Tatlong Araw Tatlong Gabi

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 9

I.

TATLONG GABI TATLONG ARAW – ni Ginoong Eros Atalia

Maikling pagpapakilala tungkol sa may-akda ng libro.

Matapos masungkit ni Eros Atalia ang ilang parangal at pagkilala mula sa Don Carlos
Palanca Memorial Awards for Literature. Komisyon sa Wikang Filipino, Pandaylipi
Ink. At Gawad Doc Rodrigo para sa kaniyang mga sinulat; maisama sa Cinemalaya
ang ilang mga gawa; magcontribute, magsulat at maging kolumnista sa ilang mga
pambansang tabloid; magbigay ng libreng fiction writing clinic sa mg aspiring young
writers; mapadpad sa kung saan-saan at magpalipas oras sa pakikipagbolahan sa mga
mantatawas at manghuhula sa Quiapo; sinubukan naman niya ngayong ipasagot sa
mga multo, lamanlupa at alien ang mga misteryo “Ano ang nasa dako paroon?”, na
siya naman niya ngayong susunod na pupuntahan.

II. VISPRINT, INC. No. 2810 Alcaver St., Brgy. San Roque, Pasay City 1303

III. BUOD

Dokyumentaryo ang sadya sa bayan ng Santa Barbara at ang pinaka destinasyon ay


ang Brgy. Marulas, na ayon sa forecast ng PAGASA ito ang tutumbukin ng bagyo.
Subalit sa kasamaang palad lumihis ang bagyo at ang tutumbukin na ay ang Brgy.
Magapok at ang naninirahang taga roon ay walang kamalay malay sa mga susunod na
mangyayari. Tatlong gabi at tatlong araw na piyesta ng patron nilang si Sta. Barbara
de Bendita puno ng pangyayaring hindi maipaliwanag ni Mong o mas kilala sa
pangalang Raymundo Mojica. Ang kanilang tradisyonal na masayang pyesta ay
nauwi sa malagim na trahedya, nakakapangilabot na pangyayaring ngayon lang nila
naranasan. At sa araw ding iyon wala silang mahingan ng tulong, dahil sa hirap ng
transportasyon palabas man o papunta sa lugar na ito. Wala silang laban, at wala rin
silang ka alam-alam kung sino ang kanilang kalaban sa gitna ng kababalaghan. Mga
tanong na hindi alam kung sino ang nasa likod ng mga pangyayaring nararansan nila,
kung ito ba ay gawa ng militar na hinala ni Mong na baka ang Kapitan ng Brgy.
Magapok ang binabalikan. Rebelde, kung sila ba ang dahilan ng unti unting
pagkawala ng mga hayop at tao. Sinkhole, na hinila pailalim ang isang batang lalaki
pati na rin ang pagkalubog ng isang alagang baka. Malakat, na humila kay Berto sa
mayabong na kawayanan, alien abduction, na kung saan nasaksihan mismo ni Mong
ang biglang pag-ihip ng hangin at sabay sabay na pag-angat nila palayo. Nangyari
ang lahat ng iyon sa Brgy. Magapok, na siyang kinalakhang bayan, kung saan ang
kanyang childhood sweetheart na si Lumen ay kasama niya maging sa huling
hantungan.

IV. PAGSUSURI
A. Uri ng Pampanitikan – Nobela Suspense/Horror/Thriller
B. Istilo ng Paglalahad – Patumbalik isip at Daloy ng Kaisipan.
C. May tayutay
1. Mga halimbawa ng bawat tayutay na natagpuan sa kathang suri.

a. Pagmamalabis
Hal: Si Cynthia ang chubby na maputing chinita ang crush niyang
ngumunguya lang kung mag-English at dumidighay lang pag nag-solve ng
math problems.

b. Pagtatanong
Hal: Ay, yaw aka, anak ka ng nanay mo, anak ka ni Ma’am Sion?. Yung
iniistorya ng kumander ko?

c. Pagbibigay-katauhan
Hal: Gahita ang laki ng mga rehas.

d. Pagtanggi
Hal: No! No! Politics has nothing to do with this.

e. Pagdaramdam
Hal: Ginagawa natin ang lahat para matugunan ang nakapanlulumong
sakunang ito.

f. Pagwawangis
Hal: Balakang na parang kampanang nakakatawag ng pansin tuwing
sumasayaw.

2. Maikling paliwanag tungkol sa bawat tayutay na hinalaw.

Pagmamalabis
Paliwanag: Ngumunguya at dumidighay ang ginamit na salita sa
pagmamalabis ng pangungusap.

Pagtatanong
Paliwanag: Anak ka ni Ma’am Sion? Gumamit ng patanong,
paraan ng pagkukumpirma o paglilinaw.

Pagbibigay-katauhan
Paliwanag: Nagbibigay ng mas madaling paglalahad kung gano
kalaki ang rehas. Para sa mambabasa mas madali kung gumamit ng mga
pamilyar na bagay.

Pagdaramdam
Paliwanag: Pinaparating ng nagsasalita ang kanyang saloobin.

Pagwawangis
Paliwanag: Kampana, ang salitang ginamit sa pagwawangis ng
balakang ni Lumen.

D. SARILING REAKSYON
1. Teorya
Teoryang Humanismo
Binigyan ng pagkakataong mailahad ang nararamdaman ng
pangunahing tauhan dito sa kwento. Simula ng siya ay bata pa hanggang
sa paglaki. Simula sa pagkabuo ng misteryo at sa matapos ito. Akma din
ang ginamit na mga salita para maintindihan ng mas nakararami.
Nakakawili at nagbibigay ng kasiyahan sa mambabasa. Hindi ka aantukin
o hindi ka makakaisip ng ibang gagawin para hindi mo basahin ang
librong ito. Ipapako ka ng iyong damdamin dahil sa lenggwaheng angkop
sa kwentong ito. Nakakatuwa basahin dahil matagumpay na naiparating ng
awtor ang kanyang damdamin patungo sa mambabasa. Nagkakaroon ng
interaksyon ang mga tauhan o karakter sa kwento patungo sa mambabasa.

2. Mga Pansin at Puna


A. Mga Tauhan
Raymundo Mojica (Mong)
- Pangunahing tauhan
- Journalist
- Anak ni Sion Mojica
Sion Mojica
- Social worker
- Ina ni Mong
Kap Joselito Santos
- Kapitan ng Bry. Magapok
- Dating sundalo na tumakas at nagtago pagkatapos niyang mapatay
ang kanyang commanding officer.

Filomena (Lumen)
- Nag-iisang apo ni Nana Etang
- Kababata ni Mong at childhood sweetheart
Cynthia
- Ang dating crush ni Mong nung siya ay bata pa at nasa Maynila pa
nakatira.
Carmen Maglaya
- Desk Officer ni Mong

Lester Dimaanan
- Senior Correspondent
- Nagkasakit ng malaria at isinugod sa Sta. Barbara de Bendita
Hospital.
Dex
- Cameraman at segment producer
Val
- Driver at assistant cameraman nina Dex at Mong.
Berto
- Piloto ng habal-habal
- Kababata ni Mong
- Asawa ni Tameng
Dencio
- Tanod
- Payat at luwa ang mata, lubog ang panga.
- May mahabang buhok na alon-alon, makapal ang kilay.
- May tangkad na 5’11
Dentor
- Tanod
- Maliit na lalaki.
- Bato-batong katawan, maliliit ang biyas at daliri pero mabibilog.
Tata Berong
- Dating kapitan ng Brgy. Magapok

Nana Etang
- Lola ni Lumen
- May hawak ng istampita panghula kung ano mangyayari sa mga
susunod na araw sa Brgy. Magapok.
Tameng
- Asawa ni Berto.
- Kumare ni Mong at kababata sa Magapok.
Benedicto
- Gobernador ng bayan ng Sta. Barbara

B. GALAW NG PANGYAYARI

a. Pangunahing Pangyayari

Nagsimula ang lahat sa Brgy. Magapok ang lugar na pupuntahan ni Mong dahil sa
habilin ng kanyang yumaong ina.Isa na rin dito ang pagcocover sa paparating na
bagyong Ador at tutumbukin ang Brgy. Marulas na malapit na rin sa Brgy. Magapok at
kinasasakupan ng bayan ng Sta. Barbara.

b. Pasidhi o Pataas na Pangyayari

Masama ang balitang dumating kay Mong, susunduin na sana siya ng kagrupong
sina Dex at Val ngunit tumaas na ang ilog at malakas na rin ang agos sa bukana ng Rio
de Gracio, ang nag-iisang daanan papuntang Brgy. Marulas.

Ilang araw pa lang na nakalagi si Mong ay napapabalita nang maraming hayop na


ang nawawala. Ayon kay Mong ni kelan may hindi ito nangyari nung siya ay naninirahan
pa dito sa Brgy. Magapok.

Dahil sa paghahanap ng mga nawawakang hayop, napagawi sina Mong, Berto,


Dencio, Kap. Joselito at iba pang kalalakihan sa latian. Napapansin nilang ang mga
bakawan, wala ni isang ibong bakaw ang nakadapo at namamahinga.

Maputik ang nasuotan nilang lugar, hirap silang humakbang. Parang natutumba o
nadadapa sila, iniiwasang humawak sa mga dahon at sanga ng bakawan.Gumagalaw ang
halaman kahit walang nakahawak dito. May kumakaluskos. May mga tinig silang
naririnig. Parang nagbubulungan. Lumalakas, humihina ang boses. Biglang may humila
kay Berto! Nabitawan niya ang kanyang baril at nilamon na siya ng bakawan.
Karukulan o Kasudkdulan
Walang makaimik sa nangyari. Makikita sa blackboard ang bilang ng mga
nawawala. Lalake, 5. Babae, 6. Batang lalake, 2. Batang babae 1, Baka, 8. Kalabaw, 5.
Kambing, 15. Manok, 8. Baboy, 6. Kasabay ng pagputok ng araw ang pagkalat ng
nakakakilabot na balita. Walang bahay na walang umiiyak, sumisigaw, tumatangis… may
patay sa bawat bahay. Lahat ng natulog hindi na nagising. Lahat ng namatay hinilera para
sa isahang pagsunog ng mga bangkay ngunit wala ni isa sa taga Magapok ang gusting
magsimula ng pagsusunog nito hanggang dumating kay Mong ang sulo. Sa pagkakataong
iyon, kinausap ang sarili, humingi ng tawad sa nanay dahil hindi na niya matutupad ang
pangako nito. Sinaboy ni Mong ang abo ng kanyang ina kasama ang bangkay ng mga
taga Magapok. Nang tinapon ang sulo, namatay ang apoy sabay ang pagnginig ng lupa.
Ang ingay na humugot kay Berto ay kaparehas din ng ingay na unti-unting lumalamon sa
mga bangkay.

c. Kakalasan o Pababang Reaksyon

Sa kapilya tuloy ang pagrorosaryo ng ilan. May nagdarasal ng taimtim. Ang iba
naman ay nakahiga at nakatulala sa pagkawala ng kanilang mahal sa buhay. Sa pagbuhos
ng ulan ay sinasabay naman ng ilan sa taga Magapok ang pagsasayaw sa santo. Ang
ikatlong gabi na dapat ay masayang ginugunita ang karakol ng santo na si Sta. Barbara
de Bendita. Pagkatapos ng ipasok ang karosa sa kapilya sabay din nito ang balitang lahat
ng naiwan sa kapilya ay hindi na naman nagising. Wala ni isang bakas ng karahasan.

d. Wakas

Wala ng laman ang simbahan, kahit mga santo. Wala ni isang tao ang nagdarasal,
kahit hayop na dapat ay palakad lakad sa kapatagan ng buong Brgy. Magapok. Sumigaw
si Mong at Lumen, nagtatawag ng pangalan ng mga kakilala. Walang sumasagot, tanging
katahimikan lamang ang bumabalot sa Brgy. Magapok. Hanggang sa tuluyang nanaig ang
katahimikan at kadiliman.

e. Aral
Sa dinami-dami ng nangyari sa Brgy. Magapok ang kanilang pananampalataya
kay Sta. Barbara de Bendita ay hindi pa rin nagbabago. Ipinagdiwang pa rin nila ang
kapistahan sa kabila ng daan-daang karahasan, kababalaghan at kamatayan.
Ipinagpasalamat pa rin nila ang masaganang ani kahit maraming buhay ang nalagas.
3. Bisang Panitikan

a. Bisa sa Isip

Isang malaking palaisipan ang librong ito. Hindi ko sukat akalain na


magugustohan ko ang nilalaman nito. Kailangang mag-isip Kung papano at bakit
nangyari ang mga ganong bagay sa kuwento. Ito ay nagbibigay ng hamon sa mambabasa
na imulat ang isipan, hindi pwedeng madaliin ang pagbabasa lalo na sa ganitong klase ng
kwento. Kailangan ng masinsinang pagbabasa at oras sa pag-intindi.

b. Bisa sa damdamin

Habang binabasa ko ang librong ito, naiisip ko ang sarili ko na parang kasama ako
sa tauhan ng kwento. Ang pakiramdam na natatakot, at nagigimbal sa mga nangyayari.
Hindi mo alam kung ano ang mga susunod na pangyayari. May isa akong karanasan na
kung saan, habang binabasa ko ang librong ito nagsisitaasan ang balahibo ko. Minsan
lang ako sa buhay ko makaramdam ng ganong klase. Mahilig ako magbasa pero iba ang
pakiramdam na hatid sa akin ng librong ito. May kakaibang dala, na lagging nagsasabi sa
utak mo, tapusin mo ang pagbabasa hindi ka pwedeng huminto hanggat hindi ka tapos.

c. Bisa sa kaasalan

Akala ko purong kwentong kutsero lang. Ganito pala si Ginoong Eros Atalia
magsulat. Babalutin ka ng kanyang paniniwala, na dapat maniwala ka rin sa
pinaniniwalaan niya. At yun nga, nagtagumpay siya sa pagkakataong ito sa akin.

d. Bisa sa Lipunan

Masasabi kong napakaganda ng librong ito. Kailangan tangkilikin ng maraming


Pilipinong kabataan. Isang obrang para sa akin ay hindi mapapantayan nino man. Dahil
nakalimbag ito sa Tagalog mas madaling maiintindihan ito ng mga Pilipino hindi na
kailangan ng Webster Dictionary. Dadalhin ka ng istorya, isasabay ka sa agos ng
pangyayari, isasakay ka mula sa una hanggang sa iyong destinasyon.
PAGSUSURI
SA PILIPINO

Ipinasa ni:

Sumalinog, Cherry D.
BSIT-IIA

Ipinasa kay:

Ginoong Johnley Cubacub

Propesor

You might also like