Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Mga Tanyag na Manunulat ng Tula Noon

LOPE K. SANTOS

Kinilala si Lope K. Santos bilang "ama ng bararila". Ipinanganak siya noong


Setyembre 25, 1879 at lumaki siya sa Buwayangbato sa Pasig, Rizal.Sa murang edad ay
nakitaan na siya ng pagkahilig sa mga pagsusuri sa mga bagay-bagay. Napansin ito ng
kanyang ama nang minsan ay isama siya sa pinatratrabahuhan na imprenta. Wala itong
ginawa kung hindi ang uriratin ang pagpapatakbo sa imprenta.Hindi siya nakuntento sa
simpleng paliwanag lang kung hindi matapos siyang magkaroon ng kaunting nalalaman sa
mga bagay. Kanya itong sinusubukan at masusing sinasaliksik.Nang siya ay makatapos ng pag-aaral siya ay naging
mahusay na guro. Ayon sa kanya, dapat tandaan ng mga kabataan ang kahalagahan ng kaalaman ng isang tao. Ito ang
yaman na hindi aniya mananakaw ninuman.Naging isa rin siyang magaling na nobelista. Madalas niyang paksa sa
kanyang mga likha ang kagandahan ng ating bansa at mga problema sa lipunan. Hindi lamang dito siya napabantog.
Kinakitaan din siya ng galing bilang isang mananalumpati, makata at lider ng mga manggagawa. Lubos niyang
isinasaalang-alang ang kapakanan ng kanyang kapwa.
Naging isa rin siyang gobernador at senador ng bansa at ang malaki niyang ambag ay ang bararila ng wikang
pambansa.Kabilang sa mga aklat na kanyang isinulat ay ang Banaag at Sikat, Puso't Diwa, Isang Katipunan ng mga Tula,
Kundangan, Ang Selosa , Alila ng Kapalaran, Los Suenos de Rizal, Salawahang Pag-ibig at marami pang iba.Sadyang
huwaran ang kanyang naging likha dahil sa pagtitiyaga at pagpupursige na makilala ang kakayahan ng mga Pilipino hindi
lamang sa kanyang bansa kung hindi maging sa ibang bansa.Ipinangaral niya na ang mga Pilipino ay dapat tumayo sa
sariling pagsisikap at pagpupunyagi. Huwag daw silang umasa sa tulong ng mga dayuhan bagkus magkasya sa paraan
na nalalaman na lahi. Dapat daw pasikatin ang mismong talento ng bawat isa nang sa gayon, ang mga dayuhan ang
siyang kumuha ng kaalaman sa atin.Sa kanyang pagsisikap na maipunla sa kamulatan ng mga Pilipino sa sariling wikang
pambansa kung kaya't kinilala siya bilang ama ng balarila ng wikang pambansa.

Halimbawa ng kanyang tulang akda:

PASIG
1 Aywan ko kung ikaw’y sa bundok na anak, 25 Nguni, tumindig ka, matandang Diwata’t
o kung bumukal ka sa tiyan ng dagat; magmalikmata kang bumalik sa bata;
pagka’t sa lagay mong mababang-mataas sa pagkalupagi’y lalo kang hihina’t
atubili ako kung saan ka buhat; laging sa Panahong mapagsasagasa;
marahil bunga ka nang mag-isang-palad Sa Silanga’y muling iharap ang mukha’t
ang Dagat na tabang at Bundok ng ulap sumahod sa Araw ng diwang sariwa;
kaya’t sa kanila’y namana mo’t sukat ikaw’y marami pang tungkuling dakilang
ang yaman ng laot at yaman ng gubat. sukat kapiktan mo nang di-nagagawa.

9 Tila Diwata kang galing Pamitina’y 33 Dalawampu’t anim ang bayan mong anak,
nanaog at nupo sa may Kapasigan; tatlong daan nayon ang apo mong ingat;
liwayway ang buhok, ang ulo’y Santulan, sinasagutan mo ang kanilang palad,
ang mahabang Ugong ay bisig na kana’t pagka’t ikaw’y siyang magulang ng lahat;
bisig na kaliwa ang Pinagbuhatan. kung ikaw ang unang hihina-hinamad
Malapad-na-Bato ang isang paanan, at sa pagkaupo’y bahagyang titinag. . .
saka ang isa pa ay Wawang-Napindan: ang nasasakop mong kabunduka’t dagat
magtatampisaw ka sa Buting at Bambang. balang araw’y siyang sa iyo’y lilimas.

17 Ang kasaysayan mo’y pangalan mo na ri’t 41 Hindi na panahon ng pag-aantabay


nasa pamagat mo ang iyng tungkulin; sa dating ng mga kusang kapalaran;
habang panahon kang bantay ay baybayin ang mga himala’y huwag mong asaha’t
sa gaslaw ng tubig at sumpong ng hangin; dina nakukuha ang buhay sa dasal;
may bisig kang bato’t may paang buhangin, ang awa ng Poo’y wala sa simbahan,
may mukha’t katawang langit ng pananim; kundi nasa bukid, ilog, pamilihan,
hinga mo’y amihan, ulan ang inumin, sa tulo ng pawis at ulong may ilaw. . .
at gatas ng lupa ang iyong pagkain. Sawa na ang Diyos sa mga batugan!
FRANCISCO “BALAGTAS” BALTAZAR

Ang kumatha ng walang kamatayang “Florante at Laura” na si Francisco


Baltasar o Balagtas ay mula sa isang maralitang angkan sa nayon ng
Panginay, Bigaa, Bulacan. Siya’y ipinanganak noong Abril 2, 1788. Anak siya
nina Juana dela Cruz at Juan Baltasar.

Siya’s may pambihirang katalinuhan. Sa gulang na labing-isang taon ay


iniluwas siya sa Maynila ng kanyang mga magulang upang sa ilalim ng
anumang kaparaanan ay makapagpatuloy ng pag-aaral.

Sa Tundo, si Francisco ay nabantog sa pagiging makata. Dito rin niya nakilala


ang balitang si Huseng Sisiw, na masasabing unang pinagparangalan ng
kanyang mga kinathang awit bago limbagin.

Nanirahan din siya sa Pandakan. Dito niya nakilala si Selya o Maria Asuncion Rivera. Hindi napangasawa ni
Francisco si Selya at ang pangingibig niya rito’y nagbunga ng kanyang pagkabilanggo dahil sa mga maling
paratang.

Sa Bataan, si Francisco ay humawak ng mga tungkuling kinikilala at pinagpipitagan ng bayan nang panahon
yaon. Namatay si Francisco Baltasar noong Pebrero 20, 1862, sa gulang na 74 na taon. Ang kaniyang
pagkamatay ay dinamdam at ipinagluksa ng buong bayan.

Ang karamihan sa mga sinulat ni Baltasar ay tungkol sa aping kalagayan ng Pilipinas noon. Ang pinakabantog
sa mga ito’y ang kanyang “Florante at Laura,” isang nobelang patula tungkol sa isang kaharian sa Europa, at
di-tuwirang tumatalakay sa kahabag-habag na kalagayan ng bansang ito noong panahon ng mga Kastila.

Ani Mariano Ponce, “Si Balagtas ang prinsipe ng mga makatang Tagalog.” Sinabi ni Dr. Jose Rizal nang
tukuyin ang walang-kamatayang awit ni Balagtas, “Ang Florante at Laura ay isang katha sa wikang Tagalog na
lumusog at dumingal.”
Noong una, itong tao'y walang damit at tahanan
Halimbawa ng kanyang Tulang akda:
At ang kanyang kinakahig walang tiyak na kukunan
PAGGAWA
Nagdaan din ang panahon upang mayrong ikabuhay
ni Francisco "Ka Kikoy" Baltazar
Bato't pana lang ang sangkap sa paghanap at pagdulang

Hanggang tayo ay sumapit sa yugto ng kaunlaran


Noong una, daigdig ay walang ayos di marangya
Pag ginusto ng paggawa'y nagagawang sapilitan.
Palibhasa ay wala pang sa kanya ay nagpapala
Kaya ngayon palibhasa'y maunlad na ang daigdig
Datapuwa't ng sa kahoy ang matsing ay magsibaba
Kaya naman ang pagyari'y maunlad din at mabilis
At ang paunahang paa ay gamitin sa paggawa
Nariyan ang makinaryang pangpaandar ng elektrik
Nuon na nga nagsimulang nagkatao itong lupa
Na katulong sa paggawa ng maraming anakpawis
Na ngayon ay gumaganap ng tungkuling darakila.
Dapat nating unawaing ito'y di hulog ng langit

Ito'y bunga ng paggawa, paggawa ng nagsaliksik.


Ilang daang libong taon ang nagdaan at lumipas
Paggawa ang s'yang simula kaya ang tao'y lumitaw
Bago itong tao ngayong dalubhasang tinatawag
Paggawa rin ang s'yang balong ng lahat ng kayamanan
Patuloy na pagbabago banay-banay na pag-unlad
Nang dahilan sa paggawa'y napaunlad ang isipan
Ang tinahal nitong taong dinaanan at dinanas
Nitong taong dati-rati'y atrasado't mga mangmang
Bawat yugto na magdaan bawat baytang ng paglipat
Itakwil mo ang paggawa't sa gutom ay mamamatay
Mga bagong kasangkapan sa pagyaring nagtutulak.
Yakapin mo ang paggawa't masaganang mabubuhay.
AMADO V. HERNANDEZ

Si Amado Vera Hernández (13 Setyembre 1903 – 24 Marso 1970) ay isang makata
at manunulat sa wikang Tagalog. Kilala rin siya bilang "Manunulat ng mga
Manggagawa", sapagkat isa siyang pinuno ng mga Pilipinong manggagawa at sa
kaniyang mga pagpuna at pagsusuri sa mga kawalan ng katarungang naganap sa
Pilipinas noong kaniyang kapanahunan. Nakulong siya dahil sa pakikipagugnayan
niya sa mga kilusang makakomunista. Siya ang punong tauhan sa isang bukod-
tanging kasong panghukuman na tumagal ng 13 taon bago nagwakas.

Noong kaniyang kabinataan, nagsimula na siyang magsulat sa wikang Tagalog para sa


pahayagang Watawat (Flag). Nang lumaon ay nagsulat siya ng para sa mga Pagkakaisa at naging patnugot
ng Mabuhay. Napukaw ng kaniyang mga sulatin ang pansin ng mga dalubhasa sa wikang Tagalog at ilan sa
kaniyang mga salaysayin at tula ay napabilang sa mga antolohiya, katulad ng Parolang Ginto ni Clodualdo del
Mundo at ng Talaang Bughaw ni Alejandro Abadilla. Noong 1922, sa gulang na 19, naging kabahagi si
Hernandez ng samahan pampanitikan na Aklatang Bayan na kinabibilang ng mga kilalang manunulat sa
Tagalog na sina Lope K. Santos at Jose Corazon de Jesus.
Sinalaysay ni Hernandez sa kanyang mga akda ang pakikipagsapalaran at pakikibaka ng mga manggagawang
Pilipino. Minsan siyang napiit dahil sa salang sedisyon, at habang nasa loob ng kulungan, naisulat niya ang
"Isang Dipang Langit", ang isa sa mga mahahalaga niyang tula.
Nakilala rin si Hernandez sa kanyang mga nobelang gaya ng "Ang Ibong Mandaragit", at "Luha ng Buwaya".
Ang ilan sa kanyang maikling kuwento ay natipon sa isang tomo na pinamagatang "Langaw sa Isang Basong
Tubig at Ibang Kuwento". Nagturo din siya sa Pamantasan ng Pilipinas. Kakikitaan ng diwang makabayan ang
marami niyang tula at nobela: lantad sa mga ito ang makatarungang poot sa pagiging tila isang kolonya ng
Estados Unidos ang kaniyang bansang Pilipinas. Naipakulong siya ni Elpidio Quirino dahil sa bintang na
pagiging mapanghimagsik.

Halimbawa ng kanyang Tulang Akda:

Kung Tuyo Na Ang Luha Mo, Aking Bayan

Lumuha ka, aking Bayan: buong lungkot mong iluha Lumuha ka kung sa puso ay nagmaliw na ang
ang kawawang kapalaran ng lupain mong kawawa: layon,
ang bandilang sagisag mo’y lukob ng dayong bandila, kung ang araw sa langit mo ay lagi nang
pati wikang minana mo’y busabos ng ibang wika; dapithapon,
ganito ring araw noon nang agawan ka ng laya, kung ang alon sa dagat mo ay ayaw nang
labintatlo ng Agosto nang saklutin ang Maynila. magdaluyong,
kung ang bulkan sa dibdib mo ay hindi man
Lumuha ka, habang sila ay palalong nagdiriwang, umuungol,
sa libingan ng maliit, ang malaki’y may libangan; kung wala nang maglalamay sa gabi ng
katulad mo ay si Huli, naaliping bayad-utang, pagbabangon,
katulad mo ay si Sisa, binaliw ng kahirapan; lumuha nang lumuha’t ang laya mo’y nakaburol.
walang lakas na magtanggol, walang tapang na
lumaban, May araw ding ang luha mo’y masasaid,
tumataghoy, kung paslangin; tumatangis, kung matutuyo,
nakawan! may araw ding di na luha sa mata mong
namumugto
Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop ang dadaloy, kundi apoy, at apoy na kulay dugo,
na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog: samantalang and dugo mo ay aserong kumukulo;
ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos, sisigaw kang buong giting sa liyab ng libong sulo
ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos; at ang lumang tanikala’y lalagutin mo ng punlo!
masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y
nakatanod,
masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!
MARCELO H. DEL PILAR

Si Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitan (Agosto 30, 1850 - Hulyo 4, 1896),
kilala rin bilang ang "Dakilang Propagandista", ay isang ilustrado noong
panahon ng Espanyol. Ang kanyang pangalan sa dyaryo ay Plaridel. Binili
niya kay Graciano Lopez Jaena ang La Solidaridad at naging patnugot nito
mula noong 1889 hanggang 1895. Dito niya isinulat ang kanyang
pinakadakilang likha ang La Soberania Monacal en Filipinas at La
Frailocracia Filipina. Isinulat rin niya ang “Dasalan at Tuksuhan” na tumitira sa mga mapangabusong prayle.

Halimbawa ng kanyang Tulang Akda:

Isang Tula sa Bayan

ni: Marcelo H. Del Pilar

Sa iyong kandungan tinubuang lupa, Sa agos ng iyong dugong ipinawis,


paung nalilimbag ang lalong dakila, marami ang dukhang agad nagsikimis,
narito rin naman ang masamang gaua, samantalang ikaw, Bayang iniibig,
na ikaaamiis ng puso’t gunita.
ay hapung-hapo na’t putos nang gulanit.

Ang kamusmusan ko kung alalahanin,


Santong matuid mo ay iginagalang,
halaman at bundok, yaman at bukirin,
ng Diyos na lalong makapangyarihan
na pauang naghandog ng galak sa akin,
na siya ngang dapat na magbigay dangal,
ay inaruga mo bayng ginigiliw.
bagkus ay siya pang kinukutyang tunay.

Ipinaglihim mo nang ako’y bata pa,

ang pagdaralitang iyong binabata, Nguni’t mabuti rin at napupurihan,

luha’y ikinubli’t nang di mabalisa, sa paghahari mo itong pamamayan,

ang inandukha mong musmos kong ligaya. sapagka’t nakuhang naipaaninaw,

na dito ang puno’y din a kailangan.


Ngayong lumaki nang loobin ng langit,

maanyong bahagya yaring pag-iisip,


Kung pahirap lamang ang ipadadala,
magagandang nasa’y tinipon sa dibdib,
ng nangagpupuno sa ami’y sukat na
pagtulong sa iyo baying iniibig.
ang hulog ng langit na bagyo’t kolera

lindol, beriberi madla pang balisa.


Ngayon na nga lamang, ngayon ko natatap

ang pagkadutsa mo’t naamis na palad.

sa kaalipunan mo’y wala nang nahabag,

gayong kay-raming pinagpalang anak!


Dr. JOSE P. RIZAL

Isinilang sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Tinaguriang


pinakadakilang anak ng lahing kayumanggi. Siya ay si Jose Protacio Mercado Rizal
Alonzo Realonda Y Quintos. Ang kanyang mga magulang ay sina Francisco Engracio
Rizal Mercado Alejandro at Teodora Alonzo Realonda Quintos.

Ricial, dito nagmula ang pangalang Rizal na nangangahuluganag "mula sa


bigas o palay" ng luntiang kabukiran. Ito ay alinsunod sa kapasyahan ng Kapitan
Heneral Claveria noong ika-27 ng Nobyembre,1849. Si Rizal ay bininyagan noong
ika-20 ng Hunyo, 1861 sa Calamba, Laguna. Ang nagbinyag sa kanya ay si Padre
Rufino Collantes at si Padre Pedro Casañas ang kanyang naging ninong.
Noong 1864, siya'y tatlong taong gulang, tinuruan siya ng kanyang ina ng abakada at nang siya'y siyam na taong
gulang na ay pinadala siya sa Biñan at nag-aral sa ilalim ni Justiniano Aquino Cruz. Ika-20 ng Enero, 1872 ay pumasok si
Rizal sa Ateneo Municipal de Manila dito siya nagtamo ng kanyang pangunahing medalya at notang Sobrasaliente sa
lahat ng aklat. Noong ika-14 ng Marso, 1877 tumanggap siya ng katibayang Bachiler en Artes at notang Sobrasaliente
kalakip ang pinakamataas na karangalan. Nag-aral siya Filosopia Y Letras sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1878 at
Agham sa pagsasaka sa Ateneo. Sa Ateneo din siya ng panggagamot. Ika-5 ng Mayo, 1882. Siya ay nagtungo sa Europa sa
gulang na 21 upang magpatuloy ng pag-aaral. Sapagkat hindi siya nasisiyahan sa pagtuturo sa eskwelang pinapasukan.
Noong 1884, nagsimula si Rizal sa pag-aaral ng Ingles. Magtatapos ang 1884 at magsisimula ang 1885 nang sinulat
ni Rizal ang unang kalahati ng Noli Me Tangere sa Madrid. Ang ikaapat na bahagi sa Paris at isa pang ikaapat na bahagi ay
isinulat sa Alemanya. Natapos niya ang Noli Me Tangere noong ika-21 ng Pebrero, 1887. Dalawang libong kopya ang
kanyang naipagawa na nagkakahalaga ng tatlong daang piso. Si Maximo Viola ang tumulong sa kanya at nagpahiram ng
tatlong daang piso.
Ika-3 ng Pebrero, 1888. Siya ay umalis sa Maynila upang magtungo sa Europa dahil umiiwas siya sa pagkagalit ng
mga Kastila sa pagkakalathala sa Maynila. Noong 1891 ipinalimbag sa Grante Belhika ang kasunod na aklat ng Noli Me
Tangere na El Filibusterismo. Ika-3 ng Hunyo, 1892, itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina. isang kapisanan na ang lihim na
pakay ay ang pagbabago ng lakad ng pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang paraan at di
paghihimagsik. Bumalik siya sa Pilipinas nang ika-26 ng Hunyo, 1892. Ika-7 ng Hunyo, 1892, alinsunod sa kautusan ni
Kapitan Heneral Despujol, ipinalathala sa Gazette ang mga dahilan sa pagdadakip kay Rizal. Pagkatapos ng walong araw,
ika-15 ng buwan na iyon ay ipinatapon si Rizal sa Mindanao. Si Kapitan Heneral Blanco ang nagpatotoo sa mga
kakayahan ni Rizal na kailanma'y di siya nakilahok sa mga pag-aalsang nangyari sa Pilipinas at dahil dito, humiling si Rizal
na makapaglingkod sa mga pagamutan sa Cuba. Magtatapos ang 1896, hinuli si Rizal sa kinalulunang bapor habang
naglalakbay patungong Espanya at pagdating sa Barcelona ay ibinalik sa Paris. Sa Real Fuersa De Santiago ay piniit si Rizal
nang siya’y dumating sa Maynila. Dito siya hinarap sa hukumang militar at nilitis at nahatulang barilin sa Bagong Bayan.
Ika-30 ng Disyembre, 1896, binaril si Rizal sa edad na 35. Bago siya lumabas sa Fort Santiago, ibinigay niya ang ilawang
kinaroroonan ng kanyang huling akdang pampanitikan kay Trinidad.
Halimbawa ng kanyang tulang akda:
Ang Awit ni Maria Clara Kundiman
Walang kasintamis ang mga sandali sa sariling bayan,
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw, Tunay ngayong umid yaring dila't puso
May buhay na dulot ang mahinhing simoy na galing sa Sinta'y umiilag, tuwa'y lumalayo,
parang. Bayan palibhasa'y lupig at sumuko
Pagsinta'y matimyas, at napakatamis ng kamatayan man. Sa kapabayaan ng nagturong puno.

Maapoy na halik, ang idinarampi ng labi ng ina Datapuwa't muling sisikat ang araw,
Paggising ng sanggol sa kanyang kandungan na walang
Pilit maliligtas ang inaping bayan,
balisa,
Pagkawit sa leeg ng bisig na sabik pa-uumaga na, Magbabalik mandin at muling iiral
Matang manininging ay nangakangiti't pupos ng ligaya. Ang ngalang Tagalog sa sandaigdigan.

Mamatay ay langit kung dahil sa ating lupang tinubuan, Ibubuhos namin ang dugo't babaha
Doon sa ang lahat ay pinagpapala ng halik ng araw, Matubos nga lamang ang sa amang lupa
Ang mahinhing simoy ns galing sa bukid ay lubhang
Habang di ninilang panahong tadhana,
mapanglaw
Sa wala nang ina, wala nang tahana't walang nagmamahal Sinta'y tatahimik, iidlip ang nasa.
Mga Tanyag na Manunulat ng Tula sa Kasalukuyan

You might also like