Professional Documents
Culture Documents
DYWC
DYWC
DYWC 68.5
Voice: Mula sa bulwagang pambalitaan, himpilan at sandigan ng bayan, Ito ang DYWC!
Voice: Sa loob ng limang minuto, mag hahatid ng balitang sik-sik, sulit na sulit, sa DYWC.
(Sounds TING)
Anchor 2: Ang oras natin ngayon ay ______ minuto makalipas ang alas ______ ng ______ , araw ng
Huwebes, Ika-31 ng Enero taong dalawang libo labing siyam.
(Sounds magpapalit)
(Sound lalakas)
Voice: DYWC
Anchor 2: Isyu sa lipunan na napapaloob sa unang kabanata, ano nga ba ang katotohanan?!
Voice: DYWC
Anchor 1: Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng mga pari ukol sa pagpapalalim ng ilog. Ito raw ay dapat
ipatuwid ng maayos. Nagbigay si Simoun, ang mag aalahas ng isang lunas, at ito ay ang humukay ng
matuwid na kanal at sarhan ang dating ilog pasig gamit ang lupa na tutulong upang mapaikli ang
kanilang paglalakbay. Nakipagtalo si Don Custodio dito dahil sa wala silang salapi na maibabayad sa mga
manggagawa. Ayon naman kay Simoun, hayaan na lamang ang sapilitang paggawa nang walang bayad.
Ngunit nag-aalala ang padre sa maaaring paghihimagsik. Subalit ang sabi naman ni Simoun ay ang mga
manggagawa ng Ehipto at Romana ay hindi maghihimagsik kaya walang problema kong ipatupad ang
sapilitang paggawa. Bilang pagsang-ayon iminungkahi ni Don Custodio na mag-alaga ng itik o pato na
maaaring ipakain sa mga manggagawa ngunit ito'y pinandirian ni Donya Victorina at inihayag ang
pagtutol.
News Presenter: Mayroong tatlong alamat na napapaloob sa katawan ng ilog pasig. Ang alamat nang
malapad na bato na kung saan ay naninirahan ang mga espirito bago pa dumating ang mga kastila. Ang
alamat ni Donya Geronima na kung saan ang kanyang kasintahan ay nangakong siya'y pakasalan ngunit
ito'y naging arsobispo. Ang alamat ni San Nicolas na kung saan ay natatampok ang pagsaklolo ng isang
intsik sa panginoong hindi naman niya pinaniniwalaan dahil sa paglabas ng isang demonyong buwaya.
Laging pakatatandaan na ang tatlong alamat na ito ay nagpapatunay na ang lawa nang ilog pasig ay hindi
maitutulad sa isang patak ng tubig lamang sapagkat higit na ito'y malaki sa alinmang lawa sa Suiza at sa
lahat ng lawa sa España dahil sa mga alamat na naka kubli rito. Balik saiyo Kira.
Anchor 1: Maraming salamat Lirah, Para sa isang paalala, Mag babalik po ang
Infomercial: Akala ko ba mahalaga ako sayo ? Eh bakit hindi mo pinaparamdam? Tubig lang ako,
nababawasan, nauubos din. Ikaw na nga ang nag sabi walang forever, kaya pag hindi mo ko
tinipid, iningatan at pinahalagahan mawawala ako sayo at kahit ikaw mawawala dito sa mundo.
Kaya mahalin mo ang isang hamak na tubig na gaya ko. P
Panahon na naman ng El niño. Panahon na naman para mas magtipid at gamitin ng wasto ang
tubig. Ito ay mahalagang paalala mula sa Maynilad at Manila water station.
(Sounds-Mag papalit)
Anchor 1: Para naman sa ating balitang showbiz. Narito si Jonalyn Manduyog naghahatid.
Chikadora: Chika showbiz! Ako nga po pala si Jonalyn Manduyog ang inyong chikadora na laging
nangunguna sa mga showbiz balita.
Kaisa-isang babae sa pangkat ng mga Europeo, ang siyang nagsasabi na ang bapor Tabo ay tamad at
sumpungin. Siya ay walang iba kundi si Donya Victorina na kung saan ay napaka nerbiyosa. Ng dahil dito
nakakapagbitiw siya nang mga panlalait sa kasko, mga bangka, at mga balsa ng niyog, sa mga Indyong
nagsisipamangka, mga labandera at nagsisipagligong nakakayamot sa kanya dala ng kanilang kasiyahan
at kaingayan. Oo nga, marahil ang Tabo ay lalakad nang napakahusay kung walang mga Indyo sa
Pilipinas. Hindi niya nababatid na ang mga nagpapalakad ng mga barko ay mga Indyo. Siya man ay Indyo
rin kung kakaskasin ang maputing maskara sa kanyang mukha.
Muli ito si Jonalyn Manduyog ang iyong chikadora na laging nangunguna sa showbiz balita.
(Sound lalakas)
Anchor 1: Iyan po ang limang minutong pagbabalita mula sa istasyong di lamang naghahatid ng balitang
sariwa kundi balitang tumatatak din sa inyong puso at diwa.
DYWC 68.5