Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Agrikultura

• Ang agrikultura ay isang agham, sining at gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na mga produkto,
pagtatanim at pag- aalaga ng hayop na tumutugon sa pangangailangan ng tao.

• Humigit kumulang na 7,100 isla ang bumubuo sa Pilipinas. Dahil sa lawak at dami ng mga lupain, napabilang ang
Pilipinas sa mga bansang agrikultural dahil malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang-agrikultura.
Sa katunayan, malaking bilang ng mga mamamayan ang nasa sektor na ito ng ekonomiya .

Sub-sektor ng Agrikultura

 Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura. Sinasabing ito ang


nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang lahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura
upang matugunan ang pangangailangan sa pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa
produksiyon.
• Nahahati ang sektor ng agrikultura sa paghahalaman (farming), paghahayupan (livestock), pangingisda
(fishery), at paggugubat (forestry).
Paghahalaman

 Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape,
mangga, tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng
bansa. Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB), tinatayang umabot ang kabuuang kita
ng sekondaryang sektor na ito sa Php797.731 bilyon noong 2012. Ito ay nagmula sa mga produktong
palay, mais, at iba pang pangunahing pananim ng Pilipinas.
Paghahayupan

 Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag- aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at
pato. Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pag-supply ng ating mga pangangailangan sa karne at iba
pang pagkain. Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga tagapag-
alaga ng hayop. Mayroon ding mga pribadong korporasyon na nasa ganitong hanapbuhay.
Pangingisda
Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa
pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating bansa. Samantala, ang pangingisda
ay nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal at aquaculture.
 Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may
kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo. Sakop ng
operasyon ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang bayan.
 Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng
bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga
fishing vessel.
 Ang pangisdang aquaculture naman ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito
mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan - fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maalat). Ang
aquaculture ang pinakamalaki ang naitala sa kabuuang produksiyon ng pangisdaan na umabot sa Php92,289.9
bilyon noong 2012. Bahagi din ng gawaing pangingisda ay ang panghuhuli ng hipon, sugpo, at pag-aalaga ng mga
damong dagat na ginagamit sa paggawa ng gulaman.

Paggugubat
 Ang paggugubat ay isang pangunahing pang- ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang
ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito. Mahalaga
itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan
din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga.
Kahalagahan ng Agrikultura
 Nagtutustos ng pagkain
 Nagbibigay ng empleyo
 Pinagkukunan ng hilaw na material
 Tagabili ng mga yaring produkto
 Nagpapasok ng dolyar sa bansa

Suliranin ng Sektor ng Agrikultura

• Mataas na gastusin
• Problema sa imprastruktura
• Problema sa kapital
• Masamang panahon
• Malawakang pagpapalit-gamit ng lupa
• Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal
• Kakulangan sa pananaliksik at makabagong teknolohiya
• Monopolyo sa pagmamay-ari ng lupa

Pagbubuod: • Ang agrikultura ay isang agham, sining at gawain ng pagbubungkal ng lupa, pagpoprodyus ng hilaw na mga
produkto, pag-aalaga ng hayop at poultry na tumutugon sa pangangailangan ng tao. • Ang sektor ng agrikultura ay
binubuo ng iba’t ibang industriya tulad ng pagsasaka, paggugubat, paghahayupan, pagmamanukan, at pangingisda. •
Ang sektor ng agrikultura ay may napakahalaga sa ating ekonomiya. Pinagmumulan ito ng pagkain, hilaw na materyales,
at empleyo.

Ipinasa nila:

• Jean C. Saycon
• Micah Kim Aquino
• Feigh Gin Manlapaz
• Jessie Marilao
• David Vince Gorospe
• John Brix Abuan
• Jenella De Guzmam
Mataas na Gastusin sa Pagsasaka

• Nalulugi ang mga nasa sektor ng agrikultura sapagkat napakalaki ng kanilang gastusin kung ihahambing sa
kanilang kinikita
• May mga institusyong pinansiyal tulad ng bangko at kooperatiba na naglalayong magpahiram ng kapital sa mga
magsasaka upang mapalago ang kanilang ani.

Problema sa Imprastruktura

• Inirereklamo ng maraming magsasaka ang kakulangan ng mga daanan o farm-to-market road upang madala nila
ang kanilang mga produkto sa pamilihan sa tamang oras
• Karamihan sa ani ng mga magsasaka ay madaling mabulok (perishable). Bumababa ang halaga ng produkto sa
pamilihan sa pagbaba ng kalidad nito.
• Mahalaga rin na may maayos at sapat na imbakan o storage facility ang mga magsasaka upang hindi mabulok

Problema sa Kapital

• Bunga ng kakulangan o kawalan ng kapital, sang mga magsasaka ay napipilitang umasa sa sistema ng pautang o
usury. Ang mga usurero [nagpapautang] ay tinatawag ding mga loan shark dahil sila ay nagpapautang ng pera na
may malaking tubo.
• Dahil dito, nababaon ang mga magsasaka sa pagkakautang at hindi na tuluyang nakaaahon.
• Sa maraming pagkakataon, ang pagkakautang na ito ay naisasalin mula sa kasalukuyang henerasyon hanggang sa
mga susunod pa.
• Masamang Panahon
• Nasisira o lumiliit ang produksyon ng sektor ng agrikultura tuwing may tag- tuyot, malakas ng ulan at mga bagyo.

Malawakang Pagpapalit- gamit ng Lupa

• Mula sa pagiging lupang agrikultural, sumasailalim ito sa transpormasyon upang maging pook- pasyalan, golf
course, industrial complex, at pook- residensiyal.
• Ang unti-unting pagkawala ng mga lupang sakahan ang isa sa maraming dahilan kung bakit sapilitang
nakikipagsapalaran sa kalunsuran ang ibang magsasaka.
• Ang lumiliit na sakahan at limitadong taniman na natitira upang sakahin ng mga magsasaka ay maaaring
magresulta sa pagkaabuso sa lupa at pagkaubos ng sustansiya nito.

Pagdagsa ng mga Dayuhang Kalakal

• Ang hindi pagtangkilik sa sariling produkto ay lubhang nakaapekto sa kalagayan ng sektor ng agrikultura at ng
mga taong umaasa rito.

Kakulangan sa Pananaliksik at Makabagong Teknolohiya

• Nasa makalumang panahon pa rin ang ating mga sistema sa pagsasaka.


• Iilan lamang ang may kakayahan sa makabagong paraan at hindi pa nga halos inaabot ng modernong kagamitan
sa pagsasaka.

Monopolyo sa Pagmamay-ari ng Lupa

• Nananatiling pag-aari ng iilang landlord ang mga lupain sa bansa.


• Malaking bilang ng magsasaka ang walang sariling lupang binubungkal.
• Sa halip na pakinabangan nila ang kanilang ani, tumatanggap lamang sila ng kakarampot na suweldo nna
karaniwang hindi sapat para ipantustos sa mga pangunahing pangangailangan ng kanilang mag-anak.

You might also like