Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

Ikalawang Markahan

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO BAITANG 8


Tema: Ang Pakikipagkapwa Modyul: 5 Araw at Oras: 2-4
I. Mga Layunin
A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standards)
1. Pangnilalaman (Content Standards) 2. Pagganap (Performance Standard)
- Naipapamalas ng mag-aaral ang pag- - Naisasagawa ng mag-aaral ang isang
unawa sa konsepto ng pakikipagkapwa pangkatang gawaing tutugon sa
pangangailangan ng mga mag-aaral o
kabataan sa paaralan o pamayanan.
B. Batayang Konsepto
- Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kaya’t kailangan niyang mamuhay sa lipunan kasama ang
kanyang kapwa upang malinang siya sa aspetong intelekwal, panlipunan, pangkabuhayan, at political.
Ang pagmamahal na naipapakita sa paglilingkod sa kapwa ay kailangan upang maging ganap na tao.
Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
1. Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapwa at ang kahalagahan ng pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan
sa kapwa.
2. Nasusuri ang mga impluwensya ng kanyang kapwa sa kanya sa aspetong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, at politikal.
3. Nahihinuha na:
- Ang tao ay panlipunang nilalang, kaya’t nakikipag-ugnayan siya sa kanyang kapwa upang malinang
siya sa aspetong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at politikal.
- Ang birtud ng katarungan (justice) at pagmamahal (charity) ay kailangan sa pagpapatatag ng
pakikipagkapwa.
- Ang pagiging ganap niyang tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapwa ang tunay na indikasyon ng
pagmamahal.
4. Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag-aaral o kabataan sa paaralan o
pamayanan sa aspetong intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan, at politikal.
II. Plano ng Pagtuturo
A. Panimula:
- Talakayin ang panimula sa pahina 1-2 ng Modyul 5.
 Mayroon ba kayong gusting linawin tungkol sa mga layuning binasa?
B. Paunang Pagtataya:
- Diagnostic test (pahina 3-8)
C. Pagtuklas ng dating Kaalaman:
- Gamit ang puzzle
- Ipagawa ang Gawain 2 a pahina 12 ng modyul 5
D. Paglinang ng dating kaalaman:
- Pagsusuri sa mga aspektong intelekwal, panlipunan, pangkabuhayan, at politikal
E. Pagpapalalim:
- Lecturette
 Ang tao bilang panlipunang nilalang
 Ang pakikipagkapwa at ang golden rule
 Ang kahalagahan ng pakikiisa, komunikason at pagtutulungan
 Ang kahalagahan ng pagbubuo at pagsali sa mga samahan
 Pakikipagkapwa: kalakasan at kahinaan ng Pilipino
 Mga katangian ng makabuluhan at mabuting pakikipag-ugnayan sa kapwa
 Mga prinsipyo sa pagpapaunlad ng pakikipag-ugnayan sa kapwa

III. Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto


a. Pagganap:
- Plano ng paglilingkod (individual)
b. Pagninilay:
- Sa journal notebook, isulat ang sariling reyalisasyon at pagninilay batay sa paksang tinalakay.
c. Pagsasabuhay:
- Gumawa ng plano ng paglilingkod bilang gabay sa pagawa ng malinaw at makatotohanang plano sa
aspetong intlektwal, panlipunan, pangkabuhayan, o political. Pumili lamang ng isa na kaya mong
isakatuparan.
Tema: Pakikipagkaibigan Modyul: 6 Araw/Oras: 3-4
I. Mga Layunin
A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standards)
1. Pangnilalaman (Content Standards) 2. Pagganap (Performance Standard)
- Naipapamalas ng mag-aaral ang pag- - Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop
unawa sa pakikipagkaibigan. na kilos upang mapaunlad ang
pakikipagkaibigan.
B. Batayang Konsepto
Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral?
 Ang pakikipagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na pagkakakilanlan at pakikisalamuha sa
lipunan.
 Maraming kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan: ang pagpapaunlad ng
pagkatao at pakikipagkapwa at pagtamo ng mapayapang lipunan/pamayanan.
 Ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa kabutihan at pagmamahal. Nakatutulong ito
sa pagtamo ng integrasyong pansarili at pagpapaunlad ng pakikipagkapwa.
Mga kasanayan sa pagkatuto:
1. Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kaibigan at ang mga natutuhan niya mula sa mga ito
2. Nasusuri ang kanyang mga pakikipagkaibigan batay sa tatlong uri ng pakikipagkaibigan ayon kay Aristotle
3. Nahihinuha na ang:
- Ang pakikiagkaibigan ay nakatutulong sa paghubog ng matatag na pagkakakilanlan at pakikisalamuha
sa lipunan.
- Maraming kabutihang naidudulot ang pagpapanatili ng mabuting pakikipagkaibigan: ang
pagpapaunlad ng pagkatao at pakikipagkapwa at pagtamo ng mapayapang lipunan/pamayanan.
- Ang pagpapatawad ay palatandaan ng pakikipagkaibigang batay sa kabutihan at pagmamahal.
Nakatutulong ito sa pagtamo ng integrasyong pansarili at pagpapaunlad ng pakikipagkapwa.

4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang pakikipagkaibigan (hal.: pagpapatawad).

II. Plano ng Pagtuturo


A. Panimula:
- talakayin ang panimula sapahina 1 ng modyul 6.
 Mayroon ba kayong gusting linawin tungkol sa mga layuning binasa?
B. Paunang pagtataya:
- Diagnostic test (pahina 2-5 ng modyul 6)
C. Pagtuklas ng dating kaalaman:
- Profile ng aking mga kaibigan
- Suriin ang pagkakaiba at pagkakatulad mo at iyong mga kaibigan gamit ang “Venn Diagram”.
D. Paglinang ng dating kaalaman:
- Dahilan kung bakit kita nagging kaibigan?
- Naisasabuhay ko ba ang pakikipagkaibigan?
E. Pagpapalalim:
- Lecturetten
 Ang pakikipagkaibigan
 Tatlong uri ng pakikipagkaibigan
 Pakikipagkaibigan tungo sa matatag na pagkakakilanlan at kaganapan ng pagkatao
 Mga sangkap sa pakikipagkaibigan
 Pagpapatawad: Batayan ng kabutihan at Pagmamahal

III. Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto


a. Pagganap b. Pagninilay
- Paggawa ng isang Wanted: Best friend - Magtala sa isang papel ng mga
Poster pagkatuto a aralin tungkol sa
- Recipes ng Pagkakaibigan pagkakaibigan.
c. Pagsasabuhay
- Balikan ang ginawang Recipe ng pagkakaibigan. Lumikha ng isang Friendship Log.
Tema: Emosyon Modyul: 7 Araw/Oras: 3-4
I. Mga Layunin
A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standards)
1. Pangnilalaman (Content Standards) 2. Pagganap (Performance Standard)
- Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- - Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop
unawa sa mga konsepto tungkol sa na kilos upang mapamahalaan nang wasto
emosyon tungo sa mabuting ang emosyon.
pakikipagkapwa.
-
B. Batayang Konsepto
Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral?
- Ang pagtataglay ng mga birtud at pagpapahalaga ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng sarili at
pakikipagkapwa.
- Ang katatagan (fortitude) at kahinahunan (prudence) ay nakatutulong upang harapin ang matinding
pagkamuhi, matinding kalungkutan, takot at galit.

Mga kasanayan sa pagkatuto:


1. Paggunita sa mga sitwasyon sa sariling buhay na nakapagdulot ng iba’t ibang emosyon at ang pagtukoy sa mga
epekto ng emosyon sa ating kilos at pasya.
- Pagsuri sa emosyonal na kagalingan tungo sa pagkakaroon ng magandang ugnayan sa kapwa.
2. Pagtukoy sa angkop na emosyon sa bawat sitwasyon
- Pagtukoy sa mga kilos at pasyang ginawa at mga pagkatuto mula sa mga pasyang ito.
3. Pagpapaliwanag ng Batayang Konsepto gamit ang mga gabay na katanungan at graphic organize
4. Pagsasabuhay ng mga angkop na kilos at birtud upang mapamahalaan nang wasto ang kanyang emosyon

II. Plano ng Pagtuturo


A. Panimula:
- talakayin ang panimula sapahina 1 ng modyul 7.
 Ano ang kabutihang naidudulot ng pamamahala ng emosyon? Bakit mahalaga ang
katatagan(fortitude) at kahinahunan(produnce)?
B. Paunang pagtataya:
- Diagnostic test (pahina 2-5 ng modyul 7)
- Pagtukoy sa emosyon na angkop sa bawat sitwasyon
C. Pagtuklas ng dating kaalaman:
- Pagsusuri ng epekto ng emosyon sa kilos at pagpapasya
- Pagsusuri sa emosyonal na kagalingan (Jeanne Segal)
D. Paglinang ng dating kaalaman:
- Pangkatang Gawain(paggawa ng speech ballon)
- Gunitain ang hindi malilimutang karanasan at damdamin.
E. Pagpapalalim:
- Lecturette
 Ano ang emosyon?
 Apat na uri ng damdamin
 Mga pangunahing emosyon
 Limang pangunahing elemento ng EQ(Emotional Quotient)

III. Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto


a) Pagganap b) Pagninilay
- SWOT analysis tungkol sa epekto ng - Pagninilay tungkol sa emosyon na
wastong pamamahala ng emosyon madalas mong maramdaman at mga
kapag ito ay napamamahalaan nang maimumungkahi mong paraan upang
wasto. mapamahalaan kapag muling
mararamdaman.
c) Pagsasabuhay
- Paggawa ng tula tungkol sa sarili mong karanasan ng epekto ng wasto at hindi wastong pamamahala
ng emosyon sa iyong sarili at pakikipagkapwa.
Tema: Ang mapanagutang Pamumuno at pagiging Modyul: 8 Araw/Oras: 2-4
Tagasunod
I. Mga Layunin
A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standards)
1. Pangnilalaman (Content Standards) 2. Pagganap (Performance Standard)
- Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- - Naisasagawa ng mag-aaral ang mga angkop
unawa sa mga konsepto tungkol sa na kilos upang mapaunlad ang kakayahang
pagiging mapanagutang lider at maging mapanagutang lider at tagasunod.
tagasunod.

B. Batayang Konsepto
Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral?
- Ang pagganap ng tao sa kanyang gampanin bilang lider at tagasunod ay nakatutulong sa pagpapaunlad
ng sarili tungo sa mapanagutang pakikipag-ugnayan sa kapwa at makabuluhang buhay sa lipunan.

Mga kasanayan sa pagkatuto:


1. Natutukoy ang kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod.
2. Nasusuri ang katangian ng mapanagutang lider at tagasunod na nakasama, namasid o napanood.
3. Nahihinuha na: Ang pagganap ng tao sa kanyang gampanin bilang lider at tagasunod ay nakatutulong sa
pagpapaunlad ng sarili tungo sa mapanagutang pakikipag-ugnayan sa kapwa at makabuluhang buhay sa
lipunan.
4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos upang mapaunlad ang kakayahang maging mapanagutang lider at
tagasunod.
II. Plano ng Pagtuturo
A. Panimula:
- talakayin ang dalawang pahina ng Module 8.
 May twitter account ka? Ilan na ang nasundan mo? Ilan na ang followers mo? Ano kaya
ang katangiang mayroon sila at sila ay sinusundan?
B. Paunang pagtataya:
- Diagnostic test (pahina 197-199 ng modyul 8)
- Kasalukuyang kakayahan sa pamumuno o pagiging lider at pagiging mapanagutang tagaunod.
C. Pagtuklas ng dating kaalaman:
- Magtala ng limang salita o grupo ng salita na naiuugnay mo sa salitang LIDER at TAGASUNOD.
Isulat sa kuwarderno ang iyong sagot.
- Anong mga samahan sa paaralan na kasapi ka at ano ang iyong tungkulin?
D. Paglinang ng dating kaalaman:
- Pagsusuri ng mga kilalang lider (gamit ang mga halimbawa sa pahina 206-207)
- Pagsusuri ng mga sitwasyon.
E. Pagpapalalim:
- Lecturette
 Ann mapanagutang pamumuno at pagiging tagasunod
- Lider ka ba o tagasunod?
 Kahalagahan ng pamumuno at n glider
 Mga katangian ng mapanagutang lider
 Mga prinsipyo ng pamumuno
 Ang kahalagahan ng pagiging tagasunod
 Mga tungkulin ng tagasunod o follower
 Mga paraang dapat linangin ng mapanagutang lider at tagaunod upang magtagumpay ang
pangkat

III. Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto


a. Pagganap b. Pagninilay
- Magplano ng panayam/interview a - Ano ang mahalagang konsepto at
dalawang kasapi ng pangkat na iyong kakayahan sa ating tinalakay na
kinabibilangan (kung ikaw ay tagasunod, nagkaroon ng malaking epekto sa buhay
kapanayamin ang lider at isa pang mo?
kasapi, kung ikaw an glider, - Ano ang iyong reyalisasyon sa
kapanayamin ang isa sa mga opisyal at kahalagahan ng pagiging mapanagutang
isang kasapi. lider/tagasunod sa pangkat at lipunang
kinabibilangan?
c. Pagsasabuhay
- Bumuo ng isang pangkat na may 5-7 na kasapi. Gumawa ng isang payak, malinaw at makatotohanang
plano sa pagiging lider at pagiging tagasunod. Narito ang mga bahagi:
 Pangalan n glider at mga kasapi sa pangkat
 Pamagat ng proyekto
 Tao o lugar na nais paglingkuran
 Layunin/paraan ng paglilingkod
 Mga kakailanganin
 Inaasahang bunga
 Mga taong makatutulong sa pagkamit ng layuni
 Inaasahang panahon ng pagasakatuparan
IKATLONG MARKAHAN
Mga Pagpapahalaga at Birtud ng Pakikipagkapwa
Tema: Pasasalamat sa nagawang kabutihan ng Modyul: 9 Oras: 2-4 SECTIONS
kapwa
A. Mga Layunin

Grade 8 Molave
A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standards)

Grade 8 Narra

Grade 8 Yakal
1. Pangnilalaman (Content Standards) 2. Pagganap (Performance Standard)

Grade 8 SP
- Naipamamalas ng mag-aaral ang - Naisasagawa ng mag-aaral
pag-unawa sa mga konsepto ang mga angkop na kilos sa
tungkol sa pasasalamat. isang gawain patungkol sa
pasasalamat.

B. Batayang Konsepto
Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-
aaral?
- Ang pagiging mapagpasalamat ay ang pagkilala na ang maraming
bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagkatao ay
nagmula sa kapwa, na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng Diyos. Ito ay
kabaligtaran ng entitlement mentality, isang paniniwala o pag-iisip na
anomang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang
pansin. Hindi ito naglalayong bayaran o palitan ang kanilang kabutihan
kundi gawin sa iba ang kabutihang natanggap mula sa kapwa.
Mga kasanayan sa pagkatuto:
1. Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng kapwa
at mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.
2. Nasusuri ang mga halimbawa o sitwasyon na nagpapakita ng pasasalamat o
kawalan nito.
3. Napatutunayan na ang pagiging pasasalamat ay ang pagkilala na ang
maraming bagay na napapasaiyo at malaking bahagi ng iyong pagkatao ay
nagmula sa kapwa, na sa kahuli-hulihan ay biyaya ng Diyos. Hindi ito
naglalayong bayaran o palitan ang kabutihan ng kundi gawin sa iba ang
kabutihang natatanggap mula sa kapwa. Ito ay kabaligtaran ng entitlement
mentality, isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan
mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.
4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos na nagpapakita ng pasasalamat

B. Plano ng Pagtuturo
A. Panimula:
- talakayin ang unang dalawang pahina ng Module 9.
- May gusto ba kayong linawin sa binasa?
B. Paunang pagtataya:
- Diagnostic test (pahina 228-230 ng modyul 9) at kaunting talakayan batay sa
kanilang mga sagot.
- Magtala ng sampong pinakamahalagang tao na gusto mong pasalamatan
(short discussion).
C. Pagtuklas ng dating kaalaman:
- Magbigay ng ilang mga sitwasyon-tukuyin ang biyayang natanggap mula sa
kabutihang-kaloob at isulat ang paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.
 Ano-ano ang iyong natuklasan tungkol sa pasasalamat?
 Ano-ano ang paraan ng pagpapakita ng pasasasalamat?
 Bakit mahalaga ang magpasalamat? Ano ang nagagawa nito sa atin at sa
ating kapwa?
D. Paglinang ng dating kaalaman:
- Pagsusuri ng sitwasyon.
Sagutin ang sumusunod na tanong sa iyong kuwaderno:
1. Paano ipinakita sa bawat sitwasyon ang pagsasabuhay ng pasasalamat sa
kabutihang ginawa ng kapwa?
2. Papaano kung hindi naipakita ang pasasalamat? Ano ang iyong gagawin?
3. Nais mo bang isabuhay din ang pagiging mapagpasalamat? Bakit?
4. Ikaw, paano mo ipapakita ang iyong pasasalamat sa ibang tao? Magbigay ng
halimbawa.
E. Pagpapalalim:
- Lecturett
 Pasasalamat sa kabutihang-loob ng kapwa
 Mga Ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat
 Mga Ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat
C. Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto

a. Pagganap b. Pagninilay c. d. e.
- Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon - Sumulat ng pagninilay tungkol sa
na magbigay ng isang talumpati ng pag-unawa mo sa entitlement
pasasalamat, sino-sino kaya ang gusto mentality. Isulat ang iyong
mong pasalamatan? Sa isang papel, kasagutan sa kuwaderno.
bumuo ng isang talumpati na
naglalaman ng mga taong gusto mong
pasalamatan. Isulat din kung paano sila
naging parte ng iyong buhay at
nakatulong upang ikaw ay mabuhay
nang maayos. (Maghanda para sa
pagtatalumpati sa harapan ng klase)
c. Pagsasabuhay d. e. f.
- gumawa ng tatlong liham para sa iba’t ibang tao sa iyong paligid na nais mong
pasalamatan sa mga kabutihang nagawa nila sa iyo. Isulat mo ito sa isang stationery at
ibigay ito sa kanila.
Tema: Pagsunod At Paggalang Sa Mga Magulang, Modyul: 10 Oras: 2-4 SECTIONS
Nakatatanda, At May Awtoridad
I. Mga Layunin
A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standards)
1. Pangnilalaman (Content Standards) 2. Pagganap (Performance Standard)

Grade 8 Molave
Grade 8 Narra

Grade 8 Yakal
- Naipamamalas ng mag-aaral ang - Naisasagawa ng mga mag-aaral ang

Grade 8 SP
pag-unawa sa pagsunod at mga angkop na kilos ng pagsunod at
paggalang sa magulang, nakatatanda paggalang sa magulang, nakatatanda
at may awtoridad. at may awtoridad at
nakaiimpluwensiya sa kapwa kabataan
na maipamalas ang mga ito.
B. Batayang Konsept
Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral?
- Nahihinuha na ang pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may
awtoridad ay dapat gawin dahil sa pagmamahal, sa malalim na pananagutan at pagkilala
sa kanila bilang biyaya ng Diyos at sa kanilang awtoridad na hubugin, bantayan at
paunlarin ang mga pagpapahalaga ng kabataan.
Mga kasanayan sa pagkatuto:
1. Nakikilala ang:
- mga paraan ng pagpapakita ng paggalang na ginagabayan ng
katarungan at pagmamahal
- bunga ng hindi pagpapamalas ng pagsunod at paggalang sa
magulang, nakatatanda at may awtoridad
2. Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang,
nakatatanda at may awtoridad.
3. Nahihinuha na ang pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at
may awtoridad ay dapat gawin dahil sa pagmamahal, sa malalim na
pananagutan at sa pagkilala sa kanila bilang biyaya ng Diyos at sa kanilang
awtoridad na hubugin, bantayan at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng
kabataan.
4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga
magulang, nakatatanda at may awtoridad at nakaiimpluwensiya sa kapwa
kabataan na maipamalas ang mga ito.
II. Plano ng Pagtuturo
A. Panimula:
- Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 1-2. Isa-sahin ang mga layuning
pampagkatuto para sa Modyul 10.
- Mayroon ba kayong nais linawin sa mga layuning nabanggit?
B. Paunang pagtataya:
- Pasagutan sa mga mag-aaral ang unang bahagi sa Paunang Pagtataya sa
pahina 3-6 upang masukat ang kanilang kaalaman sa araling tatalakayin.
Pagkatapos pasagutan naman sa pahina 7-8 ang tseklis ng mga pahayag
upang masukat ang kakayahang maging magalang at masunurin sa mga
Magulang, Nakatatanda at may Awtoridad.
C. Pagtuklas ng dating kaalaman:
- Pasagutan sa mga mag-aaral ang Gawain 1 sa pahina 9 Bigyan ang mga
mag-aaral ng 5 minuto para sagutin ito.
- Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Ang unang pangkat ay kakatawan sa
magulang, sumunod ay nakatatanda at may awtoridad. Pagkatapos, hatiin
muli ang bawat grupo sa tatlong pangkat. Ang unang grupo ay pupunan ang
talaan ng mga utos ng mga magulang, ang sumunod na grupo ay ang bunga
ng pagsunod sa mga magulang at ang ikatlong grupo ay ang bunga ng hindi
pagsunod sa mga magulang.
F. Paglinang ng dating kaalaman:
- Pagbasa sa kwento tungkol sa dalawang anak o sariling karanasan na naglalarawan ng
pagkakaiba ng dalawang karakter.
- Filw viewing (Anak)
G. Pagpapalalim:
- Lecturett
 Ang Pagsunod at Paggalang sa mga Magulang, Nakatatanda at May
Awtoridad
- Bakit kailangang gumalang? Sino ang igagalang? At paano ito
maipakikita?
 Ang Pamilya Bilang Hiwaga
 Ang Pmilya Bilang Halaga
 Ang Pamilya Bilang Presensiya
 Ang Hamon sa Pamilya
- Natututuhan ba ang paggalang at pagsunod? Kailan ito dapat ituro?
- Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod at sa mga magulang?
- Paano maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
III. Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto
A. Pagganap B. Pagninilay g. h. i.
- Pangkatang Gawain: (5 pangkat) - basahin ang sumusunod na Sulat
Magsaliksik ng limang tanyag na Ni Nanay at Tatay, mula sa
kawikaan tungkol sa paggalang at http://www.youtube.com/watch?
pagsunod sa magulang, nakatatanda at v=hc-WrzQMjHA. Gumawa ng
may awtoridad. Itala ang mga nasaliksik sariling pagninilay at isulat sa
sa talaan. journal notebook.
 Group reporting (pagasadula,
maikling symposium, powepoint
presentation, etc.)

C. Pagsasabuhay h. i. j.
- Gumawa ng sariling tsart kung paano mapaunlad ang sarili. Maging tapat sa pagmomnitor
at ipakita a guro ang checklist pagkatapos ng isang lingo na makikta sa pahina 286 ng ating
modyul.
- gumawa ng PAGGALANG at PAGSUNOD LOGBOOK (Maaaring gawa sa mga
tinipong recycled na papel). Pipili ka ng kaklase na magsisilbing kapareha mo,
upang magpaalalahanan kayo sa isa’t isa. Ang iyong mga nagawang kilos ay
isusulat sa logbook ng iyong kapareha at ganoon din naman siya sa iyong
logbook.
Tema: Ang Kagandahang-Loob Sa Kapwa Modyul: 11 Oras: 2-4 SECTIONS

I. Mga Layunin
A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standards)

Grade 8 Molave
1. Pangnilalaman (Content Standards) 3. Pagganap (Performance Standard)

Grade 8 Narra

Grade 8 Yakal
Grade 8 SP
- Naipamamalas ng mag-aaral ang - Naisasagawa ng mag-aaral ang mga
pag-unawa sa pagsunod at angkop na kilos sa isang mabuting
paggalang sa magulang, gawaing tumutugon sa
nakakatanda at nasa kapangyarihan. pangangailangan ng mga maginalized,
Ips at differently abled.
B. Batayang Konsept
Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral?
- Naipaliliwanag na dahil sa paglalayong gawing kaayaaya ang buhay para sa kapwa at
makapagbigay ng inspirasyon na tularan ng iba, ang paggawa ng maganda sa kapwa ay
ginagawa nang buong-puso, tumutugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa
kapwa nang walang kapalit at may pagsasakripisyo para sa kapakanan ng iba.
Mga kasanayan sa pagkatuto:
1. Nagugunita ang kagandahang-loob na ginawa sa kapwa at mga pangangailangan nila na
natugunan.
2. Nasusuri ang mga kadahilanan sa pagpapamalas ng kagandahang-loob sa kapwa.
3. Naipaliliwanag na dahil sa paglalayong gawing kaayaaya ang buhay para sa kapwa at
makapagbigay ng inspirasyon na tularan ng iba, ang paggawa ng maganda sa kapwa ay ginagawa
nang buong-puso, tumutugon sa kagustuhan ng Diyos na maglingkod sa kapwa nang walang
kapalit at may pagsasakripisyo para sa kapakanan ng iba.
4. Naisasagawa ang mga angkop na kilos na nagpapakita ng kagandahang-loob sa kapwa.
II. Plano ng Pagtuturo
A. Panimula:
- Maganda ka ba?
- Bakit mahalaga ang paggawa ng mabuti sa kapwa? Paano ka makagagawa ng mabuti
sa iyong kapwa?

B. Paunang pagtataya:
Panuto:
- Narito ang tseklis na susukat kung ikaw ay gumagawa ng kabutihan sa kapwa. Tayahin
mo ang iyong sarili sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek ( ) sa angkop na kolum.
- Pagkatapos, kunin ang iyong pangkalahatang iskor at tingnan ang katumbas nitong
interpretasyon. (Pahina 291-293)

C. Pagtuklas ng dating kaalaman:


- Pagagawa sa gawain 1 sa pahina 242 ng modyul.
sagutin sa kuwaderno:
1. Kailan ka huling gumawa ng mabuti sa kapwa? Ano-ano ito?
2. Ano ang iyong naramdaman matapos kang gumawa nito? Ipaliwanag.
3. May maganda bang bunga ang paggawa mo ng kabutihan? Patunayan.
- Gawain 2: Maghanap ng kapareha upang maibahagi mo ang natuklasan. Narito ang
gabay sa pakikibahagi sa dyad:
a. Kapwa o mga taong ginawan ng kabutihan
b. Dahilan ng paggawa ng kabutihan
c. Pangangailangan ng iyong kapwa na tinugunan
d. Paraan ng paggawa ng kabutihan

D. Paglinang ng dating kaalaman:


- Pagbasa sa kwento tungkol sa dalawang anak o sariling karanasan na naglalarawan ng
pagkakaiba ng dalawang karakter.
- Filw viewing (Anak)

E. Pagpapalalim:
- Lecturett
 Mabuti ka ba sa iyong kapwa?
- ano ang kahulugan ng kabutihan o kagandahang-loob?
 Ang Kaligayahn, kabutihan, o kagandahang-loob ayon sa Etika ni Aristoteles
 Ang Kabutihan o kagandahang-loob bilang Ekspresyon ng Magandang Buhay
 Hangganan ng Kabutihan o kagandahang-loob
- pagtalakay sa isang testimonya ng kagandahang-loob.
 Indibidwal na gawain:
1. Bakit mahalaga ang paggawa ng kabutihan sa kapwa?
2. Paano nalilinang ang pagkatao ng bawat indibidwal sa paggawa ng
kabutihan?
3. May hangganan ba ang paggawa ng kabutihan? Ipaliwanag.
4. Ano ang epekto ng paggawa ng kabutihan ating buhay?

III. Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto


A. Pagganap B. Pagninilay k. l. m.
Gawain: “kagandahang-loob, I-patrol mo” - Sumulat ng pagninilay sa iyong journal
- Magbuo ng grupo na may 3-4 na tungkol sa konsepto ng kabutihan o
miyembro at gumawa ng kagandahang-loob.
dokumentasyon o video tungkol sa - Isaalang-alang mga sumusunod na
mga nagawang kabutihan ng kapwa dapat bigyang-diin:
at marami pang iba. (pakisundan ang 1. Sino ang mga taong
mga panuto sa pahina 305-306) natulungan ko at ano ang
epekto sa kanilang buhay ng
pagtulong ko?
2. Ano ang mensahe o aral na
aking natutuhan sa modyul
na ito tungkol sa paggawa ng
kabutihan sa kapwa?
3. Paano ko itatalaga ang aking
sarili upang maisabuhay ang
natutuhang aral tungkol sa
paggawa ng kabutihan sa
kapwa?
4. Sa paanong paraan ko
hihikayatin gumawa ng
kabutihan sa kapwa ang
ibang kabataan lalo na sa
aming pamayanan o
barangay (halimbawa, mga
batang kalye o istambay sa
kanto)?

C. Pagsasabuhay l. m. n.
Paggawa ng Tree of Deeds”

Mga kakailanganing kagamitan:


- Isang drift wood
- Mga pinatuyong sanga
- Isang matibay na pagtatayuan ng drift wood
- Mga plastic na dahon, kulay berde
- Tali o string para sa mga dahon
- Mga pakong bakya
Tema: Pagsunod At Paggalang Sa Mga Magulang, Modyul: 12 Oras: 2-4 SECTIONS
Nakatatanda, At May Awtoridad
IV. Mga Layunin
C. Mga Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standards)
4. Pangnilalaman (Content Standards) 5. Pagganap (Performance Standard)

Grade 8 Molave
Grade 8 Narra

Grade 8 Yakal
- Naipamamalas ng mag-aaral ang - Naisasagawa ng mga mag-aaral ang

Grade 8 SP
pag-unawa sa pagsunod at mga angkop na kilos ng pagsunod at
paggalang sa magulang, nakatatanda paggalang sa magulang, nakatatanda
at may awtoridad. at may awtoridad at
nakaiimpluwensiya sa kapwa kabataan
na maipamalas ang mga ito.
D. Batayang Konsept
Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral?
- Nahihinuha na ang pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may
awtoridad ay dapat gawin dahil sa pagmamahal, sa malalim na pananagutan at pagkilala
sa kanila bilang biyaya ng Diyos at sa kanilang awtoridad na hubugin, bantayan at
paunlarin ang mga pagpapahalaga ng kabataan.
Mga kasanayan sa pagkatuto:
1.

V. Plano ng Pagtuturo
D. Panimula:
E. Paunang pagtataya:
F. Pagtuklas ng dating kaalaman:
H. Paglinang ng dating kaalaman:
I. Pagpapalalim:
- Lecturett

B. Pagganap B. Pagninilay o. p. q.
- -

C. Pagsasabuhay p. q. r.
-
Tema: Ang Sekswalidad ng Tao Modyul: 13 Oras: 2-4 SECTIONS

I. Mga Layunin
A. Mga Pamantayan sa Pagkatuto (Learning Standards)
1. Pangnilalaman (Content Standards) 2. Pagganap (Performance Standard)

Grade 8 Molave
Grade 8 Narra

Grade 8 Yakal
- Naipamamalas ng mag-aaral ang - Naisasagawa ng mag-aaral ang

Grade 8 SP
pag-unawa sa mga konsepto tungkol tamang kilos tungo sa paghahanda sa
sa sekswalidad ng tao. susunod na yugto ng buhay bilang
nagdadalaga at nagbibinata at sa
pagtupad niya ng kanyang bokasyon
na magmahal.
E. Batayang Konsept
Ano ang patunay ng pag-unawa?
- Naisasagawa ang tamang kilos bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay
bilang nagdadalaga at

Mga kasanayan sa pagkatuto:


1. Natutukoy ang tamang pagpapakahulugan sa sekswalidad
2. Nasusuri ang ilang napapanahong isyu ayon sa tamang pananaw sa sekswalidad
3. Nahihinuha na ang pagkakaroon ng tamang pananaw sa sekswalidad ay mahalaga
para sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay ng isang nagdadalaga at
nagbibinata, at sa pagtupad niya sa kanyang bokasyon na magmahal – ang pag-
aasawa o ang pag-aalay ng sarili sa paglilingkod sa Diyos.
4. Naisasagawa ang tamang kilos bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay
bilang nagdadalaga at nagbibinata at sa pagtupad niya ng kanyang
VI. Plano ng Pagtuturo
G. Panimula:
H. Paunang pagtataya:
I. Pagtuklas ng dating kaalaman:
J. Paglinang ng dating kaalaman:
K. Pagpapalalim:
- Lecturett

B. Pagganap B. Pagninilay s. t. u.
- -

C. Pagsasabuhay t. u. v.
-

You might also like