Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Department of Education

Negros Island Region


DIVISION OF CADIZ CITY
Cadiz City, Negros Occidental
Telefax No. (034) 4930-352

POST TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9

Pangalan: _____________________________________________

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at unawain ang tanong. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik nito sa sagutang papel.

___1. Ang sumusunod ay bumubuo ng mahahalagang elemento ng kabutihang panlahat maliban sa


a. Ang Kaguluhan
b. Ang paggalang sa indibidwal na tao
c. Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat
d. Ang Kapayapaan
___2. Saan nakakabit ang mga karapatang kailangang igalang at hayaang gamitin ng tao sa lipunan?
a. paninindigan b. dignidad c. katapangan d. kapayapaan
___3. Alin sa sumusunod ang may malakas na epekto sa kapakanan ng mga kasapi ng pangkat?
a. pampublikong sistema ng pangangalaga sa kalusugan
b. epektibong pampublikong pangkaligtasan at seguridad
c. kapayapaang namamagitan sa bawat bansa sa mundo
d. ang lahat ng nabanggit
___4. Ito ay indikasyon ng pagkakaroon ng kabutihang panlahat, ang katatagan at seguridad ng
makatarungang kaayusan.
a. pagkakaisa
b. kapayapaan c. kakayahan d. dignidad
___5. Ang mahalaga kay Ben ay ang pakinabang na kaniyang makukuha ambag na galing sa
malasakit at pagsasakripisyo ng iba ngunit ayaw na ayaw niyang magbigay ng kahit na anong
tulong galing sa perang pinaghirapan niya? Ito ay naglalarawan ng isang taong ______
a. hinihingi sa ilan ang mas malaki at mabigat na pananagutan kaysa sa iba.
b. ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.
c. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa iba.
d. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit tinatanggihan
ang bahaging dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito.

___6. May taong ayaw nang manood ng balita at makialam sa mga nangyayari sa paligid dahil mas
marami siyang suliranin sa kaniyang personal na buhay na kailangang isaayos. Ito ay
naglalarawan ng isang taong_____
a. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa
nagagawa ng iba.
b. Nakikinabang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit tumatanggi sa gawaing
dapat gampanan upang mag-ambag sa pagkamit nito
c. hinihingi sa ilan ang mas malaki at mabigat na pananagutan kaysa sa iba.
d. ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.

___7. Upang kayanin ng mga mahihirap ang pagbili ng produkto, kailangang tanggapin ng
negosyante ang mababang tubo mula sa mga produkto; o ang health insurance ay may
mababang premiums. Ang tingin ng ilan sa ganitong sitwasyon ay hindi makatarungan.
a. ang paggawa ng tao ng kaniyang personal na naisin.
b. Ang pakiramdam na siya ay nalalamangan o mas malaki ang naiaambag niya kaysa sa
nagagawa ng iba.
c. Nakikinabang lamang sa benepisyong hatid ng kabutihang panlahat, subalit tinatanggihan
ang bahaging dapat gampanan sa pagkamit nito.
d. hinihingi sa ilan ang mas malaki at mabigat na pananagutan kaysa sa iba.
___8. Makatutulong kung gagawa ng isang action plan upang matiyak na maisasagawa ng maayos
ang mga nakaplanong gawain .Alin sa sumusunod ang tamang hakbang sa paggawa ng isang
plano para sa kabutihang panlahat?
a. Isa-alang alang ang mga taong sangkot sa gawain
b. Gawain Tiyak na Layunin at Inaasahang output
c. Bigyang pansin ang panahong ilalaan
d. lahat ng nabanggit ay tama
___9. Upang maging makatarungan ang isang lipunan kailangang nasisiguro ng namumuno na ang
bawat indibidwal ay kinikilala. Anong elemento ito?
a. katiwasayan b.kapakanang panlipunan ng lahat
c. kapayapaan d.paggalang sa indibidwal na tao
___10. Hindi tungkulin ng pamahalaang ibigay ang lahat ng pangangailangan ng bawat mamamayan.
Dapat magsikap ang bawat isa upang mabuhay ng maayos . Ito ay nagpapatunay na ____
a. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat.
b. Ang ekonomiya ay para lamang sa sariling pag-unlad.
c. Ang ekonomiya ay para sa mga turista lamang.
d. Ang ekonomiya ay para sa mayayamang bansa lamang.

___11. Ang maunlad na ekonomiya ay hindi makikitaan ng paglustay sa pera ng bayan o


pagpapasobra sa aktwal na halaga ng proyekto ng pamahalaan na nagpapayaman sa mga
tiwaling tao at nagpapahirap sa karamihan. Ito ay nagpapatunay na ____
a. Ang ekonomiya ay para sa mayayamang bansa lamang.
b. Ang mabuting ekonomiya ay iyong napauunlad ang lahat.
c. Ang ekonomiya ay para sa sariling pag-unlad lamang.
d. Ang ekonomiya ay para sa mga turista lamang.

___12. Wala ng banta ng mga terorista at mga krimeng panlipunan tulad ng pagnanakaw, snatching,
pananakit at laganap ang kapayapaan. Ito ay nagpapatunay na ____
a. Ang ekonomiya ay para sa mayayamang bansa lamang
b. Ang ekonomiya ay hindi para sa sariling pag-unlad kundi sa pag-unlad ng lahat.
c. Ang ekonomiya ay para lamang sa sariling pag-unlad lamang.
d. Ang ekonomiya ay para sa mga turista lamang.

___13. Ito ay ibinubunsod ng pagnanais ng mga mamamayan na matugunan ang kanilang mga
pangangailangan na bigong tugunan ng pamahalaan at kalakalan. Ito ay halimbawa ng ___.
a. Problema sa lipunan b. Kumyunismo
c. Lipunang Sibil d. Makabagong Lipunan
___14. Nagsasagawa ng mga pagtugon na sila mismo ang nagtataguyod, kung kaya nagkakaroon ng
likas kayang pag- unlad na hindi tulad ng minadaling solusyon ng pamahalaan at kalakalan.
Ito ay isang halimbawa ng ___.
a. Lipunang Sibil b. Kumyunismo
c. Problema sa lipunan d. Makabagong Lipunan
___15. Ang pangunahing adhikain nito ay ang mapangalagaan ang karapatan ng mga kababaihan.
a. Media b. Orphanage c. Art Club d. Crisis Center for Women
___16. Ang Foundation for Cancer Patients ay may adhikain na ____
a. tulungan ang mga mahihirap b. tulungan ang mayayaman
c. tulungan ang mga may sakit na cancer d. tulungan ang mga malulusog na tao
___17. Ang isang grupo ng Peace Advocates ay may pangunahing adhikain na ____
a. sugpuin ang Droga b. ipalaganap ang kriminalidad
c. ipatupad ang patayan d. ipatupad ang usaping kapayapaan
___18. Nakikita mula sa iba't ibang mukha ng mga tao sa iba't ibang sulok ng mundo, na
mahalagang ingatan ang dangal ng tao. Kaya idiniklara ito –
a. Batas na nagpapatupad ng Death Penalty
b. Batas Pangkapaligiran
c. Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao
d. Batas sa Pagbabawal sa Pananakit sa mga Hayop
___19. Ang Pandaigdig na Pagpapahayag ng mga Karapatan ng Tao (Universal Declaration of Human
Rights) ng mga Nagkakaisang Bansa ay kumukondena ng_
a. Paglalapastangan sa mga hayop b.Pagtatapon ng mga basura
c Pagbabantay sa Karagatan d. Anumang uri ng paniniil at paglalapastangan sa tao
___20. Piliin sa mga sumusunod ang tamang panukala:
a. Isa lang ang likas na batas moral na may iba-ibang pag-aanyo.
b. Nagpapalit ang likas na batas moral sa paglipas ng panahon.
c. Iba-iba sa mga iba-ibang kultura ang likas na batas moral.
d. Isa lang ang likas na batas moral para sa lahat.

___21. Piliin sa mga sumusunod ang hindi ayon sa likas na batas na moral:
a. Pagkaltas ng buwis sa mga manggagawa
b. Pagkaltas ng GSIS, SSS, Pag-ibig
c. Pag- utos sa mga magiging ina na regular na magpatingin sa doctor
d. Wala sa mga nabanggit
___22. Bakit mahalaga ang pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral?
a. upang makamit ang kabutihang panlahat
b. gumagarantiya sa pagtugon sa pangangailangan ng tao
c. umaayon ito sa dignidad ng tao at hinihingi ng tamang katwiran
d. lahat ng nabanggit
___23. Ano ang maitutulong ng pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral ?
a. Mawawalan ng dignidad b.Mahihirapan ang taong malaman ang tama o mali
c Mahirap makamtan ang layunin d.Makakamit ang kabutihang panlahat
___24. Sa paanong paraan makakamtan ang kabutihang panlahat?
a. Paggawa ng mga bagay na makakabigay kasiyahan sa iyo
b. Pakikibagay sa lahat ng mga tao
c. Paggawa ng kung ano ang gustong gawin
d. Pagsunod sa batas na nakabatay sa Likas na Batas Moral
___25. Alin sa sumusunod ang totoo para sa karapatan, kasunduan,kabutihan at kawanggawa?
a. Ito ay magdudulot ng pagkakapantay-pantay sa tao
b. Ito ay mga bagay na pansarili lamang.
c. Ito ay mahahalagang bagay para sa lahat ng nilalang.
d. Ito ay mahalagang bagay na nararapat na mayroon ang bawat tao.

___26. Ang pagiging may pananagutan, mapagparaya at may pagpapahalaga sa dignidad ay__.
a. ang magdadala nang isang masaganang pamumuhay.
b. inaasahang maisakatuparan ng tao para sa sarili at sa lipunang ginagalawan.
c. maaaring maging hadlang upang maging isang mabuting mamamayan.
d. magpapatunay na ikaw ay karapat-dapat na mabuhay.

___27. Paano magkakaroon ng tunay na kabuluhan ang isang karapatan?


a. kung nakikilala ang pagkakapantay-pantay ng dignidad ng lahat ng tao
b. kung gagampanan ng tao ang kanyang tungkulin.
c. kung kilalanin at unawain ang karapatan gamit ang kanyang katwiran.
d. lahat ng nabanggit

___28. Sa paanong paraan ang tungkulin o pananagutan ay nagiging bahagi ng karapatan?


a. Ang kalayaan at katwiran ay dapat palaguin para sa karapatang pantao.
b. Nakapagbibigay ng kabuluhan tungo sa pagkakapantay-pantay ng dignidad ngmga tao .
c. Malaki ang bahagi ng mga Banal na Nilalang sa usapin ng karapatang pantao
d. Lahat ng nabanggit
___29. Nakita mo ang iyong kapitbahay na pinapalo ang aso sa kadahilanang itinakbo nito ang
pagkain nila na nasa hapag-kainan. Ano ang nararapat gawin ayon sa Likas na Batas Moral?
a. Papanoorin ko na lang ang pananakit ng matanda dahil may sala ang aso
b. Kukunin ko ang aso at kakalingain ko ito sa aming tahanan.
c. Kunan ko nang video ang pangyayari at ia-upload sa Youtube.
d. Aawatin ko ang aming kapitbahay bago pa niya lalo pang masaktan ang aso.
___30. Isang lalaking de-kotse ang pinagagalitan ang isang drayber dahil sa hindi pagparada nang
tama ng kanyang dyip. Habang sinisigawan ang drayber ay naroon sa tabi niya ang isang
bata.Ano ang nararapat mong gawin ayon sa Likas na Batas Moral.
a. Tatawagin ko ang paslit na apo para lumayo kami sa kaganapan.
b. Panonoorin ko ang nangyayaring kaganapan.
c. Tatawag ako ng kinauukulan para mamagitan sa kanila.
d. Pupuntahan ko ang lalaki at ang drayber. Pagsasabihan ko sila na tumigil na.

___31. Sino sa mga sumusunod ang hindi nakatutulong sa pag-angat ng antas kultural ng bansa sa
pamamagitan ng kanilang paggawa?
a. Si Leda na gumagawa ng mga pelikulang tungkol sa mga isyung panlipunan ng bansa na
inilalahok sa mga timpalak sa buong mundo
b. Si Anton na gumagawa ng mga furniture na yari sa rattan at buli at nilalapatan ng
modernong disenyo
c. Si Rino na gumagawa ng mga damit na yari sa materyal na tanging sa bansa nakikita at
inilalapat sa yari ng mga damit ng mga banyaga.
d. Si Romy na nageexport ng mga produktong gawa sa bansa sa mga kalapit na bansa.

___32. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay nagpapakita ng tunay na gumagawa maliban sa:
a. Mula pagkabata, si Anthony ay napilitang tumira sa isang malaking pabrika bilang
trabahador ay mayroong utang . Bilang kapalit, siya ay magtatrabaho rito ng ilang taon.
b. Si Mang Joel ay karpintero na nakilala sa dahil sa kaniyang pulidong trabaho. Hindi siya
umaasa sa disenyo ng arkitekto kundi nagbibigay din siya ng mungkahi sa mga ito kung
paano mas mapatitibay at mapagaganda ang pagkakagawa ng bahay.
c. Si Henry ay isang kilalang pintor. Ang kaniyang panahon ay kaniyang inilalaan sa loob ng
isang silid para sa buong maghapong pagtatapos ng isang obra.
d. Si Renato ay isang batang nagpupunta sa mga bahay upang kumolekta ng mga basura.
Umaasa lamang siya sa kaunting barya na ibibigay ngmga kapitbahay upang may
maipambaon sa paaralan dahil gusto niyang makatapos.

___33. Ang paggawa ay isang moral na obligasyon para sa kapwa, sa kaniyang pamilya, sa lipunan
na kaniyang kinabibilangan at sa bansa. Ito ay nangangahulugang____
a. Kailangan ng tao na maghanap-buhay na may layuning makatulong sa kapwa.
b. Hindi nararapat na isipin ng tao ang kaniyang sarili sa kaniyang paggawa.
c. Kailangang kasama sa layunin ng tao sa paggawa ang makatulong sa kapwa.
d. Lahat ng nabanggit

___34. Saan nakikita ang tunay na halaga ng paggawa?


a. sa katotohanan na ang gumawa o lumikha ng produkto ay tao
b. sa proseso na pinagdaanan bago malikha ang isang produkto
c. sa kalidad ng produkto na nilikha ng tao
d. sa haba ng panahon na ginugol upang malikha ang isang produkto

___35. Ang mga sumusunod ay kahulugan ng pakikilahok maliban sa:


a. Ang pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa Ang
pakikilahok ay tumutulong sa tao upang maging mapanagutan sa kapwa
b. Ang pakikilahok ay isang tungkulin na kailangang isakatuparan ng lahat na mayroong
kamalayan at pananagutan tungo sa kabutihang panlahat.
c. Ang pakikilahok ay isang malayang pagpili. Hindi maaring pilitin ang tao upang isagawa ito.
d. Ang pakikilahok ay maaring tawaging bayanihan, damayan o kawanggawa.

___36. Ito ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang


mula sa kaniyang kapwa.
a. Pananagutan b. Bolunterismo c. Pakikilahok d. Dignidad
___37. Alin sa mga sumusunod ang hindi halimbawa ng bolunterismo?
a. Sumali si Darlyn sa paglilinis ng paligid sa kanilang barangay sapagkat nais niyang makiisa
sa layunin nitong mapanatili ang kalinisan at kalusugan ng kapwa.
b. Tuwing Sabado at Linggo ay tinuturan ni Karen na magbasa ang mga bata.
c. Si Jerick ay pumupunta sa bahay ampunan upang alagaan ang mga bata tuwing bakasyon.
d. Tuwing eleksyon ay sinisigurado ni Rechelle na pili ng mabuti ang dapat na mamuno.

___38. Hindi nakalahok si Rico sa Oplan Linis ng barangay sapagkat inalagaan niya ang kanyang
bunsong kapatid na maysakit ngunit siya ay nagbigay ng gamit sa paglilinis tulad ng walis
tingting at sako na paglalagyan ng basura. Anong antas ng pakikilahok ang ipinakita niya?
a. Pagsuporta b . Konsultasyon c. Sama-samang Pagkilos d. Impormasyon
___39. Alin sa mga sumusunod ang hindi benepisyo ng bolunterismo?
a. Nagkakaroon siya ng pagkakataon na makabuo ng suporta at relasyon sa iba.
b. Nagkakaroon ang tao ng personal na paglago.
b. Nagkakaroon siya na pagkakataon makilalang higit ang sarili at ang kapwa .
c. Nagkakaroon siya ng kontribusyon o bahagi sa pagpapabuti ng lipunan.

___40. Sa Bolunterismo, kung hindi mo ito gagawin, hindi ka apektado, kundi yaong iba na hindi mo
tinulungan. Ang pahayag na ito ay:
a. Mali, sapagkat hindi maaring pilitin ang tao sa gagawin. Ito dapat ay manggaling sa puso.
b. Tama, sapagkat maraming tao ang nangangailangan ng iyong tulong.
c. Mali, sapagkat ang hindi mo pagtulong ay isang bagay na maaring makaapekto sa iyo.
d. Tama, sapagkat maari kang managot sa iyong konsensiya dahil hindi ka tumugon sa
pangangailangan ng iyong kapwa sa mga sandaling yaon.

___41. Kaya nagsisikap na magkaroon ng katarungan ay dahil sa _________


a. kinakailangang timbangin ang mga bagay
b. pagnanais na mabuo ang sarili at ang komunidad.
c. pagkakaroon ng katarungan sa sarili
d pagkakaroon ng panindigan ang maraming mga bagay

___42. Isang katwang balik-ikot ng ugnayan ng tao at komunidad, na kung wala ring katarungan sa
lipunan ay ______
a. pati ang tao sa loob nito ay hindi magagawang mabuo ang sarili
b. pagkakaroon ng katarungan sa sarili.
c. pagkakaroon ng panindigan ang maraming mga bagay.
d. kinakailangang timbangin ang mga bagay.

___43. Ang pinakapundamental na prinsipyo ng katarungan sa sarili upang magkaroon ng tiyak na


direksyon sa buhay.
a. kinakailangang timbangin, ayawan, at panindigan ang maraming mga bagay.
b. maingatan ang mga indibidwal na karapatan ng tao
c. masiguro ang patas na pagbabahagi ng yaman ng bansa
d. magbantay sa kalayaan ng mga tao
___44. Pag-iingat sa sarili ng komunidad upang makagawa, makabuo, at makalikha. Ito ay ukol sa
mga tao at sa mga ugnayan nila sa isa’t isa.
a. katarungang panlipunan b. kalayaan c. walang katarungan d. pakikisama
___45. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita sa kagalingan ng tao sa paggawa?
a. Ang kagalingan sa paggawa ay bunga ng pagkagustong gawin ito ng buong husay
b. Nakagagawa ng paraan ang tao upang iangat ang kanyang pamumuhay.
c. Nagkakaroon ng pagkakataon ang tao na magsama-sama sa mithiin ng lipunan.
d. Nagkakaroon ng kadahilanan ang tao upang mabuhay.

___46. Kung ikaw ang lilikha ng produkto alin sa mga sumusunod ang dapat mong isaalang-alang?
a. Gumawa ng produktong ayon sa kagustuhan mo.
b. Gumawa ng produktong kikita ang tao
c. Gumawa ng produktong magpapabago sa buhay ng tao.
d. Gumawa ng produktong makatutulong sa tao.
___47. Alin sa mga sumusunod ang dapat linangin ng isang tao upang mapatunayan na siya ay
karapat-dapat sa trabahong ibinigay sa kanya?
a. Sundin ang payo at gusto ng mga tao upang maging maganda.
b. Magpakumbaba at magtrabaho ng mabuti.
c. Gamitin ang ganda, angking karisma, talino at kasipagan.
d. Maging masipag, masigasig at malikhain sa pagsasabuhay nang kanyang trabaho.

___48. Ito ay tumutulong sa tao upang mapaunlad niya ang kaniyang pagkatao.
a kakayahan b. kabutihan c. kasipagan d. kagandahang –loob

___49. Alin sa mga pahayag ang hindi palatandaan ng taong nagtataglay ng kasipagan.
a. Pinagbubuti ang Gawain
b. Nagbibigay ng buong kakayahan sa paggawa.
c. Ginagawa ang gawain ng may pagmamadali.
d. Ginagawa ang gawain ng may pagmamahal.

___50. Marami ang nagsasabing mahirap daw ang buhay ngunit nagtatagumpay at nakakamit kapag
ang tao ay masikap. Ito ay nagpapahayag na _______
a. Sa kabila ng kahirapan, ang tao ay kinakailangan na maging masipag.
b. Mahirap ang buhay kaya’t ang tao ay kinakailangan na magtiis.
c. Kahit mahirap ang buhay ang tao ay dapat na maging marangal.
d. Mahirap man ang buhay ng tao ay hindi dapat mawalan ng pag-asa at dapat
gawin ang makakaya .

You might also like