Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Mala-masusing Banghay-Aralin

sa Filipino 9
Seksyon Seira Madre
August 28, 2018
(7:00-8:00 a.m.)
I. Mga inaasahang bunga ng pagkatuto
Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay
inaasahang;
A. nagagamit ang suprasegmental na antala/hinto, diin at tono sa
pagbigkas ng salita o pangungusap
B. napipili ang tamang salita na pupuno sa diwa ng pangungusap
C. napaninindigan ang kahalagahan ng mga ponemang
suprasegmental.
II. Paksang Aralin
A. Paksa: Ponemang Suprasegmental
B. Sanggunian: Batayang Aklat; Pinagyamang Pluma 9 Aklat nina
Ailene G. Baisa- Juilan, Maray Grace Del Rosario, Nestor S.
Lontoc, Phoenix Publishing House, 2017
C. Kagamitan: Powerpoint presentation, marker, scotch tape at
cartolina.
III. Pamamaraan
A. Panimulang gawain
a. Panalangin

b. Pagbati

c. Pagtala ng lumiban sa klase

d. Pagbabalik tanaw.

B. Pagganyak

a. Bago sisimulan ng guro ang pagganyak, ipaliliwanag niya


na kahit hindi natin alam ang diin, antala at tono ay likas na
nating nagagamit ito na kung minsan ay hindi natin
namamalayan.

Gamit ang iba`t ibang tinig ng mga sikat na personalidad


bibigkasin ng mga piling mag-aaral ang mga sumusunod na
mga pahayag. (Tinig na gagamitin: Mike Enriquez, President
Rodrigo Duterte, Kris Aquino, Gas Abelgas, Manny Pacquiao
Noli De Castro at Dionisia Pacquiao.

Mga pahayag:

1. Lunes, nang tayo`y nagkakilala (Mike Enriquez)

2. Martes, nang tayo`y muling nagkita (President Duterte,)

3. Myerkules, nagtapat ka ng `yong pag-ibig (Gas Abelgas)

4. Huwebes, ay inibig din kita (Kris Aquino)

5. Byernes, ay puno ng pagmamahalan, mga puso natin ay


sadyang nag-aawitan (Noli De Castro)

6. Sabado, tayo`y biglang nagkatampuhan (Dionisia Pacquiao)

7. at pagsapit ng Linggo giliw ako`y iyong iniwan. (Manny


Pacquiao)

C. Paglalahad
a. Tatalakayin ng guro ang mga ponemang suprasegmental.
 Ponemang Suprasegmental-Pantulong sa mga
makabuluhang tunog.
 Diin- bigat ng bigkas sa bawat pantig.
Halimbawa:
Baga (ember), Bagà (lungs), Bagá (kumbaga) Bagâ
(makapal)
 Tono/Intonasyon- pagtaas at pagbaba ng tinig
sa pagbigkas ng pantig.
Halimbawa:
 Kahapon. Nagpapahayag
 Kahapon? Nagtatanong
 Antala- tumutukoy sa saglit na pagtigil ng
pagsasalita.
Halimbawa:
 Hindi siya si Juan (He is not John.)
 Hindi, siya si Juan. (No, he is John.)
 Hindi siya, si Juan. (Not him, it was John.)
D. Paglalapat

a. Gamit ang mga suprasegmental bibigkasin ng ilang mga mag-


aaral ang mga sumusunod na pahayag.

1. Walang sayo, akin lang ang asawa ko!

Ano? Hindi! Maaaring siya ang asawa mo, pero ako ang mahal
niya!

2. Walang sayo? Akin lang ang asawa ko?

Ano? Hindi maaaring siya ang asawa mo. Pero ako ang mahal
niya.

E. Paglalahat

a. Bakit kailangan pang may suprasegmental? Panindigan ang


sagot. (Tatawag ang guro ang ilang mga mag-aaral.
IV. Pagsusulit

Panuto: Piliin ang tamang salitang binibigyang kahulugan at pupuno sa


sa diwa ng bawat pahayag. Titik lamang ang isulat.

a. buNOT b. BUnot

____________1. bao ng niyog na ginagamit na pagpapakintab ng sahig

____________2. paghugot ng isang bagay sa suksukan o lalagyan

a. SAya b. saYA

____________3. ligaya

____________4. isinusuot ng babae

a. LAmang b. laMANG

____________5. nakahihigit

____________6 natatangi

a. LInga b. liNGà

____________7. paglingon

____________8. buto ng halamang ginagamit na pampabango sa pagkain

a. Aso b. aSO

_____________9. hayop na inaalagaan

_____________10.usok

V. Takdang Aralin

Piliin ang tamang pariral o salitang pupuno sa diwa ng pangungusap.


1. Ang bata ay (BUhay na BUHay, buHAY na buHAY) sa pagsasayaw.

2. Nakasulat ang bilang na (PIto, piTO) sa kanyang damit.


3. Ako ay (SAwa, saWA) na sa kanyang pag-uugali.

4. Ligpitin mo ang (KAlat, KaLAT) sa iyong silid.

5. (KAlat, kaLAT) na ang balita tungkol sa ginawa ng nobya mo.

You might also like