Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Kabanata 3

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng pamamaraan ng pananaliksik, mga kahalok sa

pag-aaral, instumento ng pananaliksik, lugar ng pag-aaral, paraan ng pag-aaral at

estatistikong ginamit sa pag-aaral.

Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng deskriptibong pananaliksik sa pag-aaral na

ito. Ito ay isang uri ng palarawang pananaliksik na kung saan ay ginagamitan ng isang

talatanungan na sasagutan ng mga respondente.

Ayon kay Sanchez sa aklat ni Alipio Garcia (1999), ang deskriptibong pananaliksik ay

kinabibilangan ng lahat ng mga pag-aaral na magpapakahulugan sa kasalukuyang

katotohanan na may kinalaman sa kaligiran at kalagayan ng anumang paksa.1 Ang pag-

aaral na ito ay may layuning makapangalam ng tamang datos o impormasyon upang

mapatunayan ang nasabing pag-aaral.1

Naniniwala ang mga mananaliksik na angkop ang disensyong gagamitin sa pagkalap

ng mga impormasyon ukol sa suliraning inilahad.

Kahalok sa Pag-aaral

Ang kalahok sa pag-aaral ay mga mag-aaral sa Cavite National High School- Senior

High School na magmumula sa iba’t ibang baitang at track. Isang pamamaraang

tinawag na ‘’simple random sampling’’ ang gagamitin ng mga mananaliksik. Ang


pamamaraang ito ay naglalayong pumili ng mga tagasagot na walang sinusunod na

kahit anong bilang o pattern ng pagpili.

TRACK TAGASAGOT

Academic Track 150

Technical Vocational and Livelihood Track 80

Arts and Design Track 34

KABUUAN 264

Lugar ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ng mga mananaliksik ay isinagawa sa kampus ng Cavite

National High School- Senior High School. Nabuo ang Cavite National High School

noong Hunyo 19, 1902. Sa ilalim ng Batas Republika Blg. 3694 ay napalitan ng Cavite

National High School ang Cavite High School na inaprubahan ng Pangulong Diosdado

Macapagal noong Hunyo 22, 1963. Ang silid aklatan nito ay itinuring na isa sa mga

pinakamatandang silid aklatan sa buong Pilipinas sa pampublikong paaralan.2

Ang Cavite National High School- Senior High School ay itinayo noong 2016 sa ilalim

ng K-12 Curriculum ng Department of Education.


PIGURA 2

Mapa ng Kampus ng Cavite National High School3


Pinaghanguang Datos

Ang mga mananaliksik ay gumamit ng isang talatanungan bilang tanging

pangunahin sa pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang talatanungan

ay inaasahang sasagutin nang may katotohanan. Ang talatanungan ay nahahati sa

dalawang pangkat: ang propayl at sarbey na kaugnay sa paksang pinagaaralan. Ang

datos na kukuhanin ay magmumula sa kanilang isinagot sa inihandang sarbey.

Narito ang sipi ng talatanungan upang lubos na maunawaan ang komposisyon nito.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Cavite National High School
Cavite City

Survey Questionnaire
Mahal naming Respondente,
Maalab na pagbati! Kami po ay mula sa STEM 11-A na kasalukuyang nagsasagawa ng
Pananaliksik hinggil sa Bahagdan ng mga Mag-aaral sa Cavite National High School- Senior
High School na Naniniwala sa Pamahiing Pilipino. Kaugnay nito ay inihanda naming ang
talatanungan na ito upang makangalap ng mga datos na kakailanganin sa aming pananaliksik.
Mangyaring sagutan ng may katapatan ang aytem. Amin pong tinitiyak na ang
impormasyong ibabahagi ay magiging kompidensyal.
Maraming salamat po!
- Mga Mananaliksik

PANUTO: Punan ng angkop na impormasyon ang mga sumusunod na katanungan. Kung may
pagpipilian, lagyan ng tsek ang Oo kung ang pamahiin na ito ay iyong pinaniniwalaan at Hindi
naman kung hindi. Markahan ang kahon na tumutugma sa inyong kasagutan,

Pangalan (opsyonal):_____________________________ Track:________________________

Kasarian: Lalaki Babae

Edad: 16-17 18-19 20-pataas


PAMAHIIN AT PANINIWALANG PILIPINO OO HINDI
Pamahin sa Patay, Burol at Libing
Ang sinumang magnakaw ng abuloy o anumang bagay na para sa patay ay magiging
magnanakaw sa habambuhay.
Bawal magpakuha ng larawan na tatlo lamang dahil mamamatay ang isa.
Bawal magpatay ng manok kung hindi pa nakakapagbabang luksa.
Bumibisita ang yumao kapag ayaw umalis ang isang kulay tsokolateng paru paro.
Hindi dapat magwalis kapag may patay sa bahay.
Pamahiin sa Kasal
Ang bagong kasal na misis ay kailangang magtahi/magdikit ng swan’s feather sa unan ni
Mister upang maging tapat siya palagi.

Ang makasalo ng bulaklak na inihagis ng babaeng ikinasal ay susunod na mag-aasawa.


Ang pagreregalo ng arinola ay buwenas para sa bagong kasal.
Ang sinumang babaeng sumunod sa dinaanan ng bagong kasal habang papasok sa simbahan
ay makakapag-asawa rin sa lalong madaling panahon.
Bigas at asin ang unang dapat na ipasok ng mga bagong kasal sa titirahan nilang bahay,
Pamahiin sa Binyag
Isang mabuting palatandaan kapag ang bata ay umiiyak habang binibinyagan sapagkat ito ay
nangangahulugang itinataboy ng agua bendita ang masamang espiritu sa bata.

Ang sinumang batang mayroong dalawang puyo ay matigas ang ulo paglaki.
Ang ama ang dapat magputol ng pusod ng sanggol para maging maganda ang relasyon nila
ng anak.
Ang sinumang bagong silang na sanggol ang umiyak nang malakas ay magkakaroon ng
mahabang buhay.
Ang isang sanggol ay magiging maka-ama kapag dinamitan ito ng damit na ginamit na ng
ama. Kabaligtaran naman kapag nagamit na ng ina ang isinuot dito.
Pamahiin sa Pusa at iba pang mga Hayop
Ang pusa ay mayroong siyam na buhay
Kapag may nakasalubong o dumaan na itim na pusa ay hudyat na may mangyayaring
masama sa’yo o sa iyong kamag-anak
Kung kumakahol ang alagang aso ay maaaring may nakitakita siyang ibang nilalang.
Ang palaka ay nagiingay dahil ito’y paghuhudyat sa darating na ulan.
Kapag ang daga ay sinabihan ng masamang salita , kanyang hahanapin ang bagay na
importante sa’yo at sisirain.
Pamahiin sa Bagong Taon
Anuman ang iyong ginawa o naramdaman sa araw ng Bagong Taon ay magpapatuloy sa
loob ng buong taon.

Ang pagtalon tuwing Bagong Taon ay magiging dahilan ng pagtangkad.


Kailangang magpaputok upang maitaboy ang masasamang espiritu.
Buksan ang mga pinto at mga bintana sa pagpasok ng Bagong Taon upang pumasok ang
mga biyaya.
Huwag gastusin ang perang papasok sa Bagong Taon.
Paraan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito sa Bahagdan ng mga Mag-aaral ng Cavite National High

School- Senior High School na Naniniwala sa Pamahiing Pilipino Taong Pang-Akademiko

2018-2019 ay nagkaroon nng mga sumusunod na hakbang:

Nagsimula ang pag-aaral matapos ang unang panayam tungkol sa pagsasagawa ng

pag-aaral at sinundan ito ng paghingi ng pahintulot sa tagapayo, kritiko ng wika at

istatisyan. Matapos pamagtibay ay nagsimulang bumuo ang mga mananaliksik ng mga

katanungan tungkol sa pamahiin.

Sinimulang buoin ang talatanungan na sinuri ng tagapayo at sumailalim sa

balidasyon. Matapos ang pagsusuri ng talatanungan ay humingi ng pahintulot ang mga

mananaliksik sa tagapayo upang magsagawa ng sarbey sa mga mag-aaral ng Cavite

National High School- Senior High School.

Matapos maipamahagi ang talanungan, ito’y buong ingat na iwinasto, binilang,

sinuri at isinatitik upang matamo ang pinakabagong layon sa pag-aaral.

Paglalapat ng Istatistika

Ang istatistikang ginamit upang mabatid ang bahagdan ng mag-aaral sa Cavite

National High School- Senior High School na naniniwala sa pamahiing Pilipino ay ang

mga sumusunod:

Suliranin 1. Upang malaman ang pansariling datos o propayl ng mga tagasagot

ayon sa edad, kasarian at track sa pamamagitan ng frequency, percentage rank.


Suliranin 2. Sa pagsusuri sa Bahagdan ng mga Mag-aaral ng Cavite National High

School- Senior High School na Naniniwala sa Pamahiing Pilipino, ginamit ng mga

mananaliksik ang mananaliksik ang mean rank gamit ang iskala ni Likert.
Tala

1Garcia, A.M. (1999). Guide to Thesis Writing (Text and workbook). Philippines: Rex

book Store, Inc.


2Cavite National High School. (2018). Retrieved from

https://en.wikipedia.org/wiki/Cavite_National_High_School

3https://www.google.com/maps/place/Cavite+National+High+School/@14.4827594,120

.89608,20z/data=!4m5!3m4!1s0x3397cd34afaf6155:0xbd449044399e031c!8m2!

3d14.482973!4d120.896194

You might also like