Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pinagpala ako

ni: MIM

Inakala ko madali lang sa bawat araw na dumadating kaya ko madali lang naman hindi ba?

Sa bawat unos na dumadating nakakayang lumaban dahil naniniwala ako sa bawat unos na
dumating may kaakibat na isang biyaya. Biyaya na hinahangad ng lahat ng mga tao sa daigdig,
pero bakit ganito puro unos ang dumadating tila ba natatabunan na ako hindi na ako
makabangon. Ganito ba kahirap ang mabuhay?

tila ba puro unos ang dumadating sa akin ang hirap tila ba pagpasok sa isang gubat na puno ng
mga karayom na sa bawat galaw ko'y may kaakibat na sakit. Na sa bawat galaw ko nasasaktan
ako...

Ayoko ko na! suko na ako oo, sumusuko na ako pakiramdam ko kimalimutan na niya ako kaya
para saan pang mabuhay kung siya na nga lang ang tangi mong pag-asa tapos iniwan ka pa niya.
Hindi ba mas mainam na mawala na lang sa mundo?

Kaya ito na gagawin ko na ang bagay na dapat ko nang ginawa noon pa man akmang
magpapatianod na ako nang may biglang humawak sa aking kamay isang musmos na batang
gula-gulanit ang suot sabay sabi sa akin ate, tulungan niyo po ako sabay iyak ng bata Hindi ko
kayang magalit sa bata dahil na rin siguro sa kaniyang musmos na hitsura. Na pano ka? Anong
tulong ang maibibigay ko sa iyo? Mariing Sabi ko sa kaniya. Naliligaw po ako Hindi ko alam
ang pauwe sa amin nagmamakaawa po ako tulungan niyo po ako kailangan ko hong makauwi
agad. Sabi niya

Walang ano-ano sinamahan ko ang musmos na bata.

Nang nakarating ako sa kanilang mumunting tahanan tumambat sa akin ang dalawang bata mga
nasa pitong hanggang walong taong gulang na nakahiga na waring hirap na hirap. Bago pa man
ako makapagsalita may biglang nagsalita na Hindi ko mawari sa saan nagmula kaya hinanap ko
kung saan iyon nagmula nakarating ako sa likod na kanilang bahay at doon tumambad sa akin
ang isang babae na pinagkaitaan ng liwanag... Hindi ko napansing may kung anong tubig ang
bumalot sa aking mga mata.

Akala ko ako, ako ang taong pinagkaitan ng biyaya akala ko ako lang ang may mabigat na
problema hindi pala lahat pala iyon ay maling akala ko lang. Paano nila ito nakakayanan?

Lalo akong nagalit sa kaniya at sinambit ang mga katang ito" sila rin ba'y tuluyan mo nang
kinalimutan" Agad kong pinuntahan ang bata akmang magsasalita na ako ng marinig ko siya.

Mga kuya patawad ah? Naligaw kasi ako mabuti na lang at mabait ang panginoon at ibinalik niya
ako agad dito sa bahay naten.

Wag kayong mag-alala hindi tayo papabayaan ng panginoon. Hindi ko mapigilan ang aking sarili
kaya pasigaw Kong sinabi sa kanila Diyos ka mo? Tignan niyo kalagayan niyo hirap na hirap
kayo sa tingin niyo kung may diyos hahayaan ba kayong maging ganyan? Kung mayroon man
siguradong kinalimutan na kayo. At biglang nagsalita ang kanyang ina anak, ang lagi mong
tatandaan na lahat ng mga nangyayari sa mundo ay may dahilan mahirap man ito o madali dapat
malawak ang iyong pang-unawa. Doon ko napagtanto na pinagpala pa pala ako.

You might also like