Chapter II Rezerts

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

St.

Paul University Philippines


Tuguegarao City, Cagayan 3500

KABANATA II

METODOLOHIYA/PAMAMARAAN

Ang kabanatang ito ay naglalayon na maipaliwanag at

mailahad ang mga paraang ginamit ng mga mananaliksik upang

mabigyang katuparan ang layunin ng pag-aaral.

A. Disenyo ng Pananaliksik

Ang isinasagawang pag-aaral ay gumagamit ng

deskriptibong metodolohiya ng pananaliksik. Maraming

uri ng deskriptibong pananaliksik, ngunit napili ng

mananaliksik na gamitin ang “Descriptive Survey

Research Design”, na gumagamit ng talatanungan (survey

questionnaire) para makalikom ng mga datos.

Saklaw nito ang buong klase ng BSMT IB na sasagot

sa mga talatanungan. Ang disenyong paglalarawan o

deskriptibo ay ang nakita ng mananaliksik na magiging

mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makakalap ng

impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik

B. Mga Tugon ng Pag-aaral

Ang mga taga-tugon sa pag-aaral na ito ay mga

mag-aaral ng BSMT IB.

Senior High School 1


St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

C. Instrumentong Ginamit

Ang mananaliksik ay gumamit ng talatanungan o

survey questionaire bilang pangunahing instrumento sa

pagkalap ng mga datos na magagamit sa pag-aaral. Ang

talatanungan ay nahahti sa dalawang pangkat: ang

profile at ang survey ukol sa pinagaaralan. Ang survey

ay nagbibigay ng iba’t-ibang persepsyon sa mga mag-

aaral ng BSMT IB ukol mga pagkakamali at reaksiyon sa

pagkuha ng dugo ng kanilang kapwa mag-aaral.

D. Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos

Ang mga mananaliksik ang mismong kumalap ng mga

datos upang lubos na maunawaan ang mga saklaw at mga

posibilidad sa pag-aaral. Ginamit nito ang

talatanungan sa pagkolekta ng mga datos upang mas

mapadali ang pananaliksik maging sa mga talasagot. Ang

mananliksik ay nagsagawa ng maikling oryentasyon sa

mga mag-aaral ng BSMT IB at siniguro ang pagiging

kompidensiyal ng mga nakalap na datos bago ang

pamamahagi ng mga talatanungan upang mas

makapagpahayag ang mga sasagot sa tanong.

Senior High School 2


St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

E. Uri ng Statistikang Ginamit

Ang nakalap na datos ay susuriin upang mas

mapadali ang pagtataya rito. Gagamit ng descriptive

statistical analysis ang mananaliksik upang ipresenta

ang mga datos kung saan gagamit ng mga talaan upang

suriin ang mga datos.

Senior High School 3

You might also like