Bloody Week
Zein's Point of View
Nakakapanibago. Sanay na akong nakikitang tahimik ang lahat pero iba ngayon, ramdam
ko ang takot at pangamba sa kanila. Bakas sa mukha nila na hindi talaga sila
mapakali.
Hindi naman pwedeng hindi pumasok dahil baka si Supremo ang magdala sa kanila sa
kamatayan.
Andito kami sa wide space, nakaupo sa mga bench. Makulimlim ang langit at parang
ikinukubli ng mga ulap ang araw na mas nagpapadagdag sa aming kilabot.
"'Yon palang mga pang depensang ibinigay ko sa inyo. Huwag nyong ilalabas unless
kailangan talaga." Muling pagpapaalala ni Dave.
Muli kong naalala ang kahon na ibinigay sa akin ni Supremo. Ang laman nito ay isang
ibang klaseng patalim. Hindi ko 'yon dinala, iniwan ko sa drawer ko. Hindi ako
hahawak ng patalim, kahit na bigay ni supremo.
"Ahhh!"
Napatayo kami sa kinauupuan namin nang marinig ang isang sigaw mula sa isang silid-
aralan. Agad naming natunton ang silid-aralan na 'yon dahil sa mga studyante na
tumakbo rin papunta roon.
"W-Why are you doing this?" Tanong ng isang babae sa babaeng nakatayo na may hawak
na kutsilyo.
Ang babaeng nakaupo sa sahig ay naliligo sa kanyang sariling dugo galing sa kanyang
braso na sa tingin ko ay ang babaeng may hawak na kutsilyo ang gumawa.
Mariin akong napapikit nang biglang tinadyakan ng babaeng may hawak na kutsilyo ang
sikmura ng babaeng nakaupo kaya halos mamaluktot ito sa sakit.
I can't just stand here! I need to do something! Baka mapatay nya ang babaeng 'yon.
Mariin akong napapikit bago naglakad papunta sa dalawa ngunit dalawang hakbang
palang ang nagagawa ko nang hilain ako ni Matt.
"You can't do anything to save her, Zein. Baka mapagbuntungan ka rin nya ng galit."
"Pero Matt. Kung hindi ako kikilos, mapapatay nya ang babaeng 'yon." Turo ko sa
babaeng umuubo ng dugo dahil sa muling pagsipa ng babae sa kanyang sikmura.
"What is the purpose of this bloody week if no one will die? Zein, wala tayong
magagawa. Legal ang pagpatay ngayon!"
Muli ko na lang ibinalik sa eksena ang aking mata. Tama sya, legal na pala ang
pagpatay ngayon, wala ako, kaming magagawa kundi ang panoorin silang magpatayan.
Tumalikod na ako at naglakad palayo nang inambahan na ng saksak ang babaeng nakaupo
sa sahig. Malamang napatay na nya.
"Zein!"
Hindi ko pinansin sina Mia na tinatawag ang aking pangalan. Nakakainis! Wala akong
magawa!
Napahinto ako sa paglalakad nang harangin ako ni Vanessa na masama ang tingin sa
akin.
"Nag-uumpisa palang Zein. Hindi mo pa talaga nasasaksihan ang mas malala pa rito
pero bumibigay ka na agad." Sambit nya sa akin.
Napayuko na lang ako dahil sa katotohanang, nag-uumpisa pa lang ang lahat. Nag-
uumpisa pa lang pero bumibigay na ako. Pilitin ko mang magpakakatag ay hindi ko pa
rin mapigilan ang mangamba.
"Zein."
Muli kong iniangat ang aking ulo sabay bigay ng pilit na ngiti. Napadako sa bangkay
na hila-hila ng mga guard ang aming paningin.
Sumikip ang aking dibdib nang makita na ang dalawang babaeng kaninang nagpapatayan
ay wala ng buhay ngayon. Kapansin-pansin ang kutsilyong nakatusok pa rin sa puso ng
babaeng may hawak kanina ng kutsilyo ang kutsilyong ginamit nya.
Nagring na ang bell hudyat na para sa susunod na subject. Nagpaalam muna ako na
magc-cr at mauna na sila.
Lutang na naglalakad ako papunta sa cr nang harangin ako nang babaeng naging human
tester. Mas pumayat na ito at ang kanyang balat ay kumukulubot. Ganito ba talaga
ang epekto ng isang hindi perpektong formula?
"Sumunod ka sa akin." Aniya sabay lakad palayo. Hindi ko alam kung bakit pero
sumunod ako sa kanya.
Pumunta kaming muli sa lugar kung saan nya ako hinila dati.
"Iyong laboratoryo nila," Umpisa nya. Tagaktak ang pawis sa kanyang noo.
Maging ang aking palad ay nagpawis matapos marinig ang salitang binitawan nya.
Tumingin sya diretso sa aking mata. "Ang hinahanap mong laboratoryo ay---" Bigla na
lamang itong tumumba sa sahig at umagos ang dugo mula sa kanyang likod na may
nakatusok na pako.
Halos mapatili ako buti na lang at natapalan ko agad ang bibig ko ng dalawa kong
kamay. My knees are trembling in shock as well as my heart.
"Noisy."
Automatic na dumapo ang aking mata kay Nicky na nakasandal sa puno habang
pinaglalaruan ang isa pang pako. Tumingin ito sa akin na nakangisi.
"She will also die anytime, kaya pinadali ko na ang paghihirap nya and one more
thing, andami nyang alam kaya nararapat lang na manahimik na sya."
Naikuyom ko ang aking kamao sa galit. She killed this girl! Wala namang ginawa sa
kanya. Hindi ko pa nalalaman ang hidden laboratory. Damn you Nicky.
"Why are you doing this?! You crazy bitch!" I gritted my teeth in anger and this
bitch just smirk.
Mariin akong napapikit at pilit na pinapakalman ang aking sarili. She wants us to
save? But she just killed the key for us to find the hidden laboratory!
Muli kong sinulyapan ang babaeng walang buhay sa aking harapan. Agad ko ring binawi
ang aking tingin dahil hindi ko masikmura ang nakatusok na pako sa likod nito.
"Save us? Well, congrats! You saved us!" Note the sarcasm. Tumalikod na ako at
nagsimula ng maglakad palayo.
She was always a hindrance! Why the hell was she blocking my way! Chance ko na 'yon
para malaman ang hidden laboratory nila at maipagbigay alam 'yon kay Sir Alvarez
nang hindi na makumpleto ang pinagkakaguluhan nilang formula!
Umupo ako sa tabi ni Vanessa na nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin.
Pabagsak na ibinaba ko ang aking bag at humalukipkip.
Maging ang boys ay nakakunot na rin ang noo habang nakatingin sa akin. Nagkibit-
balikat na lang ako bago itinuon ang atensyon sa teacher namin na nagtuturo.
"I-I am sorry."
Agad naagaw nina Teacher Riza at Kris Romualdez ang aking atensyon.
Napayuko na lang si Kris sa kahihiyan dahil sa sinabi ni teacher Riza. That was
below the belt. Kahit na hindi nasagot ni Kris ay hindi nya dapat ipahiya ito sa
harap ng klase, sa harap namin.
"That's just a piece of cake! Idiot! Hindi ka kasi nakikinig kaya wala kang alam!
Panget ka na nga, bobo ka pa!"
Tatayo na sana ako para awatin si Teacher Riza pero napako ako sa kinauupuan ko ng
biglang sinampal ni Kris si Teacher.
"Sige! Lumapit ka!" Nanlaki ang mata ko kasabay ng paglunok ko nang makita ang
inilabas ni Kris sa kanyang bulsa. Isang kutsilyo.
"Pagod na pagod na ako! Lagi na lang ako ang nakikita mo! Lagi mo na lang akong
pinapahiya! Wala na akong natirang dignidad sa aking sarili!"
Bumuhos na ang luha sa mata ni Kris habang nakatingin kay Teacher Riza na
nanginginig habang umaatras palayo kay Kris na lumalapit sa kanya.
"B-Bitawan mo 'yan. Hindi magandang biro 'yan." Kinakabahang babala ni Teacher Riza
ngunit parang binging hindi nagpatinag si Kris na nakangisi na ngayon.
"Oo, bobo ako! Ikaw? Matalino ka? Sige nga! Sagutin mo ang simpleng tanong ko..."
Mas lumawak ang ngisi sa kanyang labi. "Hulaan mo kung kailan ka mamamatay." In
that que. Ibinaon na ni Kris ang kutsilyong hawak nya sa dibdib ni Teacher Riza.
Bumagsak ito sa sahig habang nakaturok pa ang kutsilyo sa dibdib nito. Umagos sa
sahig ang malapot na dugo nito.
Nanlaki ang mata ni Kris na animo'y nahimasmasan na. Pinagmasdan nito ang kamay nya
na may dugo bago tumingin sa walang buhay naming guro.
"H-Hindi." Wala sa sariling bigkas nya bago napaupo sa sahig at niyakap ang sarili.
Walang nagtangkang lumapit sa amin sa kanila o tumayo man lang. Parang nakagat
namin lahat ng aming dila. Bakas pa rin ang gulat sa mata namin.
This bloody weeks is worse that I expected dahil kami lang rin mismo ang
nagpapatayan.
Tumingin ako sa mga kaibigan ko. Posible kayang kami rin? Mariin kong ipinilig ang
aking ulo.
Oo, sila-sila lang din mismo ang magpapatayan. Grudge to grude but my friends and I
are an exception. Wala kaming sama ng loob sa isa't-isa. Hindi namin gagawin ang
ginawa ng iba.
Hindi kami magpapatayan at kung sakali man, ako na lang mismo ang sasaksak sa aking
sarili. Hindi ko kakayaning makitang may hawak na kutsilyo ang isa sa amin habang
nakatutok ito sa isa pa sa amin.
Chapter 24
Chapter 24: Control
Hell University. This is where we are right now. We are stuck in this place. We
don't even know how to get out(if there is). We almost lose hope, almost. Nawawalan
na ako ng pag-asa na makalabas kami sa lugar na ito but whenever I see my friends,
nagkakaroon ako ng lakas ng loob, nabubuhayan ako ng loob. My friends is my souce
of strenght and definitely, my weakness. I promised to myself, I will fight as long
as they are on my side. I will protect them, as long as I can.
Kinuha ko ang inalok sa aking juice ni Mia na tumabi sa akin. We are in the wide
space. Ang malawak na open-space na ito na nagsisilbing tambayan ng lahat.
Nakatirik ang araw pero may silong ang lahat ng bench dahil sa nagtataasang puno sa
paligid.
Nginuso nya ang paparating na apat na nagtatawanan. Kumaway sa akin sina Vanessa at
Dave habang isang ngiti lang ang isinalubong nina Jerome at Matt. Magsimula kanina
na nag-umpisa ang bloody week ay hindi na namin iniwan ang isa't-isa but I know may
mga gawain rin kami na hindi namin magagawa ng sama-sama. Halimbawa na lang ang
tungkulin ko sa school.
"Wala naman talaga. Sino bang nagsabing iiwan ko kayo. Magkikita pa tayo mamaya,
may kailangan lang akong gawin. You know? Sexytary." I tried to be funny to divert
the topic.
Tumango na lang ako bago naglakad palayo. Leaving them even in just a couple of
hours is really hard for me. I may be strong for them, but I am weak inside.
Natatakot din akong minsan na iwan sila at hindi na muling makita ang isa sa
kanila.
Mariin kong ipinilig ang aking ulo. Anu-ano ang iniisip ko.
Problema nito?
"You were always late. Get that papers and follow me."
Bossy. Kinuha ko ang mga papel na itinuro nya kabilang ang log book kung saan
nakasulat lahat ng pangalan ng mga estudyante kasama ng mga kasalanan nila.
Seriously, Ace? Manually?
Naglakad lang kami ng dahan-dahan pero lahat ng taong madadaanan namin ay agad na
umiiwas. We won't eat you, people.
"Somewhere."
Nice. Very well answered Supremo. You enlightened me, you answered my question
direct to the point. Somewhere? Somewhere where everywhere? The heck?!
Natigilan ako nang makita ang isang bangkay ng lalaki na hila-hila ng guard.
Bumubula ang bibig nito. Mukhang nilason ito ng kung sino. Lumapit kami ni Supremo
sa guard kaya tumigil ito.
Natigilan ako. Alam ko ang ibig nyang sabihin pero hindi ako kumilos. Pinagmasdan
ko lang ulit ang lalaking nanginginig at bumubula ang bibig.
Maari pang mailigtas ang lalaking ito sa kamatayan. Buhay pa sya pero kung
tutunganga lang kami rito ay malamang na matuluyan na ito. Tumingin ako kay Supremo
na poker face lang na nakatingin sa akin. Itinaas nya ang isang kilay nya na
naghihintay na gawin ko na lang ang ipinag-utos nya.
"We are wasting so damn much time here, Miss Shion." Inip na sambit nito.
Kahit na ayoko ay hinanap ko agad sa list ang pangalan ng lalaking naghihinalo na.
Nanginginig na nilagyan ko ng x ang buong pangalan nito. Tumango si Supremo sa
guard kaya nagpatuloy na ito sa pagbitbit sa lalaking wala ng buhay ngayon.
Hindi pa rin ako makapaniwala. Napakahalaga ng buhay ng isang tao, hindi ito
nabibili ng salapi o napapalitan. Pero sa loob ng impyernong ito, walang kwenta ang
buhay ng isang tao. Malaki ang chance ng lalaking iyon na makasurvive, pero---
Wala.
"If you were me, what would you do?" Tanong sa akin ni Supremo na animo'y curious
sa kung ano man ang iniisip ko.
Napailing si Supremo na parang mali ang suhestyon ko. "Do you think, who poisoned
him? What do you think the purposed of that person?" Tanong ni Supremo.
That hits me! I know his point. Naiintindihan ko ang ibig nyang sabihin.
"What if we help him. Yes, he survived. What do you think will happen then? Mauulit
lang ang nangyari. Likas sa tao ang hindi makuntento, sa tingin mo, hahayaan syang
makaligtas ng kung sino mang gustong pumatay sa kanya? Definitely no, then, Miss
Shion. Why would I waste my time on saving someone that should have die in the
first place? You can't save everybody, even you are supernatural. Everything has a
limit, at hanggang dito lang ang kaya natin."
Naging tikom ang aking bibig. Hindi maipagkakaila na nasa kanya ang malaking point.
He thinks logically. He is one of a hell kind of leader. Every seconds is important
to him. Malawak ang isip nya, hindi ko kayang makasabay.
"You are ten minutes late for your next subject, Mister Alvarez." Walang buhay na
dinig kong sambit ni Supremo.
Hindi naman nagpatinag si Sir Alvarez na nakatingin sa akin. "May ginawa lang ako,
Supremo." Sagot nito habang nakatingin pa rin sa akin.
Alam ko ang ibig sabihin ng tingin nya kaya nahihiyang napayuko na lang ako. Wala
pa akong naitutulong sa kanya at alam kong hinihintay nya lang ako. Masyadong
tahimik si Supremo, maging sina Teacher Kath, wala akong mahanap o makitang
kakaibang pinupuntahan nila.
Naikuyom ni Sir Alvarez ang kanyang kamao bago nilagpasan kami. Ang sakit naman
kasing magsalita ni Supremo, below the belt. Words are much more powerful than
anything, it can ruin something in just a snap.
Napatingin ako kay Supremo at sandaling napakurap. Ako ba ang kinakausap nya? Sino?
Si Sir Alvarez? "Teacher?" Patanong na sagot ko.
Isang babae na matangkad ng konti sa akin. Maputi, makinis, at maamo ang mukha.
Napairap na lang ako sa hangin.
Gosh.
"Makakaalis ka na," Halos mapanganga ako nang biglang kinuha sa akin ni Supremo ang
logbook at ibang mga papel. Saglit kong sinulyapan ang babaeng nakatayo pa rin
malayo sa amin na hinihintay si Supremo.
"Kami na lang ni Angelica ang tatapos nito," Iritang sambit nya nang ayoko pang
bitawan ang isang papel na halos malukot na.
Really, Angelica? Tinawag nya ito sa first name! While me? Tinawag nya lang ako sa
aking pangalan, once! Miss Shion! What is really happening to me?!
"Edi 'yan! Isaksak mo sa baga mo! .... malandi." Halos pabulong ko na lang sinabi
ang huling kataga pero alam kong narinig nya.
Ano bang paki ko kung narinig nya? Totoo naman e! Damn flirt, Supremo! Akala mo
sinong nerd! Nasa loob lang pala ang kulo!
"Talaga!"
Napairap na lang ako bago pinitik ang aking buhok. Tumalikod na lang ako pero
lumingon akong muli sa likod para irapan si Supremo na nakakunot ang noo.
Natigilan ako sa paglalakad nang maalala na may klase ang mga kaibigan ko ngayon.
Wala akong choice kung hindi hintayin na matapos ang oras at makasama na ulit sila.
Pumunta na lang ako sa cafeteria para kumain. Nasa gitna ako ng pagkain nang makita
kung sino ang parating. He is in his usual poker face while the angelic girl
smiling. The Devil and the Angel. They really suits each other.
Mabilis na tumalikod na lang ako at nilisan ang lugar na 'yon. Hindi ko pa rin
matanggap ang ginawang pang-iiwan sa akin ni Supremo para sa babaeng 'yon. Don't
get me wrong, ako kaya ang secretary nya!
Hindi pa man ako tuluyang nakakalabas ng cafeteria nang may humila sa aking braso
at tinutukan ako ng kutsilyo sa leeg. Halos manlamig ako at ramdam ko ang malakas
na kalabog sa aking dibdib.
"Huwag kayong lalapit! Mamamatay ang babaeng 'to!" Sigaw nya at mas diniinan ang
kutsilyo sa leeg ko. "Ilabas nyo ako sa impyernong ito!"
Hindi ako makagalaw at ramdam ko na ang lamig ng patalim na nakatutok sa leeg ko.
Isang maling galaw ko lang ay alam kong ikamamatay ko na.
Hinanap ko sa crowd ang taong gusto kong makita pero wala sya. Siya lang ang
makakatulong sa akin. Kailangan ko sya, pero wala sya. Malamang na kasama nya pa
rin ang babaeng 'yon.
Pigil ang hininga na ginagawa ko pero nabuhayan ako ng loob ng makita ko na sya,
pero nilagpasan nya lang ako. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman.
Ang inaasahan kong taong tutulong sa akin ay hindi ako pinansin.
Napangiti ako ng mapait. Wala nga palang kwenta sa kanila ang buhay ng kahit na
sino, maging ako. Hindi ko alam pero parang unti-unting namumuong muli ang galit sa
loob ko na matagal ng natutulog.
Oo nga pala. Bakit nya ako tutulungan? We are not even friends. I am just his
secretary. Gaya rin ako ng iba, wala lang ako sa kanya.
"Pakawalan mo ako,"
Halos hindi ko na makilala ang boses ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang
napakalamig na boses na 'yon. Akala ko, iba sya pero katulad din pala sya ng iba.
Halimaw.
Hindi ko sana hinayaan na mapalapit sa kanya. Kaibigan na ang turing ko kay Supremo
kahit na hindi ganon ang turing nya sa akin. That is my biggest mistake! Wala akong
magiging kaibigan sa loob nito kundi ang mga kaibigan ko na bago pa man kami
mapadpad dito.
"Manahimik ka!"
Ramdam ko ang pagbaon ng kutsilyo sa aking leeg ngunit imbes na matakot ako,
napangisi ako. Nagbabalik na naman ang dating Zein Shion, the girl who is not
afraid of death.
I promise to myself, now. Walang sino ang makakalapit sa akin sa loob ng campus na
ito. Walang sino man ang mapapalapit sa akin.
Halos mamaluktot ito sa sakit ngunit hindi pa ako nakuntento. Kinuha ko ang
kutsilyong hawak nya at umupo sa kanyang tabi. Itinutok ko ang kutsilyo sa leeg
nya.
"You should have killed me while you still have the chance, but you are too slow."
Idiniin ko ang kutsilyo sa leeg nya. Ramdam ko ang takot sa kanya, ang mga mata nya
na nakatingin sa akin. Halos manginig ito ng ibinaon ko ang kutsilyo sa leeg nya.
Umagos ang dugo mula rito and I can't help but to smirk.
"Shit!"
Tumalikod na ako para maglakad palayo nang bigla akong hinigit ni Matt palapit sa
kanya. He is in his not usual serious expression.
Napahawak ako sa batok ko. Nakaramdam nga ako ng konting hapdi gawa ng pagdiin ng
lalaking 'yon ng patalim sa leeg ko.
"I can feel it, but it is just a blood. Hindi ako mamamatay." Halos matawa ako sa
sagot ko pero nanatiling nakakunot ang kanyang noo.
Hinila nya ako kaya hindi na ako nagpumiglas. Nakasunod sa akin ang iba ko pang
kaibigan. Yes, sila lang dapat ang itrato kong kaibigan. They are the one who cares
for me after all. Only them.
Pumunta kami sa clinic. Sinalubong kami ni Nurse Cha ng nakangiti ngunit hindi
namin sya pinansin.
Naitikom ni Nurse Cha ang kanyang bibig at hindi na nagsalita pa. Tahimik na
ibinigay nya kay Matt ang first aid kit.
Sinulyapan ko si Vanessa na naiiling lang habang si Mia ay nakatingin kay Nurse Cha
na pinapanood ang ginagawa ni Matt. Dahil sa mahinhin na paggamot ni Matt sa sugat
ko sa leeg kaya hindi ko namalayan na tapos na pala.
"Will you please, leave us alone, Nurse Cha?" Putol ni Mia kay Nurse Cha na walang
nagawa kundi ang lumabas.
Halos mamaluktot ako para lang maiwasan ang mga mata nilang masama ang titig sa
akin. Parang nasa isa akong paglilitis at nakagawa ng isang karumad-dumal na
krimen. Hindi nga ba?
"What was that for?" Tanong ni Dave na halos hindi pa rin makapaniwala.
Hindi ko rin naman alam kung paano ko nagawa ang kanina. Nagising lang naman ako sa
katotohanan. Nagalit lang naman din ako sa lalaking gagamitin pa ako para makalabas
sa impyernong ito. Geez. He deserve more than that!
"When I saw you earlier. Nakakatakot ang mata mo, Zein. Halos hindi nga ako agad
nakakilos para mahila ka sa lalaking halos patayin mo na." Sambit ni Jerome na
nakakunot pa rin ang noo.
Hindi ko alam kung nag-o-over-react lang siya. Totoo kaya? Kaya ba ganon na rin ang
takot ng lalaki kanina habang nakatingin sya sa aking mata?
"You lost your temper. You are furious unconsciously." Sambit ni Mia.
What is it? Parang alam ko na kung saan patungo ang mga sinasabi nila. Mariin akong
napailing.
"You are being monster when you are angry. You lost your control."
Shit!
"Natatakot ako para sa'yo, Zein. Natatakot akong baka mas malala pa ang magawa mo
sa susunod."
Hindi ko na talaga nakayanan lahat ng sinasabi nila kaya lumabas ako. Susundan pa
sana ako nila ngunit pinigilan sila ni Matt.
I gave Nicky a death glare. She holds a nail in her right hand. It was not actually
just a simple nail, it was well-designed to kill anyone in just a snap. The Black
Blood Gang symbol.
"But it will never be enough. You have to let the devil go out completely, now."
"Not so fast," Kumunot ang noo nya kaya hindi ko maiwasang mapangisi. "If I were
you, hindi ko gugustuhing makita ang demonyong sinasabi mo." Lumapit ako ng konti
sa kanya.
"If I were you, learn to control that devil, it could eat you, Zein Shion."
"Yes, I know. It is too dangerous that even I, myself can't control it." I added.
"Don't worry. Makikita nyo na ang demonyong hinihintay nyo." Naglakad na ako
palayo.
If being a monster or worst a demon is the only way for me to protect my friends,
even if I have to hold a knife and to take lives.
I will!
Chapter 25
Chapter 25: Birthday
Umupo ako mula sa pagkakahiga. Kahit na ipikit ko ang mata ko, gising ang diwa ko.
Hindi ako makatulog, may bumabagabag sa akin, alam ko.
Napatingin ako sa bintana. Nakalock ito dahil bloody night na. The time when
killing is legal. Everyone is afraid of this range of time, I must be also.
Kinakatakutan ng lahat ang gabi, pero para sa akin? Gustong-gusto ko ang gabi,
tahimik, parang normal lang ang lahat. Masarap isipin na nasa ordinaryong paaralan
lang ako. Nag-aaral to makes my family proud.
Masarap isipin na isang bangungot lang ito. Sana nga, sana isa na lang itong
bangungot. Sana magising na lang ako sa panaginip na ito.
Mariin kong ipinilig ang aking ulo. I need air but it is not safe outside. Lumabas
ako ng kwarto at iniwan sina Mia at Vanessa na mahimbing na natutulog.
Kumunot ang aking noo nang makita na bukas ang kwarto ng boys ngunit walang laman
ito. Dali-dali akong pumasok at iginala ang aking mata. Shit!
Asan sila?!
Nanlamig ang katawan ko nang makita na hindi nakalock ang front door. Ayokong
isipin na--- Hindi, mali ang iniisip ko.
Sinampal-sampal ko ang sarili ko. Ayoko! Sana panaginip na lang talaga ito! Ayokong
isipin na--- Hindi!
Bloody week. Walang pinagkaiba ang gabi sa umaga ngayon pero alam kong delikado ang
gabi kung ikukumpara sa umaga. Hindi ko na alam kung ano ba ang dapat ko ngayong
ikatakot.
Ang umaga at masaksihan ang krimen o ang gabi pero bulag kami sa katotohanan?
Maingat na bumalik ako sa kwarto. Mas lalong nanlamig ang aking sistema nang makita
ang mulat na mulat na mata ni Vanessa. Nakatingin ito sa nakasaradong bintana.
"Umalis na naman sila?" Isang mapait na ngiti ang pumorma sa labi ni Vanessa. Hindi
sya nakatingin sa akin ngunit ramdam ko na nanginginig ang boses nya.
Halos sumabog ang utak ko sa kakaisip. Anong ibig nyang sabihin? Bakit ganito?
Anong nangyayari sa amin? Akala ko ok kami? Akala ko walang nagbago sa amin?
Masyado ba akong nagpakatanga?
Ang panlalamig ng aking katawan ay umabot na sa puso ko. Ang pintig ng puso ko ay
unti-unting bumabagal. Umabot na rin ang lamig sa aking utak na ayaw gumana. Shit!
Anong nangyayari?
Lumapit ako sa kanya at hinila sya palabas. Pumasok kami sa kwarto ng mga boys at
itinulak siya sa kama. Pinaningkitan ko sya ng mata kaya wala syang nagawa kundi
ang yumuko.
Hindi sya sumagot pero unti-unting bumagsak ang mga luha nya. Tumayo sya at isinara
ang pinto na animo'y nag-iingat na walang makarinig ng pag-uusapan namin.
Ngayon ay parang nagsisisi na ako sa itinanong ko. Ano ba ang dapat kong piliin?
Napaupo na lang ako sa kama at napayuko. Ayoko syang tignan. Ayokong malaman ang
nalalaman nya. Ayokong marinig ang sasabihin nya.
"Ilang araw na rin, lagi akong nagigising na wala sila." Nanginginig ang boses nya
na mas nagpapalala ng kaba na nararamdaman ko. "Minsan si Matt, Minsan si Dave, at
Minsan si Jerome. Hindi ko alam!" Naguguluhang sambit nya na animo'y gusto na nyang
sumigaw sa pagkalito.
Lumalabas sila ng gabi? Anong ginagawa nila sa labas? Bakit ganon? Ang daya! Akala
ko ba magkakaibigan kami! Bakit naglilihim sila sa amin?!
Gusto kong magsisigaw sa pagkadismaya. Ang mga kaibigan ko, masyado ba akong naging
panatag? Bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat?
"A-Anong gagawin mo?" Pumipiyok pa ito. Ang kanyang noo ay nakakunot na animo'y
nagtatanong.
"Aalamin ko ang nangyayari." Wala sa sariling sambit ko. Lumabas ako ng kwartong
'yon para pumunta sa kwarto namin para kunin ang blazer ko.
Unti-unti kong inalis ang kamay nya sa braso ko ngunit nakakailang hakbang palang
ako patungon sa pinto nang bigla syang lumuhod sa harapan ko.
Mariin akong napapikit at ramdam ko na ang init sa gilid ng mata ko. Shit! Walang
kwenta ang luha. Kahit na isang galloon ang iluha ko ay walang magbabago. Kailangan
kong kumilos.
"D-Dito ka na lang please. Zein, I'm begging you. Stay with us."
Hearing those words from her is tearing me into pieces. It is a bullshit feeling
that I can't hold it longer! I want to hug her and to cry but--- Hindi ko ipapakita
na nanghihina na ang loob ko. Ayokong mawalan ang katiting na pag-asa na
pinanghahawakan ko.
"Babalik ako, pangako." Mariin akong napapikit nang marahas kong tinanggal ang
kapit nya sa binti ko at binuksan ang pinto.
Malamig na hangin ang tumambad sa akin. Madilim sa labas ngunit nang dahil sa buwan
ay may konting liwanag. Muli kong sinulayapan si Vanessa na sana ay hindi ko na
lang pala ginagawa.
Nakaupo sya sa sahig, nakatalikod sa akin. Nakatakip ang kamay nya sa bibig nya.
Dinig na dinig ko ang ipit na paghikbi nya.
Parang pinipiraso ang puso ko kaya hindi ko napigilan ang bumalik at isarado ang
pinto.
Lumuhod ako sa harapan nya at niyakap sya ng mahigpit. Mariin kong ipinikit ang
aking mata nang magbadya na ang mainit na likido sa aking mata. Hindi ako iiyak.
Shit!
"Z-Zein. Don't leave us please. Tama na, please." Paulit-ulit na sambit nito.
"Sshh. Tahan na, please." Napakagat na lang ako sa aking labi nang gumaralgal ang
aking boses. "Walang mangyayaring masama sa kanila." Sambit ko.
Wala na akong pakialam kung isangla ko kay kamatayan ang buhay ko para masiguro
lang na ligtas ang aking mga kaibigan. Wala na akong pakialam sa akin. Ano pa bang
magiging silbi ko kung mabubuhay ako ng wala ang isa sa kanila or worst sila.
Hindi ko alam kung paano ko nadala si Vanessa sa kwarto. Ini-lock ko ang pinto para
hindi marinig ang pagdating nila. Ayokong makita, iisipin ko na panaginip lang ang
lahat.
"Wala kang babanggitin sa mga nangyari ngayon, Van. Walang nangyari ngayon."
Tumitig ako sa mga mata nyang maga. Tumango ito. "I will. Stay with us, Zein."
Paulit-ulit na sambit nito na animo'y mawawala ako sa kanila.
Pero kung 'yon lang ang tanging paraan para mabuhay sila. Nakangiting ibibigay ko
ang akin.
Naalimpungatan ako dahil sa anong ingay sa labas. Kinusot ko ang aking mata.
Tumingin ako sa gilid ko at wala na sina Mia at Vanessa. Sumisilip na rin ang
liwanag sa bintana kaya binuksan ko na ito. Nakakasilaw na liwanang ang tumambad sa
akin.
Naka party hat pa sila at may hawak na cake si Matt na todo ngiti. Napatakip na
lang ako sa aking bibig dahil sa kawalan ng masasabi. I am so speechless, hindi ko
alam. Hindi ko namalayan na kaarawan ko na pala. Masyado akong maraming iniisip.
But, you know what is the best feeling? You forgot something special to you but
your friends remembered it because they know it is special to you. Hay. Heaven.
"Wee! Happy birthday, secretary!" Sigaw ni Jerome na may torotot pang hawak.
"Thank you! Kayo ah! May paganito-ganito pa kayo!" Sambit ko at hinalikan sa pisngi
sina Mia at Vanessa na medyo umiwas pa.
"Happy Birthday, Zein. Kiss ko?" Tanong ni Matt na lumapit sa akin at hawak ang
cake.
Eh? Kung kina Mia at Vanessa ay wala lang sa akin kung halikan ko sila nang hindi
nagtooth brush pero iba si Matt. Nakakahiya!
Napangiwi naman sina Mia at Vanessa. "Ganon? Sa kanya conscious ka tapos sa amin
kahit na ikamatay namin, ok lang?" Nakangiwing arte ni Vanessa.
Bitch. Haha.
"You don't need to shy when in fact, it will be a pleasure to me. Zein."
Sinamaan ko sya ng tingin pero tinawanan nya lang ako. Abnormal talaga.
"Sure k-" Natigilan ako nang maramdaman ang malambot na labi ni Matt sa aking
pisngi.
Nagsisigaw ang mga bruha habang ako ay halos mamaluktot sa kilig. UGH! Matthew! It
was just a one swift smack kiss.
Bitin!
Wish? Kailangan ko pa bang humiling kung lahat ng hiling ko ay nasa harapan ko na?
Ang makasama ang aking mga kaibigan, may ngiti sa labi, kumpleto. 'Yon lang sapat
na pero kung may isa akong hiling.
Hindi maalis-alis ang ngiti sa aking labi habang naglalakad kasama ang aking mga
kaibigan na tawa ng tawa. Paano 'yong cake kanina na ginawa pala ng boys ay walang
lasa. Hahaha.
"Ayos na sana ang effort e, nilagyan nyo na lang sana ng lasa." Natatawang turan ni
Mia na nakakapit sa aking braso.
I can't stop smiling but the smile suddenly fade when I saw him walking towards us.
Hinawakan ko sa braso si Mia para hindi sya huminto ngunit hinarang kami ni Supremo
na nakakunot ang noo. I gave him a cold stare.
"It is too early but it seems that a bad weather came to destroy the day." Dinig
kong sambit ni Matt.
Alam ko kung ano ang pinagsasabi nya kaya humarap na ako sa kanya. "Bad weather?" I
asked.
Lumapit ako sa kanya at kumapit sa kanyang braso. "Lets not mind it. There is so
many damn reason to be happy even it is a bad weather." Sambit ko.
"Syempre, kami ang kasama mo e." Sambit ni Dave. "Sino ba ang makakapagbigay ng
ngiti sa'yo kundi ang mga kaibigan mo." Dugtong nya.
Narinig namin ang pagtikhim ni Supremo kaya napatingin kami sa kanya. "Oh! Supremo,
andyan ka pala." Sambit ko.
"Yeah, it seems that you are having fun together but mind if I interrupt you, guys?
I need my secretary."
MY
"Oh? Secretary? Are you reffering to me? I thought you have a new secretary oh
anyway, anong maipaglilingkod ko sa inyo, Supremo?" Tanong ko.
Kumunot ang noo nito kaya sinenyasan ko na ang mga kaibigan ko na mauna. "You don't
know how happy I am. Kita tayo mamaya!" Masayang sambit ko.
Narinig ko pa ang mga pagkadismaya kina Mia at ang pasimpleng pag-irap ni Vanessa
kay Supremo. Nginisian naman nina Matt at Dave si Supremo habang si Jerome ay
diretso lang na sumunod kina Mia.
"It is none of your business." Ano nga bang paki mo sa akin? Ano ngayon kung masaya
ako?
"Watch your words." Biglang naniningkit ang mga mata nya kaya hindi ko naiwasang
mapairap. Like as if I am still scare.
Hindi na ako natatakot sa'yo, Supremo. Simula nang iniwan mo ako sa gitna.
Sumunod ako sa kanya hanggang sa SSG Office. Kating-kati akong magtanong. Gustong-
gusto kong itanong na asan na ang anghel?
30 students? Ano bang paki ko? Kahit magpatayan silang lahat, ano bang paki ko? I
am not a super hero to protect them all.
I am no longer a hero.
Gusto kong mapangisi. Kailan ka ba nagkapake sa paligid? You are just too numb and
heartless. That is why, I am starting to hate you, Supremo.
"I think, you're secretary must be the one you should ask for that," Sambit ni Onel
na halatang busy dahil sa mga bitbit nyang papeles. "I have to go." Sambit nito
bago lumabas ng pinto.
Wala naman kasing okasyon ngayon. Sa susunod na linggo pa ang foundation day.
"What's with your smile earlier?" Napalingon na naman ako sa kanya. "You seems so
happy." Nakakunot na noong sambit nito.
"There's nothing special today, Supremo. Next week pa na ang foundation day."
Walang buhay kong sambit.
Bubuka pa sana ang bibig nito at gusto pang magtanong pero pinili na lang nyang
manahimik. What is it? What's bothering you? Why are you asking my smile awhileago?
Why are you asking an occassion? What is with you and you are acting really weird?
Hindi talaga sya mapakali habang nagbabasa ng maraming papel tungkol sa student's
information. Err? Ano bang hinahanap nya?
Dammit! Maging ako ay nacu-curious na sa kung ano ba ang hinahanap nya? Ano bang
gusto nyang itanong at mukhang hindi sya makakatulog hanggat hindi nya nahahanap
ang sagot?
Ngayon ko lang nakitang balisa nang ganito si Supremo sa isang bagay. Is it that
too important to him?
Narinig ko pa ang mga pasimple nyang pagbuntong-hininga. Sumasakit na rin ang ulo
ko kakaisip kung ano ba ang iniisip nya.
You are really hard to read. And-- Why am I even bothering to read him?
"Leave me alone."
Halos mapanganga ako sa sinabi nya. Halos ibagsak ko ang desk ko sa sinabi nya. Ano
daw? 'Leave me alone?' Gago ba sya? Sya nga itong nagpapunta sa akin tapos--- UGH!
"Leave me alone!"
"Oo na nga! Hindi ka makapaghintay?! Heto na nga oh! Aalis na! Peste!"
Hay naku. Napapasakit talaga nya ang ulo ko. Pumunta na lang ako sa cr para mag-
ayos ng sarili. Nakakasira ng poise ang hayop na 'yon. Sinuklay ko lang ang buhok
kong nakalugay at itinali.
Natigilan ako nang makita kung sino ang bagong pumasok dito. Napakaamo talaga ng
mukha nya kaya hindi ko alam kung paano sila napalapit ng isang demonyo.
Ako lang ang kasama nya kaya obvious na ako ang kinakausap nya, maliban na lang
kung nawawala na sya sa katinuan para kausapin ang kanyang sarili.
Nakumpirma ko ang hinala ko nang humarap sya sa akin. Nakangiti ito kaya hindi ko
kayang magsungit dahil para talaga syang anghel. Hay.
"You amazed me." Bigla itong ngumiti ng malaki. "You are really one of a kind."
Dugtong nya.
"Nakita ko kung paano mo ipagtanggol ang sarili mo kahapon." Sabi pa nya. "Isa lang
ang masasabi ko, naniniwala sya sa'yo. Kahit na gusto na nyang tumulong, pinigilan
nya ang sarili nya. Sa una nagduda ako na kaya mo pero it was a mistake, no doubt.
Pasensya na, marami na akong nasabi. Una na ako." Muli syang ngumiti bago
nagmadaling umalis.
Natigilan ako. Hindi ako tanga para hindi maintindihan ang mga sinabi nya. Mariin
kong ipinilig ang aking ulo. Mali, mali ang mga iniisip ko. Ayokong maniwala pero
bakit ganon?
Ngumiti sa akin ang librarian kaya ngumiti na lang din ako. Pumunta ako sa dulong
bahagi ng library kung saan walang gaanong pumu-pwesto.
Umupo lang ako at inisip ang ginawa ng aking mga kaibigan. They made my day very
special and I really don't remember that today is my birthday.
Umangat ang aking tingin at nakita si Celine na may hawak na libro. Tumango na lang
ako kahit na kating-kati akong sabihin na napakaraming bakanteng lamesa para tumabi
pa sya sa akin.
I almost rolled my eyes. Gusto kong magpahinga pero sa tuwing pupunta naman ako ng
library ay si Celine the weird ang tumatabi sa akin. How lucky I am? UGH!
"It seems that something is bothering you." Kumunot ang noo nito. "Something that
might ruin your world." dugtong pa nya.
"Will you please shut up?!" Gigil na sambit ko. "Just shut up or leave me alone." I
added.
Namilog ang mata nito at maya-maya ay mahinang natawa. Naikuyom ko na ang aking
kamao. This girl is getting into my nerves. UGH!
"You looks so strong but deep inside? You are so fragile that is protected by a
beast." Natatawang sambit nya and I can't help but to glare. "You must release the
beast first if I were you. You can't hold the fragile one too long that you might
break." Dugtong nya.
"Release the beast before the fragile so that you can handle it without breaking
yourself."
That words from Celine keeps poping into my mind every now and then. She is just
crazy! I should not believe on her. Pero hindi maipagkakailang may punto sya. I
can't handle everything if I am weak, I must be strong enough to face it. The
beast? Monster? Demon?
Natapos ang buong araw na lutang akong muli dahil sa aking mga kaibigan.
Nakalimutan ko ang lahat dahil kasama ko sila. I find time too short when I am with
them. I wish, I could extend this.
Napahinto kami nang makasalubong na naman namin si Supremo. Hindi katulad kanina ay
nawala na ang pagkabalisa sa mukha nya pero halatang pagod sya.
Hinawakan ko si Matt sa braso para pigilan. Kumunot ang noo nya pero tumango na
lang ako. "Mauna na kayo." Sambit ko.
"Tss."
Nauna ng naglakad palayo si Matt na sinundan naman nilang lahat. Ngayon ay kami na
lang ni Supremo ang andito.
Mejo madilim na at lumalakas na ang ihip ng hangin na tinatangay ang buhok ko.
Tumingin ako sa kanya na nakatingin lang sa akin.
Ano bang sinasabi nya? Tinutukoy ba nya ang dahilan ng pagkabalisa nya kanina? Kung
bakit hindi sya mapakali sa paghahanap ng info sa mga papel kanina? Kaya ba mukhang
pagod na pagod sya?
"I know there's something with your smile. You makes my head to ache."
'Best feeling is when you forgot something special to you and your friends
remembered it but the feeling that someone not special to you seeks information to
what is special to you is more than the best feeling.'
Chapter 26
Chapter 26: Fairy tale
Ang pagkainip ko ay umabot na ata sa aking mata. Halos pumikit na ito sa antok and
I am trying my very best to entertain myself.
Quiz. Ang mga kaklase ko ay todo sulat sa kanilang mga papel. 'Yong iba ay
nakakunot ang noo habang ang iba ay humahaba ang leeg. Typical students.
Naningkit ang aking mata. There's something in that smile, sadness, longing?
Biglang sumagi sa isip ko si Supremo, ganito rin ba ang pakiramdam nya habang
iniisip ang dahilang ng ngiti ko?
Was he just curious? Maybe, yes. Ano pa nga bang in-e-expect ko? Maybe he was just
not in control of his curiosity? He was just so damn curious about the reasons
behind my mysterious bright smile.
"You've got a perfect score. Your mother must be proud of you." Nakangiting wika ni
Teacher Aya.
"T-Thank you." Nanginig ang boses ni Lyka and suddenly, they hug each other.
Bago bumalik sa upuan nya si Lyka ay pinunasan nya muna ang mata nya. Tumingin ako
sa aking mga kaklase na busy pa rin sa kakasagot. Ako lang ata ang nakapansin dahil
busy ang lahat o wala lang talaga silang pakialam?
Natigilan kaming lahat nang biglang tumunog ang mga speaker sa paligid na lumikha
ng nakakabinging ingay na tumagal lang ng sandali.
One sentence and I just found myself seeking for air. I have a bad feeling about
this. Napakasaya ng boses nya. She seems so happy. Together with the Vice President
under admins of Hell University. Francisco Augustine.
Mukhang hindi lang ako ang kinabahan. Maging ang lahat ng kaklase ko ay halatang
kinakabahan, ang iba ay hindi na nila namalayang nabitawan na nila ang kanilang mga
ballpen. Si Teacher Aya naman ay nakatingin ng malungkot sa isang kaklase namin na
halatang kinakabahan din.
"Do you find bloody week, boring?" Tanong nya na ikinatawa nya.
Game? Where lives are involved? Binuksan ko ang laman ng aking bag. Agad na naagaw
ng aking pansin ang isang kahon na pahaba. Pumorma sa aking labi ang isang ngiti.
Well, I am ready to play. Muli kong isinara ang aking bag.
"May inilagay kami sa inyong locker. Isang pangalan, pangalan ng taong kailangan
nyong mapatay bago lumubog ang araw bukas."
Bukas na matatapos ang blood week. Finally, pero alam kong hindi namin kailangang
mapanatag. Shit! Hindi talaga nila kami titigilan, they want a bloody ending. Curse
their souls.
"Lets add a twist. Kapag wala kayong nakitang pangalan sa inyong locker. You are in
doom. Hindi mo alam kung sino ang papatay sa'yo, kailangan mo syang maunahan. Kapag
hindi nyo natapos ang laro, kami na mismo ang tatapos sa inyo."
Namatay na ang mga speaker sa paligid ngunit ang pangamba sa amin ay permanente na.
Baliw na talaga sila. They settled a bloody shit 'cause they were not satisfied.
They want it bloodier.
Sa locker....
Tumayo na ako at parang naging hudyat naman ako sa lahat dahil nagtayuan na rin
silang lahat, kanya-kanyang bitbit ng bag at nagmadaling lumabas ng classroom.
Tanging kami na lang nila Lyka at Teacher Aya ang natira. Umalis na rin ako dahil
baka may pag-usapan pa sila at baka iniisip nila na sagabal pa ako. Alam kong may
namamagitan sa kanila, maybe they are relatives.
"Zein!"
"OMG. Huwag mo akong patayin if ever. We're friends 'di ba?" Maarteng sambit nya.
Friends? Biglang sumagi sa akin ang aking mga kaibigan. Paano kung isa sa kanila?
Mariin kong ipinilig ang aking ulo.
Nauna na akong naglakad sa kanya at iniwan syang nakanganga. Paano kung wala akong
makitang pangalan sa locker ko? Sino naman kaya ang papatay sa akin?
Naramdaman kong muli ang kaba nang nasa harap na ako ng locker ko. I have to open
this locker! I have to face it! Halos hindi na ako humihinga habang nanginginig na
binuksan ang locker ko.
Wala akong nakitang kahit na anong papel maliban sa tatlong libro ko. Inisa-isa ko
pa ang mga libro ko, nagbabaka sakali na naisingit ito sa mga pahina ngunit wala
talaga akong nakita.
Isa lang ang ibig sabihin nito. I am in doom. Hindi ko alam kung sino ang may hawak
ng pangalan ko, definitely ang taong magtatangka sa aking buhay.
Luminga-linga ako sa paligid. Ang hirap nilang basahin. May isa-isang lihim ang
lahat, isang lihim kung saan nakasalalay ang kanilang buhay. Sino? Sino ang may
hawak ng pangalan ko?
"S-Sinong nakuha mo, bro?" Dinig kong tanong ng isa sa kanyang kaibigan. May hawak
ang isang lalaki na papel habang ang nagtanong ay walang hawak.
"Ano bang paki mo?" Nagulat ang lalaki sa inasta ng kaibigan nya. "W-Wala ka na d-
doon!" Pumiyok ito at nagmadaling umalis.
Naiwan ang lalaking tulala. Hindi makapaniwala sa inasta ng kaibigan. Isang tanong
ang sa tingin ko ay umiikot sa isipan namin ng lalaking ito. 'Bakit? Ako ba?' .
Umalis na ako sa lugar na 'yon dahil parang hindi ako kumportable. Hinding-hindi
ako magiging kumportable dahil hindi ko kilala ang kalaban ko.
Ano bang mas maganda? Ang may nakita kang papel at alam mo kung sino ang kailangan
mong puntiryahin o walang kang ideya kung sino ang sa'yo ay papatay? Hindi rin
madali kapag alam mo kung sino ang dapat patumbahin, alam ko ang takbo ng isipan ng
mga gumawa nito, alam kong sinigurado nila na mahihirapan kung sino man ang may
nakatakdang patayin na gawin ang dapat. Baka dahil sa kahayupan nila ay malapit sa
kanila ang kailangan nilang patumbahin. Hindi malabo.
Bigla nya akong inakbayan. "Baliw na sila." Bulong nya sa tenga ko na nagdulot ng
kiliti kaya mejo napaatras ako.
Agad na kumunot ang aking noo. Ang amoy nya ay nanuot sa aking ilong. Nakakahilo
ang amoy nya kaya mabilis na inalis ko ang kanyang braso sa aking balikat.
Tinaasan ko sya ng kilay. Ngayon ko lang napansin ang pamumungay ng kanyang mata na
animo'y antok na antok. "You are drunk." Malamig kong sambit.
"Maybe I am, but what is the difference?" Tanong nya habang nakangisi. Umakbang ito
palapit sa akin kaya mejo napaatras pa ako. "Even I am drunk or not, I can still
clearly see your beautiful angelic face, Zein." Biglang sininok ito.
Lasing nga.
"You must believe on me." Ang kaninang mapungay nyang mata ay biglang lumungkot.
"Please." Dugtong nya na animo'y nagsusumamong paniwalaan ko sya.
Kahit hindi naman nya sabihin ay matagal na akong nagtitiwala sa kanya, sa kanila.
Sila ang pinaniwalaan, pinaniniwalaan at paniniwalaan ko.
Nakipagtalo ako ng tingin sa kanya ngunit ako ang naunang nag-iwas ng tingin. Maybe
he is drunk but he is still in himself. Marunong syang magdala ng sarili nya, he
can handle everything about him.
Natigilan sya ngunit bigla syang natawa. "Does it matter?" Tanong nya.
"Of course it is! Damn, Matt! May nakita ka o wala?! Tell me!"
"Ano naman ngayon kung may nakita ako o wala? Hindi nila ako mauutusan at
mapapasunod sa gusto nila. They can't manipulate me. They are just a bullshit!"
Hindi ko alam kung hahanga ako sa katapangan ni Matt o matatakot. Matatakot na baka
kapag hindi nya nagawa ang dapat ay gawin, mapasama sya. Pero when Matt said it, he
mean it. Kung ano ang lumabas sa bibig nya, asahan mo na gagawin nya.
Shit, Matt! Pinapasakit mo ang ulo ko! Asan na ba kasi ang iba?
"They are not my queen. Isa lang gusto kong maging reyna," Tumingin siyang muli sa
akin kaya wala akong nagawa kundi ang tumingin sa iba. "Can you be?" Tanong nya.
Napatingin ako sa kanya. He is still in his serious expression. Why are you saying
this? You are drunk, Matt. Maybe alam mong dalhin ang sarili mo but you can't
control the words you are saying.
Kumuha ako ng unan at kumot sa kwarto nila bago bumalik sa sala. Ganon pa rin ang
posisyon nya, nakasandal sa sofa habang nakaangat ang ulo na nakapikit.
Inayos ko ang unan sa sofa at pinahiga sya roon. Gawa na rin ng pagkalasing nya ay
hindi sya nakapalag nang sapilitan ko syang inihiga. Pilit nyang iminumulat ang
kanyang mata na kahit na anong segundo ay pipikit na.
"Matulog ka na."
Hindi ko alam pero gusto kong matawa sa sinabi nya. Really, Matt? Bumabalik ba sa
pagkabata ang isipan mo sa tuwing lasing ka? Pero? Sige.
"Fairy tale?" Sumakay na lang ako sa sinabi nya. Umupo ako sa harapan nya.
Tumagilid naman sya para humarap sa akin.
Mas lalo ko tuloy nakita ang gwapo nyang mukha. Ang kanyang mata na dating masaya
ay pumungay dahil sa antok. Tikom ang pulang labi nya.
"Yes, please."
Umayos ako ng upo at humarap sa kanya. Bigla kong naisip ang pinaka favorite kong
fairy tale na laging ikinukwento sa akin ni Ate Allison. A story I once dream to
have.
Natigilan ako sa sinabi nya. Pumorma ng ngiti ang kanyang labi kaya hinampas ko sya
sa braso na ikinaawang ng kanyang bibig. Mahina lang 'yon a, bakit ang oa nya? Psh.
"Please," Nagpuppy eyes sya at parang gusto kong kumuha ng camera at kuhanan sya ng
picture.
OMG! Ang cute and I hate the fact that I can't resist his cuteness! UGH!
"FINE! Once upon a time, there was a beautiful girl names Z-Zein?" Namula ako pero
nanatiling seryoso ang kanyang mukha. "Whatever! So, she lived with her wicked
stepmother and two stepsisters." Huminto muna ako para tignan kung seryoso ba syang
gusto nyang matapos ang kwentong ito.
"Are they will going to maltreat Zein?" Kumunot ang noo nyang tanong.
"Y-Yes."
Hindi ko alam kung seryoso ba sya pero base sa masamang tingin nya at nakakunot na
noo ay seryoso sya. Eh?
Ano naman sa kanya kung ano ang pangalan ng stepmother ni Ze- I mean Cinderella.
UGH! Why am I have a bad feeling that my names is already involved about the story
of Cinderella? Psh.
Pinalo ko na sya sa braso para tigilan na nya ang pagtatanong ng walang kwentang
bagay. "Dammit, Matt. It was just a freaking fiction!" Halos sumigaw na ako sa
harap nya.
Hindi ko alam na ganito pala kahirap ang magkwento ng isang fairy tale sa isang
uhmmm lasing? Or kay Matt lang talaga?
Napabuntong hininga na lang ako. Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito, Matt? Isa
pa talaga at masasapak na kita para makatulog ka agad.
"Saan na nga ba ako?" Tanong ko dahil nakalimutan ko na kung saan ba ako huminto.
Hay naku!
"Until one day, they were invited for a grand ball in the King's palace. But
Cinde-"
"Zein."
"Whatever! Her stepmom would not let her go. She was left at home, alone."
Kumunot na ang aking noo. "Ngayon mo lang narinig ang kwentong ito?" Hindi
makapaniwalang tanong ko. Everyone knows Cinderella's story. Even, boys.
Sungit! Siya nga itong tanong na tanong tapos ako nagtanong lang ng isang beses
sinungitan na ako? Naku lang Matt, pasalamat ka at lasing ka kundi hmp!
"Zein felt very sad. Suddenly, a fairy godmother appeared and said she will send
Zein to the ball."
"Yeah. But, sadly, Cinderella doesn't have a gown to wear for the ball. The fairy
godmother waved her magic wand and changed Zein's old clothes into a beautiful new
gown!" Masaya kong kwento.
"You are excited than me." Kunot noong sambit ni Matt
"Then, the fairy godmother touched my-- I mean Zein feet and turned it into a
beatiful glass slippers."
"The fairy godmother made the six mice playing near a pumpkin into a four shiny
black horses and two couchmen and the pumpkin into a golden coach."
"But, the fairy godmother warned Zein that the magic will only last until midnight
and Cinderella must reach home by then. When Cinderella entered the palace,
everybody was struck by her beauty. Nobody, not even her stepmom or sisters knew
her."
Fine.
"Ok, so Prince Matthew danced Zein all night." I gulped. "Zein was so happy dancing
with Prince Matthew almost forgot what the fairy godmother had said. At the last
moment, Z-"
Napangiwi na lang ako. "They lived happily ever after." Wala sa sariling banggit ko
habang nakangiti.
Katahimikan ang namayami sa amin matapos kong sambitin 'yon. Fairy tale has an
happy ending but, does fairy tale exists?
"They lived happily ever after?" Tanong ni Matt. "Nainlove sila sa isa't-isa? Sa
ganon kadaling panahon?" Hindi makapaniwalang tanong ni Matt at hindi ko alam kung
ano ang ibig nyang sabihin doon.
Nawalan ako ng salita na bibigkasin. Tama sya, time is just a number. Pero bakit
ganon? May pakiramdam ako na may iba pa syang ibig sabihin?
"Promise what?"
"When you found someone that has a special space in your heart, someone you love.
Don't ever stop your feelings for him just because you know someone will get hurt."
"Promise me first."
Hindi ko alam ang ibig nyang sabihin at kung bakit mahirap sa akin ang ipangako ang
sinabi nya.
Sacrifice is a constant part of our life. But, make sure the sacrifice is worth it.
I wish I could live in a fairy tale way so I could have a happy ending. I wish I
could be Cinderella.
Chapter 27
You have been fooled! Happy April Fool's Day!
Chapter 27
Chapter 27: Saved
Muli kong kinuha ang aking bag pack at sinulyapan si Matt na mahimbing ng natutulog
dahil sa kalasingan.
Pagkalabas ko ay agad na hinanap ng mata ko ang mga kaibigan ko, ngunit kahit na
isa man sa kanila ay wala akong natanaw.
Naglakad ako patungo sa wide space kung saan alam kong nakatambay ang lahat.
Kapansin-pansin ang pag-iiwasan ng lahat. Kapag may makakasalubong sila ay pareho
silang lalayo ng ilang metro na animo'y takot na baka may basta sumaksak na lang sa
kanila.
"Hoy!"
Sinamaan ko ng tingin si Jerome nang gulatin nya ako ngunit tinawanan nya lang ako.
"It's not funny!"
"I know." Nakangiting sagot nya. "Aalis na sana ako rito pero nakita kita." Dugtong
pa niya.
Nginuso naman nya ang isang bruhang may kasamang lalaki na nakaupo sa isa sa mga
benches dito sa wide space.
Kumunot ang aking noo bago napagtanto kung sino ang Liam na 'yon. Siya 'yong
lalaking tinukso ko dati kay Van sa cafeteria. 'Yong lalaking pasimpleng
sinusulyapan ng mga babae.
Bumalik ang tingin ko kay Jerome na hindi magawang sulyapan ang dalawa. I can smell
something kaya hindi ko nagawang pigilan ang pagngisi. Hindi naman nahalata ni
Jerome ang ngisi ko dahil sa iba sya nakatingin.
"I know what you are thinking." Sambit niya na hindi man lang sumusulyap sa akin.
Pft.
"Samahan mo na lang akong hanapin ang iba." Suhestyon ko. Tumango na lang sya at
sabay kaming naglakad.
"S-Sino ang iyo?" Tanong ko. Kanina pa kasi bumabagabag sa aking isipan ang tanong
na 'yon at hindi talaga ako mapapakali hanggat hindi ko naitatanong.
"Anonymous." Biro nya. Naramdaman nya atang hindi ako natawa sa sinabi nya kaya
isang mabigat na hininga ang pinakawalan nya. "May mga bagay na hindi na natin
kailangang malaman, bagay na hindi natin dapat pagtuonan ng pansin." Banggit nya.
Natahimik ako. Bakit ba kasi napaka matanong ko? Kahit naman ako siguro ang nasa
sitwaston nya ay hindi ko magagawang sagutin ang tanong na 'yon. I must keep it a
secret at mahirap isiwalat ang pangalan ng taong dapat mong patayin.
Sigh.
Pero ang sure ako ay may pangalan syang nakita. Definitely, alam nya kung sino ang
dapat nyang puntiryahin para makaligtas sa kapahamakan.
Shit! Zein Shion! Hindi mo talaga kayang pigilan ang bibig mo. Sermon ko sa aking
sarili.
"Why not?" Nalagutan ata ako ng hininga matapos marinig ang diretsong sagot nya.
"If that is the only way. I must." Dugtong nya.
Nanuyo ang lalamunan ko. Itinikom ko na lang ang aking bibig at hindi na nagtanong
pa.
Mariin akong napapikit dahil inasahan ko na talaga na babalik sa akin ang tanong
ko. I should be careful next time, nangangapa ako ngayon ng sagot.
Psh.
I really don't know. Baka nga bigla na lang akong bumulagta dito e.
"That's bad." Tumingin na sya ngayon sa akin at tumigil sa paglalakad. "Alam ba ito
ni Matt?" Nakakunot-noong tanong nya.
Isa pa ang lalaking 'yon. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyayari sa kanya. "He
was drunk, hindi nyo alam?" Tanong ko.
Mas lalong nangunot ang kanyang noo. That's I think was his answer. Hindi nya alam.
So, Si Matt lang talaga ang naglasing.
"Ano namang paki ni Matt?" Ngayon ko lang napagtanto ang nakapaloob sa tanong nya.
"You really don't know huh?" Isang ngisi ang kumawala sa labi nya.
I am not slow pero hindi ko talaga alam ang sinasabi nya at ayoko ng mag-isip pa ng
idadagdag sa sasabog ko ng utak.
Ibinalin ko naman sa iba ang aking paningin at saktong nakita ko si Mia na tulalang
naglalakad. Kakaway na sana ako pero natigilan ako nang makita ang isang babaeng
lumapit sa kanya.
Huminto si Mia sa paglalakad at hinarap ang babae. "Shit!" Bulalas ni Jerome nang
makita ang inilabas na patalim ng babae.
Saglit na huminto ang tibok ng aking puso bago naramdaman ang mga paa kong mabilis
na tumatakbo papalapit sa kanila.
Parang bumagal ang galaw ng lahat. Gusto kong sumigaw pero ayaw bumuka ng bibig ko.
Mia! Damn!
Inambahan sya ng saksak ng babae na agad na naiwasan ni Mia pero nadaplisan sya sa
braso at agad na kumawala ang napakaraming dugo mula rito.
Hinabol ko ang aking hininga nang makita ang pagkuha ni Mia ng patalim mula sa
kanyang bag at mabilis na itinurok ito sa binti ng babae na bumagsak sa sahig.
"Hei! Look at me! Are you okey?!" Mahinang tinapik ni Jerome ang pisngi ni Mia na
hanggang ngayon ay tulala pa rin, hindi alintana ang malalim na sugat sa kanyang
braso na gawa ng patalim.
Nabalik naman ako sa realidad at lumapit kina Mia at Jerome.
Pinilit inalis ni Mia ang pagkakahawak namin ni Jerome sa kanyang kamay para
lapitan ang babae.
"I will not be okey until I kill you." Mabilis na tumayo ang babae para ambahan
muli ng saksak si Mia. Naging alerto si Jerome para ilayo si Mia pero naunahan na
sya.
Mabilis na kumawala ang napakaraming dugo sa dibdib at bibig niya. Ni hindi ko nga
gaanong nakita ang lahat dahil napakabilis ng pangyayari basta ang alam ko lang ay
bumagsak na sa sahig ang nakabulagtang babae.
"Ah!" Mabilis na sinalo ni Jerome si Mia nang aktong matutumba ito. Ngayon nya lang
ata naramdaman ang hapdi ng braso nya na wala paring tigil sa pagdurugo.
Lumapit ako sa kanila. "Dalhin na natin sya sa Clinic." Sambit ko. Nabitawan ni Mia
ang kutsilyo pero hindi na kami nag-abalang pulutin ito baka kung mapano pa si Mia
kung hindi namin sya agad nadala sa clinic.
But knowing Mia. She will never forget this. It will takes time for her to get
fully recover from this incident. It will scar her experience. Basta ang mahalaga,
ligtas na sya.
Kung pwede lang ay sinapak ko na sya sa mukha. "It is a fucking clinic, dammit!"
Sigaw ko.
"I don't fucking care!" Sinulyapan ko si Mia na nakatingin lang sa amin at mejo
nakamgiwi. "Heal her, please." Halos lumuhod na ako sa harap nya.
"I am so sorr-"
Maging ako ay matinding pagpipigil ang ginagawa ko. Baka kung hindi sya ang unang
mapatay ko. Dammit.
"Utos ito ni Headmistress ." Sagot pa nya. Kinwelyuhan ko sya ngunit hindi sya
nagpatinag. Nanginginig ako sa galit.
Mukhang hindi talaga sya kikilos kaya naisip ko ang isang taong maaring makatulong
sa amin. Inalis ko ang pagkakahawak sa kwelyo nya at mabilis na lumabas sa clinic.
Fuck them! Isinara nila ang clinic dahil alam nilang maraming mangangailangan ng
tulong lalo na't bloody week ngayon.
Halos itulak ko na lahat ng nakaharang sa daan bago nakarating sa SSG Office kung
saan nadatnan ko sina Teacher Kath, Onel at Ace na nag-uusap-usap.
Naagaw ko naman atensyon nilang lahat. "Here you go, buti naman at dumat-"
"Sumama ka sa akin."
Mahigpit na hinawakan ko ang braso ni Supremo na nakakunot ang noo. Alam kong
kawalang respeto ang ginawa ko at baka nakalabag ako ng rules pero wala na akong
pakialam.
"What are you doing?!" Galit na sigaw ni Teacher Kath pero hindi ko sya tinapunan
ng tingin dahil nakatingin ako kay Ace na nagsusumamong sumama sya sa akin.
"Please." I added.
"May pinag-uusa-"
"Come to me." Namutla ang lahat ngunit nanatiling kalmado si Supremo, hindi
alintana ang nakatutok na patalim sa kanyang leeg.
Hindi sya natakot o nasindak man lang at mukhang wala syang pakialam sa kung anong
nakatutok sa kanya! Dammit! What am I thinking?! Si Supremo pa talaga ang tinakot
ko e sya nga itong hindi takot kay kamatayan!
"Miss Shion. You are breaking the number 1 rule." Hindi ko alam pero ramdam kong
natuwa si Teacher Kath.
Wala na akong pakialam sa kung ano ang nalabag ko. Even the most prioritized rule
as long as I can save my friend.
Napayuko na lang ako dahil parang kahit na anong segundo ay babagsak na ang luha
ko, Dammit!
"Saan mo nakuha ang kutsilyong 'yan?!" Gulat na tanong ni Teacher Kath. "That's
owned by--"
"I am going with you, but you have to face the consequences of this." Hinawakan nya
ang aking kamay at ramdam ko ang higpit ng hawak nya rito.
Inangat ko ang aking tingin bago ngumiti ng mapait. Yumuko sya at pinulot ang
kutsilyong ibinigay nya. "Keep it." Nanginginig na ibinalik kong muli sa kahon ang
patalim bago ako hinila ni Supremo palabas.
Tumitig kami kay Nurse Cha at ramdam kong nataranta na rin sya at hindi makatingin
kay Supremo.
Napatingin sa kanya si Nurse Cha at ramdam ko ang pangangatog ng tuhod nya just
facing Ace.
"Nurse Cha, Hindi mo gugustuhing banggitin ko pang muli ang inutos ko." Ramdam ko
na ngayon ang awtoridad at pagbabanta sa napakalamig na tinig ni Supremo. "I will
count."
Napahinga naman ako ng maluwag nang tumalikod na si Nurse Cha para kumuha ng mga
gamit. Lumapit naman ako kay Mia at mahinang tinapik ang pisngi nya.
"Gagaling ka na. Just don't sleep, okey?" Mahinhin kong sambit na ikinatango nya.
Ngumiti sya sa akin at inilabi ko ang katagang salamat.
"How come?" Hindi makapaniwalang sambit ni Jerome habang nakatingin kay Supremo na
nakatayo sa pinto ng clinic. Bumalik ang tingin nya sa akin na nakakunot na ang
noo.
Biglang may pumasok na lalaking hingal na hingal. Ngumiti ako ng mapait sa kanya.
Dumapo ang mata nya sa babaeng ginagamit ng nurse.
"Damn!" He cursed. Nilapitan nya si Mia kaya mejo umatras si Jerome para makalapit
si Dave. "Hei! Are you okey?" Nag-aalalang tanong nito.
Isang tango lang ang nakuha nyang sagot kay Mia dahil halata parin ang panghihina
sa kanya bunga ng maraming dugo na nawala sa kanya. Napabuntong-hininga na lang ako
bago humarap kay Supremo.
"Parusahan nyo na ako." Mapaklang sambit ko. Hindi sya nagsalita at nanatiling
seryoso ang kanyang tingin sa akin.
Halos pabulong lang ang pagsambit ko no'n dahil ayokong marinig ng mga kaibigan ko
'yon, especially Mia. Baka sisihin nya ang kanyang sarili.
"Why are you always like this?" Tanong ni Supremo. "Careless." Dugtong nya na mejo
napapailing.
Hinila ko sya palabas para makapag-usap kami ng masinsinan. Dinala ko sya sa likod
ng Clinic kung saan walang makakadinig sa amin kahit na magsigawan kami.
"No. Wala roon ang parusang nakalaan sa'yo." Sumeryosong muli ang titig nya.
"Kamatayan." Dugtong nya.
Napasandal ako sa pader bago unti-unting dumausdos pababa. Napasapo ako sa aking
noo at parang sirang plakang paulit-ulit na nagfa-flashback sa isipan ko ang sinabi
ni Supremo.
'KAMATAYAN.'
Nakatingin lang sa akin si Supremo na seryoso lang. Parang nakatingin sya sa isang
babaeng nawala na sa katinuan. Isang babaeng, bilang na ang araw.
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang luha sa mata ko pero patuloy pa rin ako sa
paghalakhak hanggang sa unti-unting naging hikbi na ito.
"Don't worry, I'll give you until Saturday to live, magkita tayo ng sabado ng gabi,
dito." Aniya.
Mariin kong pinunasan ang aking mata bago tumayo. Lumapit ako kay Supremo. "Don't
tell anyone about this. Ang huling hiling ko." Sambit ko bago nilisan ang lugar na
'yon.
Mamamatay ako nang walang nakakaalam. I guess, this is really my end at least, I
saved my friend.
Suggestions (Edited)
Hi. Hindi ito update pero kung babasahin mo ito, lubos akong magagalak, pero kung
hindi magdadala ako ng itak (Toinks!)
Ngayon, kayo ang tatanungin ko. Sino po ba ang gusto nyo? I badly need your
suggestions. PLEASE! Para makapaglagay ako ng mga pictures nila.
Uulitin ko, ikaw na nagbabasa! Oo, ikaw nga! Sinong gusto mo? I am not a kpop fan
pero sige, KPOP only please.
Once na makumpleto na ang list na ito. Mababasa nyo na ang susunod na kabanata.
Sana po magsuggest kayo, hindi naman ako ang makikinabang dito kundi kayo rin para
ma-visualize nyo ng mabuti ang bawat scene lalo na kung kilala mo ang tao sa likod
ng character na 'yon.
Please! 'Yon sanang bagay sa katangian nila, alam mo naman na siguro ang katangian
ng bawat characters right? Specially, the main characters.
Chapter 28
Chapter 28: Co-Leader
I need to calm myself. Saglit kong pinakiramdaman ang paligid, nang marinig ko na
ang hudyat. Mabilis akong tumayo at sinuot ang blazer ko na may hood. Sinulyapan ko
sina Mia at Vanessa na mahimbing na natutulog.
Maingat na pinihit ko ang pinto ng kwarto namin. Hindi sila dapat magising,
sigurado akong tututulan na naman nila ako at baka hindi na naman ako makakilos.
Ilang araw na rin akong binabagabag na alamin ang nangyayari sa aming mga lalaking
kaibigan ngunit ngayon lang ako muli nagkaroon ng lakas ng loob para sundin ang
nais ko.
I know this time, it is no longer just my curiosity. I am not aiming a danger that
usually caused by my curiosity but the eagerness to help my friends. I know there
was something about them that's why they are doing this dangerous move.
Mahigpit ang kapit ko sa aking blazer habang pinipihit ang seradula ng front door.
Mas lalong humigpit ang hawak ko rito nang tuluyan ko nang mabuksan ang pinto.
Sinalubong ako ng malamig na hangin, tahimik na paligid, at kadiliman.
Bigla kong naalala ang sinabi sa akin ni Nicky. I need to break this rule to seek
the information I need and definitely, I already did. I broke the rule.
Napahinto ako sa paglalakad kasabay nang panlalambot ng aking tuhod nang makarinig
ako ng kaluskos galing sa kung saan.
Mas humigpit ang hawak ko sa laylayan ng aking blazer. Kinakain ako ngayon ng
pangamba at takot.
Mabilis na lumingon ako sa aking likod kasabay nang pagtakbo ng isang-- "Pusa."
Wala sa sariling sambit ko.
Damn that cat! Halos mamatay na ako sa takot dahil sa kanya! UGH! I will surely
punish you once I see you again.
Nagpalingon-lingon ako sa paligid at sinuri kung may kakaiba pa bang bagay maliban
sa pusa na 'yon. Tahimik ang paligid kaya nagpatuloy na ako sa paglalakad.
Dammit! Ang lawak ng Hell University! Paano ko sila hahagilapin sa impyernong ito?!
Baka abutan na lang ako nang pagputok ng araw hindi pa ako nakakalahati sa HU.
Mabilis na nagtago ako sa likod ng isang malaking trash can nang makarinig ako ng
tawanan hindi kalayuan sa akin. Pigil ang paghinga na ginagawa ko habang palapit
nang palapit ang tunog ng mga lalaking sa tingin ko ay nasa dalawa lang.
Hindi ko alam kung nanandya talaga sila at malapit sa akin pa sila nagkwentuhan.
Halos hindi na rin ako huminga, hindi lang makagawa ng anumang ingay na siguradong
ikapapahamak ko.
"Gago."
"Bro, malaking tulong sya sa atin. We can defeat the Devil God Warriors because of
him."
Shit!
"Tss. Tara na, baka nandoon na silang la-"
Mariin akong napapikit nang masiko ko ang isang maliit na trash can malapit sa akin
na lumikha ng malakas na ingay, dahil na rin sa katahimikan ng paligid.
Mas tumindi ang kaba sa aking dibdib at tumataas na ang aking balahibo. No, hindi
pa ako pwedeng mahuli. Not now! Kakaumpisa ko pa lang!
"Meow."
Nanlisik ang aking mata nang makita ang pusa sa paa ko na nakatingin sa akin. I
glared at him or her! Hindi ko pa rin nakakalimutan ang ginawa nyang pananakot sa
akin kanina.
"Papunta na!"
Narinig ko na lang ang mga yapak palayo sa akin. Nakahinga ako nang maluwag at nang
wala na akong marinig ay mabilis na hinawakan ko ang pusa. Akala ko magpupumiglas
ito ngunit nanatili itong kalmado.
"Meow."
"Nang dahil sa'yo muntik na akong mamatay sa nerbyos. Alam mo ba 'yon?! Huh?!"
What the hell?! Why am I talking to a cat?! What the fuck?! Nababaliw na ba ako?!
Tumingin ito sa langit at pinagmasdan ang mga bituwin. "I want you to know
everything." Sambit nya na hindi man lang ako sinusulyapan.
Lumingon na sya sa akin habang nakangisi. "Bilang na rin ang araw mo, kailangan mo
nang malaman ang lahat." Dugtong nya.
"I want you to witness everything through your own two eyes."
Ngayon ko lang napansin ang hawak nyang maskara na itim. Inalis ko ang aking hood
at pinaningkitan sya ng mata.
"Just a friendly-reminder. Don't let your curiosity drive you to hell."
Hinagis nya sa aking ang maskarang itim. Kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko
nang mahawakan ito. The black mask of Black Blood Gang.
"Follow me,"
Sumunod ako kay Nicky at nanatili sa kanyang likod. Wala nang atrasan ito. I need
to find out all this by myself.
Calm down, Zein Shion. Kung gusto mo pang tumagal nang hanggang sabado, umayos ka.
Pangaral ko sa aking sarili.
Hinarap kami nang isang lalaking nakayuko lang at mukhang takot na sabayan ang
malalim na titig sa kanya ni Nicky.
Lumingon sa akin si Nicky at tumango bago binilisan ang paglalakad. Hindi na ako
sumunod sa kanya at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad.
Naramdaman ko ang titig ng ilan sa akin na animo'y kinikilatis nila ako. Kahit ka
hirap na hirap na akong kumilos ay nanatiling kalmado ang kilos ko. I should not
act suspiciously.
Pinigilan ko ang sarili kong hambalusin sya at paulanan ng 160 degree-ng sampal.
What the hell he did?! Dammit.
Ngayon ko lang napansin ang pula nyang buhok. Dammit! Kilala ko ang lalaking ito.
Pumihit na ako patalikod at nagsimulang lumayo sa kanya. Baka kung hindi pa ako
lumayo sa kanya ay makilala nya ako lalo na at nakita nya na ako dati.
Natahimik ang lahat nang dumating ang isang grupo ng mga BBG. Naagaw ng pansin ko
ang leader nila na hindi nakamaskara. Nakakapit sa kanyang braso si Nicky na
pasimple akong sinusulyapan.
They kissed each other infront of us. What the fudge?! Nazzer Lumia looks like a
nerd that is fragile and I must say that looks can be decieved. He is a total jerk
inside a devil of a nerdy guy.
Mabuti na lang at natapos na sila. Akala ko kasi magkakakapanood na ako ng live bed
scene. Psh.
"Parang gusto ko rin tuloy ng kahalikan." Bulong ng katabi ko na kulay pula ang
buhok.
Bigla syang tumingin sa akin with a smirk. "Your lips seems so soft and nice lips."
Mabilis na inalis ko sa kanya ang aking tingin.
Mabuti na lang at hindi na sya nang-asar pa, baka hindi ko na talaga mapigilan ang
aking sariling paputukin ang labi nya. Jerk!
Mukhang baliktad ang naging reaksyon ng mga kasamahan namin dahil nagkaroon ng
bulungan sa paligid.
"Who is not in favor of my decision." Walang emosyong sambit nya. Take note na
hindi patanong 'yon. It seems like a threat.
Walang sino man ang tumutol. Who would be? Siguradong kapag sumalungat sila ay
ikamamatay nila. Knowing how evil these people are.
Hindi sinasadyang mapatingin ako kay Nicky na walang maskara rin. Parang binabalaan
ako.
Napatingin kaming lahat sa iisang lalaking naglakad patungo sa gitna. Ang tindig
nito, ang kanyang aura, ang kanyang pigura. Isang malaking sampal sa akin ang
nakikita ko ngayon.
Chapter 29
See the multimedia for the casts!
I've never thought about this. Ni hindi nga sumagi sa isipan ko na maaring mangyari
ito kahit na sandali. Hindi ako makapaniwala. Ang lalaking hinahangaan ko, ang
lalaking pinagkakatiwalaan ko sa lahat, ang lalaking sa akin ay nagpapangiti,
kasapi ng isang gang.
Ayokong isipin. Ayokong tanggapin. Ayokong sambitin. Hindi ito si Matthew, this is
not him. Hindi nya ito magagawa, hindi nya magagawang sumapi sa kasamaan. Damn!
This is not Matt.
Napaatras ako kaya may nasagi ako sa aking likod. Sinulyapan ko ito. Nakangisi ang
lalaking pula ang buhok sa akin. Hindi ko alam pero nakakakilabot ang ngiti nya.
Ibinalin ko na lang muli sa harap ang aking tingin. Namutla ako nang makita ang
ngayon ay hawak na ni Nazzer.
Hawak ni Nazzer ang isang mainit na bakal. Sa dulo nito ay nakaukit ang pako na may
ahas. That is the symbol of Black Blood Gang.
Matthew Hart!
Gusto kong sumigaw nang malakas. Gusto kong hilain sya ngunit parang naistatwa na
ako sa aking kinatatayuan. It seems that I am having a nightmare, and I badly want
to wake up. Someone must slap me.
"Are you ready?" Nakangising tanong ni Nazzer sa kanya na halatang natutuwa sa pag-
anib ni Matt sa kanila
Fuck!
"I am."
Itinaas ni Matt ang manggas ng kanyang damit at inihanda na ang kanyang braso.
Tinanggal ni Nicky ang maskara ni Matthew na ikinabigla ng lahat.
Sinamaan sya ng tingin ni Matt pero nanatili syang kalmado. Pasimple nya akong
nginisian.
She did it para makita ko talaga na ang lalaki sa likod ng maskarang iyon ay ang
aking kaibigan. You are really a bitch, Nicky.
Mas humirap ang paghinga ko. I can clearly see now the emotionless Matthew. Parang
hindi na sya si Matthew. Parang hindi na sya ang lalaking matagal kong nakasama. It
seems like, everything of him, changed. And I will never accept it.
"Ahh..!"
Mariin akong napapikit nang marinig ang nahihirapang ungol ni Matt. Hindi ko kaya.
Parang babagsak ang luha ko kahit na anong segundo. Ayokong marinig ang pighating
atungal nya.
Alam kong masakit 'yon. It is fucking hurts. At ang bakal na mainit na 'yon, ay
magiging peklat ka sa braso ni Matt, magpakailanman kasama ng marka ng BBG.
Bakit ba humantong sa ganito ang lahat? Bakit kailangang gawin ito ni Matt? Kahit
na anong isipin kong dahilan, wala akong makita. Wala akong makitang dahilan ni
Matt para umanib sa mga halimaw.
Iniisip ko ngayon.
Ayokong paniwalaan pero nakita mismo ng dalawa kong mata. Kitang-kita ko ang
nangyari. Si Matthew ay myembro na nang Black Blood Gang, hindi lang sya basta
myembro. Isa pa syang pangalawang pinuno. Nice.
Namalayan ko na lang na nasa likod na ako ng HU. Mga nagtataasang puno ang narito.
Nakakatakot? Oo, pero sa tingin ko ay wala ng mas nakakatakot pa kesa sa nasaksihan
ko kanina.
I want to cry but it seems that my tears was frozen. "Bakit?! Bakit nangyayari
ito?!" Muli kong sigaw.
Wala na akong pakialam kung may makarinig sa akin ngayon. Wala na akong pakialam.
Parang may parte sa akin na nawawala na tanging si Matt lang ang makapupuna.
It fucking hurts! Hindi ko maiwasang kamuhian ang aking sarili. Hindi rin maiwasang
sumagi sa isip ko si Matt.
Kahit na anong sigaw ko ay parang hindi na kailaman mawawala ang sakit na ito. "You
are better than this." Wala sa sariling sambit ko.
"Raze."
Sandali itong ngumisi bago tumingin sa paligid. "Alam mo bang hindi maganda sa
isang binibini ang narito sa gitna ng gabi?" Tanong nito.
Wala akong makalap na sagot. Parang nawala laht ng lakas ko. He is really a
monster. Masasabi kong, sya na ang pinakanakakatakot na nilalang na nakita ko sa
buong buhay ko. That red mask.
Devil God Warrior's leader is now standing in front of me. I can clearly smell
danger. Having him around is giving anyone uneasiness and chills.
Tumingin sya sa akin kaya napalunok ko. "The way you look at me. Natatakot ka sa
akin?" Mejo natawa sya sa tanong nya.
Damn! Who would not be?! You are one of a hell scary! Laging katabi mo si Kamatayan
na handang sumundo sa kung sino man ang nais mo. Ngayon, hindi ka ba dapat
katakutan?
"You must not scare at me. He is scarier than me." Who is he? Wala ng mas
nakakatakot sayo. "He is the man you wouldn't want to against with." Dugtong nya.
"I know what's bothering you." Ngumisi ito. "They thought that some just NEWBIE
could kill me?" mahina itong natawa.
Alam ko kung ano ang tinutukoy nya kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng galit.
"Don't you dare." Pagbabanta ko like as if I can do something about this.
Sumeryoso ang mukha nito kaya nanlambot ang aking tuhod. Matt is in danger. Fuck!
Reason? I have so many damn reason but I know he doesn't care about that reasons.
Now, what reason should I say?
"Because of me." I cut him. Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang sagot kong 'yon.
Hindi nya maaring patayin si Matt dahil sa akin? Woa! What a reason, Zein.
"Y-Yes. Please!"
"You are the only reason behind all the reasons. And I have the reason why I should
protect you. Maybe a reason of wreck. You are a hinder. But a reason will make you
still alive. A reason that no one will not have a guts to against with."
Hel left me hanging. Kahit na ano sa mga sinabi nya ay wala akong nakuha. Ang
tanging naintindihan ko lang ay ako ang dahilan. Pero bakit?
"Lets go?"
Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko na ngayon. Isang lalaking isa rin sa mga
dahilan kung bakit ako nasa labas.
I want to ask him but it seems that I am too weak to open my mouth. Basta ang alam
ko lang ay nakaalalay sa akin si Dave.
Alam kaya nya? Sigurado pero ano na ba ang nalalaman nya? Ano rin ba ang rason nya
kung bakit nasa labas sya ng ganitong oras?
Sigh!
This informations was too much to handle. Hindi ko alam na magkakaganito ang lahat.
Ang plano ko lang ay alamin ang ginagawa nila sa labas bawat gabi--- Oo nga pala,
ano ba ang gagawin nila tuwing ganitong oras? Dapat ay nagduda na ako pero kasi,
hindi ko sila magawang pagdudahan.
'Pagkarating namin sa dorm ay ganon parin ang dinatnan namin, tulog pa rin ang
dalawa. Sigh.
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng tubig. "Hindi ka dapat lumalabas ng ganitong
oras." Dinig kong pangaral sa akin ni Dave.
"I should be the one to say that!" Pigil ang inis na ginagawa ko baka magising pa
ang dalawa. "What are friends for? For lying? For pretending? For keeping a secret?
Well that's not friendship. That is a bullshit." I almost cursed in disappointment.
Pabagsak na ibinaba ko ang baso at nilagpasan sya. Umupo ako sa sofa at isinandal
ang aking likod.
"It will never be a reason. There is no reason to keep this shit. Tell me, anong
ginagawa mo sa labas?"
Iniwas nya ang kanyang tingin kaya mas naningkit ang aking mata. "Hindi mo
sasabihin?" Tanong ko.
"Fine!"
Bumuntong-hininga ako at kinalma ang aking sarili. Isa pa 'yong si Jerome. Where
the hell is him? Hay.
"Keep this a secret." Mainahon kong pakiusap. "Wala kang sasabihin sa kanila sa
nangyari ngayon. Matutulog na ako." Dumiretso na lang ako sa kwarto namin at dahan-
dahang humiga sa kama.
Tumihaya ako at tumig sa kisame.
Matthew, bakit?
Kinabukasan ay halatang pagod ako at hindi nakatulog nang maayos. I tried to sleep
but the heck I can't. Lot of things is bothering me. I want to forget everything
and act as if I nothing happened but it was so hard.
Napabuntong-hininga na lang ako. Itinago ko ang aking sarili sa secret garden kung
tawagin ko. Bihira lang kasi ang narito at ngayon ay ako lang mag-isa. Payapa ang
paligid, dinig na dinig ko ang pagpagaspas ng mga puno at huni ng mga ibon na
nagpapagaan ng pakiramdam ko.
I tried to act normal infront of them, especially on Matt. Pero mahirap talaga,
mahirap magpanggap na wala akong alam. Mahirap magtago ng saloobin at pakiramdam ko
ay sasabog na ako kahit na anong oras.
"Meow."
Halos mapatalon ako sa gulat nang biglang tumalon sa tabi ko ang itim na pusa. For
the nth time! Ginulat na naman nya ako!
Naningkit ang mata ko. Bakit parang sinusundan nya ako? Coincidence lang naman
siguro. Hindi naman pwedeng sundan ako ng pusang ito dahil hindi naman nya ako amo.
"Halika nga," Kinuha ko ito at ipinatong sa aking hita. Hinaplos ko ang balahibo
nito.
Napahalakhak ako ng dilaan nya ang kamay ko. Nakikiliti ako kaya hindi ko maiwasang
mabatukan sya.
"Meow."
Kung may nakakadinig lang siguro sa akin ngayon ay malamang na iisipan nilang
nababaliw na ako para kausapin ang isang pusa.
"Alam ko na!" Lumawak ang ngisi ko nang makaisip nang maaring ipangalan sa kaya.
"Hoy!" Gulat ko sa kanya na bahagya nyang ikinaatras.
Mahina akong natawa sa ginawa ko. "Ngayon alam mo na ang feeling na ginugulat?"
Natatawang tanong ko.
Nababaliw na ako.
"Magmula ngayon Hoy na ang pangalan mo. Doon ka naman magaling hindi ba?"
"Meow."
Muli kong hinaplos ang kanyang balahibo. Pinagmasdan ko lang ang pag-ikot nya sa
aking hita. Aampunin ko na lang sya habang wala pa ang amo nya.
"I will adopt you for temporary. Huwag ka lang sanang multo. Naku lang."
Naalala ko kasi ang kwento sa akin ni Ate Allison tungkol sa multo na nagpapanggap
na pusa.
Napaigtad ako sa gulat dahil sa pagsulpot ni Supremo sa aking harap. Naningkit ang
mata ko nang makita ang ayos nya.
Hindi ako maaring magkamali. Alam na alam ko ang ayos ng buhok ni Supremo na hindi
nagsusuklay.
"Nagsuklay ka e- Teka? Woa! Ano 'yong naamoy ko?" Tanong ko. Lumapit pa ako nang
bahagya sa kanya para makumpira ang hinala ko. "Aha! Nagpabango ka!" Parang timang
na sambit ko.
"Ang gwapo." Napatakip na lang ako sa aking bibig matapos kong masabi 'yon.
"R-Really?"
"Insane." Mahinang banggit nya ngunit malinaw na narinig ko. "Tara na." Muli nya
akong hinila.
Agad na naagaw ng isang tao na nakatayo hindi kalayuan sa amin ang aking atensyon.
Kung dati ay ngingitian at kakawayan ko sya ngunit ang ginawa ko ngayon ay
nilagpasan lang sya ng tingin.
I ignored, Matt.
Chapter 30
Chapter 30: Zein and Ace
Hindi ko parin mabura sa aking isipan ang mukha ni Matt nang nilagpasan ko lang sya
ng tingin. He seems confused at the same time is hurt.
Muling sumikip ang aking dibdib habang nakikitang umiiyak ang iba. Nakatulala ang
iba na animo'y wala na sa katinuan.
Sumagi sa isipan ko ang taong papatay sa akin. Bakit ang tahimik nya? Dapat ay
gumawa na sya ng paraan para mailigtas ang sarili nya. Pero, bakit ang tahimik?
"There is a place where you will be safe." Muli nyang sambit na ikinakunot ng noo
ko.
Nasa likod nya ako kaya hindi ko makita ang expression nya. There is no safe place
in this hell. Matagal ko ng tinanggap 'yon pero ano ba ang sinasabi ni Supremo? May
alam ba syang lugar sa impyernong ito na ligtas?
"Supremo!"
Seeing this innocent girl seeking for help and sympathy is wrecking my heart and I
can literally feel the pain she is feeling.
Mama?
"Lyka!"
I knew it! May relasyon ang dalawang ito. Ang sikip lang sa dibdib na mag-ina pala
sila.
Yumakap ito sa kanyang ina na unti-unting bumuhos ang luha sa kanyang mata. Parang
pinipiga ang puso ko sa eksenang nakikita ko. Nanlalambot ang tuhod ko at parang
naramdaman 'yon ni Supremo kaya hinawakan nya ang braso ko.
Umiling sya sa akin na parang sinasabi nyang wala syang magagawa sa sitwasyong ito.
"S-Supremo. I-Ilayo mo na ako rito." Pagmamakaawa ko kay Supremo dahil pakiramdam
ko ay bibigay na talaga ang tuhod ko kung mananatili ako sa harap ng mag-ina.
"Kill me now," Sambit ni Teacher Aya kay Lyka na ikinatigil ng pagtibok ng puso ko.
Parang nabingi ako. Parang-Shit! Ayoko ng ganito. Ayokong masaksihan ang ganito.
Mahina ako sa ganito. "Are you alright?" Dinig kong tanong sa akin ni Supremo na
halatang nag-aalala.
Hindi ko nagawang sumagot o lumingon man lang sa kanya. Nanatili ang aking mainit
na mata sa mag-inang nagsisigawan.
"Please, anak. Nagmamakaawa si Mama sa'yo. Patayin mo na ako, iligtas mo ang sarili
mo. Nauubusan na tayo ng panahon."
"Ayoko! Ma, naman e! Ikaw na lang ang natitira sa akin. Kung mawawala ka, ano pa ba
ang matitira sa akin? Ma, huwag namang ganito."
Niyakap ako ni Supremo nang tumulo na talaga ang luha ko. Ayokong masaksihan ang
ganito. Gusto kong iligtas sila.
Isang mahinang hikbi ang kumawala sa labi ko nang makitang may inilabas na patalim
si Teacher Aya at pilit na ibinibigay ito kay Lyka.
"S-Supremo, do something to save the both of them." Halos wala ng lumabas na boses
sa aking bibig. "Just this time, please." Pagsusumamo ko.
"Z-Zein."
Mariin akong napapikit nang nakahawak na sa patalim si Lyka nanginginig ang kamay
nito at kahit na anong segundo ay bigla na lang babagsak sa lupa.
Kumawala sa pagkakayakap sa akin si Supremo at hinawakan ang aking mukha. Gamit ang
hinlalaki nya ay pinunasan nya ang luha sa aking mata.
Lumapit sya kina Lyka at Teacher Aya. Kinuha ni Supremo ang patalim sa kamay ni
Lyka at itinapon ito sa malayo. May sinabi sa kanila si Supremo dahilan ng mas
paglakas ng hagulgol nila. Napangiti ako nang magyakapan ang mag-ina.
Salamat, Supremo.
"L-Ligtas na ba sila?" Tanong ko. Pinunasan ko ang aking mata at mejo tumahan na
rin ako.
Tumango lang sya at naglakad nang muli. Sandali kong sinulyapan ang mag-inang
nakayakap pa rin sa isa't-isa bago sumunod kay Supremo.
"This is the last time I will do it. I just don't wanna see you trembling and
almost freak out seing them in that state. You must not act the same way again. You
are being vulnerable."
Nakaramdam ako ng hiya sa kanya. Naalala ko ang yakap kanina, ang pagmamakaawa ko
kay Supremo. Isa lang ang pumasok sa isipan ko. Tama sya, this is not me. What is
happening to me?
Biglang sumagi sa isipan ko ang mga huling katagang binitawan sa akin ni Celine.
Nakaramdam ako ng pangamba at takot. Mas nananaig na sa akin ang kahinaan. Nagiging
mahina na ako. Shit.
"Remember that weaks has no place in this hell. You will be just a trash in this
place."
That hits me. "Why are you saying this?" I asked out of nowhere.
"Not a while ago. Hindi si Zein ang nakita ko kanina. You ignored him. Nilagpasan
mo lang sya ng tingin. That was not Zein. That was not my secretary." Mainahon
ngunit seryoso nyang sambit. "Nakilala ko si Zein dahil sa pagmamahal nya sa
kanyang mga kaibigan. At.... 'yon ang labis kong hinangaan sa kanya." Dugtong nya.
Sinabi ni Supremo ang sadya namin na iligtas ang mag-ina kanina na mas ikinalawak
ng ngisi ng dalawa. Creepy shit.
Tinaasan ko ng kilay si Francisco nang dumapo ang tingin nya kay Hoy. Humigpit ang
pagkakahawak ko sa pusa na dala ko dahil pakiramdam ko ay gusto syang kainin ng
halimaw na ito.
"Alam kong alam mo ang kapalit ng gusto mong pagligtas sa dalawa, Supremo. You must
not forget the only rule of your position," Nakangising sambit ni Madame.
"You must not involve in anyone. You are not allowed to have friends. Never let
emotion hinder your way. Baka dahil sa ginagawa mo, ikabagsak mo ito." Babala ni
Francisco.
Hindi maalis ang kunot sa aking noo. May dapat pa ba akong malaman tungkol kay
Supremo? Bakit pakiramdam ko ay kasalanan ko ang lahat ng ito?
"I am aware of that." Maikling sagot ni Supremo. Base sa tono ng pananalita nya ay
wala syang pakialam sa pagbabanta ng dalawa.
Maging ako ay naguluhan sa sinabi nya. How come ligtas na ako? Hindi ko pa nga
nahahanap ang taong papatay sa akin e.
"Maybe someone helps you that's why you were saved." Dugtong ni Francisco. "Do you
know who is him?" Tanong nito.
Dumapo ang mata ni Madame sa hawak kong pusa. Nagkatitigan silang dalawa ni
Francisco bago ibinalik sa akin ang kanilang tingin.
Hinawakan ni Supremo ang braso ko. "Lets go." Bulong nya sa akin.
"Answer me!" Nagulat ako sa pagsigaw ni Madame kaya mabilis na hinila ako ni
Supremo palayo sa lugar na 'yon.
Naguguluhan ako. Bakit ganon ang naging reaksyon nila matapos makita ang pusang
hawak ko? Napasigaw pa si Madame na parang gulat na gulat. That was weird.
"Don't mind them." Sambit ni Supremo nang mapansin na wala ako sa huwisyo.
"Meow."
Nagulat ako nang tumalon ito at pumunta sa paa ni Supremo na animo'y batang
nagpapabuhat sa kanyang ama. Hindi ko maipinta ang mukha ni Supremo na hindi
makagalaw sa kanyang kinatatayuan.
"Daddy Ace, nagpapabuhat si Baby Hoy o," Biro ko na ikinakunot ng noo ni Supremo.
Kinunutan nya ako ng noo na animo'y nagtatanong. "Biro lang! Eto naman." Pagbawi
ko.
"L-Leave me." Nauutal na sambit ni Supremo kay Hoy na ikinakunot ng aking noo.
Namutla si Supremo nang nginatngat ni Hoy ang pantalon nya. "Fuck dammit! Ms.
Shion, get this shit out of me!" Hysterical na sambit nya.
Si Supremo, si Ace Craige. Ang Supreme Student Government President. Ang pangalawa
sa pinakataas. Ang taong hindi takot mamatay. Ang taong hindi mo gugustuhing
banggain. "Ay takot sa pusa." Napatakip na lang ako sa aking bibig nang mabigkas ko
ang huling kataga.
He glared at me. That innocent evil eyes. He is showing the devil inside of him and
I don't know but I am no longer afraid.
"Meow."
"Okey. I get it, you are not afraid of cats. Right?" I asked and he nodded
innocently. I can't hide the smirk forming inside of me.
Tumango-tango ako bago lumapit sa kanya. Kinunutan nya ako ng noo ngunit nanatili
syang nakaistatwa na animo'y takot na gumalaw.
I am enjoying this.
Mahina akong napahalakhak nang sobrang pula na ng pisngi nya. Dumapo sa buhok nya
ang aking tingin bago ngumisi.
Ginulo ko ang buhok nya na sinuklay nya. Naliligo naman pala sya dahil malambot ang
buhok nya, hindi nya nga lang siguro type ang magsuklay pero nagsuklay na sya.
Hinawakan ko ang baba ko at pinagmasdan ang mukha ni Supremo na sobrang pula, gulo-
gulo ang buhok at nakalobo ang pisngi nya at halatang nagpipigil ng inis. "Konti pa
ah?" Pagpapaalam ko bago ginulo pa ng konti ang buhok nya.
"Alam mo, Supremo?" Inayos ko ang damit nya na nalukot. "Hindi masamang ngumiti."
Dugtong ko.
Mas lalong humaba ang nguso nya sa sinabi ko at halatang inaasar ako dahil hindi
sya ngumingiti. Ngumiwi ako.
"Ayaw!"
"Ayaw mo?"
"Hindi mo ba ako nari-" Natigilan sya nang kinurot ko ang pisngi nya at inunat para
kunwari ay nakangiti sya.
Natawa na talaga ako dahil sa hitsura nya. Napakalaking pasasalamat ko talaga kay
Hoy at dumating sya sa buhay ko. Dahil sa kanya, napagtripan ko si Supremo.
Ang saya!
Tumigil na ako nang makuntento ako. Lumayo ako ng konti sa kanya at pinagmasdan ang
buong katawan at mukha nya.
Mula sa ngatngat na pantalon nya, ang pisngi nyang sobrang pula, ang labi nyang
nakanguso, ang buhok nyang gulo-gulo.
Unti-unting umangat ang aking tingin kay Supremo. Ang kaninang nakangusong labi nya
ay napalitan ng malawak ng ngisi.
Patay.
"1..."
"Sorry na!"
"2..."
"3..."
"Ahhh!"
Chapter 31
Chapter 31: Sorry
Akala ko may mas sasakit pa sa nakita kong expression ni Matt nang nilagpasan ko
lang sya ng tingin. Hindi ko alam na masakit pa pala na umiiwas na rin sya sa akin.
Sa ilang araw, mga oras na lumipas. Hindi kami nag-uusap, he even avoiding my gaze.
Alam kong nararamdaman din ito ng iba pa naming kaibigan pero pinili na lang nilang
manahimik.
Kaibigan? May magkakaibigan pa bang ganito? We even rarely see each other. Busy ako
dahil sa darating na foundation habang sila ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan.
"A penny for your thoughts,"
Nabalin sa katabi kong bagong upo rito sa bench sa wide space. Agad na kumunot ang
aking noo pero iniwas ko rin ang aking tingin sa kanya.
"Hay. Napaka komplikado talaga ng mga bagay." Inip na sambit nya sabay unat.
Psh.
"What fuck do you want, Liam?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko. I want a
peaceful place where I can refresh my mind.
Hindi ko maiwasang mapasulyap sa kanya. "Why are you trying to say?" Tanong ko.
Isinakbit ko na muli sa aking likod ang bag pack ko at tumayo na. "Because there is
no permamanent in this world." I answered all his non-sense queries.
"Even a friendship?"
That hits me! Hindi agad ako nakahakbang palayo doon. It seems that a huge hard
rock hits me. All his questions were also the questions flying through my mind and
I answered the questions through my own mouth.
It tooks me a several minutes before I step away from that place though his words
are still following me. Damn it!
There's no permanent in this world. Everything could change in a snap. Even the one
you built for the rest of your life.
Nabalik ako sa realidad nang marinig ko ang aking pangalan sa bibig ni Supremo.
Nakalimutan kong nagmemeeting pala kami para sa Foundation Day dahil lutang ako. My
mind is not with me, it always fly away from many such as.
"H-Huh?"
"Are you with us? Ikaw dapat ang nagpaplano nito, Ms. Shion dahil ikaw ang
secretary, we are just here to approved your suggestions." Teacher Kath lectured
me.
I focused my mind.
I stood infront and list down on the white board all the events I suggests for the
week of foundation that will end on saturday. The day I will just fade.
Gumilid ako para makita nila lahat ng isinulat ko. Nakita kong ngumisi si Teacher
Kath habang si Supremo ay nakatingin sa akin. Sinabayan ko ang titig nya kaya agad
syang umiwas.
"I approved." Sambit ni Supremo na hindi man lang sinusulyapan ang ginawa kong
event plan sa white board.
"I must say, you have a brilliant idea." Sambit ni Teacher Kath bago tinapos ang
meeting at naunang lumabas.
"She seems liked your idea huh?" Sambit muli ni Vice Ty.
"Thanks."
"I told you. She is really qualified to this position." Sambit ni Supremo na
animo'y nagmamayabang na tama ang pagpili nya sa akin.
I suddenly felt uneasiness nang ngumisi si Onel sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay
para itanong kung bakit sya nakangisi pero umiling lang sya bago kinuha ang kanyang
bag at lumabas na rin dito sa office.
"I have to go" Pagpapaalam ko rin. I want to spend my remaining days with my
friends.
"Are you ready?" Sa ikalawang beses ngayong araw ay muli akong napako sa aking
kinatatayuan.
"If you are talking about my death. I told you, I am a-always." Parang nabarahan ng
kung ano ang aking lalamunan.
"You sure? You still have 5 days to go. Aren't you going to beg for my help?"
Kumunot ang aking noo sa sinabi nya. Ano ang ibig nyang sabihin don? Matutulungan
nya ba ako kung sakali mang humingi ako sa kanya ng tulong para maligtas ang buhay
ko?
"You can't do anything about it." Wala sa sariling sambit ko. Hindi hawak ni
Supremo ang batas dito. Yeah, maybe sya ang nagpapataw ng parusa pero walang
exemption ito. Hindi sya maaring kumampi at iligtas ang isa dahil makakaapekto ito
sa posisyon na mayroon sya.
He wouldn't risk the position he has just for the sake of some stupid newbie.
"Ganon ba talaga kababa ang tingin mo sa akin?" Now I know he is serious. "You must
know, I am not named Ace without one." Nauna na syang lumabas sa akin.
Napanganga ako kahit na naguguluhan ako sa sinabi nya. He has an ace? Anong alas
nya? Anong itinatago ni Supremo?
Binuhat ko si Hoy at hinaplos ang balahibo nito. Damn, Van. Animal harassment ang
ginagawa mo. Kawawa naman si Hoy.
Binitawan naman ni Vanessa ang walis tambo at lumapit sa akin. Tinitigan nya si Hoy
kaya ibinalin na lang sa akin ni Hoy ang kanyang tingin.
Hay naku. 'Yon din ang inakala ko nong una pero hindi naman e. Hindi ko tuloy alam
kung totoo lahat ng kinukwento sa amin ni Ate Allison.
Nakiliti ako nang dilaan na naman ni Hoy ang aking kamay kaya hindi ko maiwasang
mabatukan sya.
"Friendly-batok lang naman e." Pagpapalusot ko. We laugh together pero alam ko sa
sarili kong may malaking tinik pa rin na nakasagabal sa aking lalamunan.
"Nakita mo si Matt?" Tanong ko. Ibinaba ko si Hoy kaya nagtago sya sa ilalim ng
lamesa.
Alam ko na kanina pa talaga kating-kating magtanong ang isang 'to. Nagkaroon lang
sya ng lakas ng loob nang inumpisahan ko ang topic kay Matt.
Wala naman talaga kaming problema. Hindi kami nagkatampuhan or maybe ako, nagtampo
ako pero wala na 'yon. Kaya nga gusto kong makausap si Matt. I need to talk to him
in person. Nahihirapan na rin ako sa sitwasyon na ito. Hindi na nga kami gaanong
nagkikita pero kapag nagkita naman kami ay hindi kami nagpapansinan.
Ibubuka ko na sana ang aking bibig para sumagot nang biglang bumukas ang pinto at
iniluwal nito si Matt. Tinapunan nya lang ako ng saglit na tingin bago ako
nilagpasan.
Mabilis na tumayo ako at hinawakan sya sa braso. Huminto sya sa paghakbang ngunit
nanatiling nakatalikod sa akin.
"W-We need to talk." Nauutal na sambit ko. Sa tanan na magkasama kami ni Matt,
ngayon lang ako nakaramdam ng ganito at nautal sa kanya.
"A-Ah labas muna ako," Dinig kong pagpapaalam ni Vanessa sa akin ngunit hindi ko
sya nagawang tapunan ng tingin.
"Sorry."
Hindi ko alam pero ang katagang 'yon ay bigla na lang lumabas sa aking bibig.
Naginhawaan ako kahit papaano dahil sa pagbigkas non pero hindi pa rin sapat para
makahinga ako ng maluwag.
Humarap sya sa akin. Napakurap ako ng makitang nakangisi ito sa akin. Halos
mabatukan ko sya dahil sa ngisi na ibinibigay nya sa akin.
Hinampas ko sya sa braso ng malakas kasabay ng pagbuhos ng luha ko. Lumukot ang
mukha nito at iniinda ang pagpalo ko sa braso nya.
"Sorry kung naging malamig ako sa'yo nitong mga nakaraang araw. Marami lang akong
iniisip." Sambit ko sa kalagitnaan ng pag-iyak.
"You don't need to say sorry. Wala akong pakialam kung bakit mo ako iniiwasan.
Uunawain kita. Hindi mo kailangang humingi ng kapatawaran dahil wala kang
kasalanan. Ang paghingi ng tawad ay para lang sa nakagawa ng kasalanan."
Damn! Nakagawa ako ng kasalanan sa'yo. Saglit na nawala ang tiwala ko sa'yo.
Iniwasan kita kahit na wala namang dahilan. Hindi kita pinansin, huwag kang
magkunwaring wala lang sa'yo ang lahat dahil nakita ko sa mata mo na nasaktan ka.
Hinampas ko ang dibdib nya sa inis. Inis na bakit laging ganito si Matt. May
dahilan sya para magalit o magtampo pero pinili nyang isawalang bahala na lang ito.
Wala ka bang ego, Matt? Pwede kang mag galit-galitan dahil may rason ka!
"I hate you," Muli kong sambit. I hate you because I can't trust you the way you
do.
"I know you have a reason, Zein. Hindi kita pipiliting sabihin ang rason mo kung
bakit naging malamig ka dahil wala naman akong pakialam doon. Ang importante sa
akin ay alam kong sa bandang huli, sa akin ka pa rin yayakap."
Ikinulong nya ako sa kanyang braso kaya mejo umangat ang manggas ng kanyang damit
kung saan nakatatak na ang simbolo ng BBG.
Humigpit ang yakap ko kay Matt at mas bumuhos ang luha ko.
Maybe, I was wrong but it is never too late. Kung ano man ang rason mo, nagtitiwala
ako sa'yo. Matthew Hart.
"Try," Ibinaba nya ang kutsilyong hawak nya at gumilid para bigyan ako ng espasyo.
Napansin ata nyang hindi ko hinahawakan ang kutsilyo kaya muli syang nagsalita.
"Come on, Zein." Hinila nya ako kaya wala akong nagawa kaya kinuha ko ang kutsilyo.
Lumunok ako dahil hindi ko alam kung paano maghiwa. Hindi ko pa naranasan ang
ganito. Laging si Mommy o kaya si Ate Allison ang nagluluto at ako lang si
tagatikim at tagakain.
Hindi ko alam pero biglang bumuhos ang luha ko habang hinihiwa ng dahan-dahan ang
sibuyas. Bakit ganito? Tears of joy?
Suminghot ako pero patuloy pa rin ako sa paghiwa. Gentle. Bakit ganon? Sa bawat
paghiwa ko ay humahapdi ang mata ko at hindi ko maiwasang mapaluha.
"Pft."
Sinulyapan ko si Matt nang marinig ang pagsinghap nya. Nakalobo na ang pisngi nya
at halatang nagpipigil humagalpak.
Tumawa na talaga sya ng malakas kaya ibinaba ko na ang kutsilyo at hinugasan ang
aking kamay. Sinulyapan ko si Matt na tawa pa rin ng tawa.
Sa totoo lang? Pinipigilan ko ang aking sariling maitapon sa kanya ang hiniwa kong
sibuyas.
Anong nakakatawa?!
"Tears of joy?" Natatawang utas nya. "Ganyan talaga ang sibuyas, parang pag-ibig,
nagpapaluha!" Muli na naman syang tumawa.
Seriously?!
"Matututo rin akong magluto! Makikita nyo." Pagmamayabang ko kahit na wala naman
talaga akong interest sa pagluluto.
Kasalanan talaga ito ni Matthew! May nalalaman pa syang try alam naman nyang bago
ako sa kusina tapos tatawanan pa nya ako. Naku lang, Matt.
Pagkatapos naming kumain na halos isang oras ata ay pumunta na kami sa kwarto
namin.
"Meow."
Halos mapatili ako nang dinilaan ni Hoy ang paa ko. Natawa ako kaya kinuha ko ito
at ipinatong sa kama namin.
"Hoy! Baka may lisa 'yang pusa mo naku lang." Pagbabanta ni Vanessa.
"Waah! Ang cute talaga ni Hoy." Pinisil-pisil ni Mia ang pisngi ni Hoy at wala
namang magawa ang pusa kundi ang tumulala.
Kawawa naman si Hoy. Masyado syang naabuso sa dorm namin. Ang sadista naman kasi ng
mga babaeng 'to e.
Bigla kong naalala ang eksena namin ni Ace. Hindi pa rin ako makapaniwalang takot
sya sa pusa. Pft. Hindi ko maiwasang mamula nang magsimula syang magbilang at dahil
sa naistatwa ako ay bigla nya akong binuhat.
Pinamasahe nya ang balikat nya! Tapos sinamahan ko pa sya sa cr para magpalit ng
pants. Hindi naman ako makapalag dahil sa famous line nyang 'This is an order from
the highest Supreme Student Government and you can't do anything about it.' UGH!
Hindi naman gaanong mabilis ang takbo nya kaya nasundan ko sya pero napahinto ako
nang mapagtanto kung ano ang tinatahak namin.
Ang likod ng HU kung saan naroon ang masukal na bahagi ng HU. Dito rin makikita ang
Dark Hell Jail.
Pumasok sa loob ng gubat si Hoy hanggang sa nawala na sya sa aking paningin pero
may narinig ako.
Chapter 32
Chapter 32: Celine
Sigurado akong narinig kong may sumipol sa loob ng gubat na ito. Maaring sya talaga
ang may-ari kay Hoy pero sino sya?
Pinagpawisan ako nang malamig nang dahan-dahan akong naglakad papasok sa gubat na
bahagi ng HU. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim na mas nagpapadagdag sa takot na
nararamdaman ko.
Napasigaw ako nang may humawak sa braso ko. Nakangisi ito habang nakatingin sa
akin.
"Kilala mo ba ang may-ari nang pusang 'yon?" Tanong nya kaya mabilis na umiling na
lang ako.
"That cat was owned by Lux. The former Supreme Student Government President..."
Ang dating Supremo? Sa kanya ang pusang 'yon? "Asan na ang dating Supremo?" Tanong
ko.
Hinawakan nito ang baba nya na animo'y inaalala, mejo tumingin pa sya sa taas bago
biglang pinitik ang kanyang daliri na animo'y naalala na nya. "Patay na."
Natatawang sagot nya.
Mejo napaatras ako nang marinig ang sagot nya. Si Hoy, ang alagang pusa ni Lux na
dating SSG President ay pumanaw na.
Pero--- Napatingin ako sa likod ko kung saan pumunta si Hoy. Sino ang tumawag sa
kanya kung patay na ang amo nya?
Muli kong ibinalin kay Celine ang aking mata. "A-Anong kinamatay nya?" Sunod na
tanong ko.
Umiling ito sa akin. "Pinatay sya... Si Violet, Francisco. Sila ang pumatay sa
kanya." Sagot nito. "Maging ang kasintahan nitong si Samantha ay pinatay nila,
maging ang Late Headmaster Valdez na ama ni Lux, walang awa nilang pinatay."
Dugtong pa nito.
Nanuyo ang lalamunan ko matapos marinig 'yon. Pinatay nila? Hindi lang isa, marami.
Gaano na ba karami ang napatay nila?
"Gusto mong malaman ang lahat?" Tanong nya kaya mabilis na tumango ako.
Tumingin si Celine sa kalangitan. "Ilang minuto na lang at bloody night na." Sambit
nito bago ibinalik sa akin ang tingin.
"Fine." Sagot nito. "Kitain mo ako bukas ng ala una ng hapon sa library. Sasabihin
ko sa'yo lahat ng nalalaman ko." Nakangising bulong nito sa tenga ko.
Hindi ako gaanong pinatulog ng mga sinabi ni Celine. Kaya pala ganon na lang ang
naging reaksyon ni Madame Violet nang makita si Hoy dahil kilala nya ang may-ari ng
pusang 'yon, ang taong pinatay nila.
Pero kung patay na si Lux, sino ang sumipol sa loob ng gubat? Maari kayang may
bagong nag-alaga rin sa pusang 'yon?
Naglalakad na ako papunta sa SSG Office. Napangiti ako nang makita ang mga booth na
inayos ng bawat klase. Ngayon kasi ang Booth Day kung saan kailangang mag present
ang bawat klase ng booth.
Ako ang gumawa nito, gusto ko kasing makita ang ngiti sa labi ng mga estudyanteng
matagal nang nakakulong sa impyermong hawla na ito, mukhang hindi naman ako nabigo
dahil kahit papaano ay napapangiti ang mga kalahok.
Pipihitin ko na sana ang door knob nang SSG Office nang marinig kong nag-uusap sa
loob. Bahagyang nakabukas ang pinto kaya naririnig ko sila.
"Don't do this, Supremo. Ipapahamak mo lang ang sarili mo." Dinig kong sambit ni
Vice Ty.
"You know the rule Supremo!" Dinig kong sigaw ni Teacher Kath. "Nalabag nya ang
pinakaimportanteng rule! Tinutukan ka nya ng kutsilyo! Respect the President is the
most prioritized rule and she just did broke it!" Dugtong nya.
Hindi ko alam pero sumikip ang aking dibdib. Alam ko na kung ano ang pinag-uusapan
nila. Ang kamatayan ko.
Nabingi ako sa sinabi ni Supremo at ang mas nakakapagtaka ay ang mabilis na pintig
ng puso ko.
"Bakit, Supremo? Ano ba para sa'yo si Secretary Shion?" Seryosong tanong ni Teacher
Kath.
"Alam na ito nila Headmistress at Mr. Francisco. You will sink if you continue
protecting her..."
"Well I don't care, I am not going to lose her... not now... not tomorrow... not in
my plan."
"You really want to know?" Iminulat nya ang kanyang mata. Sinalubong ko naman ito
at ipinakita na handa na akong madagdagan ang nalalaman ko.
I wonder, bakit ang daming alam ni Celine? Maybe dahil matagal na sya rito pero iba
ang nalalaman nya sa nalalaman ng iba.
"Kabaliwan, sa tingin ba nya masasakop nya ang buong mundo dahil lang sa paglikha
ng isang gamot na maaring bumuhay sa patay?" Sambit ko.
Kahit na anong isip ko ay wala akong makitang point na magagawa nya ang minimithi
nya.
"Nagkakamali ka dyan," sumilay sa labi ni Celine ang isang ngisi. "Anyone would pay
any amount just to have that, anyone would kneel down him just to have that
medicine. They would even praise Dr. Quizon for that such excellent experiment.
They would treat him like a god that could bring back death's life." Nakangising
sambit nya.
Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko. May mga tao ba talagang makikipagpatayan
para makuha lang 'yon? Bigla ko tuloy naisip kung sakaling makumpleto ang sangkap
nito at mapasakamay ng demonyo. Tama sila, magkakagulo ang buong mundo.
Hindi ko nagawang ibuka ang aking bibig. Alam ko na ganito ang nangyari pero akala
ko mabait si Mr. Valdez, bakit maging siya ay nasilaw dito?
"Bilang pangalawa sa mataas si Mr. Valdez, sya ang humalili kay Dr. Quizon, kasama
sina Violet at Francisco at ipinagpatuloy nila ang research sa nawawalang formula
at the same time ang iisang taong nakakaalam ng secret ingredient para makumpleto
na ito."
"Akala ko ba mabait si Mr. Valdez? Bakit nya pag-iinteresan ang gamot na 'yon? Para
sa kapangyarihan?"
"No. Dahil gusto nyang buhayin ang kanyang asawa na naka preserve ang katawan,"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi nya. Kaya pala gusto nyang makumpleto ang sangkap
para magamit sa kanyang asawa.
"May-isang anak si Mr. Valdez, Luxury Valdez na noon ay SSG President na...
hanggang sa dumating na ang apat na naligaw rin sa impyernong ito, pero ang tumatak
lang na pangalan sa lahat ay ang pangalang Samantha..."
Samantha...
"Katulad mo rin sya, demonyo." Mahina itong natawa sa sinabi nya. "Naging
napakalaking implowensya nya kay Supremo Lux, ang matamlay na Supremo ay biglang
nabuhay. Nakumbinsi nya si Lux na kausapin ang kanyang ama na itigil na ang lahat
dahil mas pinapahirapan lang nila ang kanilang sarili..."
"Kinumbinsi ni Lux ang kanyang ama na noon ay parang nagising naman sa isang
bangungot, pinlano nilang buksan ang HU, lingid sa kaalaman nila na may dalawang
tao na nagpaplanong pigilan sila. The devil couple, Violet and Francisco."
Psh.
"Nabuksan ang HU sa loob lang ng ilang araw ngunit muli ring nagsara dahil sa
kamatayan ni Mr. Valdez, Lux, at Samantha... They killed them."
Nakarinig kami ng kaluskos mula sa bintana malapit sa amin, biglang tumakbo ang
kung sino mang naroon kaya mabilis kaming tumakbo ni Celine palabas para habulin
sya.
Hingal na hingal kami sa pagtakbo nang namalayan na lang namin na nasa masukal na
bahagi na kami ng HU.
"Kilala ko sya..."
Napatingin ako kay Celine dahil sa sinabi nya. Nanatili ang kanyang mata sa malayo.
"Sino?"
"Hindi ko alam kung ano ang pangalan nya basta lagi ko syang nakikita.... nakasunod
sa'yo."
Nangilabot ako matapos marinig ang sinabi nya. Napaawang ng konti ang aking bibig
dahil sa gulat.
"Kapag nakikita kita, naroon din sya. Hindi mo sya napapansin pero nasa tabi-tabi
lang sya... ang tanong--- Ano ang kailangan nya sa'yo?" Kunot-noong sambit nito.
"Hindi ko alam."
Napatingin ako sa hawak ni Celine nang bigla nya itong itago sa likod nya.
"Ano 'yan?" Tanong ko. Napatingin ako sa mata nya at nakita ko ang takot dito.
Nagulat ako nang hinawakan ako sa braso ni Celine at hinila palabas ng masukal na
bahagi ng HU na 'yon habang tumatakbo kami ay hindi ko maiwasang mangilabot.
Nararamdaman ko na hindi lang kami ni Celine ang nandito, meron pang iba. Hindi
lang isa o dalawa, maraming mata ang nakatingin sa amin.
Hingal na hingal na binitawan ni Celine ang kamay ko. Malakas pa rin ang tibok ng
puso ko dahil sa takot.
"S-Sino sila?"
"Kailangan kong masiguro ang hinala ko. Z-Zein. Ngayon lang ako kinilabutan ng
ganito," Napansin ko rin na nanginginig ang kamay nyang nakatago sa likod nya dahil
sa ayaw nyang ipakita sa akin kung ano 'yon. "May mali. Isang napakalaking mali."
Bigla syang muli tumakbo papasok ng kakahuyan.
"Celine!"
Napaupo na lang ako sa lupa. "Anong gagawin mo, Celine?" Wala sa sariling tanong ko
sa hangin.
Ilang oras akong nakatayo sa labas ng gubat kung saan pumasok si Celine na hanggang
ngayon ay hindi pa rin bumabalik.
Binabalot ako ng takot at pinipigilan ko ang sarili kong sundan sya. Asan na ba
sya? Bakit hindi pa sya bumabalik? May nangyari bang masama?
Napatingin ako sa langit nang biglang may pumatak na tubig hanggang sa tuluyan na
ngang umulan ng malakas. Umihip ang malamig na hangin at ramdam ko na ang
pangangatog ng aking katawan.
Anong nangyayari?
----
/04-22-16/
Chapter 33
Chapter 33: Supremo
Tumakbo ako ng tumakbo kahit na wala naman akong nakikitang humahabol sa akin pero
patuloy parin ako sa pagtakbo.
Hingal na hingal na huminto muna ako para habulin ang hininga ko nang may humawak
sa braso ko.
Inangat ko ang tingin ko. Hindi ko makita ang mukha nya. Parang hindi ko maaninag
ang itsura nya.
Pinilit kong binawi ang braso ko ngunit pilit nya pa ring hinihila. Namalayan ko na
lang na may nakahawak na rin sa kabila kong braso. Maging sa paa.
Hinihila nila ako kaya nagpumiglas ako. Sumigaw ako ng sumigaw ngunit walang boses
ang lumabas sa bibig ko.
Tumatawa sila habang hinihila ako. Nakakakilabot. Nananayo ang balahibo ko. Patuloy
pa rin ako sa pagsigaw ngunit wala talagang lumalabas sa bibig ko.
That dream. Ano ang ibig sabihin non? Bakit nila ako hinihila? Anong kailangan nila
sa akin?
"A-Asan po ako?" Tanong ko nang mapagtanto na hindi familiar sa akin ang lugar na
ito.
Mula sa kulay cream na kulay ng wall ay wala ng narito maliban sa isang aparador na
sa tingin ko ay ang nagsisilbing silidan ng damit.
"Andito ka sa dorm ko, anong nangyari?" Nag-aalalang tanong nya bago ako inabutan
ng tubig. "Nakita na lang kita malapit sa kakahuyan, walang malay." Dugtong pa
nito.
Makikita mo sa mata talaga nya na nag-aalala sya pero ano nga bang nangyari?
Muli akong binalot ng takot nang unti-unti nang magsink-in sa akin ang mga nangyari
kanina. Napatingin ako sa labas ng bintana, madilim na sa labas at sobrang lakas pa
rin ng ulan na sinusundan pa ng kidlat at kulog.
Nabalik kay Sir Alvarez ang aking tingin bago umiling. "May mga tao sa loob ng
gubat, marami. Pumasok si Celine doon! I was about about to follow her but..."
biglang sumakit ang ulo ko kaya napahawak ako rito. "Hindi ko na alam. Bigla na
lang nagdilim ang lahat." Natulala na lang ako pagkasabi non.
Bigla ko tuloy naalala ang nangyari sa amin ni Matt dati nang sinamahan nya akong
mag cr at naabutan kami ng bloody night. Nang bigla na lang syang tinira ng pako sa
binti, malayo pa ang BBG non pero naramdaman kong may nakamasid na sa amin, marami.
"They must be one of the gang..." Naguguluhang konklusyon ni Sir Alvarez. "Either
BBG or DGW." Dugtong pa nito.
Napabuntong-hininga na lang ako nang maaalala ang aking mga kaibigan. Sigurado
akong nag-aalala na sila.
"I need to go," Inalis ko ang kumot sa akin ay nakabalot at tumayo ngunit bigla
akong napaupo dahil sa panghihina. Parang hindi ko pa kayang maglakad.
UGH!
Muli akong napatingin sa labas. Bahagya akong napaigtad nang biglang kumidlat nang
malakas at panandaliang lumiwanag ang paligid kasabay ng malakas na kulog.
Isinara naman ni Sir Alvarez ang kurtina nang makita ang naging reaksyon ko sa
kidlat.
Sumunod na lang ako kay Sir Alvarez. Hindi ko maiwasang mapangiti. Namiss ko tuloy
si Daddy sa kanya. Para na syang ama sa akin.
Malaki ang dorm ni Sir Alvarez kung ikukumpara sa amin, siguro ay dahil isa syang
guro.
"Kayo lang po ba ang nandito?" Bigla kong tanong baka kasi may iba pa syang teacher
na kasama sa dorm.
Sinulyapan nya lang ako ng bahagya bago ngumiti. "Yeah." Maikli nyang tugon.
Pagkarating namin sa kusina ay nakahanda na ang sopas. Naihanda na rin nya siguro
ito habang tulog ako. Pinanghila nya ako ng upuan kaya mejo nailang ako. Gentleman.
"You want coffee?" Tanong nya habang nakatalikod sa akin at nakaharap sa lababo
para magtimpla.
Pinanood ko lang syang magtimpla. Bigla kong naalala ang pinapagawa nya sa akin.
Hindi naman nya binabanggit dahil ayaw nya sigurong mapressure ako.
Iniliko ko ang aking mata nang humarap na sya sa akin hawak ang dalawang kape.
Ipinatong nya ang isa sa harap ko bago sya umikot sa kabilang table.
Sinuklian nya lang ako ng matipid na ngiti bago nag-umpisang kumain. Hindi ko
maiwasang mapangiti sa sarap ng sopas.
"Yeah. Bakit? Hindi mo ba nagustuhan?" Alalang tanong nya kaya mabilis akong
umiling.
"Masarap nga po e. Nagulat lang po ako na magaling pala kayong magluto." Sambit ko
na mahinang ikinatawa nya.
Habang kumakain ako ay kapansin-pansin ang pagsulyap sa akin ni Sir Alvarez kaya
nakaramdam ako ng pagkailang.
Umiling ito sa akin at sumimsim sa kanyang kape. "May naalala lang ako..." Ngumiti
sya sa akin kaya ngumiti na rin ako pabalik.
"Ah Sir? Pasensya na po at hindi ko pa rin nahahanap ang hidden laboratory nila."
Nahihiya kong sabi.
Umupo sya sa tabi ko at tinap ang aking ulo. "Okey lang, masyado lang talaga silang
maingat sa mga ganitong bagay." Pagpapatahan nya sa konsensyang nararamdaman ko.
Pagkarating ko sa dorm ay syempre, sumalang ako sa Q&A, halos mahilo nga ako sa
pagbatok sa akin ni Vanessa, pero ganon pa man ay hindi ko maiwasang mapangiti, at
least alam kong nag-alala sila.
Last day na ng Foundation Day at last day ko na rin, pero pilit kong iwinawaglit
ito. Ayokong mag-isip ng kung ano.
Nakaharap ako sa salamin habang nagsusuklay nang biglang kinuha sa akin ni Mia ang
suklay.
"Nyek?"
Wala na akong nagawa kaya hinayaan ko na lang sya. Sa aming tatlong babaeng
magkakaibigan, si Mia ang fashionista. Lahat ng damit na susuotin nya ay
pinaghahandaan nya.
Nakatirintas ang ilang bahagi ng buhok ko sa magkabilang gilid tapos muli nya itong
itinitintas. Parang nakita ko na ang style ng buhok na ito sa mga barbie na
pinanuod namin dati e.
Nahihiyang lumabas na kami ng kwarto nang marinig na namin ang matinis na sigaw ni
Vanessa sa labas.
"Woa! Is that you, Zein? I didn't notice you there!" Biro ni Jerome na tinatapik
ang balikat ni Matt na tulala lang sa akin.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng ilang dahil hindi talaga sya kumukurap habang
nakatingin sa akin.
"Laway mo!" Biro ni Vanessa kay Matt bago nya ito binatukan at halos magkaumpog na
sina Jerome at Matt sa lakas nito.
"Yun oh! Galawang Matthew 101." Natatawang biro ni Dave at nag-apir pa sila nito.
"Ewww... Pero tama ka naman e. Maganda si Zein, kaya dapat gwapo ang katabi nya."
Bigla akong hinila ni Vanessa palayo sa kanya at nauna na kaming lumabas.
"Ipakita mo! Dapat manalo ka!" Sagot ni Vanessa na ikinakunot ng aking noo.
Napaface palm na lang ako nang maalala na ngayon pala gaganapin ang Mr. And Ms.
Face of the Year. "Representative si Matt nang section namin." Bulong sa akin ni
Vanessa na ikinalaglag ng panga ko.
OMG!
Another OMG!
Mabilis na itinikom ko naman ang aking bibig dahil hindi ko namalayan na nakaawang
na pala ito.
"Wala man lang bang good luck kiss?" Halos mapatalon ako sa gulat nang nasa tabi ko
na pala si Matthew.
"Eh?"
"Isa lang..."
"You don't know the rule in this competition?" Halos mapatalon kami sa gulat dahil
sa biglang pagsulpot ni Supremo sa aming harap.
He is in his usual poker face expression pero ngayon ay parang hindi nya mapigilan
ang expression na inis.
"Anong rule?" Nagtatakang tanong ako pero hindi man lang nya ako nagawang sagutin
at nanatili ang kanyang masamang titig kay Matt na ngayon ay nakangisi rin sa
kanya.
"Walang rules sa patimpalak na ito ah!" Paalala ko nang mapagtanto na ako ang
gumawa ng event na ito.
Tinapunan ako ng tingin ni Supremo bago sumilay sa kanyang labi ang isang
nakakalokong ngisi.
"Well, ngayon meron na." Muli nitong ibinalik kay Matt ang kanyang tingin. "If you
are one of the participant, you are not allowed to have a kiss to anyone... even
just a friendly kiss." Tinalikuran nya kami matapos sabihin 'yon.
Halos malaglag ang panga ko sa sinabi nya. What the hell?! Anong klaseng rule 'yon,
Supremo?!
"Ang daya talaga ni Supremo... sige hug na lang." Aktong yayakapin na ako ni Matt
nang pumagitna sa amin si Supremo.
"Not even a hug..." Hinigit na ako ni Supremo palayo roon kaya wala akong nagawa
kundi senyasan na lang si Matt na galingan nya.
Wala naman kasi akong makitang point ng mga rule na ginawa nya.
"Shut up."
Napaismid na lang ako sa hangin. Hindi ko alam kung ano ang problema ni Supremo
ba't ang sungit nya ngayon. I mean, lagi naman syang ganito pero alam ko at ramdam
kong iba ngayon.
Umupo kami sa harapan. Nasa kaliwa ko si Supremo habang nasa kanan ko si Vice Ty na
binigyan lang ako ng tipid na ngiti.
Nagpalakpakan ang lahat ng mag-umpisa na. Isa-isa tinawag ang mga participants
ngunit hindi pa tinatawag si Matt.
Maraming sumisipol dahil ang sesexy naman ng mga contestant namin. Sinulyapan ko si
Supremo na poker face na nanunuod.
"Woa!" Napanganga ako ng biglang naghubad ng damit ang isang lalaking contestant
revealing his well-built body.
Nabigla ako ng biglang magdilim, I mean tinakpan ni Supremo ang mata ko.
"Rated SPG, patnubay ni Supremo ang kailangan." Dinig kong bulong ni Supremo.
Marahas na tinanggal ko ang kamay ni Supremo sa aking mata pero pagkaalis ko naman
ay nakatayo sya sa harap ko at tinatakpan ang stage.
Umupo rin sya nang wala na ang lalaking naghubad. Napangiwi na lang ako dahil
nasayangan ako sa magandang view na tinakpan ni Supremo.
"You look pissed.." Sambit ni Supremo. Nakataas na kilay na hinarap ko sya. "You
want to watch that fucking guy's body?" Galit na tanong nya.
Ibinalik ko na lang muli sa harap ang aking tingin at kinimkim ang inis na
nararamdaman ko. Ano bang problema nya? Kanina pa sya a.
Kumunot ang noo ko nang tinawag na si Matt at ang kanyang magiging partner ngunit
walang lumabas.
"Wala raw 'yong partner nya..." Dinig kong bulong ng sa likod namin.
UGH!
Hinawakan ko ang braso ni Supremo nang tumayo sya. "Saan ka pupunta?" Nakakunot-
noong tanong ko.
Mabilis na tumakbo ako papunta sa back stage kung saan naabutan ko na nagkakagulo
ang lahat habang si Matt ay nakanguso.
Halos manlumo ako nang mapatingin silang lahat sa akin. Napanganga pa si Matt nang
makita ako.
Pinasok nila ako sa dressing room at binihisan ako nang two piece. Hindi naman ako
naiilang sa suot ko since sanay na akong magsusuot nito.
Nilagyan nila ng kulorete ang aking mukha ngunit ang aking buhok ay hindi na nila
ginalaw dahil maganda na raw ang pagkakaayos.
Hinawakan na ni Matt ang aking braso nang matapos na ang pag-aayos sa akin. He is
wearing a short and a plain white shirt.
May choreographer naman na nagtuturo kung ano ang gagawin namin kaya hindi ako
nahirapan. Napanganga ako nang higitin ako ni Matt palapit sa kanya.
Para sa huling poise na ginawa namin ay nakakawit ang dalawa kong braso sa leeg ni
Matt habang nakataas ang isa kong paa. Si Matt naman ay nakangising nakatingin lang
sa akin.
Napanganga ako at nanlaki rin ang mata ko nang makita kung sino ang dalawang
rumarampa ngayon.
Halos mapaupo ako sa kinatatayuan ko nang biglang pinunit ni Supremo ang T-shirt
niya at halos mabingi na ako sa sobrang ingay ng gymnasium.
Humarap sya sa akin habang nakataas ang kilay nya at nakangisi. Napatingin ako sa
katawan nya at halos himatayin na ako.
Hindi na talaga ako huminga nang bigla syang pumunta sa harapan ko.
Why?
Second, kung gusto nyong makita ang mga itsura ng casts ng mga characters ay sa fb
din ako magpopost.
Third, doon nyo po ako i-pm kung may mga queries kayo, kung may angal kayo, kung
may galit kayo sa akin, feel free to pm me. XD
Lastly, para makainteract ko naman kayo, gusto ko rin naman makilala kayo. *sad
face*
Haha. Pero kung ayaw nyo, iblock nyo na lang ako, biro lang.
FB Name: Raze WP
Direct Link: http://www.facebook.com/profile.php?id=100737587004627
Ps. Bagong gawa lang po 'yan and don't worry, hindi ako snob.
Peace!
Please add him! This is a command from the highest Supreme Student Government! -
Ace Craige a.k.a Supremo
Meow - Hoy
By the way, may one-shot po akong ginawa, give it a try! Thank you.
Chapter 34
Chapter 34: Matt and Ace
Nagulat na nga lang ako at sya na ang partner ko at si Matt ay Kay Fritzy na.
"Bakit ikaw ang andito?! Where is Matt?!" Naguguluhang tanong ko habang nakatingin
kay Supremo na nag-aayos ng kanyang neck tie sa kanyang black tuxedo.
Sinulyapan nya ako sa salamin na nakakunot ang noo kaya hindi ko maiwasang
makaramdam ng pagkailang lalo na't sariwa pa rin ang scandal na ginawa nya kanina.
"Pinagpalit ko ang partner natin, hindi kayo bagay ni Matt." Inosenteng sagot nito
bago ibinalik sa pag-aayos ng buhok nya ang kanyang atensyon.
Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin kaya hindi ko nagawang sumagot.
Tangina!
Ako pa ang pervert? Sya nga itong bigla na lang pinunit ang tshirt at pumunta sa
harap ko at kung anu-ano ang sinabi tapos ngayon, ako pa ang pervert?!
"Mas gusto ko naman na sya ang partner ko kesa sa'yo."
"I admit it, you are good with him." Natigilan ako sa sinabi nya at hindi ko na
namalayan na nakalapit na sya sa akin.
Napailing na lang ako nang maalala ang mga nangyari kanina at the same time ay
matawa. Naalala ko na naman kung paano nagpakilala si Supremo.
"You know my name, what's the purpose of this?" Inosenteng angal nya sa organizer
nang nasa harap na sya at hawak ang microphone.
Sabi kasi ng organizer ay magpakilala raw kami na lahat naman ay nagawa namin pero
lang sa huling contestant na nakikipagtalo pa.
"Ms. Shion!" Napanganga ako nang tinawag ako ni Supremo kaya kahit na nag-a-
alinlangan ako ay pumunta rin ako sa harap.
Hindi ko ulit maiwasang mamula habang inaalala ang kahihiyan na ginawa ni Supremo.
It is a contest, pero nagawa nya pa ring pairalin ang kanyang pagiging Supremo.
"What?! That's a fucking mistake! Miss Shion should be the one to win! She is so
fucking damn gorgeous compare to anyone, damn it!"
Pinagmasdan ko ang bonfire na ginawa nila dito sa wide space. Napakataas ng apoy at
kaming lahat na estudyante ay nakapalibot rito.
Malamig ang panahon pero binabalot kami ng mainit na apoy.
Tinagurin din ang araw na ngayon na free bloody night na kung saan illegal ang
pagpatay. Nagulat nga ako nang sinabi ni Supremo na approved ang suggestion ko na
ito, I mean is expected ko na talaga na hindi nya iaaprove pero--- Kita naman
ngayon.
Binalot ako ng takot nang nasa likod ko na pala si Supremo. Nangangatog na yumakap
ako sa mga kaibigan ko.
Nasa likod ako ni Supremo habang sya ay nauunang naglakad. Sobrang bigat ng hakbang
na ginagawa ko at parang habang tumatagal ay mas nahihirapan pa ako.
Napangiti ako nang mapagtanto kung nasan kami ni Supremo. Sa likod ng clinic kung
saan sinabi nyang magkikita kami.
Humarap sya sa akin na seryoso pa rin. "Matagal kong pinag-isipan ito... Gusto mo
bang maligtas?" Tanong nya.
"You are willing to save others that you almost kneel down on me just to save
them... do it, if you want to be save."
"No. Don't save me. You'll just risk your position." Parang nabarahan ng kung ano
ang lalamunan ko matapos banggitin 'yon.
"I would risk anything---- Crap it. The only way for you to be save--- Ilalabas
kita ng impyernong ito." Sambit nya.
Nanatiling seryoso ang titig ko sa kanya. Ba't ganon? I should be glad that I could
out of this hell but there's something on me that I want to stay.
Kung mamatay ako ay mas gugustuhin ko ng sa loob ng impyernong ito. Nakakainis mang
aminin na napamahal na ako sa impyernong ito. Saksi ang lugar na ito sa lahat ng
pinagdaanan ko, aaminin kong hindi na nga ako ang Zein Shion na dating nakilala
nila, binago ako ng lugar na ito. I love hell, to be with demons.
"Kung ano man ang sinasabi mo ay matagal na akong damay, I won't run away...."
Wala akong maintindihan sa sinasabi ni Supremo basta ang alam ko ay mamatay ako sa
impyernong ito, mamatay ako kasama hindi lang ang aking mga kaibigan kundi lahat ng
naging parte ng buhay ko sa loob ng lugar na ito. Mamatay ako ng lumalaban.
Narinig ko ang mahinang tawa nya. Bakas ang saya sa mata nya na kumukutitap pa.
Supremo is laughing for real.
"I like it... I like how brave you are for a girl... I like how you look into my
eyes without intimidating...I like how you bend everything I work the rest of my
life... I like how you react nothing when infact everything is the matter between
life and death... I like it."
"I hate it... I hate how you manipulate everything... I hate how you stand infront
of me like you are the most tremendous person out there... I hate how you gave an
order in an instance... I hate it."
Mahina kaming natawa sa mga sinabi namin. Parang sa tanan ng pagsasama namin ni
Supremo ay ngayon lang kami nagkaintindihan dahil laging salungat kami. We are more
like north and south... never will attract.
"If you would just send me outside of hell, I'd rather die."
"You know I can't do that... I'll give you another choice.. Be with me... Be
mine... Be my everything... I'll give you my world."
Of all the people out there... Supremo is the one who caught my ettention since I
first met him... He already gave me a mark that I would cary the rest of my life...
Damn! I really hate how everything is falling... falling for this guy.
Wala akong ideya kung ano ang magiging kapalit kapag pinili ko si Supremo. Wala
akong ideya kung ano ang kahihinatnan ng lahat. Ignorante ako sa ganito.
"What will happen is doesn't matter... I told you... You are my everything...
Walang mawawala sa akin dahil nasa'yo na ang lahat. Trust me."
Napaupo ako sa lupa habang ang aking kamay ay nakatakip sa aking bibig nang makita
kung sino ang nakaupo sa silya, walang buhay at labas ang dila kung saan makikita
ang tatak ng BBG.
Hindi ko nagawang sumagot at nanatili ang tingin ko kay Celine na wala ng buhay.
Galit... nag-aapoy ako sa galit.
Nabigla si Matt nang tinitigan ko sya sa mata, isang nanlilisik na tingin. Nakita
ko ang pagkalito sa mga mata nya.
"Zein, bakit ganyan ka makatingin kay Matt?!" Sigaw ni Dave sa likod ko.
Hinawakan ko sa braso si Matt nang mahigpit. Napaawang ng konti ang bibig nya sa
ginawa ko.
Hinila ko sya palayo roon at dinala sa walang taong lugar. Nanatiling tikom ang
bibig nya habang ako ay parang sasabog na sa galit.
Wala akong nakitang kahit na anong reaksyon kay Matt, ni pagkabigla ay wala akong
nakita.
"Liar." Mainahon kong putol. "Pinagkatiwalaan kita. Sa lahat ng tao, ikaw ang
pinakamabuti sa aking paningin pero nilinlang mo ako." Dugtong ko.
Nakita ko ang pait na ngiti ni Matt at ang sakit sa kanyang mata na namumula na.
Tangina!
Napaawang ng konti ang kanyang bibig na halatang nabigla sa mga sinabi ko at parang
gusto kong murahin ang sarili ko. Nawawalan na naman ako ng control sa sarili ko.
Hindi ko mapigilan ang bibig ko, gusto kong bawiin lahat ng sinabi ko ngunit parang
nawalan na ako ng lakas nang makita ang pagdausdos ng luha sa mata ni Matt pababa.
Tangina! Ang sakit makita na lumuluha si Matt, at dahil sa akin. Hindi ko pa sya
nakitang umiyak, ngayon pa lang at ako pa ang dahilan.
"M-Matt-"
"Tama ka, sumapi ako sa gang para maligtas pero hindi ako. Sumapi ako sa kasamaan
para maprotektahan ang pinakaimportanteng tao sa akin."
"Hindi ko pinagsisihan lahat ng ginawa ko, hindi rin kita masisisi kung 'yan ang sa
tingin mong dahilan ng pagsali ko. Tandaan mo, hindi ko kailanman magagawang
itakwil o talikuran ang aking mga kaibigan... magkamatayan na, hindi pa rin."
"Zein!"
Bigla akong niyakap ni Matt kaya hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Nakangiti
sya sa akin pero may kakaiba.
"M-May problema ba, Matt?" Tanong ko.
Umiling sya bago muling ngumiti. "Pumikit ka, please." Hindi ko alam pero ipinikit
ko na lang ang aking tingin kasabay ng pagkalas niya sa yakap.
Naramdaman ko na maraming tao sa paligid. Naririnig ko ang bawat galaw nila at isa-
isang pagkabagsak ng iba.
Anong nangyayari?
Ilang minutong bulag ako sa nangyayari pero alam kong nakikipaglaban pa rin si
Matt. Naramdaman kong muli ang pagtulo ng luha sa aking mata.
Matt, sorry.
Maya-maya ay tumahimik na ang paligid kaya iminulat ko na ang aking mata. Bumungad
sa akin si Matt na iika-ikang naglalakad papalapit sa akin habang hawak-hawak nya
ang braso nyang dumudugo.
Hindi ko maiwasang manlumo sa sinapit nya. Napatayo ako nang makitang bumagsak sa
lupa si Matt.
"Matt!"
---
"Mapapasakin ang pinaghirapan nyo. Hindi nyo ako mapipigilan, kahit na ikaw
Supremo. Hindi mo ako kakayanin. Hawak ko ang sikreto mo, alam ko ang itinatago mo.
Hindi nyo ako malilinlang. Raze huh?"
Tinapakan ko ang sigarilyong hawak ko nang makita kung sino ang ngayon ay bitbit ng
mga lalaking walang malay, nakasunod sa kanila ang isang babaeng tulala.
"Zein Shion, salamat sa'yo at mas mapapadali ang lahat. Ikaw ang dahilan ng
lahat.... Ikaw ang kahinaan ng mga demonyo."
Hi, Admin Nicky! Thank you for operating the group! - Kuya KiB
Chapter 35
Chapter 35: Confession
"He is fine. Kailangan lang nya ng kaunting pahinga." Bungad sa amin ni Nurse Cha
at sa likod nya ay si Supremo na diretso ang tingin sa akin.
Habang ginagamot ay nasa loob din si Supremo para siguraduhin na gagamutin nya
talaga si Matt.
"Ah. Oo." Gumilid si Nurse Chat at nagpasukan silang lahat maliban sa amin nila
Nurse Cha at Supremo.
"Excuse me," Pagpapaalam nito bago nagmadaling lumabas. Bale kami na lang ni
Supremo ang narito.
"Are you okey?" Alalang tanong nya at hinigit ako para suriin ang bawat parte ng
katawan ko.
Hinawakan ko ang kamay nya para pakalmahin sya sa pag-o-over react. "I am. Matt
protected me." Sagot ko.
Tumalikod na ito sa akin para umalis na. "Matt must be so lucky to have you as a
friend." Walang buhay nyang sambit at nanatiling nakatalikod sa akin.
Lucky?
Binigo ko sya. Binigo ko ang pangako kong pagkakatiwalaan ko sya. Sinira ko ang
pangako ko.
"Can I have the luck of being with you? Please. Give me a chance, Zein."
Mabilis na naglaho sya sa kadiliman. Ang kaninang nakabagsak kong panga ay
napalitan ng isang matamis na ngiti.
Pumasok na ako sa loob at nadatnan kong tulog pa rin si Matt na may benda sa braso
at mga pasa sa katawan. Halos manlambot ako sa nakikita kong kalagayan ni Matt,
kalagayan na sana ay wala sya kung pinagkatiwalaan ko lang sana sya.
"Don't blame youself. He did it because he want it." Mahinang bulong sa akin ni
Dave.
Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala silang lahat sa akin. Ang kaninang
masikip kong dibdib ay bahagyang lumuwag nang makita ang mga ngiti nila sa akin. I
couldn't measure how lucky I am to have them.
Umupo ako sa tabi ni Matt at hinawakan ang kanyang pisngi na may mga sugat.
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata.
"I-I'm still sorry, Matt. Sorry. Can you forgive me? Please."
Kumuyom ang kamao ko at napayuko na lang. Hindi ko pa rin maiwasang kamuhian ang
sarili ko. I should have believed on him! Damn, Zein!
Naramdaman ko ang paghawak ni Jerome sa aking balikat para patahanin ako. "Stop
crying. Hindi pa sya patay." Biro nya kaya binatukan sya ni Vanessa.
"Ba't ba ang init ng ulo mo sa akin?! Inaano ba ki-Aray!" Piningot ni Vanessa ang
tenga nito na ikinatawa namin.
Bugbog sarado si Jerome kay Vanessa pero wala akong makitang kahit na anong balak
kay Jerome na gantihan ito. Nakangiti pa nga ito kahit na bugbog sarado na e.
"Manalig ka, Zein." Sambit ni Mia na nakaluhod sa sahig at nakadikit ang mga palad
habang nakatingin sa taas.
Sumunod naman sa kanya si Dave. "Manalig tayo." Sambit pa nito habang nakatingin
kay Mia. "Magmahalan tayo." Sambit nito habang nakatingin kay Mia na ikinalingon ni
Mia.
"H-Huh?"
Biglang nag-iwas ng tingin si Dave at itinuon sa taas. "Manalig tayo." Bawi nya na
ikinatawa ko.
Damn! Nakakawala talaga ng lungkot ang mga bruha at bruhong mga ito.
Nagtatawanan kami nang biglang umungol si Matt kaya napatingin kami sa kanya.
"Anong masakit sa'yo?! Matt! Ayos ka lang?!" Nag-aalalang tanong ko.
Mabilis na napatayo naman ako nang mapagtantong naupuan ko na pala ang braso nyang
may sugat pa rin. "S-Sorry." Nahihiya kong sambit.
"Buti naisipan mo ng imulat ang mata mo." Natatawang sambit ni Jerome na gulo-gulo
ang buhok.
Mukha syang ginahasa habang si Vanessa ay nagpipigil lang ng tawa na nakatingin sa
kanya.
Hindi mawala-wala ang ngisi niya sa akin at parang gusto kong hampasin sya ng unan.
Anong nakakangiti? Psh.
"Labas muna kami a." Ani Vanessa na tinanguan ako. Nagets ko naman ang sinabi nya
kaya ngumiti na lang ako.
"Huwag ng makulit." Hinila na ni Vanessa si Jerome palabas habang sina Dave at Mia
ay sumunod na lang sa kanila.
Ilang minuto nang nakaalis na sila at hindi pa rin kami nag-uusap ni Matt.
"Sorry," Napatingin ako sa kanya nang magsalita sya. "Sorry kasi naglihim ako sa
iyo, sa inyo. Sorry kasi kinailangan kong itago ang lahat." Mapait na sambit nya.
Umiiling na umupo ako sa tabi nya. "Hindi. Ako dapat ang humingi ng tawad." Lumunok
ako bago nagpatuloy sa pagsasalita. "Nangako akong magtitiwala sa'yo pero sinira
ko. Sorry kung pinagbintangan kita. Sorry kasi sinira -" Hindi ko na napigilan ang
pagbuhos ng luha ko.
Naramdaman ko ang paggalaw ng kama bago ko naramdaman ang pagbalot ng kamay ni Matt
sa aking kamay.
"Naiintindihan ko, Zein. Hindi ako nasaktan. Alam mo kung ano ang masakit?"
Napaangat ako ng tingin at napatingin sa mga malungkot nyang mata. "Masakit na
makitang umiiyak ang babaeng mahal ko." Dugtong nya.
Sandaling tumigil sa paggalaw ang utak ko at parang may sumagabal na ano roon.
Nanatiling nakatingin ang mga mata kong nagtatanong kay Matt.
Hindi ko maintindihan kahit na ang ikli lang ng sinabi nya. Hindi ko ba talaga
maintindihan o ayaw kong intindihin?
"Pero alam kong may nakapuna na sa puso mo. Alam kong sya." Hinawakan nya ang
pisngi ko para punasan ang luha roon. "I am happy for you. Finally." Halos pabulong
na dugtong nya.
"Matt."
"Promise me, Zein. Masasaktan lang ako lalo kapag nakita pa kitang umiyak. Ipangako
mo, kahit na bilang pinakatamatalik mong kaibigan lang."
Naiiyak na tumango ako bago yumakap kay Matt nang mahigpit. Sorry Matt, hindi ko
kayang suklian ang pagmamahal mo pero ipapangako ko namang kahit kailan ay hindi
mawawala ang pagkakaibigan natin.
Ilang araw na ang lumipas nang mangyari 'yon ay wala namang ibang nagbago. We are
still the same, the usual us.
Bakante kasi ang lamesa ni Supremo at ilang araw na ring ganito ang nadadatnan ko.
Tumango na lang ako bago dumiretso sa lamesa ni Supremo at inayos ang mga nakakalat
na papel. Kahit kailan talaga burara ang lalaking 'yon. Hindi ko nga alam kung
secretary ba talaga ako o personal assistant.
"Why are you here? It's lunch time." Nakakunot noong sambit nito.
Napanguso na lang ako nang maalala na kanina pa ang lunch break ng mga kaibigan ko
at nakapasok na sila ngayon.
Ayoko namang kumaing mag-isa dahil ang hirap lumunon. Nasanay na akong kasalo sila
sa lahat ng bagay. Hindi ko nga alam at parang dumedepende na ako sa kanila e.
"Hindi pa ako nagugut-" Halos malusaw ako nang kumalam ang sikmura ko.
Umangat ang isang kilay ni Supremo bago ako hinila palabas ng SSG.
"Shut up."
Muli na naman akong napaismid sa kawalan. Kahit kailan talaga at wala akong
nakukuhang matinong sagot kay Supremo. Laging napuputol ang lahat sa shut up.
Pinaupo nya ako sa isa sa mga table at umupo naman sya sa tabi ko. Lumapit sa amin
ang isang waiter at kinuha ang order namin.
Dumating na ang order namin at halos umatras ako sa mga steak na nakikita ko. Hindi
naman sa ayaw ko sa mga ganito pero DUH! I am on diet.
Pinaglagay ako ni Supremo sa plato ko pero pinagmasdan ko lang ito. Eh! Baka naman
masira ang pinaghirapan kong shape dahil dito.
"Hindi mo sinabi edi sana pinakain ko na lang sayo ang bermuda grass."
What?!
"Sup-" Naputol ang sasabihin ko ng itapat nya ang kutsara sa bibig ko.
"You are so loud." Hinila nya ang upuan ko at itinapat sa kanya. Kinuha nya ang
plato ko at kumuha roon.
Ibinalin ko sa ibang direksyon ang aking paningin nang itinapat na nya sa bibig ko
ang kutsara.
"Eat it or else...."
What?
Nanlaki ang mata ko at napaawang ang aking bibig dahil sa sinabi nya. Kinuha naman
nya ang chance na yon para isubo sa akin ang laman ng kutsara at halos mapaubo ako
sa gulat.
"Ako na!" Inis na kinuha ko sa kanya ang plato at inayos ang sarili ko.
Pero bakit ganon? Parang gusto kong itigil ang pagkain para ituloy nya ang else na
sinasabi nya. Ewww, Zein. Yuck.
Pagkatapos naming kumain ay iniwan na rin ako ni Supremo kaya pumasok na ako sa
next subject ko.
----
Isang ngisi ang kumawala sa labi ni Supremo. "Hindi ako natatakot." Matapang na
sagot nito.
Kumunot ang noo ni Supremo sa sinabi nito na mas ikinalawak ng ngisi ni Nazzer.
"Hindi ka ba nagtataka kung bakit ang tahimik ni Raze? Pinatay ko na ang kapatid
nya ngunit ang tahimik nya pa rin."
"Nalalapit na ang pagbagsak mo. Supremo. Sige lang, lumapit ka lang kay Zein. Mas
napapadali ang lahat."
Chapter 36
Chapter 36: Thank you
Ilang araw na rin ang lumipas nang magtapat sa akin si Matt. Wala namang nagbago,
we are still what we are used to be. Walang ilangan sa pagitan namin, in fact, mas
naging close pa nga kami e. Alam na rin ng iba naming kaibigan ang nangyari doon
dahil nag-eavesdrop pala sila sa amin.
Muli ko na lang ibinalin sa mga kaibigan ko ang aking tingin. They are smirking
like a shit. What's wrong with them?!
Why not?
Tumikhim naman ito bago sinulyapan ang plato kong puro gulay. Here we come again.
"I would love to bring you a bermuda grass if you would just tell me."
Napayuko na lang ako nang mapagtanto na nakatingin pala silang lahat sa akin.
"Ah, Supremo? Zein is on diet." Natatawang sambit ni Jerome. "Laging gulay ang
kinakain nya. Hindi ko nga alam kung nakukuha nya ba ang sapat na sustansya e.
Pagsabihan mo nga." Dugtong pa nito.
Napangiwi ako nang masulyapan ang seryosong si Supremo. Nakakatakot talaga sya pag
seryoso. Alam kong nagpipigil syang sigawan ako at parang gusto kong puriin si
Jerome sa mga sinabi nya.
"We have to go," Pagpapaalam din nina Mia at Dave na kapwa magkahawak kamay.
UGH!
"Hindi 'yon pasyalan kaya mas mabuting dito na lang kayo." Suhestyon ko dahil
ayokong maiwang mag-isa kay Supremo. Pakiramdam ko ay kakainin nya ako.
Okey?
"Ah sure!" Nakangiting sang-ayon ni Angel. Kinuha na ni Matt ang bag ni Angel at
sya na ang nagbitbit.
Bakit sa akin hindi nya ginagawa 'yon? Bakit kay Angel ginawa nya? Friendship over!
Tatayo na sana ako nang magsalita si Supremo. "Uupo ka o itatali kita sa akin?"
Tanong nya.
Napaisip naman ako kung ano ang dapat kong piliin at parang gustong isagot na
'Itali mo ako Supremo.' Sa halip ay umupo na lang ako ulit.
Sinabayan ko ang malalim na titig nya. "Ang payat mo." Sambit nya na ikinalaglag ng
panga ko.
"Fuck you."
"I am sexy!" Pagprotesta ko. Hindi ko alam kung ano ba ang batayan ni Supremo sa
sexy o hindi at sinabihan nya akong payat.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi nya at padabog na kinuha ang tinidor sa lamesa at
itinutok sa kanya. "Bawiin mo ang sinabi mo!" Gigil na sambit ko.
Aba! Hindi ako makakapayag na si Angel ang sexy para sa kanya. DUH! Pang
international ang body ko. Supremo must be blind.
"Why would I?" Natatawang sambit nya. "Angel is sexy because she eats fatty foods."
Nakangising sambit nya.
"Ibigay nyo sa akin lahat ng putahe na baboy, manok, baka, kalabaw, kambing, aso,
pus- Elepante!" Inis na sambit ko. Nalaglag ang panga ng waiter sa mga sinabi ko.
"Move!" Sigaw ko kaya mabilis na umalis sya.
"Hahahahaha."
Nakalobo ang bibig ko sa inis habang nakatingin kay Supremo na halos mamatay na sa
kakatawa. Mamatay ka na.
"I'll watch you, Zein." Nakangising sambit ni Supremo habang nakapatong ang braso
sa lamesa at nakapatong naman sa braso nya ang ulo nya.
"Ayoko na!" Pagsuko ko. Nakarami na rin ako at mejo naiilang ako sa tingin ni
Supremo.
Nginisian ko naman sya habang pinapakita na hinihimas ko ang tyan kong busog. "Ang
sarap talaga ng mga mamantikang pagkain." Pagmamayabang ko.
"Mamaya ko na sasabihin. Kakain muna ako." Kinuha nya ang kutsarang ginamit ko at
ginamit 'yon.
Napangiwi ako. "Marami namang kutsara." Nahihiya kong sambit.
"Marami nga pero ito naman ang ginamit mo." Inosenteng sagot nya habang ngumunguya.
"And... It gives more taste using the same spoon you used." Dugtong nya.
"Ha-Ha-Ha." Napaismid daw ako kunwari sa sinabi nya kahit na halos mangisay na ako
sa kilig.
"I don't."
"K."
Pinanuod ko lang syang lumamon. Sarap na sarap sya sa mga mamantikang pagkain.
"Masama masyadong mamantika." Pagpapaalala ko.
Tumango lang sya at hindi ako sinulyapan. Inis na pinalo ko sya ng plato sa ulo.
"Aww." Hinimas nya ang ulo nya habang nakapikit.
Patagong napangiti ako. Hindi ba nya alam na nakakakilig ang mga ginagawa nya?
Inosente!
Namutla ako nang mapagtanto na binitawan na pala nya ang kamay ko pero hindi ko pa
rin inaalis ang kamay ko sa dibdib nya kaya mabilis ko itong tinanggal.
"I told you. Maari mong tignan ang katawan ko, pero wala akong sinabing hawakan
mo."
Tumayo na ako at hinintay na kunin nya ang bag ko at bitbitin gaya ng ginawa ni
Matt kay Angel.
"What are you waiting for?" Tanong ni Supremo na nakatayo na sa exit ng cafeteria.
Tungunu!
"What's with that face?" Nakakunot noong tanong ni Supremo sa akin.
"Thank you."
"Thank you."
"Thank you!"
Hinila nya ang kamay ko dahilan ng pagkatigil ko sa paglalakad. Hinarap nya ako sa
kanya. Nakakunot na ang noo nito.
Aha! Pikon!
"Thank you." Ulit ko. Humigpit ang hawak nya sa aking kamay kaya palihim akong
napangiti.
Hahaha.
"Thank you."
"Damn!"
"Thank you."
"Zein Shion!"
"Thank you."
"Than- Huh?"
Alam kong may sinabi sya. Malinaw na narinig ko pero gusto kong ulitin nya.
"Thank you."
Napapadyak na lang ako sa pagkadismaya na ginagaya nya ang way ng pang-aasar ko.
"Ih! Supremo!"
"Thank you!"
"Waah!"
Aktong liliko na ako nang bigla nya akong hinigit at ikulong sa kanyang malapad na
bisig.
"You don't need to be sexy. Kung kailangang patabain kita at papangitin para hindi
tumingin sa iyo ang iba ay gagawin ko. Damn, Zein. You are driving me crazy. And I
must say...Thank you."
Chapter 37
Chapter 37: Order
Gumising ako nang nakangiti. Pumasok sa mga next subject na nakangiti. Hindi ko
alam kung bakit pero ang gaan ng pakiramdam ko. Hindi ko talaga maintindihan ang
sarili ko. Baka nga tama si Supremo na isa akong bipolar?
"Look who's here?" Napatigil ako sa paglalakad patungo sana sa SSG Office nang
harangin na naman ako ni Roxane kasama ang kanyang dalawang alalay.
Ang kaninang nakangiwing labi ay napalitan ng isang ngiti just by hearing the
'queen' word. Reyna naman talaga sya, para sa kanila at gagaya na lang ako, ayoko
ng madamay sa kahit na anong gulo. Ayoko nang makagawa na naman ng isang maling
galaw na makakasakit na naman, hindi lang sa akin kundi sa iba rin.
"Tutal binanggit mo na rin ang Queen. Ikuha mo nga ako ng Juice sa cafeteria."
"Ako sandwhich." Sabi ng babae sa kaliwa. "Ako pizza." Wika naman ng nasa kanan.
Wala namang kaso kung 'yon lang ang ipagagawa nila makaiwas lang ako sa gulo pero
ang kaso ay ang layo ng cafeteria kung nasan kami ngayon, idagdag pa ang tirik na
tirik na araw. Baka mahimatay na lang ako bigla.
Mariin akong napapikit bago padabog na inalis ang kanilang mga kamay. "Fine!"
Narinig ko ang tawanan nila kahit na mejo malayo na ako sa kanila.
Halos takbuhin ko na ang cafeteria para lang mapabilis at nakasunog ang sikat ng
araw dahil wala pang cover ang itaas dahil nasa quandrangle ako.
Kung hindi ko lang sana inaalala ang mangyayari kapag kinalaban ko kayo baka
lupasay na kayo ngayon sa lupa. Smirk.
Pinayungan nya ako na ikinakunot ng aking noo. "Ang init naglalakad ka sa ilalim ng
araw." Aniya.
"Wait!"
Naramdaman kong nakisilong sya sa akin. Hindi na lang ako nagreklamo dahil sa kanya
naman ang payong na ginagamit namin.
"You know what?" Humalukipkip ako sa harap nya. Nakakabadtrip kasi at dumagdag pa
sya. "Kung ayaw mong masungitan, lubayan mo ako." Kinuha ko na ng order ko at
kinuha muli ang payong nya at nagmadaling lumabas ng cafeteria.
Buti na lang at hindi na nya ako sinundan pero ang payong nya--- Di bale, isasauli
ko na lang ulit sa kanya baka magkautang na loob pa ako dahil sa payong na ito.
"Here!"
Parang mga patay-gutom na nag-unahan sila sa mga inutos nila sa akin kaya hindi ko
maiwasang mapangisi. "Kanina pa kayo nagugutom at nauuhaw pero tiniis nyo dahil
tamad kayong maglakad papunta sa cafeteria sa ilalim ng naghaharing araw. Tama?"
Mejo nainis na ako dahil sa katamaran nila at gagamitin pa nila ang power kuno nila
para lang makuha ang gusto nila nang hindi pinagpapawisan.
Huh!
"Huh! Sabi mo e." Aktong aalis na ako pero binalingan ko pa sila ng tingin. I
raised my middle finger. "Fuck you." I murmured.
Ang malapit na SSG Office ay parang sobrang layo dahil sa kanina pa ako naglalakad
at nauuhaw na rin ako. Dapat pala sumimsim na ako kanina sa juice. Geez.
Itinodo nya pa ang aircon at isinara ang pinto bago muling lumapit sa akin.
Kinuha naman ni Supremo ang isang bottle ng mineral water na nakapatong sa kanyang
table at ibinigay sa akin.
"Bawas na?"
"Syempre! Ikaw lang ba ang may karapatang mauhaw? Uminom ka na bago ka pa mamatay."
Inis na uminom ako sa mineral water at nang masatisfy na ako ay ibinuga ko sa mukha
nya ang sobra.
"Ms. Shion!" Inis na pinahid nya ang tubig sa mukha nya at sinamaan ako ng tingin.
Kinuha nya ang bote ng mineral na wala ng laman at pinukpok sa ulo ko. Napakamot
naman ako sa sakit kahit na mahina lang.
"Ano bang ginagawa mo sa labas ng ganitong oras?! Ang init-init! Gusto mong masunog
ang balat mo?! Sige! Magbilad ka pa para masunog ka na at pumangit-"
Ilang araw ko na rin syang inaasar tungkol sa pagkagusto nya sa akin at hindi naman
ako nabibigo. Kung sakali ata ay first girlfriend nya ako samantalang ako ay pang
24th na ata sya if ever. Hindi ko na matandaan kung sinu-sino ang naging bf ko.
Ngayon ko lang napansin na nakatingin pala sa amin sina Vice Ty at Teacher Kath na
nakataas ang kilay? Uh oh. Hindi ko sila napansin.
"President Ac-"
"Crap it. Ayokong marinig ang sasabihin mo." Putol ni Supremo kay Teacher Kath.
"I am still higher among the three of you. Ipapaalala ko lang sa'yo na lagi ko
namang ginagawa na hindi kayo maaring maging sweet ni Secretar-"
"I know..." Binalingan nya ng tingin si Teacher Kath. "And I don't care." Dugtong
nya bago lumapit sa akin at hinila ang kamay ko.
Hindi ako umimik at hinayaan ko na lang na hilain nya ako. Hindi ko maiwasang
mapangiti ng mapait. Anong kailangan kong gawin, Supremo? Hindi ko alam kung paano
ba lusutan ito?
Dinala nya ako sa secret place kung tawagin ko dahil sa hindi ito gaanong
pinupuntahan ng mga estudyante, alam rin pala ito ni Supremo? Sabagay, matagal na
sya rito at malamang na minsan ay gusto nya rin ng katahimikan. Nakakatuwa lang na
pareho pa namin itong lugar na ito ang nagustuhan.
Inalalayan nya ako makaupo sa ugat ng higanteng puno. Umupo sya sa tabi ko. Hindi
ko alam kung ano ba ang sasabihin ko. Paano ba sisimulan ang gusto kong sabihin na
hindi ko naman maintindihan?
"Gusto kong takpan ang tainga mo sa tuwing sasabihin nila 'yon..." Mahinang bulong
ni Supremo. "Ayokong baka sumunod ka sa gusto nila..." Parang pinupunit ang puso ko
habang pinapakinggan ang malungkot nyang tono. "Ayokong lumayo ka sa akin." Dugtong
pa nito.
Sumikip ang dibdib ko, sa sobrang sikip ay parang gusto kong sumigaw. Bakit ba kasi
sa tuwing masaya ay kailangan din ng lungkot? Hindi ba pwedeng masaya ka tapos
masaya ka pa rin mamaya tapos... tapos... walang katapusang saya?
Nababaliw na ako.
"Paano ba Ace? Ano ba ang dapat kong gawin? Utusan mo ako, susundin kita. Please,
give me an order, Supremo." Wika ko sa hangin.
Damn!
"Hindi ko rin alam kung ano ba ang dapat gawin, basta ang makasama ka ay ang nais
ko lang. I am so into something only you can give. I am so damn much crazy, you can
call it insanity but the hell yes, Baliw ako sa'yo."
Nagtataka rin ako, bakit ako pa ang nagustuhan nya sa dinami rami ng babae. He can
have any girl he wants.
Natawa ito sa tanong ko ngunit hindi nya pa rin binibitawan ang kamay ko. "Yan nga
din ang lagi kong tinatanong sa sarili ko. Ayoko sa'yo, ayoko talaga sayo simula pa
lang. Ginayuma mo ata ako at naging ganito ako. Ang gusto ko sa babae ay simple,
mala anghel kahit na demonyo ako." Aniya.
"Si Angel?"
Natawa itong muli. "Oo naman. Who wouldn't be? She is simple yet attractive."
Nakangiting sagot nya.
"Eh kung ganon bakit andito ka?! Doon ka na kay Angel na attractive!" Inalis ko ang
pagkakahawak nya sa akin at humalukipkip.
Attractive rin pala para sa kanya si Angel edi doon na sya! Ewan ko pero gusto ko
ako lang. Ayokong may kahati. Suwapang ako. Inaamin ko.
Hindi pa rin ako umiikit na ikinatawa nya. Damn! Ano bang nakakatawa? Natatawa ba
sya dahil naiinis ako? Pwes inis na inis na ako. Sa sobrang inis ko ay baka halikan
na kita.
Err.
"Heh!"
Bigla syang sumeryoso kaya napalunok ako. Nagalit ba sya sa heh ko? Sorry na! Ih!
Nakakainis! Bakit ba ang seryoso nya?! Sya ata ang mas bipolar sa aming dalawa e.
"S-Sorry na..." Halos pabulong na sambit ko ngunit nanatiling seryoso ang kanyang
mukha na nakatingin sa akin.
Bigla syang tumayo at naglakad palayo kaya mabilis akong sumunod sa kanya. Hinila
ko ang damit nya kaya huminto sya pero nanatili syang nakatalikod sa akin.
Nagulat ako kasabay ng panlalaki ng mata ko nang sa isang iglap ay lumingon sya.
Sandaling tumigil ang paligid nang mapagtanto ko na isang maling galaw ko lang ay
mahahalikan ko na sya.
Lumapad ang labi nya at ngumisi bago inilayo sa akin kanyang mukha. "That's why.
Nagpipigil lang talaga ako, baka kapag hindi ko napigilan ang sarili ko, maangkin
ko ang labi mo." Nakangisi niyang sambit.
Nanatiling tikom ang aking bibig at hindi pa rin makaget-over sa ginawa nya. As in
halos maramdaman ko na ang labi nya pero hindi pa talaga naglalapat and I felt bad.
Dapat gumalaw ako.
Hinawakan nya ang pisngi ko gamit ang dalawa nyang kamay at nilapit ng konti ang
kanyang mukha sa akin.
"Gusto mo ng order? Fine." Sumilay muli sa kanyang labi ang isang ngiti. Ngiting
nagpapatunaw sa akin. "You must not obey an order from anyone, sa akin ka lang
sumunod. And.... This is an order from the highest Supreme Student Government..."
Napapikit ako nang maramdaman ang malamig at malambot nyang labi sa noo ko. "And
you can't do anything about it."
Chapter 38
Chapter 38: Behind the Poison
Nakatungong lumabas ako ng SSG Office. Hindi ko alam kung secretary pa ba ako o ano
dahil kinukuha na rin ni Supremo ang trabaho ko kahit na tambak na sya.
"Sinisira mo ang lahat!" Singhal nya sabay sampal sa isa ko pang pisngi.
Sa pagkakataong 'yon ay hindi ko na nagawang iangat ang aking mukha. Halos hindi ko
na maramdaman ang mukha ko sa sobrang manhid na nito gawa ng malakas na sampal sa
magkabila kong pisngi.
Ano bang ginawa ko sa kanya? Bakit bigla-bigla na lang syang nananampal? Bakit
nangangalaiti sya sa galit? Ginawa ko naman ang lahat para hindi na makagawa nang
makakasama sa akin.
Isang sigaw ang kumawala sa labi ko nang hinila nya ang buhok ko at marahas na
itinayo. Iniharap nya ang mukha ko sa mukha nya ngunit hindi nya pa rin binibitawan
ang buhok ko at ramdam ko na ang halos pagkabunot ng anit ko.
Halos manlambot ako nang makitang hawak nya ang pako. Nanginginig ang kamay nya at
alam kong kaya nyang isaksak sa akin 'yon kung gugustuhin nya.
"Wala kang ginawa, at wala kang gagawin kung hindi ang layuan si Supremo."
"Gago ka ba?! Sino ka para diktahan ako s-" Nanlamig ako nang maramdaman ang
malamig na pako sa braso ko.
Kahit na itusok nya lang sa akin 'yon at ibaon ng konti ay kaya nito akong patayin
ang buong katawan ko dahil sa pinagsamang lason at kamandag ng kung ano ang nasa
pako na 'yon.
Mariin akong napailing nang maalala ang order sa akin ni Supremo na wala akong
susundin kahit na sino maliban sa kanya at wala akong planong suwayin ang utos
nya... kahit kamatayan na ang kapalit.
"Go. Kill me now." Naging panatag ang loob ko kahit na nakatutok na sa akin ang
pako ng kamatayan.
"Zein Shion. Ayokong masira ang lahat ng dahil lang sa katangahan mo, nyo ni
Supremo. Sige lang, lumapit ka lang kay Supremo at damhin nyo ang sakit ng
paglagapak."
Binitawan nya ako kaya napasalampak ako sa lupa at hinang-hinang napayuko. May
naintindihan ako sa sinabi nya pero konti lang, halos lahat ay malabo pa rin sa
akin. Ano bang sinasabi nilang masisira dahil sa akin? Ano ba ang sikreto pa na
itinatago nila?
Pumunta muna ako sa clinic para manghingi ng yelo na magpapawala ng maga ng mukha
ko galing sa sampal at galit ni Nicky. Nasa kama ako at ako lang ang gumagamot sa
sarili ko habang nakatingin lang sa akin si Nurse Cha.
"Who did that?" Tanong nya.
Gusto kong mapaismid. Ano bang pakialam nya at kailan pa sya nagkapakialam? Kahit
nga mamatay kami ay hindi nya kami gagamutin pero dahil lang sa isang sampal
magkakaroon sya ng pakialam? Psh.
Sandali akong napatigil pero agad din akong nagpatuloy. Ano nga ba kami ni Supremo?
Wala naman e. "Secretary." Tama. Secretary nya lang naman ako.
"And so?"
"Ngayon ko lang kasi nakitang ganon si Supremo. 'Yon bang nauutusan sya ng isang
mababa sa kanya."
"Why so straight forward? Ganyan ba ang gusto ni Supremo? Ganyan ba ang nagustuhan
nya sa'yo? Akala ko pihikan si Supremo."
Parang gusto kong matawa habang nakataas ang middle finger ko. Kailangan pa bang
ipamukha sa akin na hindi ako ang in-e-expect nilang makakapukaw kay Supremo? Well
sad to say, ako ang napili ni Supremo at wala akong pakialam sa opinion nyo. Psh.
"Maniwala ka man o sa hindi, I conducted an investigation about the poison that was
mixed to your drink last acquaintance party."
Bigla na namang nagflashback kung anong nangyari ilang buwan na rin ang nakalipas.
Lumapit ako kay Nurse Cha.
Sinenyasan nya akong maupo na sya namang ginawa ko. Sumeryoso na rin sya. Hindi ko
alam kung papaniwalaan ko ba si Nurse Cha pero may part sa akin na gusto talagang
malaman kung ano ang nalaman nya.
"Poison?"
Lumapit si Nurse Cha sa isang drawer at may kinuha roon. Ipinakita nya sa akin ang
isang likido na itim. Just by seeing this liquid, parang matapang talaga ito.
Bakit naman naisipan nilang 10 hours ang napili nilang itatagal namin. Alam kong
may lason na kayang pumatay sa loob lang ng minuto o segundo, pero bakit pinatagal
pa nila?
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Nurse Cha. Posible ngang ganon ang intensyon nila
pero bakit?
"Bakit sa akin kumapit nang husto ang lason? Konti lang ang nainom ko samantalang
si Dave ay nakarami na?" Sunod na tanong ko.
'Yon ang nakakapagtaka pa. Konti lang ang epekto kay Dave na mas nakarami kesa sa
akin na nakailang tagay lang.
"Because the poison was not mixed on the liquor. It was on the ice." Ipinakita nya
sa akin ang isang basong may laman na ice cube at hinalo ito. "Ininom mo ang alak
na tunaw na ang yelo na kumalat na sa alak samantalang si Dave ay bawat tagay nya
ay lagok agad." Pagpapaliwanag nya.
Bigla kong naalala na diretso nga ang lagok ko sa alak at binitawan ko 'yon nang
walang laman, kahit na yelo.
"That's explained na kahit na konti lang ang nainom mo ay ikaw ang pinaka
naapektuhan."
Napatango na lang ako. Alam kong walang halong kasinungalingan ang sinabi nya kaya
hindi ko maiwasang mapangiti. "Bakit mo sinabi sa akin?" Tanong ko.
Napalunok ito at namutla pero bigla na lang itong lumuha na ikinakunot ng noo ko.
"Pasensya na sa mga nagawa ko sa inyo. Nangako akong tutulungan ang sino mang
mangangailangan ng tulong ko pero tinakot nila ako. Pasensya na." Humagulgol ito.
Hindi ako umimik at nanatiling nakatingin ang mata ko sa kanya. Alam ko naman na
hawak nila ang leeg ni Nurse Cha kaya nya ginagawa ito. Hindi ko tuloy maiwasang
malungkot kung ano na bang pagbabanta ang sinabi nila sa kanya para masunod ang
gusto nila.
"Paano kung dahil sa ginagawa mong pagsalungat sa kanila ay mapahamak ka?" Hindi ko
maiwasang maitanong.
"I told you, papatayin din nila ako kapag nakumpleto na nila ang formula. Kung
papatayin nila ako pwes, mamamatay ako at iiwanan sila ng marka ng paghihiganti
ko." Kumuyom ang kamao nito. "Papatayin ko sila gaya ng pagpatay nila sa kapatid
ko." May halong pait na dugtong nya.
"Oo nga pala bago ko makalimutan." Pagpapaalala nya. "May isang taong humingi sa
akin ng lason na 'yan bago mangyari ang insidente." Aniya na tinutukoy ay ang lason
na hinalo sa alak.
"S-Sino?"
"Hindi ko maalala e. Pero teka ah? Kunin ko lang 'yung logbook." Aniya kaya tumango
ako. Pumunta syang muli sa drawer at nangalkal.
Napaigtad ako nang umupo sa tabi ko si Nurse Cha at pareho naming in-scan ang
logbook by date.
"Ito 'yong date." Aniya kaya inisa-isa namin ang mga taong nakapirma sa logbook.
Tumigil ang daliri nya sa isang pangalan na sobrang familiar sa akin. Ramdam ko ang
kalabog ng puso ko at mariin kong nakagat ang labi ko.
"Si-"
Inis na ibinato ko ang unan kay Nurse Cha na ininda lang 'yon. Nangangalaiti ako sa
galit at hindi ko alam kung paano ba magsimulang ibuhos ang galit ko. Hindi ko alam
kung ano ba ang isasagot ko sa napakaraming tanong sa isipan ko.
"B-Baka nagkakamali lang kayo. Hindi nya magagawa 'yon." Hinang-hina kong sambit
bago pabagsak na umupo sa kama.
Of all the people in this hell. Maraming magtatangka sa buhay namin pero hindi sya.
Mas mabuti pang iba na lang tao ang nasa likod non baka matanggap ko pa pero kung
siya? Hindi ko alam kung paano tatanggapin.
"Shut up!"
Tumayo ako at nilisan ang lugar na 'yon. Mabilis ang bawat hakbang na ginagawa ko,
wala akong pupuntahan pero wala akong balak huminto sa paglakad hanggang sa ang
mabilis na hakbang ay humina nang humina.
"Hei!"
Halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang nanggulat sa akin. Kahit na walang
nakakangiti ay ngumiti ako sa kanya. Hindi ang isang 'to ang magtataksil sa amin.
Hindi ang klaseng tao na ito ang magtatraydor sa amin at kung siya nga, sigurado
akong may dahilan sya.
Tahimik na tinahak namin ang daan patungo sa dorm at walang dinatnan don kahit na
sino.
Umupo sya sa sofa at nag-indian sit. Just by seeing his smile, alam kong hindi nya
magagawa 'yon at handa akong makinig sa rason nya.
Nawala ang matamis na ngiti nito at napalitan ng isang mapait na ngiti. "Alam mo
na?" Tanong nya.
Umupo ako sa harapan nya at tinitigan sya sa mata. "Ikaw ang lumason sa amin ni
Dave nung acquaintance. Bakit mo g-" Napatigil ako sa pagsasalita nang marinig na
may bumagsak.
Napalunok ako nang makita ang apat naming kaibigan na nakatayo sa pinto. Just by
seeing their expressions, alam kong narinig nila ang sinabi ko. Mabuti na rin para
sabay-sabay kaming malinawagan.
Napasigaw ako nang biglang sinunggaban ni Matt ng suntok ang mukha ni Jerome
dahilan ng pagkahiga nito sa sofa. Hindi pa nakuntento si Matt at pinagsusuntok nya
pa ito habang si Jerome ay iniinda lang ang sakit.
"Matt!" Pigil ko pero hindi nagpatinag si Matt. Tumingin ako kay Dave na nakatulala
pero natauhan sya kaya inawat nya si Matt.
"Bitawan mo nga ako Dave! Traydor ang hinayupak na 'yan!" Niyakap ni Dave ang likod
ni Matt at niblock ang mga kamao nito para hindi na makawala.
Napatingin ako kay Vanessa na seryoso lang na nakatingin kay Jerome. Alam kong sya
ang labis na naapektuhan dito and I can't do anything para pakalmahin sya.
Umayos ng upo si Jerome at pinunasan lang ang gilid ng labi nya na pumutok.
Isang malakas na sampal ang inabot nya kay Vanessa kaya mabilis na hinila ko si
Vanessa palayo kay Jerome.
Alam kong magkapareho lang kami ng iniisip ni Vanessa. Kilala na namin si Jerome,
may pagkaplayboy, joker at mayabang pero alam naming totoo syang kaibigan sa amin.
Kung tama ang ang hinala namin ni Nurse Cha na hindi talaga kami gustong patayin ay
ano naman ang dahilan?
"Explain your side, siguraduhin mo lang katanggap-tanggap ang rason mo," May halong
pagbabantang wika ni Matt kay Jerome.
"Yes, ako ang lumason sa inyong dalawa," Pag-uumpisa nya habang nakatingin sa aming
dalawa ni Dave.
Napansin ko ang pasimpleng pagkuyom ng kamao ni Matt kaya hinawakan ko ang braso
nya. Alam kong hindi naman talaga sya galit, katulad namin, nabigla lang sya at
nag-alala.
"I did it but on purpose," Lumunok ito at pasimpleng pinunasan ang dugo sa kanyang
labi. "I did that to save us." Aniya pa.
Kumunot ang noo ko at sumabog na naman ang napakaraming tanong sa aking isipan
ngunit mas pinili kong itikom ang bibig ko at intindihan ang sinasabi nyang purpose
ng paglason sa amin.
"Alam kong alam mo na Zein ang klase ng lason na hiningi ko kay Nurse Cha."
Sa akin napunta ang kanilang mga atensyon and I guess ako na naman ang dapat
magpaliwanag.
"Yes, it was not actually a prohibited drug, it was a kind of poison that's mixed
on the ice," Pag-uumpisa ko. "It was on ice, That's explained kung bakit mas naging
apektado ako kung ikukumpara kay Dave na mas maraming nainom sa akin. Tunaw na ang
yelo na may lason nang ininom ko ito and definitely, nahalo na sa alak ang lason
habang si Dave naman ay diretsong lagok ang ginawa na hindi pa natutunaw ang yelo."
I explained.
"That poison could freeze your heart... sa loob ng sampong oras." Sambit ni Jerome.
"10 hours? You could have a poison that could kill them in just a minute or
second... Was it stupidity or you planned something?" Tanong ni Matt na halatang
iritado pa rin pero mejo kumalma na.
That's also my question and the purpose of this interogation with Jerome. Gusto
kong malaman ang rason nya.
"Narinig ko ang usapan nila Madame Violet at nung mama na hindi pa natin alam no'n
na sya ang Vice President ng HU. Pinlano nilang lasunin tayong anim."
"Kaya ikaw na lang ang lumason para hindi na sila mahirapan, gano'n?" Sarkastikong
tanong ni Matt.
"Hindi sa ganon pero parang ganon na rin," Sagot naman ni Jerome. "Sasabihin ko na
sana sa inyo ang plano ni Madame Violet pero pinigilan ako ng isang babae." Dugtong
nya.
"Hindi sya nagpakilala pero ipinaliwanag nya sa akin na kung malalaman nyo ang
plano ni Madame Violet ay mas magiging komplikado ang lahat. Kaya gumawa kami ng
hakbang."
"Wala akong pagpipilian at naintindihan ko ang gusto nyang gawin namin, pinalitan
namin ang ice cubes na may lason na sa atin nakalaan."
"Paano mo nalaman na 'yon ang iseserve sa table natin?" Sunod na tanong ni Matt.
"Sinundan namin ang mga taong inutusan nina Madame Violet at Francisco, napansin
namin ang isang ice cube container na nakahiwalay sa iba. May inilagay silang kung
anong likido roon. Hindi namin alam kung anong klaseng lason 'yon pero alam kong
kaya nitong pumatay sa loob lamang ng isang minuto."
"Hinintay naming makaalis ang mga inutusan nila bago kami kumilos. Itinapon namin
ang laman ng ice box at pinalitan ng bagong yelo. Ibinuhos namin ang lason na
ibinigay sa amin ni Nurse Cha. Hindi katulad ng lason na inilagay nila, ang lason
na inihalo namin ay matagal tumalab pero bago namin nilagay 'yon ay siniguro narin
namin na may antidote na kami para ipanlaban sa lason na 'yon." Isa-isa nya kaming
tinitigan na animo'y sinusuri kung naintindihan namin ang mga sinabi nya. "At doon
nag-umpisa ang plano at ang babaeng tumulong sa atin nong gabing 'yon sa clinic ay
ang babaeng kasabwat ko." Dugtong pa nito.
Hindi ko maiwasang mapangiti na tama ang ginawa kong pagtitiwala sa kanya. Alam
kong hindi nya magagawang ipahamak kami. Utang namin sa kanya ang buhay namin.
"Ang babaeng tumulong din ba sa iyo ang naghagis ng gamot sa bintana?" Tanong ni
Dave na nakangiti na rin.
Natatawang tumango si Jerome. Nagulat kami nang sinapak na naman ni Matt si Jerome.
"Gago ka! Sabi ko na nga ba hindi mo magagawa 'yon e." Natatawang wika ni Matt.
Mabilis na lumapit naman sina Vanessa at Dave kay Jerome para tulungan ito at
gamutin ang sugat na ginawa ni Matt.
"Bakit kailangan nyo pang palitawin na nagtagumpay ang plano nila Madame Violet?"
Tanong ko.
"Kapag hindi ko ginawa 'yon at walang nangyaring masama sa ilan sa atin ay baka mas
malala pa ang gawin nila sa atin sa gabing 'yon."
"Nakita ko ngang nakangiti sina Madame Violet habang nakikitang nagkakagulo tayo,
akala nila nagtagumpay sila. Ang hindi nila alam ay may isang lalaking naglakas
loob na gumawa ng paraan para mailigtas ang kanyang mga kaibigan sa tiyak na
kapahamakan." Sambit ni Vanessa na ang tinutukoy ay si Jerome.
"Bakit hindi ka uminom?" Tanong ni Matt kahit na alam kong alam na nya ang sagot.
"Kung iinom ako ay sinong tutulong sa atin? Mamamatay tayo." Humahalakhak na sagot
naman nya.
Nakahinga ako ng maluwag at inaamin kong mas dumoble ang tiwala ko sa aking mga
kaibigan pero hindi pa rin maalis ang tinik sa aking lalamunan habang inaalala ang
napakarami pang misteryo.
Anong itinatago nila? Maging si Celine, paano sya namatay? BBG ba talaga ang gumawa
sa kanya non? Pero bakit?
Ano ang hawak ni Celine nong mga panahong 'yon at bakit parang nanginginig sya sa
takot?
Chapter 39
Chapter 39: Spinach
Staying away on trouble is not that hard, basta ba may dahilan ka para umiwas ay
talagang magagawa mo. In my case, ayoko ng muling makagawa ng isang maling galaw na
maaring magdulot na naman ng problema. I am so sick on causing trouble.
"Here," Inilapag ko sa table ni Roxane ang kanyang shoulder bag na ipinakuha pa nya
sa kabilang building. Nagpaalila ako kay Roxane dahil kung lalaban ako, sa huli ay
talo pa rin ako. Marami na akong nagawang mali at ayokong magdagdag na naman.
"Wait," Pigil nya sa akin nang aktong aalis na ako. "Parang may feeling ako na
mahuhulog ang bag ko at kakalat ang mga gamit ko sa sahig." Aniya na ginawa naman
ng isa nyang alalay.
"I knew it! Malakas talaga ang feeling ko. Pulutin mo nga."
Hindi ko ipinahalatang nagpupuyos na ako sa galit dahil alam kong 'yon naman talaga
ang rason nila sa pang-aalila sa akin, ang makitang gumanti ako at gamitin 'yon
laban sa akin. Madumi sila maglaro kaya ayokong makipaglaro sa kanila.
Napansin ko ang isang kamay pang tumulong sa akin magpulot habang nasundan pa ito
ng isa pa at isa pa. Inangat ko ang aking paningin. Napangiti ako nang makitang
tinutulungan akong magpulot nila Mia, Jerome, Dave at Matt samantalang si Vanessa
ay nakatayo lang. Alam kong nagpipigil lang 'yan ng galit.
"Thank you," Pagpapasalamat ko sa kanila bago ibinalik ang shoulder bag ni Roxane
sa table nila.
Isang sampal mula kay Mia ang inabot ni Roxane na ikinatigil naming lahat. "Awts.
Sorry, hindi ko napigilan." Inosentang wika ni Mia kaya hinila ko na siya palabas
ng cafeteria dahil alam kong gaganti si Roxane.
"Paano kung gantihan ka nya?" Putol ko sa kasiyahan nila. "Paano kung mas malala pa
ang gawin nya kesa sa ginawamo?" Hindi ko maiwasang mag-alala.
Knowing that queen bitch. Hinding-hindi sya nagpapatalo kahit kanino at nag-aalala
lang ako kay Mia kung ano ang gagawin sa kanya ni Roxane bilang ganti.
"Edi isang sampal pa sa kabila nyang pisngi." Matapang na sagot ni Mia. "Huwag ka
ngang mag-alala sa akin. I can handle myself, baka nakakalimutan mong nakapatay na
ako." Muli silang humalakhak kaya nahawa na ako sa kasayahan nila.
Ang kasiyahan na 'yon ay may katapusan gaya ng lahat. Pumasok na sila sa kanya-
kanya nilang subject habang ako ay naiwan na namang mag-isa.
"Ow! I forgot that it is more like hitting two birds at the same stone." Natigilan
ako. "Ano ba para sa'yo si Supremo?" Ang tanong na tuluyan ko ng ikinatigil.
Nakaramdam ako ng inis dahil idadamay nya pa ang mga inosenteng tao para lang
masaktan ako. "What do you want? Why are you keep on doing this shit?" Mapait na
tanong ko.
Gusto ko ng malinawagan kung bakit lagi nya akong binabataan. I know she was hiding
something. Isang bagay na hindi ko namamalayang naaapakan ko. Kung ano man 'yon ay
wala akong ideya. I am clueless.
"Bakit ba ayaw nyo akong nakikitang kasama si Supremo?" Mejo iritanang tanong ko
na. Why they can't just explain to me para malinawagan naman ako at alam ko ang
dahilan kung bakit ganon ang nais nila.
"Hindi kayo dapat magkasama. Hindi kayo dapat mapalapit."
"Bakit nga?! Give me a one valid reason!" Maawtoridad kong sambit. "If you can't
give me an acceptable reason then there's no way you could stop me." May halong
pagbabantang dugtong ko.
"One valid reason? Because you are just a hindrance, a pest in our life, a shit on
the way."
Kumunot ang noo ko at handa na sana akong magtanong nang tumalikod na sya at
tuluyan akong iniwang mag-isa gaya ng kanina. Shit! Hindi ko talaga maintindihan!
Bakit ba isang hadlang ako para sa kanila? Ano ba ang hinahadlangan ko at parang
hindi madali para sa kanila na sabihin? May pinaplano ba sila against Supremo?
Err--- UGH!
Lunch time na kaya pumunta na ako sa cafeteria para magtake out ng mga pagkain.
Sobrang busy kasi ni Supremo na hindi na nya magawang kumain sa tamang oras.
Masyado ata syang pinapahirapan nila Madame Violet. Pagkatake out ko ay pumunta na
ako sa SSG Office at dinatnang mag-isa si Supremo na hindi man lang ata naramdaman
ang pagdating ko. Tutok ito sa mga papeles na isang katutak. Psh.
Nakaramdam ako ng inis na hindi man nya ako nagawang sulyapan kaya kinuha ko ang
mga papeles na nasa table nya. "Finally!" sambit ko nang mapatingin na sya sa
akin,nakakunot nga lang ang kilay.
Galak na galak talaga sya kapag nabibwisit ako sa kanya. Isaksak ko kaya sa
lalamunan nya ang mga papeles nang magawa naman syang busugin ng mga ito. Hay naku!
Pinapainit na naman nya ang ulo ko.
"Gagawin mo akong hayop?" Hindi makapaniwalang tanong nya habang nakatingin sa mga
gulay na nakahain sa harapan nya. Hindi talaga ako kumuha ng mamantikang pagkain at
pinlano ko talagang puro gulay ang lahat. "Papakainin mo ako ng bermuda grass at
isang-- what's this?" Turo nya sa isang gulay.
"What?! I am not!"
"That's my theory! Damn! Eat now!" Inis na sambit ko sa kaartehan nya at ka-ek-ekan
na scientific explanation. It is just a vegetable, hindi sya mamatay where in fact
na malaki pa ang magiging benefit sa kanya nito.
Nagsimula na akong kumain habang sya ay nandidiring nakatingin lang sa akin. "Hindi
ka mabubusog kung tititigan mo lang ako." Matabang na wika ko.
"One wrong move and I will kick your balls," Iritadong pananakotko.
Napangiwi ako nang takpan nya ang pagitan ng hita nya. Namula ako nang mapagtanto
ang nasabi ko. OH MY GHAD! Supremos is so fucking hot with that poise with his hand
on his-UGH!
"How could I give you a baby if you will kick my balls?" Nakangising sambit nya na
halos ikalaglag na ng panga ko.
OH MY GHAD!
"Okey, I won't kick your balls. Just don't move away, again." Wika ko bago muling
iinabante ang upuan ko papunta sa kanya.
Hindi tuloy ako makatingin ng maayos sa kanya dahil nakangisi sya. Alam na alam nya
talaga kung paano ako inisin. Malapit na talagang bumingo sa akin ang lalaking 'to.
"Fuck you 1 million times!" Inis na hinablot ko ang ulo nya at inilapit sa akin.
"Eat it or else.." Pagbabanta ko habang nakatutok sa tikom nyang labi ang kutsara.
"I will eat you." Dugtong ko na ginaya ang sinabi nya.
Laglag pangang nabitawan ko ang kutsara habang sya ay humahalakhak. Ano raw? Bakit
parang iba ang pagkakaintindi ko sa sinabi nya? UGH! I don't know what to do with
this guy! Ang hirap nyang talunin. Kapag lumaban naman ako sa kanya ay sa huli
aking panga pa rin ang laglag. Ang bawat salitang binibitawan nya ay parang pasabog
na nakakalaglag ng panga! UGH! Damn, Ace.
Inis na aktong tatayo na ako nang pigilan nya ako. "O-Okey, Kakain na po ako Ma'am.
H-Huwag mo lang akong iiwan." Nauutal na sambit nya at kinuha ang kutsara sa plato
ko.
"Ito na lang ang gagamitin ko para may kontra ako sa lasa ng mga damong ito."
Inosenteng wika nya pa na ang tinutukoy ang ang kutsarang ginamit ko.
Wala ba syang alam? Hindi ba nya alam na sasabog na ako sa mga pinagsasabi nya?
Tangina! Ang sarap ihampas ng lalaking 'to sa pader. UGH!
Pinanuod ko syang nguyain ang ampalaya na halos isuka nya pa. Sobrang pula ng mukha
nya na parang kahit na anong segundo ay iluluwa nya na ang ampalaya.
"Pwe! Ang pait naman nito Zein." Aniya na ikinatawa ko. Hindi naman nya iniluwa.
Tumayo sya at may kinuha sa kanyang drawer bago bumalik sa akin. Sa akin? Pwe.
"Aanuhin mo 'yang asukal?" Tanong ko. Napangiwi ako nang isawsaw nya roon ang
ampalaya. "Seryoso ka?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Sarap na sarap na kinain naman nya 'yon habang ako ay nakangiwi. "Not bad but,
parang kulang sa tamis." Aniya pa na nakatingin sa akin.
"Kahit na kainin ko ang lahat ng asukal sa buong mundo, sa tingin ko ay wala nang
mas tatamis kapag labi mo na ang natikman ko." Seryosong wika nya habang nakatingin
sa labi ko.
Tumango lang ito at muling kumuha ng ampalaya at isinawsaw sa asukal. Isinubo nya
'yon habang nakatingin sa labi ko. "Kahit pala tignan ko lang, matamis na." aniya
pa.
"Tigilan mo ako!"
Ngumuso naman ito bago sumubo muli ng ampalaya. "Ang damot mo naman. Alam mo bang
mas pinasasabik mo ako?" Tanong pa nya.
Hindi na lang ako kumibo at pinanuod lang syang halos maubos na ang ampalaya pero
napansin ko na hindi nya ginagalaw ang spinach na itinabi nya lang sa gilid ng
plato nya.
Natigilan ito at namutla. "I don't eat spinach." Namumula pa nyang sambit.
Lumunok ito bago tinanggap ang spinach nginuya nya ito at halos maduwal muli na
ikinahalakhak ko. Napakagat sya sa labi nya.
Halos mapaubos ko na sa kanya ang spinach nang mapatingin ako sa kanyang leeg na
namamantal. Kumunot ang aking noo nang makita ang pamumula ng buong katawan nya
pero nakangiti pa rin sya sa akin.
"H-Hei? Are you ok?!" Alalang tanong ko at hinawakan ang braso nyang sobrang init.
"May lagnat k-Don't tell me." Kumalabog ang dibdib ko nang mapagtanto ang isang
bagay.
"Y-Yes."
"Supremo!"
Chapter 40
Chapter 40: Blame
Tulalang nakatingin lang ako kay Supremo na mahimbing na natutulog dito sa kama sa
clinic.
I can't help but to blame myself. Tama, ako dapat ang sisihin sa nangyari. Kung
hindi ko pinilit si Supremo na kumain ng spinach ay hindi sana sya hinimatay at
nagkapantal-pantal. Sobrang pula ng mukha nya.
Napatayo ako nang biglang pabagsak na binuksan ang pinto at iniluwal nito si Angel
na nag-aapoy ang mata. Napaatras ako pero nasampal na nya ako na halos ikabingi ko.
Masakit pero ano pa bang magagawa ko? I deserve more than one slap. I deserve worse
than slap.
"H-Hindi ko sinasady-" Napayuko na lang ako nang muling dumapo ang nangangalaiting
palad nya sa mukha.
"Stop it, Angel!" Pigil ni Nurse Cha kay Angel nang aktong sasampalin na naman nya
ako for the third time. "Hindi mo gugustuhing malaman ni Supremo na dumapo ang
palad mo sa pisngi ng babaeng 'to." Turo sa akin ni Nurse Cha.
Napakagat na lang ako sa labi nang magbadya ang luha ko. Tangina! Bakit ba masyado
akong nagiging emotional? Wala akong kasalanan! Hindi ko sinadya dahil hindi ko
alam na allergic pala si Supremo sa spinach.
"Sigurado akong paparusahan ka ni Supremo 'pag nagising sya. Baka sya pa mismo ang
pumatay sa kanya." Dinuro-duro nya ako at wala akong nagawa kundi ang yumuko.
"Nagpapatawa ka ba? Sa tingin mo kayang parusahan ni Supremo ang babaeng 'to? Ikaw
sa sarili mo alam mo ang sagot." Natatawang pagtatanggol sa akin ni Nurse Cha.
"Baka nga ikaw pa ang maparusahan sa pananakit sa kanyang sekretarya." Dugtong pa
nito.
Napaismid si Angel. Akala mo kung sinong anghel, demonyo rin pala ang ugali. Unti-
unting nabubuhay ang pagkamuhi sa loob ko pero mabilis rin na naglalaho kapag
naiisip ko si Supremo. It seems like I can't be a devil whenever I am with Ace.
"Kung hindi sya mapaparusahan ni Supremo, ako ang magpaparusa sa'yo!" Nagmartsa na
ito palabas at iniwan kami ni Nurse Cha.
Muli akong napaatras pero nahablot na nya ang buhok ko na ikanasigaw ko. Parang
mapupunit ang anit ko sa sobrang hapdi at tindi ng pagkahawak nya rito at wala
akong ibang magawa kundi ay sumigaw at magmakaawang bitawan na nya ang buhok ko.
"Sabi ko na nga ba wala kang magagawang matino e." Nangangalaiting sambit nya at
hinila ako palabas ng Clinic.
"Wala kang karapatang saktan si Zein!" Singhal ni Vanessa sa harap ni Teacher Kath
na poker face lang.
Tumayo ako para pigilan si Vanessa. Ayoko ng lumaki pa ang gulo. May kasalanan
naman talaga ako, hindi ko nga lang sinadya. Pero sa pananakit pa lang nila,
napagbayaran ko na ang nagawa ko, sobra-sobra pa nga.
Tangina! Ang sarap isampal sa mukha nya ang isang spinach at ibuhos ang sama ng
loob ko na hindi ko sinadya! Why would I kill him? Why the hell would I kill my
life? Fuck it!
I am thinking, paano ako kung mawala si Supremo? Sya lang ang kayang kumontrol sa
akin. Magdasal na lang kayo na nasa tabi ko pa rin si Supremo, baka makita nyo kung
gaano ba kabagsik ang babaeng inaapi nyo. Subukan nyo ako.
Hindi ko namalayan na nakaupo na pala ako sa isa sa mga bench sa wide space kasama
sina Mia at Vanessa na nakatitig lang sa akin.
Lumaban? Lalaban ako kung hindi ko lang iniisip si Supremo. Fuck! Kating-kati akong
lumaban! Kung alam lang nila kung anong klaseng pagpipigil ang ginawa ko.
"Ano ba talagang nangyari?" Isang tanong kay Mia na nagpabalik kung ano ang nagawa
ko kay Supremo.
I cursed myself! Kahit na anong gawin kong pag-unawa na hindi ko sinadya ay hindi
pa rin mawala na ako ang may kasalanan.
Kinwento ko sa kanila ang nangyari at hindi ko alam kung maiinis ako na kinikilig
sila. WTF?! Walang nakakakilig na nangyari.
"Wala kang kasalanan. Kung meron may ay si Supremo 'yon. He should have told you
but he remain silent dahil ayaw ka nyang biguin. See? He cares for you than for his
health." Nakangiting pagpapaliwanag ni Vanessa sabay hampas sa braso ko.
He cares? Oo, nararamdaman ko. Ano nga ba talaga kami ni Supremo? I am more than
just his secretary, more than friends but not a couple. What are we, Ace?
"Gosh! Namumula ang pisngi mo." Puna ni Mia. "Did she also slapped you?" Tanong nya
pa.
Napalunok ako. Hindi ko sinabi ang eksena namin ni Angelica dahil alam ko ang
maaring gawin ng dalawang ito, especially Vanessa.
"Ahh wala. Blush on." I lied. Oh come on, Zein! Napakagaling ko talagang gumawa ng
dahilan. Super effective kaya nakakunot na ang kilay ng dalawa ngayon.
Umiling na lang ako. "That's not important. Nagugutom na ako." I tried to divert
the topic. Pasimple silang napangiwi pero tumango na lang sila.
Damn, Angelica. You must be thankful, you don't even deserve to be protected
because of what you've done to me. You must be really thankful. Swear.
"Ow! Andito na pala ang babaeng may kasalanan kung bakit nalagay sa alanganin ang
buhay ni Supremo."
Just by hearing her voice. Hindi ko na mabakas ang mala anghel na boses nya,
napalitan ito ng isang malademonyong boses.
Hindi ko namalayan na nasa harap ko na pala si Angelica, Roxane at ang dalawa nyang
alalay. Nasa likod nila ang mga estudyanteng nanlilisik ang matang nakatingin sa
akin.
"Papayag ba kayong patayin ng babaeng 'to ang ating Supremo?" Tanong ni Roxane sa
mga estudyante.
Halos takpan ko ang tainga ko dahil sa mga sinabi nilang sobra. As in sobrang sakit
na parang hindi na maalis ang mga 'yon sa utak ko.
Ito ba? Ito ba ang mga estudyanteng handa kong tulungan para makalabas sa
impyernong ito? Sila ba ang handa kong pag-alayan ng buhay para sa isang
napakadelikadong misyon na hanapin ang hidden laboratory? Hindi nila alam ang buong
nangyari, malamang lang na nilason nila Angel ang utak ng mga estudyanteng 'to pero
ganon ba talaga kakitid ang utak nila para maniwala?
Shit! Nawawalan ako ng ganang lumaban para sa kanila. Huwag lang sanang humantong
sa tuluyan na akong mawalan ng gana at tumunganga na lang sa isang sulok at
hintaying makumpleto ang formula at manganib ang buhay nila.
Hindi nyo alam kung anong sakripisyo na ang ibinuhos ko para matulungan kayo.
Nanghina ako nang unti-unti silang lumapit sa akin. Hinarangan ako nila Mia at
Vanessa na wala lang nagawa. Hinawakan sila ng sampung estudyante na kahit anong
pagpupumiglas nila ay wala silang magawa.
Napapikit ako nang maramdaman ang maraming kamay na humawak sa akin at pwersahan
akong iniupo sa isang silya sa gitna ng cafeteria at igapos roon.
"Anong next?" Natatawang tanong ni Angel nang magawa na nila akong igapos.
"Here."
Napalunok ako nang makita kung ano ang hawak ni Roxane. Isang makapal na tubo.
Napakalakas ng tibok ng puso ko. Nanginginig ako. Hindi naman nila siguro ipapalo
sa akin 'yon. That would be too much if ever. No. Hindi nila kayang gawin sa akin
'to.
Halos maputol ang litid sa aking lalamunan sa sigaw nang ipalo nila sa binti ko ang
tubo. Ramdam ko ang paggalaw ng buto ko. I cried out loud. It fucking hurts.
"Sige lang. Saktan nyo sya. Hindi nyo alam kung sino ang binabangga nyo. He is more
than one call away. Hintayin nyo lang sya. Parating na sya."
Dinuraan ko sya sa mukha na ikinangiwi nya. Napayuko ako nang hambalusin nya ang
likod ko ng tubo. Napaubo ako sa sobrang sakit kasabay ng paglabas ng dugo sa bibig
ko.
"May gana ka pang lumaban huh?" Nakangising wika ni Angel na kinuha kay Roxane ang
tubo. "Paalam, Zein Shion."
Mulat na mulat ang mukha ko habang palapit ng palapit sa akin ang tubo. Parang
bumagal ang takbo ng oras. Sobrang bagal na nagawa nang pigilan 'yon ng isang
lalaking nakapoker face.
Hindi nya kailangang ipakitang galit sya dahil ramdam na ramdam mo ito. Sobrang
dilim ng aura nya. Nakakatakot. Ngayon ko lang syang nakitang ganito.
Damn, Supremo.
Ang kanyang braso ay mas lumapad habang hawak-hawak ang tubo na nabitawan na ni
Angel. Kitang-kita ko ang konting crack na nagawa ni Supremo sa makapal na tubo.
Sobrang higpit ng hawak nya. Demonyo, muli kong nakikita ang demonyo sa kanya.
Bago ako tuluyang nawalan ng malay. Narinig ko ang tinig ng isang demonyong
nagpupuyos sa galit. Ang boses nya, parang binalutan ng yelo.
Chapter 41
Chapter 41: Bloody Punishment
Narito kaming lahat sa gymanasium, hindi lang ang mga nasa cafeteria kanina kundi
ang buong estudyante ng HU at SSG Council except Zein na hindi namin alam kung saan
dinala ni Supremo.
Hindi na namin sya hinanap dahil may tiwala kami kay Supremo Ace. Alam kong hindi
nya papabayaan ang kaibigan namin.
Narinig ko na naman ang mahinang mura ni Matt habang nakatingin sa sahig. Halos
mabaliw na sya kanina nang malaman ang nangyari kay Zein. Maging ako, mahigpit na
pagpipigil ang ginagawa ko baka mahambalos ko sa pader ang mukha ng lahat ng
estudyante na involved kanina lalong lalo na ang Putang Roxane at Hinayupak na
Angel. Tangina nila.
"Kamusta na kaya si Zein?" Dinig kong tanong na naman ni Mia na tulala lang din.
Kahit na anong gawin nyang pagmamatapang, kitang-kita ko pa rin ang takot sa mata
nya. Bitch, pay for your debt.
"Watch your words, Roxane." Babala ni Angel na tumayo na rin sa gilid nya.
"Why?! Oh! Ikaw pala ang may kasalanan nito! Gusto mong mamatay na si Zein para
masolo mo na si Supremo." Isang sampal amg inabot ni Roxane kay Angel.
Kaya naman pala, Demonic Angelica. Alam mong wala kang laban kay Zein sa puso ni
Ace kaya tinangka mo syang patayin. Nakakaawa ka, hindi ka marunong lumaban ng
patas--Oh well, kapag pala lumaban ka ng patas talo ka pa rin kay Zein Shion, wala
ka sa kalinkingan nya.
"How dare you?! I am the Queen here!"
Nagsabunutan sila. Sige lang, magsakitan kayo pero huwag muna kayong magpapatayan
ah? Gusto ko pa kayong makitang magdusa at paghirapan ang paglapastangan nyo sa
kaibigan ko, sa pinakaimportanteng tao ng isa sa pinakamataas sa HU.
Natigilan silang lahat nang pumasok ang mga lalaking nakaitim na mask. Tangina! Ano
'to? Bakit andito ang Black Blood Gang?! Anong ginagawa nila dito?!
Kung titignan ay simpleng estudyante lang sya, napakainosente pero huwag ka lang
titingin sa mata nya dahil makikita mo ang demonyong nakakubli sa inosenteng
katawan ng lalaking 'to.
"Anong ginawa nyo?" Natatawang tanong nya sa lahat na may halong pananakot. "Bakit
nyo ba kasi sya ginalit? Tsk tsk." Umiling-iling pa ito.
"Naku lang, kung nakita nyo kanina si Supremo? Lagot talaga kayo." Humalakhak ang
may pulang buhok na nasa tabi ni Nazzer kaya sinamaan nya ng tingin ito na
ikinatahimik nya.
Si Supremo ang nagpapunta sa kanila dito? Pero bakit? Anong pinaplano nya at
kailangan pang isama ang BBG?
Napansin ko rin ang isang babaeng mahaba ang buhok na nasa tabi ni Nazzer.
Nakamaskara rin ito pero alam kong nakatingin ang kanyang malalim at maitim na mata
sa amin.
Nalaglag ang panga ng lahat nang makita ang mga naka pulang maskara na papasok ng
gymnasium.
Nanatiling tikom ang bibig ko habang nakatitig sa isang lalaking nasa unahan. Raze.
"Buti dumating ka. Iligtas mo ako." Sambit nito kay Raze na wala man lang reaction.
Lumabas din ang pagpapanggap nya. Takot na takot sya sa maaaring gawin ni Ace sa
kanya. Dapat lang, manginig ka.
Tatayo na sana ako para habulin sya nang makita kung sino ngayon ang nasa harapan
na ng gymnasium entrance at nakaharang sa daan. He looks so damn scary as a shit.
His tremendous pressence is covering the whole gymnasium.
"S-Supremo."
He is in between the two gangs. Parang sya ngayon ang namumuno sa dalawang gang na
ito. Damn! Paano nyo nagagawang pasunudin ang mga ito?
"I don't need your sorry. I want you to pay for your debt." Malamig na tugon ni
Supremo na hindi nakatingin sa kanya.
Drama pa. Iiyak mo lang lahat, hanggang sa wala ka ng mailuha kundi dugo. Pinadugo
nyo si Zein, dugo rin ang kapalit. Buhay nya ang nanganib, buhay nyo ang kapalit.
"All of the students who were involved on the commosion earlier at the cafeteria.
You know who you are, stand now."
Walang nagawa ang lahat kundi ang tumayo. Hindi kami tumayo ni Mia dahil hindi kami
kasama, biktima lang din kami.
Inis na tumayo rin si Roxane. "Sino ka ba para utusan kami?! I am the Queen!" Sigaw
ni Roxane.
Humalakhak ako na ikinalingon nya. Nagngingitngit ang ngipin nya habang nakatingin
sa akin ng masama. Come on, lapitan mo ako. Tangina mo gigil na gigil ako sa'yo.
"I am giving the crown to Zein Shion as the new Queen of Hell University." Sambit
nya na ikinalaglag ng panga namin.
Hindi ako makapaniwala. Si Zein Shion, Queen of Hell University? Damn! How far she
is now? She is above us now.
"Of couse I can. Ako ang nagluklok sa iyo, ako ang mag-aalis sa'yo." Nakangising
sagot nya pero mahahalata mo sa ngisi nya na nag-aapoy pa rin sya sa galit.
"I declare the new King of Hell University as Matthew Hart." Wika ni Raze na
ikinalaglag pa ng panga namin.
Hindi ko alam pero may hindi ako makapaniwalang kutob sa Highest 10 na ito. Ano na
naman ito?
"I am now in the highest among the rest." Wika ni Supremo na ikinatigil ng lahat.
Supremo Ace Craige is now leading the entire Hell University. How awesome he is?
Napayuko nya ang leader ng DGW. Tangina naman! Bakit parang sobrang taas ni
Supremo? Ganito ba talaga kalakas ang pagiging President ng SSG? Kaya nyang utusan
ang kung sino man?
"Next to him is the new Queen of Hell University, the Secretary of the Supreme
Student Government. From the 9th place, Miss Zein Shion is now on the 4th rank
which is the previous place of Mister Rouge Silvenia."
I can't do anything but to curse. She is not just an ordinary student now, Zein
Shion is now one of the Highest here and I am proud to say. "Kaibigan namin 'yan!
Kahit na anong pagdown na gawin nyo sa kanya, lalo nyo lang syang pinapataas. Thank
you ah?" Sigaw ko na ikinalingon nilang lahat.
Proud na tumayo ako sa harapan nila. Bakit ba? Kaibigan ko ang Queen, ang 4th
Highest Student, ang SSG Secretary. Sino bang kaibigan nya ang hindi mapaproud?
Hmp!
"Umupo ka na nga, nakakaistorbo ka e." Awat sa akin ni Jerome kaya inirapan ko lang
sya at bumalik sa pagkaupo.
"5th is still the Supreme Student Government Vice President. Mister Onel Ty." Wika
ulit ni Supremo habang nakatingin kay Vice Ty na tumango sa kanya.
Napanganga ako nang tumayo si Liam sa harapan at yumuko kay Supremo. Kasama pala
sya sa Highest 10? How come?
"In the 7th place is the new King of Hell University, the co-leader of Black Blood
Gang. Mister Matthew Hart."
About do'n sa pagiging Black Blood Gang co-leader nya, inamin nya nya sa amin 'yon
at sinabi na rin nya ang purpose nya. He joined the Gang for the sake of Zein.
Nakita ni Nazzer ang potensyal ni Matt, ang literal na lakas at tapang nito kaya
hinikayat nya si Matt na umanib sa kanila kapalit ng kaligtasan ni Zein. Habang
myembro si Matt ng BBG, protektado ng BBG si Zein. Ang swerte talaga nya.
Tumayo si Matt at pumunta sa harapan. Nakatingin kaming lahat sa kanya. Yumuko ito
kay Supremo at nag-usap sila ng konti. Nakita kong sumilay sa labi ni Supremo ang
isang ngiti bago bumalik sa amin si Matt na tahimik pa rin.
Hindi ko mapigilang matawa ng konti. Kahit naman may pagkamaldita ang isang 'to,
alam mong totoo sya sa sarili nya at hindi nya kailangang magpanggap na angel gaya
ng isa dyan. Hmmp!
Tinanggal ng babaeng katabi ni Nazzer ang maskara nya at nakipagkalikan nay Nazzer.
"Boss naman. Pwedeng mamaya na lang kayong maghalikan? Nasa public tayo. Live."
Wika ng lalaking may pulang buhok na natatawa.
Tinaasan sya ng kilay ni Nicky at isang masamang titig ang nakuha nya kay Nazzer.
Tumikhim ito at lumayo sa dalawa. "Sabi ko nga hindi na ako makikiaalam e." Dugtong
pa nito.
"Last but not the least. In the 10th place is Mister Jerome Marquez."
Ano bang dahilan mo kasi? Sabihin mo naman nang hindi ako nalilito ng ganito.
"Now."
"Listen, Black Blood Gang and Devil God Warrior." Panimula nya. "Isaulo nyo ang
mukha ng lahat ng nakatayong ito. They will be your target for the next 1 week. I
don't care if it is a day time, I don't give a shit if it is not a bloody night.
Wala kayong ibang gagalawin kundi ang lahat ng nakatayo dito, kung itatanong nyo
kung pwede kayong pumatay sa isa sa kanila? Yes, of course."
Chapter 42
Chapter 42: I miss you
Ramdam ko ang panghihina ng katawan ko habang nakatingin sa mga taong may kung anu-
anong nilalagay sa akin. Malabo ang lahat at hindi ko makita ang mga mukha nila,
basta ang alam ko lang ay naka surgical mask sila at mga nakaputing damit.
Naramdaman ko ang muling pag-ikot ng paningin ko.
Nagising ako sa isang malawak na puting kwarto. Iginala ko ang mata ko sa kabuuan
ng hindi familiar na silid na ito. Walang ibang gamit kundi ang hinihigaan kong
puting kama, wala ring bintana ang tanging ang fluorescent lamp lang ang nagbibigay
liwanag sa paligid at nakasara ang nag-iisang pinto.
Napatingin ako sa suot ko. Naka school uniform pa rin ako. I tried to move my legs
expecting a severe pain, pero wala. Wala akong maramdamang sakit o bakas man lang
na pinuruhan ako ng makapal na tubo. Kumunot ang noo ko at inalalayan ang sariling
makaupo.
Hinawakan ko ang likod ko pero wala rin akong maramdamang hapdi. Imposible namang
patay na ako dahil alam kong humihinga pa ako, ano bang nangyari? Asan ako?
Bumukas ang pinto at iniluwal nito ang isang lalaking naka laboratory suit na may
surgical mask pa. Sandali nya akong sinulyapan bago lumapit sa akin at hinawakan
ang aking binti at ni-check ito.
"May nararamdaman ka bang sakit o hapdi man lang?" Tanong nya habang patuloy pa rin
sa pag-scan sa binti ko na animo'y naghahanap ng kung ano roon.
"Sorry binibini, hindi ko masasagot ang katanungan mo." Lumabas na sya at iniwan
akong tulala.
Napabuga na lang ako ng hangin at ginalaw muli ang binti ko. Hindi ko maiwasang
mapangiti, ano kayang klaseng paggamot ang ginawa nila sa akin at parang isang
himala na hindi ako nalumpo?
Naalala ko na naman ang ginawa nila sa akin kaya hindi ko maiwasang mapangisi.
Hintayin nyo ako mga mapagpanggap na tao, matagal na rin akong nagpapanggap at
isang galaw ko lang ay makakatakas na ako at magiging malaya na. Hintayin nyo ako,
malapit na akong makawala.
Nawala lahat ng pagkamuhi ko nang makita kung sino ngayon ang nakatayo sa pinto.
Ang malalim na mata nito na tinatakpan ng salamin ay nakatitig sa akin, may halong
pananabik at pag-aalala. Ang pagsikip ng dibdib ko ay mas lumala habang sumasabay
ako sa mga titig nya.
"G-Gising ka na." Ang unang katagang kumawala sa labi nya bago sumilay ang isang
ngiting nagpaluwag sa paghinga ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang epekto sa
akin ng lalaking 'to, nakakabaliw.
Napasinghap ako nang magtama ang katawan namin at nang pumulupot ang braso nya sa
likod ko. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay ilang araw din kaming hindi nagkita
para makaramdam ng ganitong klaseng pangungulila. God! I badly missed this guy and
I don't know why.
"Damn! Gising ka na nga!" Malutong na mura nya bago mas hinigpitan ang pagkakayakap
sa akin.
Kahit na ayokong kumawala pa sa kapit namin ay napilitan akong gawin. Hinarap nya
ako at kitang-kita ko pa rin sa mga inosente nyang mata ang pag-aalala, labis na
pag-aalala.
Si Supremo Ace Craige, natakot? Sa pagkakaalam ko ay sa pusa lang sya takot pero
hindi ko alam na nakatakot ko rin pala sya sa akin. Dapat ba akong matuwa?
Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tanong na 'yon at bigla na lang kumawala sa
labi ko. Damn! Ano ba 'tong sinabi ko?! Parang nahypnotized nya kasi ako. GOD!
Nakakahiya ka, Zein. Kakagising mo lang kung anu-ano na agad ang nasasabi mo.
"Gwapo sya, oo pero iba ka e. Hindi ko alam kung bakit pero kakaiba ang sa'yo."
"Tigilan mo nga ako, Zein Shion! Pinapakilig mo ba ako?!" Mejo irita nyang tanong
na ikinahalakhak ko.
Halos kurutin ko ang pisngi nya sa gigil na hindi pa rin naaalis sa kanya ang
pagiging high blood at ang pagkunot ng kanyang noo at kilay sa tuwing iniinis ko
sya. I missed teasing him!
Laglag pangang napatingin ako sa kanya. Huh? Bakit parang andaling aminin na
kinikilig sya? Grabe! Hindi man lang nagdeny, well Supremo is Supremo. Pero,
kinikilig sya? UGH!
Ang yabang talaga nito kahit kailan. Kahit naman hindi nya ako pakiligin, nakikita
ko pa lang sya kinikilig na ako. Effortless. Hindi nya ba alam 'yon? Lalo na kapag
nagbitaw sya ng salita na halos iumpog ko na ang sarili ko sa dibdib nya. Psh.
"Zein?"
"Hmmm?"
"Fuck you!"
Hindi pa man ako nakakasagot ay muli na naman nya akong nabalot. Kagat-labing
gumanti ako ng yakap at halos sumabog na ako sa sobrang pagpipigil na tumili. Heto
na ba ang sinasabi mong pagpapapakilig? Huh? Supremo? Congrats! Super effective.
"Ngayon ko lang naramdaman ito, ngayon ko lang naramdaman ang pakiramdam na masarap
palang pumatay... lalo na kung ikaw ang dahilan." Bulong nya habang hinahaplos ang
buhok ko. Napapikit ako sa ginawa nya at sinandal ko ang ulo ko sa balikat nya.
"Handa akong maging makasalanan para sa'yo." Dugtong pa nito.
Naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa mata ko. Handa rin akong pumatay para sa'yo,
Supremo. Handa akong magpakademonyo para sa'yo.
Iniharap nya ako sa kanya at pinunasan ang luha ko. "Akin ka lang ah? Mangako ka sa
akin, Zein. Natatakot na talaga ako sa mga posible pang mangyari. Dito ka lang
please... dito ka lang sa 'king tabi, Zein." Wika nito sa mata ko na tumagos sa
diwa ko.
Hindi ko maipapangako, pero susubukan ko. Susubukan kong yumakap sa'yo hanggat kaya
ko.
"Supremo, lagi mo akong nasa tabi. Ako lang ang maaaring tumabi sa'yo. Tandaan mo
'yan, makikipagpatayan ako para sa pwesto dito." Turo ko sa dibdib nya.
"Ikaw lang naman ang nararapat dyan, ikaw lang ang una at huling nararapat dito."
Turo nya sa dibdib nya. "Sa'yo lang nakalaan ang puso ko. Natatandaan mo pa ba nong
sinabi ko sa'yong may lugar sa impyernong ito kung saan ligtas ka?" Tanong nya.
Naalala ko nung sinabi nya sa akin 'yon. Nung last day of bloody week.
"As long as I am breathing, you are safe. I am Ace Craige, your shield, your
bulletproof, your knight... my queen."
Isinandal nya ako sa balikat nya at panandalian kaming kinain ng katahimikan. Hindi
ko alam na kaya kong mahulog nang ganito sa isang tao, hindi ko alam na sa
impyernong ito ko pala mahahanap ang langit. Kailanman, hindi ko pagsisisihan ang
pagpapakatangang pumasok sa impyernong ito. I just so love this damn hell.
Napaayos kami ng upo nang may biglang pumasok. Umakyat lahat ng dugo sa ulo ko nang
makita ang pagdapo ng palad nya sa pisngi ni Supremo.
"You are such a disappointment." Gigil na wika ni Madame Violet. "This is the last
warning, Supremo." Dugtong pa nito.
"Do what you want, I finally found my happiness and there is no hell I will let
this feeling fade."
Tumayo si Supremo sa harapan nya at nakita kong natigilan si Madame Violet. Nakita
ko ang pagdaan ng takot sa mata nya nang makita si Supremo'ng nakangisi pero nag-
aalab ang mata.
"Sa tingin nyo papayag akong gawin nyo ang ginawa nyo dati?" Tanong ni Supremo.
"Nagkakamali ka. Subukan nyo lang galawin ang babaeng nasa tabi ko, ipapatikim ko
sa inyo ang totoong impyerno." Babala ni Supremo sa kanya na maging ako ay
nangilabot.
Wala kang mababakas ng biro sa sinabi nya. Puro ito at alam mong totoo. Hindi ko
maiwasang matakot sa maaaring gawin ni Supremo. Hindi ko pa lubusang nakikita ang
demonyong nakakubli sa kanya at parang ayokong makita.
"Hindi pero kung gagawin nyo ang pinaplano nyo. Dapat lang na matakot na kayo."
Napatingin kami nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang lalaking
naka-surgical mask. Tumingin ako kay Supremo na nakangiti lang sa akin.
"It's ok." Ang huling katagang narinig ko bago ako nawalan ng malay.
Nagising ako na nasa kwarto na ako namin, pinalilibutan ng mga kaibigan ko.
Naramdaman kong may yumakap sa akin at humagulgol.
Hindi ko maiwasang mapangiti. Inalaayan nila akong makaupo at inabutan ako ni Dave
ng tubig.
"May masakit pa ba sa'yo?" Tanong sa akin ni Matt.
"God! Tatlong araw ka ng nakaratay dito." Wika ni Vanessa na hinahaplos ang buhok
ko.
Kumunot ang noo ko at tinitigan sila kung totoo ba ang sinabi ni Vanessa.
"Mukha ba akong nagbibiro? But thanks God! Gising ka na rin." Wika pa ni Vanessa.
"Iwan na muna natin sya at nang makapagpahinga na muna sya." Suhestyon ni Jerome na
hinihila si Vanessa na nagpupumiglas.
"Eh? Naman eh! Namiss ko nga si Zein! Gusto ko pa syang makatabi!" Parang batang
wika ni Vanessa.
"As if naman namiss ka nya." Biro ni Jerome kaya si Vanessa na ngayon ang humila sa
kanya palabas at narinig ko ang pagdaing ni Jerome.
Tumango sa akin si Matt at inayos ang unan sa likod ko. "Pahinga ka muna, Queen
Zein." Wika nito bago ako hinalikan sa noo at sumunod sa kanila.
Ano daw?
Kumunot ang noo ko nang mapagtanto ang isang bagay. 'Yong mga naka laboratory suits
at naka surgical mask, posible kayang pinasok ako ni Supremo sa loob ng hidden
laboratory? Kaya ba galit na galit si Madame Violet? Kaya ba parang himala ang
mabilis kong paggaling?
"Meow."
Napatalon ako sa gulat nang biglang tumalon sa kama ko si Hoy na umupo pa sa lap
ko. "Hoy!" Bulalas ko at mabilis itong binatukan.
"Kahit kailan talaga ang hilig mong manggulat!" natatawa kong wika.
"Meow."
Kinuha ko ito at hinaplos ang kanyang balahibo. Bigla kong naaalala sa kanya si
Supremo. Damn! Miss ko na naman sya. I miss him!
Humarap ako sa salamin at inayos ang damit ko. Damn! Hindi ako mapapakali hanggat
hindi ko nakikita si Supremo. Wala lang, gusto ko lang syang makita.
"Meow."
"Tama ka Hoy, pupuntahan natin si Daddy Ace." Sagot ko kay Hoy dahil pakiramdam ko
ay tinatanong nya ako kung bakit ako nag-aayos ng buhok. "Miss mo na sya alam ko."
Dugtong ko pa.
"Meow."
Madaling kumunot ang noo ko nang mapansin na pinang-iilagan ako ng mga estudyante.
Kapag may nakasalubong ako ay yuyuko sila or mabilis na aalis sa daan.
"Meow."
"Manahimik ka nga, Hoy. Hindi kita maiintindihan. Basta, good boy ka ah? Huwag mong
gugulatin si Supremo, babatukan talaga kita."
Takot talaga silang mahuli ni Supremo. Nakakatakot naman talaga ang isang 'yon.
Bigla kong naaalala nong una ko syang nakita. Nerd na demonyo. Halos balian nya ako
ng braso at nilagyan ng Supreme Mark Warning Number 1.
Nakapoker face ito habang nakatingin sa akin. As usual ay hawak nya pa rin ang
logbook nya kung saan nakatala ang mga bagay-bagay.
"W-Wala?" Hindi siguradong tanong ko. "Hindi ba ako excuse? I mean, 'di ba? May
nangyari sa akin?" Pagpapaliwanag ko na ikinataas ng kilay nya.
"Meow."
Lumunok ako habang sinasabayan ang malalim nyang titig. "You don't need an excuse.
You are the Queen, after all." Bigla syang ngumiti na ikinatigil ko.
Aktong hahawakan na nya ang braso ko nang makita nya si Hoy na nakatingin sa kanya.
"Shit." Mahinang bulong nya bago muling tumikhim.
Nakangiting sumunod ako sa kanya. Parang nong una lang kaming nagkita, napakalamig
nya ngayon at hindi ko alam pero kinikilig ako. Psh.
Pumasok kami sa Gymnasium kung saan walang tao. Umupo kami sa isang upuan.
Ipinatong ko si Hoy sa lap ko.
Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya kong matulog sa ganong katagal na araw.
"Sinadya ko 'yon." Wika nya. Bumalin sya sa akin ng tingin. "Dahil may bago kang
responsibilidad bilang Queen of Hell University." Tumaas ang isang sulok ng labi
nya habang kumunot naman ang noo ko.
"Weh?"
Pagkasabi nya non ay biglang kumutitap ang mga mata ko. Kahit naman kaibigan lang
ang turing ko kay Matt ay crush ko pa rin naman sya kaya hindi ko maiwasang
makaramdam ng pagkakilig.
"Because I am the Queen and you are just a President." Mataas kong sagot na
mahinang ikinatawa nya.
"I am still higher than you, Queen Zein. You are just in the 4th place while I am
leading the H10." Ngayon ay sya na naman ang nagmayabang.
"Ikaw na ang number 1?" Tanong ko pa. Tumikhim ito bago taas noong tumango. "Waah!
I am so proud of you!" Masaya kong sambit na ikinangiti pa nya. "Si Matt? Kasama ba
sya?" Sunod kong tanong.
"Ang galing talaga nya!" Wika ko na napatayo pa sa tuwa. "Sandali lang Supremo ah?
Kailangan kong mabati si Matt." Pagpapaaalam ko pero mabilis na nahawakan nya ang
braso ko.
"And you know that I do not give a damn." Muli nya akong pinaupo kaya wala akong
nagawa kundi sundin sya.
"Oo nga pala Supremo, miss kana ni Baby Hoy." Inilapit ko sa kanya si Supremo kaya
mabilis na umatras sya na halos ma-out-of-balance pa.
"DUH! Syempre kaibigan ko sya. Ang unang lalaking bumihag sa mata ko." Pabalang na
sagot ko.
"Ewan ko sa'yo."
Napatayo ako nang makita si Angelica na humahangos papunta sa amin. May dugo ang
kaliwang binti nito kung saan may nakaturok na pako.
Napaupo ito sa sahig at hindi na maikilos ang kanyang binti. Pawis na pawis din
ito. Kahit na hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari ay hindi ko pa rin
maiwasang mag-aalala.
Nagulat ako nang itulak nya ako palayo kaya tumama ang likod ko sa upuan at
nabitawan ko si Hoy.
"Ahh!" Muli itong napasigaw at biglang may bumaon na naman na pako sa kaliwa nyang
binti.
Napatingin ako sa isang babae sa hindi kalayuan. Nakangisi ito sa akin habang
pinaglalaruan ang pako sa kanyang daliri. Nicky.
"Meow."
Tumingin si Supremo kay Angel na umiiyak. "Don't worry. Ipinatanggal ko ang lason
sa mga pako kaya pamamanhid lang ang mararamdaman mo. Hindi ka pa mamamatay, not
yet." Sabi sa kanya ni Supremo.
Bumalin ako sa likod kung saan nagsisisigaw si Angel nang sabunutan sya ni Nicky.
Hindi pa rin nakatakas sa akin ang masamang titig ni Angelica na animo'y may
binabalak na namang masama.
Psh.
Chapter 43
Chapter 43: Fight
Hindi ko alam kung matutuwa ako o mababahala sa nabalitaan kong parusang ginawa ni
Supremo sa mga taong sangkot sa pananakit sa akin.
Matuwa? Oo, aaminin ko na natuwa ako kasi alam kong nagawa nya lang 'yon para
mabigyan ng hustisya ang kawalang hiyaang ginawa nila sa akin pero ramdam kong mas
nangingibabaw sa akin ang pagkabahala. Nababahala ako na baka lumala pa ang lahat,
baka maapektuhan maging kung ano ang meron sya ngayon. Nag-aalala at natatakot
akong masira lahat ng pinaghirapan ni Supremo... ng dahil lang sa akin.
"Ms. Shion?"
Tumayo ako at pumunta sa table ni Teacher Kath kung saan inabot nya sa akin ang mga
papeles na napakarami.
Tumango na lang ako at nilagpasan ang nakakunot na noo ni Supremo na halatang tutol
sa inutos ni Teacher Kath. Well, pabor din naman sa akin 'to dahil napakabigat ng
presensya sa loob. Halos hindi kami nagkikibuan ni Supremo gaya ng pakiusap ko sa
kanya.
Nakiusap ako sa kanya na hangga't maari ay huwag kaming masyadong mag-usap kapag
nasa paligid namin si Teacher Kath o Vice Ty. Ayoko ng lumala pa ang lahat.
Inaamin kong nahihirapan na rin ako sa sitwasyon namin. Wala kaming commitments ni
Supremo pero dinaig pa namin ang mag-on. Kailangan ba talaga ng commitments?
Pakiramdam ko kasi ay wala ring kwenta ang mga salita sa bibig kung hindi
sinasabayan ng aksyon. Action is much more powerful than words but action without
words is confusing. Ang gulo.
Pinihit ko ang seradula ng pinto at itinulak. Mejo nahirapan akong itulak ito dahil
kinakalawang na ang gilid nito. Napaubo ako nang malanghap ang alikabok.
Naramdaman kong may presensya sa likod ko kaya mabilis akong napabalin doon ng
tingin.
"A-Angel?"
Ngumisi ito. Napansin ko na putok ng pang-ibabang labi nya at ang braso nya ay may
benda. Kahit papaano ay nakaramdam ako ng awa dahil alam kong isa sa mga gang ang
may gawa roon.
"Masaya ka na?" Tanong nito kung saan mababakas ang pakla at gigil. "Ikaw na ang
Queen. Rank 4 ka pa." Wika pa nito.
Nanatiling tikom ang aking bibig dahil hindi ko rin naman alam kung ano ang dapat
kong isagot.
Hindi. Hindi dahil don kaya ako masaya. Hindi ako kailanman sasaya sa mga parangal
at kapangyarihan. Isang tao lang ang maaring magpasaya sa akin. Siya lang ang
kailangan ko para maging masaya. Mawala na sa akin lahat, basta andyan sya
mananatili ang ngiti sa aking labi.
Grabe... grabe ang epekto nya sa akin para maging ganito ako.
Tumitig ako sa mata nya kung saan kitang-kita ko ang hapdi at sakit na nararamdaman
nya. May pagtingin sya para kay Supremo... kaya nya nagagawa ito. Kung tatawagin
nya mang pagmamahal ito ay tatawanan ko lang sya. Hindi 'to pagmamahal. Isa itong
pagmamakasarili.
"Layuan mo na sya."
Wala sa sariling napangiti ako. Bago sunod-sunod na umiling. Nangako ako na hindi
ako susunod sa kahit na sino, tanging sa kanya lang. I will only obey an order from
him, only from Ace.
"Can't you see?! Habang nasa tabi ka nya ay mas nahihirapan sya. Pinapahirapan mo
lang sya. Pahirap ka lang!"
Nagulat sya sa pagsigaw ko. Nanginginig ang labi ko hindi dahil kay Angel kundi
dahil sa katotohanang tama sya. Alam ko naman 'yon e. "Sa tingin mo natutuwa ako?!
Huh?! Kung nahihirapan si Supremo mas lalo ako! Nasasaktan akong nakikita syang
nahihirapan." Naramdaman ko ang pagpatak ng luha sa mata ko.
Nanginginig ang buong katawan ko, maging ang puso ko na parang sasabog na. Hindi ko
na alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Hindi ko kayang iwan si Supremo, hindi ko
rin sya kayang nakikitang nasasaktan. Parang nasa isang silid ako kung saan may
dalawang pinto... kahit na anong piliin ko ay masasaktan ako. Parang... parang mas
gusto ko na lang makulong sa loob. Natatakot akong mamili.
"Kasalanan mo naman e. Kung hindi ka sana napalapit sa kanya, edi sana hindi ka
nahihirapan!"
"This is not my fault! This is a fucking accident.." Humina ang boses ko kung saan
kumawala ang sunod-sunod na hikbi. "Hindi ko ginusto na maging ganito ang lahat...
aksidente lang lahat." Parang sirang plakang paulit-ulit na lumabas sa bibig ko.
Aksidente naman talaga ang lahat. Hindi ko ginustong makulong dito, hindi ko
ginustong magtagpo ang landas namin... biktima lang din ako sa aksisenteng ito.
Biktima ako ng mapaglarong kapalaran. Fuck!
"Sorry..." Ang huling narinig ko sa bibig ni Angel bago nya isinara ang pinto.
Tumakbo ako papunta sa pinto ay pilit na binubukas ito ngunit nakakandado na.
Hindi ako takot sa dilim, mas gusto ko ang dilim kesa sa liwanag dahil sa dilim ko
naitatago ang lahat ng hindi ko maitago sa liwanag. I love in the dark pero ngayon
hindi ko maiwasang matakot.
Natatakot ako na baka hindi ko na muling makita pa ang liwanag dahil napagtanto ko
rin na sa liwanag ko natagpuan ang isang taong pumuna sa pagkatao ko.
I am in the dark and I badly want to see the light. My light... my Supremo. Ace.
Nawalan na ako ng iluluha at hindi ko alam kung ilang oras na ba akong nakaupo
roon.
Nakarinig ako ang paggalaw ng lock sa labas kaya mabilis na tumayo ako at lumayo sa
pinto para hindi matamaan kung sakaling pwersahang buksan 'to.
"Zein?! Ok ka lang?!"
Kumalas sya sa pagkakayakap at tumitig sa mata ko. Naramdaman ko na naman ang pag-
init ng gilid ng mata ko.
"Z-Zein?"
Nalaglag ang panga nya nang hawiin ko sya at lumapit kay Matt. Nagulat si Matt nang
yumakap ako sa kanya kasabay ng pagkawala ng hikbi sa bibig ko.
Hindi pa ako nakapili... ayokong mamili. Gusto ko munang lumayo kay Supremo,
kailangan kong malinawan dahil kapag nasa tabi nya ako ay tanging makasama sya ang
naiisip ko.
"Z-Zein?" Nalilitong wika ni Matt.
Ang sakit.
Hindi ko napigilang sumulyap kay Supremo na seryosong nakatingin lang sa amin but
there I saw.... pain.
Napapikit ako at binitawan ang kamay ni Matt para tumakbo pabalik kay Supremo.
Sinalubong nya ako ng yakap at ginantihan ko 'yon. Damn! This is fucking wrong but
the hell I just can't step away from him.
Chapter 44
Chapter 44: Too
Agad na kumunot ang noo ko nang mapansin na iba ang ikinikilos ng lahat. Kadalasan
sa mga babae ay humahagikgik na animo'y kinikilig.
Nagpaalam ako kay Supremo dahil may pasok pa ako. Pagkapasok ko ay ganon pa rin ang
dinatnan ko sa classroom, humahagikgik ang karamihan. Tumabi ako kay Vanessa na
pinaglalaruan ang ballpen pero mahinang tumili nang makita ako.
Nagtatakang pinanuod kong ayusin nilang dalawa ni Mia ang kanilang silya at
iniharap sa akin. Nag-uusap naman ang mga boys na paminsan-minsan ay humahagalpak.
Nagkatinginan naman sina Mia at Vanessa na parang nag-uusap sa mga mata. Bored na
nakatitig lang ako sa kanila dahil wala talaga akong maintindihan.
"Hindi mo alam?" Tanong naman ni Vanessa. Mabilis na umiling naman ako kaya namilog
ang mata nya na parang hindi makapaniwala. "Hindi talaga?" Ulit pa nya.
Psh.
Napangiwi ako sa inis at pinigilan ang sarili kong hambalusin sila ng bag ko. Bakit
ba hindi na lang nila sabihin sa akin nang sa ganon ay alam ko na kung ano ang
tinutukoy nila? Hindi 'yung pabitin. Damn! Curiosity is killing me.
"We won't tell you..." Nakangising wika ni Vanessa na ikinalaglag ng panga ko.
Like, What The Fuck?! Alam talaga nila akong inisin. "Come on! Sabihin nyo na!"
Inis na wika ko.
Umiling si Mia at humalukipkip pero hindi nya naitago ang pasimpleng pagngisi nya.
These girls! UGH! Ano ba talaga 'yon?
Natawa ako nang hilain ni Vanessa ang kwelyo nya at may ibinulong. Ganon din ang
ginawa ni Mia kina Dave at Jerome na ngayon ay kapwa nakangisi na.
Ok?
"Kung sasabihin nyo baka malaman ko na." Inis na wika ko na ikinahalakhak nilang
lima.
GHAD! Nakatrip ang gang na 'to ngayon! Ano ba talagang nangyayari? Hindi ko naman
matanong sa iba dahil parang na-i-intimidate sila kapag nasa harap nila ako at
nauutal.. kung minsan ay lumalayo pa sa akin.
Humalukipkip na ibinalin ko sa harap ang aking paningin pero batid ko pa rin ang
nang-aasar na tingin nila sa akin.
"Supremo?!"
Mabilis na napatingin ako kung saan nakatingin si Jerome pero agad ding kumunot ang
noo ko nang makitang wala naman doon si Supremo.
Narinig ko ang muling paghalakhak nila kaya mabilis na umalis na ako roon. Grabe
sila! Ako pa ang napagtripan.
Hindi ko maitago ang irita sa mukha ko at napagbuntungan ng galit ang isang bato.
Umupo ako sa bench dito sa wide space at pinagmamasdan ang walang lamang lugar na
ito dahil na rin sa class hour na.
"Oh My Ghad!"
Napatakip ako sa aking bibig nang maalala na class hour nga pala. Hindi ako pwedeng
mag-stay dito baka makita ako ni Supremo. Kahit naman nasa taas na ako ay hindi pa
rin ako exempted sa rule.
Dali-dali akong umalis ngunit naistatwa ako nang marinig ang boses ni Supremo sa
likod ko.
Inipon ko lahat ng lakas sa paa ko bago kumaripas ng takbo at hindi pinansin nang
tawagin ako ni Supremo. Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang dalhin ako ng paa ko
sa secret garden.
"Meow."
Tangina! Sinamaan ko ng tingin si Hoy na ikinikiskis ang balahibo sa binti ko. "You
are not helping, Hoy." Iritang wika ko bago ito kinuha at ipinatong sa hita ko.
"Ano bang meron ngayon?" Tanong ko kay Hoy at umaasang sasagot ito ngunit wala
akong narinig sa kanya kahit na meow man lang. Hindi ko alam pero nairita na naman
ako. "Hindi ka sasagot?!" Gigil na wika ko.
"Pati ba naman ikaw isi-sikreto mo?" Inis na kinuha ko ito at ibinalik sa lupa. "I
hate you! Humanap ka ng bagong amo!" Sigaw ko.
Humalukipkip ako at kinalma ang sarili ko. Nakakairita sila! Nakakainis! Nakaka---
Gigil!
Naramdaman kong muli ang pagkiskis ni Hoy ng balahibo sa binti ko kaya sinipa ko
sya... mahina lang naman.
"Meow."
"Gusto kong isipin na hindi ka nababaliw pero baliw ka ba?" Natatawang tanong ni
Supremo na nakahalukipkip sa harap ko. "Ganon ba talaga kalakas ang epekto ko sa'yo
para mabaliw ka nang ganito?" Nakangising dugtong pa nito.
Aba! Matinde!
"Naku, Supremo. Lumayo ka ng konti sa 'kin, baka mahambalos kita."
Nagulat ako nang yakapin nya ako. Nakalimutan ko atang huminga at tumindig ang
balahibo ko. "Better?" Bulong nya sa tainga ko.
OMG!
"S-Supremo... gusto mong masapak?" Nahihirapang tanong ko. Suminghap ako nang
hangin dahil simot na talaga ang natitirang hangin sa loob ko.
"Kaya mo ba?" Mas humigpit ang kapit nya sa akin and I can do nothing but to feel
him.
"Y-Yakaps--- What?!"
Humalakhak ito at ako naman ay hindi gaanong naintindihan ang sinabi nya.
"Let's just say... Supremo's hug is the most effective medicine ever... it could
ease any kind of ache."
Lumunok ako nago itinaas ang isang daliri ko. "Can I have one, again. Please?"
Request ko ngunit mabilis na umiling sya.
"Okay lang."
"Okay lang."
"Bak-"
Napangisi ako nang ma-istatwa sya dahil ako na mismo ang yumakap sa kanya.
Naramdaman ko ang bigat ng paghinga nito na parang kinakapos sa hangin. Pasimple
kong inilapit ang ilong ko sa batok nya kasabay ng pagpikit ko nang masinghot ang
pabango nya.
Nakaka-addict nga.
"Chansing ka na e."
Mabilis na kumalas ako sa pagkakayakap at inirapan sya. "Asa." Bulong ko.
"Yakapsule ba 'yon?" Tanong nya. "Baliktad naman ata ang epekto sa akin...
Magkakasakit ata ako sa puso dahil sa yakap mo. Isa pa nga." Mabilis na lumayo ako
sa kanya dahil sa pagkabigla.
Damn! Hindi dapat ako aatras kung hindi nya ako binigla! GHAD! Isa pa ngang
yakapsule dyan, Supremo.
Bumalik na kami sa SSG Office kung saan dinatnan namin sina Vice Ty at Teacher Kath
na nag-uusap. Dumiretso si Supremo sa table nya kaya dumiretso na lang din ako sa
table ko.
Sulyap lang ang nagawang isukli sa kanya ni Supremo bago nito ibinalik sa ginagawa
nya ang kanyang mata.
Gusto ko sanang magtanong kung ano ang pinag-uusapan nila ngunit kinain agad ako ng
hiya. Ito ba ang dahilan ng hagikgik at excitement sa buong HU? Anong meron sa
linggo?
Tumingin sa akin si Supremo. Umiwas ako ng tingin dahil nakakailang. Bakit ba sya
nakatingin? Kaninang kinakausap sya ni Vice Ty hindi nya magawang tapunan ng tingin
pero ako wala namang kailangan sa kanya grabe kung makatitig.
"Huwag kang makampante, Presisent Ace." Babala ni Teacher Kath. "Pasalamat na lang
tayo na hanggang ngayon ay nasa posisyon mo pa rin ikaw..." Dugtong pa nito.
Napatikhim na lang si Vice Ty bago ibinalik sa ginagawa nya ang kanyang atensyon.
"Could you please, stop bringing that topic again?" Mejo iritang pakiusap ni
Supremo. "Nasa harap mo lang si Miss Shion." Dugtong pa nito.
"Mas mabuti na 'yon nang malaman nya ang masamang idinulot n-"
"Oh fuck!" Naramdaman ko na lang na tinakpan na ni Supremo ang dalawang tainga ko.
"Don't listen, please." Bulong nya sa akin.
Gusto kong hawiin ang kamay ni Supremo at pakinggan ang sinasabi ni Teacher Kath na
hindi maipagkakailang may punto. Kung sakali man na may mangyaring masama kay
Supremo, kasalanan ko.
"This is not a joke!" Sigaw ni Teacher Kath. "Gusto ko lang naman na maging bukas
ang isipan ni Secretary Shion!" Dugtong pa nito.
Naramdaman kong inalis ni Supremo ang kamay nya sa tainga ko.
Narinig ko ang sunod-sunod na mura ni Ace at ang paghawak nya sa braso ko para
patigilin ako.
"Limit yourself." Putol ni Vice Ty kay Supremo. "Alam kong alam mo na hindi maaring
mainvolve si Supremo sa kanino man. He can't show any emotion... weakness." Dugtong
pa nito.
Limit myself? Limitahan lang ba talaga o gusto nilang layuan ko si Supremo? Bakit
ba tutol ang lahat sa amin? Shit!
Mariin kong nakagat ang aking labi. Kapag ba lumayo ako, maliligtas na si Supremo?
Kailangan ko ba talagang layuan ang lalaking gustong-gusto kong lapitan? Kailangan
ba talagang isakripisyo ang isang bagay para sa isa? Ito ba ang desisyon na tama?
Do I really deserve this kind of treatment from him? Kahit na sakit lang ang dulot
ko?
"So, dapat pala matagal ng wala si Zein?" Nanlamig ako nang makita sa pinto si
Roxane na nakangisi. "Pero niligtas sya ni Supremo. How unfair," Mahinang tumawa
ito. "Ano kayang magiging reaksyon ng lahat kapag nalaman nilang ang Supremo ay may
favoritism?" Pananakot nito.
"Of couse, I dare. Oh wait... may relasyon ba kayo ni Secretary Shion?" Tanong nya
pa kay Supremo.
"Wal-"
"Yes." Nalaglag ang panga namin sa matigas na sagot ni Supremo kung saan wala kang
mababakas na biro.
Mabilis na tumayo ako at lumuhod sa harap nya kasabay ng pagbuhos ng luha ko.
"Too late, Queen Zein." Bumalin ito ng tingin kay Supremo. "Sooner or later....
mawawala na sa'yo ang lahat, Supremo." Ang huling katagang iniwan nito bago umalis.
Wala akong nagawa kundi ang lumuha at sisihin ang sarili ko sa mga nangyari. Am I
really just a pest? Siguro nga, peste ako sa buhay ni Supremo. Maayos naman sya
dati e, pero sinira ko ang lahat magsimula nang dumating ako.
Napapikit ako nang ambahan ako ng sampal ni Teacher Kath ngunit mabilis na hinila
ako ni Supremo palayo roon. Hinayaan ko syang hilain ako.
Huminto kami at hinabol naming pareho ang aming hininga. Humupa na ang luha ko
ngunit ang pangamba ay patuloy na lumalaki.
Hinawi ko ang kamay ni Supremo sa braso ko ngunit mas hinigpitan nya ito.
"Don't.you.dare.leave.me."
Mariin akong napapikit sa pagkadismaya. Bakit ba ganito si Supremo? Sya ang nasa
alanganin ngunit ako pa rin ang iniisip nya!
"Kung lalayo ako, magiging maayos ang lahat." Wala sa sariling sabi ko.
Narinig ko ang malulutong na mura ni Supremo. Ang pasimpleng pagkuyom ng kamao nya,
ang naniningkit nyang mata at ang paggalaw ng panga nya.
"I can live without anything but I can't live without you."
Ngumiti ito kahit na alam kong nahihirapan nya sya. "Buhay nga ako pero hindi ko
maramdaman. Ikaw ang nagparamdam sa akin kung gaano kasaya ang mabuhay, kung gaano
kasarap ang gumising. Tinuruan mo akong mahalin ka pero kailanman ay hindi mo
itinuro sa akin na layuan ka... kaya hindi ko kaya." Namula ang mata nito at
nanginig ang labi.
Naramdaman ko na naman ang pag-init ng mata ko. "We need to set each other free."
Bulong ko.
"Tangina naman, Zein. Ikaw lang ang tanging meron ako, huwag mo namang ipagkait ang
sarili mo. I need you more than what I have."
I didn't know that this would be too hard yet painful. Ayokong lumayo pero
kailangan. Supremo deserve what he earned, at ayokong mawala ang lahat ng 'yon
dahil sa akin.
Humagulgol ako nang maramdaman ang pagbalot nya sa akin. I couldn't literally
breathe. Inaamin kong, hindi ko rin kaya. Hindi ko kayang mawalay sa lalaking 'to.
"Stay with me until the last. Please give it to me, iregalo mo na lang sa akin 'to
sa darating nakaarawan ko."
Mas humigpit ang yakap nya na ngayon ay sinagot ko na. I want to be selfish.... I
want him... I don't wan't to be away... I want him beside me. "Kinuha mo na nga ang
puso ko, huwag mo namang ilayo." Bulong nito.
"I love you more than who I am and what I have. Don't leave me breathless,
darling."
Chapter 45
Chapter 45: If you are not the one
Sapat ba na ikatwiran kong mahal ko sya kaya hanggang ngayon ay nakayakap pa rin
ako sa kanya? Dapat bang ipaglaban ko ang isang pag-ibig kung saan lahat ng
nakapaligid sa amin ay hindi sang-ayon? Is love really conquers all?
Isang tanong ang ngayon ay hindi ko pa rin masagot. Saan ba kami dadalhin ng
pagmamahal na ito?
Narito kami ngayon ni Supremo sa library dahil gusto nya raw ako masolo. Hindi ako
makatingin sa kanya ng diretso dahil nakangiting titig sya sa akin. Awkward.
That darling is killing me. I used to hate endearment and I find it gross and oa
but now--- I can't exactly define what am I feeling whenever I am hearing that one
word from him. Yeah, that one word.
Nanatiling nakatungo ako dahil nahihiya talaga ako. Ano ba kasing gusto nya?
Magtitigan kami hanggang mamaya?
"Zein?"
"If you're not the one then why does my soul feel glad today?"
Supremo is singing.
Ngumisi sya nang makitang naagaw ko ang kanyang atensyon. "If you're not the one
then why does my hand fit yours this way?" Agad na ginapangan ako ng malakas na
boltahe ng kuryente nang maramdaman ko ang paghawak nya sa kamay ko--- Pinagsalikop
nya ang mga ito nang nakatingin sa aking mata.
OH MY GHAD!
"If you are not mine then why does your heart return my call"
Akala ko nahulog na ako pero sa mga sandaling ito, napagtanto ko na--- Patuloy pa
rin pala akong nahuhulog. Malalim, sobrang lalim. Kaya ko pa bang makaahon kung
sakali? Why are you making this so hard for me, Ace? Why?
"If you are not mine would I have the strength to stand at all"
Hindi ko alam na marunong palang kumanta si Supremo, hindi lang sya basta-basta
kumakanta. Pinapasok nya rin ang bawat liriko ng kanta sa aking isipan, pababa sa
aking puso.
Napasinghap ako nang hilain nya ang mono block na inuupuan ko at iniharap sa kanya.
Mas lumamig ang boses nya na animo'y pinapahinto nya ang oras... unti-unting
naglalaho sa aking pandinig ang tibok ng puso ko.
"We'll make it through, And I hope you are the one I share my life with"
Hinawakan nya ang pisngi ko at pinunasan ang luhang kanina pa pala tumutulo. Ang
lamig ng kamay nya na nanginginig pa.
Inilapit nya ang kanyang mukha at pinaglapat ang aming noo. Ngayon, ramdam ko na
ang init nya... ang paghinga nya. Malinaw na nakikita ko ang mga mata nyang
nagsusumamo...lumalaban.
"I don't want to run away but I can't take it, I don't understand"
Muling nanindig ang balahibo ko nang kantahin nya ang linyang 'yon. Ang malamig na
boses nya na parang ibinubulong na lang nya sa akin.
"If I'm not made for you then why does my heart tell me that I am?"
Humigpit ang yakap nya sa akin. Hinaplos nya ang buhok ko. "Darling, I want to
scream... Please stop me." Bulong nya sa tainga ko.
Kahit na malabo ang pagkasabi nya no'n ay malinaw na malinaw sa akin 'yon. Alam ko
kung ano ang tinutukoy nya at handa akong pigilan sya. Ayokong matapos agad ito.
Natatakot ako, sobra.
"Sana mapigilan mo ako dahil hindi ko kaya ang sarili ko. Baka maisigaw ko ngayon
ang pangalan mo... kung ano ang nararamdaman ko. Zein, baliw na ako sa'yo at handa
ko pa itong itodo."
Ace, paano tayo? Nalilito na ako. Tama bang ikaw ang piliin ko? Paano lahat ng
pinaghirapan mo? Hindi mo man sabihin sa akin ay alam kong napamahal ka na rin sa
kanila, sa kung anong meron ka. Supremo, sana kaya kitang ipaglaban... sana.
"What a scene."
Mabilis na kumalas ako sa pagkakayakap kay Supremo kahit na mas hinigpitan nya pa
ang kapit nya.
Kinain ako ng takot nang makita ang nakahalukipkip at nakangising si Roxane. Mejo
nakahinga ako ng maluwag nang makitang walang ibang tao ngayon sa library kundi
kaming tatlo lang at ang librarian na nakangiti habang nag-aayos ng mga papeles sa
kanyang table, malayo sa amin.
"Just be thanful you're still alive." Walang ganang wika ni Supremo na nakatuon ang
atensyon sa kamay naming nakasalikop pa rin.
"Oh well, Supremo. That was maybe the biggest mistake of your life. Dapat ay
tinuluyan mo na ako." Nakangising sagot ni Supremo.
Napatingin ako kay Supremo at halos mapamura ako nang makitang pinaglalaruan nya
ang isang kutsilyo. Parang laruan lang itong pinapaikot nya sa kanyang daliri.
Hindi ako maaaring magkamali... katulad na katulad ito ng kutsilyong ibinigay nya
sa akin. Nakita ko rin ang dragon symbol na kulay itim sa hawakan ng kutsilyo... at
ang mata ng dragon ay kulay pula.
Muling naistatwa si Roxane nang ibinalin sa kanya ni Supremo ang nanlilisik na mata
nito. Maging ako ay natakot at kinilabutan.
"One,"
Muling napaatras ng isang hakbang pa si Roxane at nasagi ang isang vase sa gilid
nito na lumikha ng nakakabinging ingay.
"Two,"
Supremo, kilala na ba talaga kita? O may kailangan pa akong malaman tungkol sa'yo?
Pagkatapos naming kumain ay may pasok na ako kaya magkakahiwalan na naman kami ni
Supremo. Sigh.
Kunwaring kumunot ang noo ko at nagpanggap hindi alam kung ano ang tinutukoy nya.
Natawa na lang ako na hindi ko pala kayang lokohin ang lalaking 'to.
"Alright pero, wala akong regalo." Mejo nahiya ako sa katotohanang iyon.
Wala naman kasing mall dito na maaaring pagbilhan ng regalo at wala rin naman na
akong pera at umaaasa lang sa libre sa unibersidad na ito. Sad life.
Tumalikod ako sa kanya para itago ang namumula kong mukha. Hindi talaga sya aware
na nakakamatay ang mga salita nya. How innocent, my Supremo.
"P-Papasok na ako,"
"I am dead serious. Walang kwenta ang lahat kung wala ka. Zein, darling? Gusto
kitang isayaw sa harap ng maraming tao.... one of my dream. Come on, sana matupad
ang pangarap ko."
Naglakad na ako palayo roon at hindi na muling binalingan ng tingin si Supremo baka
bumalik na naman ako sa kanya at hindi ako makapasok. Ito ang hirap sa akin,
nahihirapan na ako kapag magkakalayo kami ni Supremo.
Hay.
Nakangiting tinahak ko ang next subject ko nang hinalin ako ni Nicky. Mabilis na
kinain akong muli ng takot.
"Let me go!" Nagpumiglas ako kaya mas hinigpitan nya ang pagkakahawak sa braso ko.
Hindi ko maiwasang masaktan lalo na't naramdaman ko ang pagbaon ng kuko nya roon.
Mas lalong kumunot ang noo ko nang makita kung sino ang mga kasama ni Nicky.
Dinala nila ako sa liblib na lugar at pabagsak na binitawan ako ni Nicky. Bumagsak
ako sa lupa kung saan maraming nakakalat na tuyong dahon.
Muli kong ibinalin ang aking tingin sa tatlong taong nasa harap ko.
Ngumisi si Nicky. "Love has no place in this hell. Love is just a poison." Wika
nito.
"Poison?" Mejo natawa ako sa sinabi ni Nicky. "Kung totoong lason man 'to, kailan
kaya kayo mamamatay?" Tanong ko sa kanilang dalawa ni Nazzer.
I know there's something between the two, bagay na maihahalintulad sa aming dalawa
ni Supremo.
Napatingin ako kay Nazzer na nakatingin kay Nicky. Wala sa sariling napangisi ako
nang makita ang mata ni Nazzer... hurt.
Mabilis na tinutukan ng pako ni Nicky si Raze na namutla. Walang duda, hindi talaga
sya si Raze. Hindi nasisindak ang totoong Raze.
Mabilis na kumunot ang aking noo at sumabog ang isang katutak na katanungan. Ano?
Ngumisi lamang sila at pwersahang itinali ang mga kamay ko sa likod. Maging ang paa
ko. Nagpumiglas ako ngunit hindi ito naging sapat. Tumingin ako kay Raze ngunit
umiwas sya ng tingin. Coward.
Hindi ko na napigilang banggitin ang isang pangalan. "Matt, tulungan mo naman ako."
Wika ko.
Sinundan ko ng tingin ang isang lalaking lumabas sa likod ng isang puno. Napangisi
ako. I knew it. Kanina ko pa nararamdaman ang presensya nya.
Lumapit sya sa amin. Akala ko tutulungan nya ako ngunit nanatili lang syang
nakatayo.
"Bakit nyo pa kasi hahadlangan si Supremo? I mean, kaya nyo ba syang kalabanin?"
Natatawang tanong ni Matt.
Nanlaki ang mata ko nang pabulusukin ni Nicky ang isang pako sa direksyon ni Matt.
Inilihis lang ni Matt ang kanyang leeg at lumagpas na ang pako sa kanya.
Napanganga ako sa ginawa nya. Sobrang bilis, hindi ko alam na ganito pala kabilis
si Matt. Hindi nya kailangang maging demonyo dahil kayang-kaya nyang lumaban na
hindi man lang nagseseryoso.
Tumingin sa akin si Matt at tinaasan ako ng kilay. Parang sinesenyasan nya akong
lumaban pero hindi ko kaya. Masyado silang malakas.
"Hindi ko kayo pipigilan, but make sure na hindi nyo sya sasaktan." May halong
pagbabanta ni Matt.
Nawalan na ako ng pag-asa nang buhatin ako ni Nazzer at ilagay sa kanyang balikat.
Nakalayo na kami nila Nazzer ngunit hindi maalis lahat ng sinabi sa akin ni Matt.
Sumikip ang dibdib ko. Hindi, pupunta ako kailangan ako ni Supremo.
Naramdaman kong may itinurok sa akin si Nicky dahilan ng pagkahilo ko pero bago ako
mawalan ng malay ay napangiti ako.
Salamat, Matt.
----
If you hate romance on mystery, then stop reading. If you hate a story with so much
damn wrong english grammar, then stop reading. As simple as that.
Facebook: Raze WP
Chapter 46
Chapter 46: Decision
Nagising ako sa isang madilim na lugar kung saan walang bintana at gawa sa kahoy
lahat. Wala ring kahit na anong gamit dito maliban sa nag-iisang pinto. Sa maliit
na siwang sa itaas ay sumisilip ang liwanag ng buwan.
Buwan?
Mahigpit pa rin na nakatali ang dalawang kamay ko sa likod ng silya na inuupuan ko,
maging ang paa ko ay nakagapos. Walang takip ang aking bibig na parang sigurado
sila na kahit na magsisisigaw ako rito ay walang makakarinig sa akin.
Sinubukan kong igalaw ang mga kamay at paa ko pero masyadong mahigpit na hindi ko
makagawa kahit na maliit na kilos man lang. FUCK! Kailangan kong makaalis dito.
Mabilis na tumingin ako sa madilim na bahagi ng silid na ito. Nakatayo ang isang
lalaking naglalaro ng pako.
Bigla kong naaalala nong una kaming makapasok sa impyernong ito. Sya ang unang
taong estudyante rito na nakausap ko, ang unang taong nagpanindig ng balahibo ko,
ang unang taong nagbanta sa akin. Nazzer Lumia.
Naglakad sya papunta sa akin at itinago sa bulsa nya ang pako. Wala kang mababakas
na ano mang emosyon sa kanyang mga malalalim na mata na maihahalintulad kay Nicky.
The pressence of the founder of Black Blood Gang.
Halos walang lumabas na boses sa bibig ko at parang hangin na lang 'yon. Mukhang
narinig naman nya ang pakiusap ko dahil naging mas intense ang kanyang mata at ang
paggalaw ng kanyang panga. Galit sya... sobra.
"I can't believed that a love could grow in this hell." Malamig na wika nito habang
isinandal ang likod sa kahoy na wall sa harap ko. "Sayang lang... sa maling tao
pa... maling pagkakataon... maling lugar." Dugtong nito.
Alam ko ang tinutukoy nya. Hindi ko nagawang ibuka ang aking bibig. Mali ba talaga?
All this time, am I tracking the wrong path? Shit!
"Who are you?" Parang baliw na tanong nya sa akin. "You are just a girl but how
could made things complicated." Dugtong pa niya habang bahagyang nakakunot ang noo
at kilay.
"Yes, I am just a girl." Matabang na sagot ko. "A girl I never imagined to be."
Bulong ko.
Hindi ko inakalang magiging ganito ako, na magiging ganito ang lahat. Hinayaan ko
ang sarili kong mahulog, dapat ay matagal ko ng pinigilan ang sarili ko. I should
have stop this earlier but now... I guess, it's too late. The hole is too deep.
Sandali itong natigilan bago umiling. "Mas mabuti nang hindi ka makapunta." Sagot
nya pa.
"Pero bakit?"
Lumapit ito sa akin at lumuhod sa harap ko para magkaharap kami. Hinawakan nya ang
pisngi ko at pinunasan ang luhang kanina pa pala tumutulo.
Inilayo ko ang mukha ko sa kanya para mabitawan nya ito. "Pero hadlang ka na. Dati
pa." Matabang na sagot ko.
"Gusto mong malaman kung bakit hindi ka maaaring pumunta sa party na 'yon?"
Kinubad nito ang blazer na soot nya at isiunot sa akin. "Malamig, malalagot ako kay
Matt kapag nagkasakit ka." Wika nito.
Napanganga ako sa sinabi nya. "H-Hindi nya gagawin 'yon." Sagot ko.
DAMN! Kaya nya! Hindi sya natatakot na ipagsigawan lahat, kaya nyang bitawan ang
lahat para sa akin. Hindi sya natatakot na mawala sa kanya ang lahat.
"He will, I know you know. Alam mo ba kung anong mangyayari sa kanya kapag nalaman
nila ang lahat? Aalisin nila ang kapangyarihan ni Supremo, they would treat him as
a trash, a disappointment."
Parang napipi ako para walang masabi. Hindi ko mapigilang sigawan ang sarili ko.
Alam kong mangyayari ito pero ginawa ko pa rin. Kung hindi kaya ni Supremo'ng
pigilan ang sarili nya dapat ay ako na ang pumigil.
Mapait akong napangiti sa katotohanang... mali ang pinili ko. Dapat ay pinakawalan
ko na lang ang feelings na ito, hindi ko dapat hinayaang maging ganito ang lahat.
Sa sobrang sikip ng dibdib ko ay wala akong nagawa kundi at isigaw ang lahat. FUCK!
Naiinis ako sa sarili ko.
Umiyak lang ako ng umiyak habang inaalala lahat ng ginawa sa akin ni Supremo. Lahat
ng pagtatanggol nya sa akin. Siguro, sapat na 'yon para masabi kong minahal nya
talaga ako pero siguro nga... dapat na naming itigil ang lahat.
Habang kinakalas nya 'yon ay parang mas sumisikip pa ang dibdib ko.
Inilahad nya ang kamay nya sa harap ko at buong pusong tinanggap 'yon. Sabay kaming
lumabas ng kubong 'yon.
Inumpisahan namin mali na, wala na akong nagawang matino, lagi na lang mali siguro
naman, kahit sa huli ay may magawa naman akong tama. Hindi ko hahayaang mawala
lahat ng meron sa kanya.
Nakarating kami sa party kung saan nakakabinging ingay ang agad na bumungad sa
amin. Napatingin ako sa stage kung saan may lalaking nakakunot ang noo habang
nakatingin sa amin ni Nazzer.
Binitawan na ni Nazzer ang kamay ko ngunit hindi ko man lang sya magawang tapunan
ng tingin. Parang nabingi ako, ang kaninang malakas na tunog ay humina ng huminga
hanggang sa wala na akong ibang marinig kundi ang tumatalbog kong puso.
Hindi ko alam pero napayakap na lang ako bigla sa kanya. Nakatuxedo ito na mukhang
nalukot ko na dahil sa tindi ng yakap ko.
Napalitan ang tunog at naging mabagal ito. Naglaho lahat ng taong nasa dance floor
kanina at ang alam ko lang ay naiwan na kami ni Supremo sa harap ng mga mapanuring
mata.
Naniningkit ang mata nila at alam kong kung anu-ano na ang mga iniisip nila. Tama
ang iniisip nyo, nagmamahalan kami pero sa tingin ko ay hindi na magtatagal ang
lahat.
"Thank you" Bulong ni Supremo bago mas hinigpitan ang pagkakakapit sa aking bewang.
Ipinagdikit nya ang katawan namin kaya wala akong ibang nagawa kundi ang tumitig sa
mga mata nyang nakangiti.... Kailan ko kaya ulit makikita ang ngiting 'yan? Sana
magawa mo pang ngumiti pagkatapos ng gabing 'to.
Parang pinipiga ang puso ko kapag naririnig ang salitang darling. I love hearing
that word.
I will miss his smile, his voice calling me darling, his lines, his scent, I will
surely miss this feeling. The feeling whenever I am with him.
Niyuko ko nang bahagya ang ulo ko at idinikit ito sa kanyang dibdib. Napakagat ako
sa aking labi nang maramdaman ang hapdi ng mata ko. Sana, pagkatapos nito ay kahit
papaano ay bumalik ang lahat sa dati.
Inangat nya ang aking ulo kaya wala akong nagawa kundi ang tumitig sa mata nya na
ngayon ay nalilito na.
Binitawan nya ang pagkakahawak sa akin at aktong pupunta ng stage pero hinawakan ko
sya sa braso at niyakap ng mahigpit.
I will stop you no matter what. Hindi mo kailangang isakripisyo lahat ng meron ka
para sa akin.
"Zein, I love you more and will always be you, only you, Darling."
Nanginginig ang buong katawan ko pero kinaya kong hawakan ag mukha nya at haplusin
'yon. Ito na siguro ang huling pagkakataon na makakalapit ako nang ganito sa kanya.
Dapat ay noon ko pa sinabi 'yon, hindi ngayon na ilang sandali na lang ay mapuputol
na lahat ng namamagitan sa amin.
"Your darling makes me want to kiss you but it somehow gives me a chill."
Naramdaman kong hinigit nya ako palapit sa kanya. "Darling, Lets eat?" Alok nya.
Humagulgol ako dahil alam kong alam na nya ang sasabihin ko ngunit ibinalin nya sa
iba ito. I have to do this.
"I am hurting too, the pain is too deep but Darling, I can bear anything just for
you."
Bahagya syang natigilan at alam kong nasaktan sya. DAMN! Sobrang sakit pala, sana
ay noon ko pa ito ginawa, sana konti lang ang sakit... hindi ngayon na nakakamatay
na ang sakit.
Pinunasan ko ang luha sa mata ko at matapang syang tinitigan. Halos manlambot ako
nang makita ang mabilis na pagtulo ng luha nya.
OH.MY.GHAD!
"Hindi tayo pwede. Siguro sapat na, na minahal natin ang isa't-isa."
"Darling, don't you love me? Why can't you trust me?"
"Yes, I do love you but I guess we are not meant to be." Pumikit ako para sabihin
ang isang bagay. "I am giving up. I am giving up this feeling. Sorry, I can't fight
for this shit anymore." Mabilis na tumalikod na ako.
Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang maramdaman ang pagyakap nya galing sa
likuran ko.
"Darlin-"
Naramdaman ko ang pagbigat ng hininga nito. "Z-Zein? I'll give you another chance.
Kapag humakbang ka ng sampong beses palayo sa akin, ibig sabihin lang no'n na
pinuputol mo na lahat ng namamagitan sa atin... pero kapag lumingon ka nang hindi
pa nakakasampong hakbang... akin ka na, makikipagpatayan ako at kakalabanin ko si
Kamatayan para sa'yo." Naramdaman ko ang pagluwang ng kapit nya sa akin hanggang sa
nakawala na ako.
Just ten step away from him... There is no more Supremo in my life.
One...
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay mas bumigat ang mga paa ko na nahihirapan na
akong ihakbang pa ito.
Two...
"You know I can't do that... I'll give you another choice.. Be with me... Be
mine... Be my everything... I'll give you my world."
Four....
Alam kong mali ang ginagawa ko pero ito ang tama para sa lahat, para sa kanya.
Kakayanin ko, sana ikaw din.
Five...
"You don't need to be sexy. Kung kailangang patabain kita at papangitin para hindi
tumingin sa iyo ang iba ay gagawin ko. Damn, Zein. You are driving me crazy. And I
must say...Thank you."
Damn! Bakit ba kailangang manumbalik ang lahat? Mas nagiging mahirap ang lahat
habang tumatagal at baka kapag mas tumagal pa ito ay hindi ko na talaga kayanin pa.
Six...
"Ayokong suwayin ka. Handa akong isugal maging ang kalusugan ko masunod ka lang.
You are my queen, and I am your knight, and I will eat anything you for you."
Si Supremo 'yong taong kapag nagmahal ay ibinibigay ang lahat. Lahat na halos wala
ng matira sa kanya. Nakakatuwa pero nakakabahala.
Handa nyang isuko lahat, hindi nya iniintindi ang sarili nya dahil ikaw at ikaw
lang talaga.
Seven...
Napangiti ako. Hindi na siguro ako makakahanap nang hihigit pa sa lalaking 'to. He
is the man of every girl's dream. A perfect boyfriend.
Eight...
FUCK!
"I love you more than who I am and what I have. Don't leave me breathless,
darling."
Nine...
"Zein? I want you to be happy, never be afraid to make a decision even if I am not
included... I guess, it is really a goodbye for both of us. I love you, Zein."
Ten...
I love you, and it will always be you. Thank you for the love. Finally, I did it.
Chapter 47
Chapter 47: Favor
Seems right feels wrong. I only have two choices still I chose the most painful
one. Kahit masakit ay kailangan kong tanggapin na hindi kami maaari.
Nakakalungkot lang na nangyari ang lahat sa gabi ng kaarawan nya. The pain will
always be remembered and the scar will always be fresh. I am sorry, I had to give
you up. Hoping someday, the pain would fade together with the feelings.
Hindi ko alam kung paano ako nakaligo at ngayon ay nakabihis na. Alam kong late na
ako para sa next subject ko dahil late na rin naman akong nagising. Hindi na nila
ako ginising dahil alam kong gusto rin nila akong makapagpahinga nang maayos.
Mabilis din akong nakatulog kagabi dahil sa kakaiyak. I cried every scene in every
moments we had. Moments that will always remain inside of me. Hindi ko naman
kailangang kalimutan ang lahat, hindi ko kailanman kakalimutan lahat ng
pinagsamahan namin. That's already embeded inside my heart.
Muling sumikip ang dibdib ko kaya minabuti kong iwaksi na lang lahat. I am so sick
of tears.
Kapag kalabas ko ng dorm ay kakaibang aura sa buong campus ang bumungad sa akin.
Sobrang dilim ng paligid. Kinakabahan man ay nagpatuloy ako sa paglalakad nang may
humawak sa braso ko.
Naguguluhan man ay nagawa kong pigilan si Mia sa pagtangka nyang paghila sa akin
pabalik sa dorm.
"Please,"
"Where are you taking that bitch?" Nakahalukipkip na wika ni Roxane kay Mia.
"Come on, Zein." Tinangka akong hilain muli ni Mia ngunit hinarangan sya ng ilang
estudyante.
"Seems confused huh?" Nakangising sabi ni Roxane na animo'y nabasa ang iniisip ko.
"Well, alam naman na ng buong campus ang namagitan sa inyo ni Supremo. Ang
excemption na ginawa nya sa paglabag mo sa rule." Humalakhak ako.
Napangisi na lang ako bago napailing. "Then, congrats." Sagot ko na ikinangiwi nya.
Napaatras ang babaeng nagsalita nang binalingan ko sya ng tingin. Tinaasan ko sya
ng kilay. "I will accept that as a compliment. At least, nagawa kong akitin ang
Supremo... ikaw ba? Kaya mo?" Natatawa kong wika na ikinalaglag ng panga nya.
"See? She seduced our Supremo! Papalampasin nyo ba 'to?" Wika naman ni Roxane na
natuwa nang makuha ang simpatya nya mga tao.
Pathetic. Nakakaawang hindi nya ako kayang kalabaning mag-isa kaya humihingi sya ng
simpatya sa iba. Well, alam naman na nila lahat bakit pa ako magpipigil? There's no
reason on hiding the beast anymore.
"Wait..." Pigil ko sa kanila. "May itatanong lang ako." Mahina akong tumawa. "Alam
nyo ba ang magiging kaparusahan kapag sinaktan nyo ako?" Tanong ko na ikinatigil
nilang lahat.
Napayuko ang iba at ang iba naman ay napaatras na lang. What is the purpose of the
power I have if I won't use it? They treat me as a disgusting whore when in fact I
am one of the highest in this hell? I could even be one of the devil on their
nightmares.
"Ayoko na."
"I am sorry to tell this, but you will never be an excemption to the rule."
Ngumisi ito sa akin bago unti-unting humalakhak. Hindi ko alam kung bakit pero
biglang nawala ang masamang aura na nakabalot sa kanya.
"Samantha,"
"You know what? Naiinis ako sa'yo. Simula pa lang ay galit na ako sa'yo."
Nanatiling tikom ang aking bibig at nakatuon ang atensyon ko sa kanya. "Because you
are insecure." Wika ni Mia.
Mahina itong natawa. "Siguro nga pero naiinis ako na nakikita ko sya sa'yo. Naiinis
ako na sa tuwing nakikita kita ay sya ang naaalala ko. Nakikita ko sa'yo ang isa sa
mga itinuring kong kaibigan sa impyernong 'to." Wika nya.
Hindi ko ipinahalatang nagulat ako sa sinabi nya. Kilala ko kung sino ang tinutukoy
nyang nakikita sa akin, Samantha pero nakakagulat na naging magkaibigan pala sila.
Naiinis sya sa akin dahil nakikita nya ang dati nyang kaibigan.
"Isang kaibigan na iniwan lang din ako sa impyernong 'to. Akala ko, hindi nya ako
iiwan pero mali ako." Mabilis na pinahid nya ang luhang lumandas sa mata nya.
"I don't care! Iniwan nya pa rin akong mag-isa. I hate her! I hate you!
Kinamumuhian ko kayong lahat!"
Tumakbo ito palayo sa amin at naiwan kaming dalawa ni Mia na tulala. Hindi ko alam
na ganon pala ang nararamdaman nya. Kahit papaano ay naiintindihan ko na sya
ngayon, parang nagrerebelde sya. Siguro nga, hindi muna dapat tayo manghusga base
sa nakikita natin dahil hindi natin alam kung ano ang nasa loob nila, katulad na
lang ng kay Roxane.
Pero hindi pa rin ibig sabihin non na magiging angel na ang turing ko sa kanya.
Psh.
Naghiwalay na rin kami ni Mia dahil may pasok pa sya at ako naman dahil mamaya pa
ang pasok ko ay minabuti kong pumunta na muna sa SSG Office.
Hindi ko pa rin sya kayang harapin pero hindi ko naman sya maaaring takbuhan.
Kailangan kong harapin ang ginawa ko at patunayan na kaya kong paninidigan ang
desisyon na ginawa ko.
Nakatayo na ako ngayon sa gilid nya ngunit nanatili sa malayo ang tingin nya na
animo'y wala sa sarili. Hindi ko naman magawang pumasok dahil nakaharang sya sa
daan.
Tumikhim ako para maagaw ang atensyon nya. Hindi naman ako nabigo dahil bumalik na
sya sa realidad.
Humugot ako ng lakas nang loob bago sumunod sa kanya. Pagkarating namin sa Admin
Office ay naroon si Madame Violet, Francisco, Teacher Kath at Vice Ty.
May dalawang bakanteng upuan na halatang nakalaan para sa amin ni Supremo. Nauna na
akong umupo sa kanya bago sya umupo.
Halos kapusin ako ng hininga. Nakakasakal ang hangin sa loob at sobrang sikip.
Idagdag pa ang mga tingin nila sa aming dalawa ni Supremo. Bahagya kong niyuko ang
ulo ko para maiwasan ang mga tingin nila habang ramdam kong bale wala lahat ng 'yon
kay Supremo na presenteng nakasandal lang sa upuan.
"Naulit na naman ang dati," Paunang wika ni Francisco. "Binalaan na kita Supremo."
Dugtong pa nito.
Mabilis na umangat ang aking tingin at umawang ng konti ang bibig ko. Gusto kong
tumutol ngunit hindi ko alam kung paaano uumpisahan lahat.
"You know the rules! An SSG President shouldn't be involve to anyone! An emotion
will just be an hindrance and President Ace broke that rule!"
"Wala tayong sapat na ebidensya na may namagitan nga sa kanilang dalawa. Malay ba
natin na haka-haka lang lahat." Patuloy na pagtutol ni Teacher Kath.
Malaki ang pasasalamat ko kay Teacher Kath dahil sa pagsalo nya sa amin ni Supremo.
Parang umurong naman ang aking dila dahil nabigla pa rin ako sa sinabi ni Madame
Violet. Tinuldukan ko na ang namagitan sa amin ni Supremo kaya hindi nila maaaring
gawin 'to.
"Nakita ko ang tinginan nyo, alam kong may namamagitan sa inyo." Giit ni Madame
Violet.
"Stop it!"
Nakatingin silang lahat sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang sabayan ang mga
titig nila.
I will do anything for you even if I have to hurt you over and over again, I will.
Supremo, I know you will hate me for this but sorry. You can't stop me.
Napayuko ako matapos banggitin 'yon. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa apat
na sulok ng silid na ito matapos kong sabihin 'yon. Sobrang sikip na ng dibdib ko.
I lied.
Sa ginagawa kong pagkaila ay alam kong nasasaktan na naman sya. Alam kong hindi
magagawang pahilumin ng isang patawad lahat ng ito pero patawad pa rin.
Patawarin mo ako, mahal ko. Mahal kita, sobra. Hindi na kailangang malaman ng iba
'yon dahil sapat na, na alam kong sa sarili ko na totoo lahat.
"Isang tanong, isang sagot... Ni minsan, minahal mo ba si Ace Craige?" Isang tanong
mula kay Francisco.
FUCK!
"No."
Napapikit na lang ako nang marinig ang pagbagsak ng upuan sa tabi ko at ang
pabagsak na pagbukas at sara ng pinto. Wala sa sariling napangiti ako.
Ipinagkaila ko lahat.
Wala na akong maintindihan at tanging pagkagat lang sa labi ko ang ginagawa ko para
pigilan ang pagbuhos ng luha sa mata ko.
Bakit kailangang humantong sa ganito ang lahat? Siguro nga, maling umusbong ang
pag-ibig sa lugar na ito.
"Alright!" Tumayo na si Madame Violet. "Still, Supremo Ace Craige is suspended for
a week." Sabi nito.
Mas maganda na rin 'yon. At least, one week lang. Mabilis na kumaripas ako ng takbo
palabas ng Admin Office.
Lutang na pumunta ako sa secret garden at umupo sa ugat ng malaking puno roon.
Niyakap ko ang binti ko at niyuko ang ulo ko.
"You know what's hurts the most than being left alone?"
Nanatiling nakayuko ako sa mga binti ko at hindi inangat ang aking paningin.
Hearing his voice makes my heart shuttered into pieces.
Napapikit na lang ako nang pumatak na ang luha ko. Pinilit kong pigilan ang
paghikbi ko ngunit hindi ko napigilan ang panginginig ng katawan ko. Pakiramdam ko
ay babagsak na lang ako sa lupa ngayon.
Kahit na nanginginig ay pilit pa rin akong nagsalita. "Just leave me alone. I don't
wanna hear your voice anymore." Wika ko.
"OO!"
Tumayo ako at sinabayan ang tingin nya. Dapat pala ay hindi ko na lang ginawa,
hindi ngayon na nakikita ko ang walang patid ng pagtulo ng luha sa mata nya na
mabilis din nyang pinapahid.
"Minahal?" Natawa ako kahit na parang pinupunit na ang puso ko. "Sino bang
magmamahal sa'yo? You are such a poor pathetic heartless man. How can you expect
someone to love you? You are a devil!" I scream out of my lungs.
Nanginginig man ay pinilit kong magpakatatag pero parang bibigay na talaga ang
tuhod ko matapos makita ang ngiti nya--- Mapait na ngiti.
OH.MY.GHAD! Should I now nominate myself as the world's most notorious liar, ever?
Narinig ko ang mapakla nyang tawa. Ang bawat halakhak na halatang pilit galing sa
kanya ay parang matulis na bagay na tumatagos sa akin.
Madiin akong napapikit. "Stop bugging me, Ace. You are just a pain in the ass."
Suminghap ako bago sabihin ang isang bagay. "I am contently happy, without you."
Wika ko.
Walang kumibo sa amin matapos kong sabihin 'yon. Tanging malakas na pintig ng puso
ko lang ang naririnig ko, at ang sakit na binalot na ang buong sistema ko.
"Can you do me a favor?" Tanong nya. "Just this one." Dugtong pa nito.
Nanatiling tikom ang aking bibig dahil alam kong wala na akong lakas para magsalita
pa. Hinihintay ko na lang ang sasabihin nya.
In just a one swift move. Tumigil ang pagtibok ng puso ko and all I can feel is my
shaking body, mind, soul and heart.
He kissed me.
"Fight, Zein. I want you to fight, not for me but for your friends and most
especially, fight for yourself. Don't worry, I am still breathing and a promise is
a promise. I am still your knight, your bulletproof and no matter what happens, you
are still my Queen."
Tumalikod na sya sa akin habang ako ay walang nagawa kundi ang pagmasdan lang sya
hanggang sa nawala na sya sa paningin ko.
I'll fight, but not just for myself or for my friends. I'll also shed every blood I
have for you until I drown, and until I die, my King.
Chapter 48
Chapter 48: Delubyo
Giving up doesn't mean you are weak. Sometimes, it is better to let go something
that might hurt you for the better.
Kahit na anong gawin kong pakikinig sa sinasabi ni Sir Alvarez ay wala akong
maintindihan. Ayaw magprocess ng lessons sa akin dahil nasa malayo ang aking
isipan. Lumilipad sa napakaraming bagay at laging bumabagsak sa tanong na--- Asan
na sya?
Magsimula nang masuspend sya ay hindi ko na sya nakita. Hindi ko alam kung asan sya
at wala ring binabanggit sina Teacher Kath at Vice Ty tungkol sa kanya.
Iginala ko muna ang mata ko sa classroom namin kung saan ako na lang ang nasa loob.
Wala na rin si Sir Alvarez.
Inilabas ko ang kahon sa bag ko at pinagmasdan ito. Hindi ko alam pero sumikip ang
dibdib ko habang inaaalala ang mga panahon na hindi pa ganito kakomplikado ang
lahat. Nanginig ang labi ko kaya mas minabuti ko na lang na iwaksi lahat ng
bumabagabag sa akin.
Marahan ko itong binuksan at kinuha ang patalim. Kitang-kita ko ang repleksyon ko
sa patalim na ito pero naagaw ng isang marka ang aking atensyon.
A black dragon with red eyes. Kumunot ang noo ko nang sumagi sa isipan ko ang
pangalan ng isang tao nang makita ko ang mata ng dragon. Mapula... Nakakatakot...
Raze.
Raze? OH.MY.GHAD!
Pinulot nya ang kutsilyo at inusisa. Pabalik-balik ang tingin nya sa kutsilyo at sa
akin at nanatiling nakakunot ang noo at kilay nito.
Kinuha nya ang kahon na nasa arm chair ko at ibinalik doon ang kutsilyo. Inilagay
nya itong muli sa arm chair ko kaya ibinalik ko na ito sa aking bag.
"Wala ka bang alam kung ano ang ibig sabihin ng marka na 'yon?"
Nginisian nya ako bago isinakbit sa kanyang bulsa ang kanyang dalawang kamay.
"Hindi ko alam kung bakit at kung sino ang nagbigay sa'yo nyan.... But that is the
symbol of Raze Silvenia, not the Devil God Warrior." Malalim na wika nito.
Bigay ito ni Supremo not Raze. Kung totoo man na si Raze ang nagmamay-ari ng
patalim na ito ay paaanong napunta ito kay Ace?
Bahagyang tumigil ang pagprocess ng utak ko dahil sa sinabi nya at wala akong
nagawa kundi ang tumunganga sa kanya. Myembro sya ng DGW?! Kaya ba kasama na sya sa
H10? Paano? Bakit?
Kaya ba siya umaaalis tuwing gabi katulad ni Matt? Pero ano naman ang rason nya?
And... Magkaaaway ang dalawang gang kaya posibleng--- UGH! Bakit ang gulo?!
Sumasakit ang ulo ko sa kakaisip.
"Stop torturing yourself from so many damn questions, Zein. Masasagot din lahat ng
tanong mo... malapit na."
Hindi ko alam pero nawala na ang excitement sa loob ko sa tuwing papunta na ako sa
SSG Office. Maybe because I am not expecting him to be there. Yeah, wala sya roon.
Kahit na alam kong wala sya ay hindi ko pa rin maiwasang ma-disappoint nang makita
kong bakante ang table nya kung saan walang ni isang gamit man lang nya ang naroon.
As usual ay busy sina Teacher Kath at Vice Ty sa kanilang ginagawa. Ni hindi nga
nila ata napansin ang pagpasok ko.
Hindi ko maiwasang titigan ang bakanteng lamesa sa tabi ko. Asan sya? Hindi ko pa
sya nakikita, gusto kong magtanong ngunit mas pinangungunahan ako ng hiya.
Siguro, mas mabuti na rin ito. At least, mas mapaghahandaan ko pa ang muling
pagkikita namin dahil hindi ko pa sya kayang harapin ngayon. Masakit pa rin na
parang kanina lang nangyari lahat.
Natigilan ako sa pag-iisip nang makita si Teacher Kath sa harap ko. Napakurap ko ng
ilang beses dahil nakangiti sya sa akin. Hindi ko masasabing peke 'yon dahil ramdam
at alam kong totoo ang ngiti nya.
"I didn't know you are this strong," Wika pa nya. Nanatiling tikom ang aking bibig.
Iniwas ko ang mata ko sa kanya dahil hindi ako sanay makarinig nang mga ganong
salita sa kanya. "Thank you." Dugtong pa nya.
Sumikip ang dibdib ko kaya minabuti kong hindi na lang kumibo. Hindi ko sya
maintindihan, wala akong maintindihan.
Gusto kong patigilin si Teacher Kath sa pagsasalita dahil ang sikip sa dibdib ko.
Hindi ko pa kayang buksan ang sugat na ikinukubli ko lang. Sariwa pa rin lahat.
"Even it kills. Dahil sa'yo ay hindi natuloy ang balak ni Headmistress Violet."
Kumunot ang noo ko at napatingin na ako sa kanya. She is still in her curved lips.
"What do you mean?" Tanong ko.
Bumalik ito sa kanyang table at sinandal ang kanyang likod sa swivel chair. Hindi
ito nakatingin sa akin pero naghihintay pa rin ako na sagutin nya ang tanong ko.
Nanatili namang nakatuon ang atensyon ni Vice Ty sa kanyang ginagawa.
"Bakit?"
"Hindi nya magawa dahil minahal ng mga HU Students ang Supremo Ace. Nakuha ni Ace
ang loob ng buong estudyante ng HU, nirespeto nila ito. Hindi nya maaaring
tanggalan ng kapangyarihan si Supremo basta-basta dahil alam nyang hindi lang kami
ang makakalaban nya... Buong HU Students ang magiging tutol."
"Until you came in his life... Nagkaroon ng sandata si Headmistress para kalabanin
ang taong hindi nya kaya. Pero binigo mo ang masamang balak ni Headmistress... Kung
naging marupok ka nang mga panahong 'yon ay malamang na nagawa na nya ang balak
nya."
"Ano ba ang plano nya?" Isang tanong na labis na bumubulabog sa aking isipan.
Natigilan ako sa sinabi ni Teacher Kath. May anak si Madame Violet? Sino? Hindi ko
alam.
Tuluyan na akong natigilan. Panandalian kong ipinikit ang mata ko para pakalmahin
ang mga nagwawalang tanong sa isipan ko. Kaya pala... kaya pala kasama sya sa H10.
Napapikit ako nang maramdaman ang pagtama ng malamig na hangin sa mukha ko.
Pakiramdam ko ay may nakayakap sa akin.
Kumalabog ang puso ko nang makita ang isang anino ng tao sa dilim. FUCK!
Nanginginig man ay pinilit kong lumapit sa kanya ngunit hindi ko magawang
makalapit. Sa tuwing tatangkain kong lumapit ay mas lumalayo ito.
Pero ang hubog nito... ang presensya nya... kung paano magwala ang mga halimaw sa
loob ko. Fuck! Bakit ko ba ito nakikita?!
Natigilan ako nang makita ang isa pang anino sa likod nya, babae. Kumunot ang noo
ko nang mapagtanto na parang pinoprotektahan nya ito.
Damn!
Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko nang makitang nagyakap ang dalawa. Sobrang
sakit na parang hinihiwa ang puso ko. Ano 'to?!
Napaatras ako nang makita ang maraming anino sa likod nila na may mga hawak na
patalim. FUCK! Gusto ko silang balaan ngunit walang lumalabas sa bibig ko.
Sinubukan kong tumakbo para lapitan sila ngunit mas lumalayo pa sila.
Pawis na pawis na nagising ako mula sa kadiliman. Napabalikwas ako nang maramdamang
may dumila sa kamay ko. Napangiti ako nang makita si Hoy.
Ilang oras ba akong nakatulog? Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako rito.
Kinuha ko si Hoy at tumayo na dahil hapon na rin.
Natigilan ako nang maramdaman ang presensya ng isang tao hindi layuan sa akin.
Humigpit ang hawak ko kay Hoy.
Bigla kong naaalala ang sinabi sa akin ni Celine. Posible kayang ang taong 'to ang
nagmamanman sa akin? Anong kailangan nya? I tried to act normal.
Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na sya sumunod. Nagpatuloy na lang ako sa
paglalakad nang may humigit sa braso ko.
Magpupumiglas sana ako nang senyasan nya akong tumahimik na sya namang ginawa ko.
Dinala nya ako sa walang tao. Nanginginig ito kaya hindi ko maiwasang kabahan.
Hinawakan nya ang dalawa kong kamay kaya binitawan ko muna si Hoy. Nanginginig ang
mga kamay nito na mas nagpapapalala sa kabang nararamdaman ko.
Nanatiling tikom ang aking bibig dahil hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong
ireact sa sinabi nya basta ang alam ko lang ay hindi ko ito magugustuhan. Damn!
Nanlambot ang tuhod ko nang makita ang paglandas ng luha mula sa mata nya.
Naguguluhan man ay hinawakan ko ang kamay nya para patahanin sya.
"A-Alam na nila."
"Ang alin?"
Lumunok ito bago inilapit sa tainga ko ang kanyang bibig. "Alam na nila ang
sikretong formula." Bulong nya na nagdulot sa akin ng pagtindig ng balahibo.
Isa lang ang tumatakbo sa isipan ko ngayon.... Malapit na nga ang delubyo.
---
A/N: Short update. Don't worry, malapit na tayo sa ending. Thank you for reading!
Chapter 49
Chapter 49: Raze
"Gabi na ah..."
Hindi ako nag-abalang lingunin si Matt bagkus ay muli lang ako nagtungga ng alak sa
baso at diretsong nilagok ito. Napapikit ako sa pait nang lumagak ito sa aking
lalamunan.
Aktong magsasalin na naman ako ng alak sa baso nang naunahan na ako ni Matt.
Pinanuod ko syang lagyan ng laman ang baso at inabot ito sa akin. Ngumiti lang ako
bago ito kinuha at nilagok.
Hindi ko magawang lungunin muli si Matt dahil ramdam ko ang titig nya sa akin.
"Ok lang ako." Parang tangang wika ko kahit na hindi naman sya nagtatanong.
Narinig ko ang mahinang pagtawa nya kaya kinunutan ko sya ng noo. "Anong
nakakatawa?" Tanong ko.
Umiling ito sa akin kaya napanguso na lang ako. Mas lasing pa yata sya sa akin e.
"You are not ok. You don't need to make a smile if you can't."
Pinanuod ko syang muling magsalin ng alak sa baso pero sya naman ang lumagok nito
ngayon. Hindi man ito napapikit sa hapdi bagkus ay nakatingin pa sya sa akin habang
sinisimot ang laman ng baso.
Habang nakatingin ako sa mata nya ay parang nakikita ko na hindi lang ako ang
nasasaktan. Shit! Nasasaktan din sya... Hindi man nya aminin ay nararamdaman ko ito
sa mga sandali ngayon.
Parang naubusan ako ng hangin at salitang maibabato. Hindi ako makakalap ng tamang
sagot na isasagot roon bagkus ay natulala na lang ako.
"Nagseselos ako."
"M-Matt."
Nanginig ang labi ko nang makita ko sa kanya ang pagpapanggap na ginawa ko kanina.
Hindi ko alam kung paano nalagpasan ni Matt ang sakit na idinulot ko. Hindi ko
kayang masuklian ang pagmamahal na ibinibigay nya.
Muli itong nagsalin ng alak sa baso at inabot sa akin. Mapait akong ngumiti bago
ito kinuha at ininom. Napangiwi ako nang umikot na naman ang paningin ko. Sandali
akong napapikit para pakalmahin ang sarili ko.
"I know you are in deep pain... If I could only do something to ease your pain... I
would be glad to take it all."
"I can't love you... stop loving me." Madiin kong wika.
I know that words suck and painful but I just want to be honest. Ayoko sa ginagawa
nya.
Napangiti ito pero alam kong peke 'yon. Gusto ko syang sampalin para magising sya
sa kahibangan nya na hindi nya kailangan gawin ito. Huwag na nyang saktan ang
sarili nya. Shit! Matt, wake up! Hindi kita kayang saluhin... tama na.
"I tried to stop this feeling, Zein... but I always end up with I can't... Failed."
Namula ang gilid ng mata nito at parang gusto ko nang pumikit para hindi sya
makita. Tangina! Nasasaktan ko na naman sya. Ang dami ko ng nasaktan. Ganito ba
talaga pagnagmahal? Kailangang may masaktan? Kailangan mo munang lumuha? Kailangan
munang danasin ang ganito?
"Wala tayo sa isang laro kung saan ikaw ang premyo ng nanalo... You have your own
decisions in life and I don't want you to choose between I and him. Zein... umpisa
pa lang malinaw na sa akin."
Damn this Matthew Hart! Kung hindi ko lang siguro nakilala si Ace malamang na sa
kanya ako ngayon pero wala e... pinaglaruan kami ng tadhana. Ang saklap.
"Matulog ka na."
Pinanuod ko syang linisin ang lamesa. Hindi ko napigilan ang mapatayo at yakapin
sya nang mahigpit. Natigilan sya sa pagkilos kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap sa
kanya.
"May ibang Zein Shion pa ba sa mundo?" Biro nya na mahina kong ikinatawa.
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi matapos ng lahat ng pag-uusap namin
ni Matt. Inaamin ko na kahit papaano ay gumanaan na ang pakiramdam ko lalo na't
naramdaman ko na ang mga nararamdaman nya. Pareho lang kaming nasasaktan.
"Oh Zein, ikaw pala. May kailangan ka ba?" Tanong nya habang nakangiti.
Nakita ko ang pag-alinlangan at alala sa mata nya pero tumango rin sya agad.
Pumunta kami sa kanyang office at sinabi ko na sa kanya lahat ng nalaman ko.
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa biglaang pagtahimik ni Sir Alvarez.
Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya at gustuhin ko mang magtanong ay hinayaan ko
na muna syang mag-isip.
Alam kong nabigla rin sya, gaya ko pero mabuti na rin 'to.
"Huli na tayo..."
Hindi ko alam kung ano ang ibig nyang sabihin pero alam kong hindi magiging maganda
ang kahahantungan ng pag-uusap namin na ito.
"A-Ano pong ibig nyong sabihin?"
"Alam na nila ang formula... sooner or later... makukumpleto na 'to. Wala na tayong
magagawa."
"So... hahayaan na lang natin silang magtagumpay?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
Sinabayan ko ang malalim nyang titig sa akin dahil ayokong makita nyang
pinanghihinaan na rin ako ng loob. No! Hindi pa huli ang lahat... may magagawa pa
kami para hindi sila magtagumpay.
"Listen..." Malalim nyang wika. "I want you to stop what you are doing." Seryosong
wika nito.
Kumunot ang noo ko at pasimpleng kumuyom ang kamao ko. "Gusto mo ng ihinto ko ang
paghanap sa hidden laboratory?" Paglilinaw tanong ko kung saan mababakas ang pakla
sa boses ko.
Sumandal ito sa swivel chair nya at animo'y sinusuri kung ano ang nararamdaman ko.
Gusto kong malaman nya na hindi pa huli ang lahat... na may magagawa pa kami kung
kikilos kami. Ayokong sumuko... Hindi ako kailanman susuko.
"This is not for me... para rin 'to sa'yo. Zein, hindi ka na iba sa akin."
Napangiti ito pero hindi ko man lang nagawang suklian. "A-ayokong may mangyaring
masama sa'yo dahil sa akin... Zein, ayokong mapahamak ka. Hindi ko mapapatawad ang
sarili ko." Sinserong wika nito na may halong lungkot.
Hindi na rin naman iba sa akin si Sir Alvarez. Pero kung inaalala nya lang ay ang
kapakanan ko ay masasabi kong kaya ko ang sarili ko. Marami na rin akong nakaharap
na peligro... minsan ko na ring kinalaban si Kamatayan. Ipinangako ko sa sarili ko
na hindi ko hahayaang habang buhay na makulong rito. Lalaban ako para sa kanila...
hindi para sa akin.
"Sir... Hayaan nyo na po akong makatulong. Pakiusap po... Gusto kong makatulong."
Pakiusap ko.
Napangiti ito at lumapit sa akin. Sumikip ang dibdib ko nang yakapin nya ako. Bigla
ko tuloy namiss si Daddy. Shit! Ayoko pang mamatay... gusto ko pa silang makasama.
Si mommy... si ate Allison. Damn!
"Zein... Delikado." Wika nya habang nakayakap pa rin sa akin. "Please.. " Dugtong
pa nito.
Hindi ko alam kung saan ako mag-uumpisa o kung paano ko paninindigan ang mga sinabi
ko. Bahala na, basta hindi ako susuko.
Sandali akong natigilan nang mapagtanto kung saan ako dinadala ng aking mga paa.
Ngayon ko lang napansin na ang tinatahak ko ay ang opisina ng admins.
Lumunok ako bago nagpatuloy sa paglalakad nang may humigit sa braso ko. Mabilis na
kinain ako ng kaba at hindi na nakapalag.
Gustuhin ko mang bawiin ang braso ko ay parang hindi ko kaya at hinayaan ko na lang
syang hilain ako.
"Hindi ko alam na minsan ay tanga ka rin pala." Wika nya nang bitawan na nya ako.
Nanatiling tulala ako sa kanya. Buong mukha nito ay natatakpan ng pulang maskara at
ang isang kulay pulang mata lang nito ang nakikita ko pero sapat na para
kakilabutan.
"Alam kong naiipit ka lang sa mahirap na sitwasyon pero hindi sapat 'yon para
magpadalos-dalos ka ng desisyon. Kung gusto mong mamatay, sabihin mo lang. I will
grant your wish right here... right now, Darling."
Nanindig ang balahibo ko hindi dahil sa pagbabanta nya kundi dahil sa pagbanggit
nya sa isang salita na muling nagpanumbalik sa mga alala na pilit kong ibinabaon sa
limot.
"What?" Mejo natawa ito na mas lalong nagpapangitngit ng ngipin ko. "Tell me
darling... what's wrong?" Pangungutya nya pa.
Humagalpak ito ng tawa na mas nagpadagdag sa inis na nararamdaman ko. Alam kong
inaasar nya lang ako.
"Why? Does it hurts hearing those words?" Tanong nya. "But he is in deep pain
compare to you." Dugtong pa nito kung saan may halo ng pakla.
Hindi ko alam kung bakit nya ginagawa ito pero nasasaktan ako. Nasasaktan ako na
pinapaaalala nya lahat ng ginawa ko. Tangina! Ayoko ng maramdaman 'to.
"You gave up so easily. You know why? Because you didn't really loved him."
"Who the hell are you to doubt my feelings for him?" Nakataas na kilay tanong ko sa
kanya. "Wala kang alam." Dugtong ko pa.
Wala syang alam sa nararamdaman ko kaya madali lang para sa kanya sabihin 'yon.
Hindi nya alam kung anong sakrispisyo ang ginawa ko dahil hindi sya ako. If you
would try to step into my shoes... you will feel the deadly pain I am feeling.
"Walang halaga sa kanya lahat ng meron sya kung wala rin naman sa kanya ang babaeng
mahal nya."
"Stop it."
Bahagya kong iniyuko ang ulo ko nang magbadya na ang luha sa mata ko. I know his
point and I hate that I am starting to doubt if my decision was really for the
better or just for the deep worst.
Supremo?
Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay si Supremo ang nakayakap sa akin. Ano 'to?
Hindi ko alam kung paano sasagot dahil ang sikip ng dibdib ko na parang sinasakal
ako ng yakap nya.
"Ayaw mo?"
Naramdaman kong lumuwag ang pagkakayakap nya sa akin hanggang sa nakawala na talaga
ako sa kanya.
Natahimik ako at parang sinaksak ng patalim para masaktan nang ganito. Oo nga pala.
"Paki sabi na lang sa kanya... Huwag nyang pabayaan ang sarili nya. Kalimutan na
nya ak-"
Nanlaki ang mata ko nang halikan nya ako sa gilid ng labi ko. Sa sobrang gulat ko
ay hindi ko na nagawang magsalita at kumilos pa. Mabilis na ibinaba nya rin ang
kanyang maskara na itinaas nya ng bahagya kanina para mahalikan ako.
"Darling, please come back..." Wika nya. "Pinapasabi ni Supremo." Dugtong pa nito.
Chapter 50
Chapter 50: Zein Shion
What's with me? I mean, hindi pa lumilitaw ang araw pero gising na agad ako.
Binalingan ko ng tingin ang wall clock bago sumimsim sa kape ko.
5:30 am...
"Bakit ang bagal ng oras?" Bulong ko sa sarili ko bago mulig sumimsim sa kape ko.
"Babagal talaga ang oras lalo na kung sinusundan mo ang takbo ng kamay nito."
Bakit ko nga ba binabantayan ang oras? Hmmm? Yeah, ngayon na sya babalik. Tapos na
ang isang linggong suspensyon nya.
Hindi nila maaalis sa akin ang excitement dahil matagal din naman kaming hindi
nagkita at ganon pa rin naman ang pagtingin ko sa kanya. Walang nagbago at walang
mangyayaring pagbabago roon. Hindi maaalis sa akin ang pangungulila.
Narinig ko ang pagbukas ng pinto ng cr ngunit hindi na ako nag-abalang tapunan ito
ng tingin bagkus ay tinitigan ko na lang ang walang lamang tasa sa haparan ko.
Shit! I miss him so damn much as hell! I can't deny it anymore. Alam kong alam
nilang lahat 'yon dahil obvious naman pero ano bang pake ko? Totoo naman. Psh.
"Stop staring..."
"Himala~" Jerome said in a chant tone with a wide grin staring at me.
Iniwas ko ang mata ko dahil sa mga nanunukso nyang tingin. Narinig ko ang mahinang
tawa ni Vanessa.
"Vanessa ko?"
Napatingin ako kay Jerome dahil sa sinabi nya. Nakatingin ito kay Vanessa na
nakangiwi sa kanya.
"Tigilan mo akong aso ka! FYI! Natapilok ako no'n!" Sigaw ni Vanessa habang
sinasabunutan si Jerome na ngayon ay nakalupasay na sa sahig.
OH.MY.GHAD!
Pumunta na muna ako sa kwarto namin at iniwan ang dalawa na naggugulpihan pa rin.
Tulog pa rin si Mia na sinakop na ang buong kama.
Napatingin ako sa salamin at hindi sinasadyang bumaba ang mata ko sa labi ko.
UGH! Hindi ko pa rin matanggap na ninakawan nya ako ng halik kahapon matapos nyang
guluhin ang sistema ko. Hindi ko na alam ngayon kung anong gagawin ko.
Dahil sa mga sinabi nya ay nagduda na tuloy ako at ayokong humantong sa isang
pagkakamali na naman 'to.
Sorry but I can't. Nasaktan na tayo at ayokong mauwi lang sa wala lahat ng
sakrispisyo ko. Ipaubaya na lang natin sa tadhana lahat.
May delubyo pang parating kaya mas mabuting ganito na lang tayo. Ayokong maging
kahinaan mo.
Halos takbuhin ko na ang daan patungo sa SSG Office. Mabuti na lang lahat ng
estudyanteng nasa daan ay iiwas kapag nakita ako kaya wala akong nababangga. Shit!
Hingal na hingal na huminto ako sa pinto ng SSG Office at inayos muna ang sarili
ko. I let a heavy sigh as I open the door knob. Bawat paglawak ng espasyo papunta
sa loob ay syang talbog ng puso kong parang sasabog na.
Hindi ko alam kung ano ba ang mararamdaman ko nang walang Supremo ang tumambad sa
akin.
Nagising ako sa realidad nang may narinig akong tumikhim sa likod ko. Nahihiyang
binigyan ko ng daan si Vice Ty na nakangising pumasok sa loob.
Dumiretso na lang ako sa table ko at hindi ipinahalata kung gaano ako kawasak. Wala
pa ba sya? Asan sya? Bakit nya ginagawa sa akin 'to? Pinaparusahan nya ba ako?
Supremo naman e.
"Obvious ba?"
Hindi ko napigilan ang masungitan sya na ikinatawa nya lang. Napanguso na lang ako
at isinandal ang likod ko sa swivel chair.
"No way!"
Nagningning ang mata ko dahil sa sinabi nya na mas nagpalawak ng ngisi nya.
OH.MY.GHAD! Nagkita na sila! Ibig sabihin lang no'n na baka maya-maya lang ay
andito na sya.
"Akala ko nga andito na sya e... Well, hintayin na lang natin sya. Baka mamaya lang
andito na rin 'yon."
For the first time ay parang gusto ko na lang mag-stay dito sa SSG Office at
hintayin ang pagbabalik nya pero sa kasamaang palad ay may pasok pa ako.
"Hindi ka papasok?" Tanong ni Vice Ty nang mapansin na wala akong balak pumasok.
"Thank you for the info." Inis na wika ko at kinuha na ang bag ko bago nilisan ang
lugar na 'yon.
Iritang pumasok ako sa History Class kung saan nadatnan ko ang mga kaibigan ko na
naghaharutan. Hindi ko sila pinansin at dumiretso lang ako sa upuan ko sa gitna
nina Mia at Vanessa.
Hindi na ako nag-abalang sumagot dahil wala ako sa mood makipag talo. Masyadong
sira na ang araw ko at ayokong madagdagan pa ito.
Kung ayaw mong magpakita... edi 'wag! As if naman gusto kitang makita. Psh.
"Kawawa ka naman... Gusto mo na syang makita pero iniisip mo bang gusto ka rin
nyang makita?"
Umangat ang kilay ko sa sinabi ni Vanessa. "What do you mean?" Matapang na tanong
ko.
"Baka naman kasi may iba na syang pinag-aaksyahan ng oras... You know?"
"Tulad ng?"
Nagkibit balikat lang ito at iniwas na ang tingin. Bubuka pa sana ang bibig ko nang
dumating na ang teacher namin.
Posible kayang may iba syang pinagkakaaabalahan? Ano naman? Or worst, sino?
Ano bang karapatan kong magalit kung meron man syang ibang taong pinagkakaabalahan?
O kung may ibang tao syang kasama ngayon? Inaamin kong kung totoo man 'yon ay
magseselos ako. Kahit na wala akong karapatan ay magseselos talaga ako.
Inasahan ko na ang mga ganitong posibilidad pero hindi ko pa rin maiwasang matakot.
Natatakot akong baka wala na lang ako sa kanya.
Nakakagago pero gusto ko kahit na anong mangyari ay ako pa rin. I wish, I am still
your Queen. Sana ako pa rin.
"Hindi ka sasama sa amin?" Tanong ni Matt nang makitang iba ang direksyon na
tinatahak ko.
"Busog pa ako."
Totoo naman na busog pa ako kahit na hindi pa ako nag-almusal. Hindi ko maramdaman
ang gutom. Ang gusto ko lang ay makita sya.
Basta! Gusto ko lang syang makita. Gustong makita ng dalawa kong mata na ok lang
sya. Baliw na ata ako.
Tumunganga ako sa kawalan habang tumatakbo ang isip ko sa nakaparaming bagay kung
saan lagi syang naroon. I can't stop thinking even just a second without him
crossing my mind. This is insane!
Ilang araw pa lang kaming hindi nagkita pero ganito na agad ako.
Bumukas ang pinto kaya nabuhayan ako ng loob pero--- Hindi sya.
"Oh, bakit andito ka?" Tanong ni Teacher Kath. "Naglunch ka na?" Tanong pa nya.
Umiling na lang ako dahil wala na akong lakas ibuka ang bibig ko. Naiinis na rin
ako sa sarili ko dahil sa inaakto ko.
Nadatnan ko si Nicky na naghuhugas ng kamay pero dumiretso lang ako sa isa sa mga
cubicle. Hindi na muna ako lumabas dahil ayoko na munang makita si Nicky.
Ilang minuto ako roon bago ko napagpasyahang lumabas na. Nagulat ako nang makita
sya na nakasandal sa pinto. Nakakapanlambot ang kanyang tingin kaya minabuting
iwasan ko na lang 'yon.
Ito na nga ba ang sinasabi ko. Mabilis syang makabasa nang mga tao kaya ayokong
makita nya ako. Shit! Sana huwag na lang syang magsalita at ayoko ring marinig ang
sasabihin nya.
"I saw him..." Natigilan ako sa paghuhugas ng kamay ngunit hindi pa rin ako
tumitingin sa kanya. "With someone." Dugtong pa nya na umagaw na talaga sa
atensyon ko.
Ngumisi ito kung saan mababakas ang pang-iinis. "Hindi ko tinatanong." Sagot ko na
mahinang ikinatawa nya.
"Pero hindi 'yan ang nakikita ko sa mata mo." Bumagsak ang tingin ko sa sinabi nya.
Damn!
"You are so fragile... easy to break. Where is the devil?" Tanong nya. "Let it go,
Zein. Protect yourself." Ang huling mga katagang iniwan nya bago tuluyan akong
iniwan.
Devil?
Pagkabalik ko sa SSG Office ay wala pa rin sya. Hindi ko na maitago ang pait at
sakit na nararamdaman ko. Damn!
Ilang oras pa ang lumipas ngunit wala pa ring Supremo ang dumarating. He must be so
busy with someone that he forgot his responsibility. Really, Supremo?
May kakaibang pakiramdam na nabubuo sa loob ko. Why am I having this feeling?
Natatakot na ako sa bawat lumilipas na minuto na wala pa rin sya. May nararamdaman
ako sa loob ko na hindi ko gusto. No. Please. I hate this feeling.
Tumango na lang ako bago binalingan ng tingin ang wall clock. It's already 6:30pm,
1 hour before bloody night. Nagpaiwan ako at inako ko na ang pagsasara ng SSG
Office.
Ilang oras na ba akong tulala? Ni hindi na talaga ako pumasok sa mga sumunod ko
pang subject para lang makita ko ang pagdating nya pero wala pa rin. Hindi pa ako
kumakain pero hindi ko talaga maramdaman ang gutom.
7:00pm...
Napagpasyahan ko ng umalis. Hindi ko alam kung ano ang kakaibang pakiramdam sa loob
ko. Masama ang kutob ko na hindi ito maganda. Kakaibang pakiramdam.
Mejo madilim na dahil 30 minutes na lang ay bloody night na. Natigilan ako sa
paglalakad nang maaninag ang isang anino sa madilim.
Shit!
Kumalabog ang puso ko at parang naistatwa ako sa kinatatayuan ko. Nakapamulsa ito
habang nakatalikod sa akin na animo'y may hinihintay.
Hindi ako maaaring magkamali. Sya 'yon. Kailan pa ba ako nagkamali pagdating sa
kanya? I know him so well.
Tatakbo na sana ako palapit sa kanya nang makita ang parating. Sumabog ang puso ko
sa mga sumunod na eksena.
At ang mas nakakatakot ay nakangiti ako. Fuck! I shouldn't be smiling but why the
hell am I smiling like a shit?!
I am scared right now. Natatakot ako sa sarili ko. Natatakot ako para sa sarili ko.
Parang hindi ko na makilala ang sarili ko.
Isa lang ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito... May mag-iiba na sa akin
matapos ang gabing ito. Natatakot akong harapin ang bukas.
Ngayon lang ako natakot nang ganito... Natatakot ako sa sarili ko. Bakit?
----
A/N: Kaway naman sa mga silent readers dyan! Haha. Malapit na tayong matapos naka
silent mode pa rin kayo.
Question: What can you say about the flow of the story? I-comment na 'yan!
Chapter 51
Chapter 51: I will
I can't blame you because I know what I have done. It sucks knowing you are with
someone else now but what can I do? It was my fault. I pushed you away, it was me.
I will just be thankful you are not in a misery... unlike me. Still... I was
wrecked with that scene that I can't do anything but to smile and take all the
blame.
I was silently hurt so much that I can no longer feel how painful it was supposed
to be.
You will never be forgotten by my heart but my mind can. Supremo, minahal at
minamahal pa rin kita pero tama na... Tapos na tayo.
Hindi na ako nagulat nang pagkarating ko sa SSG Office ay walang Supremo ang
bumungad sa akin. Only Vice Ty and Teacher Kath na seryosong nag-uusap.
Dumiretso na lang ako sa table ko at inayos ang mga papeles na hindi ko naayos
kahapon. Kahapon na wala ako sa sarili para hintayin ang isang taong hindi na pala
babalik.
Nasa kalagitnaan ako ng pag-aayos nang bumukas ang pinto. Nagtama ang mata namin
pero mabilis na umiwas din 'to ng tingin at dumiretso sa kanyang table.
Ibinalik ko na lang sa ginagawa ko ang mata ko nang marinig ang mahinang buntong
hininga niya. Hindi naging madali para sa akin ang pigilan ang sarili kong lingunin
sya.
Natapos na akong mag-ayos kaya binalingan ko ng tingin ang katabi kong nakayuko sa
kanyang desk at nakatagilid papunta sa akin ang ulo.
Tulog 'to at nakatabingi na ang eye glass. Mukhang pagod na pagod sya at walang
tulog. Hindi ko magawang iiwas ang mata ko... kahit man lang ngayon matitigan kita
nang hindi mag-aalalang mahuli mo ako.
Gusto kitang lapitan... Gusto kong ayusin ang gusot mong polo at magulo mong
buhok... Gusto kong alisin ang salamin mo at ayusing ang position mo para hindi ka
mangawit pero alam kong hanggang gusto lang ako... Masaya ka na. Ayoko ng guluhin
ka pa. Masakit man pero hanggang dito lang ako.
Napagitla ako nang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Angel na tinapunan lang
ako ng saglit na tingin bago dumiretso sa table ni Supremo.
Gusto ko syang pigilan sa paggising kay Supremo dahil halatang pagod ito at kulang
sa tulog pero sino ba naman ako para pigilan sya? Pero sana... hinayaan nya na
munang magpahinga ang tao.
Tinapik nya nang mahina ang balikat ni Supremo na agad namang nagising. Pumungay
ang mga mata nito na naniningkit.
Tumayo si Supremo at sabay silang lumabas ni Angel na hindi man lang naglalabas ng
mga salita na animo'y alam na niya kung ano ang dahilan kung bakit naparito si
Angel.
Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang bumukas ang mga speaker sa paligid. "All
classes are suspended due to the general meeting that will happen later... 1 oclock
at the gymnasium. Thank you." Namatay uli ang mga speaker.
Nagkibit-balikat na lang ako dahil maging ako ay hindi alam ang rason.
Ilang buwan na rin matapos magkaroon ng general meeting at 'di naging maganda ang
nangyari no'n. Ano na naman 'to ngayon?
"Pwede naman sigurong 'di tayo mag-attend, 'di ba?" Bored na wika ni Vanessa na
nakakapit sa braso ko.
Nagpasama pa kasi sya sa cr at nauna na sina Mia, Jerome, Matt at Dave. Maging ako
ay hindi interesado sa kung ano man ang dahilan ng general meeting na 'to pero may
part sa akin na kailangan kong marinig 'yon.
Kung ano man 'yon ay kailangang makita at marinig ko mismo. It might be bad or
worst still... I am curious.
"Paano kung mahuli ako-- Oh! I'm safe naman kahit mahuli ako... kasama naman kita
e."
Napailing na lang ako sa katwiran nya. Kung gusto nyang maparusahan... sya na lang.
Sawa na ako sa parusa. Psh.
He looks really tired. What the hell! Naiinis ako sa sarili ko! Damn it.
Nginitian naman ako ni Vice Ty nang magtama ang mata namin. Hindi naging madali
para sa akin ang umupo sa harap... katabi ng lalaking nakapikit pa rin na mukhang
inaantok pa.
Bakit kaya?
Maybe because they are together the whole night. Sana aware ka pa rin na hindi ka
maaaring mainvolve sa kahit na sino or kung mainvolve ka man... labas na ako. I
won't take the blame anymore. I did what's right and the rest is your choice.
Napamulagat ako nang maalala na sya ang lalaking bumungad sa akin sa lugar na sa
tingin ko ay ang hidden laboratory. Fuck!
Ano 'to?
Nagtama ang paningin namin at ngumisi ito sa akin. Nakaramdam ako ng pagtaas ng
balahibo sa mga sandaling 'to. Alam kong hindi 'to maganda.
Tumingin ako sa mga kaibigan ko na mukhang malalim din ang iniisip. Hindi ko alam
pero parang naiiyak ako. Shit! Bakit?
Humigpit ang hawak ko sa upuan na inuupuan ko. Napatingin ako kay Supremo na nahuli
kong nakatingin sa akin. Umiwas din ito agad ng tingin at muli na lang pumikit.
Psh.
"Sawa na ba kayo sa impyernong 'to?" Tanong niya pa. "Good news. Konting panahon na
lang... maaari na kayong makalaya." Mga katagang bumuhay sa ingay ng paligid.
Nagkaroon ng kasiyahan sa paligid ngunit mas lumala ang paninikip ng dibdib ko.
Normal na matuwa kami pero hindi ko magawa. The worst is soon to come. The end is
arriving quickly.
Iginala nya ang mata nya sa kabuuan ng gymnasium. Sa bawat estudyanteng tatamaan ng
tingin nya ay parang isang saksak na kayang pasikipin ang paghinga mo. The strong
authority of the headmistress of this hell. Madame Violet Rivera.
"The only reason why we are stucked in this place was already been found out...
Yes. The Formula that can bring back death's life is soon to be completed."
I knew it! It has something to do with that damn formula. Huli na ba talaga kami?
Wala na ba talaga kaming magagawa?
"Kapag nakumpleto na 'to... maaari ng buksan ang unibersidad na 'to... You can now
go out. Run as long as you can. We won't be a hindrance anymore..." Sumeryoso ang
mukha nito. "but I need your cooperation."
Bumukas ang double door ng gymnasium at napakaraming naka laboratory suit ang
pumasok. Kinain ako ng pangamba at takot. Nagkaroon ng tension sa paligid.
Hindi lang ako ang napatayo dahil halos kalahati ng mga estudyante ngayon sa loob
ay napatayo sa gulat... nangangatog sa takot.
Napatayo ako sa kinauupuan ko ng magsuot ng gas mask ang lahat ng naka laboratory
suits at maging sina Madame Violet.
Sa isang iglap ay napakakapal na usok ang kumalat sa paligid. Nakarinig ako ng mga
sigawan at mga naubo na animo'y nahihirapang huminga.
Damn!
Napahawak ako sa leeg ko nang kapusin ako ng hininga. Matutumba na sana ako nang
may naramdaman akong yumakap sa akin.
Kahit na nahihirapan akong huminga ay mabilis na nakilala ko pa rin kung sino 'to.
Alam kong huli na pero patawad.... Hindi ko na kayang lokohin ang sarili ko.
Alam kong nasa huwisyo pa rin sya dahil sa pahigpit nang pahigpit ang yakap nya sa
akin.
"Darling... please come back." Isang bulong mula sa kanya na muling nagpatulo ng
luha ko.
"I will."
Chapter 52
Chapter 52: Battle
Nagising ako sa isang selda at nakagapos. Hindi lang ako nag-iisa dahil marami kami
rito. Nakatulala ang iba habang ang iba ay mahimbing pa rin na natutulog.
"Z-Zein..."
Nabalin sa gilid ko ang aking mata kung saan nakagapos din sa aking tabi si Mia na
halatang nanghihina pa rin.
Nakaramdam ako ng awa at the same time ay inis. Naaawa ako sa kalagayan ni Mia. Sa
aming magkakaibigan, masasabi kong si Mia ang mabilis panghinaan ng loob. Naiinis
ako sa sarili ko na lahat ng ipinangako ko ay parang napako.
Hindi ako basta-basta susuko... susuko lang ako kung wala na akong ipinaglalaban
pero hanggat nariyan sila... I won't give up... kahit wala akong laban, lalaban
ako.
Nakarinig ako ng ipit na hagulgol at parang gusto kong takpan ang aking tainga
ngunit hindi ko magawa dahil maging ang aking mga kamay ay nakagapos.
Kinabahan ako nang mapagtanto na kami lang ni Mia ang narito. Asan sila Vanessa?
Matt? Jerome? Dave? Asan ang mga kaibigan ko?
"H-Hindi ko alam... Zein. Natatakot ako."
Umusod ako ng konti papunta kay Mia para harapin sya. Sumikip ang dibdib ko nang
makita ang pagdausdos ng luha mula sa kanyang mga mata.
"P-Pero, paano?"
Hindi ako nakasagot dahil maging ako ay hindi alam ang sagot doon. Hindi ko alam
kung ano ang gagawin ko. Wala akong plano pero wala rin akong planong sumuko.
Kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Naguguluhan man ay pilit ko itong pinapatahan.
"A-Ano bang sinasabi mo? Wala kang kasalanan at kung meron man... Lahat tayo 'yon."
Paliwanag ko ngunit umiling ito at umiwas ng tingin.
Tumahan na ito bago ngumisi. Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa inaasta nya.
Shit!
Natigilan sya nang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang dalawang naka surgical
mask.
Sinamaan ko sila ng tingin nang dumapo sa akin ang tingin nila ngunit binalewala
nila 'yon bagkus ay nilapitan nila ang isang babaeng kanina ko pa naririnig
umiiyak.
Napaatras ang babae at bakas ang sobrang takot sa kanyang mata. "A-Anong kailangan
nyo?" Nanginginig na tanong nito.
Sinenyasan ng isang naka surgical mask ang kanyang kasama na tinanggal ang
pagkakagapos ng babae.
Sinubukan kong igalaw ang kamay at paa ko ngunit hindi ko magawa. Sobrang higpit ng
pagkakatali nito sa aking kamay.
Hindi ako kumibo at ayoko ring marinig kung ano man ang sasabihin pa ni Mia dahil
kinakabahan ako. Bakit ba kasi sya humihingi ng patawad?
"Kung ano man ang kasalanan mo... Wala akong pakialam... Mia. Wala kang kasalanan."
"Salamat..." Mapait na wika nito bago umangat ang kanyang ulo at sinabayan ang mga
titig ko. "Salamat, Zein kahit na ikaw man lang mapatawad mo ako dahil hindi ko na
mapapatawad ang sarili ko." Mapait na wika nito.
Tumingin ito sa malayo. "H-Hindi ko lang basta-basta napulot ang mapa patungo
rito." Walang emosyong wika nito.
"H-Huh?"
"Narinig ko na may kausap si Ate Allison... Hindi ko sinadyang marinig ang usapan
nila pero huli na." Tumingin ito sa akin. Kinagat nito ang pang-ibabang labi nya na
animo'y may pinipigilang emosyon. "Ang Hell University ay isa sa mission ni Ate
Allison." Dugtong nito.
Si Ate Allison ay isang secret agent. Bata pa lang kami ay lagi na nyang
ikinukwento sa aking ang tungkol sa kanyang kagustuhan doon. Hindi sya nabigo... My
devil sister that could kill you even in just a snap. Sya na ang pinakasikat na
babaeng secret agent and maybe an assasin also sa buong mundo. Marami ang kumukuha
sa kanya at nagkakandarapa. They would pay any amount just to have her service.
Napangiti ako nang maaalala kung gaano katakot sina Jerome, Dave at Matt sa kanya.
Nakikita pa lang nila sya nagtatago na sila sa likod ko. Maging si Vanessa ay
tiklop pagdating sa kanya.
"Narinig ko na tinanggihan nya ang offer sa mission na 'to. Nagtaka ako dahil
sinabi nyang napakadelikado no'n. Kilala mo naman si Ate Allison, 'di ba? Wala
syang kinakatakutan pero natakot sya sa mission na 'to."
Sumikip ang dibdib ko dahil parang alam ko na kung saan patungo ang usapan na 'to.
"Hindi nya alam... Pinuslit ko ang mapa na ibinigay sa kanya. Ang mapa papunta sa
impyernong 'to."
Napapikit ako nang humagulgol na naman 'to. Maging si Ate Allison ay nasindak
pasukin ang impyernong 'to.
Wala akong pagsisisi. Hindi ko pinagsisihan ang pagpasok namin dito. Hindi ako
magiging kung sino man ako ngayon kung hindi dahil sa impyernong 'to. Hindi ko sana
sya makikilala kung wala kami ngayon dito.
"Thank you..."
Kumunot ang noo nito nang marinig ang sinabi ko. Ngumiti ako sa kanya. "Salamat
kasi dinala mo kami rito. Wala kang dapat pagsisihan pero hindi rito natatapos ang
lahat..." Ngumisi ako bago itinaas ang kilay ko. "Nag-uumpisa pa lang." Bulong ko.
Ngumiti ito sa akin at isinandal ang kanyang ulo sa balikat ko. Katahimikan ang
namayani sa paligid.
There's no regret. Natawa na lang ako nang maisip na ang tapang ni Mia. Buong akala
nya ay kasalanan nya ngunit pinahanga nya ako sa tapang nya. Alam nya na grabe ang
lugar na 'to pero isinama nya pa rin kami. It is not just a curiousity.
Naalimpungatan ako nang marinig ang pagbukas ng pinto. Dalawang nakasurgical mask
na naman ang pumasok.
Pinanuod namin silang ibinalik ang babaeng dinala nila kanina na ngayon ay
mahimhing pa rin ang tulog.
"Napaka rare naman kasi no'n... Baka nga kahit maubos natin silang lahat wala sa
kanila e."
Hindi ko maintindihan ang pinag-uusapan nila pero alam kong tungkol 'yon sa
sikretong formula. Psh.
Naalarma ako nang lumapit sila kay Mia na ngayon ay sobrang kapit na sa akin.
Kinain din ako ng pangamba ngunit hindi ko ipinahalata.
Hindi nagpumiglas si Mia nang umpisahan nilang tanggalin ang kanyang pagkakagapos.
Napatingin sa akin si Mia na mapait na nakangiti.
"Z-Zein--"
Natigilan ang dalawang lalaki nang marinig ang sinabi ko. Maging si Mia ay kumunot
ang noo.
"Yes."
Nagkatitigan ang dalawa na animo'y nag-uusap bago tumango ang isa at sinimulan na
ring tanggalin ang pagkakagapos sa akin.
Napangisi ako nang maalis na ang pagkakagapos sa akin. In just a one swift move ay
mabilis na tumayo ako at sinikmuraan ang lalaking nag-alis ng pagkakagapos sa akin.
Sinunod ko ang isa. Buong pwesang itinulak ko ang ulo nya sa bakal kasunod ng
pagkawala ng malay nito.
"Zein..."
"Sshhh..."
Hindi ko rin alam kung saan dahil hindi ko alam kung nasan kami basta kailangan
naming makatakas dito at hanapin ang iba.
"Teka---" Awat nya sa akin nang aktong aalis na kami. "H-Hindi ba natin sila
tutulungan?" Tanong nya sa iba.
Kung mahuhuli kami ay mawawala na kami ng pagkakataon at baka mas lalong hindi
namin sila matulungan.
Kumunot ang noo ko nang nagpumiglas si Mia sa pagkakahawak ko. "M-Mia." Kinakabahan
kong wika.
"Hindi natin sila iiwan... Ililigtas natin silang lahat. Kailangan lang nating
mahanap ang iba para makabuo tayo ng pwersa."
Napangiwi ako nang bumalik sa loob si Mia at inumpisahang alisin ang pagkakagapos
ng iba. Shit! Bakit ba hindi nya ako maintindihan?! Hindi namin sila papabayaan!
Napapikit ako bago sumunod sa kanya. Nasa kalagitnaan kami nang pagkakalag sa mga
gapos nang marinig ang mga boses sa labas.
Hinawakan ko sya sa kamay at ang ibang nakakalag na ay nasa likod lang namin.
Mabilis na pumuslit kami palabas sa selda na 'yon.
"May nakatakas!"
Kumaliwa kami nang may mga bantay sa kanan. Nakahawak ako sa kamay ni Mia habang
nasa likod namin ang ilan sa napalaya namin.
Shit!
Bumalin ako sa likod namin. Shit! Ang bilis nila. Hindi nga kami makakatakas nito
maliban na lang kung--- "Mia... Listen. Ilabas mo sila rito." Wika ko na ang
tinutukoy ay ang mga kasama namin sa selda na ngayon ay kasama rin naming
tumatakas.
"Kailangang may maiwan para pigilan sila! Damn! Wala na tayong oras!"
Lumuwag ang pagkakahawak ko sa kamay nya ngunit sya naman ngayon ang humawak sa
akin.
"Damn! Wala na tayong oras!" Sigaw ko dahil konti na lang at maaabutan na nila
kami.
Napangiti ako nang makita na ang labasan. "Mia... Babalik ako. Please." Pagsusumamo
ko.
"Z-Zei-"
"Pangako."
Binalingan ko ng tingin ang mga humahabol sa amin. Natawa na lang ako na ang dami
nila. Hindi ko sila kayang labanan pero kailangan ko silang pigilan.
Tumakbo na rin ako palapit sa kanila. Nagawa kong labanan ang iba nang maramdaman
kong may nagturok ng kung ano sa akin.
Napangiwi ako pero nagawa ko pa rin itong patumbahin. Naramdaman ko ang panlalambot
ng tuhod ko kasabay ng pagsikmura sa akin.
Napaluhod ako kasabay ng pagtulo ng dugo sa bibig ko. Ang sakit no'n ah.
Napangisi ako at sinubukan ulit tumayo. Hindi pa man ako nakakatayo ng husto nang
maramdaman ang napakalakas na boltahe ng kuryente na tumama sa likod ko.
Bumagsak ako sa sahig at nanlabo na ang paningin ko. Nanginginig ang buong katawan
ko sa lakas ng kuryenteng 'yon na halos maging ang paghinga ko ay sumikip.
"F-Fuck you."
Napasigaw ako nang maramdaman na naman ang kuryente sa likod ko. Nanlalabo na ang
paningin ko ngunit nagawa ko pa ring balingan ng tingin ang daan palabas na tinahak
nila Mia.
Patawad...
---
Napangiti na lang ako habang pinagmamasdan ang kanyang litrato. "Magsasama na ulit
tayo." Mapait na wika ko bago ibinalik sa aking bulsa ang kanyang litrato.
Tumingin ako sa mga taong tumatakbo palabas ng isang building kung saan ikinulong
ang lahat...
Chapter 53
Chapter 53: Started
Madilim...
Hindi ko alam kung nasan ako. Wala akong makita. Binabalot ako ng takot at
pangamba.
Nasan ako?
Naglakad ako... Dahan-dahan. Hindi ko alam kung may hangganan ang dilim na ito
hanggang sa biglang nagkaroon ng mga imahe na malabo.
Napapikit ako nang makitang niyakap niya ang kasama nya. Nakikita ko sa lalaki ang
pigura ng taong handa ko ng ipaglaban pero... Sino ang babaeng niyakap nya?
Sino?
Pawis na pawis na namulat ang mata ko sa isang puting silid kung saan walang gamit
at gawa sa bakal ang nag-iisang pinto.
Sinubukan kong tumayo ngunit sobrang sakit ng katawan ko. Ramdam ko rin na
nanginginig pa ang ibang bahagi ko... malamang na dahil 'yon sa pagkakakuryente sa
akin.
Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Sana nasa mabuting kalagayan na sila.
Kahit man lang ngayon ay may napanindigan ako sa mga pangako ko sa sarili ko.
Bigla ko na namang naalala ang panaginip na 'yon. Anong ibig sabihin no'n? Bakit
parang sobra akong naapektuhan? Naguguluhan ako pero mas naguguluhan ako sa
nararamdaman ko.
Supremo? Nasan ka? Sana hindi ka nila sinaktan--- Napapikit ako nang maramdaman ko
ang kakaibang pakiramdam habang iniisip na sinaktan nila si Supremo.
Napakagat ako sa aking labi nang kumirot ang likod ko dahil sa pwersang ibinuhos ko
sa pagtangkang pagbukas ng pinto.
Napasandal na lang ako sa pader habang hinahabol ang hininga ko. Hindi ko pa talaga
kayang kumilos dahil sa panghihina ko.
Shit!
Hindi na ba talaga ako makakatakas? Ito na ba talaga ang katapusan? Hanggang dito
na lang ba talaga ako?
Sandali akong natigilan nang marinig ang kaluskos galing sa kandado sa labas.
Hinintay kong bumukas ito.
Pinanuod ko lang na lapitan ako ng dalawang naka lab gown at hawakan ang dalawang
braso ko. Sinubukan kong bawiin ito ngunit hindi kaya ng katawan ko at ang
katotohanang malaki ang katawan nila.
Hindi sila nagpatinag at dahil sa wala akong lakas manlaban ay madali lang nila
akong nahila palabas ng silid na 'yon. Parang lantang gulay na hinayaan kong
bitbitin nila ako.
Tahimik na tinahak namin ang daan patungo sa Admin Office kung saan may mga guard
ngayon na nakabantay.
Napahinto kami sa pagpasok ng lumabas ang ilang naka laboratory gown bitbit ang
isang lalaking walang malay.
Napangiwi ako ng biglain nila ang paghila sa akin. Pumasok kami sa isang pinto kung
saan may hagdan pababa.
Underground.
Hindi nga ako nagkamali. Ang lugar kung nasan kami ngayon ay walang iba kundi ang
Hidden Laboratory.
Napakatago nga talaga nito at sa ilalim pa ng lupa itinayo. Mautak talaga sila.
Psh. Kaya pala parang walang kakaiba sa lugar na ito dahil nakakubli sa ilalim ang
isang lihim na sila lang ang nakakaalam.
Ibang pakiramdam ang naramdaman ko pagkatapak namin sa loob kung saan napakaraming
laboratory gown ang bumungad sa amin. Lahat sila ay may kanya-kanyang ginagawa na
animo'y walang pakialam sa paligid.
Napakaraming iba't-ibang kulay na likido ang nasa paligid pero ang nakaagaw ng
pansin ko ay ang mga human size incubator kung saan may mga taong nakahiga.
Napakaraming aparato at monitor ang nakakalat sa paligid.
Sumikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang isa sa mga nasa loob. Nakapikit ito
pero halata mo sa itsura nila ang sobrang paghihirap na dinadanas nila sa loob.
Psh.
Hayop talaga sila. Halang ang kaluluwa nila para magawa sa mga inosenteng tao ang
ganitong klaseng kawalang hiyaan. Nasa lupa pa lang sila pero sinusunog na sa
impyernong ang kanilang mga kaluluwa.
Hindi ba nila naiisip na hindi na makatao ang ginagawa nila? Ginagawa nilang hayop
ang mga inosenteng taong ito. Kasangkapan sa kanilang minimithi.
"Well...Well...Well..."
Nabalin sa isang babae at lalaki ang aking paningin. Si Madame Violet na may takip
ang ilong habang nasa likod nya si Liam na walang emosyong nakatingin sa akin.
"Hello Miss Secretary... How are you?" Nakangiting wika ni Madame Violet na halata
ang saya na nakikita ako sa ganitong sitwasyon.
Tinaasan ko lang sya ng kilay bago ngumisi. "I am better than fine." Nakakalokong
sagot ko na mahinang ikinatawa nya.
Iginala nya ang mata nya sa kabuuan ng Laboratory na ito. Halata mo sa kanyang mata
at ngiti ang kasiyahan sa nangyayari. Hindi ko na masasabi kong tao pa ba ang
babaeng 'to.
"Thank you."
Ngumisi ito at nilapitan ang isang tao na busy sa pagtingin sa mga monitor.
Binalingan ko ng tingin si Liam na mabilis nag-iwas ng tingin.
Hindi ito lumingon sa akin at nanatiling nakaiwas sa akin ang kanyang mga mata.
Napailing na lang ako.
"Sorry..."
"For what?"
Tumingin na ito sa akin kung saan mababakas na ngayon sa kanyang mata ang
kalungkutan. "Patawarin mo si Mommy." Wika nito sa isang malungkot na tono.
Sorry?
Natawa na lang ako sa sinabi nya. Sa tingin nya ganon lang kadali 'yon? "Sa tingin
mo ba maibabalik ng sorry ang mga kahayupang nagawa ng iyong ina? Marami ng buhay
ang nawala at patuloy pang nawawala." Mapait kong wika.
Kahit na habang buhay nyang banggitin ang salitang patawad ay kailanman hindi
magiging sapat ito para sa walang kapatawarang ginawa ng kanyang ina at ni
Francisco.
"Liam! Bring that woman here!" Sigaw ni Madame Violet kay Liam na napatingin din sa
kanyang ina.
Lumapit ako sa kanya at inilahad ang aking braso. "Ibigay mo na ako sa ina mo."
Wika ko.
Lumunok ito habang nakatingin sa aking mga mata. Dahan-dahan nyang kinuha ang braso
ko kung saan ramdam ko ang panginginig ng kanyang kamay.
Sinalubong kami ni Madame Violet at ang lalaking naka laboratory gown--- Malamang
na ito ang pinuno ng pag-aaral na ito.
"M-mom-"
"Ikaw na ang bahala sa kanya..." Putol ni Madame Violet kay Liam na nakaharap sa
lalaking nakalab gown bago binalingan ng tingin ang kanyang anak. "Follow me."
Matigas na wika ni Madame Violet kay Liam na walang nagawa kundi ang sumunod.
Naiwan kami ng lalaking 'to na nakatingin lang sa akin. "I am Mr. Razon. The head
of this operation." Pagpapakilala nya.
Natawa ito sa isinagot ko. Siya ang lalaking kasama nina Madame Violet at Francisco
sa gymnasium, ang lalaking bumungad sa akin sa hidden laboratory nung mga panahong
nalagay sa alanganin ang buhay ko.
Hindi ako kumibo nang hawakan nya ang aking braso at binuksan ang isang incubator.
Napalunok ako habang pinapanuod ang unti-unting pagbukas ng transparent incubator.
Sandali nya akong binalingan ng tingin bago may pinindot sa mga button sa gilid.
"For the sake of that formula." Sagot nya.
Tss.
Gusto kong malaman kung ano ba ang sikretong formula at kung bakit kailangan pa
kaming isalang sa ganito.
"The rarest type of blood." Nakangising wika nito. "Don't worry. Kung hindi ka
naman magma-match ay hindi ka na mahihirapan." Wika nito.
Wala akong nagawa nang sapilitan nya akong inihiga sa loob ng incubator. Pakiramdam
ko ay napakahina ko para hindi makapalag.
Pinanuod ko lang na lagyan nya ng kung anu-anong aparato ang katawan ko. Walang
buhay na hinayaan ko silang gawin ang gusto nila sa akin.
I feel hopeless...
Napasigaw ako sa hapdi nang may tumusok sa braso ko. Parang pinupunit ang buto at
laman ko. Nanlabo ang paningin ko pero hindi sapat para mawala ako sa ulirat.
Napapikit ako nang may tumusok na naman sa kabilang braso ko. Naramdaman ko ang
pagbagsak ng luha sa mata ko marka ng sakit.
Pagod na akong sumigaw kaya ang luha ko na lang ang magiging simbolo ng sakit.
---
Hindi ko alam kung magiging masaya ako. Masaya ako na ang hinahanap nilanh formula
ay isang pambihirang klase ng dugo na hindi basta-basta nahahanap. Imposible ang
ganong klaseng dugo kaya mahihirapan silang hanapin 'yon.
Napatingin ako sa isang kulay itim na likido sa pinaka gitna. Isang sangkap na lang
at kumpleto na ito.
Malalim ang iniisip ko nang marinig ang isang tunog na nagpatalbog ng puso ko.
Hindi lang ako ang natigilan dahil lahat ng tao sa laboratory ay natigilan sa
kanilang mga ginagawa habang nakatingin sa isang incubator na umiilaw.
Nagtakbuhan kami sa isang incubator at hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon
ko nang makita kung sino ang nasa loob nito.
Zein Shion...
"Hindi nya kakayanin... Madame. Maaring manganib ang buhay nya." Wika ni Mister
Razon kay Madame Violet na nakangisi.
Hindi pwede... Hindi nila maaring gawin ito sa babaeng 'to. Hindi nila alam kung
paano magalit ang isang taong ngayon ay kahit na anong oras ay maaari ng sumabog.
"Kunin nyo lahat ng dugo nya..." Humahalakhak na utos ni Headmistress. "Wala akong
pakialam kahit na ikamatay nya ito." Nakangising dugtong pa nito.
Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Madame Violet na wala kang mababakas na biro.
Shit! This aint good. Bumabagal na ang tibok ng puso ni Zein.
Sa kanya ko natutunan kung gaano kaimportante ang paglaban. Napakatapang nya... ang
labis na hinangaan ko sa kanya. Dahil sa kanya ay nagkalas akong ipaghigante ang
kapatid ko. Natutunan ko ang kahalagahan ng paglaban sa katarungan dahil sa kanya.
"Nurse Cha!"
Napahiyaw ako nang may kuryente akong naramdaman sa likod ko kasabay ng paghawak ng
dalawang lalaki sa akin. Kahit na nanghihina ay napangiti ako nang makitang bumukas
ang incubator.
Napapikit ako sa sampal ni Headmistress. "Ikulong nyo ang traydor na 'yan!" Sigaw
nya.
Ngumisi ako sa kanya. "H-Hindi mo sya kilala... Kung ako sa'yo magtago ka na...
Parating na sya." Wika ko bago ako kinaladkad ng mga guard.
Supremo...
Hindi pa man kami nakakalabas nang isang napakalakas na pagsabog ang naganap sa
labas kasabay ng pagyanig ng paligid.
Chapter 54
Chapter 54: Awaken
I can't breathe...
Napapikit ako kasabay ng pagdilim ng lahat. Natatakot ako... sobra. Ayoko sa dilim.
Ayokong makulong sa dilim.
Akala ko tama. Akala ko tama na layuan ka. Akala ko tama ang naging desisyon ko.
Tama naman e. Tama na nilayuan kita. Napakalaki ng tama pero bakit ganon?
Napakaliit lang ng mali pero mas nanaig ito?
Napakaraming pagkakataon ang nasayang ko. Mga pagkakataon na dapat ay kasama kita.
Mga pagkakataon na dapat inilaan ko sa'yo. Mga pagkakataon na hindi na maibabalik
pa.
Sana... Hindi pa huli ang lahat dahil kung bibigyan pa ako ng pangalawang
pagkakataon... Sisiguraduhin kong hindi na ako muli magkakamali.
Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Kahit na nakapikit ako ay tila kilala ng
puso ko kung sino ito dahil ganon na lang ang pagwawala nito.
Hindi ko alam pero parang nanumbalik lahat ng lakas ko matapos nya akong hawakan at
marinig ang kanyang tinig.
Unti-unti ay lumiwanag na ang lahat. Napangiti ako na sya ang unang bumungad sa
akin.
Kahit na nanghihina ay inangat ko ang braso ko para haplusin ang kanyang mukha.
Akala ko hindi ko na sya makakaharap nang ganito kalapit.
"S-Supremo..."
Inalalayan nya akong makatayo. Napayakap ako sa kanya nang maramdaman ang
panginginig ng tuhod ko. Nanghihina pa rin ako dahil sa dami ng dugo na nawala sa
akin.
Hindi ako nakapagsalita nang mapagtanto ang nangyayari sa paligid. Kumunot ang noo
ko habang nakatingin kay Supremo na nakangisi sa akin.
Nakapalibot sa aming dalawang ang mga taong naka pula at itim na maskara na animo'y
pinoprotektahan kami.
"You came back to me." Sambit nito habang nakangiti. "Sinabi mo 'yan." Dugtong pa
nito.
Kumunot ang noo ko bago napagtanto kung ano ang tinutukoy nya. "Yes. I'm back and
will never turn back, again." Lumapit ako sa kanya.
"Promise me... You'll never leave me again. I don't wanna be alone again."
Hinawakan ko ang kamay nya at tumitig sa kanyang mata. Napangiti ako dahil hindi
nya suot ang salamin nya. Hindi naman kasi talaga malabo ang mata nya e.
"I can't promise but I will stay no matter what. I will never do the same mistake
again. Never. Ever."
Humigpit ang hawak nya sa kamay ko nang may pagsabog na naganap. Kumunot ang noo ko
ngunit nanatili ang kanyang ngiti sa labi.
"W-What's that?"
"They will pay for what they did to you. They hurt you. I will kill them.
Darling... I am willing to kill anyone dared to hurt you."
Damn!
I miss him so damn much that I want kiss him right here, right now.
Paano ko nasikmurang saktan ang ganitong klaseng lalaki? Paano ko sya nagawang
iwan? He deserve to be happy.
Mas humigpit ang hawak nya nang may mga sunod-sunod na putukan na nangyari.
"Anong nan-"
Sya na ang muling humawak sa kamay ko nang maramdaman nyang wala akong balak
humawak sa kanya.
Nagsimula kaming tumakbo habang hawak nya ang kamay ko. Pagkalabas namin ng Hidden
Laboratory ay mga lalaking armado ng baril ang tumambad sa amin.
"S-Supremo..."
Kahit na naguguluhan ay ipinikit ko ang mata ko. Halos mapatalon ako sa gulat nang
marinig ang mga putok ng baril, ang pagbagsak ng mga bagay sa sahig hanggang sa
nawala na lahat ng ingay.
Iminulat ko ang mata ko. Kitang-kita ng mata ko kung gaano kabilis kumilos si
Supremo na sa isang iglap ay napatumba nya ang dalawang natitirang armadong lalaki
gamit lang ang isang kutsilyo.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang lalaking lupasay sa likod ni Supremo at
nakatutok sa kanya ang baril. Hindi ito napansin ni Supremo dahil nalatalikod sya
rito.
Shit!
Bumagal ang tibok ng puso ko nang makita ang pagkalabit nya sa baril pero nalaglag
ang panga ko nang makita ang mabilis na pag-iwas ni Supremo sa bala na tumama sa
bintana dahilan ng pagkabasag nito.
Sa isang iglap ay nabalutan ang lalaki ng dugo habang may dalawang pako na
nakatusok sa kanyang ulo.
"Are we late?"
Agad na naagaw ng tatlong tao ang atensyon ko. Nakatayo ang mga ito sa pinto.
"Zein..."
"Matt..."
"3..." Bigla akong hinila ni Supremo palayo kay Matt na nakanguso. "3 seconds is
enough." Mapait na wika pa nito.
Hinila na ako paalis don ni Supremo. Napangiwi ako nang maramdamang kumirot ang
braso ko.
Ngayon ko lang din napansin na dumudugo ang kaliwang braso ko kung saan kinuhanan
ako ng dugo. Pinaupo ako ni Supremo at pumunit ng kapirasong tela sa kanyang damit.
"Does it hurt?" Tanong nya habang tinatali ang braso ko para pigilan ang pagdugo.
"I am sorry." Malungkot nitong wika.
Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Supremo. "They will never hurt you again.
Hindi ka nila makukuha sa akin. Mamamatay muna ako bago ka nila makuha pero... Wala
sa plano ko ang mamatay." Bulong nito.
----
Nagsisisi ako na dapat ay noon ko pa ito inamin sa kanya. Masyado akong naging
kampante na hindi sya mahuhulog sa iba.
"Nice..." Puri ni Nazzer nang nagawa kong patumbahin ang dalawang kalaban sa isang
pako lang.
I joines them to protect her. Hindi ako nagsisi sa ginawa ko at walang pagsisisi na
mangyari.
Mukha na nga akong Superhero nya e. Lagi kong nililigtas ang buhay nya at sya naman
itong ang lakas ng kapit sa gulo. Natawa na lang ako habang inaaalala lahat ng
ginawa nyang muntik na nyang ikapahamak.
Hindi sya marunong masindak. Gaya na lang nong baguhan pa lang kami rito. 'Yong mga
panahong nanganib ang buhay namin dahil sinamahan ko syang mag-cr at naabutan kami
ng bloody night.
Nasa labas lang ako no'n nang mapansin ang mga umaaligid sa amin. I have to protect
her... Yan ang motto ko sa buhay kaya kinalaban ko ang BBG at hindi nagtagal ay
sumapi ako rito.
Well, ganon naman talaga si Zein. Padalos-dalos talaga sya sa mga desisyon nya.
Hindi sya nag-iisip ng mabuti pero isang katangian nya ang labis kong hinahangaan.
She will protect you even it cost her life. She cares for you over herself. She
might be that badass girl but she can also be your sweetest friend.
Hindi nya ako iniwan nung mga panahon na maabutan na kami ng BBG at hindi ko
magawang makalakad. Alam nyang kapag hindi pa sya umalis at iniwan ako ay may
mangyayaring hindi maganda pero nanatili sya sa tabi ko. Hindi nya ako iniwan.
Napangiwi ako nang maramdaman ang pagdaplis ng bala sa braso ko. Mabilis na
pinabulusok ko sa kalaban ang natitirang pako ko na mabilis naman nyang ikinatumba.
Naramdaman ko ang pagtulo ng dugo mula sa braso ko pero wala akong panahon para
indahin ito.
Kinuha ko ang baril ng isa sa napatay namin at ito ang ginamit ko.
"Where the hell is that bitch?!" Dinig kong sigaw ni Nicky.
Ang tinutukoy nya ay si Madame Violet. Oo nga, asan na ang demonyong 'yon? Halos
mawasak na ang hidden laboratory dahil sa pasabog na ibinato ko kanina pero wala
sila.
Shit!
Hindi ko pinakinggan si Nazzer at bumalik ako. Kung wala sila rito... malamang na
baka balikan nila si Zein lalo na't sya ang puntirya ng mga ito.
Napatigil ako sa pagtakbo nang palibutan ako ng mga armadong lalaki. Napamura na
lang ako dahil hinaharang nila ang daan ko.
Napatingin ako sa lalaking naka lab gown. Naningkit ang mata ko habang iniisip na
isa sya sa mga nagpahirap sa kaibigan ko.
He deserve to die.
Umayos ako ng tayo at pinagpagan ang sarili ko. Bakit nga ba ako nagmamadali? Bakit
ako nag-aalala kay Zein e kasama naman nya si Supremo?
Supremo...
Bigla kong naaalala ng mga mata nya kanina habang palusob kami sa hidden
laboratory. Wala kang mababakas na emosyon sa kanyang mga mata.
Nilusob nya ang Hidden Laboratory nang mag-isa. Nakamamangha na nagawa nyang
pabagsakin ang lahat nang sya lang mag-isa. Sumunod na lang kami nang marinig ang
pagsabog na sya malamang ang may gawa.
Napangiti na lang ako at nakahinga nang maluwag. Hindi nya papabayaan si Zein.
Hindi nya hahayaang makuha ito ng mga masasamang tao.
Hindi rin naman magtatagal... Darating na sila... Matatapos na ang madugong labanan
na ito.
----
Nagngingitngit ang ngipin ko habang si Jerome naman ay tawa lang ng tawa sa tabi
ko.
"Ano ba kasing hinihintay natin?!" Inis na tanong ko. "Baka may nangyari ng masama
sa kanila!" Sigaw ko.
Narito kami sa gubat na bahagi ng Hell University. Kasama namin sina Mia, Dave at
ang mga nakaligtas na estudyante ng HU.
Napaupo na lang akong muli sa inis. Nag-aalala na ako baka may nangyari ng masama
kay Zein at Matt.
Bwisit! Kapag talaga may nangyaring masama sa kanila ay baka matapay ko ang
lalaking tinatawanan ako.
Kumunot ang noo ko sa tanong ng isang babae. Halata ang takot sa mga mata nito.
"Oo! Habang may pagkakataon! Hindi naman tayo ang pakay nila hindi ba? Si Secretary
Shion ang kinukuha nila! Bakit pa natin sya ililigtas? Mapapaham-"
Natigilan sya sa pagsasalita nang dumapo sa pisngi nya ang palad ni Mia. Agad
namang lumapit sa kanya si Dave para pakalmahin ito.
Nanginginig din ang palad ko pero pinigilan ko ang sarili ko dahil baka hindi lang
limang sampal ang abutin nya sa akin.
"H-Hindi mo ba naisip kung ano ang ginawa ni Zein? Sya ang nagligtas sa atin! Kung
hindi dahil sa kanya ay baka patay ka na ngayon, tapos ganito ang sasabihin mo?"
Tiklop ang bibig ng babae. Napapadyak si Mia sa inis at tinalikuran ang babae na
hindi na nakapagsalita pa.
"Duwag... Duwag kayong lahat!" Si Angel naman ngayon ang nakatayo sa harap. "Walang
wala kayo kay Zein! Kahit baguhan lang sya ay may napatunayan na sya. Eh kayo?! Mga
duwag! Ang tagal nyo na sa impyernong ito pero ni isa sa inyo walang naglakas loob
lumaban! Takot kayo kaya nanahimik na lang kayo! Hindi ba kayo nagsasawa?! Hindi ba
kayo naaawa sa sarili nyo?!"
Natahimik ang lahat. Napangiti na lang ako. Zein Shion... Isa ka lang babae pero
napakalaking impluwensya mo sa lahat. Sabagay, Zein Shion 'yan e. Kaibigan namin.
May tumayong lalaki sa karamihan na ngayon ay nakangisi na. "I'll fight... Sawa na
akong maging alipin." Wika nito.
Pinanuod lang namin kung paano ang lahat ng estudyante ngayon ay nakatayo na.
Kitang-kita ngayon sa kanilang mga mata ang determinasyong lumaban.
Sa wakas, nagising na sila. Nakakatakot ang mga estudyanyeng ito. Nakakilabot ang
kanilang mga ngiti.
Isa lang ang sigurado sa malabong nangyayari ngayon... Mawawala na ng tuluyan ang
Hell University...
Blood will cover this entire place. It will be a long night--- The bloodiest night.
Killing is legal, I can kill as long as I can.
Chapter 55
Chapter 55: Wrong
Lagi akong nasa likod nya. Laging ako ang pinoprotektahan nya. Nakakamangha na
gamit lang ang isang kutsilyo at ang kanyang liksi ay nagagapi nya ang mga armadong
lalaki.
Napapikit ako nang maramdaman ang muling pag-agos ng dugo galing sa braso ko. Halos
buong braso ko na ngayon ay nababalot ng dugo.
Nararamdaman ko na rin ang panghihina dahil sa dami ng dugong nawala sa akin. Hindi
'yon napansin ni Supremo dahil busy sya sa pakikipaglaban.
Naluluha ako habang nakikita syang hingal na hingal. Tagaktak ang pawis nya at
halos dugo na rin ang damit nya at kamay.
Napaawang ang bibig ko nang maramdaman ang pagrupok ng binti ko na parang babagsak
na talaga ako.
No. Hindi ako maaring magapi ng pesteng kahinaan na ito. Ayokong makita nya akong
mahina. Ayokong mag-alala sya.
Hindi ko napigilang mapangiti dahil sa ngiti nya. Hinawakan nyang muli ang kamay
ko.
"Lets go..."
Bigla kong naalala ang mga panaginip ko. Ako pala... Ako pala ang babaeng kahawak-
kamay nya. Kinain ako ng kaba ng maaalala ng mga kasunod na nangyari sa panaginip
ko--- No. Please.
Isang hakbang pa lang ang nagagawa ko nang maramdaman ang pag-ikot ng paningin ko
hanggang sa naramdaman ko na lang na bumagsak na ako sa lupa.
"Zei- Shit!"
Mapait na napangiti na lang ako nang makita ang alala at gulat sa mata nya nang
makita ang brasong hindi ko na naitago.
Nangingitim na rin ito at parang nauubusan na ng dugo.
"Hold on..."
"Hey!" Pigil ko sa kanya nang aktong bubuhayin nya ako. "I can still walk...
Magpahinga na muna tayo." Wika ko.
"Ssshh..." Sinubukan kong umupo na inalalayan naman nya ako. Ipinatong ko ang ulo
ko sa balikat nya habang nakatingin sa dilim.
Bumibilis ang paghinga ko na animo'y kinakapos na rin ako ng dugo. Napapikit ako
nang muling maramdaman ang pag-ikot ng paningin ko.
"Darling..." Tawag ko sa kanya. "Sorry... Sorry for everything." Mapait kong wika.
"Still, sorry."
Kinain kami nang katahimikan. Hindi ko alam kung matatawa ako dahil napakaromantic
ng mga minutong ito kahit na nagpapatayan na.
"Tara na."
Inalalayan nya akong makatayo. Kahit papaano ay nakatulong ang pagpapahinga namin
dahil kahit papaano ay nakalakad na akong muli ngunit sobrang higpit na ng hawak sa
akin ni Supremo na parang wala na syang balak kumalas sa akin.
Gusto ko na ring itali ang sarili ko sa'yo. Without you, I am a mess. Supremo.
Hindi ko alam kung ano ang sinasabi nya at kung bakit may medical team syang
binabanggit.
Napalingon sya sa akin sabay ngiti. "I told you. I am not named Ace without one,
darling." Wika nito bago nya ako kinindatan.
"S-Suprem-"
Napasinghap ako nang yakapin nya ako nang mahigpit. "Darling, give me a reason... I
won't let myself to be killed." Bulong nya.
I have so many damn reason but--- "I love you..." Bulong ko.
"Damn it! I love you more... Now," Iniharap nya ako sa kanya at hinawakan nya ang
pisngi ko. "My Queen, can you close your eyes? Ako ang bahala sa'yo." Bulong nito.
Tumango ako pero bago pa man ako nakapikit ay isang halik ang iginawad nya sa labi
ko.
----
Damn! Hindi ko inakalang ganito sila karami. Fuck that bitch! Ang dami nyang tauhan
na parang hindi nauubos.
"I am." Malamig kong tugon bago pinaputukan ang tatlong lalaking palapit sa amin.
Hindi ko na binalingan ng tingin si Nazzer dahil alam kong nakatingin sya sa akin.
What the hell is his problem?!
Inis na lumapit ako sa kanya at sinuntok ang kanyang mukha. Nagdugo ang labi nito
sa ginawa ko ngunit hindi napawi ang kanyang ngiti.
Lumayo ako sa kanya dahil hindi ako makapagfocus kapag malapit sya sa akin.
Napatingin ako sa basag na salamin kung saan lumitaw ang repleksyon ko. Maraming
talsik ng dugo sa mukha at katawan ko ngunit isang bagay ang nakaagaw ng pansin ko.
I am smiling like a bitch. What the hell?! Don't tell me it is because of that!
Hindi ko inakala... I thought this is just normal. Lagi kong nararamdaman ito sa
tuwing kasama ko sya. Akala ko wala lang ito pero tangina!
Natawa na lang ako habang inaalala ang mga panahon na pinahirapan nya akong
tanggapin ang alok ko.
Ang alok na maging leader ng gang na mabubuo. Yes, Black Blood Gang. Ako ang bumuo
ng Black Blood Gang gaya ng utos nya ngunit hindi ko ito kayang pamunuan kaya kay
Nazzer ako lumapit. This jerk!
Napatunganga na lang ako nang mapansin na nasa harap na pala ako ni Nazzer na
nakangisi.
"You've been fooling me ever since, pinagmukha mo akong tanga. Itinago mo sa akin
ang mga importanteng impormasyon na dapat ay matagal mo ng sinabi sa akin. Nasaktan
ako, pero wala e. Mahal kita, hindi ko kayang magalit."
Itinutok ko ang baril ko sa ulo nya na ikinatawa nya. "Hindi ako ang may pakana ng
l-"
Ibinaba ko ang baril ko at sa isang iglap ay nagawa nya akong yakapin. Nagpumiglas
ako ngunit hindi naging sapat para makatakas ako sa kanya.
"I won't let you go... Bitch, you have to love me! Ayokong ako lang ang
nakakaramdam nang ganito."
Nawalan ako ng lakas at hinayaan ko na lang syang yakapin ako. We stayed in that
position for a minute bago ko narinig ang isang putok ng baril at pagbagsak ni
Nazzer sa sahig.
Binato ko sa malayo ang walang balang baril ko bago binalikan si Nazzer na nakahiga
sa sahig.
"Nazzer Lumia! Open your eyes! Damn! I hate you..." Naramdaman ko ang mainit na
likido sa gilid ng mata ko.
Shit!
"Nazzer... Please, open your eyes...for me." Pumiyok ako kasabay ng pagbagsak ng
luha sa mata ko. "You can't just leave me alone after you stole my heart! Damn! I
love you! Op-"
Hindi ako nakapagsalita nang bigla nyang iminulat ang mata nya kasabay ng kanyang
nakakasilaw na ngiti.
Umangat na ang kamao ko para sa kanyang mukha nang maunahan na nya ako. Mabilis na
hinigit nya ako palapit sa kanya at ipinagdikit ang aming labi.
Nanlambot ako... I didn't know that I would feel that fucking word... I used to
hate that feeling but right now... I can't believe that I am starting to like it.
----
Shit!
Pagod na sya at hingal na hingal ngunit mas lalong dumarami ang kalaban.
Nilalabanan nya lang ito gamit ang kutsilyo habang ang mga kalaban ay baril. Malaki
ang advantange ng long range weapons plus the fact na mag-isa lang si Supremo.
"S-Supremo..."
Napapapikit ako nang sabay-sabay silang sumugod. Nanginig ako at natakot. Ayokong
imulat ang mata ko. Natatakot akong baka may nangyaring masama.
Supremo is always there for me. Will I always like this? Like a pathetic girl that
can't defend myself? Am I really that weak?
I have a promise.
Unti-unti kong imunulat ang mata ko nang maging payapa ng muli ang paligid.
Nangingig ang labi ko nang makita si Supremong nakatayo hindi kalayuan sa akin.
Tanging ang liwanag ng buwan ang nagsisilbing ilaw upang makita ko ang kislap ng
kanyang ngiti.
"Damn! I would love to hug you forever but darling your wound must be treaten
first."
"H-Hei. I'm ok." Nginitian nya ako ngunit hindi naging sapat 'yon para maibsan ang
pag-aalala ko lalo na nung makita ko ang pag-agos ng dugo sa kanyang kaliwang binti
kung saan may tama ng baril.
Supremo is hurt.
"Z-Zei-"
Nalaglag ang panga nya sa sinabi ko at ramdam ko ang pagtutol sa kanyang mga mata
na ginantihan ko ng ngisi.
"Trust me,"
"I trust you more than myself." Hinawakan nya ang kamay kong nanginginig at
ibinigay sa akin ang kutsilyong katulad ng ibinigay nya sa akin. "Damn! Huwag ka
kang nila talagang sasaktan." Wika nito bago unti-unting isinara ang mata.
Wala sa sariling napangisi ako. Walang ibang tumatakbo sa isip ko ngayon kundi ang
mga pangakong binitawan ko.
Humigpit ang hawak ko sa kutsilyong hawak ko habang iginagala ang mata ko sa mga
baril na nakatutok sa amin.
Hindi ko alam kung matatawa ako sa sarili ko dahil nagawa ko pang magtanong. I am
loosing my control for the nth time but this time.... I won't stop myself anymore.
"Ako bakit?!" Napatingin ako aa isang lalaking nakangisi sa akin. "May magagawa k-"
Sa isang iglap ay kumawala ang dugo sa kanyang noo dahil sa kutsilyong pinakawalan
ko.
In just a snap ay mabilis akong nakalapit sa kanya at kinuha ang kanyang baril.
Gumulong ako para isa-isahing patamaan ang kanilang mga binti.
Napangisi ako nang sa isang iglap ay nagawa kong patumbahin ang kalahati sa kanila.
Tumayo ako para ayusin ang buhok ko bago binalingan ng tingin ang mga natitirang
lalaki na hindi makapaniwala sa ginawa ko.
Bago pa man ako tumumba ay naramdaman ko na agad ang pagpulupot ng braso niya sa
bewang ko.
Napangisi na lang ako nang maramdaman ang pagdilim ng paningin ko. I tried to open
my eyes pero nanlalabo na ito.
Shit!
Humigpit ang pagkakayakap sa akin ni Supremo nang marinig ang tinig na iyon.
Kilalang-kilala ko ang boses na 'yon kaya hindi ko maiwasang mag-alala.
Nung naging maayos na ang paningin ko ay halos manlumo ako nang makita si Madame
Violet na nakatutok ang baril kay Supremo. Nasa likod nya ang mga natitirang tauhan
nya na napakarami.
"Ibigay mo sa akin ang babaeng 'yan... Papatakasin kita. Hindi ka namin sasaktan."
Humigpit ang hawak ko kay Supremo. Nilalamon ako ng pangamba. Nasa panganib kami at
isang maling galaw ay ikakapahamak namin ito pero--- May isang paraan para matigil
na ang lahat.
Babaliin ko na naman ba ang pangako ko? Pero kung iyon lang ang tanging paraan...
Gagawin ko.
Napangiti ako sa sagot ni Supremo. Alam kong hindi nya ako ibibigay, magkamatayan
na pero poprotektahan nya ako.
Tumigil ang paghinga ko nang makita ang paghigpit ng hawak ni Madame Violet sa
baril. Isang kalabit lang--- Fuck!
"As long as I am breathing, you are safe. I am Ace Craige, your shield, your
bulletproof, your knight... my queen."
Napapikit ako habang inaalala lahat ng nagawa nya sa akin. Walang tigil ang pagtulo
ng luha sa mata ko hanggang sa nabuo ang isang pasyang nagpatigil sa luha ko.
"One..."
Thank you for everything... Thank your for the love... I will forever be thankful
you came into my life... Supremo, I love you.
"Two..."
Shit!
"S-Supremo..."
"I know what you are thinking..." Ngumisi ito sa akin at mas hinigpitan ang
pagkakahawak nya sa kamay ko. "Kung ayaw mo akong iwan, dito ka na lang, sige. Dito
ka lang sa tabi ko pero kung binabalak mong sumama sa kanya para mailigtas ako... I
am sorry, darling I won't let you." Wika nito.
Napangiti na lang ako at nagawa nyang wasakin ang binabalak ko. He know me so well.
Napatingin ako kay Supremo na ngayon ay nakangisi. Hindi ko maintindihan kung bakit
pero natatawa ako.
Napangiti ako.
Chapter 56
Chapter 56: Alas
I never thought I would become a part of this battle. Hindi ko lubos maisip na sa
isang iglap ay napakaraming impormasyon ang sumabog sa isipan ko.
Maging ako ay kinabahan nang mawala sa aking pandinig ang mga pagsabog at putukan.
Hindi maganda ang kutob ko pero kailangan naming maghintay.
"I have a bad feeling about this," Nagulat ako nang kwelyuhan na naman ako ni
Vanessa. "Sino ba talaga ang hinihintay natin?! Sabihin mo kung meron o wala!"
Gigil na wika nya.
Nakakatakot talaga ang babaeng 'to. Kawawa ako sa kanya pero anong magagawa ko?
Mahal ko e.
Ngumiti ako bago kumamot sa aking batok. Letche! Naubusan na ako ng rason na
sasabihin. Maging ako ay naiinip na rin pero ayoko namang bigla na lang kaming
lumusob dahil makakasira lang kami.
"Hei!"
Hinarang ko ang dalawa kong braso sa harap ni Vanessa dahil sa pagtangka nyang pag-
alis. Nakakainis naman oh! Hindi ko sya kayang pigilan dahil baka ako pa ang unang
mamatay!
"Aalis ka sa daan ko o---" Napalunok ako nang tutukan nya ako ng baril sa ulo.
"Papasabugin ko ang walang lamang utak mo." Dugtong pa nito.
"Kaya mo b-" Namutla ako nang marinig ang pagkasa ng baril at muling pagtutok nya
nito sa aking noo.
Damn! Hindi talaga sya nagbibiro. Ayoko pang mamatay kaya umalis na ako sa harap
nya.
Napakamot ako sa ulo pero ilang hakbang pa lang ang nagagawa nya palayo sa amin
nang tumigil ito.
----
Yes, Supremo Ace and Raze Silvenia has the same aura and pressence but I just know
Supremo so well. Hindi ko kailanman pinaghinalaan si Raze to be Ace dahil magkaiba
ang pakiramdam ko sa kanilang dalawa.
Even when Raze kissed me. Hindi ako naapektuhan nang ganon ngunit kung si Supremo
ang humalik ay siguradong manlalambot ang tuhod ko at sisikip ang dibdib ko, ganon
ang epekto nya sa akin.
"Isuko mo na sya..." Nakangising wika nito. "O pareho kayong mamamatay. That would
be romantic, right?" Nakakalokong wika pa nito.
"A new version of Romeo and Juliet? Oh, that would be nice."
Mabilis na kinain ako ng pangamba at takot nang tumama ang mata ko sa magkahawak na
kamay namin ni Supremo. Ako pala... ako pala ang babaeng kasama nya sa panaginip
ko. Kaya naman pala ganon ang epekto no'n sa akin dahil kaming dalawa ang nasa
panganib.
Sinenyasan ni Madame Violet ang mga tauhan nya na igapos kami. Hindi na kami
nakapalag dahil na rin sa panghihina na nararamdaman namin.
Nakagapos kami ni Supremo, magkatalikod kami at pareho naming sinasandalan ang mga
likod namin. Nararamdaman ko ang pagbigat ng paghinga nya-- Lumalalim ito at
halatang hinihingal.
"Z-Zein?"
Hindi ako nakasagot dahil parang wala na akong lakas. Patuloy pa rin ang pagdurugo
ng braso ko. Habang tumatagal ay nawawalan na ito ng pakiramdam na parang
namamanhid na.
Napatingin ako sa kalangitan kung saan makikita ang bilog na buwan. Habang
lumalalim ang gabi ay mas nagiging madugo ang lahat.
Bigla kong naisip ang mga kaibigan ko. Alam kong nasa mabuti silang kalagayan kaya
kahit papaano ay hindi na ako nag-aalala. Wala na rin akong naririnig na pagsabog
at mga putok ng baril.
"H-Hindi ka ba nagsisisi?"
Nabalik ako sa realidad sa tanong ni Supremo. "Kung hindi sana kayo pumasok sa
lugar na ito... Hindi sana kayo nasa ganitong kalagayan. Hindi nyo sana dinaranas
ang ganito. Hi-"
"Hindi sana kita nakilala..." Natigilan sya sa sinabi ko. Niyuko ko ang ulo ko at
napangiti na lang. "Wala... Wala akong pagsisisi." Sagot ko.
Kahit na hindi ko nakikita ang mukha nya ay alam kong nakangiti sya ngayon.
"Nagsisisi..."
Natigilan ako sa sagot nya kahit na inaasahan ko naman na maaring 'yon ang isagot
nya.
"Sinisisi ko ang tadhana kung bakit ngayon ka lang nya ibinigay sa akin." Hindi ako
nakapagsalita matapos marinig 'yon sa kanya. Oo, kahit papaano ay inasahan ko ang
sagot na ito sa kanya pero hindi ko pa rin maiwasang matuwa. "Kung napaaga lang
sana kayo... Sana dati pa kita nakilala." Dugtong nito.
Matapos no'n ay muli kaming binalot ng katahimikan. Iginala ko ang mata ko sa mga
tauhan ni Madame Violet na nakabantay sa amin.
Napakarami nila na parang hindi man lang nabawasan. Mukhang pinaghandaan talaga
nila ito.
"T-Tungkol nga pala sa sinabi ni Madame Violet... Totoo ba?" Lumunok ako. "I-Ikaw
si Raze?" Tanong ko.
Naramdaman ko ang paggalaw ng likod nya kaya alam kong mahina syang natatawa
ngayon.
Napangiti ako bago isa-isang inisip ang mga pagkakataon na nakasama ko si Raze at
Ace.
"Hindi... Hindi ikaw si Raze. You are Ace Craige. The Supreme Student Government
President of this awesome School of Hell."
Hindi ako maaring magkamali. Hindi si Supremo ang leader ng Devil God Warrior. Oo,
napakarami nilang similarities at kung hindi mo talaga sila lubusang kilala,
malamang na paghihinalaan mo talaga silang iisa lang BUT I know him so well.
Kilalalang-kilala ko si Ace.
Pareho silang demonyo pero minahal ko ang isa sa kanila kaya alam kong magkaibang
demonyo sila.
Hindi ko kayang patunayan ito pero alam kong tama ako. Bigla kong naisip ang halik
at yakap nilang dalawa.
Hindi kaya--- Shit! Dapat ay naunawaan ko agad ang ibig nyang sabihin. Maaring kaya
ako niyakap at hinalikan ni Raze ay para malinawagan ako sa nangyayari. Iba ang
halik ni Supremo sa kanya... sobrang layo ng pakiramdam kahit na parang si Supremo
rin 'yon.
"Darling..."
Sumikip ang dibdib ko nang marinig 'yon sa kanyang bibig. Wala sa sariling
napangiti ako.
Iba ang pakiramdam kapag sa mismong bibig ni Supremo lumabas ang mga katagang 'yon.
Confirmed.
Nakatayo na pala si Madame Violet sa harap namin, hindi man lang namin sya
napansin.
Hindi kami kumibo na mahina nyang ikinatawa. Ano ba ang pinaplano nya at bakit nya
pa kami iginapos dito?
Kaya naman pala hindi ko makita si Francisco dahil may pinagkakaabalahan siyang
iba.
"If I were you... Ngayon pa lang ay ilayo nyo na kami." Wika ni Supremo.
Hindi ko man sya nakikita ay alam kong nakangisi sya ngayon. Ramdam ko ang madilim
nyang aura na nagdudulot ng panlalambot sa akin.
Umalis muli si Madame Violet pero bago sya umalis ay mas pinaghigpit nya ang mga
nagbabantay sa amin na parang natakot sa sinabi ni Supremo.
"Hold on... Darling, I'll get you out of this place." Pagpapalakas nya sa akin.
"Huwag kang bibitaw... Itutuloy pa natin ang love story natin sa labas ng
impyernong ito." Wika pa nya.
Sumikip ang dibdib ko dahil hindi na ako sigurado kung kaya ko pa. Bumigay na ang
kalahati ng katawan ko. Pakiramdam ko ay kahit na anong segundo ay babalutin na ako
ng walang hanggang kadiliman.
"Ssshhh... You are better than this. Kilala kita, matapang ka. You don't easily
give up. 'Yon ang labis kong hinangaan sa'yo... ang katangian mong nagpahulog sa
loob ko." Wika nya. Alam kong pinapalakas nya lang ang loob ko kaya naiiyak ako.
Ganon ba talaga ang tingin sa akin ni Supremo?
"Zein, I can no longer fight for us alone... I want your cooperation. Can you do
it? Please, just for me."
Hindi ko alam kung kaya ko itong panindigan pero susubukan ko sa abot ng makakaya
ko.
Habang lumalalim ang gabi ay mas lumalaki ang pangamba sa loob ko. Damn!
"L-Liam..."
Napangiti ito ng mapait bago naglabas ng patalim. Lumuhod ito sa harap namin
kasabay ng pagbagsak ng luha nya.
"Sorry... Patawarin nyo ako." Sumilay sa labi nito ang isang ngiti bago
inumpisahang putulin ang lubid na nakatali sa amin. "K-Kahit man lang ngayon,
makagawa ako ng tama." Mapait na wika nito.
Naiiyak ako para sa kalagayan nya ngunit hindi ko na nagawang magsalita para
pakalmahin sya.
Kinain ako ng takot nang marinig ang isang tunog sa itaas. Damn! Narito na ang
helicopter!
"Liam!"
"Shit!"
Kahit na iika-ika si Supremo ay nagawa nya akong alalayan. Hindi namin magawang
makakilos ng mabuti pero nagawa naming makalayo roon.
Damn!
Nilamon na talaga sya ng kanyang ambisyon at maging ang kanyang anak ay nagawa
nyang paslangin.
"Ahh..."
"Ayos ka lang?" Alalang tanong ko kay Supremo nang marinig ang kanyang pagdaing.
Ngumiti lang sya sa akin. Napatingin ako sa kanyang binti kung saan walang tigil
ang pag-agos ng dugo. Hindi katulad sa akin na tumigil na kahit papaano.
"Ok lang ako." Wika nya nang mapansin na nakatingin ako sa kanyang binti.
Wala kaming tigil sa pagtakbo. Hindi namin alam kung saan kami dadalhin ng mga paa
namin pero kailangan naming makalayo. Hindi ko alam kung nasundan ba nila kami pero
sana hindi dahil wala na kaming lakas manlaban.
Napatingin ako kay Supremo nang marinig ang pagtawa nya. Kumunot ang noo ko. "Anong
nakakatawa?" Tanong ko.
Napatingin ako sa kamay naming magkahawak habang ang kaliwang braso nya ay
nakakapit sa aking bewang para alalayan ako.
Hindi ko alam pero natawa rin ako. "Baliw ka talaga..." Natatawa kong wika.
Natigilan kami nang muli kaming harangan kami ng mga armadong lalaki. Nakangiwi sa
amin si Madame Violet at Francisco.
"Pinapahirapan nyo talaga kami?" Inis na wika ni Madame Violet. Nakaramdam ako ng
sobrang galit sa kanya nang maalala ang ginawa nya kay Liam.
"Meow."
Napatalon ako sa gulat nang biglang sumulpot si Hoy sa harap ko. Natigilan din ang
mga nagtangkang lumapit sa amin at halata ang gulat sa mata nila Madame Violet at
Francisco habang nakatingin sa likod namin.
Binalingan ko ng tingin ang likod namin. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong
maging reaksyon sa nakikita ko.
Wala akong maintindihan pero naramdaman ko na lang ang pagbagsak ng luha sa mata ko
habang nakatingin sa kanila.
Nasa likod namin si Raze Silvenia na nakapulang maskara. Sa gilid nya ay si Nazzer
Lumia at nasa likod nila ang lahat ng etudyante ng HU, Devil God Warriors, Black
Blood Gangs, kasama ang mga kaibigan ko.
Pero ang labis na gumulat sa akin ay ang mga pulis... Nakapalibot sa amin ang
special task force. Paano?
Naramdaman kong muli ang paghawak ni Supremo sa aking kamay. Inakbayan nya ako na
may ngisi sa labi at inalalayang makalakad papunta sa gitna nila Raze at Nazzer.
Ang dalawang pinuno ng gangs.
Chapter 57
Chapter 57: Revelations
Sa mga kaibigan ko. Masasabi kong si Matt ang napaka overprotective kaya alam ko
kung bakit sya sa galit. Nakatali rin ang balikat nya na may bakas ng dugo. Ganon
rin si Nazzer na nakatingin kay Nicky na halatang pagod na rin.
Napatingin ako kay Sir Alvarez na mukhang nag-aalala habang nakatingin sa balikat
ko. Ngumiti ako sa kanya na sinuklian naman nya.
Si Ferry ang lalaking natapunan ng juice si Supremo. Ang lalaking itinapon namin sa
Dark Hell Jail.
"A-Anong ibig sabihin nito?" Hindi makanapiwalang tanong ni Madame Violet. "P-
Paano?" Halata pa rin ang gulat sa mata nito.
Napatingin ako kay Francisco na nakangiti habang nakatingin kay Raze. Hindi ko alam
pero may nakikita akong lungkot sa mga ngiti nya. Malungkot ba sya? Dahil ba
malapit ng matapos ang kasamaan nila o may iba pa itong kahulugan?
"Why don't you take off your mask?" Hamon ni Francisco kay Raze Silvenia.
Natawa si Madame Violet. "No need. Isa lang namang clone ang nasa likod ng
maskarang 'yan dahil ang totoong Raze ay si Supremo." Wika nito.
Narinig ko ang mga bulungan sa likod namin na nagulat sa sinabi ni Madame Violet.
"Paano mo naman 'yan nasabi?" Mainahong tanong ni Raze ngunit kung susuriin mong
mabuti ang boses nya ay may halo itong nakakaloko.
Para kaming nanonood ng isang palabas nila Raze, Ace, Francisco at Madame Violet.
Nanonood lang kami sa kanila at naghihintay ng susunod na mangyayari. Wala kaming
ideya sa mga susunod pangmangyayari at mabubunyag.
Nakabantay naman sa amin ang mga pulis gayon din ang mga armadong lalaki na
nakatutok sa amin ang mga baril.
"Madali lang malaman... When Ace is in, Raze is out... Raze in? Ace out. They don't
appear at the same time at alam namin na clone lang ang nagpakilalang Raze."
Humalakhak si Supremo sa sinabi ni Madame Violet. Alam rin pala nila na clone lang
ang nagpakilalang Raze, hindi lang ako ang nakaalam.
Narinig ko rin ang mahinang tawa ni Raze. Shit! Ang lamig ng boses nya.
"Nice conclusion...but" Puri ni Ace. "I am no Raze." Dugtong pa nito.
Napatingin naman kami sa lalaking tumabi sa tabi ni Raze. "I am the clone one."
Wika nito.
Ang fake Raze, ang totoong Raze, at ang napagkamalang Raze. UGH! Napakakomplikado
ng pagkakakilanlan ng lalaking naka pulang maskarang ito.
"Sinadya naming isipin nyong ako si Raze and I guess... Tagumpay kami." Sabi ni
Supremo na sinenyasan akong pumunta sa likod kung nasan ang mga kaibigan ko.
Ayoko ko sana'ng umalis sa tabi nya ngunit nginitian nya na ako kaya wala na akong
nagawa.
Sinalubong naman ako nina Matt at Dave na inalalayan ako. Napatingin ako kay Matt
na halata pa arin ang galit habang nakatingin sa balikat ko.
Hinawakan ko naman ang balikat nya para pakalmahin sya. Sinalubong kami nina
Vanessa, Mia at Jerome.
Napangiti ako nang biglang yumakap sa akin si Mia na umiiyak. "Z-Zein, I am sorry."
Paulit-ulit na wika nito.
Niyakap ko na lang din sya dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Nanghihina
pa rin ako at gusto kong mag-ipon ng lakas.
Naagaw muli nila Supremo ang aming atensyon. Nanginginig ang kamay ni Madame Violet
na may hawak na baril.
Bigla akong nag-alala para kina Supremo dahil kilala ko si Madame Violet. Hindi sya
magdadalawang isip na paputukin 'yon dahil sa anak nya nga nagawa nya... paano pa
kaya kina Supremo?
"You!" Duro ni Madame Violet kay Nazzer. "Bakit kasama mo ang Devil God Warrior!
Magkalaban kayo! Sumanib kayo sa amin, tulungan nyo akong gapiin ang mga pesteng
'yan!" Alok nito.
Ang buong atensyon namin ngayon ay napunta kay Nazzer na mahinang natawa. "There
was never a war between us... Palabas lang ang lahat... Palabas para sa mga
sandaling ito." Sagot nito.
Napalunok ako nang unti-unting nabubuo ang mga idea sa isipan ko. Una, pinlano
nilang palabasin na si Ace ay si Raze. Pangalawa, hindi naman talaga magkaaway ang
mga gang at palabas lang ang lahat. Pangatlo, kapag pinagsama-sama ang lahat...
Malamang na sina Supremo at Raze ang may pakana ng lahat ng ito. Ang alas ni
Supremo.
Ngunit ang pinakalamaking palaisipan pa rin sa akin ay kung sino ang tao sa likod
ng maskarang 'yon.
Who are you Raze Silvenia?
"Kalokohan..." Wika ni Madame Violet. "Pinatay nyo nga si Rouge Silvenia! Ang
kapatid ni Raze Silvenia." Wika pa nito.
Natawang muli si Nazzer. "We didn't killed him... Oh, yes! Kami nga ang pumatay sa
kanya pero sya ang nagsabi no'n... Sinakripisyo nya ang buhay nya para sa mga
sandaling ito at wala kaming balak na sayangin 'yon." Wika nito.
"Kayang-kaya... alam mo ba kung bakit? Dahil naging pabaya kayo, binuhos nyo ang
buong atensyon nyo sa paghahanap sa nawawalang formula. Hindi nyo naisip na may
mangyayaring ganito and for your more information... Hindi si Rouge Silvenia ang
kapatid ko." Wika ni Raze na napatingin kay Supremo.
Ngumiti si Supremo sa kanya. "It's time. Reveal yourself... Kuya." Wika ni Supremo.
Napatingin ako kay Matt na natawa. Kahit na hindi nya aminin ay alam kong alam na
nya ang lahat, maging sina Dave at Jerome. Ibinalin ko na lang sa harap ang aking
paningin.
Napatingin ako kay Hoy na tumalon papunta sa balikat ni Raze. Napamura ako nang
mapagtanto na baka si Raze ang may-ari kay Hoy... ang taong sumipol sa loob ng
gubat.
Hindi pa man naaalis ni Raze ang kanyang maskara ay napaatras na sa gulat si Madame
Violet habang nakatingin kay Hoy na nasa balikat ni Raze.
"Meow."
Ngumisi naman si Francisco na parang kilala na rin kung sino ang taong nasa likod
ng maskara.
"It's been a long time... Madame... Sir..." Yumuko pa ito ng bahagya bago tuluyang
inalis ang kanyang maskara na ikinalaglag ng panga ni Madame Violet.
Nagkaroon din ng ingay galing sa mga estudyante sa gilid namin habang nakatingin sa
lalaking nagpakita na rin ng mukha sa wakas.
"L-Luxury Valdez..."
Natigilan ako nang magsink-in kung sino ang lalaking ito. Siya ang former Supreme
Student Government President, anak ng dating headmaster. Pero paano? Akala ko patay
na sya?
Bigla kong naalala ang sinabi ni Celine na ang may ari kay Hoy ay si Lux. Kaya
pala...
"I am sorry Madame but Lux has died already. I am now Raze Silvenia and I want you
to meet my younger brother..." Inakbayan ni Raze si Supremo. "Supremo Ace Craige."
Dugtong pa nito.
Ngayon ko lang napagtanto ang pagkakatulad at pagkakaiba nila. Parang carbon copy
ni Supremo si Raze ngunit mas matangkad si Raze na may dimple at pula ang isang
mata. Hindi maipagkakaila ang karismang taglay ni Raze lalo na kapag nakangiti.
Magkapatid pala sila? Siguro nga, marami pa akong hindi alam tungkol sa pagkatao ni
Ace. Isa pa rin syang napakalaking misteryo.
"Ang gwapo... Sayang ngayon ko lang sya nakita kung sanang dati pa edi sana ang
saya n-"
"We hid him for purpose... Baka kung ipinakilala namin sya ay maging sya gawan nyo
ng masama...." May halong galit na wika ni Raze.
"You killed my dad... I want to ripped your neck to death--- Pero mas maganda kung
pagsisihan nyo ang lahat sa kulungan." Wika ni Supremo na may halong pait.
Hindi ko maiwasang makaramdam ng awa kay Supremo. Paano nya nagawang lagpasan ang
ganon kalaking dagok sa kanyang buhay? Oo, malakas sya pero hindi sapat ang
physical na lakas kung ang umaatake sayo ay ang emosyon. Tapos... nagawa ko pa
syang saktan.
Supremo...
"At sa tingin nyo mahuhuli nyo ako ng buhay?" Naging alerto na ang mga tauhan ni
Madame Violet ngunit nanatiling kalmado si Francisco na ikinakunot ng noo ni Madame
Violet. "May problema ba?" Tanong sa kanya ni Madame Violet.
Ngumisi ito.
---
Madilim pa ang paligid ngunit ilang oras na lang ay sisikat ng muli ang araw.
Matatapos na ang lahat ngunit walang kasiguraduhan kung sino ang mananaig ngunit
ang sigurado ay hindi pa tapos ang pagdanak ng dugo.
Napangisi si Raze habang inaalala lahat ng nangyari, lahat ng ginawa nina Madame
Violet at Francisco sa kanya.
Flashback...
"S-Supremo, H-hindi ko na kayang maglakad pa." Wika ng babaeng may tama ng bala na
nagngangalang Samantha.
"I'm sorry, baby." Wala sa sariling wika nito nang makita ang labis na paghihirap
ni Samantha.
Hindi niya inakalang tatraydurin sila ng mga taong tinuring na nyang tito at
tita... pamilya.
"Shit! Sam, please. I'll get you out of this place... Just...Just don't leave me,
baby."
Napangiti si Samantha nang makita ang pagbagsak ng luha sa mata ni Raze. Mahal na
mahal nila ang isa't-isa, sobra.
Napangiti na lang muli si Samantha dahil gustuhin man nyang sundin ang utos nito ay
hindi na nya kaya. Ramdam na nya ang pamamanhid ng kanyang katawan at pagbigat ng
talukap ng kanyang mga mata.
"Baby, I love you." Ang huling katagang binitawan ni Samantha bago pumikit ang
kanyang mga mata at hindi na muling namulat pa.
Napatingin si Lux sa lalaking nakatayo sa kanyang harapan. Ang lalaking may dahilan
ng pagkamatay ng kanyang ama at Samantha.
"Luxury Valdez..." Itinapat nito ang baril sa ulo ni Lux. "Paalam." Dugtong nito.
Nagawang itulak ni Lux si Francisco na natumba sa lupa ngunit tumama ang bala sa
kanyang kaliwang mata. Labis ang hapdi na naramdaman nito na ilang segundo lang ay
namanhid na.
Kinuha naman itong chance ni Lux para tumakbo palayo. Pinanuod lang ni Francisco na
makalayo ang binata kahit na kaya nya pa itong barilin.
Tumakbo nang tumakbo si Lux na sa pagbawat hakbang na ginagawa nya ay syang pagtulo
ng dugo mula sa kanyang mata.
"H-Hindi ako kalaban...Lux," Wika nito. "Andito ako para tulungan ka." Dugtong
nito.
Mabilis na lumapit ang lalaki kay Lux nang bumagsak ito sa sahig.
End of flashback...
"S-Sino ang tumulong sa'yo?" Tanong ni Francisco nang maalala ang nagawa nya sa
binata. Iniwan nya ito noong may tama ng baril sa mata kaya alam nitong may
tumulong sa kanya.
May lumabas naman na lalaki sa likod nila Francisco at naglakad papunta sa panig
nina Supremo, Raze at Nazzer.
"Ako nga, pinalitan ko ang isang mata nya para muli syang makakita at hindi
mabulag. I am sorry pero kaibigan ko rin si Mr. Valdez at hinding-hindi ko
mapapatawad ang ginawa nyo sa kanya."
"Hindi ako susuko..." Wika ni Madame Violet. "Makukuha kita, Zein Shion. Kapag
nakuha na kita, sisikat ako at titingilahin ng lahat. Sasambahin nila ako!"
Humalakhak ito na animo'y nawala na sa katinuan.
Nawala na rin sa kanyang isipan na may anak sya... Na nagawa nyang patayin maging
ang kanyang mismong anak.
Sinenyasan nya ang mga armadong lalaki na paputukan sila at nagsimula nang muli ang
madugong bakbakan.
Ang hindi nila alam ay may isang taong galak na galak sa nangyayari. Nakamasid lang
sya at naghihintay ng pagkakataon at maisasakatuparan na nya ang matagal nyang
gusto.
"Ako ang magwawagi sa gyerang ito... Konting-panahon na lang, ako naman ang
kikilos."
---
A/N: Sa mga nakahula ng tama sa totoong pagkatao ni Raze Silvenia. Woa! Ang galing
nyo haha. Malapit na talaga at gaya ng sinabi ko. Wala po itong book 2 or sequel at
kung magkakaroon man(not sure)... It will be a surprise, darling. Haha.
Sali po kayo sa FB Group para makilala nyo ang iba pang HUR(Hell University
Readers)!
Chapter 58
Chapter 58: The feeling
Dad... Samantha. Malapit na namin kayong maipaghiganti. Hindi ako titigil hanggat
hindi ko napagbabayad ang mga may sala. Kailangan nilang magbayad sa pinakamarahas
na paraan, hindi namin sila hahayaang mamatay dahil gusto kong sa kulungan nila
pagsisihan lahat ng ginawa nila sa inyo.
"NO! Hindi ako aalis ng hindi ka kasama! May tama ka rin at maraming dugo na ang
nawala sa'yo. You can no longer fight so I want you beside me! Damn!"
Natawa ako. "Baka kayo rin mismo ang magpatayan dyan ah!" Biro ko na mukhang hindi
nila nagustuhan dahil tinaasan ako ng kilay ni Zein habang sinamaan naman ako ng
tingin ng kapatid ko.
Tumikhim ako bago muling binaril ang mga nagtangkang paputukan din kami.
Bigla kong naalala ang ginawa ko kay Zein. I kissed her... kahit na sa gilid lang
ng labi ay alam kong patay ako kapag nalaman 'yon ng kapatid ko. Haha.
Akala ko mahuhuli ko si Zein but I was wrong. Akala ko dahil sa ginawa kong
pagyakap sa kanya at pahalik ay iisipin nyang ako si Ace. I even used their
endearment but the heck! Hindi ko sya napaniwala! She must know him so well.
Sinulyapan kong muli ang dalawa. Pinunasan ni Ace ang luha sa mata ni Zein.
Napangiti ako.
Masaya ako para sa kapatid ko. Hindi naging madali ang buhay namin sa loob ng
impyernong ito. Labis ang pagdurusa ni Ace nang malamang pinaslang ng mga tinuring
naming pamilya ang aming ama at wala man lang kaming magawa. Natakot ako para kay
Ace dahil lagi na lang syang tahimik. Hindi na sya ganon kung magtiwala sa iba pero
dahil sa babaeng ito ay nagbalik sya sa dati. Nagawa ulit ngumiti ng kapatid ko.
Nang maramdaman ko no'n iba na ang pagtingin ni Ace kay Zein ay ginawa ko ang lahat
para protektahan ito. Ayokong mawala si Zein dahil hindi ko makakaya pang makitang
nasasaktan ang kapatid ko.
I am willing to risk even my own life just to protect Miss Zein Shion. I want her
beside my brother.
"Kailangan mong magpagaling. Marami ring dugo ang nawala sa'yo." Mainahon ngunit
may awtoridad na wika ni Ace.
Napailing na lang ako. Hanggang kailan ba sila magtatalo? Napangisi ako nang may
maisip.
Smirk.
"Tama si Ace." Napatingin sila sa akin. "Kailangan mong malunasan agad, Zein. Let
me do the favor." Hinawakan ko ang kamay ni Zein. "Ihahatid na ki-"
"Kuya!"
Pinanuod kong akayin ni Ace si Zein para dalhin sa medical team. Napangiti na lang
ako... Sana ganyan din tayo ngayon pero... Hanggang sana na lang ako.
---
Zein's Point of View
Alam kong hindi na rin nya kayang lumaban pa kaya hindi ko hahayaang mawala sya sa
paningin ko. Natatakot akong hindi na sya muling makita.
"You shouldn't get too close to that jerk." Wika ni Supremo na hindi man lang
mapatingin sa akin. "This is a warning, Zein Shion." Dugtong pa nito.
Kumunot ang noo ko bago mapagtanto kung sino ang tinutukoy nya. "How can you call
your brother a jerk?" Natatawang wika ko. "Wait--- Are you jealous?" Biro ko.
"And so what? I have the right after all, darling. Yes, I am possesive. You are
exclusively for me ONLY."
Namilog na lang ang mata ko at hindi ko na nabuka ang aking bibig sa sobrang gulat
sa mga sinabi nya. Oo, alam kong ganito talaga si Supremo pero hindi ko
inakalang--- Ok. Hindi ko pa talaga sya lubusang kilala.
"Tell me..." Tumigil kami sa paglalakad at iniharap nya sa kanya ang mukha ko.
"Kinilig ka ba sa sinabi ko?" Tanong pa nito na ikinatawa ko.
Hinawakan ko ang kamay nya. "Oo. Kinilig ako." Nakaramdam ako ng hiya sa mga sinabi
ko.
Seriously? Kailangan pa ba talaga nyang malaman kung kinikilig ako o hindi? Damn
it!
"Good." Wika nya bago ako muling inalalayan at nagsimula na kaming maglakad.
Dinig na dinig pa rin namin ang mga putukan sa paligid. Hindi naman na ako nag-
aalala para sa mga kaibigan ko dahil alam kong hindi sila pababayaan ng mga kasama
namin.
Sinalubong kami ni Nicky na may hawak na baril. Hingal na hingal na rin ito at
halata na ang pagod sa mga namumungay nyang mata. Sabagay, buong gabi ba naman may
labanan.
"Medical team."
Nagulat ako nang alalayan din ako ni Nicky. Sa una ay nag-alanganin ako pero
hinayaan ko na lang din sya. Nasa kaliwa ko si Nicky habang nasa kanan si Supremo.
Hindi ko alam kung ako ba ang kinakausap nya pero pakiramdam ko ay si Supremo dahil
hindi ko naman alam kung ano ang sinasabi nya.
Natawa si Nicky nang makita ang kunot na noo ko. "You are still too innocent." Wika
nito. "I am sorry." Pumait ang ngiti nito bagkabigkas ng mga salitang 'yon.
"I won't accept your apology unless you tell me why." Hamon ko.
Gusto kong malaman kung bakit dahil dati pa ako nalilito sa kinikilos nya.
Naguguluhan ako kung bakit naging hadlang silang lahat sa amin ni Supremo.
Huminga ito ng malalim bago itinuon sa madilim na daan ang tingin. "We want to save
Supremo's position on SSG." Wika nito.
"Bakit?" Alam kong may malalim pang dahilan kung bakit nila 'yon ginawa. It is not
just about the position... A deep reason is still being keep.
Paanong narito si Ferry? Paano sya nakaligtas sa loob ng Dark Hell Jail?
"Maaring malaman nila Headmistress ang nasa likod ng Dark Hell Jail kapag nabitawan
ni Ace ang pagiging President. Alam mo naman na sigurong sya ang nagpatayo nang
ganong klaseng parusa hindi ba?"
"Dark Hell Jail is actually a tunnel from here to outside of University." Wika nya.
"It is also our way to communicate to the police officials outside. Lahat ng mga
estudyanteng napaparusahan dito ay hindi talaga namamatay. Nakakalabas sila ng
unibersidad." Dugtong pa nito.
Kaya pala... Kaya pala iba ang pakiramdam ko nong una ko itong nakita. May mga mata
sa loob no'n na malamang ay isa sa mga kasamahan namin ngayon.
Ngayon ay mas nahiya ako na muntik ko ng masira lahat ng pinaghirapan nila. Gusto
kong humingi ng patawad ngunit inunahan na agad ako ng hiya.
"This is our plan. Ace Craige and Raze Silvenia are the mastermind behind this."
Natigilan kami nang paligiran kami ng mga armadong lalaki. Naging alerto naman sila
Supremo at Nicky pero alam kong nanghihina na rin sila at hindi na nila kakayanin
pa ang ganito karaming kalaban.
"It must be the crazy admin who did that." Sa wakas ay nagsalita na rin si Supremo.
"I hope so... Sana sila na lang talaga." Sagot naman ni Nicky.
"The person who kept the secret formula for the long time.... Celine."
Napanganga ako matapos marinig 'yon. Siya? Siya ang hinahanap nilang estudyante na
nakakaalam ng formula? Pinatay nila Madame Violet si Celine para makuha ang
formula?
Fuck them!
"Pinalabas pa talaga nilang Black Blood Gang ang gumawa no'n ah? Pathetic."
"Wala bang salamat man lang dyan?" Nakangising wika ni Roxane habang nasa gilid nya
si Sir Alvarez.
"Narito kami para samahan kayo sa medical team." Nakangiting wika ni Sir Alvarez.
Napangiwi si Nicky nang itulak sya ni Roxane at sya ang pumalit sa pag-alalay sa
akin.
Nag-umpisa kaming maglakad. Nasa likod namin si Nicky at nasa harap naman namin si
Sir Alvarez na syang nangunguna.
"Nakakainis!" Nakangusong wika ni Roxane. "Hindi pala sya si Raze! UGH! I hate you
guys!" Parang batang nagdadabog ito kaya napangiwi ako dahil nasasaktan ako sa
pagkakahawak nya.
Inirapan lang sya ni Roxane at ibinalin na lang sa akin ang tingin. Ngumisi ito.
Hindi ako nakapagsalita dahil sa mga sinabi nya. Hindi naman sa ayoko pero kasi
ayoko namang kaibiganin nya ako dahil lang sa nakikita nya sa akin ang dati nyang
kaibigan.
"Dapat pasalamatan mo ako..." Ngumiti ito sa akin. "I saved your life." Dugtong pa
nito.
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko sya maintindihan. Napatingin ako kay Supremo na
nakangiti bago ibinalik kay Roxane ang tingin ko.
Napanganga ako nang mapagtanto ang ibig nyang sabihin. Siya ang pumatay sa taong
nakabunot sa pangalan ko nong bloody week.
Hindi ako makapaniwala na ikinatawa nya. "Now, we are friends." Hinalikan nya ako
sa pisngi.
"What the--- Who says you have the right to kiss her?"
Umihip ang malamig na hangin kaya napatingin ako sa langit. Natakpan na ng makapal
na ulap ang bitwin at buwan. Nagbabanta ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Napatingin kaming lahat kay Sir Alvarez na nakangiti. "Maraming armadong lalaki ang
nakabantay kung dadaan tayo sa totoong daan. Mas safe kung dito tayo dadaan."
Pagpapaliwanag naman nito.
Nalaglag ni Sir Alvarez ang isang litrato na mabilis naman nyang pinulot at
ibinalik sa kanyang bulsa. Ngumiti ito sa amin bago nagpatuloy sa paglalakad.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Supremo sa aking kamay kaya napatingin ako
sa kanya.
Hindi ko alam pero kinabahan ako. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito. Pakiramdam
ko ay may mangyayaring hindi maganda.
Chapter 59
A/N: Last chapter of Hell University! After this will be the epilogue!
We won. Nagapi namin lahat ng tauhan ni Madame Violet. Mas marami kami at may mga
pulis pa. Lahat kami ngayon ay nakatingin na lang sa isang babaeng may hawak na
baril.
Alam kong nagpipigilan lang sya ng galit dahil ang babaeng ito ang puno't dulo ng
lahat. Kinuha nila lahat ng mga mahalagang tao hindi lang kina Supremo at Raze
kundi maging sa mga taong pinaslang din nila.
Maging ako ay galit sa kanya pero sa kalagayan nya ngayon, napalitan na 'yon ng
awa. Nakakaawa sya.
Napabuntong-hininga na lang ako habang inaalala ang bangkay ng anak nya. Wala na
sya sa katinuan at hindi nya napansin na napaslang na nya ang nag-iisang kakampi
nya sa laban na ito. Kinain sya ng kanyang ambisyon.
"What?!" Itinaasa nito ang kanyang braso na may baril at itinutok kay Nazzer. "You
killed my son?!" Tanong nito.
Pumatak ang isang luha sa kanyang mata na hindi kalauna'y nagsunod-sunod na. I feel
sorry for her... She killed her son unconciously.
"Damn! No! You killed your own son! Anong klaseng magulang ka?!" Sigaw sa kanya ni
Jerome na pinapakalma ni Vanessa.
Si Davies naman ay nakasandal na lang sa puno dahil sa puno. Kasama nya si Mia na
hinihingal din. Hindi ko maiwasang mapangiti.
"Mahal..."
"Marami ng nadamay sa ambisyon na ito. Handa akong pagbayaran ang lahat ng iyon
kahit na malabong mabayaran ko. Mahal... Sa laban na ito, talo tayo. Wala tayong
laban kahit na anong gawin natin... Kahit dayain natin sila... Talo tayo."
Natigilan si Madame Violet na napatingin sa taas kung saan pumatak ang ulan. Maya-
maya ay bumuhos na ang malakas na ulan. Sumabay pa ang pag-ihip ng hangin kaya
nangatog ang tuhod ko sa lamig.
"Hindi..." Sagot ni Raze. "Dahil kailanman ay hindi sya nagtanim ng sama ng loob
sa'yo. Wala ka dapat ipagpatawad dahil mahal ka ng anak mo." Sagot ni Raze.
"Hindi pa tapos ang lahat..." Nakangising wika nito sa lahat. "Hindi ako ang tunay
na kalaban." Dugtong pa nito.
Kumunot ang noo ko. Hindi ko alam kung nananakot lang sya o nagsasabi talaga sya ng
totoo pero bakit ganon? Kinakabahan ako ng husto. Shit! Tama na.. Sana wala ng
kasunod.
"Ginto... May napulot akong gintong maskara..." Humalakhak ito. "Posibleng may iba
pang gang maliban sa inyo." Wika nito.
Nagsigawan ang lahat ng palibutan kami ng napakaraming naka kulay gold na maskara.
Shit! What's this?!
"Hanggang dyan na lang kayo..." Wika sa amin ng isa sa kanila ng aktong pupuntahan
na namin sina Zein. "Hayaan nyong makuha ni Boss ang gusto nya." Wika pa nito.
"Aalis kayo sa daan o papasabugin ko ang bungo nyo..." Malamig na banta ni Raze.
Gaya ko ay ramdam ko ang kaba at galit sa kanya. "Kailangan ako ng kapatid ko at
ang sino mang magtangkang pumigil sa akin ay mamamatay." Ngumisi ito.
Naglakad ako papunta sa gilid ni Raze. "Kailangan ako ng kaibigan ko." Malamig ko
ring wika.
Humigpit ang hawak ko sa baril dahil habang tumatagal ay mas nanganganib ang buhay
nila. Hindi na kaya pang manlaban ni Supremo at kahit na naroon sina Sir Alvarez ,
Nicky at Roxane ay alam kong hindi nila kakayanin.
"Hindi kayo maaring dum-" Isang putok mula sa baril ni Raze ang nagpatigil sa
kanyang magsalita.
---
"Hindi namin alam na may tryador pala." Wika ni Roxane kay Sir Alvarez na
nanatiling nakatalikod sa amin.
Naluluha ako hindi sa katunayang traydor sya kundi dahil hindi ko inakalang ang
pinagkatiwalaan kong tao ay mali. Nagkamali ako ng pinagkatiwalaan.
"You are our real enemy... Hindi talaga lahat ng kaibigan mo ay kaibigan din ang
turing sa sa'yo." Nakakalokong wika ni Nicky na nasa harap na namin.
Nanghina ako nang palibutan kami ng mga nakakulay gintong maskara kasabay ng
pagbuhos ng malakas na ulan.
Mas nanghina ako nang mapagtanto na maaring sila rin ang nakamasid sa amin ni
Celine nong nasa gubat kami.
"Pero ipinatigil ko rin sa'yo dahil nalaman na namin..." Wika pa nito. "Salamat sa
kaibigan mo, kaso nga lang kinailangan namin syang patahimikin dahil nalaman nya
ang tungkol sa amin at mabulilyaso ang plano namin." Dugtong pa nito.
Napaiyak ako. "K-Kayo ang pumatay kay Celine?" Hindi makapaniwalang tanong ko.
"Kinailangan dahil nakita nya ang kulay gintong maskara na naiwan ng isa sa amin...
Kasalanan nya dahil pumasok pa syang muli sa gubat." Dugtong pa nito.
Mas lalo akong napaiyak nang mapagtanto na ang hawak no'n ni Celine ay isang
maskara na kulay ginto. Kaya pala sinabi nyang may napakalaking mali dahil hindi
nila alam na may gang pa pala maliban sa kanila.
"Damn you!" Sigaw ni Nicky at bago pa man nya napaputukan si Sir Alvarez ay
naunahan na sya ng isa sa kanila.
Tinamaan si Nicky sa braso kaya nabitawan nya ang baril at hinwakan sya ng mga naka
maskara. Walang nagawa si Nicky kahit na nagpumiglas ito.
"Alam kong hindi nyo sya ibibigay sa akin... kaya ikaw na lang ang lumapit sa
akin." Wika sa akin ni Sir Alvarez. "Ipinapangako kong wala ng masasaktan pa."
Dugtong pa nito.
Napangisi ako. "Marami ng nasaktan. Sorry, hindi na muli ako gagawa pa ng isang
pagkakamali. Sapat na ang pagkakamaling pinagkatiwalaan kita." Sambit ko.
"You can't have her... Kailangan nyo muna akong mapatay." Wika ni Roxane.
Pinaputukan nya ang mga naka kalaban ngunit tinamaan sya ng dalawang bala sa
magkabilang binti kaya hindi na nya nagawang tumayo pa.
Lumukot ang mukha ni Sir Alvarez at kinuha ang litrato sa kanyang bulsa. Ipinakita
nya sa amin 'yon.
Siya ang nasa litrato kasama ang isang batang babaeng bata lang sa akin ng konti.
"Siya ang anak ko. Kailangan ko si Zein Shion para muli na kaming magsama ng anak
ko."
Kaya pala... Kaya pala gusto nya akong makuha... Kaya pala parang nangungulila sya
sa anak nya.
"Kahit mabuhay ang anak mo, sa tingin mo kaya ka nyang mapatawad sa ginagawa mo?
Hindi... Kakasuklaman ka ny-"
Nanlaki ang mata ko nang paputukan nya si Supremo. Napahawak si Supremo sa kanyang
brasong dumudugo.
Shit!
Tumango ito.
"Kantahan mo ako sa labas ng impyernong ito... Gusto kong marinig kang muling
kumanta... sa labas ng Hell University."
----
"You can no longer fight, Supremo Ace Craige, better give her to me."
"Giving her to you is also killing myself in the most painful way." Kahit
nanghihina ay pinipilit na palakasin ni Supremo ang kanyang loob kahit na sumusuko
na ang katawan nya.
"Really?" Nakangising tanong ni Sir Alvarez sa kanya. "Then I'd rather kill Zein.
We can still use her blood even she's dead." Wika nito na nagpalamig sa katawan ni
Supremo.
Hinarangan nya ito at itinago sa kanyang likod. Walang nagawa si Zein kundi ang
sumunod sa gusto ni Ace.
"Shoot her even just once, I'll make sure your entire generation will end here."
Wika ng isang babaeng nakasandal sa puno.
Nakablack itong blazer at nakalugay ang mahabang buhay na natatakpan ang kanyang
mukha. Sa isang kamay nito ay may hawak na baril... isang baril na pamilyar kay
Zein Shion at Sir Alvarez.
"A-Ate Allison..."
Iniangat nito ang kanyang ulo at nginitian ang nakakabatang kapatid. Humigpit ang
hawak nito sa kanyang baril ng makita ang kalagayan ni Zein.
"A-Allison Shion?"
Halos manlabot ito ng makita ang ngisi sa labi ni Allison. Kilalang-kilala ni Sir
Alvarez ang babaeng ito--- Ang babaeng pumatay sa kanyang anak.
"Bitch."
Mabilis na pinaputukan ni Allison ang baril ni Sir Alvarez nang tutukan sya nito ng
baril. Tumalsik ang baril niya sa malayo na halos ikanginig nya.
Nakatingin lang silang lahat kay Allison na nanatiling nakasandal sa puno. Palihim
na pinupuri ni Nicky si Allison sa galing nito sa pagcontrol sa bala ng baril na
animo'y kontrolado nya kung kanino ito dapat ibaon.
Hindi kumibo si Allison at nanatili ang kanyang mata kay Sir Alvarez.
"Maibabalik ba ng sorry mo ang buhay ng anak ko?!" May halong pait na sigaw nito.
"You killed my daughter." Halos maiyak ito habang bibanggit ang mga katagang 'yon.
"Hindi ako ang pumatay sa kanya. Ang galit at inggit ang pumatay kay Shanne."
"It was because of you! Laging ikaw! Ikaw na lang ang magaling!"
Napailing na lang si Allison dahil alam nyang kahit na anong pagpapaliwanag nito
kay Sir Alvarez ay hindi ito matatapos.
Si Allison ang laging nakakagawa ng maayos sa mga mission. Ang galing nito sa
paghawak ng baril ang nagdala sa kanya sa tuktok at laging napapag-iwanan si
Shanne.
Hanggang isang araw ay habang nasa mission sila ay trinaydor ni Shanne si Allison.
Aktong babarilin na ni Shanne si Allison pero naunahan sya ng isang kalaban na
hindi nya napansin at sya ang nabaril at 'yon ang ikinamatay nya.
Umayos ng tayo si Allison na ikinaatras ng mga naka kulay gold na maskara. Halata
ang takot sa mga armadong lalaking ito habang nakatingin sa nag-iisang babae dahil
kilala nila ito. Kayang-kaya niyang ubusin lahat ng kalaban sa loob ng maikling
minuto.
"One wrong move, Mister Alvarez. I don't care if you are one of the seniors. I'll
give you the nightmare you won't ever forget."
Sinenyasan naman ni Sir Alvarez ang mga tauhan nya na sugurin si Allison.
---
Hindi ako makapaniwala na narito si Ate Allison. Masaya akong makita sya at
gustuhin ko man syang yakapin ay may mas mahalaga akong dapat gawin.
"Supremo, kailangan mong malunasan." Halos manlumo ako nang makita kong halos
maligo na sya sa sariling dugo.
Napatingin naman sya sa akin. "Kailangan nating tulungan ang ate m-"
Parang laro lang sa kanya ito alam ko. Kilala ko sya, mas marami, mas masaya sya.
Kahit na nag-aalanganin at tumango naman ito. Hindi pa man kami nakakalayo nang
harangin kami ni Sir Alvarez na nakatutok sa amin ang baril.
Humalakhak ito at itinutok kay Supremo ang baril na hawak nito. Nanginig ang kamay
ko na nakahawak kay Supremo.
Nanlaki ang mata ko nang biglang itinutok sa akin ni Sir Alvarez ang kanyang baril
kasabay ng pagyakap sa akin ni Supremo at pagputok ng baril.
Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko at natulala na lang ako kay Supremo. Tumulo
ang dugo sa bibig nya.
"You are the sun, you are my light, And you're the last thing on my mind, Before I
go to sleep at night"
Naramdaman ko ang pagtulo ng luha mula sa mata ko nang marinig syang kumakanta.
Tangina! Gusto ko syang pigilan dahil hindi ito ang ipinangako nya! Shit! Nangako
sya na kakantahan nya ako sa labas ng impyernong ito! Hindi dito!
"You're always 'round when, I'm in need, When trouble's on my mind, You put my soul
at ease"
Narinig kong muli ang pagputok ng baril at pagpikit ni Supremo pero mabilis niya
ring iminulat ang kanyang mata.
Ngumiti sya sa akin kasabay ng pagpatak ng luha mula sa kanyang mga mata.
Naramdaman ko rin ang pagluwag ng pagkakayakap nya sa akin at unti-unting pagkawala
ng hininga nya.
"I'll be loving you forever, Deep inside my heart you'll leave me never, Even if
you took my heart and tore it apart, I would love you still forever."
Niyakap ko sya nang bumitaw na sya sa pagkakayakap. Nanginig ako habang nakatingin
sa kanyang lumuluha habang nakangiti.
Napapikit ako nang halikan nya ako sa noo.
Hindi ko kinaya nang bumagsak na sya sa sahig. Wala akong maramdaman. Lupasay na
rin sa sahig si Sir Alvarez na binaril ni Raze.
Naglakad ako... Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Namatay na ako... sana nga.
Sana namatay na rin ako.
Umiling ito sa akin. "Hindi na kakayanin ng katawan mo. Baka maging ikaw ay mapah-"
Parang wala na akong ibang alam sabihin kundi ang mga katagang 'yon.
"I DON'T FUCKING CARE! KAHIT MAUBOS ANG DUGO KO BASTA MABUHAY LANG SYA O KAHIT NA
SABAY KAMING MAMATAY!"
Wala na akong maintindihan basta ang alam ko ay nakahiga akong muli sa incubator.
Napapikit ako nang maramdaman ang hapdi.
Sinulyapan ko si Supremo.
Muling pumatak ang luha mula sa mata ko hanggang sa naramdaman ko ang pagbigat ng
talukap ng mata ko.
Ngumiti ako...
Epilogue
Epilogue...
Kung buhay lang siguro si Mr. Valdez ay matutuwa 'yon dahil sa kanyang bunso at
alam kong hindi nya hahayaang may mangyaring ganito.
Nakatingin ako sa dalawang incubator kung saan nakahimlay silang dalawa. Hindi
kakayanin ni Zein pero isinugal nya ang buhay nya.
Napatingin ako sa mga kaibigan nyang tulala. Mga totoong kaibigan na naging
sandalan nya sa lugar na ito. Nakakabilib na hanggang sa huli ay magkakasama pa rin
sila. All I can say is it is indeed a true friendship.
"Shut up." Natigilan si Raze nang marinig ang madiing wika ni Matthew.
"Hindi nya magugustuhan ang nais mong mangyari. Kilala ko si Zein..." Tumagos ang
titig nito kay Zein. "Kaya nyang ibigay maging ang kanyang buhay para sa isang
taong importante sa kanya..." Napangiti ito ng mapait. "Hindi lang importante sa
kanya si Supremo... Masasabi kong siya ang buhay nito." Dugtong pa nito.
Nilapitan ko si Ace. Taimtim ko itong tinitigan nang may mapansin akong nagpakunot
ng noo ko. Muli ko itong pinagmasdan. Napangiti ako bago mabilis na pinindot ang
stop button.
"Anong nangyari?!"
Bumukas ang mga incubator at mabilis kong hinawakan ang pulsuan ni Ace. Napangiti
ako.
"Humihinga pa si Ace..." Wika ko. "Hindi magiging matagumpay ang operasyon na ito
dahil hindi sya namatay. Buhay sya." Masaya kong wika.
Walang kwenta ang formula at dugo ni Zein dahil buhay si Supremo Ace.
Nakakamangha! Akala ko patay na sya kanina dahil hindi ko maramdaman ang pulso nya
ngunit ngayon ay naramdaman ko na ito. Lumalaban sya... Lumabanan sya sa kamatayan.
Ace Craige...
"Kunin mo ang dugo ko... Kalahati lang ah? Gusto ko pang mabuhay at mahanap ang
forever ko."
Binalot kami ng tawanan... Malaki ang posibilidad na makaligtas ang dalawa dahil
pareho silang lumalaban. Isa lang ang ibig sabihin nito.
Hindi pa natatapos dito ang pag-iibigan nila...
----
Tumunog ang cellphone ko na nasa tabi ng lamesa ko. Isang hindi familiar na numero
ang nakaflash sa screen.
"Yes?"
Napasandal ako sa swivel chair. Napahawak ako sa table ko nang marinig ang boses
nyang tunog daga.
Napapoker face na lang ako. He is really a jerk. "What do you want Mr. Red Eye?" I
asked.
I am thinking of changing my simcard instead. Pero alam kong gagawa pa rin sya ng
paraan. UGH! He is so annoying as fuck!
Kumunot ang noo ko nang mapagtanto kung ano ang ibig nyang sabihin. Napatingin ako
sa wall clock.
Psh.
"Pupunta ako kung naro'n ka pero kung wala baka dyan sa office nyo na lang ang
bagsak ko."
"Fuck you."
Mabilis na kinuha ko ang susi sa aking bulsa at inayos ang mga gamit kong nakakalat
sa lamesa.
Mabilis na naglakad ako palabas ng building ignoring my boss. Dinig kong tinatawag
nya ako pero hindi ako nag-abalang lingunin ito. Well, kailan pa ba ako nakinig sa
kanya?
Napangiwi ako sa tanong nya. This jerk is really something I can't explain. I hate
annoying people but I don't know what's with this jerk that I can still talk to him
over a minute.
Ngumisi ako na parang makikita nya ako. "Not really... Just a perfect crime, baby."
I ended the call.
----
Pinagmasdan ko ang itsura ko sa salamin. Ngumiti ako nang mapagtanto ko kung gaano
ako kagwapo.
"Matt!"
Mabilis na bumaba ako nang marinig ang boses ni Daddy sa baba. Halos takbuhin ko na
ang hagdan pero napahinto ako nang madatnan kong may kasamang babae si Daddy.
Nakatalikod sila sa akin kaya hindi ko makita ang itsura ng babae.
"Dad... Kailan pa?" Naiiyak kong wika. "Akala ko si Mommy lang? Pero bakit? Bakit
mo-" Nalaglag ang panga ko nang humarap sila sa akin.
"A-Angel?"
"Anong pinagsasabi mong bata ka?" Nakakunot noong tanong ni Daddy sa akin. "May
naghahanap sa'yo." Wika pa nito.
"Tawagin mo na lang ako 'pag tapos na kayo... Dalian nyong mag-usap ah? Baka malate
tayo."
Iniwan kaming dalawa ni Daddy kaya inaya ko na munang maupo si Angel na nakangiti.
"Drink?"
Tumango na lang ako at ang awkward hindi ko alam kung bakit. Ano ba kasing
kailangan nya?
"S-Salamat..."
Gusto kong magtanong kung anong ginagawa nya rito at kung anong kailangan nya pero
sa tingin ko ay hindi magandang itanong ang mga 'yon.
"G-Gusto ko lang sabihin na... Matt... May crush kasi ako sa'yo."
Napalunok ako.
"Ah? Talaga? Hehe..." Napakamot ako sa batok ko at hindi alam kung ano ba ang dapat
isagot doon. "Salamat.." Tangina! Anonh sabi ko? Salamat? Wew.
---
Huminga ako ng malalim bago pinindot ang door bell. Inayos ko ang damit ko at ang
bulaklak na dala ko.
Iginaya nya ako sa salas nila. Inalok nya ako ng inumin pero umiling ako. Umupo
muna ako sa sofa habang hinihintay ang pagbaba nya.
"Gwapo naman ako... Sabi nya." Parang baliw na wika ko sa sarili ko.
"Dave?"
Napatayo ako sa gulat na nasa harap ko na pala si Mia. Namilog ang mata ko sa
istura nito. Namula ako sa hiya nang bumagsak ang mata nya sa hawak kong bulaklak.
Nataranta ako. Shit! Kahit na anong gawin kong paghahanda ay natatameme ako kapag
nasa harap na nya ako.
"Dave?!"
"Ah? Ito?" Kumamot ako sa ulo ko. "Sayo na lang, gusto mo?" Alok ko.
Wala na! Nasira na ang pinaghirapan ko. Ibibigay ko sana sa kanya ang bulaklak na
ito at hihingi ako ng permiso para manligaw. Di bale... sa susunod na lang siguro.
Natawa ako sa sinabi nya. Tinawag nya akong detective dahil ako ang kauna-unahan sa
aming nakatuklas na myembro ng BBG si Matt at si Jerome naman ay sa DGW.
Tuwing gabi ay lumalabas din ako para subaybayan sila. Binabantayan ko ang bawat
kilos nila ng tahimik dahil alam kong alam nila kung ano pinasok nila. Nag-ala
detective ako.
Tumango naman ako. Ipinatong nya sa lamesa ang bulaklak na ibinigay ko.
Sayang...
"Ewan... Baka."
Tumango na lang ako at sabay kaming pumunta sa lugar kung saan nag-umpisa ang
lahat.
---
Maraming nangyari sa loob ng ilang buwan pero walang-wala ito sa mga nangyari sa
loob ng isang taon sa loob ng Hell University.
Tumango na lang ako kay Mommy dahil wala akong gana. Hindi ko alam pero hindi ako
excited na grumaduate.
Tumango na lang ako at ibinalin sa labas ang tingin. Napatingin ako sa malayo kung
saan tanaw na tanaw ko na ang pangalan ng Hell University na parang nakasulat gamit
ang dugo.
Napangiti ako nang maalala ang lahat. Lahat na nag-umpisa dahil sa katangahan
namin. Nanginig ang labi ko kaya minabuting ibalin ko na lang kina Mommy at Daddy
ang tingin ko.
Huminto kami at naunang lumabas sina Mommy at Daddy ng kotse. Huminga muna ako ng
malalim bago lumabas.
Napapikit ako nang manumbalik lahat ng alaalal sa lugar na ito. Hindi ko inakalang
makakabalik pa ako rito.
Napalingon ako kay Vanessa na kumakaway sa akin. Nagmano sya kina mommy at daddy
bago nagpaalam ang parents ko na mauuna na sa gymnasium.
Tumango na lang ako at iniwasan ang mga mapanuring mata nya. Alam ko kung bakit
ganito sya makatingin.
Sana nga...
"She's ok."
Kumunot ang noo ko at sinamaan ng tingin si Maty dahil sya ang sumagot. Ramdam ko
rin ang galit sa tono ni Matt.
"Maaari na ba kaming magpatuloy o baka gusto mong paluhirin kitang muli sa harap ni
Zein."
Hinila na ako ni Matt palayo roon. Mabilis na pinalo ko sya sa braso nang
maintindihan ang ibig nyang sabihin.
"Ikaw ang nanakot sa kanya kaya sya lumuhod sa harap ko no'n?" Hindi makapaniwalang
tanong ko.
Siya pala ang nanakot kay Vice Ty kaya bigla na lang itong lumuhod sa harap ko at
humingi ng tawad.
"Buti nga 'yon lang pinagawa ko sa kanya dahil sa pananakit nya sa'yo." Humalakhak
ito ng malakas.
Hindi namin nalamayan na nasa harap na pala namin sina Nicky at Nazzer. Bumagsak
ang mata ko sa magkahawak nilang kamay.
Napangiti ako.
Namula si Nicky nang makita nyang nakatingin kaming dalawa ni Matt sa magkahawak
nilang kamay.
Pinilit bawiin ni Nicky ang kamay nya ngunit mas hinigpitan ito ni Nazzer na
nakangiti sa amin.
"Nice to see you again... We have to go, excuse us." Nagmamadaling wika nito.
Mabilis na nawala sila sa harap namin. Nagkatitigan kami ni Matt at nagulat ako
nang hawakan nya ang kamay ko.
"Just a friendly holding hands... Walang malisya. Promise!" Itinaas pa nito ang
kanang kamay nya na ikinatawa ko.
Hinayaan ko na lang syang hawakan ang kamay ko. Wala namang malisya at walang
awkward na pakiramdam.
Nakakailang hakbang pa lang kami nang harangin kami nila Angel at Roxane.
Mabilis na pumagitna sa amin si Angel at hinila naman ako ni Roxane. Ipinulupot nya
ang braso nya sa braso ko at pinagdikit kami.
"Eww..."
Pinilit kong bawiin ang braso ko ngunit mas hinigpitan nya pa ito. Ayoko sa way ng
pagiging friendly ni Roxane. Nakakasakal at nakakasuka.
Napalunok si Roxane. "Share na lang tayo." Sagot naman nito ngunit mabilis na
hinila ako ni Ate.
Bakit ba kanina pa ako hinihila? Baka bago matapos ang araw na ito pilay na ako.
"I don't share, sorry." Hinila na akong muli ni Ate palayo roon. "Kayo na ba ni
Matt?" Tanong nito.
Nagulat ako sa tanong sa akin ni Ate. Ilang beses ko ng sinabing kaibigan lang ang
turing ko kay Matt at hanggang doon lang iyon. Tanggap na ni Matt ngunit hindi pa
ni Ate. Botong-boto sya kay Matt lalo na't alam nyang crush ko ito pero iba na
ngayon... marami ng nagbago.
"Ate..."
Napailing na lang ako dahil alam kong naaalala nya pa ang pangalan ng lalaking
patuloy kong minamahal pero nagkukunwari lang syang nakalimutan ito.
"Ace..."
Saktong pagkabigkas ko no'n ay naaninag ko si Ace kasama si Raze.
Parang tumalon ang puso ko at gustuhin ko mang tumakbo para yakapin sya ay alam
kong hindi pwede. Hindi nya gustong lumalapit ako sa kanya.
Hindi ko alam kung anong nangyari pero matapos ang lahat ng nangyari ay iniwasan
nya ako.
Nasaktan ako dahil bigla na lang syang umiwas ng hindi man lang nagsasabi ng
dahilan.
Nanginig ang labi ko kaya aktong aalis na ako nang hilain ako ni Ate papunta sa
kanila. Sinamaan ko sya ng tingin ngunit binalewala nya lang 'yon.
"You!" Duro nya kay Ace na poker face lang. Wala itong salamin at mukhang wala na
syang balak suotin 'yon. "Ginayuma mo ba ang kapatid ko?!" Sigaw pa nito.
"Ate..."
"Baby..."
Napatingin ako kay Raze na nakangiti kay Ate. Natuwa ako ng makita si Hoy na nasa
balikat nya pero napangiwi ako nang snobin ako nito.
Ganon?! Matapos kitang kupkupin at alagaan ngayong nakita mo na ang amo mo bigla na
ka lang aalis?! Pare-pareho lang kayo! Bigla na lang iiwas!
Humalakhak si Raze.
Napatingin ako kay Ace na nahuli kong nakatingin sa akin. Mabilis na nag-iwas ito
ng tingin.
Napangiti ako nang magbanta na ang mga luha ko. Tumalikod na ako at pumunta kina
Mommy.
Bakit Ace? May nagawa ba akong mali? Sabihin mo naman para hindi ako nagmumukhang
tangang nag-iisip ng mga dahilan.
Nag-umpisa na ang program ngunit nasa malayo ang diwa ko. Hanggang ngayon patuloy
mo pa ring ginugulo ang isip ko.
Napatingin ako sa stage kung nasan naroon si Teacher Kath na may hawak na papel.
Siya ang emcee.
"On the first place and definitely the highest among the rest..." Tumigil ang
tingin nito kay Raze. "Raze Silvenia." Wika nito.
Graduate na sina Ace at Raze ng high school at dahil walang college na available
dito ay nahinto sila ng pag-aaral pero siguro magpapatuloy sila ng college ngayong
malaya na silang muli.
"And... Baby, I will do everything to stole your heart and if it's a crime...
arrest me now."
Nagsigawan ang lahat. Napangiti ako nang biglang magwalk out si Ate Allison. I
smell something... uhmm bad? Geez.
"On the second rank is the Supreme Student Government President... Ace Craige."
"Congratulations to all of you... Alam kong hindi naging madali para sa inyo ang
mga nagdaang taon kaya hinahangaan ko kayo... Job well done... You survived... You
did it..." Napatingin sya sa akin. "Mahal ko kayo..." Wika nito.
"On the third rank is Matthew Hart. The King of Hell University."
Kumunot ang noo ko nang umakyat si Matt na nakakapit sa kanyang braso si Angel. Eh?
Nagtawanan ang crowds... Tumanggi itong magbigay ng salita kaya tinawag na ang
susunod.
"On the 4th rank is the Queen of Hell University and the Supreme Student Government
Secretary."
Napangiti ako nang magbalik lahat ng alala ng nakaraan. Nakaraan na dahilan kung
ano at sino kami ngayon.
"Hell University is literally a hell and... Out of this world?" Natatawa kong
wika." Seriously? Anong matinong school ba naman ang may bloody night kung kailan
legal ang pagpatay? Nakakabaliw..." Dugtong ko pa.
"Pero dahil sa lugar na ito, mas naging mahigpit ang pagkakaibigan namin, ang
tiwala namin sa isa't-isa." Isa-isa kong tinitigan ang mga kaibigan kong nakangiti
sa akin. "Natutunan ko sa lugar na ito na ang tiwala ay hindi basta-basta
ibinibigay at hindi napupulot sa kung saan lang. Hindi masamang magtiwala, ang
masama... sa maling tao." Napapikit ako nang maalala ang taong iyon.
Pero hindi ko naman siya masisisi. Isa siyang ama, gagawin nya ang lahat para sa
anak nya, nakakalungkot lang na sa ganong paraan pa.
"Pero may mabuti naman at ang pinaka pinasasalamatan ko sa lugar na ito ay siya...
Ang taong nagturo at nagparamdam sa akin kung gaano kasarap ang magmahal. Siya ang
dahilan kung bakit kaya kong pumatay nang hindi nag-aalinlangan. Siya ang dahilan
kung bakit maging ang sarili ko ay handa kong saktan at dayain. Maraming naging
hadlang at humantong sa pagsuko... Yes, sumuko ako pero sa huli... Sa kanya pa rin
ang bagsak ko. Kung sino ka man... mahal na mahal kita."
Nangilid na ang luha ko kaya minabuting ibigay ko na kay Teacher Kath ang mic.
Bumaba na ako at nilagpasan ng tingin si Ace.
Natapos ang graduation ng gabi na. Wala ng Hell University dahil ipinasara na ang
lugar na ito.
"Heaven."
Pinalo ko sya sa braso na ikinatawa nya. Hinawakan nya ang kamay ko at hinila.
----
Nanatili syang nakatayo at hindi gumalaw. Hindi ko gaanong maaninag ang kanyang
mukha dahil madilim na.
Nag-umpisa na akong maglakad palapit sa kanya pero nang malapit na ako ay tumalikod
ito at naglakad palayo.
Shit!
Natawa ako at kumawala sa pagkakayakap. Hinawakan ko ang pisngi nyang basa ng luha
at pinunasan 'yon gamit ang kamay ko.
"I am sorry..."
"Bakit?"
Natawa ako kahit na nainsulto ako. Eh sa takot ako sa mabalahibo eh! Hindi ko naman
kasalanan na takot ako sa pusa.
"Takot ako sa pusa pero mas takot akong mawala ka..." Sinimangutan nya ako na
ikinatawa ko. "Iniwasan kita kasi natakot ako... natakot ako sa ginawa mo." Wika
ko.
"So, ganon? Ikaw lang ang may karapatang magsakripisyo?" Natigilan ako nang hawakan
nya ang mukha ko. "Handa akong mamatay para sa'yo." Wika nito.
"Come with me..." Hinawakan ko ang kamay nya ngunit tinabig nya ito.
Kumunot ang noo ko bago naaalala ang nangyari nong isang gabi. Masyado akong wasak,
hindi ko alam kung buhay pa ako o patay na. Lasing ako at saktong nakita ko si
Angel. Nagulat ako nang halikan nya ako pero hindi ko alam na nakita pala 'yon ni
Zein.
"Zei-"
"Ok lang. Alam ko naman na ako lang ang mahal mo e at saka uhmm... pantay lang
tayo." Wika nya.
Magtatanong pa sana ako pero nauna na syang pumasok sa kotse.
Sandali itong natigilan na ikinatawa ko. Kahit na kailan may pagkaslow talaga sya.
Pinagmasdan ko sya sa tabi ko. Napangiti ako sa sobrang saya na kasama ko pa rin
sya hanggang ngayon.
"Yes, I know."
"Isa pa nga..."
Nagulat ako nang halikan nya ako sa pisngi. Napangiti ako dahil mamaya ay hindi na
sa pisngi ang halik mo.
"Dagat?"
Hinawakan ko ang kamay nya at iginaya syang maupo sa mapinong lupa. Mas romantic
sana kung masasaksihan namin ang paglubog ng araw pero gabi na. Di bale, basta
kasama ko sya.
Iniharap ko sya sa akin at tinitigan ang kanyang mukha. Kahit na habang buhay ko
syang titigan ay hindi ako magsasawa.
"Mula ngayon, hindi ka na lalayo sa akin. Wala na tayo sa Hell University, nasa
labas na tayo. Mas maraming lalaki dito."
"I don't care. Makakapatay ako kapag may lumapit sa'yong lalaki. Hindi ako
nagbibiro." Seryosong wika ko.
Ngumiti ito. "Oo na. Kahit naman lumapit sila ikaw lang naman eh. Ikaw at ikaw pa
rin... maliban na lang kung ikaw na mismo ang magtaboy sa akin." Sagot niya.
"Ako lang ang maaaring mahalin mo... Ako lang Zein. You are not allowed to love
another man. It's only me or no one." Hinawakan ko ang pisngi nya. "And this is an
order from the highest Supreme Student Government..." Inilapit ko ang mukha ko sa
kanya. "Darling, you can't do anything about it." Wika ko bago ipinaglapat ang
aming mga labi.
The end...
---
FB Account: Raze WP
FB Group: KnightInBlackBabies
Twitter: Raze_WP
Sequel
Sequel of Hell University
FAQs
Yow! Nakakamiss ang Hell University.
Kung binabasa mo ngayon ito, malamang na tapos ka ng magbasa unless mas trip mong
mag-umpisa mula sa dulo hanggang sa simula hahaha.
Q: Nasan si Hoy(Dark)???
A: Nasa amin haha. Di, nasa Chasing Hell din sya. May kalove team, si Hay. lol
Q: Sino ka?
A: Ikaw, sino ka?
May mga tanong ka pa bang hindi nasasagot at hindi nasagot sa FAQs? Comment ka,
I'll try to answer your queries.
***
Ako rin may mga tanong, sana mag-abala kang sumagot. Darling, please.
Question: What makes HU different from other stories? (Don't mention the titles)
Your answer:
***
"Darling, thank you for reading Hell University 'til the end. I'm glad you're still
here. Thank you for giving it a chance. See yah until the next next next story.
Remember. Darling, I love you... forever." - KnightInBlack
Flying kiss ~