Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 121

http://teksbok.blogspot.com/2010/08/bahagi-ng-pananalita.

html
Sa balarila, ang bahagi ng pananalita/panalita (Ingles: Part of speech), o kauriang panleksiko, ay
isang lingguwistikong kaurian ng mga salita (o mas tumpak sabihingbahaging panleksiko) na
pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at morpolohikong asal ng bahaging
panleksikong tinutukoy.
Sa aklat na Balarila ng Wikang Pambansa (1939;1944) ni Lope K. Santos (kilala rin sa tawag
na Balarilang Tagalog at Matandang Balarila) ay may sampung bahagi ng pananalita. Ang mga ito
ay pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pantukoy, pangatnig, pang-ukol, pang-
angkop at pandamdam. Sinimulan itong ituro sa mga paaralan sa Pilipinas noong 1940 matapos
maipahayag ng dating Pang. Manuel Quezon ang Tagalog bilang siyang saligan ng wikang pambansa.
Dala ng sunod-sunod na pagbabago at modernisasyon ng wikang pambansa (na kilala na ngayon
bilang Filipino) ay maraming aklat ang nalimbag na nagmumungkahi ng pagbabago sa Matandang
Balarila. Isa na rito ang Makabagong Balarilang Filipino (1977;2003) nina Alfonso O. Santiago at
Norma G. Tiangco. Sa aklat na ito'y napapangkat ang may sampung bahagi ng pananalita sa ganitong
pamamaraan:
A. Mga salitang pangnilalaman (mga content word)
1. Mga nominal
a. Pangngalan (noun) - mga salitang nagsasaad ng pangalan ng tao, hayop, bagay, pook,
katangian, pangyayari, atbp.
b. Panghalip (pronoun) - mga salitang panghahali sa pangngalan
2. Pandiwa (verb) - mga salitang nagsasaad ng kilos o nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga
salita
3. Mga panuring (mga modifier)
a. Pang-uri (adjective) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangngalan at
panghalip
b. Pang-abay (adverb) - mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pandiwa, pang-uri at
kapwa nito pang-abay
B. Mga Salitang Pangkayarian (Function Words)
1. Mga Pang-ugnay (Connectives)
a. Pangatnig (conjunction) - mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o sugnay
b. Pang-angkop (ligature) - mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan
c. Pang-ukol (preposition) - mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang salita
2. Mga Pananda (Markers)
a. Pantukoy (article/determiner) - mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o panghalip
b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) - salitang nagkakawing ng paksa (o simuno) at
panaguri
Hindi na isinama ang Pandamdam (interjection; mga salitang nagsasaad ng
matinding damdamin) sapagkat ayon sa mga may-akda ng Makabagong Balarila ay
maaaring magamit bilang pandamdam ang kahit anong salita kung bibigkasin nga
ng may matinding damdamin.
Samantala, sa Balarilang Ingles ay may walong tradisyunal na bahagi ng
pananalita bagama't higit pa itong nahahati sa iba't ibang kaurian sang-ayon na rin
sa mga pag-aaral ng mga kasalukuyang lingguwistiko. Ito ay
ang pangngalan, panghalip, pandiwa, pang-uri, pang-abay, pangatnig, pang-
ukol at pandamdam.

"MGA BAHAGI NG PANANALITA"

bahagi ng pananalita à Mayroong walong bahagi ng pananalita sa Filipino. Ang ito ay


pangngalan, pangatnig, panghalip, pang-ukol,pandiwa, pang-angkop, pang-uri at pang-
abay.
1) Pangngalan à ay mga pangalan ng tao, hayop, pook, bagay, pangyayari. Ito ay ginamit sa
pagtawag sa pangalan ng mga hayop, tao, lugar at pangyayari.
Halimbawa:
· Bogart ang panagalan ng aso nila.
· Si Angelina ang pinakamabait sa lahat.
· Sa SM Bacoor ay maraming tao.
· Bagong Taon ang gusto ko sa lahat.
· Ang lapis na hawak mo ay sa kanya.
2) Pangatnig à ay ginagamit para ipakita ang relasyon ng mga salita sa pangungusap.
Halimbawa:
· Magkaisa kayo upang umunlad ang bansa natin.
· Mahal ka niya dahil mabait at maganda ka.
· Nagalit siya sa iyo gawa ng siniraan mo siya.
· Mag-aral ka ng mabuti upang tumaas ang iyong marka.
· Lumapit ka para marinig mo.
3) Panghalip à ay ginagamit sa pagpapalit o paghalili sa pangngalan.
· Ako ang mamumuno sa bayan na ito.
· Tayo ay magtulungan.
· Siya ang astig sa lahat.
· Sa kanya ko binigay an gang aking bag.
· Sa atin mapupunta ang kagalingan ng bayani.
4) Pang-ukol à ay ginagamit kung para kanino o para saan ang kilos.
Halimbawa:
· Bumili siya ng libro para kay Carlo.
· Ipinasa niya lahat ang kanyang marka liban sa Math.
· Sumama siya kahit labag sa kanya.
· Nagpaliwanag siya tungkol sa paksa.
· Nakatanggap ako ng regalo mula sa iyo.
5) Pandiwa à bahagi ng pananalita na nagsasad ng kilos.
Halimbawa:
· Sumasayaw ng low ang mga bata.
· Kumakanta si Dexter ng fall for you.
· Lumalangoy siya sa dagat.
· Umaarte siya na parang artista.
· Tumatakbo siya ng mabilis.
6) Pang-angkop à bahagi ng pananalita na ginagamit para maging maganda pakinggan ang
pagkakasabi ng pangungusap.
Halimbawa:
· Magandang bata si Elena.
· Masipag na estudyante si Melvin.
· Si Allan ay mahinahong makipag-usap.
· Marangal na pag-uugali ang meron kay Marvin.
· Butihing anak si Jason.
7) Pang-uri à naglalarawan ng karakter o katangian ng pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
· Mayabang si Chris Michael.
· Malago ang puno.
· Matangkad ang mga manlalaro ng basketball.
· Mataba si Jen.
· Mabait na bata si Angelu.
8) Pang-abay à naglalarawan kung paano ginawa ang kilos o pandiwa o naglalarawan din ng
kapwa pang-abay.
Halimbawa:
· Mabilis tumakbo si Lydia de Vega.
· Ang buong mag-anak ay nagsimba kahapon.
· Maliligo kami sa ilog.
· Sampung magagandang dalaga ang kalahok sa paligsahan.
Tunay na mapagkakatiwalaan ang kaibigan ko.

== Answer == ano ang uri ng pananalita


1.noun
2.pronoun
3.verb
4.adverb
5.adjective
6.interjection
7.preposition
8.conjunction
i hope it can help guix !!!!

Mga Bahagi ng Pananalita


1. Panggalan -Ang Pangngalan ay ngalan ng tao, lugar, bagay, gawa o pangyayari.
Hal.
Tagpi
Muning
Juan
Maynila
2. Panghalip-tumutukoy sa mga salitang inihahalili sa pangalan ng tao, bagay, lugar atbp.
Hal.
Ako
Siya
Kami
Sila
Kayo
Amin
Tayo
3. Pang-uri -mga salitang naglalarawan
Hal.
Maganda
Pangit
Magulo
maaliwalas
4. Pandiwa- tumutukoy sa mga salitang nagsasaad ng kilos
Hal.
Tumawa
Lumangoy
Kumain
Naglakad
5. Pang-abay-mga salitang nagbibigay turing sa mga pangngalan, pandiwa, pang-uri at kapwa pang-
abay.
Hal.
Kahapon
Patihaya
sa bahay
6. Pang-ugnay- Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa
pangungusap, maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
7. Pang-angkop- Ang Pang-angkop ay ang salitang nag-uugnay sa panuring at salitang tinuturingan.
Hal.
Na, ng
8. Pananda- ito ay nagpapakilala o nagsisilbing tanda ng gamit na pambalarila ng isang salita sa loob ng
pangungusap.
Hal.
1. Ang / Ang mga - ginagamit sa pantukoy ng isang pangngalan na ginagamit na simuno ng
pangungusap. Ginagamit ang ang mga kapag marami ang tinutukoy.
2. Sa / Para sa - ang sa ay ginagamit bilang isang panandang ganapan kung saan naganap ang kilos
ng pandiwa. Ito ay nagiging panandang kalaanan kung sinasamahan ng salitang para.
3. Si / Sina - ginagamit sa pagtukoy ng tao o mga tao. Ang si ay ginagamit sa isahan at ang sina ay
para sa dalawahan o maramihan.
4. Ng / Ng Mga - ginagamit bilang pananda sa pangngalang ginagamit na layon ng pandiwa,
panuring na paari o tagatanggap ng pandiwa.
5. Kay / Kina - ito ay mga pananda ng pangngalang ginagamit na layon ng pandiwa at panuring.
Ang kay ay isahan at ang kina ay maramihan.
9. Pangatnig- Ang Pangatnigang tawag sa mga kataga o salitang naguugnay sa dalawang salita, parirala
o sugnay na pinagsusunud-sunod sa pangungusap:
Hal.
At, pati, saka, o, ni, maging, subalit, ngunit,
Kung, bago, upang, sana, dahil sa, sapagkat
10. Pang-ukol- Ang Pang-ukolay kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan o panghalip sa ibang salita
sa pangungusap.
Hal.
Sa,
para sa,
ayon, kina,
para ay,
tungkol sa,
na may
MGA BAHAGI NG PANANALITA

I. PANGNGALAN/NOUN
1. Pangngalan - salitang tinutukoy sa ngalan ng tao, pook, bagay, hayop o pangyayari.
2. Noun - is a part of speech that names persons, places, things, events, and ideas.

II. PANGHALIP/PRONOUN
1. Panghalip - panghalili ng mga pangngalan.
2. Pronoun - is a part of speech that is used in place of a noun.

III. PANG-URI/ADJECTIVE
1. Pang-uri - bahagi ng panalita na naglalarawan o tumuturing sa pangngalan o panghalip.
2. Adjective - is a word that describes or limits a noun or pronoun.

IV. PANDIWA/VERB
1. Pandiwa - bahagi ng panalita na nagsasaad ng kilos.
2. Verb - is a word used to express action, being or state of being.

V. PANG-ABAY/ADVERB
1. Pang-abay - tumuturing sa Pang-uri, Pandiwa, at Kapwa Pang-abay.
2. Adverb - modifies a verb, adjective, another adverb, participle, gerund, and infinitive.

VI. PANGATNIG/CONJUNCTION
1. Pangatnig - nag-uugnay ng mga magkapanunod na salita, parirala o sugnay.
2. Conjunction - is a word used to connect words, phrases or clauses in a sentence.

VII. PANDAMDAM/INTERJECTION
1. Pandamdam - mga salitang nagdadamdam ng malakas na emosyon.
2. Interjection - a word taht expresses some strong or sudden emotion.

VIII. PANTUKOY/PREPOSITION
1. Pantukoy - ginagamit upang ipakilala ang pangngalan o panghalip sa pangungusap.
2. Preposition - a member of a set of words used in close connection with, and usually before, nouns and
pronouns to show their relation to another part of a clause.

IX. PANG-UKOL/ARTICLE
1. Pang-ukol - mga salitang ginagamit sa pantukoy kung ang pangngalan ay definite or indefinite.
2. Article - word used with a noun that specifies whether the noun is definite or indefinite.

X. PANG-ANGKOP
1. Pang-angkop - bahagi ng pananalita na nag-uugnay ng mga panuring (pang-uri, pang-abay) sa
tinuturingan nito.

XI. PANGAWING
1. Pangawing - nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.
In the english language, there are 9 Parts of Speech.
Sa filipino, mayroong 11 Bahagi ng Pananalita.
Ang Alfabetong Filipino
Ang makabagong Alfabetong Filipino ay binubuo ng 28 titik. Ito ay hinango sa alfabetong Ingles na may
26 na titik at dinagdagan ng titik Ñ at NG. Ang NG ay itunuturing na isang titik lamang.

Kasaysayan ng Alfabetong Filipino


Alibata ang tawag sa kauna-unahang alfabetong Filipino. Ito ay pamana ng mga nandayuhang Malayo-
Polinesyo at binubuo ng labimpitong titik: 3 patinig at 14 katinig.
Mula sa Alibata, nabuo ang abakadang Filipino. Ito ay binubuo ng 20 titik: 5 patinig at 15 patinig. Noong
1971, nagdagdag ng 11 titik sa dating alpabetong Filipino. Ang mga alpabetong nadagdag ay, C, Ch, F, J,
Ll, Ñ, Q, Rr, V, X, at Z. Samakatuwid ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 31 titik.
Ang makabagong alfabeto ay binubuo ng 28 titik, 20 ang galing sa orihinal na abakada at isinama ang
pitong titik ng English: C, F, J, Q, V, X, Z at Ñ mula sa Kastila. Ayon sa ulat na ginawa ni Dr. Ernesto
Constantino ng Pamantasan ng Pilipinas, ang pagdaragdag ng nasabing walong titik na bagong alpabeto
ay magpapadali sa panghihiram ng mga salitang kailangang hiramin para mapayaman, mapaunlad at
maging epektibo at modernisado ang Wikang Pambansa
--------------------------------------------------
Kasaysayan ng Alpabeto
SANSKRIT/O
- ang paraan ng pagsulat na ito ay isang uri ng paraang abiguda na gumagamit ng katinig-patinig na
kombinasyon. Kung kaya’t mapapansin na ang pinakapayak na anyo nito ay mayroon lamang tunog sa
hulihan na /a/. Nilalagyan lamang ng kudlit sa itaas upang makalikha ng tunog na nagtatapos sa /e/ at /i/
at sa ibaba naman inilalagay upang makalikha ng tunog na /o/ at /u/.
Wikang klasiko (classic) ng India; ginagamit sa mga relihiyon at pananaliksik sa agham
Sinasabing pinagmulan ng alibata

ALIFBATA 0 ALIBATA (BAYBAYIN)


- isang paraan ng pagsulat na ginagamit bago pa dumating ang mga Kastila. Ito ay kahalintulad sa
sistema o paraan ng pagsulat ng mga taong Java na tinatawag na kayi. Ang paraan ng pagsulat na ito ay
pinaniniwalaang ginagamit na noong 14 na siglo hanggang sa panahon ng pananakop ng mga Kastila.
Ang salitang baybayin ay nangangahulugang ispeling o pagbaybay.
Katutubong sistema ng pagsulat/alpabeto ng iba’t ibang pangkat etnolinggwistiko sa Pilipinas mula 1000-
1200 hanggang 1800.

BAYBAYIN hango sa salitang “baybay” (to spell)


ALIBATA hango sa “alif bata” (2 unang titik sa Arabic: “alif” at “bet”)
May kaunting pagkakaiba ang bawat alibata para sa bawat partikular na wika (iba ang sa Tagalog, iba
ang sa Bisaya atbp.)

Di matiyak ng mga eksperto


Sa Celebes (matandang paraan ng pagsulat ng mga Javanese)
Sa India (mula sa mga paraan ng pagsulat ng iba’t ibang lugar sa India: Sanskrit; Brahmi; Assam etc.)

ABECEDARIO
- ito ay binubuo ng 29 na letra at hango sa Romanong paraan ng pagbigkas at pagsulat.
Alpabetong Kastila; mula sa Alpabetong Romano
Isinusulat ang mga titik gaya ng sa alpabetong Romano
Itinuro sa piling mga mag-aaral (sa mga klaseng tinatawag na caton, kadalasan sa mga kumbento atbp.)
Ayaw turuan ng mga Kastila sa Pilipinas ang mga indio dahil alam nilang matatalino ang mga ito at kapag
tinuruan ng wikang Espanyol ay maiintindihan ang ginagawang panloloko sa kanila
Pilipinas lang ang dating kolonya ng Espanya na di natutong magsalita ng Espanyol (maliban sa mga
intelektwal na nasa alta sociedad at gitnang uri/middle class)

ABAKADA
- mula kay Lope K. Santos (1940)
- binubuo ng 20 letra
- lima (5) ang patinig (a, e, i, o, u)
- labinglima (15) ang katinig (b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, o, w, y)
Alpabetong batay sa wikang Tagalog; binuo ni Lope K. Santos at naisapubliko sa aklat na Balarila ng
Wikang Pambansa (1940):
a b k d e g h i I m n ng o p r s t u w y

ALPABETONG PILIPINO (1976)


- binubuo ng 31 titik
- ang dating abakada na binubuo ng dalawampung (20) titik ay nadagdagan ng labing-isa (11) pang titik
mula sa abecedario. Ang mga naidagdag na titik ay: c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x at z

ALPABETONG FILIPINO (1987)


- binubuo ng 28 titik: lima (5) ang patinig at dalampu’t tatlo (23) naman ang katinig. Ang paraan ng
pagbigkas ay batay sa Ingles.

Kayarian ng mga Salita

Ano ba ang salita?


Ang salita ay pinagsama-samang titik na mayroong kahulugan
AASLIT
SALITA
Ang mga salita ay may apat na kayarian. Ang mga salita ay maaaring payak, maylapi, inuulit o tambalan.

1. Payak – ang salita ay binubuo lamang ng salitang-ugat. Ang salitang-ugat ay batayang salita ng iba
pang pinahabang mga salita. Samakatwid, ito ang salita sa basal o likas na anyo – walang paglalapi, pag-
uulit, o pagtatambal.
Mga Halimbawa:
awit
bayani
watawat
talino
halaga
yaman
pinto
sahig
pera
aklat
bintana

2. Maylapi – ang salita ay binubuo ng salitang-ugat at mga panlapi. Ang mga panlapi ay mga katagang
idinaragdag sa unahan, sa gitna, o sa hulihan ng mga salitang-ugat. May ibat’ibang uri ng mga panlapi.
a. Unlapi – ang panlapi ay matatagpuan sa unahan ng salitang-ugat.
Mga halimbawa:
mahusay
palabiro
tag-ulan
umasa
makatao
may-ari

b. Gitlapi – ang gitlapi ay matatagpuan sa gitna ng salitang-ugat. Ang mga


karaniwang gitlapi sa Filipino ay –in- at -um-
Mga halimbawa:
lumakad
pumunta
binasa
sumamba
tinalon
sinagot

c. Hulapi – ang hulapi ay matatagpuan sa hulihan ng salitang-ugat. Ang mga


karaniwang hulapi sa Filipino ay –an, -han, -in, at –hin.
Mga halimbawa:
talaan
batuhan
sulatan
aralin
punahin
habulin

d. Kabilaan - ang kabilaan ay binubuo ng tatlong uri. Ito’y maaaring:

1. Unlapi at Gitlapi
Mga Halimbawa:
isinulat
itinuro
iminungkahi
ibinigay

2. Unlapi at Hulapi
Mga Halimbawa:
nagkwentuhan
palaisdaan
kasabihan
matulungin

3. Gitlapi at Hulapi
Mga Halimbawa:
sinamahan
pinuntahan
tinandaan
hinangaan

e. Laguhan - ang panlapi ay binubuo ng tatlong magkakaibang uri: unlapi,


gitlapi, at hulapi.
Mga halimbawa:
pinagsumikapan
nagsinampalukan

3. Inuulit – ang buong salita o bahagi ng salita ay inuulit. May dalawang anyo ng pag-uulit ng mga salita.

a. Inuulit na ganap – ang buong salita, payak man o maylapi ay inuulit.


Mga Halimbawa:
taun-taon
masayang-masaya
bahay-bahay
mabuting-mabuti

b. Inuulit na di-ganap – bahagi lamang ng salita ang inuulit.


Mga Halimbawa:
pala-palagay
malinis-linis
susunod

4. Tambalan – ang salita ay binubuo ng dalawang magkaibang salitang pinagsama upang makabuo ng
bagong salita. May dalawang uri ng tambalang salita:

a. Tambalang salitang nanatili ang kahulugan


Mga Halimbawa:
isip-bata (isip na gaya ng bata)
buhay-mayaman (buhay ng mayaman)
abot-tanaw (abot ng tanaw)
sulat-kamay (sulat ng kamay)

Ang gitling sa pagitan ng dalawang salitang pinagtambal ay kumakatawan sa


nawawalang kataga sa pagitan ng pinagtambal na salita
b. Tambalang salitang nagbibigay ng bagong kahulugan
Mga Halimbawa:
hampaslupa (taong napakahirap ng buhay)
dalagangbukid (isang uri ng isda)
talasalitaan (bokabularyo)
hanapbuhay (trabaho)

Awiting Bayan o Kantahing Bayan

Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may pinakamalawak na paksa at uri. Ang mga paksa
nito’y nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon, at kabuhayan. Ito ay naglalaman
ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapaalala sa mga kabataan.

Uri ng kantahing bayan

1. Talindaw - Ang talindaw ay awit sa pamamangka o pagsagwan


2. Kundiman - ito ay awit sa pag-ibig.
3. Kumintang - ito ay awit sa pakikidigma.
4. Uyayi o Hele - ito ay awit na pampatulog ng sanggol

Nabibilang rin dito ang Tigpasin, awit sa paggaod; ang Ihiman, awit sa pangkasal; ang Indulain, awit ng
paglalakad sa lansangan at marami pang iba.

Mga halimbawa ng kantahing bayan

Ako'y Kampupot
Alembong
Anak dalita
Ang Dalagang Pilipina
Ang tapis mo inday
Bakya Mo Neneng
Bayan ko
Buhat
Carinosa
Dahil sa iyo
Dalagang Pilipina
Dungawin mo hirang
Gaano ko Ikaw Kamahal
Hahabol-habol
Halina sa kabukiran
Ikaw ang mahal ko
Katakataka
Kundiman ng lahi
Lambingan
Leron, Leron, Sinta
Maalaala mo kaya
Madaling araw
Mutya ng pasig
Nasaan ka irog
O maliwanag na buwan
Pahiwatig
Pakiusap
Pamaypay ng maynila
Pobreng alindahaw
Sa gabing mapanglaw
Sa Libis ng Nayon
Sa lumang simbahan
Sa Ugoy ng Duyan
Sampaguita
Sarung-Banggi
Silayan
Sinisinta kita
Sit-si-rit-sit
Ibat-ibang pagpapahayag

SINING NG PAGSASALAYSAY
Pagsasalaysay - Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang magkaugnay. katulad ito ng
pagkukwento ng mga kawil-kawil na pangyayari, pasulat man o pasalita.Itinuturing ito na
pinakamasining, pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag. Ito rin ang sinasabing
pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang alamat; epiko at mga kwentong
bayan.

Pagpili ng Paksa - Ito ang unang mahalagang hakbang sa pagsulat ng salaysay.


Kailangan ito ay maganda at kawili-wili. Bukod dito, mahalaga rin
ito ay napapanahon at may dalang pakinabang o kabutihan sa mga
babasa.

Ilan sa mga dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa ay ang mga sumusunod:

1. Kawilihan ng Paksa - Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang


damdaming pantao, may kapanapanabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at
may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.

2. Sapat na Kagamitan - mga datos na pagkukunan ng impormasyon.

3. Kakayahang Pansarili - ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan at


hilig ng manunulat.

4. Tiyak na Panahon o Pook - ang kagandahan ng isang kwento ay nakasalalay


sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na pinangyarihan
nito. kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong sakop ng
salaysay at pagbangggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng salaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa - sumusulat ang tao hindi para lamang sa kanya
pansariling kasiyahan at kapakinabangan kundi para sa kanyang mga
mambabasa.

ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA

1. Sariling karanasan - pinakamadali at pinakadetalyadong praan pagsasalaysay ng


isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng
mismong nagsasalaysay o magasasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba - maaring usapan ng mga tao tungkol sa isang
pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at
telibisyon at iba pa. Subalit, tandaan na hindi lahat ng
narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan.
mahalagnag tiyakin muna ang katotohanan bago
isulat.
3. Nabasa o Napanood - mga palabas sa sine, televisyon, dualng panteatro at iba pa.
4. Likhang - isip - mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalikha ng
isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap - Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maari ring
maging batayan ng pagbuo ng salaysay.

Katangiang Dapat Taglayin ng Salaysay

1. Ang pamagat ay maikli, orihinal, kapana-panabik at napapanahon


2. Mahalaga ang paksa o diwa
3. Maayos at di - maligoy ang pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari
4. Kaakit-akit na simula. Kasiya-siyang wakas

Mga Bahagi ng Salaysay o Kwento

1. Simula
2. Tunggalian
a. Tauhan laban sa ibang tauhan sa kwento
b. Tauhan laban sa sarili
c. Tauhan laban sa kapaligiran o kalikasan
3. Kasukdulan - ito ang kapanapanabik ng bahagi ng isang kwento.
4. kakalasan - ito ang nagbibigay linayw sa mga tanong na nagpanabik sa mambabasa sa
bahaging kasukdulan. dahan - dahang bumababa ang pananabik ng
mambabasa.
5. Wakas - kahihinatnan ng mga tunggalian sa kwento. Dito rin ipinapahayag ang
mahalagang kaisipan o mensahe sa kwento.

MGA URI NG SALAYSAY


1. Kwento ng Tauhan - Binibigyang - halaga sa kwento ang kilos, galaw, pananalita at
kaisipan ng isang tauhan.
2. Kwento ng Tagpuan - Binibigyang - diin ang lugar na pinangyarihan sa kwento.
3. Kwento ng Banghay - Higit na pinahahalagahan sa kwento ang makabuluhang
pangyayari at kalagayang ginagalawan ng mga tauhan.

MGA ANYO NG SALAYSAY

1. Maikling Kwento - nagdudlot ng isang kakintal sa isip ng mga mambabasa sa


pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
2. Tulang Pasalaysay - patulong pasalaysay ng mga pangyayari na gumagamit ng
pananalitang matalinhaga.
3. Dulang Pandulaan - binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang
kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok
at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kwentong ito ay isulat upang
itanghal.
4. Nobela - nahahati sa mga kabanata; punung - puno ng mga masalimuot na pangyayari.
5. Anekdota - pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
6. Alamat - tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay "Talaan ng Buhay" - pangyayaring naganap sa buhay ng isang tao
mula simula hanggang kamatayan.
8. Kasaysayan - pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao, pook
o bansa.
9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) - pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran,
pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.

PAGLALARAWAN

Paglalarawan - Ito'y isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong bumuo ng isang malinaw na larawan
sa isip ng mga mambabasa o nakikinig. sa pamamagitan ng paggamit ng tiyak na salitang naglalarwan,
gaya ng pang-uri at pang-abay, malinaw na naipakikita ang katangian ng tao, bagay, lugar o pangyayari
na ating nakikita, naririnig o nadarama. Napapagalaw at napakikislot din ng paglalarawan ang ating mga
guni-guni, imahinasyon at nakatatawag ng paningin at pansin ng mga mambabasa.

Mga katangian ng isang mahusay na paglalarawan

1. May tiyak at kawili-wiling paksa


2. Gumagamit ng wasto at angkop na pananalita.
3. Malinaw na pagbuo sa mga larawang nais ipakita.
4. Isinasaalang-alang ang pagpili ng sariling pananaw sa paglalarawan.

Iba't Ibang pananaw na magagamit:

a. distansya sa bagay na inilalarawan gaya ng agwat o layo nito


b. kung nasa loob o labas
c. ayon sa sariling palagay o damdamin ng naglalarawan bunga ng kanyang
karanasan o ng karanasan ng ibang tao.
d. ayon sa sariling palagay batay sa kanyang narinig o nabasa.

5. Pumupukaw ng higit sa isang pandamdam: Paningin; pandinig; pang-amoy; panlasa at


panalat.
6. May kaisahan sa paglalahad ng mga kaisipang inilalarawan
7. May tiyak na layunin sa paglalarawan.

Mga Uri ng Paglalarawan

1. Karaniwan o konkretong Paglalarawan - layunin nito ang magbigay ng kaalaman


hinggil sa isang bagay ayon sa pangkalahatang pangmalas ng manunulat. Sa
pamamagitan ng tiyak na salitang naglalarawan, naipakikita ang fisikal o konkretong
katangian. Higit na bib\nibigyang - diin sa paglalarawang ito kung ano ang nakikita at
hindi and nilalaman ng damdamin o kuru-kuro ng manunulat.

2. Masining/abstraktong Paglalarawan - naglalayung pukawin ang guni-guni at


damdamin ng mambabasa. Higit na nabibigyang diin dito hindi ang tiyak na larawang
nakikita kundi ang makulay na larawang nililikha ng imahinasyon. Gumagamit ito ng
mga salitang nagpapaganda rito gaya ng mga tayutay at iba pang mga salitang
patalinhaga.

Mga Halimbawa ng Masining o Obstratikong Paglalarawan:

1. Paglalarawan sa Tao
Halimbawa:
Sapagkat si Susana'y mukhang angel ng kagandahan sa kanya.
(Talulot sa pagas na Lupa - Landicho)

2. Paglalarawan sa Damdamin
Halimbawa:
Punung-puno ng nakatatakot na larawan ang kanyang ulo.
(O Pangsintang labis -Tumangan)

3. Paglalarawan sa Bagay
Halimbawa:
Ang dambuhalang makinang iyon ay waring isang kapangyarihang nalalamon.
(Makina - Marisa)

4. Paglalarawan ng tanawin o Lugar


Halimbawa:
Sa sinag ng bukang - liwayway ay tila nga naman nag-aanyayang kung paano ang bahay na malaki.
Tisang balot ng lumot sa bubong ay tila nagliliwanag. pati ang kurtinang gagalaw-galaw sa marahang
simoy ng hangin ay tila kumakaway.
(Kasalan sa Malaking bayan - Pineda)
PAGLALAHAD
Paglalahad - isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o
kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa. Sa Pamamagitan
ng paglalahad ay nagiging ganap ang pagkatuto ng isang tao dahil nabibigyan siya ng pagkakataong
makatuklas ng isang ideya o kaisipan na makapaghahatid sa kanya ng kasiyahan at kalinawan sa
paksang pinag-uusapan.
Itinuturing din ang paglalahad bilang isang uri ng pagpapaliwanag ng tao ukol sa mga bagay-bagay na
may kaugnayan sa kanyang mga gawaing pangkomunikasyon. Iba't ibang pamamaraan ang gamit ng tao
sa paglalahad lalo't sa parang pasalita o pabigkas.

Ngunit kapag ito ay sa paraang pasulat, mahalagang makita ang mga sumusunod upang maging
epektibo sa bumabasa.

1. Gawing malinaw ang paksa at sikaping malinaw din ang pagkasulat nito.
2. Gumagamit lamang ng mga salitan at pangungusap na madaling maunawaan.
3. Sikaping maging maayos ang organisasyon.
4. Panatilihin ang makatawag pansin na simula, ang mayamang bahagi ng katawan at
kapana-panabik na wakas.
5. Basahing muli ang isinulat at iwasto kung kinakailangan.
6. Pumili ng angkop na pamagat at isulat sa gitnang bahagi ng papel.

Mga katangian ng mahusay na paglalahad

1. Kalinawan - Malinaw ang paliwanag at angkop o tama ang mga salitang ginagamit.
2. Katiyakan - Nakafokus lamang sa paksang tinatalakay at tiyak ang layunin ng
pagpapaliwanaga. Iwasan ang mga bagay na di kaugnay sa tinatalakay.
3. Kaugnayan- magkaugnay ang mga pangungusap o talata.
4. Diin - binibigyang diin ang mga mahahalagang kaisipang nais talakayin.

Mga bahagi ng paglalahad

1. Simula - nakatatawag-pansin; nakakaakit; nakapupukaw;nakagaganyak at nakahahatak


ng kuryosidad.

Ilan sa mga halimbawa ng maaring simula:

a. Pagtatanong
b. Pagkukwento o Pagsasalaysay
c. Pagsipi o paghalaw ng isang saknong
d. Paggamit ng siniping pahayag
e. Dayalogo o usapan
f. Makatawag pansing pangungusap

2. Katawan o Gitna - binubuo ng talatang kinapalooban ng mga pangunahin at


pantulong na kaisipan upang maibigay ang detalye sa isang paksa. Dapat magkaroon
ng kaisahan, kaugnayan at diin ang mga kaisipan para hindi malito ang bumabasa.
3. Wakas - nag-iiwan ng isang impresyong titimo sa damdamin at kikintal sa isipan ng
mamababasa. gaya ng panimula, ang paglalahad ay maaaring wakasan sa iba't ibang
paraan. Balikan ang talakay tungkol dito na naisa-isa na sa mga naunang aralin.

Mga uri ng paglalahad


1. Pagbibigay Katuturan - napalilinaw nito ang pag-uunawa sa kahalagahan ng isang
bagay, tao, pangyayari, dinarama o konsepto.
2. Pagsunod sa Panuto/pamamaraan - Halimbawa nito ang pagsunod sa isang recepi o
paraan ng paglaro ng isang uri ng laro.
3. Pangulong Tudling/Editoryal - nagpapahayag ng opinyon o palagay ng editor ng
isang pahayagan o magasin tungkol sa napapanahong isyu.
4. Sanaysay - anyong panitikan na naglalahad ng kuru-kuro, pananaw, paniniwala at
damdamin ng manunulat, hango sa kanyangkaranasan at sa inaakalang palagay niya sa
katotohanan.
5. Balita - naglalaman ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa loob at labas ng bansa.
6. Pitak - karaniwang makikita sa mga pahayagan o magazin. Naglalaman ng reaksyon,
kuru-kuro at pansariling pananaw hinggil sa isang napapanahong isyu o pangyayaring
nagaganap sa kanyang paligid o sa iba pang pook. Tinatawag din itong kolum.
7. Tala - paglilista ng mga bagay-bagay na dapat gawin o tandaan.
8. Ulat - paglalahad ng mga kaisipan o kaalamang nakuha, natutunan o nasaliksik mula
sa binasa, narinig, nakita o naranasan.
Mga Pangunahing tuntunin sa Pagsulat

1. Iwasan ang pangawing na ay sa pangungusap


-higit na mabisa ang pangungusap kapag walang ay.
-naaangkop lamang ang ay bilang pangawing sa dalawang bahagi ng
pangungusap na di magkaugnay.

2. Gamitin ang wastong salita


Mali: Nang mabuksan niya ang bintana, tumagos sa silid ang liwanag.
Tama:Nang mabuksan niya ang bintana, pumasok sa silid ang liwanag.

3. Iwasan ang salitang hiram na hindi kailangan tulad ng:

pero
mas
sobra
siguro
pareho
para
masyado
para que
porque

Wastong gamitin ang para bilang pang-ukol.


Halimbawa:
Para sa iyo ang mga bulaklak na ito.

Wasto ring gamitin ang parang sa halip na tila.


Halimbawa:
Parang uulan.

4. Iwasto ang pagbabanghay ng mga pandiwa.

Mali
Tama
Kinakalimutan
kinalilimutan
kakalimutan
kalilimutan
ikinakabuti
ikinabubuti
ikakabuti
ikabubuti
ipinapagamot
ipinagagamot
ipapagamot
ipagagamot
ipinapagsama
ipinagsasama
ipapagsama
ipagsasama
nakakalungkot
nakalulungkot
nakakapagbigay
nakapagbibigay
nakakapang-akit
nakapang-aakit
ipapagawa
ipagagawa
pinapasigaw
pinasisigaw
pinapag-usapan
pinag-uusapan

5. Buuin ang banghay; hindi dapat mawala ang I sa simula o gitna ng pandiwa.
Mali:
Kinandado ko ang pinto.
Bakit mo inurong ang demanda?
Inakyat ko sa kwarto ang bentilador.
Dali-dali naming siyang sinakay sa kotse.

6. Gamitin nang wasto ang may at mayroon.

7. Gamitin nang wasto ang ng at nang.

8. Huwag gawing pandiwa ang salitang Ingles.

9. Iuna ang pangngalan sa pang-uri.

10. Idugtong ang pang-angkop na na sa salitang sinusundan kapag nagwawakas ito sa patinig na N.
Wasto: Nasunog kahapon ang tindahang binibilhan namin ng sapatos.
Mali: Nasunog kahapon ang tindahan na binibilhan namin ng sapatos.

11. Iwasan ang pagsusunud-sunod ng higit sa dalawang salitang nagtatapos sa –ng.


Wasto: Ayaw niyang maniwala na walang pasok sa Sabado.
Mali: Ayaw niyang maniwalang walang pasok sa Sabado.

12. Hindi na kailangan ang pantukoy na mga kapag ginagamit ang pangngalan bilang palasak.
Wasto: Murang-mura ngayon ang melon.
Kulang na kulang sa doktor ang nayon namin.
Mali: Murang mura ngayon ang mga melon.
Kulang na kulang sa mga doktor ang nayon namin.

13. Iwasan ang katagang walang silbi.


Wasto:Marami pa akong ikukwento sa iyo bukod sa narinig mo na.
Mali: Marami pa akong ikukwento sa iyo bukod pa roon sa mga narinig mo na.

14. Huwag lumikha ng sariling pandiwa o pandiwari.


Iwasan:
May kailangan siya kaya maganda ang pagsalita niya sa akin.
Huwag mong tapunin ang papel na iyan.
Sagutan mo na ang sulat ng nanay mo.

15. Gamitin ang wastong gitlapi.

Mali
Tama
ihinihiwalay
inihihiwalay
ilinalabas
inilalabas
iwinawasiwas
iniwawasiwas
16. Baybayin nang buo ang mga salita.
Mali:
Lumakas ang ulan nung mag-aalas singko.
Nauunawaan ko na yung ipinaliliwanag mo.
Huwag niyong kalilimutan ang bilin ko.
Ke dami mo naming sinasabi.
Mataas siya kesa sa iyo.
Baka hindi mo siya Makita uli.
Nasa taas ng aparador ang hinahanap mo.
Nagdadalwang isip ako tungkol sa balak natin.
Konti na akong masagasaan kanina.
Ba’t lagi kang nakasimangot?

Iwasan din ang paggamit ng ewan at ayoko.


Sa pagsulat, gamitin ang lamang, hindi ang kolokyal na lang.
Ang pangngalan ay bahagi ng pananalita na tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, lugar, bagay, pook,
pangyayari at kaisipan.

Halimbawa:
nars
Felisa
aso
Luneta
kompyuter
binyag
kasalan
kapayapaan

Dalawang Uri ng Pangngalan

1. Pambalana (Common) - Ito ay tumutukoy sa pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, lugar, bagay,
pook, pangyayari at kaisipan.

Halimbawa:
doctor
paaralan
bulaklak
pusa

2. Pantangi (Proper) - Ito ay tumutukoy sa tiyak o tanging ngalang ng tao, hayop, lugar, bagay, pook,
pangyayari at kaisipan. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.

Halimbawa:
Dr. Santos
Don Alejandro Roces High School
Bantay
Araw ng Kalayaan
Ang pangngalan ay may apat na kasarian. Ito ay ang sumusunod:

1. Panlalaki - bumabanggit sa tiyak na ngalan ng lalaki.

Halimbawa:
tatay
lolo
kuya
ninong
pastor

2. Pambabae - bumabanggit sa tiyak na ngalan ng babae.

Halimbawa:
nanay
lola
ate
ninang

3. Di-tiyak – kung ito’y tumutukoy sa ngalang pambabae or panlalaki

Halimbawa:
guro
doktor
pulis
manggagamot

4. Walang Kasarian o pambalake - kung ito’y bumabanggit sa mga pangngalan na walang buhay

Halimbawa:
silya
saging
Ano ang panghalip

Ang panghalip (o pronoun) ay bahagi ng pananalita na inihahali o ipinapalit sa pangngalan (noun) upang
mabawasan ang paulit-ulit na pagbanggit sa pangngalan na hindi magandang pakinggan.

Halimbawa:
1. Si Maria (pangngalan) ay pumunta sa palengke. Si Maria (pangngalan) ay bumili ng bangus. Bumili rin
si Maria ng mga gulay.
Si Maria ay pumunta sa palengke. (Maaaring hindi na muna ihalili ang panghalip
sa pangngalan sa unang pangungusap dahil hindi mauunawaan ang susunod na
mga pangungusap.) Siya ay bumili ng bangus. Bumili rin siya ng mga gulay.
2. Ibigay mo ang mga aklat kay Rosa
Ibigay mo ang mga ito sa kanya.

3.Kay Mila ang mga rosas na nasa mesa.


Sa kanya ang mga iyan.

4. Sina Jose at Pedro ay naliligo sa ilog.


Sila ay naliligo sa ilog.

5. Ang pag-heheersisyo ay mabuti sa katawan ni Juan.


Ito ay mabuti sa katawan niya.-
Mga Gamit ng Panghalip

Ginagamit Bilang Simuno o Paksa ng Pangungusap

Halimbawa:
Ikaw ay matalino.
Ang kotseng ito ay para sa iyo.

Ginagamit Bilang Panaguri ng Pangungusap


Halimbawa:
Ang lapis ay kanya.
Ang mansanas ay kanila.

Ginagamit Bilang Panuring Pangngalan

Halimbawa:
Ang ganitong kulay ay maganda.
Ang ganiyang tatak ng relo ay maganda.

Ginagamit Bilang Pantawag

Halimbawa:
Ikaw, halika dito.
Kayo, hindi ba kayo kakain?
Ikaw, umalis ka na.
Sila, hindi pa ba sila sasama?

Ginagamit Bilang Kaganapang Pansimuno

Halimbawa:
Tayo ay aalis na.
Iyan ang pag-aaralan mo.

Ginagamit Bilang Layon ng Pang-ukol


Halimbawa:
Nagpapaganda si Ana para sa iyo.
Para sa akin ito.

Ginagamit Bilang Tagaganap ng Pandiwa sa Balintiyak na Ayos

Halimbawa:
Binigyan niya sila ng pera.
Ang prutas na pinitas ko ay matamis.
Mga Uri ng Panghalip

1. Panghalip na Panao (Personal Pronoun)– ay ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong


kausap at sa taong pinag-uusapan. May kailanan ang panghalip na panao. Ito ay maaaring isahan,
dalawahan at maramihan, tulad ng - ako, ko, akin, amin, kami, kayo, atin, inyo, kita, kata, mo, siya,
kanila, siya, kanya

Halimbawa:
Taong Nagsasalita
(Isahan: Ako, akin, ko)
a. Ako ay pupunta sa Maynila.
b. Akin ang laruang hawak mo.
c. Ibigay ko ito sa aking ina.
(Dalawahan: kita, kata)
a. Kita nang maligo sa ulan. (Maligo tayong dalawa sa ulan.)
b. Kata nang manood ng sine. (Manood tayong dalawa ng sine.)

(Maramihan: Tayo, kami, natin, naming, atin, amin)


a. Tayo nang pumunta sa Antipolo.
b. Kami ay kakain sa JoliMc.
c. Bisitahin natin si Lola.
d. Atin ang pulang kotse.
e. Amin ang bahay na kulay bughaw.

Taong Kausap:
(Isahan: Ikaw, ka)
a. Ikaw ang iniibig ko.
b. Pumunta ka sa opisina ng punong-guro.

(Dalawahan: kita, kata)


a. Magkikita kita sa tapat ng monumento ni Gat. Jose Rizal.
b. Maghuhulog kata ng pera sa bangko.

(Maramihan: Kayo, inyo, ninyo)


a. Kayo ang kanyang mga magulang.
b. Sa inyo ang asong nasagasaan.
c. Nasusunog ang bahay ninyo!
Taong Pinag-uusapan:
(Isahan: Siya, niya, kanya)
a. Siya ang sumuntok sa akin.
b. Binigyan niya ako ng kendi.
c. Ibibigay ko ang damit na ito sa kanya.

(Dalawahan: kita, kata)


a. Ayaw nila kata sa atin. (Ayaw nila sa ating dalawa.)
b. Kita ay pinayagan nilang magpakasal sa huwes.

(Maramihan: Sila, kanila, nila)


a. Nagbigay sila ng donasyon sa simbahan.
b. Kanila ang ospital na iyon.
c. Bibigyan nila tayo ng mga pasalubong.

2. Panghalip na Pamatlig (Demonstrative Pronoun) – ay inihalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar na


kinalalagyan ng pangngalan. Iinihalili rin ito sa pangngalan na malapit o malayo sa nagsasalita,
kinakausap o nag-uusap.
Malapit sa Nagsasalita
-ito/ ire ( Ito ay masarap na prutas. Ire ay ibinigay sa akin ng aking butihing ina.)
-heto ( Heto na ang pasalubong ko sa inyo.)
-dito ( Dito ka maghiwa ng mga gulay.)

Malapit sa Kausap
-iyan ( Iyan ang libro ko.)
-hayan/ ayan (Hayan/Ayan na sa likod mo ang asong ulol!)
-diyan (Diyan mo ilapag ang mga bayong.)

Malayo sa Nag-uusap
-iyon (Iyon ang bahay nila Paulo.)
-hayun/ ayun (Hayun/Ayun ang magnanakaw!)
-doon (Doon tayo kumain.)

3. Panghalip na Panaklaw (Indefinite Pronoun)- ay mga panghalip na sumasaklaw sa kaisahan at dami o


kalahatan ng kinatawang pangngalan, tulad ng - lahat, madla, sinuman, alinman, anuman, pawang

Nagsasaad ng Kaisahan
a. Isa (Isa tayo sa pinagpala ng Diyos.)
b. Isapa (Isapa ang pagpuputol ng kahoy sa gubat.)
c. Iba (Iba ang bahay sa tahanan.)
d. bawat isa (Bawa't isa ay mayroon tungkulin sa bayan.)

Nagsasaad ng dami o kalahatan


a. Lahat (Lipulin ang lahat ng peste!)
b. Madla (Mananagot siya sa madla dahil sa kanyang kabuktutan.)
c. Pulos (Pulos kalokohan ang pinagsasabi niya.)
d. Balana ( Iniisip nila na walang ginawa si Pangulong Marcos para sa kabutihan ng balana.)
e. Pawang (Ang iginanti niya ay pawang kabutihan.)
4. Panghalip na Patulad – ay inihalili sa itinutulad na bagay.
Ganito/Ganire - Malapit sa nagsasalita
Ganito/Ganire ang paggawa niyan.
Ganito/Ganire kung umarte si Nora Aunor.

Ganyan - Malapit sa kausap


Ganyan nga kung umiyak si Momay.

Ganoon - Malayo sa nag-uusap


Ganoon ang tamang pagtatapas ng niyog

5. Panghalip na Pananong (Interrogative Pronoun) - inihahalili sa pangngalan kung nagtatanong.

Halimbawa:
ano, anu-ano, sino, sinu-sino, nino, alin, alin-alin
a. pangtao (sino, kanino)
Sino ang umutot?
Sino ang kumuha ng bolpen ko?
Kanino ang kalamay na ito?
Kanino kaya ang mapupunta ang gantimpala?

b.bagay, hayop, lugar (ano, alin)


Ano ang laman ng kahon?
Alin dito ang sa iyo?

c. bagay, hayop, lugar, tao (ilan)


Ilan sa inyo ang sasali sa paligsahan?
Ilang halaman ang ating dadalhin?

6. Panghalip na Pamanggit (Relative Pronoun) - Ito ay kataga o parirala ng tagapag -ugnay ng dalawang
kaisipan o pananalita. Ginagamit ang daw,raw,umano,diumano,ani,sa ganang akin/iyo.

Halimbawa:
Ang pagpapatawad daw ang pinakamatamis na paghihiganti.
Kaukulan ng Panghalip

1. Kaukulang palagyo- kung ang panghalip ay ginagamit bilang simuno(subject) ng pangungusap.


Halimbawa:
1. Siya ay tutungo sa kapitolyo upang ilatag sa gobernador ang ating mga kahilingan.
2. Tayo ay magtitipid upang mabili natin ang gusto nating mga laruan.
3. Sila ay mga kinatawang nangungurakot sa kaban ng bayan.

2. Kaukulang Paari - Ito ay nagsasaad ng pang-aangkin nag isang bagay sa loob ng pangungusap.
Unang Panauhan (akin, ko, amin, atin, naming, natin)
Ikalawang Panauhan(mo, iyo, ninyo, inyo)
Ikatlong Panauhan(niya, kaniya, nila, kanila)

Halimbawa:
1. Ang bahay nila ay malapit sa paaralang iyong papasukan.
2. Ang aking lolo ay isang sastre.
3. Ang inyong damit ay nalabhan na.

3. Kaukulang Palayon - ginagamit na layon ng pang-ukol (preposition) o pandiwa (verb).


Halimbawa:
1. Ang batas na ito ay makasasama para sa madla.
2. Ang kamalig ay sinunog nila.
Pandiwa
Kaganapan ng Pandiwa

Kaganapan ng Pandiwa - bahagi ng panaguri (predicate) na nagpapahayag ng ganap na kahulugan sa


pandiwa. Kung ang pokus ng pandiwa ay ang relasyon nito sa paksa, ang kaganapan ng pandiwa ay ang
relasyon naman ng panaguri sa pandiwa.

1. Kaganapang Tagaganap- bahagi ng panaguri na gumaganap sa kilos na isinasaad ng pandiwa.


Makikilala ito gamit ang mga pananda na ni at ng.

Halimbawa:
1. Ikinalungkot ng mga Filipino ang pagkatalo ni Manny Pacquaio sa katunggaling si Juan Marquez.
(Ikinalungkot nino?)
2. Kinakain ni Liza ang tsamporadong gawa ni Nanay Huling. (Kinakain nino?)

2. Kaganapang Layon - bahagi ng panagri na nagsasaad ng bagay na tinutukoy o ipinahahayag ng


pandiwa. Ginagamit din dito ang panandang ng.

Halimbawa:
1. Si Pedro ay bibili ng bagong laptop sa SM Megamall. (Bibili ng ano?)
2. Nagpamudmod sila ng salapi. (Nagpamudmod sila ng ano?)

3. Kaganapang Tagatanggap - bahgi ng panaguri na nagpapahayag kung sino ang makikinabang sa kilos
na isinasaad ng pandiwa. Ang mga panandang para sa at para kay ay kalimitang ginagamit dito.

Halimbawa:
1. Nagbigay ng donasyon ang Pamilya Santos para sa mga sinalanta ng bagyong Juan. (Para kanino ang
donasyong ibinigay?)
2. Nagbuwis siya ng buhay para kay Lolo Jose.

4. Kaganapang Ganapan - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng lugar o pook na pinaggaganapan ng kilos


na ipinahahayag ng pandiwa.

Halimbawa:
1. Nanood ng palatuntunan sa silid-aklatan ang mga mag-aaral. ( Saan nanood ang mga mag-aaral?)
2. Pupunta kami sa Manila Zoo.

5. Kaganapang Kagamitan - bahagi ng pnaguri na nagsasaad kung anong bagay o kagamitan ang
ginagamit upang maisagawa ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa.

Halimbawa:
1. Iginuhit niya ang larawan ni Mona Lisa sa pamamagitan ng krayola.
2. Pinatay niya ang ahas gamit ang karit.

6. Kaganapang Direksyunal - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng direksyong isinasaad ng kilos na


ipinahahayag ng pandiwa.

Halimbawa:
1. Namasyal sila sa Luneta buong maghapon.
2. Nagsunog siya ng kilay sa silid-akalatan.

7. Kaganapang Sanhi - bahagi ng panaguri na nagsasaad ng dahilan ng pagkakaganap ng kilos na


isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa:
1. Nagwagi siya sa eleksyon dahil sa kabutihan ng kanyang puso.
2. Nagtagumpay siya sa buhay dahil sa kanyang kasipagan.
Nakakabuo ng mga pandiwa sa pananagutan ng paglalapi. Ang mga panlaping ginagamit upang makabuo
ng pandiwa ay mga panlaping makadiwa

May limang paraan ng paglalapi upang makabuo ng pandiwa

1. Unlapi – ikinakabit ang panlapi sa unahan ng salita.


Halimbawa: umasa, uminom, magbili, pag-iisip

2. Gitlapi – kung ang panlapi’y sa loob ng salita nagsisingit.


Halimbawa: lumipat, binili, tumangkilik, sinabi

3. Hulapi – ang panlapi’y nasa hulihan ng salita ikinakabit


Halimbawa: samahan, awitin, hulihin, bayaran

4. Kabilaan – may unlapi at hulapi; ang salita’y nagigitnaan ng mga panlapi.


Halimbawa: matulungan, pag-aralan, mag-awitan

5. Laguhan – may unlapi, gitlapi, hulapi; ang panlapi ay nsa una, gitna at hulihan ng salita.
Halimbawa: pagsumikapan, magdinuguan
ng pandiwa ay bahagi ng pangungusap na nagpapahayag ng kilos, gawa o kalagayan,

Mga Uri ng Pandiwa ayon sa Kaukulan


1. Payak - ipinalalagay na ito ang simuno (subject).

Halimbawa:
Lubos na mahirap ang nangungurakot sa kaban ng bayan.

2. Katawanin - Ito ay mga pandiwang nagpapahayag na ganap ang kilos na ginagawa ng simuno. Hindi
na ito nangangailangang ng tuwirang layong.

Halimbawa:
Ang mag-anak ay kumakain ng sabay-sabay. Nagkukuwentuhan pa sila pagkatapos.

Ang salitang kumakain ay ang salitang nagsasaad ng kilos (pandiwa). Ang gumaganap ng kilos ay ang
mag-anak na siyang simuno ng pangungusap.

3. Palipat - Ito ay mga pandiwang nangangailanangan pa ng tuwirang layon (direct object). upang
mabuo ang kaisipang nais nitong ipahayag. Ang layong ito ay pinangungunahan ng mga katagang ng,
mga, kay at kina.

Halimbawa:
Nagpadala ng mga pagkain sa mga katipunero si Tandang Sora.
Nagbigay ng magandang halimbawa sa mga kabataan si Dr. Jose Rizal.
Nagsampay ng damit si Maria.

Tandaan: Ang tuwirang layon ay siyang tagatanggap ng kilos na isinasaad ng pandiwa. Ito ay maaaring
pangngalan o panghalip na nagbibigay ng kumpletong kahulugan sa kilos na ginagawa ng simuno o ng
tagaganap ng kilos. Karaniwan ito ay sumasagot sa tanong na ano o kanino.

Mga Aspekto ng Pandiwa

1. Perpektibo – Ito ay nagsasabi ng kilos na natapos na ang sinimulang kilos. Tinatawag din itong
panahunang pangnagdaanan o aspektong naganap.
Halimbawa:
Nagpaalam kami sa nanay mo nang kami’y umalis.
Nagpirito ng isda si Mang Kulas
2. Imperpektibo o Pangkasalukuyan – Ito ay nagsasaad ng kilos na laging ginagawa o kasalukuyang
nangyayari. Tinatawag din itong panahunang pangkasalukuyan o aspektong nagaganap.
Halimbawa:
Hayan at umuulan na naman.
Naglalaba ng mga damit si Aling Bining sa ilog
3. Kontemplatibo – Ito ay nagpapahayag na ang kilos ay hindi pa nasisimulan o naisasagawa. Ito ay
gagawin pa lamang. Tinatawag din itong panahunang panghinaharap o aspektong magaganap.
Halimbawa:
Magagawa mo ba ang bagay na ito?
Magbibigay ng pagsusulit ang guro bukas ng hapon.
4. Tahasan - ginaganap ng simuno ang isinasaad ng pandiwa.
Halimbawa:
Si Jose Rizal ang sumulat ng Noli Me Tangere.
5. Balintiyak - hindi ang simuno ang gumaganap sa isinasaad ng pandiwa.

Halimbawa:
Ang pagtatayo ng gusali ay pinasinayahan ng punong-lungsod
Kailanan ng Pandiwa
1. Isahan - ang pandiwa ay nasa payak na anyo.
Halimbawa:
Ang guro ay nagtuturo sa mga bata.
2. Maramihan - marami ang simuno at kilos na isinasaad.
Halimbawa:
Nagsisipalakpakan ang mga nanonood sa programa.
Mga Panagano ng Pandiwa

Isang kakanyahan ng pandiwa ang pagtataglay ng iba’t ibang anyo ayon sa panahon at panagano. May
apat na panagano ng pandiwa.

1. Pawatas – binubuo ng makadiwang panlapi at salitang-ugat, walang panahon ni panauhan


Mga Halimbawa
Ang magsabi ng totoo’y tungkulin ng tao.
Ang umaawit ng opera ay isang karangalan.

2. Pautos - walang kaibahan sa anyo ng pawatas. Ito’y wala ring tiyak na panahon at ginagamit sa pag-
uutos o pakiusap.
Mga Halimbawa
Umibig tayo sa Diyos.
Magkawanggawa tayo sa mga nagigipit.
Igalang ang karapatan ng isa’t isa.

3. Paturol – Iba sa lahat sapagka’t nag-iiba ang anyo ng pandiawa sa iba’t ibang aspekto ang
perkpektibo, imperpektibo at kontemplatibo.
Mga Halimbawa
Ugat Panlapi Perpektibo Imperpektibo Kontemplatibo
1. luhod um lumuhod lumuluhod luluhod
2. dasal mag nagdasal nagdarasal magdarasal
3. dasal in dinasal dinarasal darasalin
4. buti in ibinuti ibinubuti ibubuti

4. Pasakali – walang kaibahan sa paturol nguni’t ginagamitang lagi ng mga pangatnig o pang-abay upang
maipahayag ang kalagayang pasubali.
Mga Halimbawa:
1. Baka matuloy kami kung may sasakyan.
2. Kung nabuhay siya disi’y Masaya ako ngayon.
3. Marahil naghihinanakit siya sa atin ngayon.
Mga Pokus ng Pandiwa

Pokus ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa sa simuno o paksa ng pangungusap.


Naipapakita ito sa pamamagitan ng taglay na panlapi ng pandiwa.

1. aktor-pokus o pokus sa tagaganap

Ang paksa ang tagaganap ng kilos na isinasaad ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na
"sino?".
(mag- , um- , mang- , ma- , maka- , makapag- , maki- , magpa-)
Halimbawa:
Naglunsad ng proyekto ang mga kabataan.
Nagluto ng masarap na ulam si nanay para sa amin.
Bumili si Rosa ng bulaklak.
Si Ian ay humingi ng payo sa kanyang kapatid tungkol sa kanyang suliranin.

2. pokus sa layon

Ang paksa ang layon ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "ano?".


(-in- , -i- , -ipa- , ma- , -an)
Sa Ingles, ito ay ang direct object.
Halimbawa:
Nasira mo ang mga props para sa play.
Ang ulam na masarap ay niluto ni nanay para sa amin.
Binili ni Rosa ang bulaklak.

3. lokatibong pokus o pokus sa ganapan

Ang paksa ang lugar na ginaganapan ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "saan?".
(pag-/-an , -an/-han , ma-/-an , pang-/-an , mapag-/-an)
Halimbawa:
Pinagtaniman namin ang bukiran ng maraming gulay.
Pinuntahan ni nanay ang kusina ng bahay para magluto ng masarap na ulam.
Ang tindahan ang pinagbilhan ni Rosa ng bulaklak.
Pinadausan ng paligsahan ang bagong tayong entablado.
Ano ang pangatnig?
Tinatawag na pangatnig ang mga kataga o lipon ng mga salitang nag-uugnay sa dalawang salita,
parirala sa kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay upang maipakita ang dalawa o higit pang kaisipan
sa loob ng pangungusap. Ang pangatnig ay ginagamit din sa mga pangungusap na tambalan, hugnayan
at langkapan.

Ito ay nahahati sa dalawang pangkat :


1. Pangatnig na nag-uugnay sa magkatimbang na yunit.
(o, ni, maging, at, ‘t, ngunit, kundi) - pinagbubuklod ang kaisipang pinag-uugnay
Halimbawa:
Nakakuha ako ng tubig at tinapay.
Nakatulog ako’t nakapahinga.
Mangongopya ka ba o makikipagkwentuhan ka na lamang?

(ngunit, subalit, datapwat, bagamat, pero) - pangatnig na panalungat; sinasalungat ng ikalawang


kaisipan ang ipinahahayag ng nauuna.

Halimbawa:
Matalino si Villar subalit maraming isyung naglalabasan kaugnay sa kanya.
Mabait siya pero istrikto.

2. Pangatnig na nag-uugnay sa di-magkatimbang na yunit.


(kung, kapag, pag)

Halimbawa:
Iboboto ko siya kung wala nang ibang tatakbo na kasintalino niya.

(dahil sa, sapagkat, palibhasa) - nagpapakilala ng sanhi o dahilan


Halimbawa:
Maraming isyung naglalabasan kaugnay sa ilang politiko, palibhasa malapit na naman ang eleksyon.
(kaya, kung gayon, sana) - pangatnig na panlinaw
Halmbawa:
Wala raw siyang kasalanan kaya humarap pa rin siya sa media.
4. benepaktibong pokus o pokus sa tagatanggap
Ang paksa ang tumatanggap sa kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na "para
kanino?".
(i- , -in , ipang- , ipag-)
Sa Ingles, ito ay ang indirect object.
Halimbawa:
Kami ay ipinagluto ni nanay ng masarap na ulam.
Ibinili ni Rosa ng bulaklak ang Mahal na Birhen.

5. instrumentong pokus o pokus sa gamit


Ang paksa ang kasangkapan o bagay na ginagamit upang maisagawa ang kilos ng pandiwa sa
pangungusap; sumasagot sa tanong na "sa pamamagitan ng ano?".
(ipang- , maipang-)
Halimbawa:
Ang kaldero ang ipinangluto ni nanay ng masarap na ulam para sa amin.
Ipinampunas ni Marco ang basahan sa mesa.
Ipinanghambalos niya ang hawak na tungkod sa magnanakaw.
6. kosatibong pokus o pokus sa sanhi
Ang paksa ang nagpapahayag ng sanhi ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na
"bakit?".
(i- , ika- , ikina-)
Halimbawa:
Ikinatuwa namin ang pagluluto ng masarap na ulam ng aming nanay.
Ikinatuwa ni Ynez ang pagbili ng rosas ng kanyang nobyo para sa kanya.
Ikinalungkot ng bata ang hindi nila pagkikitang mag-anak.
7. pokus sa direksyon
Ang paksa ang nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa sa pangungusap; sumasagot sa tanong na
"tungo saan/kanino?".
(-an , -han , -in , -hin)
Halimbawa:
Sinulatan niya ang kanyang mga magulang.
Pinuntahan ni Henry ang tindahan para mamili ng kagamitan.
Mga uri ng pangatnig:

1. Pamukod - ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni, maging, at man.


Halimbawa:
a. Ikaw man o ako ay hindi maghahangad na siya ay mabigo.
b. Batid ko ang pagkapanalo ng ating grupo kung si Roger man ang piliing lider natin.
c. Walang diprensiya sa akin maging si Jose ang magwagi sa paligsahan.
d. Ni sermunan ni saktan ay hindi ko ginagawa sa aking anak.

2. Panubali - nagsasabi ito ng pag-aalinlangan, gaya ng: kung, kapag, pag, sakali, disin sana.
Halimbawa:
a. Kung uulan, hindi matutuloy ang ating palatuntunan.
b. Hindi tayo matutuloy sa sine kapag hindi umuwi nang maaga ang tatay.
c. Pag umulan, hindi makakapunta rito si Boyet.
d. Hindi tayo makakahuli ng maraming isda sakaling lumitaw ang buwan.

3. Paninsay - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang bahagi nito. Gaya ng:
ngunit, datapwat, subalit, bagaman, samantala, kahiman, kahit.
Halimbawa:
a. Nakatakda siyang umani ng tagumpay kahit (kahit na) maraming naninira sa kanya.
b. Nakatapos si Ramon ng medisina bagaman tindera lang sa palengke ang kanyang ina.
c. Nanalo pa ring musa si Rosa datapwat may mga kaibigang bomoto sa kalaban niya.
d. Maganda nga ang kaibigan mo ngunit suplada naman.

4. Pananhi - nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang mga ito ay: dahil
sa, sanhi sa, sapagkat, mangyari.
Halimbawa:
a. Namaos siya dahil sa matagal na pagtatalumpati.
b. Sanhi sa init ng panahon kaya siya nilagnat.
c. Umapaw ang ilog sapagkat walang tigil ang ulan.
d. Nahilo si Anna mangyari ay ikot siya nang ikot.

5. Panapos - nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita, gaya ng: upang, sa lahat ng ito, sa
di-kawasa, sa wakas, at sa bagay na ito.
Halimbawa:
a. Sa di-kawasa, ang pulong ay tinapos na.
b. Makukuha ko na rin sa wakas ang inaasam kong promosyon sa trabaho.
c. Sa lahat ng ito, dapat tayong magkaisa.
d. Sa bagay na ito, nasa ating mga kamay na ang paghuhusga.

6. Panlinaw - ginagamit ito upang ipaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit.
Halimbawa:
a. Nagkasundo na ang mag-asawa, kung gayon magsasama na silang muli.
b. Nahuli na ang tunay na maysala kaya makakawala na si Berto.

7. Panimbang - ginagamit sa paghahayag ng karagdagang impormasyon at kaisipan, gaya ng: at - saka,


pati, kaya, anupa’t.
Halimbawa:
a. Sina Jose at Pedro ay nagtungo sa bukid.
b. Pati ang gamit ng iba ay kanyang iniligtas.
c. Anupa't pinagbuti niya ang kanyang pag-aaral para makaahon sa kahirapan.
d. Nagtanim siya ng upo at saka patola.

8. Pamanggit - gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng: daw, raw, sa ganang akin/iyo, di umano.
Halimabawa:
a. Sa ganang akin, ang iyong plano ay mahusay.
b. Siya raw ang hari ng sablay.
c. Di umano, mahusay umawit si Blanca.
d. Masisipag daw ang mga taga-Ilokos.

9. Panulad - tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng: kung sino…siyang, kung ano…siya rin, kung
gaano…siya rin.
Halimbawa:
a. Kung ano ang mga nangyayari noon, siya ring mangyayari ngayon
b. Kung sino ang unang tumakbo, siyang mananalo.
c. Kung gaano ang iyong itinulong, siya ring ibibiyaya sa iyo.
Pang-ukol

Ang pang-ukol o preposition sa wikang Ingles ay bahagi ng pananalitang nag-uugnay sa pangngalan,


panghalip, pandiwa at pang-abay sa ibang salita sa pangungusap.

Pang-ukol ang ginagamit upang matukoy kung sang lunan o kung anong bagay ang mula o tungo, ang
kinaroroonan, ang pinangyarihan o kina-uukulan ng isang kilos, gawa, balak ari o layon. Ang mga ito ay
lagging may layon na maaaring isang pangngalan o isang panghalip.

Mga uri o mga karaniwang pang-ukol

sa/sa mga
ng/ng mga
ni/nina
kay/kina
sa/kay
labag sa
nang may
tungkol sa/kay
alinsunod sa/kay
hinggil sa/kay
nang wala
para sa/kay
laban sa/kay
ayon sa/kay
tungo sa
mula sa

Dalawang pangkat ng Pang-ukol

1. Ginagamit na pangngalang pambalana : ukol sa, laban sa, hinggil sa, ayon sa, tungkol sa, para sa.

Mga Halimbawa:
1. Ukol sa pilipino ang paksa ng usapin.
2. Ang mga piling manggagawa ay binigyan ng bunos
3. Laban sa manggagawa ang kanilang pinapanukala.
4. Ang mga aklat na ito ay para sa mahihirap.

2. Ginagamit sa ngalan ng tanging tao - ang gawa, ari, layon, at kilos ay para lamang ngalan ng tao,
tulad ng ukol kay, laban kay, para kay, tungkol kay, ayon kay, hinggil kay.

Mga Halimbawa:
1. Ang gantimpalang pera ay ukol kay Maria.
2. Para kay Juan ang pagkaing ito.
3. Hinggil kay Enrico ang kanilang problema.
4. Ang kanyang nilutong adobo ay para sa lahat.
5. Ayon kay Rizal, ang pananaliksik ay nagdaragdag sa ating kaalaman.
Mga Gamit ng Pang-ukol

Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay.


Halimbawa:
Ang pera ay nasa loob ng kuwarto ni Lana.

Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari.


Halimbawa:
Ang bagong damit ay para kay Lita.

Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o panghalip.


Halimbawa:
Ang kanyang talumpati ay para sa kababaihan.
Marami siyang kinuwento tungkol sa pagpapalago ng negosyo
Ang Pang-angkop (Ligatures)

Pang-angkop - ay mga katagang idinudugtong sa pagitan ng dalawang salita upang maging kaaya-aya
ang pagbigkas ng mga ito at magkaroon ng ugnayang panggramatika. Ito ay maaaring matagpuan sa
pagitan ng pang-uri at pangngalan. Ang pang-angkop ay ang mga katagang na, ng at g.

Tatlong pang-angkop sa pag-uugnay ng mga salita

1. Pang-angkop na -NA – Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita na kung saan ang naunang salita ay
nagtatapos sa mga katinig (consonant) maliban sa titik n. Isinusulat ito nang kahiwalay sa mga salitang
pinag-uugnay.

Halimbawa:
1. malalim – bangin = malalim na bangin
2. mataas – tao = mataas na tao
3. feel – feel = feel na feel
4. yamot – yamot = yamot na yamot
5. tulay – bato = tulay na bato

2. Pang-angkop na -NG – Ito ay isinusulat karugtong ng mga salitang nagtatapos sa mga patinig
(vowel). [a, e, i, o u].
Halimbawa:
1. malaya – isipan = malayang isipan
2. malaki – bahay = malaking bahay
3. buo – buo = buong-buo
4. madamo – hardin = madamong hardin
5. sombrero – pandan = sumbrerong pandan

3. Pang-angkop na -G – ginagamit kung ang salitang durogtungan ay nagtatapos sa katinig na n

Halimbawa:
1. aliwan – pambata = aliwang pambata
2. balon – malalim = balong malalim
3. pamayanan – nagkakaisa = pamayanang nagkakaisa
4. pamilihan – bayan = pamilihang bayan
5. institusyon – pangmental = institusyong pangmental
Ang pang-uri ay isang bahagi ng pananalita na binabago ang isang pangngalan, karaniwang
sinasalarawan nito o ginagawang mas partikular ito. Ang pang-uri ay nagbibigay ng turing sa isang
pangngalan o panghalip.

Apat ng Kayarian ng Pang-uri

1. Payak - Ito'y binubuo ng salitang-ugat lamang.


Halimbawa:
hinog, sabog, ganda, palit,sabay,nood,larawan
2. Maylapi - Ito'y mga salitang-ugat na kinakabitan ng mga panlaping Ka-, ma-, main,-hin, -in, mala-,
kasing-, kasim-, kasin-, sing-, sim-, -sin, at kay-.
Halimbawa:
kabataan, katauhan, tag-ulan, tag-init

3. Inuulit - Ito'y binubuo sa pamamagitan ng pag-ulit ng buong salita o bahagi ng salita.


Halimbawa:
pulang-pula, maputi-puti, dala-dalawa, halo-halo, ihaw-ihaw, pita-pita, sinu-sino,

4. Tambalan - Ito'y binubuo ng dalawang salitang pinagtatambal.


Halimbawa:
ningas-kugon, ngiting-aso, kapit-tuko, silid-aklatan, bahay kalinga, dapit-hapon
Dalawang uri ng Pang-uri
1. Pang-uring naglalarawan - Nagpapakilala ng uri o kabagayan ng isang pangalan o panghalip.
2. Pang-uring pamilang - Nagpapakita ng bilang ng pangngalan o panghalip.
Uri ng pamilang na pang-uri
1. Pamilang na patakaran o kardinal - ginagamit sa pagbilang o sa pagsasaad ng dami.
A. Kardinal na pamahagi - ginagamit kung may kabuuang binabahagi o pinaghahati-hati.
Halimbawa:
ikaisang bahagi, ikasampung bahagi, kalahati (1/2), kanim (1/6)

B. Kardinal na palansak o papangkat-pangkat - nagsasaad ng bukod sa pagsasama-


sama ng anumang bilang, tulad ng tao, bagay, pook atbp.
Halimbawa:
isa-isa, apatan, lilima, lalabing-isa, dadala-dalawampu
C. Kardinal na pahalaga - nagsasaad ng halaga ng mga bagay.
Halimbawa:
mamiso, tig-apat na piso
2. Pamilang na panunuran o ordinal - ginagamit sa pagpapahayag ng pagkakasunud-sunod ng tao,
Halimbawa:
Pangatlo si Maica sa magkakapatid.
3. Di-Tiyak
Halimbawa:
maramihan, iilan, kakaunti
Ang mga pang-uring pamilang ay ang mga sumusunod:

1. Patakaran - ito ay ang karaniwang paraan ng pagbilang.


Halimbawa:
Sampung mag-aaral ang tumanggap ng paghanga.
Sanlibong punongkahoy ang itinanim ng mga magsasaka.

2. Panunuran nagsasaad ng ayos o pagkakasunud-sunod ng mga tao o bagay.


Halimbawa:
Siya ay ikalawang humingi ng tulong.
Ako ay ikalima sa hanay.
3. Patakda - ito ay nagsasaad ng tiyak o hustong bilang.
Halimbawa:
Sasampung piso ang natira sa pera niya.
Si Teresa ay nag-iisang anak.

4. Pahalaga - ito ay tumuturing sa halaga ng isang bagay.


Halimbawa:
Tiglilimampiso ang bili ko sa mga aklat na ito.
Mamera ngayon ang halaga ng mga bayabas.

5. Pamahagi - nagsasaad ng pagbabahagi ng isang kabuuan.


Halimbawa:
Kalahatiang ibinigay ko sa kanyang buwanang sahud.
Kunin mo ang ikatlo ng pizza.

6. Palansak - nagsasaad ng maramihan o minsanang bagay.


Halimbawa:
Daang-libong piso ang pinuhunan ko sa kalakal.
Ang sasakyang ito ay may upuangpandalawahan.
Kaantasan ng Pang-uri

1. Lantay - Naglalarawan ang pang-uring lantay ng isang pangngalan o panghalip na walang


pinaghahambingan.
Halimbawa:
Kabigha-bighani ang pook na ito.

2. Pahambing - Nagtutulad ang pahambing sa dalawa o higit pang pangngalan o panghalip.


Halimbawa:
Ganggamunggong pawis ang namuo sa king noo.

a. Pahambing na magkatulad - Ipinakikilala ito ng mga panlaping ka-, ga-, sing-


/kasing- /magkasing- /magsing-. Ipinakikilala ang magkapantay na katangian ng
dalawang bagay na pinaghahambingan.
Halimbawa:
Magkakasingganda ang mga bulaklak sa hardin.

b. Pahambing na di-magkatulad - Ito ay kung hindi magkapantay ang katangian ng


pinaghahambingan.

• Pahambing na palamang - May katangiang nakahihigit sa pinaghahambingan.


Ginagamitan ito ng mga salitang higit at lalo at tinutulungan ng kaysa o kaysa kay.
Halimbawa:
Lalong kahali-halina ang mga bulaklak dito kaysa sa nakita ko sa Parke.

• Pahambing na pasahol - May katangiang kulang o kapos sa pinaghahambingan.


Tinutulungan ito ng mga salitang gaano, tulad ni, o tulad ng.
Halimbawa:
Di-gaanong magaganda ang mga moske sa Taguig kaysa sa mga makikita sa
Zamboanga.

3. Pasukdol - Ang pasukdol ay katangiang namumukod o nagngingibabaw sa lahat ng


pinaghahambingan.
Halimbawa:
Ang ganda-ganda ng Palawan.
Walang kaparis sa ganda si Glenda.
Ang pang-abay ay bahagi ng pananalitang nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri o kapwa pang-abay.

Ang pang-abay at pang-uri ay kapwa mga salitang naglalarawan. Ang pang-uri ay naglalarawan ng mga
pangngalan at panghalip samantalang ang pang-abay ay naglalarawan hindi lamang ng mga pandiwa
kundi gayundin sa mga pang-uri at kapwa nito pang-abay. Ito ay nahahati sa iba’t ibang uri.

Mga Halimbawa:

A. Mabilis na manlalaro si Lydia de Vega.


B. Mabilis siyang tumakbo noong siya'y bata pa.

Sa unang halimbawa, ang salitang mabilis ay naglalarawan sa salitang manlalala na isang pangngalan
samantalang sa pangalawang halimbawa, ang mabilis ay ginamit n panuring sa salitang tumakbo na
isang pandiwa. Samakatuwid ang salitang mabilis ay maaring maging pang-uri o pang-abay ayon sa
pananalitang nilarawan nito.
Mga Uri ng Pang-abay

1. Pang-abay na Pamanahon – nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng
pandiwa.
May pananda
Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang
Halimbawa
Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw?
Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak.
Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan
Walang pananda
Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb.
Halimbawa:
Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino.
Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika – 40 na kaarawan.
Nagsasaad ng dalas
Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb.
Halimbawa:
Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan.
Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang kanyang
kalusugan
2. Pang-abay na panlunan – tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa.
Karaniwang ginagamit ang pariralang sa/kay
Sa – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip.
Kay /kina – ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao.
Halimbawa:
Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina.
Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng keyk para sa iyong kaarawan.
3. Pang-abay na pamaraan – naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na
ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o na/-ng.
Halimbawa:
Kinamayan niya ako nang mahigpit.
Bakit siya umalis na umiiyak?
Tumawa siyang parang sira ang isip.
4. Pang-abay na pang-agam – nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa.
Mga halimbawa: marahil, siguro, tila, baka, wari, atb.
Halimbawa:
Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan.
Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa Ateneo Home Coming kaysa nakaraang taon.
Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.
5. Pang-abay na panang-ayon – nagsasaad ng pagsang-ayon. Hal. Oo, opo, tunay, sadya, talaga, atb.
Halimbawa:
Oo,asahan mo ang aking tulong.
Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan.
Sadyang malaki ang ipinagbago mo.
6. Pang-abay na pananggi – nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw.
Halimbawa:
Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser.
Ngunit marami parin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo.
7. Pang-abay na panggaano o pampanukat – nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong na
gaano o magkano.
Halimbawa:
Tumaba ako nang limang libra .
Tumagal nang isang oras ang operasyon.
8. Pang-abay na pamitagan – nagsasad ng paggalang.
Halimbawa:
Kailan po kayo uuwi?
Opo, aakyat na po ako
9. Ingklitik o paningit – mga katagang lagging sumusunod sa unang salita ng kayariang kinabibilangan
- Mayroong 16 anim na ingklitik sa Filipino
ba daw/raw pala man
kasi din/rin tuloy muna
kaya naman nga pa
na yata lamang/lang
sana
10. Pang-abay na kundisyunal – nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng
pandiwa
-Pinangungunahan ng kung, kapag o pag at pagka
11. Pang-abay na kusatibo – tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng
pandiwa
- Binubuo ng parirala o sugnay na pinangungunahan ng dahil sa
12. Pang-abay na benepaktibo – tawag sa mga pang-abay na nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao
dahil sa pagkaganap sa kilos ng pandiwa o ng layunin ng pandiwa.
13. Pang-abay na pangkaukulan - pinangungunahan ng tungkol, hinggil o ukol
Ang pantukoy ay katagang ginagamit sa pagtukoy sa tao, bagay, lunan o pangyayari. Ito'y nahahati sa
dalawang uri.

Mga halimbawa:
Ang bata ay umiiyak dahil wala siyang kaibigan.
Ang grupo ni Lapu-Lapu ay nakitunggali laban sa mga Español.
Si Lisa ay gumagawa ng Valentines card para sa kanyang ina.
Hinahanap ka nina David at Julia.
Kay Maria ko ibibigay ang mga rosas na ito.
Sa mga lilipat, mag-ingat po sa dadaanang tulay
Uri ng Pantukoy

Pantukoy na Pambalana - tumutukoy sa mga pangngalang pambalana


ang, ang mga, mga

ang (isahan)
Halimbawa:
Ang pinuno ay palaging naglilingkod sa kanyang mga nasasakupan.

ang mga (maramihan)


Halimbawa:
Nagtulung-tulong ang mga mag-aaral sa paggawa ng collage.

mga (maramihan)
Halimbawa:
Ang pinuno ay tinulungan ng kanyang mga tagasunod.

Pantukoy na Pantangi - tumutukoy sa pangngalang pantangi (tiyak na tao)


si, sina, ni, nina, kay, kina

si (isahan)
Halimbawa:
Si Gng. Arroyo ay nagsisikap upang mapabuti ang kalagayan nating mga Pilipino.

sina (maramihan)
Halimbawa:
Nanguna sa paglilinis ng baranggay sina G. at Gng. dela Cruz.
ni (isahan)
Halimbawa:
Napagalitan ni Coach Dimagiba ang mga manlalaro dahil hindi sila dumating sa oras.

nina (maramihan)
Halimbawa:
Hindi ikinatuwa ng guro ang pag-aaway nina Anton at Luis.

kay (isahan)
Halimbawa:
Ibinahagi ni Sofia ang kanyang keyk kay Sam.

kina (maramihan)
Halimbawa:
Nakipagkasundo na si Lukas kina Juan at Pedro.
angawing – ang AY ay palatandaan ng ayos ng pangungusap. Ibinabadya nito ang karaniwang ayos
pangungusap. Ang una ang panag-uri sa paksa ay nilalagyan ng pagbabago. Palataandaan ito na inilipat
ng posisyon ang bahaging paksa ng pangungusap. Ito ay pang-dugtong sa mga pangungusap na di-
karaniwang ayos
Halimbawa:
Ako ay galing sa banyo.
Ang pangungusap ay lipon ng mga salita na nagpapahayag ng buong diwa. Ito ay binubuo ng panlahat
na sangkap, ang panaguri at ang paksa subalit buo ang diwa.

Ang pangungusap ay may dalawang bahagi:

1. Simuno (subject) ay ang paksa o ang pinag-usapan sa pangungusap.


May mga panandang si, sina kung tao ang simuno at ang o ang mga kung bagay, lunan o pangayayari.

2. Panaguri (predicate) ito ay ang bahagi ng pangungusap na nagsasabi ng kung ano tungkol sa simuno.

Mga ayos ng pangungusap

May dalawang ayos ang pangungusap: karaniwan o tuwid at di-karaniwan o baligtad na ayos.

1. Karaniwan o Tuwid na ayos ng pangungusap.


Ito ay ang ayos ng pangungusap na kadalasang ginagamit natin lalo na sa mga pasalitang Gawain.
Nauuna ang panaguri o ang bahagi nito sa simuno ng pangungusap.

Mga Halimbawa
Punung-puno ng iba’t ibang damdamin / ang musika.
Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music / ang OPM.
Isang patunay / ito / ng pagiging malikhain ng mga Filipino.
Ang Punung-puno ng iba’t ibang damdamin, Nangangahulugang Orihinal Pilipino Music at isang patunay
ay pawang mga panaguri. At sila ay matatagpuan bago ang mga simuno ng pangungusap.

2. Di-Karaniwan o Baligtad na ayos ng pangungusap


Ito ang ayos ng pangungusap na nauuna ang simuno sa panaguri ng pangungusap. Ang panandang "ay"
ay kadalasang makikita sa mga pangungusap na nasa di karaniwang ayos.

Sa mga sumusunod na halimbawa, mapapansin na ang mga simuno na ang nauuna kaysa sa mga
panaguri.

Mga Halimbawa
Ang musika / ay punung-puno ng damdamin.
Ang OPM / ay nangangahulugang Original Pilipino Music.
Ito / ay isang patunay ng pagiging malikhain ng mga Filipino.

Uri ng pangungusap
Ayon sa gamit

1. Mga pangungusap na eksistensyal - nagpapahayag ng pagkamayroon ng isa o higit pang tao, atbp.
Pinangungunahan ito ng may o mayroon.

Halibawa:
Mayroon daw ganito roon.

2. Mga pangungusap na pahanga – nagpapahayag ng damdaming paghanga.

Halimbawa:
Kayganda ng babaing iyun!

3. Mga sambitlang – tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding


damdamin.

Halibawa:
Aray!

4. Mga pangungusap na pamanahon – nagsasaad ng oras o uri ng panahon.

Halimbawa:
Maaga pa.

5. Mga pormularyong panlipunan – mga pagbati, pagbibigay-galang, atbp. na nakagawian na sa lipunang


Pilipino.

Halimbawa:
Magandang umaga po.
Ayon sa tungkulin

Ang pangungusap ay may apat na uri ayon tungkulin, ito ay pasalaysay, patanong, pautos at padamdam.

1. Ang paturol na pangungusap ay tinatawag ding pasalaysay. Ito’y nagsasalaysay ng isang katotohanan
o pangyayari. Ito ay binabantasan ng tuldok.

Halimbawa:
Si Jose Rizal ay kinikilalang bayani ng ating lahi.
Magkikita-kita ang aming pamilya sa pagdating ni Rene.

2. Ang pangungusap na patanong ay nagpapahayag ng pagtatanong o pag-uusisa. Ito’y gumagamit ng


tandang pananong (?).

Halimbawa:
Tutuloy ba kayo kina Tess at Lito pagdating sa New York?
Sasama na ba ang mga bata sa pamamasyal?

Anyo ng Patanong

Patanong na masasagot ng OO o Hindi

Halimbawa:
Naglinis ka na ba ng bahay?

Pangungusap na Patanggi ang Tanong

Halimbawa:
Hindi ka ba papasok?

Gumagamit ng Panghalip na Pananong


Ang mga panghalip ay kinabibilangan ng mga salitang: ano, alin, sino, saan at iba pa.

Halimbawa:
Ano ang iyong ginagawa kanina?

Nasa Kabalikang Anyo ng Tanong

Halimbawa:
Tayo ba ay aalis na?

Tanong na may Karugtong o Pabuntot

Halimbawa:
Dumaan ka na dito, hindi ba?
3. Ang pautos ay nagpapahayag ng obligasyong dapat tuparin, samantalang ang pakiusap ay
nagpapahayag ng pag-utos sa magalang na pamamaraan. Nagtatapos ito sa tuldok.
Mga Halimbawa

Halimbawa:
Sagutin mo agad ang liham ni Joy.
Pakibigay mo naman ito sa iyong guro.

Anyo ng Pautos
Pautos na Pananggi – Pinangungunahan ng salitang "huwag".

Halimbawa:
Huwag kang lalabas ng bahay.

Pautos na Panag-ayon – Ito ang paksa ng pangungusap ay nasa ikalawang panauhan at may pandiwang
nasa anyong pawatas.

Halimbawa:
Ipagluto mo si Anna ng adobo.

4. Padamdam - Ito ay nagsasabi ng matinding damdamin gaya ng tuwa, lungkot, pagkagulat, paghanga,
panghihinayang at iba pa. Karaniwang nagtatapos ito sa tandang panamdam(!). Hala! Aba! Ha! Hoy!
Gising! Naku!

Halimbawa:
Naku! Binasag mo pala, ang mamahaling plorera.
Kay ganda ng bansang Pilipinas!

Ayon sa kayarian

Ang pangungusap ay may apat na kayarian: payak, tambalan, hugnay at langkapan.

1. Ang payak na pangungusap ay nagpapahayag ng iisang kaisipan. Maaaring nagtataglay ng payak o


tambalang simuno at panaguri. May apat itong kayarian:

a. payak na simuno at payak na panaguri


b. payak na simuno at tambalang panaguri
c. tambalang simuno at payak na panaguri
d. tambalang simuno at tambalang panaguri.

Mga halimbawa:
Ang pamahalaan ay masigasig sa mabilisang pagsugpo ng kriminalidad sa bansa.
Ang mga lalaki at babae ay naghahanda ng palatuntunan para sa darating na pista.
Ang aming pangkat ay naglinis ng mga kalye at nagpinta ng mga pader sa paaralan.
Ang mga guro at mag-aaral ay aawit at sasayaw para sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
2. Ang tambalang pangungusap ay binubuo ng dalawa o higit pang sugnay na makapag-iisa:

Halimbawa:
Nagtatag ng isang samahan sina Arnel at agad silang umisip ng magandang proyekto para sa mga
kabataan ng kanilang pook.
Maraming balak silang gawin sa Linggo: magpapamigay sila ng pagkain sa mga batang lansangan,
magpapadala sila nga mga damit sa mga batang ulila saka maghahandog sila ng palatuntunan para sa
mga maysakit sa gabi.

3. Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isa o dalawang sugnay
na di-makapag-iisa.

Halimbawa:
Gaganda ang iyong buhay kung susunod ka sa mga pangaral ng inyong magulang.
Ang batang na putol ang mga kamay ay mahusay gumuhit.

4. Ang langkapang pangungusap ay binubuo ng dalawa o mahigit pang sugnay na makapag-iisa at


dalawa o mahigit pang sugnay na di-makapag-iisa.

Halimbawa:
Ang buhay sa mundo ay pansamantala lamang kaya't dapat na tayo ay magpakabuti upang makamit ang
kaligayahan sa kabilang buhay.
Nahuli na ang mga masasamang-loob kaya't payapa na kaming nakatutulog sa gabi, kasi sila lamang ang
gumugulo sa amin.
Ang mga bayani natin ay namuhunan ng dugo upang makamtan ang kalayaan nang ang bayan ay
matahimik at lumigaya.
Panitikan
Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga karanasan, hangarin
at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan
at patula.

Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang unlaping "pang" ay
ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay nangunguhulugang literatura, na ang literatura
ay galing sa Latin na littera na nangunguhulugang titik.

Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga karanasang may kaugnay
ng iba't ibang klase ng damdamin. Ang halimbawa nito ay ang pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-
asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

Alamat
Anekdota
Nobela
Pabula
Parabula
Maikling Kwento
Dula
Epiko
Sanaysay
Talambuhay
Talumpati
Balita
Kwentong Bayan
Salawikain
Awit at Korido
Sawikain
Bugtong
Tanaga
Haiku
Tula
Talinhaga
Tayutay
Ang alamat ay nagsasalaysay ng pinagmulan ng isang bagay, lugar, pangyayari o katawagan. Maaaring
totoo o likha lamang ng malawak na imahenasyon ng isang manunulat ang mga pangyayari sa alamat.
Ang mga makasaysayan na nagpapagunita ng mga lumipas na panahon ang kadalasang nagiging
pinakadiwa ng isang alamat. Ito karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o
kapaligiran. Tumatalakay din sa mga katangiang maganda, tulad ng pagiging matapat, matapang,
matulungin, at sa mga katangiang hindi maganda tulad ng pagiging mapaghiganti masakim, o
mapanumpa, Nguni't sa banding huli ang kuwento ay kinapupulutan ng aral para sa ikabubuti ng iba.

Maaaring mula sa malungkot na alaala o sa mga pangyayaring nagpapakilala ng kagitingan at


kabayanihan ng ating mga ninuno at iba pang makasaysayang pangyayari ang paksa ng alamat. Layunin
ng isang alamat ang sariwain ang mga pangyayaring makasaysayan upang mapukaw ang damdamin ng
mga mambabasa at makapagpagunita ng mga bagay na may kinalaman sa nakaraang panahon.
Olongapo
Gapan
Panay
Liliw
Buwan at mga Bituin
Makahiya
Pinagmulan ng Lahi
Alitaptap
Paru-paro
Unang Unggoy
Tiyanak
Sari-manok
Anekdota
Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring
naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-kata at hango sa
totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa ng mga tao.

Ang karaniwang paksa ng anekdota ay mga taong kilala sa iba’t ibang larangan ng buhay. Layunin nito
ang ipabatid ang isang katangian ng pangunahing tauhan ng anekdota. Minsan ang anekdota ay
nagsasalaysay ng mga tunay na pangyayari at mayroon ding minsan na ang mga pangyayari ay bungang
isip lamang. Mayroon ding mga anekdota na hindi hango sa talambuhay.

Ang mga pangyayaring isinasalaysay sa anekdota ay minsang nagiging pabula na rin, ngunit dahil sa ang
mga tauhan ay hindi hayop kundi mga tao, ito’y kapanipaniwala na rin. Ang layunin ng anekdota ay
mang-aliw, makapagturo, at makapaglarawan ng ugali at tauhan.
Nobela
Ang nobela o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kabanata.
Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo, naging istilo nito ang
lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may
istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

Ito rin ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa
isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin
ng bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -isang makasining na pagsasalaysay ng
maraming pangyayaring magkasunod at magkakaugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-
kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-wiling balangkas na siyang
pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng
2 o higit pang tauhan

Uri ng nobela

1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan


2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga
mambabasa
4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng
mga mambabasa
5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga
hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema

Elemento ng nobela

1. tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan


2. tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
3. banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
4. pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda
a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap
c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may-akda
5. tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
6. damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
7. pamamaraan - istilo ng manunulat
8. pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
9. simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayari

Layunin ng nobela

1. gumising sa diwa at damdamin


2. nananawagan sa talino ng guni-guni
3. mapukaw ang damdamin ng mambabasa
4. magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
5. nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan

Katangian ng nobela

1. maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan


2. pumupuna ng lahat ng larangan ng buhay
3. dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
4. pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
5. binubuo ng 20 000-40 000 na salitaTemplate:Fact
6. kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
7. maraming ligaw na tagpo at kaganapan
8. ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari

Mga Halimbawa ng Nobela

Ang Huling Timawa


Ang Magpapawid
Ang Mestisa
Ang Monghita
Ang Probinsiyana
Ang Singsing nang Dalagang Marmol
Ang Tala sa Panghulo
Bagong Kristo
Banaag at Sikat
Bata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?
Bayang Nagpatiwakal
Binhi at Bunga
Bulaklak ng Bagong Panahon
Daluyong
Dekada 70
Pabula
Ang pabula o tinatawag ding kathang isip ay itinuturing na isa sa pinakamatandang anyo ng panitikan.
Ito ay karaniwang isinasalaysay o ikinukwento sa mga bata upang mapalawak o mapamulat sa kanila ang
magagandang asal. Kahit sa kabila nito, ang pabula ay likha lamang ng guniguni ng isang manunulat.
Hindi totoong nangyari at hindi maaring mangyari. Piniling mga tauhan ang mga hayop dahil dito mas
lalong maiintindihan o maisasalarawan ang aral na nais maipabatid sa mga bata. Giliw sila at interesado
sa mga hayop kaya ito ang mga pangunahing ginagamit na tauhan. Ang pabula ay karaniwang
nagwawakas sa isang mabuting aral o salawikain.
Ngunit hindi naman lahat ng pabula ang pangunahing gumaganap ay hayop. Mayroon ding pabula kung
saan ang gumaganap ay tao katulad ng “Ang Batang Sumigaw ng Lobo” at “Ang Babaing Maggagatas” o
magkahalong hayop at tao na katulad ng “Ang Mabait at Masungit na Buwaya”.

Bakit mga hayop ang pangunahing tauhan sa pabula?

Ang isang dahilan ay ang mga hayop ay may kanya-kanyang likas na katangian na madaling isalarawan
upang mas maging malinaw ang paglalahad ng kuwento. Mga katangian na tulad ng pagiging maamo
(tupa), mabagsik (lobo), masipag (langgam), tuso (alamid) at marami pang iba.

Ang isa pang dahilan ay noong unang panahon ay magkakasama ang mga tao bagamat sila ay mula sa
iba't-ibang lipi at antas ng lipunan. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga hayop bilang pangunahing
tauhan sa pabula ay naiiwasan ang pagkakagalit at pagtatalu-talo ng mga tao sa maaaring maging
maling pag-aakala na ang kanilang lipi, o antas sa lipunan, ang tinatalakay at pinupuna pabula,

Sino si Aesop?

Si Aesop ang itinuturing na ama ng ancient fables dahil sa kanyang isinulat na mga pabula na naging
bantog sa buong mundo. Si Aesop ay isang Griego (Greek) na namuhay noong panahong 620-560 BC.
Siya ay isinilang na kuba at may kapansanan sa pandinig. Siya ay unang lumaki na isang alipin subalit sa
kanyang ipinakitang sipag, katapatan, at talino ay pinagkalooban siya ng kalayaan ng kanyang amo at
hinayaang maglakbay at makilahok sa mga kilos pambayan. Dito lumabas at nakilala ang kanyang talino
at pagiging makatarungan. Siya ay lumikha ng mga pabula upang turuan ang mga tao sa tamang pag-
uugali at pakikitungo sa kapwa. Tinataya na siya ay sumulat ng mahigit sa 200 pabula na isinalin sa iba't-
ibang wika.

Ano ang kahalagahan ng mga pabula?

Noong unang panahon, nang ang pamumuhay ng mga tao ay simple pa lamang, ang pabula ay
ginagamit upang turuan ang mga tao sa tamang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa. Sa paglipas nang
panahon ang pabula ay ginawang kuwentong pambata na karaniwang isinasalaysay sa mga bata bago
sila patulugin ng kanilang mga magulang.

Sa ngayon ang pabula ay muling binabalikan at sumisikat dahil eto ay ginagamit sa ibang paraan upang
kapulutang ng mga aral sa makabgong pamamaraan. Halimbawa sa larangan ng kalakalan ang pabula ay
ginagamit ng pamunuan ng mga kumpanya upang turuan ang kanilang mga manggagawa sa wasto at
karapat-dapat na pakikitungo sa kanilang mga kakalakalan, sa mga kapwa empleyado, at maging sa
kanilang mga katunggali sa negosyo.
Parabula

Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango
mula sa Bibliya. Ang parabula ay nanggaling sa English word na parable na nanggaling naman sa Greek
word na parabole na ang ibig sabihin ay maiksing sanaysay tungkol sa buhay na maaring mangyari o
nangyayari na kung saan nagtuturo tungkol sa ispiritwal o kagandahang asal na magiging gabay ng isang
taong nahaharap sa pangangailangang mamili o magdesisyon.
Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit nangangaral o
nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong
aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at
puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging
isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang
bagay. Karamihan sa mga talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng
kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
Maikling kwento

“Ang maikling kwento ay isang akdang pampanitikang likha ng guniguni at salagimsim na salig sa buhay
na aktuwal na naganap o maaaring maganap.” Ito ay ayon sa kinikilala ng mga dalubhasa na ama ng
makabagong maikling kwento na si Edgar Allan Poe.

Walang hanggan ang maaring paksain ng manunulat ng maikling kwento. Ang mga kwento’y maaring
maging hango sa mga pangyayari sa totoong buhay, at maaari rin namang patungkol sa kababalaghan at
mga bagay na hindi maipaliwanag ng kaalaman.
Iba-iba rin ang istilo ng mga manunulat sa paggawa ng akda. Kung ang layunin ng manunulat ay aliwin
ang mga mambabasa, maaaring sa magaan na paraan lamang niya tinatalakay ang mga pangyayari. Ang
iba nama’y gumagamit ng mabibigat na salita upang magdulot ng mas malalim na pang-unawa ng
mambabasa sa kalagayan at karanasan ng tao kung saan hango ang kwento.

Sa pamamagitan ng mga tauhan, ng tagpuan, at banghay ng maikling kwento naihahatid ng isang


kwentista ang mga imahinasyong nabuo sa kanyang malawak na kaisipan.
ng mga bahagi at sangkap ng isang maikling kuwento sa filipino:

Simula
Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang
magsisiganap sa kuwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida
o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksyon o mga
insidente, gayundin ang panahon kung kailan naganap ang kuwento. At ang bahagi ng suliranin ang
siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan.

Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang
naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian
naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban
sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang
kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan
o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.

Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting
pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan. At ang katapusan ang
bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o
pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling
nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kuwento
para bayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa palagay nito, ang maaring
kahinatnan ng kuwento.

Ang maikling kwento ay mayroong tatlong salik: ang Tauhan, Tagpuan, at Banghay. Sa pamamagitan ng
mga ito naihahatid ng isang manunulat mga kwentong nabuo sa kanyang isip.

Ang Tauhan ang siyang nagdadala ng suliranin at nagiging basehan sa kung anong magiging takbo ng
kwento. May tatlong dimensyon na naglalarawan sa isang tauhan. Iyon ay ang pisikal (pisikal na anyo ng
mga tauhan), pisiyolohikal (estado sa lipunan ng tauhan) , at sikolohikal (mga paniniwala ng tauhan).
Ang Tagpuan naman ang lugar na pinangyarihan ng kwento. Ang kapaligiran kung saan naganap ang
kwento aynakakaapekto sa pakikipagtunggali at pagpapasiyang ginagawa ng mga pangunahing tauhan.

Ang Banghay ay ang mga pangyayaring nagpapaunlad sa suliranin at tunggaliang dadalhin ng mga
pangunahing tauhan at kung paano niya ito haharapin
Dula

Madalas na ang mga unang pumapasok sa ating isipan kapag naririnig ang salitang Dula ay ang
entablado at mga aktor na umaarte rito. Ito ay nahahati sa ilang yugto at ang bawat yugto’y maraming
tagpo.

Ang dula ay mayroon ding sangkap. Ito ay ang simula, gitna at wakas. Ang mga sangkap nitong tagpuan,
tauhan at sulyap sa suliranin ay mamamalas na sa simula. Ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at
ang kasukdulan ay matatagpuan sa gitna. Ang kakalasan at ang kalutasan naman ay matatagpuan sa
wakas.

Ngunit ang Dula ay hindi lamang sa entablado makikita. Ito ay hango sa diwa ng mimesis o ang
panggagagad o panggagaya sa mga nagaganap sa totoong buhay. Ang isang bata na ginagaya ang
paraan ng pagkilos at pagsasalita ng isang matanda ay matatawag nang pagsasadula.

Bago pa ang konsepto ng entablado sa Pilipinas, ginagawa na ng mga katutubo ang panggagagad sa
pamamagitan ng mga ritwal, sayaw, at awit na may diwa ng iba’t-ibang mahahalagang pangyayari sa
buhay ng isang tao o tribo. Sa pamamagitan ng mga Dula, naipapaniwala sa isang lipi ang kultura at
naipapasa ang tradisyon sa susunod na saling lahi.
Mga Uri ng Dula

Komedya
•Katawa-tawa, magaan sa loob dalhin ang tema, at ang mga tauhan ay laging nagtatagumpay sa wakas.

Trahedya
•Kung ang tema nito’y mabigat o nakasasama ng loob kaya nakakaiyak, nakalulunos ang mga tauhan,
karaniwang sila ay nasasadlak sa kamalasan, kabiguan, kawalan, at maging sa kamatayan, kaya
nagwawakas na malungkot.
Melodrama o Soap Opera
•Kung ito’y sadyang namimiga ng luha sa manonood na parang wala ng masayang bahagi sa buhay ng
tahanan kundi pawang problema na lamang ang nangyayari sa araw-araw. Ito’y karaniwang mapanonood
sa mga de seryeng palabas.

Tragikomedya
•Kung magkahalo ang katatawanan at kasawian gaya ng mga dula ni Shakespeare na laging may mga
tauhang katawa-tawa tulad ng payaso para magsilbing tagapagpatawa, subalit sa huli’y nagiging
malungkot na dahil nasasawi o namamatay ang bida o ang mga bida.

Mga sangkap sa dula

Ang dula ay mayroon ding tatlong sangkap

1. Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.


2. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
3. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan
Ang epiko ay mahabang salaysay na patula. Ito ay karaniwang inaawit o binibigkas. Ang epiko ay
madalas na patungkol sa mahiwagang pangyayari o kabayanihang kinapapalooban ng mga paniniwala,
mga kaugalian, at mga huwaran sa buhay ng mga sinaunang mamamayan ng isang bayan. Ang salaysay
ay umiikot sa kabayanihan ng pangunahing tauhan. Ang kwento ay hango kung minsan sa mga
karaniwang pangyayari ngunit ang mga tauhan ay kadalasang hango sa mga hindi pangkaraniwang
nilalang na mayroong pambihirang katangian

Laganap sa iba’t-ibang parte ng bansa ang epiko. Bawat pangkat-etniko ay mayroon nito. Ang mga
halimbawa ng kilalang epiko ng mga Pilipino ay Hudhud at Alim ng Ifugao; Kumintang ng Katagalugan;
Ibalon ng Bicol; at Biag ni Lam-ang ng mga Ilokano
Ibalon
Ullalim
Tuwaang
Maragtas
Labaw Donggon
Indarapatra at Sulayman
Darangan
Bidasari
Biag ni Lam-ang
Bantugan
Alim
Agyu
Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng
may-akda. Ito rin ay ang pagtalakay sa isang paksa sa paraang tuluyan at sa malayang paraang
naglalantad ng kaisipan, kuru-kuru, palagay at ng kasiyahan ng sumusulat upang umaliw, magbigay
kaalaman o magturo. Ang sanaysay ay nagmula sa dalawang salita: ang sanay at pagsasalaysay.
Mahalaga ang pagsusulat at pagbabasa ng sanaysay sapagkat natututo ang mambabasa mula sa inilahad
na kaalaman at kaisipang taglay ng isang manunulat. nakikilala rin ng mambabasa ang manunulat dahil
sa paraan ng pagkasulat nito, sa paggamit ng salita at sa lawak ng kaalaman sa paksa.
Dalawang uri ng sanaysay

1. Pormal - ito ay nagbibigay ng patalastas sa isang paraang maayos bunga ng isang maingat na
pagtitimbang-timbang ng mga pangyayari at mga kaisipan. Kung minsa'y tinatawag itong impersonal o
syentipiko sapagkat ito'y binabasa upang makakuha ng impormasyon.

2. Impormal - ito ay tinatawag ding pamilyar o personal na nagbibigay-diin sa isang estilong


nagpapamalas ng katauhan ng may akda. Ito ay may himig na parang nakikipag-usap, nais maglahad ng
isang panuntunan sa buhay. Ito rin ay naglalarawan ng mga pakahulugan ng may akda sa isang
pangyayari sa buhay, nagtatala ng kanyang pagmumuni-muni at paglalahad ng pala-palagay o kuro-kuro.

Katangian ng Impormal

1. Ang paksa'y kaakit-akit at kawili-wili


2. Ito'y hindi isinulat upang makasakit ng damdamin ng iba o upang mangaral.
3. Ito'y masigla, masaya, magpatawa.
4. Maliwanag na mababanaag ang magandang kalooban ng may akda.
5. Nagpapakilala ng malawak na kaalaman ng may akda ukol sa mga aklat, tao, kalikasan at iba't
ibang mga bagay

Sangkap ng Sanaysay

1. Tema at Nilalaman – anuman ang nilalaman ng isang sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin
sa pagkasulat nito at kaisipang ibinahagi

2. Anyo at Istruktura – ang anyo at istruktura ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat
nakaapekto ito sa pagkaunawa ng mga mambabasa; ang maayos at lohikal na pagkasunud-sunod ng
ideya o pangyayari ay makatutulong sa mambabasa sa pagkaunawa sa sanaysay

3. Wika at Istilo – ang uri at antas ng wika at istilo ng pagkakagamit nito ay nakaaapekto rin sa
pagkaunawa ng mambabasa; higit na mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag

Bahagi ng Sanaysay

1. Panimula – ang pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang tinitingnan ng
mga mababasa, dapat nakapupukaw ng atensyon ang panimula upang ipagpatuloy ng mambabasa ang
pagbasa sa akda

2. Katawan – sa bahaging ito ng sanaysay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos ukol sa
tema at nilalaman ng sanaysay, dapat ipaliwanag nang mabuti ang bawat puntos upang maunawaan ito
nang maigi ng mambabasa
3. Wakas – nagsasara sa talakayang naganap sa katawan ng sanaysay; sa bahaging ito nahahamon ang
pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang mga tinalakay ng sanaysay

Katangiang Dapat Taglay ng isang Mabuting Mananaysay


1. May malawak na kaalaman o karanasan sa paksa
2. Nagagamit ang wika nang wasto at mabisa
3. Nakapipili ng mabuti at mabisang istilo ng paglalahad ng ideya
4. Malinaw at hindi madamot o matipid sa pagpapaliwanag ng kaisipan at kaalaman ukol sa paksa
5. May kakayahang pumukaw o manghikayat ng mambabasa
Ang talambuhay ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao.
Bagaman maaring iugnay ang nilalaman nito sa mga pangyayaring humubog sa kasaysayan ng mga lahi
o lipunan, nahahangganan ang sakop nito ng kapanganakan at kamatayan ng paksa nito. Ito ay dahil
ang pangunahing tuon ng talambuhay ay ang paksa nitong tao, na siyang higit na binibigyang-pansin
kaysa iba pang mga bagay.

Isinulat ang mga unang talambuhay upang magsilbing gabay ng mga mambabasa sa kanilang
pamumuhay. Binigyang-pansin ng mga ito ang magagandang katangiang dapat tularan at di-
magagandang katangiang dapat iwasan. Paglaon ay ginamit ang mga talambuhay hindi lamang upang
dakilain ang magagandang katangian at batikusin ang di-magagandang katangian, kundi upang
magbigay-impormasyon tungkol sa buhay ng paksa nitong tao.

Mga Uri

Maaring uriin ang talambuhay batay sa may-akda o nilalaman nito.

Uri ng talambuhay ayon sa may-akda

1. Talambuhay na Pansarili - paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo ang sumulat.
2. Talambuhay na Pang-iba - paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na isinulat ng ibang tao.

May dalawang uri ng talambuhay na pang-iba.

1. awtorisado - may pahintulot ng taong paksa ng talambuhay ang pagsusulat ng nasabing


paglalahad.
2. di-awtorisado - walang ganoong pahintulot. Maaaring maharap sa suliraning legal ang sumulat ng
isang di-awtorisadiong talambuhay kung ito ay naglalaman ng maseselang impormasyon na itinuturing ng
paksa na nakasisira sa kanyang pangalan o pagkatao.

Uri ng talambuhay ayon sa nilalaman

1. Talambuhay na Karaniwan - paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao mula pagsilang hanggang sa
kanyang pagkamatay. Kasama rito ang mga detalye tulad ng kanyang mga magulang, mga kapatid,
kapanganakan, edukasyon, mga karangalang natamo, mga naging tungkulin, mga nagawa, at iba pang
mahahalagang bagay tungkol sa kanya.

2. Talambuhay na Di-karaniwan - hindi gaanong binibigyan-diin dito ang mahahalagang detalye tungkol
sa buhay ng tao maliban kung ito’y may kaugnayan sa simulain ng paksa. Sa halip ay pinatutuunang-
pansin dito ang kanyang mga layunin, adhikain, simulain, at paninindigan, at ang kaugnayan ng mga ito
sa kanyang tagumpay o kabiguan.
Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o
impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na
nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Ito ay isang masining na pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang mahalagaat napapanahong
paksa sa paraang pasalita sa harap ng tagapakinig.

Uri ng talumpati ayon sa balangkas

1. May pagahahanda
2. Walang paghahanda - ang talumpating ito ay tinatawag ring impromptu. Ang paksa ay binibigay
lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang kaalaman ng mananalumpati sa paksa.

Mga bahagi ng talumpati

1. Panimula - inilalahad ang layunin ng talumpati, kaagapay na ang istatehiya upang kunin ang atensyon
ng madla.
2. Katawan - pinagsunud-sunod sa bahaging ito ang mga makabuluhang puntos o patotoo.
3. Paninindigan- Pinatotohanan ng Mananalumpati ang kanyang sinabi sa bahagi ng katawan.
4. Konklusyon - bahaging nagbubuod o nalalagon sa talumpati.

Paraan ng pagtatalumpati

1. Binasa - inihanda at iniayos ang pagsulat upang basahin nang malakas sa harap ng mga tagapakinig.
2. Sinaulo - inihanda at sinaulo para bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
3. Binalangkas - ang mananalumpati ay naghanda ng balangkas ng kanyang sasabihin. Nakahanda ang
panimula at wakas lamang.

Hakbangin sa paggawa ng talumpati

1. Pagpili ng paksa- kailangang suriin ang sarili kung ang paksang napili ay saklaw ang kaalaman,
karanasan at interes.
2. Pagtitipon ng mga materyales- kapag tiyak na ang paksa ng talumpati ay paghahanap ng materyales
na gagamitin sa pagsulat ng mga impormasyon na gagamitin sa isusulat na talumpati. Maaaring
pagkunan ng mga impormasyon ay ang dating kaalaman at mga karansan na may kinalaman sa paksa,
mga babasahing kaugnay ng paksa, mga awtoridad sa paksang napili.
3. Pagbabalangkas ng mga ideya- ang talumpati ay nahahati sa tatlong bahagi panimula, katawan at
pangwakas.
4. Paglinang ng mga kaisipan- dito nakapaloob ang mahalagang impormasyon na sumusuporta sa mga
pangunahing kaisipan na inilahad sa balangakas.

Uri ng talumpati

1. Nagbibigay aliw
2. Nagdaragdag kaalaman
3. Nagbibigay sigla
4. Nanghihikayat
5. Nagbibigay galang
6. Nagbibigay papuri
7. Nagbibigay impormasyon

Katangian ng magaling na mananalumpati

1. Kaalaman
2. Kasanayan
3. Tiwala sa sarili

Mga Dapat Tandaan sa Pagbigkas ng Talumpati

1. Tinig
2. Tindig
3. Pagbigkas
4. Pagtutuuan ng Pansin
5. Pagkumpas
6. Pagprotaktor
7. Paggewang gewang
Ang balita ay ang komunikasyon ng mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob ng isang bansa na
nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan. Maaari itong ihayag sa pamamagitan ng
paglilimbag, pagsasahihimpawid, Internet, o galing sa bibig at ikalat sa ikatlong partido o sa maramihang
mambabasa, nakikinig o nanonood.

• Ang mga mamamahayag ay may ganitong kasabihan: kapag ang tao ay nakagat ng
aso, hindi ito balita; ngunit kapag ang aso nakagat ng tao, ito ay balita.
• Sa ibang pakahulugan, ang balita ay isang pangyayaring hindi pangkaraniwan. Ito ay
maaaring tungkol sa mga pangyayaring naganap o nagaganap na bago sa pandinig
ng madla.
Kahalagahan ng Balita
1. Nagpapayaman ito ng talasalitaan.
2. Nagbibigay ito ng dagdag na karunungan.
3. Nagpapalawak ito ng kaalaman tungkol sa paligid.
4. Nagpapabatid ito sa takbo ng panahon at kalagayan.
5. Nagpapatalas ito ng kakayahang mangatwiran batay sa mga tiyak na kaalaman.

Mga salik na mahalaga sa Balita


1. mga pangyayari o detalye nito
2. kawilihan
3. mambabasa
Uri ng Balita

1. Paunang paglalahad - Itinuturing na hilaw pa ang ganitong uri ng balita, subalit inilathala na rin bunga
ng pangangailangang maipaabot agad sa madla.
2. Tuwirang paglalahad - Sa ganitong uri ng paglalahad, tinatalakay ang pinakamahalagang impormasyon
tungo sa maliliit na detalye.

3. Balitang bunga ng pakikipanayam - Karamihan sa balitang nabasa, naririnig at napapanood ay bunga


ng pakikipanayam. Sa ganitong uri, ang pinakamahalaga lamang ang dapat isulat.

4. Kinipil na Balita - Ang ganitong uri ng balita ay dulot ng kakulangan sa espasyo sa pahayagan kung
kaya ang buod ng maliliit na balita ay pinagsasama-sama.

5. Madaliang Balita o Flash - Ikinukulong sa kahon upang makatawag agad ng pansin.

6. Depth news o balitang may lalim - Kinakailangan ang masusing pananaliksik, upang higit na matalakay
ang mga ulat na nakapaloob dito.

7. Balitang Pangsensya - Tungkol sa mga makabagong imbensyon o pagtuklas sa mga bagay na


makakatulong sa pagpapadali ng mga gawain.

Iba pang uri ng balita

1. Balitang Panlokal - Mga balita tungkol sa isang lokal na yunit ng pamahalaan tulad ng barangay.

2. Balitang Pambansa - Mga balitang mahalaga at nagaganap sa buong bansa

3. Balitang Pandaigdig - Mga balitang nagaganap na mahalaga sa buong daigdig. halimbawa: Digmaan sa
iraq

4. Balitang Pampulitikal - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa pulitika.

5. Balitang Pampalakasan - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa mga palaro at kompetisyong
pangkalakasan

6. Balitang Pang-edukasyon - Tungkol sa mga pangyayaring may kinalaman sa edukasyon.

7. Balitang Pantahanan - Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa pamamahala ng


tahanan.

8. Balitang Pangkabuhayan - Tungkol sa mga mahalagang pangyayaring may kinalaman sa negosyo at


takbo ng kabuhayan ng bansa.

9. Balitang Panlibangan - May kinalaman sa larangan ng telibisyon, radyo, pelikula, tanghalan at iba pa.

10. Balitang buhat sa talumpati – ito’y buhat sa pinaghandaang okasyon tulad ng palatuntunan, seminar,
panayam o pulong.

Ang isang balita ay maaaring sumagot sa anim na pahiwatig


1. Ano – itinatampok ang pinakamahalagang pangyayari.
2. Sino – tinutukoy ang isang tanyag o kilalang tao.
3. Bakit – tinatalakay ang sanhi o dahilan ng pangyayari.
4. Paano – itinatampok ang paraan ng pagkakaganap ng pangyayari.
5. Kailan – binabanggit ang petsa.
6. Saan – itinatampok ang pook o lugar na pinangyarihan.

Mga Mungkahi sa Mahusay na Pagsulat

• Isang Ideya bawat pangungusap.


• Limitahan ang bilang ng mga salita sa pangungusap. 23-25 na salita lamang.
• Tiyakang maayos at lohikal ang pagkakahanay ng kaisipan.
• Gumamit ng pandiwang nasa aktibong tinig.
• Gumamit ng simpleng salita.
• Iwasan ang paggamit ng parehong salita sa pangungusap.

Ang mga sangkap ng balita

1. Kapanahunan/Napapanahon (Immediacy or Timeliness)--Kailangan ang pagyayari'y kagaganap o


katutuklas lamang. Napapanahon pa rin ang balita kung ang pangyayari ay matagal nang naganap ngunit
ngayon lamang nabunyag o natuklasan.

2. Kalapitan (Nearness or Proximity)--Higit na kinagigiliwan ng mga mambabasa ang mga pangyayari sa


kanilang paligid kaysa sa mga pangyayaring nagaganap sa malalayong pook . Ang kalapitan ay maaring
tumukoy rin sa kalagayang heograpiya (geographical nearness), kaangkan (kinship), kapakanan
(interest), atbp.

3. Katanyagan (Prominence)--Kung ang paksa ng balita ay bantog o tanyag, ito ay nakaaakit at


nakatatawag-pansin. Maaaring ito'y ukol sa isang pinuno ng pamahalaan, lider ng purok, mgataong kilala
o dakila o tanyag sa lipunan. Maaari ring paksain ang isang matulaing pook.

4. Tunggalian (Conflict or Struggle)--Ano mang pangyayaring naglalarawan ng paglalaban,


pagpapaligsahan at pagsasapalaran ay balitang interesante. Ito'y maaaring pagtutunggali ng katawng
pisikal at mental; tao laban sa kapwa tao; tao laban sa hayop; tao laban sa kalikasan; tao laban sa
kanyang sarili.

5. Kahulugan o Kalabasan (Significance or Consequence)--Kung ang isang pangyayari o bagay ay may


ibubungang kabutihan o kasamaan ay nakatatawag-pansin, ano ang kahulugan o kalalabasan kung ang
Komunismo ay ating tatangkilikin?

6. Di-karaniwan, Pambihira (Oddity, Unusualness)--Mga bagay na pambihirang mangyari gaya ng isang


tao na napabalitang nagdadalantao, o ng isang taong patay na nabuhay at nang nakita niyang nasa loob
siya ng ataol, siya'y namatay uli dahil sa takot.
7. Pagbabago (Change)--Ano mag pagbabago, maging sa pag-unlad o sa pagsama ay nakatatawag-
pansin.

8. Pamukaw-Damdamin o Kawilihan (Human Interest)--Ito'y umaantig ng damdamin at kaukulang


reaksyon ng mambabasa upang siya ay paiyakin, patawanin, pagalitan, pahangain, atbp.

9. Romansa at Pakikipagsapalaran (Romance and Adventure)--Ang romansa ay hindi nauukol sa pag-


iibigan lamang. Isang halimbawa nito ay ang romansa ni Hemingway at ng karagatan; mga astronauts at
ng kalawakan.

10. Hayop (Animals)--Magandang paksa sa balita ang mga hayop na may katalinuhan.

11. Pangalan (Names)--Kung marami ang mga pangalang nakalathala na nasasangkot sa balita,
dumarami rin ang mga mambabasa.

12. Drama (Drama)--Ang daigdig ay isang dulaan at ang mga tao ay nagsisiganap ng dula ng tunay na
buhay. Ang misteryo, pag-aalinlangan (suspense) o komedya ay nagbibigay ng kulay sa isang kuwento.

13. Kasarian (Sex)--Ito'y nagbibigay ng kawilihan na karaniwang natutunghayan sa romansa, pag-


aasawa, paghihiwalay at pagdidiborsiyo. Nailalarawann rin ang mga kasarian, halimbawa kung ang isang
babae ang pinuno ng mga bandido o kung ang naihalal na pangulo ng isang bansa ay babae gaya ni
Gloria M. Arroyo.

14. Pag-unlad o Pagsulong (Progress or Advancement)--Magandang paksa ng mga ito sa balita.

15. Mga Bilang (Numbers)--Marami ang mahilig magbasa ng mga estatistiks tulad ng ulat sa pananalapi,
kinalabasan ng eleksyon, panalong numero sa sweepstakes, vital statistics ng dalaga, atbp.
1. Ang kuwentong bayan ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na kumakatawan sa
mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal
na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o
lupain. Kaugnay nito ang alamat at mga mito.

2. Ang kwentong bayan ay ang mga kwentong galing sa ating bayan. Ito ay mga kwentong napasalin-
salin sa iba't ibang tao na napapatungkol sa kwento ng ating bayan. Galing pa ito sa mga nakakatanda
hanggang napasalin sa mga henerasyon. Lahat ng bansa ay may sariling kwentong bayan.

3. Ang kuwentong bayan ay isang maikling salaysay na nagpalipat-lipat sa salinlahi sa pamamagitan ng


mga bibig. Binubuo ito ng mga alamat at pabula. Halimbawa ng mga salaysay nito ay tungkol sa bayani
at mga kwentong tungkol sa kaugalian at tradisyon ng isang pook, tribu, bayan o mga bansa.
Kung Bakit Dinadagit ng Lawin ang mga Sisiw
Bakit May Pulang Palong Ang Mga Tandang
Nakalbo ang Datu
Ang Punong Kawayan
Si Mariang Mapangarapin
Si Juan at ang mga Alimango
Naging Sultan si Pilandok
Ang Diwata ng Karagata
Ang mga kasabihan at salawikain ay naglalayong magbigay payo at patnubay sa ating pang araw-araw
na pamumuhay. Ang mga kasabihang Pilipino at salawikaing Tagalog ay isinasaad sa mga maiiksing
pangungusap lamang subalit ang mga eto ay makahulugan at makabuluhan. Eto ay kadalasang
tumatalakay din sa mga karanasan ng ating mga ninuno at nakatatanda at naglalayong ituwid ang ating
pamumuhay ng naaayon sa kanilang mga naging karanasan.

Salawikain, na tinatawag kung minsang kawikaan, ang isa sa mga katutubong tula na lumaganap sa
Pilipinas bago pa dumating ang mga mananakop na banyagang Europeo. Taglay ng salawikain ang
malalim na pagpapahiwatig, o ang maligoy na paraan ng pagsasabi, upang ikubli ang ibig sabihin ng
nagsasalita. Kung ang bugtong ay may iisang sagot, pansin ng mga kritikong sina Bienvenido Lumbera at
Virgilio S. Almario, ang salawikain ay makapagtataglay ng maraming sagot o pakahulugan.

Pamantayan sa pamimili

Libo-libo man ang salawikain sa Pilipinas, maaari pa ring mahugot sa hanay nito ang mga hiyas na hindi
maluluma mag pahanggan ngayon.

1. Ang paggamit ng talinghaga.


2. Ang paggamit ng imahen o hulagway.
3. Ang masining na paggamit ng sukat at tugma sa ilang pagkakataon.
4. Ang paggamit ng katutubong dalumat o konseptong mula sa isang bayan o lipi.
5. Ang himig at tinig ng tula. Ang kombinasyon ng katutubong kasiningan at bisa nito ang pinahalagahan
sa pamimili.

Ang mga pangunahing layunin ng mga salawikain ay ang pangangaral o kaya'y ang pagsasabi ng
katotohanang hindi mapasusubalian.

Ang mga Pilipino ay may sariling kalipunan ng salawikain. Kung saan, paano, at sino ang nagpasimula ng
mga ito ay walang makakapagsabi. Marahil ang ilan ay dala rito ng mga dayuhan. Ang iba ay pamana ng
mga ninunong Pilipino na nagpalipat-lipat sa mga labi ng salinlahi.

Ang salawikain ay nasa berso, maaaring may sukat, at kadalasa'y may tugma. Ito ang dahilan kung bakit
madali itong maisaulo ng bata't matanda.
Mga halimbawa ng mga salawikain

Nasa tao ang gawa, nasa Diyos ang awa.


Paliwanag: Hindi sapat na tayo ay humingi ng awa sa Diyos, kailangan din natin
ang magsikap at gumawa upang matamo ang minimithing biyaya

Pag kahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan din ang tuloy.


Paliwanag: Sa tinagal-tagal man ng samahan ng isang magkasintahan, at sa kabila ng maaaring maging
balakid sa kanilang pagmamahalan, sa bandang huli ay hahantong din sa kasalan ang kanilang samahan
kung sila ay talagang nakalaan para sa isa't-isa.

Pag makitid ang kumot, magtiis kang mamaluktot.


Paliwanag: Tayo ay dapat mamuhay nang naaayon sa ating sariling kakayahan. Dapat magtipid at
mamuhay ng payak kung eto lang ang kaya ng ating kabuhayan. Huwag nating tularan ang pamumuhay
ng mga mas nakiririwasa sa atin.

Magandang pamintana, masamang pang kusina.


Paliwanag: Sa modernong panahon, maaaring ipakahulugan ito na “magandang idispley na siyota, pero
tamad sa kitchen!” O kaya'y walang alam na gawaing bahay ang kasintahan o asawa, ngunit seksi o
makisig pumorma.

Kadalasan, ang karikta'y ginagawang isang bitag upang siyang ipanghuli Noong ibig ipahamak.
Paliwanag: Totoo hangga ngayon, at ginagamit pa ring padron kahit sa telenobela, gaya ng Marimar. Ang
pisikal na ganda ay malimit umanong pang-akit upang ibulid sa masama ang isang tao.

Ang puri at ang dangal, mahalaga kaysa buhay.


Paliwanag: Ang “dangal” at “puri” ay halos magkasingkahulugan at tumutukoy sa “honor” sa Ingles.
Kaugnay ng “puri” ang “chastity,” “virginity,” at “respect” ngunit hindi limitado rito ang pakahulugan.
Muli, ang dalisay na loob ang isa pang katangian ng kagandahan, at gagamitin kahit ng Katipunan.

Ang taong nagigipit, sa patalim man ay kumakapit.


Paliwanag: Ang taong nagigipit ay napipilitan minsan na gumawa ng mapangahas na hakbang na
maaaring maging dahilan upang lalu lamang siyang magipit. Halimbawa, ang taong may mabigat na
pangangailangan sa pera ay nagagawang mangutang ng patubuan, tulad ng 5-6, na nagiging dahilan
upang siya ay mabaon sa utang at lalo pang maghirap.

Kahit saang gubat, ay mayroong ahas.


Paliwanag: Saan man sa ating lipunan ay may mga taong traydor na gumagawa
ng mga bagay na nakalalason o nakasisira sa samahan ng bawat isa.

Kung ano ang itinanim, siya rin ang aanihin.


Paliwanag: Kung ano ang ginawa mo sa kapuwa ay kadalasang ganun din ang
gagawin sa iyo. Halimbawa, kung naging matulungin ka sa kapuwa mo ay tutulungan ka rin nila.

Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.


Paliwanag: Ginagamit sa paghahambing ng anak sa kanyang mga magulang. Sapagkat ang mga
magulang ang humuhubog sa pagkatao at pag-uugali ng anak, ang anak ang nagiging larawan ng
pagkatao at pag-uugali ng kanyang mga magulang. Ang mabuti (o masamang) anak, ay karaniwang
ibinubunga ng mabuti (o masamang) mga magulang.

Kung hindi ukol, hindi bubukol.


Paliwanag: Ang suwerte sa buhay ay huwag asahang makakamtan kung hindi talagang nakalaan para sa
iyo.

Kung may isinuksok, may dudukutin.


Paliwanag: Matutong magtipid upang sa oras nang pangangailangan ay may perang makukuha sa sariling
ipon upang hindi na umasa sa tulong ng ibang tao.
Kung sino ang pumutak, siya ang nanganak.
Paliwanag: Kung minsan ay kung sino pa ang nangangatuwiran ay siya pala ang mali. At kung sino pa
ang nagkakaila ay siya pala ang may gawa o may sala.

Magkulang ka na sa iyong magulang, huwang lang sa iyong biyenan.


Paliwanag: Kadalasang ipinapayo eto sa mga nagbabalak magpakasal at sa mga bagong mag-asawa
upang mapabuti ang kanilang pagsasama. Ang mga magulang kase ay higit na mapagtatakpan o
mapapatawad ang mga pagkukulang ng sariling anak.

May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.


Paliwanag: Mag-ingat sa mga sinasabi dahil maaaring marinig ng iba nang hindi mo nalalaman dahil may
mga taong tsismoso at mahilig magkalat o gumawa ng kuwento sa ibang tao.
Awit at Korido

Nang dumating ang mga Kastila sa ating bayan, panitikan ang nagsilbing paraan upang madaling
mapalaganap at maipamulat ang Kristiyanismo sa mga katutubo. Upang matugunan naman ang kanilang
hilig na mas maaliw. Pumasok ang mga anyong panitikan na tinatawag na awit at Korido. Naging kilala
ang mga ito, at naging mainam natagapag-ugnay sa mga manunulat at mambabasa. Dahil dito,
ipinalagay ng mga dayuhan na ang mga ito ay ligtas at nakakatuwang libangan.

Ang awit at korido ay mga akdang nasa anyong patula. Ang sa saknong ng mga ito ay may natatanging
bilang o sukat at may magkakasintunog o magkakatugmang mga pantig. Ang Korido ay salaysay sa
pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-puno ng kababalaghan.
Ang awit namaíy salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga tauhan at walang
sangkap na kababalaghan.

Sa kapanahunang ito seguro walang hihigit pa sa gawain ni Francisco "Balagtas" Baltazar. Siya marahil
ang mga unang makata na nag-expose laban sa mga koloniyalistang kultura. Ang kaniyang subversive
work ay sa anyong Florante at Laura. Ang Florante at Laura ay isang mahabang pasalaysay na tula na
naglalaman ng mga mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgas censura dahil nagbalat-kayo
na ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila. Ngunit sa mga totoong mambabasa ito'y may
maraming tema una laban sa Kristiyanismo at pangalawa ang laban sa im espanya.

Isa sa mga halimbawa ng korido ay ang Ibong Adarna. Binubuo ito ng 1,172 na saknong. Ito ay
tumatalakay sa mga pangyayaring hindi kapani-paniwala ngunit napapalooban ng mga aral sa totoong
buhay. Isinasaad din sa akdang ito kung sa papaanong paraan malalagpasan ang mga pagsubok na
kalimita'y dumadaig sa tao. Bagamat kilala ang akda, hindi tiyak ang taong sumulat nito. Sinasabing ito
ay nagpasalin-salin na lamang mula sa maraming taong nagsalaysay. Dahil dito, ang Ibong Adarna ay
tinawag na sanaysaying-bayan.

Pagkakaiba Ng Awit Sa Korido

Ang kaibahan ng awit at korido ay maaaring nasa sukat at anyo:

1. Mabilis ang bigkas ng korido, may kabagalan naman ang awit


2. Ang korido ay may walong pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa “allegro”, samantala ang awit ay
may labindalawang pantig at inaawit na mabagal sa saliw ng gitara o bandurya “allegro”

3. Ang ikinaganda ng awit ay sa mga aral na ipinahihiwatig samantala sa korido ang ikinawiwili ng mga
mambabasa ay ang kuwento o kasaysayang napapaloob ditto

Kategorya ng Awit at Korido

Nakapaloob sa kategoryang ito ang iba't ibang uri ng awit at korido na nalathala sa Pilipinas. Karaniwang
nakasaad ang lagom [summary] ng akda, ang halaga niyon sa panitikan, at ang mga kritikang lumabas
hinggil sa naturan. Halina't makiisa sa pagbubuo ng nilalaman nito.

Katangian ng awit at korido

Ang korido ay isang tulang panrelihiyon. Ang awit ay isang tulang nagsasaad ng kabayanihan.

Mga Halimbawa ng Korido:

Ibong Adarna, Don Juan Tiñoso, Don Juan Teñoso, Mariang Kalabasa, Ang Haring Patay, Mariang
Alimango, Bernardo Carpio ni Jose de la Cruz, Rodrigo de Villas ni Jose de la Cruz, Prinsipe Florennio ni
Ananias Zorilla, Buhay na Pinagdaanan ni Donya Maria sa Ahas
Mga Halimbawa ng Awit:
Florante at Laura ni Francisco Balagtas, Buhay ni Segismundo ni Eulogio Juan de Tandiona, Doce Pares
na Kaharian ng Francia ni Jose de la Cruz, Salita at Buhay ni Mariang Alimango, Prinsipe Igmidio at
Prinsesa Clariana
Ang isang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal — sa
ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-
tuwirang pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar. Ito'y ay
nagbibigay ng di tuwirang kahulugan.

Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa

1. idyoma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.


2. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
3. salawikain, mga kasabihan o kawikaan.
Bugtong

Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong
kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). Ang mga
bugtong sa Panitikan ng mga pilipino ay pahulaan ng isang sagot sa pamamagitan ng paghahambing ng
bagay o ideya sa isang pangungusap o parirala. Nakatago ang kahulugan ng pinahuhulaang bugtong
ngunit ito ay masasagot sa pamamagitan ng mga bagay na nakalaad mismo sa bugtong. Isa itong
palaisipan na susubukan ang iyong galing sa pagdiskubre ng pag kaka ugnay ugnay ng mga salita na
nilalamang ng isang bugtong
Ang bugtong ay tulad lamang ng pungos na pangungusap, na madalas ay walang paksa o simuno.
Mukhang hindi totoo ang pinapaksa, subalit lagi namang nakaugat ang sagot sa totoo at pamilyar na
bagay na makikita sa kapaligiran. Nawawala ang ganda at bisa ng bugtong kapag marami itong posibleng
sagot. Ang bugtong ay mayroon lamang iisang tamang sagot.

Ang bugtong ay mayroon din sukat at tugma, at karaniwang binubuo ng 2 hanggang 4 na taludtod.

1. Ang unang (dalawang) linya ay nagsisimula sa ilang pamilyar na bagay sa kapaligiran


2. Ang huling (dalawang) linya naman ay nagbibigay ng katangi-tanging katangian sa bagay na binanggit
sa naunang linya.

May dalawang uri ang bugtong

1. Mga talinghaga (o enigma, bagaman tinatawag ding enigma ang bugtong), mga suliraning
ipinapahayag sa isang metapora o ma-alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat
na pagninilay-nilay para sa kalutasan
2. Mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa
sagot.

Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-araw na buhay at katutubong
paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madalas itong naging paisipan sa tuwing naglalaro ang
mga bata. Isang karunungang-bayan sa naglalayong palaguhin ang kakayahang pangkaisipan ng mga
Pilipino. Gumagamit ito ng mga linyang may tugma. Ito ay matatawag na tunay na tula.

Apat na katangian ng tunay na bugtong

1. Tugma
2. Sukat
3. Kariktan
4. Talinghaga. (Pinakamahalagang katangian)

Ang kasaysayan ng bugtong

Ito ay nagsimula pa bago dumating ang mga kastila kung ang pag-uusapan ay ang kasaysayan ng
Pilipinas. Ito ay ginamit upang libangin ang mga tao sa mga oras na wala silang ginagawa. Dahil dito
nakassanayan na itong gawin ng mga taong pagkakatipon sa patay o sa gabi. Hanggang sa kasalukuyan
mayroon pa ring mga tao na nagsasagawa nito. Iyon nga lamang hindi na kasindami ng mga tao noon.

Halimbawa ng mga bugtong na may pangngalang pantangi

1. Ang pangngalang pantangi ay tanging ngalan ng tao,hayop,bagay,lugar.


2. Ang pangngalang pambalana ay karaniwang ngalan ng tao,bagay,hayop,lugar at pangyayari. Ito ay
isinusulat sa maliit na titik.

Paano nagsimula ang bugtong


Sa totoo lamang, nagsimula ang Bugtong sa panahon ating mga ninuno noong sila ay bumuo ng mga
karunungang bayan. Nagbigay sila ng mga nakakalitong tanong na parang patula, at hindi nila direktang
ibinibigay ang pinahuhulaan
1. Bugtong : Kaisa-isang plato, kita sa buong Mundo.
Sagot: Buwan
2. Nagtago si Pedro, labas ang ulo.
Sagot : Pako
3. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao
Sagot: Atis
4. Hindi prinsesa, hindi reyna. Bakit may korona
Sagot: Bayabas
5. Nanganak ang birhen, itinapon ang lampin.
Sagot: Saging
6. Isang prinsesa, nakaupo sa tasa.
Sagot: Kasoy
Tanaga
Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-aral at payak na
pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabataan. Binubuo ito ng apat na
taludtod, at bawat taludtod ay may pitong pantig. May tugmang isahan (aaaa) ang sinaunang anyo nito,
ngunit pinasukan ng eksperimentasyon ng mga makata sa paglipas ng panahon. Kabilang sa mga
pagbabago ang pagpapasok ng tugmaang inipitan (abba), salitan (abab), at sunuran (aabb).

Ilan sa mga katangian ng tanaga ang masining na pagkasangkapan sa talinghaga (metaphor), ang
pagtitimpla ng mga imahen, ang pagpapaindayog ng tunog ng mga salita, at ang banayad na
pagpapahiwatig mula sa inilalarawan, inihahambing, o inilalahad na bagay, pangyayari, o tagpo.
Anay
Reynang nakahilata,
Alipi'y nangaypapa,
Lumawit man ang dila,
Sundalo'y tatalima.

Kamote
Itinanim na binhi,
Lumaki at ngumiti,
Nang hukayi't tagbisi,
Kasinlaki ng binti.

Isip-Kolonyal
Ang anyo mo ay sipi,
Nalimot na ang lahi.
Sa dayuha'y natali,
Sarili'y inaglahi.

Aso
Mataas sa pag-upo,
Mababa 'pag tumayo.
Kaibigan kong ginto,
Karamay at kalaro.
Haiku

Ang haiku ay tula ng mga hapones na binubuo ng labingpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtud.
ang unang taludtud ay binubuo ng limang pantig, ang pangalawang taludtud naman ay binubuo ng
pitong pantig at ang ikatlong taludtud ay binubuo di ng limang pantig gaya sa una. (5-7-5).Noon ay
tinawag na hokku, ang nagbigay sa haiku ng pangalan nito ngayon ay isang manunulat na Hapones at
siya si Masaoka Shiki sa katapusan ng 19th century.

Halimbawa ng haiku:

Paniniwala
Mabuting gawa
Mayroong gantimpala
Galing sa AMA.

Ama sa langit
Ikaw ngayo’y magalit
Sa malulupit.

Sining
Mahirap pala
Ang lima-pito-lima
Pantig na tula.
Ano ang tula

Ang tula ay anyo ng panitikan at ito ay binubuo ng taludtod. Ang tula ay isang anyo ng panitikan na
nagpapahayag ng damdamin ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong at ang mga saknong ay
binubuo ng mga taludtud.

Ang tula ay pagpapahayag ng magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mga taludtod.


Ang kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.

Ang tula ay nagpapahayag ng damdamin, gamit ng marikit na salita.

Ang tula ay isang uri ng panitikan na nagbibigay diin sa ritmo, mga tunog, paglalarawan at mga paraan
ng pagbibigay ng kahulugan sa mga salita.

Samantalang ang ordinaryong pagsasalita at panulat ay inoorganisa sa mga pangungusap at mga talata,
ang tula ay inoorganisa sa mga yunit na tinatawag na taludtod at saknong.
Kasaysayan Ng Tulang Pilipino

Ang tulang Pilipino, sariling atin o hiram na panitikan. Ang kasaysayan ng tulang Pilipino ay nababahagi
sa limang importanteng mga panahon. Una, ang Matandang Panahon. Ang panahong ito ay nagsimula
noong unang pagdating ng mga Negrito o Aeta hanggang sa taong 1521. Pangalawa, ang Panahon ng
mga Kastila na nagmula noong taong 1521 hanggang sa taong 1876. Pangatlo, ang Panahon ng
Pambansang Pagkamulat. Ito ay panahon ng himagsikan. Pang-apat, ang Panahon ng mga Amerikano na
nag-umpisa noong taong 1898 hanggang sa pagkatapos ng panahon ng digmaan. At ang huli'y ang
Panahong Patungo sa Pambansang Krisis.

Ang Matandang Panahon

Tulad ng maraming dayuhang kabihasnan ang panitikan ng Pilipinas ay nagmula sa mga magkakaibang
lipon ng tao na may panahong pagkaka-agwat.na dumating. Ang mga unang tao na dumating sa Pilipinas
ay ang mga Negrito o Aeta. Sumunod naman ang grupong Indones at mga Malay. Dahil dito ang
sinaunang kabihasnan ay may sarili nang sistema ng pagsulat at pasalita. Ang unang ebidensiya na
mayroon nang sariling panitikang pagsulat ang mga pilipino bago pa dumating ang mga dayuhang taga-
kanluran ay ang Baybayin na binubuo ng tatlong patinig at 14 na katinig. Ang mga simbolong ito ay
nakasulat sa mga dahon at balat ng mga punong-kahoy na ang gamit naman sa pag-ukit ay ang mga
matutulis na bato at kahoy din. Mayroon na ring panitikan na pasalita ang mga sinaunang tao. Ang
panitikang pasalita ay may anyong panulaan, tuluyan, at dula.
Ang panulaan ay binubuo ng mga bugtong, salawikain at kasabihan, tanaga, tulang pambata, bulong,
awiting bayan, at epiko. Ang mga ito'y nakasulat din ngunit ng dumating ang mga Kastila marami ang
sinunog na mga literatura at saka dahil marami ang nakasulat sa mga kahoy at dahon ito ay natunaw
pagkalipas ng maraming taon. Bagamat magkakaiba ang lengguaheng gamit ng mga sinaunang tao ang
kanilang panitikan ay may iisang mensahe at layunin.
Ang Bugtong. Ang unang layunin ng bugtong ay magbigay kasiyahan sa mga tagapakinig at ng mga
manlalaro. Kahit simple ang estraktura dito nasusukat ang talino at kaalaman tungkol sa bayan.
Ang Salawikain at Kasabihan. Ang salawikain at ang kasabihan ay nagpapakita ng asal, moralidad, at
pag-uunawa sa ating mga ninuno. Ang salawikain ay nagbibigay aral at ang kasabihan ay nagbibigay
unawa sa mga pang-araw araw na gawain.
Ang Tanaga. Ang tanaga ay naglalaman ng pangaral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda
sa pagpapagunita sa mga kabataan. Ito ay may estrukturang apat na taludtod at pitong pantig sa iisang
saknong.
Ang Tulang Pambata. Ito ay nagsisilbing pag-unawa noong kamusmusan ng ating mga ninuno. Ito rin ay
nagpapahayag at nagpapa-alala sa mga maliligayang karanasan noong sila'y bata pa.
Ang Bulong. Ang ating mga ninuno ay naniniwala rin sa mga di nakikitang espirito gaya ng mga lamang
lupang espirito tulad ng mga duwende. Ang ating mga ninuno ay humihingi ng ng pasintabi at
paumanhin sa mga ito upang hindi sila mapahamak sa mga masasamang pangyayari.
Halimbawa:
Tabi, tabi po, Ingkong
Makikiraan po lamang.
Bari-bari Apo
Umisbo lang ti tao. (Ilokano)
Ang Awiting-Bayan. Marahil sa lahat ng mga tula ang awiting bayan ay may pinakamalawak na paksa at
uri. Ang mga paksa nito'y nagbibigay hayag sa damdamin, kaugalian, karanasan, relihiyon, at kabuhayan.
Ang mga sumusunod ay mga halimbawa ng ibaìt ibang uri nito, isa ang talindaw. Ang talindaw ay
awit sa pamamangka. Ikalawa, ang Kundiman ito ay awit sa pag-ibig. Ikatlo, ang Kumintang ito ay awit
sa pakikidigma. Ikaapat, ang Uyayi o Hele ito ay awit na pampatulog ng sanggol. Nabibilang rin dito ang
Tigpasin, awit sa paggaod; ang Ihiman, awit sa pangkasal; ang Indulain, awit ng paglalakad sa
lansangan at marami pang iba.
Halimbawa:
Talindaw
Sagwan, tayoy sumagwan
Ang buong kaya'y ibigay.
Malakas ang hangin
Baka tayo'y tanghaliin,
Pagsagwa'y pagbutihin.

Oyayi o Hele

Matulog ka na, bunso,


Ang ina mo ay malayo
At hindi ka masundo,
May putik, may balaho.
Ang Epiko. Ang epiko ay mahabang tula na inaawit o binibigkas. Ito ay tungkol sa mahiwagang
pangyayari at kabayanihan ng isang mamamayan.

Ang Panahon ng mga Kastila

Ang Pilipino ay may sarili nang tula na mayaman sa uri, paksa, at estraktura bago pa dumating ang mga
dayuhang Espanyol. Subalit nang dumating ang mga Espanyol ang tulang Pilipino ay nagkaroon ng
maraming pagbabago at karagdagan lalo na sa uri at paksa. Noong nag-settle ang mga dayuhan sa ating
bansa karamihan nila'y mga maimpluensiyang prayle. Ang mga prayleng ito ay hindi lang nagpe-preach
kundi sila rin ay mga iskolar ng lengguaheng Espanyol kaya madali nilang nai-spread ang Kristianismo at
ang kulturang espanyol. Ito ay posible dahil ang mga dayuhan ay nagpakitang tao sa pamamagitan ng
pag sang ayon sa pagkatuto at pag-unawa sa ating mga katutubong kultura, baybayin, sining, pulitika,at
panitikan. Nang mapailalim tayo sa kanilang mga kamay ang ating mga puso't isipan ay sumunod din.
Dahil dito ang mga katutubong Pilipino o ang mga Indio na madaling silang tawagin ay madali na nilang
nabago ang anyo ng mga katutubong tula.

Ang mga pagbabago ay pagdaragdag sa mga paksang panrelihiyon, pangmoralidad, etika, panlibangan,
pangwika, at pangromansa. Mga katangiang abundant na sa Europa. Ang mga uri namang dinagdag sa
katutubong panulaan ay ang mgaTugma, Pasyon, Dalit, at ang Awit at Korido.
Ang Tugma. Ang tugma ayon sa depinisyon ay ang huling saknong ng tulang ito ay magkakatugma.
Actually, ang uring ito ay ginagamit na nang mga Indio noon ngunit ang mga Espanyol ay nagdagdag ng
isa o marami pang saknong. At saka, ang dapat na nilalaman o paksa ay ayon sa bagong
pananampalataya sa Panginoong HesuCristo.
Halimbawa:
Quintilla

Umulan man sa bundoc


houag sa dacong laot,
aba si casampaloc
nanao nang dico loob
ualang bauonang comot.
Ang Pasyon. Ang pasyon ay marahil ang pinaka-famous na anyong tula noong panahon ng ,mga Kastila
dahil dito sinasalaysay ang buod ng buhay ng Panginoong HesuCristo. Ito ay ikinakanta at nagsasalaysay
ng kaniyang buhay mula noong siyaìa ipinanganak, dakpin, ipinako sa krus hanggang sa kaniyang
muling pagkabuhay. Isang halimbawa ng pasyon sa isang saknong o taludtod:
O Diyos sa kalangitan
Hari ng Sangkalupaan
Mabait, lubhang maalam
At puno ng karunungan.
Ang Dalit. Ang dalit gaya ng pasyon ay inaawit din nguanit ito'y nagsasalaysay sa buhay ni Birheng Maria.
Dahil ang Birheng Maria ay simbolo ng kalinisan ng puri siya ay hinahandugan tuwing buwan ng Mayo.
Ito ngayon ay tinatawag na flores de Mayo.
Ang Awit at Korido. Ang mga tulang ito ay may paksang tungkol sa pangromansa. Ang Korido ay salaysay
sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ng isang tauhang malabayani na punung-puno ng
kababalaghan. Ang awit nama'y salaysay sa pakikipag-ibigan at pakikipagsapalaran ngunit ang mga
tauhan at walang sangkap na kababalaghan.
Sa kapanahunang ito seguro walang hihigit pa sa gawain ni Francisco "Balagtas" Baltazar. Siya marahil
ang mga unang makata na nag-expose laban sa mga koloniyalistang kultura. Ang kaniyang subversive
work ay sa anyong Florante at Laura. Ang Florante at Laura ay isang mahabang pasalaysay na tula na
naglalaman ng mga mensahe laban sa mga Kastila. Nakatakas ito sa mgas censura dahil nagbalat-kayo
na ang mga unang panauhin ay ang mga Kastila. Ngunit sa mga totoong mambabasa ito'y may
maraming tema una laban sa Kristiyanismo at pangalawa ang laban sa im espanya.periyalismong

Ang Panahon ng Pambansang Pagkamulat

Maiksi man ang panahong ito ang mga tulang nasasailalim ay marahil pinaka-importanteng mga literary
works. Dahil ang mga paksang ipinapahayag sa mga mambabasa ay mapa-free from koloniyalismong
mentalidad, at I-expose ang mga problema buhat ng pagkasakop ng mga Indio sa mga Espanyol. Ang
mg katangian ng mga paksa sa panahong ito ay naglalaman ng paksang makabayan, paglalarawan sa
mga kapaligiran gawa ng mga dayuhang sumakop.
Ang panahong ito ay nahahati sa dalawang maimpluensiyang grupo, pangpropaganda at
panghimagsikan. Ang unang layunin ng propaganda ay naglalayong humihingi ng reporma na
manggagaling sa mga Espanyol. Ang pinakakilalang propagandista ay ang ating bayabing si Dr. Jose
Rizal. Si Dr. Rizal ay naghangad na mapasigla ang mga tao upang labanan ang mg sakitt ng lipunan at
ang mga mabaluktoo na paghahari ng mga Kastila. Sinulat niya ang popular na tulang pinamagatang Mi
Ultimo Adios. Dalawa pang pangunahing propagandista ay sina Graciano Lopez-Jaena at si Antonio Luna.
Nang hindi makamtan ng grupong Pangreporma ang kanilang layunin at demands sa Espanya at ng mga
Kastilang namumuno sa Pilipinas nabuhay o kaya'y nabuo ang bagong kilusang Panghimagsikan. Ang
kilusang Panghimagsikan ay naglalayong gumamit ng dahas upang makamtan na ng ating Inang Bayan
ang hinihinging kalayaan sa mga Kastila at iba pang mga oppressors ng ating bayan. Ang pangunahing
pinuno ng kilusang himagsikan ay si Andres Bonifacio.

Ang Panahon ng mga Amerikano

Ang panulaang Pilipino noong panahon ng mga amerikano ay ang makikitang paggamit ng tatlong wika.
Ang wikang kastila, tagalog, at ingles. Ang mga Amerikano ay lumayon na bigyan ng kalayaan ang mga
makata at manunulat tungkol sa mga paksang makabansa, demokrasya, relihiyon, sosyalidad, at
pampulitika. Ang kinikilalang makata sa panahong ito ay si Jose Corazon de Jesus. Siya ay kilala rin sa
pangalang Batute. Si Batute ay isa sa mga unang makata na gumamit at lumayo sa mga tradisyong anyo
ng pagsusulat.Si Batute ay masasabing kampeon ng mga taong mabababa ang kalagayan sa pamayanan.
Ang kaniyang mga gawain ay makabayan matimbang sa kaniyang isip and kapakanakan ng mga maliliit
at ang kalayaan sa kamay ng mga dayuhan (Walong Dekada ng Makabagong Tulang Pilipino, p. 36). Ang
mga tulang siya'y kinikilala ay ang Bayan Ko at Ang Pamana.

Ang Panahong Patungo sa Pambansang Krisis

Krisis sa pulitika ang pangunahing paksa sa panahong ito na buhat ng ating pagkakaloob sa mga
Amerikano at ang pagpapatuloy na pag-angkin sa koloniyalismong mentalidad na minana natin sa mga
Kastila. Ngunit ang mga pangunahing taga-panglaban ay ang mga kilusan ng mga kabataang mag-aaral.
Sila ay nagbibigay kritisismo sa taong may pera at kapangyarihan tungkol sa kanilang pamamalakad ng
gobyerno. Ang kanilang hinihingi ay reporma na mapabago ang lipunan dulot ng kapitalismo,
imperyalismo, at piyudalismong paraan ng pamumuno. Si Amado Hernandez ang kinikilalang makata sa
panahong ito at ang kaniyang tulang "Kung Tuyo

Mga Elemento ng Tula

1. Sukat
2. Saknong
3. Tugma
4. Kariktan
5. Talinhaga
6. Anyo
7. Tono/Indayog
8. Persona

Sukat
Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang pantig ay
tumutukoy sa paraan ng pagbasa.
Halimbawa:
isda – is da – ito ay may dalawang pantig
is da ko sa Ma ri ve les – 8 pantig

Mga uri ng sukat

1. Wawaluhin –
Halimbawa:
Isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis

2. Lalabindalawahin –
Halimbawa:
Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad
Sa bait at muni, sa hatol ay salat
3. Lalabing-animin –
Halimbawa:
Sai-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis
Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid

4. Lalabingwaluhin –
Halimbawa:
Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay
Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay

Saknong
Ang saknong ay isang grupo sa loob ng isang tula na may dalawa o maraming linya (taludtod).
2 linya - couplet
3 linya - tercet
4 linya - quatrain
5 linya – quintet
6 linya - sestet
7 linya - septet
8 linya - octave

Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula.

Tugma
Isa itong katangian ng tula na hindi angkin ng mga akda sa tuluyan. Sinasabing may tugma ang tula
kapag ang huling pantig ng huling salita ng bawat taludtod ay magkakasintunog. Lubha itong nakaga-
ganda sa pagbigkas ng tula. Ito ang nagbi-bigay sa tula ng angkin nitong himig o indayog.

Mga Uri ng Tugma

1. Hindi buong rima (assonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung


saan ang salita ay nagtatapos sa patinig.
Halimbawa:
Mahirap sumaya
Ang taong may sala
Kapagka ang tao sa saya’y nagawi
Minsa’y nalilimot ang wastong ugali

Para masabing may tugma sa patinig, dapat pare-pareho ang patinig sa loob ng
isang saknong o dalawang magkasunod o salitan.
Halimbawa:
a a a
a a i
a i a
a i i
2. Kaanyuan (consonance) - paraan ng pagtutugma ng tunog na kung saan
ang salita ay nagtatapos sa katinig.
a. unang lipon, mga salitang nagtatapos sa – b, k, d, g, p, s, t
Halimbawa:
Malungkot balikan ang taong lumipas
Nang siya sa sinta ay kinapos-palad

b. ikalawang lipon, mga nagtatapos sa – l, m, n, ng, r, w, y


Halimbawa:
Sapupo ang noo ng kaliwang kamay
Ni hindi matingnan ang sikat ng araw

Kariktan
Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon din
mapukaw ang damdamin at kawilihan.

Talinghaga
Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay.
○ Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan
upang ilantad ang talinghaga sa tula

Anyo
Porma ng tula.

Tono/Indayog
Diwa ng tula.

Persona
Tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan
Mga Anyo ng Tula

Uri Ng Taludtod

1. Tradisyunal - Ito ay isang anyo ng tula na may sukat,tugma at mga salitang may malalim
na kahulugan .
2. Berso Blangko - tulang may sakto bagamat walang tugma
3. Malayang taludturan - tulang walang sukat at walang tugma. Ang anyo ng tulang ito ay
siyang nanaluktok na anyong tula sa panahon ng paghingi ng pagbabago ng mga
kabataan

Uri ng Tulang Tagalog

1. Tulang Liriko - Itinatampok dito ng makata ang kanyang sariling damdamin at pagninilay at hindi
gaano ang mga panlabas na pangyayari at tagpo sa buhay o ang kalagayang kinaroroonan.

Ang mga uri nito ay ang mga sumusunod:


a. Awit –Ang karaniwang paksa nito ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati,
pangamba, kaligayahan, pag-asa at kalungkutan.
b. Soneto – Ito ay tulangmay 14 na taludtod, hinggil sa damdamin at kaisipan, may
malimaw na kabatiran sa likas na pagkatao.
c. Oda – Ito ay nagpapahayag ng isang papuri ng isang panaghoy o ng iba pang
masiglang damdamin, walang tiyak na bilang ng pantig o taludtod sa isang saknong.
d. Elehiya – Nagpapahayag ito ng damdamin o guniguni tungkol sa kamatayan o kaya’y
tula ng pananangis lalo na sa paggunita sa isang yumao. Ang halimbawa ay tula ni
Jose Corazon De Jesus na “Isang Punong Kahoy”.
e. Dalit – Ito ay mga awit na pumupuri sa Diyos o sa Mahal na Birhen.

2. Tulang Pasalaysay - Naglalarawan ito ng mga mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay na


natatagpuan sa mga taludtod na nagsasaaysay ng isang kwento.
a. Epiko o Tulang Bayani – Ito ay nagsasalaysay ng kabayanihang halos hindi
mapaniwalaan sapagkat nauukol sa mga kababalaghan. Halimbawa nito ang
epiko n mga Ilokano na “Biag ni Lam-ang.”
b. Korido – Ito ang tulang nagtataglay ng walong pantig sa bawat taludtod. Karaniwang
mahaba at may mahusay na banghay ng mga pangyayaring isinasalaysay. May himig
mapanglaw at malimit na may paksang kababalaghan at maalamat at karamihan ay
hiram sa paksang Europeo. Ang halimbawa nito ay “Ibong Adarna.”
c. Awit – Ito ay nagtataglay ng labindalawang pantig sa bawat taludtod. Higit na masigla
ito kaysa korido. May malambing at marikit na pangungusap at nangangailangan ng
malalim na kaisipan. Ang halimbawa nito ay ang tulang “Florante at Laura.”

3. Tulang Pandulaan - Sadyang ginawa ito upang itanghal. Naglalarawan ito ng mga tagpong lubhang
madula na maaaring makatulad ng, o dili kaya’y naiiba sa nagaganap sa pang-araw-araw na buhay.
Patula ang usapan dito. Saklaw ng uring ito ang nga komedya, trahedya, melodramang tula, dulang
parsa.

4. Tulang Patnigan - Tulang sagutan na itinatanghalng mga nagtutunggaliang makata ngunit hindi sa
paraang padula, kundi sa tagisan ng mga katwiran at tagisan ng mga talino sa paraang patula.
a. Balagtasan – Tagisan ito ng talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa
isang paksang pagtatalunan. Ito’y sa karangalan ni Francisco “Balagtas” Baltazar.
b. Karagatan – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa pagtula na kabilang sa
tinatawag na “libangang itinatanghal” na ang taglay na pamagat ay nanggaling sa
isang alamat ng singsing ng isang dalaga na nahulog sa dagat.
c. Duplo – Ito ay isang laro sa tula o isang paligsahan sa husay sa pagbigkas at
pangangatwiran nang patula. Hango ang pangangatwiran sa Bibliya, mga salawikain
at mga kasabihan.
Talinhaga – mula sa salitang “talino” at “hiwaga” o ”tali” at “hiwaha” ang ibig sabihin ay isang pahayag
na hindi tahasang ibinibigay ang kahulugan. (Nakatago o hindi lantad)

Talinghagang tinumbasan ng mga katangian ng hayop, ibon, isda, kulisap, at halaman


Asong-pungge — susunod-sunod sa dalaga
Balat-kalabaw — Matibay ang hiya; walanghiya
Balat-sibuyas — maramdamin; madaling umiyak
Basang-sisiw — api-apihan; kalagayang sahol sa hirap
Buhay-alamang — laging nasusuong sa panganib; hikahos
Buhay-pusa — mahaba ang buhay; laging nakaliligtas sa panganib
Bulang-gugo — bukás ang palad sa paggasta
Buwayang-lubog — taksil sa kapuwa; hindi mabuti ang gawa
Dagang-bahay — taksil sa kasambahay
Kakaning-itik —api-apihan
Kutong-lupa — bulakbol; walang hanapbuhay
Lakad-kuhol — mabagal utusan; patumpik-tumpik kapag inutusan
Ligong-uwak — hindi naghihilod o gumagamit ng bimpo kapag naliligo; ulo lamang ang binabasa.
Maryakapra (marya-kapra) — babaing masagwa o baduy magbihis
Mataas ang lipad — hambog
Matang-manok — Malabo ang paningin kung gabi; Di-makakita kung gabi
May sa-palos— Hindi mahuli. Mahirap salakabin. Madulas sa lahat ng bagay.
Nagmumurang kamatis — nagdadalaga
Nagmumurang kamyas — bagong naniningalang-pugad; bagong nanliligaw.
Paang-pato — tamad; makupad; babagal-bagal kung lumakad
Pagpaging alimasag — walang laman
Puting-tainga — maramot
Putok sa buho — Walang tiyak na ama nang isilang
Salimpusa (saling-pusa) — hindi kabilang sa anumang panig;
Sangkahig, sangtuka — Ginagasta ang siyang kinikita.
Tagong-bayawak — madaling makita sa pangungubli
Tawang-aso — tawang nakatutuya

Talinghagang tinumbasan ng mga bahagi ng katawan o kaya’y kilos ng tao

Bukás ang palad — magaang magbitiw ng salapi; galante; hindi maramot


Kadaupang-palad— kaibigang matalik
Kumindat sa dilim — nabigo; nilubugan ng pag-asa
Lawit ang pusod — balasubas
Ligaw-tingin — torpe; hindi makapagsalita sa nais ligawan
Mababang-luha — iyakin; bawat kalungkutan ay iniiyak
Mabigat ang dugo — kinaiinisan
Magaan ang bibig – palabati; magiliw makipagkapuwa
Magaan ang kamay — magandang magbuwana mano, kung sa negosyo o sugal; mapagbuhat ng kamay,
o madaling manampal o manakit
Mahaba ang paa — nananaon sa oras ng pagkain ang pagdating o pagdalaw
Mahabang-dila — palasumbungin
Mahabang-kuko— palaumit
Mahigan ang kaluluwa — matinding galit
Mainit ang mata — malas sa panonood; nagdadala ng kamalasan kapag nagmiron sa sugalan
Manipis ang balát— mapaghinanakit; madaling masaktan kapag sinabihan
Marumi ang noo — taong may kapintasan
May balahibo ang dila — sinungaling
May bálat sa batok — malas
May bituin sa palad — masuwerte sa lahat ng bagay, lalo sa negosyo; mapapalarin
May kuko sa batok — masamang tao; di-mapagkakatiwalaan
May kurus ang dila — nagkakatotoo ang bawat sabihin
May nunal sa paa — Layás; mahilig maglagalag
May tala sa noo — babaeng ligawin o malimit suyuin ng mga lalaki
May-sungay — lalaking di-pinagtatapatan ng asawa; lalaking kinakaliwa o pinagtataksilan ng asawa
Nakadikit ng laway — tanggalin; madaling tanggalin
Namuti ang mata — Nabigo sa paghihintay; hindi dumating ang hinihintay
Namuti ang talampakan — kumarimot dahil naduwag; tumakbo palayo dahil sa natakot o naduwag.
Nasa dulo ng dila — hindi masabi-sabi; hindi matandaan, bagama’t alam na alam
Naulingan ang kamay — nagnakaw; kumupit ng salapi
Puting tainga — maramot
Sa pitong kuba — paulit-ulit
Tabla ang mukha — walang kahihiyan
Taingang-kawali — nagbibingi-bingihan; kunwari’y hindi nakarinig.
Walang butas ang buto — malakas
Walang sikmura — hindi marunong mahiya
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita upang madaling
maunawaan, mabisa at kaakit-akit ang pagpapahayag. Nakadaragdag ito sa kalinawan, kapamagitan at
kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat.

Mga iba’t ibang uri ng Tayutay

A. PAG-UUGNAY O PAGHAHAMBING

1. Simili o Pagtutulad (Simile) – nagpapakita ng pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay sa


pamamagitan ng paggamit ng mga katagang kagaya, katulad, para, parang, para ng, anaki’y, animo,
kawangis ng, gaya ng, tila, kasing-, sing-, ga-, at iba pang mga kauring kataga.

Halimbawa:
1. Tila yelo sa lamig ang kamay na nenenerbyos ng mang-aawit.
2. Si Menandro'y lobong nagugutom ang kahalintulad.
3. Ang kanyang kagandahan ay mistulang bituing nagninigning.
4. Ang mga tumakas ay ikinulong na parang mga sardines sa piitan.
5. Si maria na animo'y bagong pitas na rosas ay hindi napa-ibig ng mayamang dayuhan.
6. Gaya ng maamong tupa si Jun kapag nakagalitan.
7. Tila porselana ang kutis ni Celia.
8. Ang tao ay kawangis ng Diyos.

2. Metapora o Pagwawangis (Metaphor) – tiyak na paghahambing ngunit hindi na ginagamitan ng


pangatnig. Nagpapahayag ito ng paghahambing na nakalapat sa mga pangalan, gawain, tawag o
katangian ng bagay na inihahambing. Hindi na rin ito ginagamitan ng mga katagang kagaya, katulad at
mga kauri.

Halimbawa:
1. Siya'y langit na di kayang abutin nino man.
2. Ang kanyang mga kamay ay yelong dumampi sa aking pisngi.
3. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.
4. Ikaw na bulaklak niring dilidili.
5. Ahas siya sa grupong iyan.
6. Ikaw ang apoy na sumusunog sa aking puso.
7. Matigas na bakal ang kamao ng boksingero.

3. Alusyon - nagbibigay – saanggunian mula sa kasaysayan, panitikan, pulitika, bibliya at iba pang
aspekto ng buhay ng tao.

Halimbawa:
1. Pinaniwala niya ang mga tao na siya ang kanilang tagapagligtas mula sa delubyo.

4. Metonimya o Pagpapalit-tawag (Metonimy) - ang isang salita o grupo ng mga salita ay pinapalitan ng
isa pang salita o grupo ng mga salita na may kaugnayan sa nais ipahayag.

Halimbawa:
1. Ang kapalaran mo ay handog sa iyo na langit sa itaas na tinitingala ko
2. Siya ang timbangan, lakas tagahusga sa buti at sama mag-aanalisa.
3. “Sa ngalan ng Hari ay isinambulat gayong ordeng mula sa dibdib ng sukab.
4. Ang ikalawang tahanan ng mga kabataan

5. Sinekdoke – nagbabaggit sa isang bahagi, konsepto kaisipan, upang sakupin o tukuyin ang kabuuan.

Halimbawa:
1. Isinambulat ang order sa dibdib ng taksil.
2. Isang Rizal ang nagbuwis ng buhay alang-alang sa Inang Bayan.
3. Walang bibig ang umasa kay Romeo.
4. Hingin mo ang kaniyang kamay.
5. Hanggang sa malibing ang mga buto ko.

B. PAGLALARAWAN

1. Pagmamalabis o Eksaherasyon (Hyperbole) – Ito ay lagpalagpasang pagpapasidhi ng kalabisan o


kakulangan ng isang tao, bagay, pangyayari, kaisipan, damdamin at iba pang katangian, kalagayan o
katayuan. Ito rin ay gumagamit ng eksaherasyon

Halimbawa:
1. Pilit na binuhat ang sandaigdigan upang ang tagumpay ay kanyang makamtan.
2. Bumaha ng dugo sa kapaligiran ako ang nagwagi sa aming labanan
3. Yumuko sa akin ang sangkatauhan nang masaliksik ko ang katotohanan.
4. Namuti ang kaniyang buhok kakahintay sayo.
5. Abot langit ng pagmamahal niya sa aking kaibigan.
6. Bumabaha ng dugo sa lansangan.
7. Umuulan ng dolyar kina Pilar nang dumating si Seman.
8. Umulan ng pera sa pagtama ko sa lotto.
2. Apostrope o Pagtawag (Apostrophe) - pakikipag-usap sa karaniwang bagay na para bang nakikipag-
usap sa isang buhay na tao na malayo o isang taong parang naroon at kaharap gayong wala naman.

Halimbawa:
1. O tukso! Layuan mo ako!
2. Kamatayan nasaan ka na? wakasan mo na ang aking kapighatian.
3. Araw, sumikat ka na at tuyuin ang luhang dala ng kapighatian.
4. Ulan, ulan kami'y lubayan na.
5. Diyos ko, iligtas po ninyo ang aming bayan sa masamang elemento.
6. Buhay, bakit naging maramot ka sa akin.
7. Kalayaan, kay tagal kitang inasam mahawakan sa aking mga kamay.
8. Diyos Ama, ituro nyo po sa amin ang tamang daan.

3. Eksklamasyon o Pagdaramdam (Exclamation) - isang paglalabas o papahayag ng matinding damdamin

Halimbawa:
1. Aking nadarama ang kapighatian sa pinapasan kong sobrang kalungkutan!
2. Lubos ang tuwa ko sa pagdating ninyo Mabuhay! Mabuhay! Lalaya na ako!
3. Ibigay mo sana ang pagpapala Mo, sagipin Mo Poon, malulunod ako!
4. Isa kang hanggal!

4. Paradoks – naglalahad ng salungat sa likas (o karaniwan) na kalagayan o pangyayari.

Halimbawa:
1. Malayo ma’y malapit pa rin.
2. Kung magbangis ka ma’t magsukab sa akin mahal ka ring lubha dini sa panimdim

5. Oksimoron o Pagtatambis (Oxymoron) - nagtataglay ng mga salitang nagsasalungatan upang lalong


mapatingkad ang bisa ng pagpapahayag.

Halimbawa:
1. Magsaya na kayo’t ililibing ako di na makikita ng lahat sa mundo
2. Nalulungkot ako sa pananalo mo sa pagwawagi mo, hustisya’y natalo.
3. Banal na demonyo
4. Batang matanda

C. PAGSASALIN NG KATANGIAN

1. Personipikasyon o Pagsasatao (Personification) - Ginagamit ito upang bigyang-buhay, pagtaglayin ng


mga katangiang pantao - talino, gawi, kilos ang mga bagay na walang buhay sa pamamagitan ng mga
pananalitang nagsasaad ng kilos tulad ng pandiwa, pandiwari, at pangngalang-diwa.

Halimbawa:
1. Hinalikan ako ng malamig na hangin.
2. Ang mga bituin sa langit ay kumikindat sa atin.
3. Nahiya ang buwan at nagkanlong sa ulap.
4. Sumasayaw ang mga dahon sa pag-ihip ng hangin.
5. Nagtago ang buwan sa likod ng ulap.
6. Tik-tak ng orasan ay naghahabulan
7. Masayang umihip ang hanging amihan
8. Nagalit ang buwan sa haba ng gabi.
.
D. PAGSASATUNOG

1. Panghihimig o Onomatopeya (Onomatopoeia) - ito ang paggamit ng mga salitang kung ano ang tunog
ay siyang kahulugan.

Halimbawa:
1. Ang lagaslas nitong batis, alatiit nitong kawayan, halumigmig nitong hangin, ay bulong ng kalikasan.
2. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
3. Humalinghing siya sa sakit ng hagupit na tinanggap.
4. Grr-ggrrrrr!!Aww-aww! Ang galit na si Bantay ay nakatingin sa akin.
6. Himutok na umaalingawngaw sa buong gubat.
7. Kinakabog ang mga dibdib ng mga kalahok.
8. Tinataghuy-taghoy na kasindak-sindak.

2. Aliterasyon o Pag-uulit (Alliteration) - magkakasintunog ang unang patinig o katinig ng mga kakalapit
na mga salita o taludtod o saknong na nagbibigay ritmo sa pagbigkas ng tula.

Halimbawa:
1. Magagandang maya sa puno ng mangga Makikita silang masayang-masaya
2. Dinggin mo ang Diyos na dinadakila Dibdibin ang tinig ng Poong Bathala
3. “At sa mga sulong dito’y nakasabog, nangalat, napunla, Nagsipanahan, nangagsipamuhay, nagbato’t
nagkuta.”
4. Gumagalang gutay-gutay na gagamba

3. Repitasyon – pag-uulit ng mga salita o parirala upang bigyang – diin ang isang aspekto ng akda.

Halimbawa:
1. Ito nga! Ito nga! Itong nganga.
2. Saan, saan, ay saan makikita ang bayani ng bayan?
Ang Pantig at Pagpapantig

Ang pantig ay galaw ng bibig, saltik ng dila na may kasabay na tunog ng lalamunan o walang antalang
bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.

Kayarian ng Pantig

Gumagamit ng simbolong K para sa katinig at P para sa patinig sa pagtukoy ng kayarian ng pantig.

Kayarian
Halimbawa
P a-so
KP ma-ta
PK ak-lat
KPK sak-lap
KKP blu-sa
PKK eks-pre-syon
KKPK plan-ta
KPKK nars
KKPKK trans-por-ta-syon

Ang Pagpapantig

Ang pagpapantig ay paghahati ng salita sa pantig o mga pantig.

1. Ang magkasunod na dalawa o higit pang patinig ng salita ay hiwalay na mga pantig

Halimbawa:
uupo > u – u - po
paano > pa – a – no
noo > no - o

2. Ang magkasunod na katinig sa loob ng isang salita ay pinaghihiwalay, ang una ay kasama sa patinig
na sinusundan at ang ikalawa ay sa patinig na kasunod.

Halimbawa:
tukso > tuk - so
pandak > pan - dak
luksa > luk – sa

3. Sa hiram na salita, ang magkasunod na katinig ay parehong kasama sa kasunod na patinig.

Halimbawa:
sobre > so-bre
pobre > po-bre

4. Sa pag-uulit ng pantig:

a. Ang patinig lamang ang inuulit kung ito ay unang tunog ng salitang ugat.

Halimbawa:
asa > a-a-sa
alsa > a-al-sa
ekstra > e-eks-tra
b. Kung ang unang pantig ng salitang ugat ay nagsisimula sa katinig-patinig ang katinig at kasunod na
patinig lamang ang inuulit

Halimbawa:
punta > pu-pun-ta
sulat > su-su-lat
prito > pi-prituhin
Ang pananaliksik ay pahayag sa mataas na level ng pagsulat dahil nangangailangan ito ng pangangalap
ng datos, pag-iimbestiga, panunuri, pagbibigay-hinuha, at sa pagtatapos ay pagbibigay konklusyon at
rekomendasyon. Ang pananaliksik ay isang sining. Walang iisang paraan o tamang paraan ng
pananaliksik.

Bukod sa pagbibigay tugon sa mga katanungan, isa pang layunin ng pananaliksik ang makahanap ng
solusyon sa isang problema o suliranin. Karaniwang naghahanap ang isang mananaliksik ng mga
kaalaman mula sa mga aklatan upang malaman kung ano ang mga napag-alaman hinggil sa isang bagay,
kabilang ang mga maaaring nakalimutan nang kaalaman. Maaaring naghahanap-buhay ang isang
tagapagsaliksik o tagasaliksik sa isang klinika, laboratoryo, o kaya isang planetaryo. May mga
mananaliksik na naghuhukay ng lupa para mapag-aralan ang mga guho ng mga sinaunang mga
kabihasnan o magsagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga hubog ng mga bato. Maaari rin siyang
maglakbay sa kalawakan para pag-aralan ang sanlibutan.

Uri ng Pananaliksik

1. Emperikal o mala-siyentipiko – Nangangailangan ng malalim na pagsusuri ng mga ibedensya at


paktwal na datos. Ito’y nailalarawan, nasusukat, naihahambing at natutuos upang makita ang relasyon
ng hypothesis sa panukalang tesis na isang trabahong siyentipiko.

2. Applied Research – Gumagamit ng sopistikasyon, sapagkat ito’y kalkulasyon at estatistika. Karaniwang


ito’y bunga ng madaliang pagsaagawa ayon sa hinihinging panahon. Ang isang magaling na halimbawa
nito’y sa panahon ng eleksyon. Gumagamit ito ng prediksyon na nagkakatototoo. Ginagawa rin ito sa
benta ng kalakal sa ilalim ng advertisement. Ang mabisang resulta nito ay depende sa serbey at sa
napiling sampling.

3. Pure Reseach – Ginagawa ito sa sariling kasiyahan ng isang tao upang maunawaan ang isang bagay
na gumugulo sa kanyang isipan. Maaari naman itong gawin ayon sa hilig ng mananaliksik.

Mga gawain

Kabilang sa mga pangunahing gawain sa pagsasaliksik ang mga sumusunod: pagsusukat o pagsusuri ng
mga kaganapan o kababalaghan, paghahambing ng nakuhang mga resulta, at ang pag-unawa o
pagpapaliwanag ng mga resulta ayon sa mga pangkasalukuyang kaalaman kabilang ang mga
nakapagbabagong sangkap, na maaaring makaimpluwensiya sa resulta.
Mga Paraan ng Pananaliksik

A. Paglararawan (Descriptive Method)


B. Eksperimental na Paraan
Uri ng Paglalarawang Paraan

1. Pag-aaral ng Kaso (Case Study) – ang paraang ito’y detalyadong pag-aaral tungkol sa isang tao o yunit
sa loob ng sapat na panahon.
2. Sarbey – Ang mga sarbey na pag-aaral ay ginagamit para sukatin ang umiiral na pangyayari nang
hindi nagtatanong kung bakit ganoon o ganito ang isang bagay, paksa o pangyayari.

Lawak ng Sarbey
2.1. Sensus – isang sarbey na sumasaklaw sa buong target na populasyon.
2.2. Sarbey – ilang bahagi lamang ng populasyon.

3. Mga Pag-aaral na Debelopmental – sa paraang debelopmental, nagtatakda at kumukuha ng


mapanghahawakang impormasyon tungkol sa pangkat ng mga tao sa loob ng mahabang panahon.

Teknik sa Pagsasagawa ng Pananaliksik na Debelopmental

3.1. Longitudinal o Mahabang Panahong Paraan – Sa paraan ito, pinag-aaral ang parehong sampol ng
mga kalahok sa loob ng mahabang panahon.
3.2. Kros-Seksyunal na Paraan (Cross-Sectional Method) - Ito ay tungkol sa pag-aaral ng mga kalahok
na may iba’t ibang gulang at iba pang mga katangian sa parehong panahon.

4. Mga Pasubaybay na Pag-aaral (Follow-up Studies) – Ito ay ginagamit kung ibig na masubaybayan ang
isang payak na kundisyon. Ang pasubaybay na pag-aaral ay kailangan kung ibig tiytakin ang maaaring
bunga ng isang pag-aaral.

5. Dokyumentaryong Pagsusuri (Documentary Analysis) - Nangangailangan ng pagkalap ng impoirmasyon


sa pammagitan ng pagsusuri ng mga nasusulat na record at mga dokumento upang malutas ang mga
suliranin. Ang isa pang katawagan ng uri ng palarawang pag-aaral ay pagsusuri ng nilalaman. (content
analysis)

6. Patakarang Pagsusuri (Trend Analysis) – Ito ay isang popular na paraan ng palarawang pag-aaral na
tinatawag din ng iba na feasability study. Ginagamit na datos sa pag-aaral na ito ang mga kondisyong
umiiral sa kasalukuyan.
7. Mga Pag-uugnay na Pag-aaral (Correlational Studies) Ito ay isang palarawang pag-aaral na idinesenyo
para alamin ang iba’t iang baryabol na magkakaugnay o may relasyon sa isa’t isa sa target na
populasyon.

B. Eksperimental na Paraan – Sinasabi ni Gay (1976) na ito lamang ang paraan ng pananaliksik na tunay
na makasusubok sa palagay o hypothesis tungkol sa ugnayang sanhi at bunga.
Idinagdag ni Ary at mga kasama (1972), na ang eksperimento ay kadalasang itinuturing na
pinakasopistikadong pamaraan ng pananaliksik para subukin ang mga palagay o hypothesis.
Ibinigay ni Ary at iba pa ang mga katangian ng pamaraang ito:

1. Ang malayang baryabol ay maaring mabago.


2. Ang lahat ng iba pang baryabol maliban sa iba malayang baryabol ay walang pagbabago.
3. Ang epekto ng manipulasyon ng malayang baryabol sa di malayang baryabol ay inoobserbahan o
pinag-aaralan at sinusulat
Mga pangunahing uri ng pananaliksik

Kabilang sa mga pangunahing uri o gawi sa pananaliksik ang payak at nilapat na pananaliksik:

1. Basiko o payak na pananaliksik - Tinatawag din itong puro o pundamental na pananaliksik na


isinasagawa sa mga laboratoryo o klinikang pang-eksperimento.

2. Nilapat na pananaliksik - Ito ang paglalapat ng mga kaalaman sa mga gawaing pampananaliksik, o
paggamit ng mga kaalaman sa pananaliksik na magagamit para sa pagpapaunlad ng lipunan. Kabilang
dito ang mga protokol (protokolo) o mga sinusunod at tinutupad na paraan sa mga pananaliksik na
klinikal.

Iba pang mga uri ng pananaliksik

Kasama rin sa mga uri ng pananaliksik ang mga pang-akademya, pang-agham, pampamilihan, pang-
edukasyon, pangkasaysayan, pangwika, at may pag-uugnayan ng mga disiplina:

1. Pang-akademya
Iba ito sa pananaliksik na pangedukasyon sa ibaba sapagkat isinasagawa ito ng mga mag-aaral, hindi sila
ang pinag-aaralan ng mananaliksik. Nagsasaliksik ang mga estudyante upang makapagsulat ng mga
takdang-aralin, sa pamamagitan ng pagbabasa ng maraming bilang ng mga aklat hinggil sa isang paksa,
at nagtatala sila sa kanilang mga talaan. Ginagamit din ang gawing ito ng mga manunulat ng mga hindi
kathang-isip na mga manuskrito o akda, upang maging tama ang kanilang mga impormasyong ginagamit
sa pagsusulat.

2. Pang-agham
Tinatawag din itong pamamaraang pang-agham o pamamaraang siyentipiko. Isang pangkaraniwang gawi
sa pagsasaliksik ang makaagham na metodo. Ginagamit ang pananaliksik upang mapainam ang mga
pagkaunawasa mga larangan ng biyolohiya, inhinyeriya, pisika, kimika, at iba pa. Dahil sa pang-agham
na gawi ng pagsasaliksik, maaaring maisakatuparan ang pagkakatuklas ng mga bagong gamot na
panglunas ng mga karamdaman, ang paglalang ng mga mas hindi-mapanganib na mga sasakyan, at
kung paano makapag-aani ng mas maraming mga pagkain sa mga bukirin. Nagmumula sa mga
pamahalaan, mga pribadong korporasyon, at mula sa nagbibigay-kusang mga samahan ang suportang
pampananalapi sa ganitong uri ng mga pananaliksik.

3. Pampamilihan
Isa itong sangay sa larangan ng sikolohiya sapagkat pinag-aaralan at sinusuri sa pananaliksik na
pangmerkado o pangmarket ang kung ano ang mga bagay na binibili ng mga tao at kung paano sila
naglilibang pagkatapos ng kanilang mga trabaho.

4. Pang-edukasyon
May kaugnayan sa pagsusuri kung paano natututo ang mga tao sa ganitong uri ng pananaliksik,
partikular na sa mga paaralan.
5. Pangkasaysayan
Sinusuri rito ang lahat ng uri ng mga dokumentong katulad ng mga personal na talaan, mga liham, mga
batas, mga resibo, mga sertipiko ng pagpapatibay, mga pahayagan, mga magasin, mga aklat, at mga
kasangkapang tulad ng mga alahas, mga aparato, at mga kagamitang pantahanan. Ginagamit ito ng mga
arkeologo.

6. Pangwika
Tinatawag din itong pananaliksik na lingguwistiko sapagkat pinag-aaralan ang kung paano ginagamit ng
mga tao ang sinasalitang wika, ang mga tunog sa wikang sinusuri, at maging ang pag-iimbistiga ng gawi
sa pamumuhay ng mga mamamayang nasa isang pook.

7. Sa mga disiplina
May isinasagawa ding mga pananaliksik na nagkakaugnayan ang iba't ibang larangan ng mga kaalaman.
Kasama sa pangmakadisiplinang pananaliksik ang multidisiplinaryo, interdisiplinaryo, at transdisiplinaryo.
Sa antas na pang-multidisiplinaryo o maramihang mga larangan, isinasagawa ang pagsusuri mula sa iba't
ibang mga anggulo, at ginagamitan ng sari-saring mga pananaw ng mga larangan, ngunit hindi
nagkakaroon ng pagsasanib. Sa interdisiplinaryo o sa pagitan ng mga larangan, nililikha ang isang
katauhan ng metodolohiya o pamamaraan, isang identidad ng panukala (teoriya) o konsepto (diwa), na
nagdurulot ng mas pinagsanib at mauunawaang mga resulta. Samantala, mas lumalaktaw sa mga gawi
ng mga naunang may-ugnayang panlarangang pananaliksik ang transdisiplinaryo o nagpapalitang
(nagsasanib na) mga larangan: sapagkat nagsasanib ang mga larangan o disiplina, kabilang ang
pagkakaisa ng mga epistemolohiya, partikular na ang Panukala ng mga Agham Pantao o Teoriya ng
Agham Pangtao.
Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Isang Mananaliksik

Limang katangiang esensyal upang maging matagumpay ang isang mananaliksik sa kanyang gawain

1. Masipag.
a. Kailangan niyang maging masipag sa pangangalap ng mga datos at pagsisiyasat
sa lahat ng anggulo at panig ng pinapaksa ng pananaliksik.
b. Hindi maaaring doktorin ang resulta
c. Mahahalata kung naging tamad siya – kakulangan sa datos, katibayan, at mga
hindi mapangatwiranang konklusyon.

2. Matiyaga.
a. Kakambal ng sipag ang tiyaga
b. Kailangang maging pasensyoso ang isang mananaliksik.
c. Kailangan niyang pagtiyagaan ang pangangalap ng mga datos mula sa iba’t
ibang hanguan.

3. Maingat.
a.Kailangang maging maingat ang isang mananaliksik
b.Lalo na sa dokumentasyon o sa pagkakilala sa pinagkunan ng datos at
pinagmulan ng anumang ideya.
c.Kailangan upang maging kapani-paniwala ang mga resulta sa pananaliksik.
d.Maingat na tiyakin ang iba’t ibang panig ng pagksang sinisiyasat at maingat na
tiyaking may sapat na katibayan o balidasyon.

4. Sistematik
a. Ang pananaliksik ay isang sistematikong gawain.
b. Kailangang sundin ng isang mananaliksik ang mga hakbang nito ayon sa
pagkakasunod-sunod.

5. Kritikal o mapanuri.
a. Ang pananaliksik ay isang iskolarling gawain.
b. Pinaglalaanan ito ng buhos ng isip.
c. Kailangang maging kritikal o mapanuri ang isang mananaliksik sa pag-
ieksamen ng mga impormasyon, datos, ideya, o opinyon upang matukoy kung
ang mga ito’y valid, mapagkakatiwalaan, lohikal at may batayan.
d. Kailangan niyang timbang-timbangin ang katwiran ng mga impormasyon
upang kanyang mapagpasyahan kung alin sa mga iyon ang kanyang
mapakikinabangan sa kanyang pananaliksik.

Mga Pananagutan ng Isang Mananaliksik

katapatan ang pinapangunahing pananagutan ng isang mananaliksik


Disenyo at Paraan ng Pananaliksik

Disenyo ng Pananaliksik
1. Nililinaw kung anong uri ng pananaliksik ang pag-aaral
2. Payo: gamitin ang deskriptip-analitik na disenyo

Respondente
1. Tinutukoy ang mga respondente ng sarbey, kung ilan sila at paano at bakit sila
napili.

Instrumento ng Pananaliksik
1. Inilalarawan ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos
at impormasyon
2. Iniisa-isa rito ang mga hakbang na kanyang ginawa at kung maaari, kung paano
at bakit niya ginawa ang mga iyon.
3. Maaaring mabanggit ang interbyu o pakikipanayam, pagconduct ng sarbey at
pagpapasagot ng sarbey

Tritment ng mga Datos


1. Inilalarawan kung anong istatistikal na paraan ang ginamit upang ang mga
numerikal na datos ay mailarawan.

Presentasyon at Interpretasyon ng Datos


Inilalalahad ang mga datos na nakalap ng mananaliksik sa pamamagitan ng tekstwal at tabular o grapik
na presentasyon.

Lagom, Kongklusyon, at Rekomendasyon

Lagom: binubuod ang mga datos at impormasyong nakalap.


Kongklusyon: mga inferences, abstraksyon, implikasyon, interpretasyon,
pangkalahatang pahayag, at/o paglalahad batay sa mga datos at impormasyong
nakalap.
Rekomendasyon: mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o
natuklasan sa pananaliksik.

Mga Panghuling Pahina

Listahan ng sanggunian: isang kumpleto ng talata ng lahat ng mga hanguan o


sorses na ginamit sa pagsulat ng pamanahong-papel.
Apendiks/Dahong-dagdag: maaaring ilagay o ipaloob ditto ang mga liham,
polmularyo ng ebalwasyon, transkripsyon ng interbyu, sampol ng sarbey-
kwestyoneyr, bio-data ng mananaliksik, mga larawan, kliping atbp
Mga Katangian ng Mabuting Pananaliksik

Ang mga sumusunod na katangian ng mabuting pananaliksik na binigyan ng sapat na pagpapaliwanag sa


mga kasunod na talataan:

1. Ang pananaliksik ay sistematiko


a. May sinusunod itong proseso o magkakasunod-sunod na mga hakbang tungo sa
pagtuklas ng katotohanan, solusyon ng suliranin, o ano pa mang nilalayon sa
pananaliksik.

2. Ang pananaliksik ay kontrolado


a. Lahat ng baryabol na sinusuri ay kailangang mapanatiling constant.
b. Hindi dapat ito baguhin upang kahit ano mang pagbabagong maganap ay
maiuugnay sa eksperimental na baryabol.
c. Kailangan sa eksperimental na pananaliksik.

3. Ang pananaliksik ay empirical


a. Kailangang maging katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginagamit sa
pananaliksik, maging ang mga datos na nakalap.

4. Ang pananaliksik ay mapanuri


a. Ang mga datos ay kailangang suriin nang krikital upang hindi magkamali ang
mananaliksik sa paglalapat ng interpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap.
b. Gumagamit ang mananaliksik ng mga nabalideyt nang pamamaraang pang-
estadistika upang masabing analitikal ang pananaliksik.

5. Ang pananaliksik ay obhetibo, lohikal, at walang pagkiling.


a. Lahat ng findings ay kailangang lohikal na nakabatay sa empirical na datos at
walang pagtatangkang ginawa upang baguhin ang resulta ng pananaliksik.
b. Walang puwang ang pagkiling..

6. Ang pananaliksik ay gumagamit ng kwantiteytib o istatistikal na metodo.


a. Ang mga datos ay dapat mailahad sa pamamaraang numerikal at masuri sa
pamamagitan ng istatistikal na tritment.

7. Ang pananaliksik ay isang orihinal na akda


a. Ang mga datos na nakalap ay sarili nyang tuklat at hindi mula sa panulat,
tuklas, o lathala ng ibang mananaliksik.

8. Ang pananaliksik ay isang akyureyt na imbestigasyon, obserbasyon, at deskripsyon.


a. Bawat aktibidad na pampananaliksik ay kailangang maisagawa nang tumpak o
akyureyt nang ang tuklas ay humantong sa pormulasyon ng mga siyentipikong
paglalahat.
b. Lahat ng kongklusyon ay kailangang nakabatay sa mga aktwal na ebidensya.

9. Ang pananaliksik ay matiyaga at hindi minamadali.


a. Kailangang pagtiyagaan ang bawat hakbang
b. Pag ito’y minadali à hindi matibay na kongklusyon at paglalahat

10. Ang pananaliksik ay pinagsisikapan


a. Walang pananaliksik na isinasagawa nang walang pagsisikap.
b. Kailangang paglaanan ng panahon, talino, at sipag.

11. Ang pananaliksik ay nangangailangan ng tapang


a. Kailangan ang tapang sapagkat maaaring makaranas ng hazards at discomforts
sa pananaliksik
b. May mga pagkakataon ding maaari siyang dumanas ng di-pagsang-ayon ng
publiko at lipunan.
c. Maaaring magkaroon ng di pagkakaunawaan.

12. Ang pananaliksik ay maingat na pagtala at pag-uulat


a. Lahat ng datos ay Kailangang maingat na mailathala
b. Maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng pananaliksik.
c. Kailangang maiulat sa pasulat na paraan sa anyo ng isang papel
pampananaliksik at kadalasan, sa pasalitang paraan o ang oral defense o
presentation.
Ang Ponolohiya o Palatunugan

Ang ponolohiya o palatunugan ay pag-aaral sa mga ponema (tunog), paghinto(juncture), pagtaas-


pagbaba ng tinig(pitch), diin(stress) at pagpapahaba ng tunog (prolonging/lengthening)
Sa Filipino, may mga tunog (ponema) na malayang nagpapalitan. Sa pagkakataon na ang ponema ay
malayang nagpapalit, ang baybay ng salita ay nag iiba ngunit hindi ang kanilang mga kahulugan. Ponema
ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng tunog.
May dalawang uri ng ponema: ang segmental at suprasegmental.

1. Ponemang segmental

Ang ponemang segmental ay binubuo ng ponemang katinig at patinig.

a) Labing-lima ang orihinal na kasama sa palabaybayan ngunit isinama ang impit na tunog o glottal stop
(?) sapagkat ito ay itinuturing na isang ponemang katinig dahil napagbabago nito ang kahulugan ng
isang salita. Ang dating bigkas nito ay malumi o maragsa.

b) /p, b, m, w, d, t, l, s, n, r, y, k, g, ng, h, ?/ ang bumubuo sa ponemang katinig

Halimbawa:
ba: tah - housedress
tub: boh - pipe
ba: ta? - child
tub: bo? - profit

c) Ang ponemang patinig ay lima : a, e, i, o, u.

d) May mga salitang nagkakapalit ang ponemang /u/ at /o/, gayundin ang /i/ at /e/ ngunit hindi
nagbabago ang kahulugan ng salita.

Halimbawa:
babae - babai
kalapati - kalapate
lalaki - lalake
noon - nuon

e) Mayroon din namang mga salitang itinuturing na hiwalay na ponema ang /u/, /o/, /i/, at /e/ dahil
nagbibigay ito ng magkaibang kahulugan at hindi maaaring pagpalitin.

Halimbawa:
uso - modern
mesa - table
oso - bear
misa - mass

2. Ponemang Suprasegmental

Ang Diin, bilang ponemang suprasegmental, - ay lakas, bigat o bahagyang pagtaas ng tinig sa pagbigkas
ng isang pantig sa salitang binibigkas.
Halimbawa :
sa salitang /kamay/, ang diin ay nasa huling pantig na /may/
-ay isang ponema sapagkat sa mga salitang may iisang tunog, ang pagbabago ng diin ay nakapagbabago
sa kahulugan nito.

Halimbawa:
1. Hiram lamang ang /BUhay/ ng tao.
2. Sila /LAmang/ ang /buHAY/ sa naganap na sakuna, kaya masasabing /LAmang/siya.
May apat na ponemang suprasegmental:

1. Haba (length) - ito ay tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig (a, e, i, o, u ) ng isang pantig. Maaaring
gumamit ng simbolong tuldok (. ) para sa pagkilala sa haba.

Halimbawa:
1. bu.kas - nangangahulugang susunod na araw
2. bukas - hindi sarado

2. Tono (pitch) - ito ay tumutukoy sa pagbaba at sa lakas ng bigkas ng pantig. Nagpalilinaw ng mensahe
o intensyong nais ipabatid sa kausap, tulad ng pag-awit, sa pagsasalita ay may mababa, katamtaman at
mataas na tono.Maaaring gamitin ang bilang. 1 sa mababa, bilang. 2 sa katamtaman at bilang 3 sa
mataas.

Halimbawa:
1. Kahapon - 213 (pag-aalinlangan)
2. Kahapon - 231 (pagpapatibay)
3. Talaga - 213 (pag-aalinlangan)
4. Talaga - 231 (pagpapatibay)

3. Antala (juncture) - tumutukoy ito sa pansamantalang pagtigil ng ating ginagawa sa pagsasalita upang
higit na maging malinaw ang mensahe.Maaring gumamit ng simbolo kuwit ( , ), dalawang guhit na pahilis
( // ), o gitling ( - )

Halimbawa:
1. Hindi, siya ang kababata ko.
2. Hindi siya ang kababata ko.

4. Diin (stress o emphasis) - ang lakas o bigat sa pagbigkas ng isang salita o pantig ay makakatulong sa
pag unawa sa kahalagahan ng mga salita. Maaring gamitin sa pagkilala ng pantig na may diin ang
malaking titik.

Halimbawa:
1. BU:hay - kapalaran ng tao
2. bu:HAY - humihinga pa
3. LA:mang - natatangi
4. la:MANG - nakahihigit; nangunguna
Pagbabagong Morpoponemiko
Iba't Ibang Uri ng Pagbabagong Morpoponemiko

1. Asimilasyon - kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / d, l, r, s, t /, ang


panlaping pang- ay nagiging pan-. Ito ay nagiging pam- naman
kapag ang kasunod na tunog ay alinman sa / b, p /.

Paalala: Nananatilinng pang- kapag ang kasunod na tunog ay mga katinig na / k,


m, n, ng, w, y / o patinig ( a, e, I, o, u ). Nilalagyan ng gitling ( - ) kapag
ang salitang ugat ay nagsisimula sa patinig.

Halimbawa:
1. Pang + lunas - panglunas - panlunas
2. Pang = baon - pangbaon - pambaon
3. Pang + kulay - pangkulay
4. Pang + isahan - pang - isahan

2. Pagkakaltas - sa pagbabagong ito, may nawawalang ponema sa loob ng


salita
Halimbawa:
1. Sunod + in - sunodin - sundin
2. Takip + an - takipan - takpan
3. Dala + han - dalahan - dalhan

3. Maypalit - may mga ponemang napapalitan o nagbabago sa pagbuo ng salita.


nagaganap ang pagpapalitan ng /r/ at /d/ kapag ang /d/ ay nasa pagitan ng
dalawang patinig.
Halimbawa:
1. Ma + dami - madami - marami
2. Bakod + bakudan - bakuran

4. Pagpapaikli ng salita - Pagpapaikli at pagpapabilis ng pagbigkas ng salita.

Halimbawa:
1. Hinatay ka - Tayka - teka
2. Tayo na - Tayna - tena, tana
3. Wikain mo - Ikamo - kamo
4. Wika ko - ikako - kako

5 Metatesis
Wastong Gamit
1. Tuldok o Period (.)
2. Pananong o Question Mark (?)
3. Padamdam o Interjection (!)
4. Kuwit o Comma (,)
5. Kudlit Apostrophe (‘)
6. Gitling o hyphen (-)
7. Tutuldok o Colon (:)
8. Tutuldok-Kuwit o Semicolon (;)
9. Panipi o Quotation Mark (“”)
10. Panaklong o Parenthesis ( )
11. Tutuldok-tutuldok o Elipsis (…)

1. TULDOK (.) - Ang tuldok ay ginagamit na pananda:

A. Sa katapusan ng pangungusap na paturol o pasalaysay at pautos.

Halimbawa:
Igalang natin ang Pambansang Awit.

B. Sa pangalan at salitang dinaglat

Halimbawa:
Si Gng. A.A. Jose ay mahusay magturo.
Si Bb. Macarayan ang kanilang guro sa asignaturang “Basic Christian Living”

C. Sa mga titik o tambilang na ginagawang pamilang sa bawa’t hati ng isang


balangkas, talaan.

Halimbawa:
A. 1.

2. PANANONG (?) - Ginagamit ang pananong:

A. Sa pangungusap na patanong.

Halimbawa:
Ano ang pangalan mo?
Sasama ka ba?

B. Sa loob ng panaklong upang mapahiwatig ang pag-aalinlangan sa diwa ng


pangungusap.

Halimbawa:
Si Manuel Roxas ang ikalawang (?) pangulo ng Republika ng Pilipinas.

3. PADAMDAM (!) - Ang bantas na pandamdam ay ginagamit sa hulihan ng isang kataga, parirala o
pangungusap na nagsasaad ng matindi o masidhing damdamin.

Halimbawa:
Mabuhay ang Pangulo!
Uy! Ang ganda ng bago mong sapatos.
Aray! Naapakan mo ang paa ko.

4. PAGGAMIT NG KUWIT (,) - Ginagamit din ang kuwit sa paghihiwalay ng isang sinipi

A. Sa paghihiwalay ng magkakasunod na salita at lipon ng mga salitang


magkakauri.

Halimbawa:
Kumain ka ng itlog, gulay at sariwang bungang-kahoy.
Shana, saan ka nag-aaral ngayon?

B. Sa hulihan ng bating panimula at bating pangwakas ng isang liham-


pangkaibigan.

Halimbawa:
Mahal kong Marie,
Nagmamahal,
Sa iyo kaibigang Jose,
Tapat na sumasaiyo,

C. Pagkatapos ng OO at HINDI.

Halimbawa:
OO, uuwi ako ngayon sa probinsiya.
HINDI, ayaw niyang sumama.

D. Sa mga lipon ng salitang panuring o pamuno.

Halimbawa:
Si Andres Bonifacio, ang ama ng Katipunan, ay isinilang sa Tondo.
Si Pastor Arias, isang mahusay na tagapagtanggol, ay isang Manobo.

E. Sa hulihan ng bilang sa petsa, o sa pagitan ng kalye at purok at ng bayan at


lalalwigan sa pamuhatan ng isang liham.

Halimbawa:
Nobyembre 14, 2008
Project 8, Quezon City

F. Sa paghihiwalay ng tunay na sinabi ng nagsasalita sa ibang bahagi ng


pangungusap.

Halimbawa:
Ayon kay Rizal, “Ang hindi magmamahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at
malansang isda”.
5. PAGGAMIT NG KUDLIT(‘) - Ginagamit na panghalili ang kudlit sa isang titik na kina-kaltas:

Halimbawa:
Siya’t ikaw ay may dalang pagkain.
Ako’y mamayang Filipino at may tungkulin mahalin at pangalagaan ang aking bayan.

6. PAGGAMIT NG GITLING(-) - Ginagamit ang gitling (-) sa loob ng salita sa mga sumusunod na
pagkakataon:

A. Sa pag-ulit ng salitang-ugat o mahigit sa isang pantig ng salitang-ugat.

Halimbawa:
araw-araw isa-isa apat-apat
dala-dalawa sari-sarili kabi-kabila
masayang-masaya

B. Kung ang unlapi ay nagtatapos sa katinig at ang salitang nilalapian ay


nagsisimula sa patinig na kapag hindi ginitlingan ay magkakaroon ng ibang
kahulugan

Halimbawa:
mag-alis nag-isa nag-ulat
pang-ako mang-uto pag-alis
may-ari tag-init pag-asa

C. Kapag may katagang kinaltas sa pagitan ng dalawang salitang pinagsama.

Halimbawa:
pamatay ng insekto - pamatay-insekto
kahoy sa gubat - kahoy-gubat
humgit at kumulang - humigit-kumulang
lakad at takbo - lakad-takbo
bahay na aliwan - bahay-aliwan
dalagang taga bukid - dalagang-bukid

Subalit, kung sa pagsasama ng dalawang salita ay magbago ang kahulugan,


hindi na gagamitan ng gitling ang pagitan nito.

Halimbawa:
dalagangbukid (isda)
buntunghininga

D. Kapag may unlapi ang tanging ngalan ng tao, lugar, brand o tatak ng isang
bagay o kagamitan, sagisag o simbolo. Ang tanging ngalan ay walang
pagbabago sa ispeling
Halimbawa:
maka-Diyos maka-Rizal maka-Pilipino
pa-Baguio taga-Luzon taga-Antique
mag-pal maka-Johnson mag-Sprite
mag-Corona mag-Ford mag-Japan

E. Sa pag-uulit ng unang pantig ng tanging ngalang may unlapi, ang gitling ay


nalilipat sa pagitan ng inulit na unang pantig ng tanging ngalan at ng buong
tanging ngalan

Halimbawa:
mag-Johnson magjo-Johnson
mag-Corona magco-Corona
mag-Ford magfo-Ford
mag-Japan magja-Japan
mag-Zonrox magzo-Zonrox

F. Kapag ang panlaping ika- ay iniunlapi sa numero o pamilang.

Halimbawa:
ika-3 n.h. ika-10 ng umaga ika-20 pahina
ika-3 revisyon ika-9 na buwan ika-12 kabanata

G. Kapag isinulat nang patitik ang mga yunit ng fraction.

Halimbawa:
isang-kapat (1/4)
lima’t dalawang-kalima (5-2/5)
tatlong-kanim (3/6)

H. Kapag pinagkakabit o pinagsasama ang apelyido ng babae at ng kanyang


bana o asawa.

Halimbawa:
Gloria Macapagal-Arroyo
Conchita Ramos-Cruz
Perlita Orosa-Banzon

I. Kapag hinati ang isang salita sa dulo ng isang linya.

Halimbawa:
Patuloy na nililinang at pinalalawak ang pag-gamit ng Filipino.

7. TUTULDOK( : ) - ginagamit matapos maipuna ang pagpapakilala sa mga sumusunod na paliwanag.

A. Ginagamit kung may lipon ng mga salitang kasunod.


Halimbawa:
Maraming halaman ang namumulaklak sa hardin tulad ng: Rosal, Rosas, Orchids,
Sampaguita, Santan at iba pa.

B. Pagkatapos ng bating panimula ng pormal na liham o liham-pangangalakal.

Halimbawa:
Dr. Garcia:
Bb. Zorilla:

C. Sa paghihiwalay sa mga minuto at oras, sa yugto ng tagpo sa isang dula, sa


kabanata at taludtod ng Bibliya at sa mga sangkap ng talaaklatan.

Halimbawa:
8:00 a.m Juan 16:16

8. TUTULDOK - KUWIT( ; ) - Ito ay naghuhudyat ng pagtatapos ng isang pangungusap na kaagad


sinusundan ng isa pang sugnay nang hindi gumagamit ng pangatnig

A. Maaaring gumamit ng tuldukuwit sa halip na tutuldok sa katapusan ng bating


panimula ng liham pangalakal.

Halimbawa:
Ginoo;
Bb;

B. Ginagamit sa pagitan ng mga sugnay ng tambalang pangungusap kung hindi


pinag-uugnay ng pangatnig.

Halimbawa:
Kumain ka ng maraming prutas; ito’y makabubuti sa katawan.
Naguguluhan siya sa buhay; iniisip nya ang magpatiwakal.

C. Sa unahan ng mga salita at parirala tulad halimbawa, gaya ng, paris ng, kung
nangunguna sa isang paliwanag o halimbawa.

Halimbawa:
Maraming magagandang bulaklak sa Pilipinas na hindi na napag-uukulan ng
pansin; gaya ng kakwate, kabalyero, banaba, dapdap at iba pa.

9. PANIPI (“ ”) - Inilalagay ito sa unahan at dulo ng isang salita

A. Ginagamit upang ipakita ang buong sinasabi ng isang nagsasalita o ang


tuwirang sipi.
Halimbawa:
“Hindi kinukupkop ang criminal, pinarurusahan,” sabi ng Pangulo.

B. Ginagamit upang mabigyan diin ang pamagat ng isang pahayagan, magasin,


aklat at iba’t ibang mga akda.

Halimbawa:
Nagbukas na muli ang “Manila Times”.
Isang lingguhang babasahin ang “Liwayway”.
Napaluha ang marami nang mapanood ang dulang “Anak Dalita”.

C. Ginagamit sa pagkulong ng mga salitang banyaga.

Halimbawa:
Ang binasa niyang aklat ay hinggil sa bagong “Computer Programming”.

10. PANAKLONG ( () ) - Ang mga panaklong ay ginagamit na pambukod sa salita o mga salitang hindi
direktang kaugnay ng diwa ng pangungusap, gaya ng mga ginamit sa pangu-ngusap na ito.

A. Ginagamit upang kulungin ang pamuno.

Halimbawa:
Ang ating pambansang bayani (Jose Rizal) ang may-akda ng Noli Me Tangere.

B. Ginagamit sa mga pamilang o halaga na inuulit upang matiyak ang


kawastuhan.

Halimbawa:
Ang mga namatay sa naganap na trahedya sa bansang Turkey ay humigit
kumulang sa labindalawang libong (12,000) katao.

C. Ginagamit sa mga pamilang na nagpapahayag ng taon.

Halimbawa:
Jose P. Rizal ( 1861 – 1896 )

11. TUTULDOK-TULDOK O ELIPSIS (…) - nagpapahiwatig na kusang ibinitin ng nagsasalita ang karug-
tong ng nais sabihin.

A. Upang ipakilalang may nawawalang salita o mga salita sa siniping pahayag.


Tatlong tuldok ang ginagamit kung sa unahan o sa gitna ng pangungusap ay
may nawawalang salita, subalit apat na tuldok kung sa mga salitang nawawala
ay sa hulihan ng pangungusap.

Halimbawa:
Pinagtibay ng Pangulong Arroy …

B. Sa mga sipi, kung may iniwang di-kailangang sipiin.

Halimbawa:
Kung ikaw’y maliligo sa tubig ay aagap upang…
Wastong Gamit ng mga Salita

1. BITIWAN at BITAWAN - Ang wastong gamit ay bitiwan at hindi bitawan. Ang salitang-ugat ay bitiw at
hindi bitaw. Ang salitang "bitaw" ay ginagamit sa pagsasabong ng manok samantalang ang "bitiw" ay sa
pagkawala o pag-alis sa pagkakahawak.

Halimbawa:
Bitiwan mo ang mga braso ko kung hindi ay sisigaw ako.
Nabitiwan ni Aling Nena ang mga pinamalengke dahil sa takot.
Binitawan ni Mang Kanor anga kabayong nagwawala.
"Bitiwan mo muna yang mga hawak mong holen at tulungan mo ako sa pag-iigib", ang sigaw ni Boyet sa
kapatid.
Bitiwan mo na ang pag-asang babalikan ka pa ng iyong kasintahan.

Tandaan:
Ang "bitawan" ay nauukol sa pook na pinagdarausan ng paglalaban ng mga manok na walang tari. Ito ay
maaring sa kalsada o bakuran.
Ang "bitaw" ay idinaraos upang bigyan ng pagsasanay ang mga manok.

2. KAPAG at KUNG - Ipinakikilala ng kung ang di-katiyakan ng isang kalagayan;


- Ipinakikilala ng kapag ang isang kalagayang tiyak.

Halimbawa:
Umuuwi siya sa probinsiya kapag araw ng Sabado.
Hindi niya masabi kung Sabado o Linggo ang pag-uwi niya sa probinsiya.
Mag-ingat ka naman kapag nagmamaneho ka.
Mag-ingat ka kung ikaw ang magmamaneho ng kotse.

3. KIBO at IMIK - Pagkilos ang tinutukoy ng kibo


- Pangungusap ang tinutukoy ng imik.

Halimbawa:
Wala siyang kakibu-kibo kung matulog.
Hindi siya nakaimik nang tanungin ko.

Tandaan:
Hindi lamang sa tao nagagamit ang kibo.
Halimbawa:
Kumikibo nang bahagya ang apoy ng kandila.
Huwag ninyong kibuin ang mga bulaklak na iniayos ko sa plorera.

4. DAHIL at DAHILAN - Pangatnig ang dahil


- Pangngalan ang dahilan
- Pang-ukol naman ang dahil sa o dahil kay.

Halimbawa:
Hindi siya nakapasok kahapon dahil sumakit ang ulo niya.
Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng kanyang pagkakasakit.
Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sakit ng ulo.

Tandaan:
Ginagamit kung minsan ang dahil bilang pangngalan sa panunula.
Iwasan ito sa karaniwang pangungusap o pagsulat.
Iwasan din ang paggamit ng dahil sa bilang pangatnig.

Mali:
Hindi siya nakapasok kahapon dahil sa sumakit ang ulo.

5. HABANG at SAMANTALANG
Habang - ang isang kalagayang walang tiyak na hangganan,o “mahaba”.
Samantalang - ang isang kalagayang may taning, o “pansamantala”.

Halimbawa:
Kailangang matutong umasa habang nabubuhay.
Nakikitira muna kami sa kanyang mga magulang samantalang wala pa akong trabaho.
Gulung-gulo ang isip niya habang hindi pa siya sinsagot ng kanyang kasintahan.
Gulung-gulo ang isip niya samantalang hindi pa dumarating ang sulat ng kanyang kasintahan.

Tandaan:
May iba pang gamit ang samantala. Ipinakikilala nito ang pagtatambis sa dalawang kalagayan.

Halimbawa:
Bakit ako ang pupunta sa kanya samantalang ikaw ang tinatawag kanina pa?

6. IBAYAD at IPAGBAYAD
Ibayad - pagbibigay ng bagay bilang kabayaran
Ipagbayad - pagbabayad para sa ibang tao

Halimbawa:
Tatlong dosenang itlog na lamang ang ibabayad ko sa iyo sa halip na pera.
Ipagbabayad muna kita sa sine.

Mali at katawa-tawa:
Ibayad mo ako sa sine
Ibinayad ko siya sa bus.

7. MAY at MAYROON - Iisa ang kahulugan ng mga salitang ito; naayon ang gamit sa uri ng salitang
sumusunod. Gamitin ang may kapag susundan ng pangngalan ( mapaisahan o maramihan ), pandiwa,
pang-uri o pang-abay.

Halimbawa:
May anay sa dingding na ito.
May kumakatok sa pinto.
May dalawang araw na siyang hindi umuuwi.

Tandaan:
Gamitin ang mayroon kapag susundan ng kataga, panghalip na panao o pamatlig o pang-abay na
panlunan.

Halimbawa:
Mayroon kaming binabalak sa sayawan.
Mayroon iyang malaking suliranin.
Mayroon kayang mangga sa palengke ngayon?

Tandaan:
Maaring gamitin ang mayroon nang nag-iiisa.

Halimbawa:
“May asawa ba siya?’ “Mayroon.”

Tandaan:
Nagagamit din ang mayroon bilang pangngalan.

Halimbawa:
Sa aming bayan, madaling makilala kung sino ang mayroon at kung sino ang wala.

8. PAHIRAN at PAHIRIN
Pahiran - paglalagay
Pahirin - pag-aalis

Halimbawa:
Pahirin mo ang sipon sa ilong ng iyong kapatid.
Aking papahirin ang luha sa iyong mga mata, giliw.
Huwag mo nang pahirin ang natirang langis sa makina.
Huwag mong kalimutang pahirin ang iyong muta sa umaga.

Halimbawa:
Pahiran mo ng mantikilya ang aking tinapay.
Aking papahiran ng pampakintab ang aking mesa.
Tayo nang pahiran ng floor wax ang sahig.
Pinahiran niya ng dumi ang aking kuwaderno.

Tandaan:
Pahirin ang ginagamit kung ang nais gawin ay alisin o tanggalin ang isang bagay mula sa isang bagay.
Pahiran ang ginagamit kung ang ibig ipagkahulugan ay lagyan ng isang bagay ang isang bagay.

9. PINTO at PINTUAN
Pinto - ang inilalapat sa puwang upang hindi ito mapagdaanan at kung
ang tinutukoy ay ang kongkretong bagay.

Halimbawa:
Nangyari ang suntukan sa may pintuan.
Huwag mong iharang ang iyong kotse sa harap ng pintuan.
Sa malapit sa pintuan mo ilagay ang paso ng rosas.
Huwag ninyong gawing tambayan ang pintuan ko.
Si Maria ay hahara-hara sa pintuan kaya nabangga ni Simon.

Pintuan - ang ginagamit kung ang tinutukoy ay isang lugar. Ito ay ang lagusan o
pasukan o ang lugar kung saan nakalagay ang pinto kung meron man.

Halimbawa:
Pininturahan ni Ama ang bagong gawang pinto.
Gawa sa narra ang kanilang pinto.
Tayo nang pumasok sa bakal na pinto.
Masyadong mataas ang pintong kahoy para ating akyatan.
Huwag mong sipain ang pinto.

Tandaan:
Gayon din ang pagkakaiba ng hagdan sa hagdanan

Hagdan - ang inaakyatan at binababaan


Hagdanan - ang kinalalagyan ng hagdan

10. SUBUKAN at SUBUKIN


Subukan - pagtingin nang palihim
Subukin - pagtikim at pagkilatis

Halimbawa:
Ibig kong subukan kung ano ang ginagawa nila tuwing umaalis ako sa bahay.
Subukin mo ang bagong labas na mantikilyang ito.
Subukin mo kung gaano kabilis siyang magmakinlya.

Tandaan:
Iisa ang anyo ng mga pandiwang ito sa pangkasalukuyan at pangnakaraan : sinusubok, sinubok.
Magkaiba ang anyo sa panghinaharap: susubukan, susubukin
11. TAGA- at TIGA- Walang unlaping tiga-. Taga- ang dapat gamtin. Gumagamit lamang ng gitling kapag
sinusundan ito ng pangngalang pantangi.

Halimbawa:
Taga-Negros ang napangasawa ni Norma.
Ako ang palaging tagahugas ng pinggan sa gabi.

Tandaan:
Naiiba ang unlaping tig- na ginagamit kasama ng mga pambilang: tig-isa, tigalawa tigatlo tig-apat, atbp.

12. AGAWIN at AGAWAN


Agawin ang isang bagay sa isang tao/hayop.
Agawan ng isang bagay ang isang tao/hayop.

Halimbawa:
Ibig agawin ng bata ang laruan ni Jess.
Ibig agawan ng laruan ni Boy si Jess.

13. HINAGIS at INIHAGIS


Hinagis ng isang bagay
Hnihagis ang isang bagay

Halimbawa:
Hinagis niya ng bato ang ibon.
Inihagis niya ang bola sa kalaro.

14. ABUTAN at ABUTIN


Abutin ang ang isang bagay
Abutan ng isang bagay

Halimbawa:
Abutin mo ang bayabas sa puno.
Abutan mo ng pera ang Nanay.

15. BILHIN at BILHAN


Bilhin ang isang bagay
Bilhan ng isang bagay

Halimbawa:
Bilhin natin ang sapatos na iyon para sa iyo.
Bilhan natin ng sapatos ang ate.

16. WALISAN at WALISIN


Walisin ang isang bagay na maaring tangayin ng walis
Halimbawa:
1. Walisin mo ang mga tuyong dahon sa bakuran.
2. Aking wawalisin ang mga alikabok sa aking kuwarto.
3. Tayo nang walisin ang mga dumi sa sahig.
4. Nais kong walisin ang nagkalat na papel sa aklatan.

Walisan ang pook o lugar


Halimbawa:
1. Napakarumi ng iyong silid. Pwede bang walisan mo naman 'yan?
2. Aking wawalisan ang silid-aklatan dahil may bibisita bukas.
3. Walisan mo ang ating bakuran. Tambak ito ng mga tuyong dahon.
4. Nais kong walisan ang aklatan.

Tandaan:
Gamitin ang salitang walisin kung ang ibig tukuyin ay ang pag-aalis ng partikular na dumi o kalat.
Gamitin ang salitang walisan kung ang tinutukoy ay isang partikular na lugar na marumi.

17. SUKLAYIN at SUKLAYAN


Suklayin - ang buhok ng sarili o ng iba
Suklayan - ng buhok ang ibang tao

Halimbawa:
Suklayin mo ang buhok ko,Luz.
Suklayan mo ako ng buhok, Alana.

18. NAMATAY at NAPATAY


Napatay -may tiyak na tao o hayop na pumaslang ng kusa/sinasadya
Namatay -kung ang isang tao ay binawian ng buhay sanhi ng sakit, katandaan o
anumang dahilang hindi sinasadya;
-ginagamit din sa patalinghagang paraan doon sa mga bagay na walan
buhay.

Halimbawa:
Namatay ang kanyang lolo dahil sa sakit sa atay.
Napatay ang aking alagang aso.

19. MAGSAKAY at SUMAKAY


Magsakay - magkarga ( to load)
Sumakay - to ride

Halimbawa:
Nagsakay ng sampung kahon ng lansones sa bus si Jo.
Sumakay na tayo sa daraang bus.

20. OPERAHAN at OPERAHIN


Operahin - tiyak na bahagi ng katawan na titistisin
Operahan - tumutukoy sa tao
Halimbawa:
Ang tumor sa dibdib ng maysakit ay ooperahin mamaya.
Si Luis ay ooperahan sa Martes.

21. NANG at NG
Nang - pangatnig na panghugnayan
- tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan at pamanahon
- tagapag-ugnay ng salitang-ugat na inuulit at pandiwang inuulit
Ng - pantukoy ng pangngalang pambalana
- tagapagpakilala ng layon ng pandiwa at tagaganap ng pandiwa
- pang-ukol na kasingkahulugan ng “sa”
A. NANG
Makikita sa unahan ng pangungusap
Halimbawa:
1. Nang dumating ang guro, tumahimik ang mga mag-aaral.
2. Nang maluto ang sinaing, agad na hinarap ni Maria ang pagpiprito ng isda.

Gamit sa pang-abay na pamaraan (adverb of manner).


Halimbawa:
1. Lumakad siya nang dahan-dahan.
2. Ang tumatakbo nang matulin kung matinik ay malalim.

Gamit sa pagitan ng inuulit na pandiwa.


1. Sayaw nang sayaw ang mga bata sa ulanan.
2. Kanina pa siya ikot nang ikot.

B. NG
Nagsasaad ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
1. Napakagara ang bahay ng mga Dela Cruz.
2. Ang palad ng mayayaman ay tila napakanipis.

Tandaan:
Kung ang sumusunod na salita ay isang pandiwa (verb) at pang-uri (adjective), gamitin ang NANG. NANG
din ang gamit sa unahan ng pangungusap.

22. KATA at KITA


Kata - ikaw at ako
Kita - ikaw

Halimbawa:
Manood kata ng sine.
Iniibig kita.

23. KILA at KINA - Walang salitang kila. Ang Kina ay maramihan ng kay.
Halimbawa:
Pakidala ang mga laruang ito kina Benny at Maris.
Makikipag-usap ako kina Vic at Nona.

24. Ang Raw, Rito, Rin, Roon at Rine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa patinig
(vowel - a, e i, o, u) o malapatinig (semi-vowel - w, y).

Halimbawa:
Pumunta ka rito.
Taga-Dabaw (Dabao) rin si Imelda.
Nag-aaway raw ang mga bata.
Maliligo rine ang mga dalaga.
Patungo roon ang mga kandidato.

Ang Daw, Dito, Din, Doon at dine ay ginagamit kung ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig
(consonant).

Halimbawa:
Sa ilog daw maliligo ang mga binata.
Pupunta rin dito ang mga artista.
3. Yayaman din tayo balang araw.

Dito at Doon ang ginagamit sa simula ng isang pangungusap.

Halimbawa:
Dito ba tayo maghihintay?
Doon na tayo mananghalian sa bahay.

25. KUNG at KONG - Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas ito ng if sa Ingles; ang
kong ay panghalip na panao sa kaukulang paari

Halimbawa:
Matutulog na ako kung papatayin mo na ang ilaw.
Nabasa ang binili kong aklat.

26. KUNG DI at KUNDI - Ang kung di ay galing sa salitang “ kung hindi” o if not sa Ingles; ang kundi
naman ay except.

Halimbawa:
Aalis na sana kami kung di ka dumating.
Walang sinuman ang pwedeng manood kundi iyong mga may tiket lamang.

27. HAGDAN at HAGDANAN - Ang hagdan ( stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan.
Samantalam ang hagdanan (stairways) ay ang bahaging kinalalagyan ng hagdan.
Halimbawa:
Nagmamadaling inakyat ni Marving ang mga hagdan.
Ilagay mo ang hagdanan sa tapat ng bintana.

28. IKIT at IKOT - Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo sa loob.
Ang ikot naman ay mula sa loob patungo sa labas.

Halimbawa:
Nakatatlong ikit muna sila bago nila natunton ang daan patungo sa loob ng kuweba.
Nahirapan pala silang makalabas ng tunnel. Umikut-ikot muna sila sa loob nito bago nila nakita ang daan
palabas.

29. HATIIN at HATIAN - Hatiin ( to divide) o partihin; Hatian ( to share) o ibahagi.

Halimbawa:
Hatiin mo sa amin ang pakwan.
Hinatian niya ng kanyang hamburger ang namamalimos na bata.

30. NABASAG at BINASAG - Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di


ginusto; ang salitang binasag naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa.

Halimbawa:
Galit na galit na binasag ng lalaki ang mga salamin ng kotse.
Nagmamadali kasi siyang maghusga kaya nabasag niya ang mga plato.

31. BUMILI at MAGBILI - Bumili- to buy; Magbili- to sell o magbenta

Halimbawa:
Pumunta ang nanay sa Baguio para bumili ng mga sariwang gulay.
Ang trabaho ng tatay niya ay magbili ng mga lumang kasangkapan.

32. KUMUHA at MANGUHA - Kumuha- to get; Manguha – to gather, to collect

Halimbawa:
Kumuha ng isang basong tubig si Neth para kay Jean.
Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.
Wika
Kahulugan ng Wika

Ang wika ay bahagi ng ating kultura. Ang wika bilang kultura ay koliktibong kaban ng karanasan ng tao
sa tiyak na lugar at panahon ng kaniyang kasaysayan. Sa isang wika makikilala ng bayan ang kanyang
kultura at matututuhan niya itong angkinin at ipagmalaki.

Ang wika ay mabisang kasangkapan ng tao sa pakikipag-unawaan sa kanyang kapwa Ito ay biyayang
galing sa Diyos upang ipaabot ng tao ang kanyang iniisip, nadarama, nakikita at nararanasan sa kanyang
kapaligirang ginagalawan. Samakatuwid, ito ay isang daan sa pakikipagsapalaran at pagsulong ng bansa
sa iba’t ibang aspeto ng buhay.

Ang wika ay isang sistematikong balangkas ng mga sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa
paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura. (Henry Gleason)

Itinuturing ang wika bilang saplot ng kaisipan; gayunman, mas angkop marahil sabihing ang wika ay ang
saplot-kalamnan, ang mismong katawan ng kasipan. (Thomas Caryle)

Ang wika ay isang kalipunan ng mga salita at ang pamamaraan ng pagsasama-sama ng mga ito para
magkaunawaan o makipagkomyunikeyt ang isang grupo ng mga tao. (Pamela Constantino at Galileo
Zafra)

Kahalagahan ng Wika

Mahalaga ang wika sapagkat:

1. ito ang midyum sa pakikipagtalastasan o komunikasyon;


2. ginagamit ito upang malinaw at efektivong maipahayag ang damdamin at kaisipan ng tao;
3. sumasalamin ito sa kultura at panahong kanyang kinabibilangan;
4. at isa itong mabuting kasangkapan sa pagpapalaganap ng kaalaman.

May iba’t ibang katangian ang wika

1. Ang wika ay likas at katutubo, kasabay ito ng tao sa pagsilang sa mundo


2. May kayarian at nakabubuo ng marming salitang may mga kahulugan ang isang wika
3. May pagbabago ang wika, di napipigilan para umunlad
4. May sariling kakanyahang di-inaasahan, ang wika ay nalilikha ng tao upang ilahad ang
nais ipakahulugan sa kanyang mga kaisipan (nanghihiram sa ibang wika upang
makaagapay sa mga pagbabagong nagaganap sa kapaligiran)
5. May kahulugan ang salita na batay sa taglay na ponolohiya, palatunugan at diin
6. Nauuri ang wika sa kaanyuan, kaantasan, ponolohiya at kalikasan.

Iba pang mga katangian ng wika:

1. Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema)
na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na
bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap
ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

a. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa


makabuluhang yunit ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga
fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/ na kung pagsama-samahin sa makabuluhang
ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].

b. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa


pinamakamaliit na makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong
uri ng morfema ay ang salitang-ugat, panlapi at fonema.

Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista


Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
Fonema = a
*tauhan, maglaba, doktora

c. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga


pangungusap sa isang wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at
posible namang pagbaligtaran ito. Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.

Hal. Mataas ang puno.


Ang puno ay mataas.
The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)

d. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap;


ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa
pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.

Hal. Inakyat niya ang puno.


Umakyat siya sa puno.

Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa


pangungusap ay [niya] at ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa
ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng [umakyat] kaya nakaapekto
ito sa panghalip ng aktor na dati’y [niya] ngayo’y [siya] na. Imbis na pantukoy na
[ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng
dalawang pangungusap.

2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika, kailangang maipagsama-
sama ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. (Tingnan ang ponolohiya)

3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga
Ilokano na kapag sinabing [balay], bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay [casa] kapag nais
tukuyin ang bahay at [bay] naman sa Tausug samantalang [house] sa Ingles. Kung sakaling hindi
naintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugan na hindi siya
bahagi ng kasunduang pangkaunawaan. Ngunit kung pag-aaralan at matututunan niya ang wika,
nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika.

4. Ang wika ay may kakanyahan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at
istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may
katangian namang natatangi sa bawat wika.

Halimbawa:
Wikang Swahili – atanipena (magugustuhan niya ako)
Wikang Filipino – Opo, po
Wikang Subanon – gmangga (mangga)
Wikang Ingles – girl/girls (batang babae/mga batang babae)
Wikang Tausug – tibua (hampasin mo), pugaa (pigain mo)
Wikang French – Francois (pangngalan /fransh-wa/)

Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa Kanlurang Afrika) isang salita lamang
ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. Sa Filipino
lamang matatagpuan ang mga salitang opo at po bilang paggalang. Sa Subanon naman,
mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga fonema gaya ng di-kompatibol na dalawang
magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. Sa Ingles naman,
isang fonema lamang ang idinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago.
Sa Tausug naman ang pagkabit ng fonemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos
na saad ng salitang-ugat. Sa French naman, mayroon silang natatanging sistema sa
pagbigkas ng mga tunog pangwika.

5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yumayaman ang wika. Nagbabagu-bago ang
kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika.

Halimbawa: BOMBA
Kahulugan:
a. Pampasabog
b. Igipan ng tubig mula sa lupa
c. Kagamitan sa palalagay ng hangin
d. Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula
e. Sikreto o baho ng mga kilalang tao

6. Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng fonema at morfema mula sa ibang wika kaya’t
ito’y patuloy na umuunlad. Gaya sa Chavacano, binibigkas na ang ‘ka’ na hiniram sa Visaya bilang kapalit
ng ‘tu’ at ‘bo’. Ang Filipino ay madalas manghiram gaya ng paghiram sa mga salitang [jip, jus at
edukasyon] na mula sa Ingles na [juice], [jip] at Kastilang [educaćion].

7. Ang wika at kultura ay magkabuhol at hindi maaaring paghiwalayin. Maraming salita na hindi maisalin
sapagkat wala silang katumbas sa ibang wika. Dahil sa ganitong pagkakataon, napipilitang humiram ng
salita mula sa isang wika sapagkat hindi komon ang salita sa kultura ng wikang patutunguhan.
Halimbawa, walang katumbas ang /malong/ sa Tagalog sapagkat hindi bahagi ng kultura ng mga Tagalog
ang salitang ito. Ang /lamaw/ naman ng Cebuano ay hindi rin matutumbasan sapagkat iba ang paraan ng
paghahanda ng buko ng mga Cebuano sa iba pang komunidad sa bansa.

8. Ang wika ay bahagi ng karamihang anyo/uri ng komunikasyon. Sa komunikasyon ng mga pipi, hindi
wika ang kanilang ginagamit kundi mga kilos. Hindi wika ang kanilang midyum sapagkat hindi nito taglay
ang katangian ng isang ganap na wika.

9. Nasusulat ang wika. Bawat tunog ay sinasagisag ng mga titik o letra ng alfabeto. Ang tunog na “bi” ay
sinasagisag ng titik na ‘b’. Ang simbolong ‘m’ ay sumasagisag sa tunog na “em”.
10. May level o antas ang wika.
Ang sumusunod ay ibat- ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa pagkasulong ng ating
wika:

Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng
Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na
magiging batayan ng wikang pambansa.

Disyembre 30, 1937 - Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng Pangulong Quezon,
ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

Abril 1, 1940 - Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng isang


balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang wikang pambansa sa
mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.

Hunyo 7, 1940 - Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo 4, 1946.
Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.

Marso 26, 1954 - Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa taunang
pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 - Abril 4. Subalit ang petsa ng
pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.

Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose Romero ng
Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman at tutukuyin ang
pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.

Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang lahat ng
mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.

Marso, 1968 - Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na ang lahat ng
pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay maisulat sa Pilipino.

Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na gagamiting
midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat ng paaralang pambayan o
pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974--75.

Hunyo 19, 1974 - Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura ang
Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa lahat ng kolehiyo at
pamantasan.

Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng Komisyong


Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Munoz Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang Konstitusyon at dito
ay nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:

Artikulo XIV - Wika


Sek. 6 - Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin
at pagyamanin pa salig sa umiiral na Wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga
tadhana ng Batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga
hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsad at paspasang itaguyod ang paggamit ng Pilipinas bilang
midyum na opisyal na Komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang-edukasyon.

Sek. 7 -Ukol sa mga layunin ng Komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino at , hanggat walang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrelihiyon ay pantulong
ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong sa mga wikang panturo roon. Dapat
itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila ng Arabic.

Sek. 8 - Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing
wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.

Sek. 9 - Dapat magtatag ag Kongreso ng isang Komisyon ng Wikang Pambansa na binubuo ng mga
kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod
ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap at
pagpapanitili.

Agosto 25, 1988 - Ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 ay ipinalabas at nilagdaan ni Pangulong
Corazon Aquino na nagtatadhana ng paglikha ng Komisyong Pangwika na siyang magpapatuloy ng pag-
aaral ng Filipino. Gayon din, pinagtibay ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga
paaralan sa mga piling asignatura.
Paghihiram ng mga salita

Walang salitang buhay na gaya ng Filipino ang puro. Dahil sa pagkakaiba-iba sa kultura ng mga bansa,
may mga salitang banyaga na na hindi matatagpuan sa salitang Filipino kapag isinasalin. Sa
pangyayaring ito, ang tanging magagawa ay manghiram o dili kaya ay lumikha ng bagong salita.
Walang masama sa panghihiram ng salita. Hindi naman kailangan pang humingi ng pahintulot sa
bansang hihiraman na mga salita; hindi rin kailangan pang isauli ang salita pagktapos na hiramin hindi rin
ito nakakahiya

Ayon sa pag-aaral:

Limang libong salitang kastila na hiniram sa Filipino.


Tatlong libong salitang malay.
Isang libo sa ingles at daan-daang mga salita rin ang hiniram natin sa Instik, Arabe, Sanskrito, Latin,
Niponggo, Aleman, Pranses at iba pa.

Salitang teknikal at pang- agham ang una nating hinihiram.


Sa halip na lumikha tayo ng salita, hinihiram na lamang natin ang nga salitang ito.

May mga salitang panteknikal at pang-agham ang Maugnayang Pilipino na ginagamit sa pinatatanyag ng
araneta university, subalit ang mga ito ay hindi itinatagubilin ng Komisyon ng Wikang Filipino kaya hindi
palasak na ginagamit sa mga paaralan.
Bukod sa katotohanang ang wika ay nakasanding sa kultura, may mga salita rin na hango sa pangalan ng
kilalang tao tulad ng voltage, watt at quixotic na tinatawag na eponym. Dahil dito, hindi lahat ng salita ay
maaring bigyan ng salin at talagang hindi maiiwasan ang panghihiram ng mga salita lalu ang mga
salitang agham at teknikal.

Kung susuriin natin, may dalawang paraan ng panghihiram ng salita ang umiiral.

1. Tuwirang Hiram - hinihiram ng buo ang salitang banyaga at inaangkop ang bigkas at ispeling sa
ortograpiyang Filipino.

Halimbawa:

Barco - Barko
Antenna - Antena
Repollo - Repolyo
Silla - Silya
Piña - Pinya
Nitrogen - Naytrodyen
Phonology - Ponoloji
Produce - Prodyus
Chemistry - Kemistri

2. Ganap na hiram - dahil sa praktikalidad hinihiram ng buo ang salitang banyaga nang walang
pagbabago sa anyo. Halimbawa ang mga salitang cake, ice cream, computer, door bell, humburger,
physics, laser, atbp.

Noong mga nakakaraang panahon kapag nanghihiram ng salita, ang unang preperens ay Kastila
sapagkat konsistent ang ispeling nito (Kastila) tulad ng Filipino. Ngunit ngayon, higit na pinipili ang
Ingles.

Noon - Ngayon
Sorbetes - Ice cream
Klinika - Clinic
Laboratoryo - Laboratory/Laboratori
Sikolohiya - Psychology/Saykoloji
Kimika - Kemistri
Pisika - Physics
Ehinyero - Engineer

Halimbawa ng maugnayang Pilipino

Daktinig (mikropono)
Agsikap (inhinyero)
Miksipat (mikroskopyo)
Batidwad (telegrama)
Sipnayan (matematika)
Liknayan (pisika)

Dr. Alfonso Santiago ang nagtakda ng mga tuntunin o paran ng panghihiram sa Ingles sa aklat niyang
“Sining ng Pananaliksik”.
1.) Paraan I. Pagkuha ng katumbas sa Kasti8la ng hihiraming salitang Ingles at pagbaybay dito ayon
sa palabaybayang Filipino.

Halimbawa:
Liquid=liquido=likido
Cemetery=cementerio=sementeryo

2.) Paraan II. Kung hindi maaari ang paraan I (walang katumbas sa Kastila), hiramin ang salitang Ingles
at baybayin sa palabaybayang Filipino.

Halimbawa:

Tricycle=trisikel
Truck=trak
Train=tren

3.) Paraan III. Kapag hindi maaari ang Paraan I at Paraan II, hiramin ang salitang Ingles at walang
pagbabagong gawin sa pagbaybay.

Halimbawa:

Manila Zoo = Manila Zoo


Visa = Visa
Xylem = Xylem
Zygote = Zygote
Xerox = Xerox
Sandwich = Sandwich
Zamboanga = Zamboanga
Francisco = Francisco
Roxas = Roxas
Villiviza = nilliviza

Mga alituntunin hinggil sa mga bagong hiram na salita

Hinggil sa mga Bagong Hiram na Salita


1.1 Baybayin alinsunod sa paraan ng wikang Filipino ang mga bagong
Hiram na salita, maliban sa sumusunod na kaso:

1.1.1 Pangngalang pantangi. Halimbawa, Victoria, Galicia,

Washington Circle
, Shinjuko, Czech, National Basketball
Association, Halili Beer, Ma Mon Luk.

1.1.2 Teknikal o siyentipikong salita. Halimbawa, carbon dioxide,


Chemotherapy, green house effect, pizzicato, sodium glumate, varicose, x-ray.

1.1.3. Salitang may natatanging kahulugang pangkultura. Halimbawa, bolshoi, feng shui, geisha,
gourmet, jazz, joie de vivre, kibbutz, mardi gras, pizza.

1.1.4. Malayo na ang anyo sa orihinal kaya mahirap makilala o nagiging kakatwa ang anyo kapag
binaybay sa Filipino. Halimbawa, “jeywoking” (jaywalking), “rendevu” (rendevous), “ispid” (speed),
“ordev” (hors d’euvre), “feris wil” (ferris wheel), “pastits” (pastiche), “montadz” (montage), “tsokoleyt
keyk” (chocolate cake).
1.1.5. Kilala na sa orihinal at banyagang anyo ng mga hiram na salita. Halimbawa, box, cat, coke,duty-
free, exit, faux pas, fax, fike, jai alai, jogging, mall, save, shabu, shop, stop, store, taxi, whisky, x-rated.

1.2 Sa pagbaybay ng mga salitang hiram na naglalaman ng alinman sa 11 tunog patinig sa Ingles,
piliin ang pinakamalapit sa tunog at anyo ng palabaybayang Filipino. Halimbawa, drayb (drive), geyt
(gate), istandardiseysiyon (standardization), layt (light).

1.3 Iwasan ang gitlapi kapag ginagamit na pandiwa ang mga hiram na salita at hindi binago ang
baybay. Inihihiwalay ng gitling ang panlapi sa hiram na salita. Halimbawa, mag-delete, i-delete, nag-hot-
oil, i-salvage, mag-email-han. Ngunit kung hindi maiwasan ang gitlapi, baybayin sa Filipino ang hiram na
salita. Halimbawa, dumelit,hinat-oyl, sinalveyds, inimeyl.
Teoryang Pangwika

A. Sosyoling wistikong teorya:

Ayon sa teoryang ito ay ang wika ay panlipunan at ang speech ay pang-indibidwal. Ayon kay Sapir, ang
wika ay isang instrumento o kasangkapan ng sosyalisasyon. Ibig sabihn nito ay ang mga relasyong sosyal
ay hindi iiral kung wala nito. Ayon naman kay Saussure, ang wika ay binubuo ng dalawang parallel at
magkaugnay na serye, ang signifier(language) na isang kabuuang set ng mga gawaing pangwika na
nagbibigay ng daan sa indibidwal na umintindi at maintindihan, at ang signified (parole).

Kaugnay sa teoryang ito ay ang ideya ng pagiging heterogenous ng wika dahil sa mga magkakaibang
indibidwal at grupo. Pinaniniwalaan dito na ang wika ay hindi isang simpleng instrumento ng
komunikasyon kundi isang pagsasama-sama ng mga anyo sa isang magkakaibang kultura. Dito ngayon
lalabas ang tatlong anyo ng wika, ang idyolek, dayalek, at sosyolek.

B. Teorya ng akomodasyon:

Tinatalakay sa teoryang ito ni Howard Giles, ang linguistic convergence at linguistic divergence, Ang mga
ito’y mga teorya mula sa SLA (second language acquisition). Tinatalakay ang teoryang ito Sa linguistic
convergence sinasabin na nagkakaroon ng tendesiya na gumaya o bumagay sa pagsasalita ng kausap
para bigyang-halaga ang pakikiisa, pakikilahok, pakikipag-palagayang-loob, pakikisama o kaya’y
pagmamalaki sa pagiging kabilang sa grupo. Samantalang sa linguistic divergence sinasabing pilit nating
iniiba o pilit tayong di-nakikiisa, o kaya’y lalong pagigiit sa sariling kakayahan at identidad.

Tinatalakay rin dito ang interference phenomenon at interlanguage. Ang interference phenomenon ay
ang tumatalakay sa impluwensya ng unang wika sa pangalawang wika. Dito nabubuo, halimbaw, ang
Taglish, Singlish, o kaya Malay English at marami pang iba dahil sa di-maiwasang pagpasok ng mga
katutubong wika ng mga bansang nagging kolonya ng mga bansa na ang katutubong wika ay Ingles. Ang
interlanguage naman ang tinatawag na mental grammar na nabubuo ng tao pagdating ng panahon sa
proseso ng pagkatuto nya ng pangalawang wika. Halimbawa nito ang mga salitang madalas nating
ginagamit, na dahil sa sobrang dalas ay nadadagdagan natin ito ng gamit (nominalisasyon). Dito ay
binabago ng tagapagsalita ang grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag, pagbabawas at pagbabago
ng mga alituntunin.
Teorya ng pinagmulan ng wika

Teorya sa Tore ng Babel


Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon sa pagsasalaysay, noong umpisa’y iisa
ang wika ng tao na biyaya ng Diyos. Dahil sa nagkakaunawaan ang lahat, napag-isipang magtayo ng
isang tore upang hindi na magkawatak-watak at nang mahigitan ang Panginoon. Nang nabatid ito ng
Panginoon, bumaba Siya sa lupa at sinira ang tore. Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na
ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa
mundo. (Genesis kab. 11:1-8)

Teoryang Bow-wow
Sinasabi sa teoryang ito na nagkaroon ng wika ang tao dahil noong umpisa’y ginagaya nila ang tunog na
nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon.

Teoryang Ding-dong
Maliban sa tunog ng hayop, ipinalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may
sariling tunog na siyang kumakatawan sa nasabing bagay. Mga tunog ang nagpapakahulugan sa mga
bagay tulad ng kampana, relo, tren, patak ng ulan at langitngit ng kawayan, at iba pa.

Teoryang Pooh-pooh
Ang tao ay nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga
tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas.

Teoryang Yo-he-ho
Isinasaad dito na nagsimula ang wika sa indayog ng himig-awitin ng mga taong sama-samang
nagtatrabaho. Pinaniniwalaan na ang wika ay galing sa ingay na nililikha ng taong magkatuwang o
nagtutulungan sa kanilang gawain. Ito ay ay unang nasapantaha ni NOIRE, isang iskolar noong ika-19 na
dantaon.

Teoryang Yum-yum
Sinasabi sa teoryang ito na ang wika ay nagmula sa pagkumpas ng maestro ng musika at sa bawat
kumpas ay nagagawa niyang lumikha ng tunog mula sa kanyang labi.

Teoryang Ta-ta
Mula sa wikang Pranses na nangangahulugang paalam. Ginagaya ng dila ang kumpas o galaw ng kamay
ng tao na kanyang ginagawa sa bawat particular na okasyon tulad ng pagkumpas ng kamay ng pababa
at pataas tuwing paalam.

Teoryang Sing-song
Ito ay nagmula sa di mawatasang pag-awit ng mga kauna-unahang tao; may melodiya at tono ang pag-
usal ng mga unang tao.
Hal: paghimno o paghimig.

Teoryang La-la
Mga pwersang may kinalaman sa romansa. Ang salik na nagtutulak sa tao upang magsalita.

Teoryang Tara-boom-de-ay
Ang mga tao ay natutong humabi ng mga salita mula sa mga seremonya at ritwal na kanilang ginagawa.
Mangyari pa, sa mga ritwal na ito kalimitan ay may mga sayaw, sigaw, at iba pang gawain, nagkakaroon
ng mga salitang kanilang pinananatili upang maging bahagi na ng kanilang kultura.

Teoryang To-he-ho
Nalikha dahil sa puwersang ginagamit. Nakakalikha daw ang tao ng mga salita kapag may ginagawang
kahit anong bagay. Halimbawa kapag nanununtok o simpleng nagbubuhat ng isang bagay.

Wikang Aramean
Believes that all languages originated from their language, Aramean or Aramaic. Syria. May paniniwalang
ang kauna-unahang wikang ginagamit sa daigdig ay ang lenggwahe ng mga Aramean. Sila ang mga
sinaunang taong nanirahan sa Syria (Aram) at Mesopotamia. Tinatawag na Aramaic ang kanilang wika.

Charles Darwin
Ito ay nakasaad sa aklat na Lioberman (1975) na may pamagat na “On the Origin of Language”, sinasaad
niya ang pakikipagsapalaran ng tao para mabuhay ang nagtuturo sa kanya upang malikha ng iba’t ibang
wika. Wika natutunan tungkol sa mga pakikipagsapalaran.

Kahariang Ehipto
Ayon sa haring si Psammatichos, ang wika ay sadyang natutuhan kahit walang nagtuturo o naririnig.
Natutunan kahit walang nagtuturo. Unconsciously learning the language.
Anu-ano ang mga tungkulin ng wika

Isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na ginagawa sa pamamagitan ng


karaniwang sistema ng mga simbolo ang komunikasyon. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang
pang-akademya kung saan pinag-aaralan ang pakikipagtalastasan.

Ginagamit ang wika sa pagpapahayag ng pangungusap. Madaling maunawaan ang pangungusap kahit
gaano pa kahaba o ano man ang anyo nito. Malinaw ito kaya madaling naiintindihan ng bumabasa o
nakikinig ang kahulugan nito.

Pagpapaliwanag o pagpapaunawa ang tawag sa gawaing pangkaisipan upang matugunan ang


pakikipagugnayang ginagamitan ng mga pananalita o mga hudyat o senyas ng kamay, maaaring
kasabayan ng taong nakikipagugnanayan, o matapos ang bawat bahagi ng paglalahad ng taong
nakikipagugnayan. Nagaganap ang pagpapaunawa sa pagitan ng dalawa, tatlo, o higit pang bilang ng
mga tagapagsalita o tagapaglahad na hindi nakapagsasalita o nakasesenyas mula sa pinagmumulang
wika.

Pagsasalitaan ang tawag sa isang paraan ng pakatuto. Nagpapalinaw ang usapan tungkol sa isang paksa
sa pagsasaulo ng mga bagay. Sa pamamagitan ng salitaan ,nakapagpapalitan tayo ng mga kuro-kuro.

Kalipunan ito ng mga simbolo, tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais sabihin ng
kaisipan. Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng
pagsasalita at pagsulat. Isa rin itong likas na makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan,
damdamin at mga hangarin sa pamamagitan ng isang kaparaanang lumilikha ng tunog; at kabuuan din
ito ng mga sagisag sa paraang binibigkas. Sa pamamagitan nito, nagkakaugnayan, nagkakaunawaan at
nagkakaisa ang mga kaanib ng isang pulutong ng mga tao.

Iba-ibat tungkulin ng wikang pilipino ayon sa eksaktong kahulugan.

1. Interaksyunal- nagpapanatili ng relasyong sosyal.


halimbawa:
pasalita: pangangamusta
pasulat: liham pang-kaibigan

2. Instrumental- tumutugon sa mga pangangailangan.


halimbawa:
pasalita: pag-uutos
pasulat: liham pang-aplay

3. Regulatori- kumukontrol/gumagabay sa kilos o asal ng iba.


halimbawa:
pasalita: pagbibigay ng direksyon
pasulat: panuto

4. Personal- nagpapahayag ng sariling damdamin o opinyon.


halimbawa:
pasalita: pormal o di-pormal na talakayan
pasulat: liham sa patnugot

5. Imahinasyon- nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan.


halimbawa:
pasalita: malikhaing pagsasabuhay/pamamaraan
pasulat: mga akdang pampanitikan

6. Heuristic- naghahanap ng mga impormasyon o datos.


halimbawa:
pasalita: pagtatanong
pasulat: survey
7. Informative- nagbibigay ng mga impormasyon.
halimbawa:
pasalita: pag-uulat
pasulat: balita sa pahayagan
Varyasyon ng Wika

1. Dayalek/ Dayalekto
-pagkakaiba – iba o baryasyon sa loob ng isang particular na wika.
-wikang sinasalita ng isang neyographical.
Hal: pakiurong nga po ang plato (Bulacan – hugasan)
pakiurong nga po ang plato (Maynila – iusog)

2. Idyolek
-nakagawiang pamamaraan sa pagsasalita ng isang individual o ng isang pangkat ng mga
tao. ( uri ng wikang ginagamit at iba pa)
-Individwal na estilo ng paggamit ng isang tao sa kanyang wika.
Hal: Tagalog – Bakit?
Batangas – Bakit ga?
Bataan – bakit ah?

3. Sosyolek
-baryasyon ng wika batay sa katayuan sa lipunan ng nagsasalita o sa pangkat na kanyang
kinabibilangan.
-may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko ng nagsasalita
Hal: Wika ng mag-aaral
Wika ng matanda

4. Register
-isang baryasyon sa wika na may kaugnayan sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika.
-mas madalas nakikita/nagagamit sa isang particular na disiplina.
-pagkakaroon ng pagbabago ng wika sa taong nagsasalit o gumagamit ng wika ayon sa:
a. Tono ng kausap o tagapakinig (tenor of discourse) – naaayon ang wika sa sino ang
nag-uusap.
b. Paksa ng pinag-uusapan (field of discourse) – batay sa larangan na tinatalakay at sa
panahon.
c. Paraan o paano nag-uusap ( mode of discourse) – pasalita o pasulat pagtalima sa
mga panunturan dapat sundin batay sa uri ng piniling paraan ng pag-uusap.
Uri ng Wika

Ang wika ang pinakamabisang instrumento ng komunikasyon at wikang Filipino para sa mga Filipino. Ito
ay nahahati sa apat na uri.

1. Balbal - ito ang pinakamababang antas. Ito ay binubuo ng mga salitang kanto na sumusulpot sa
kapaligiran.
Halimbawa: parak (pulis), iskapo (takas), istokwa (layas), juding (binababae), tiboli (tomboy), epal
(mapapel), istokwa (layas) ,haybol (bahay)

2. Lingua Franca o Panlalawigan - Kabilang sa antas na ito ang mga salitang katutubo sa lalawigan o
panlalawigang salita. Ang mga Cebuano, Iloko, Batangueno, Bicolano at iba pa ay may temang
lalawiganin sa kani kaniyang dila. Isang matibay na indikasyon ng lalawiganing tema ay ang punto o
accent AT (hindi, O) ang paggamit ng mga salitang hindi banyaga at hindi rin naman Tagalog.

3. Pambansa - salitang madalas gamitin sapagkat nauunawaan ng buong bansa. Sa Pilipinas, laman pa
rin ng pagtatalo kung ano ang kasama sa antas na ito. Marami ang nagsasabing ito ay Filipino,
samantalang ang iba naman ay may katwiran ding tawaging Tagalog lamang ang Wikang Pambansa ng
Pilipinas. Kung mauunawaan na ang Filipino at ang kaniyang alpabeto (Simpleng alpabeto) ay maunlad,
at may mga hiram na titik. Ang Filipino naman ay kalipunan ng mga salitain ng lahat ng mga Filipino
(tao) maging lalawiganin man, o balbal, mapa Tagalog man o banyaga. Sa kadahilanang ito, ang Tagalog
ang siyang tinuturing na wikang Pambansa at hindi ang Filipino. Gayunpaman dahil kasulatan at
kasaysayan, ang Filipino pa rin ang naitala at kinikilalang wikang pambansa.

4. Pampanitikan - Ito ang pinakamayamang uri. Kadalasa'y ginagamit ang mga salita sa ibang pang
kahulugan. Mayaman ang wikang pampanitikan sa paggamit ng tayutay, idioma, eskima at ibat ibang
tono, tema at punto. Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang Panitikan ay ang "Kapatid na babae ng
Kasaysayan", ito ay dahil sa ang wikang pampanitikan ay makasaysayan at maaring tumaliwas din sa
kasaysayan dahil sa kaniyang kakayahang lumikha ng mga tauhang piksyunal o kathang isip. Ito ay
kadalasang nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan ay malayang nagagamit sa pagkatha ng dula,
katha, palabas, at iba pang likhang-pampanitikan.
------------------------------------------------

Antas ng Wika

1. formal at di-formal – di-formal na wika ang wikang ginagamit ng tao sa ka-edad samantalang formal
naman ang wikang gingamit ng tao sa nakatataas o nakatatanda
2. lingua franca – wikang ginagamit ng karamihan sa isang bansa; sa Pilipinas ang Filipino ang lingua
franca ng mga tao
3. lalawiganin – mga wikang ginagamit ng mga tao sa lalawigan gaya ng Chavacano, Tausug, Cebuano,
Ilonggo, Visaya at iba pa. Hindi talamak ang paggamit sa isang bansa ng mga wikang lalawiganin ngunit
nagsasadya ito ng implikasyon ng kultura ng isang lalawigan
4. kolokyal - ito ay ang pakikibagay ng wika sa taong gumagamit nito. Kadalasan napaiikli ang mga salita
ngunit napagkakasunduan ang pagpapaikli nito. Halimbawa: /tena/ para sa 'tara na', /pre/ para sa 'pare'
5. balbal o pangkalye – wikang ginagamit ng tao na halos likha-likha lamang at may kanya-kanyang
kahulugan gaya ng wika ng mga tambay at bakla – halimbawa ang mga salitang ‘eklavush’, ‘erpat at
ermat’ at ‘cheverloo’.
6. edukado/malalim – wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno, sa
korte at iba pang venyung profesyunal

Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang katigorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao,
sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan.
Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard at kinikilala/ginagamit ng nakararami.

Pambansa. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila


para sa paaralan at pamahalaan

Halimbawa:
Asawa, Anak, Tahanan

Pampanitikan o panretorika. Ito ay ginagamit ng mga malikhain manunulat.


Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.

Halimbawa:
Kahati sa buhay
Bunga ng pag-ibig
Pusod ng pagmamahalan

Impormal. Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-
usap at pakikipagtalastasan.

Lalawiganin. Ito ay gamitin ng mga tao sa particular na pook o lalawigan, makikilala ito sa kakaibang
tono o punto.

Halimbawa:
Papanaw ka na ? (Aalis ka na?)
Nakain ka na? (Kumain ka na?)
Buang! (Baliw!)

Kolokyal. Pang araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang kaunti,


maari rin itor refinado ayon sa kung sino ang nagsasalita. Ang pagpapaikli ng isa,
dalawa o higit pang titik sa salita.

Halimbawa:
Nasan, pa`no,sa’kin,kelan
Meron ka bang dala?

Balbal. Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes, mababa ang antas
na ito; ikalawa sa antas bulgar.

Halimbawa:
Chicks (dalagang bata pa)
Orange (beinte pesos)
Pinoy (Pilipino)

Karaniwang paraan ng pagbuo ng salitang balbal:

1. Paghango sa mga salitang katutubo


Halimbawa:
Gurang (matanda)
Bayot (bakla)
Barat (kuripot)

2. Panghihiram sa mga wikang banyaga


Halimbawa:
Epek (effect)
Futbol (naalis, natalsik)
Tong (wheels)

3. Pagbibigay ng kahulugan ng salitang tagalog


Halimbawa:
Buwaya (crocodiles – greedy)
Bata (child – girlfriend)
Durog (powdered – high in addiction)
Papa (father – lover)

4. Pagpapaikli
Halimbawa:
Pakialam – paki
Tiyak – tyak

5. Pagbabaliktad
Buong Salita
Halimbawa:
Etned – bente
Kita – atik

Papantig
Halimbawa:
Dehin – hindi
Ngetpa – Panget
Tipar – Parti

6. Paggamit ng Akronim
Halimbawa:
G – get, nauunawaan
US – under de saya

7. Pagpapalit ng Pantig
Halimbawa:
Lagpak – Palpak – Bigo
Torpe – Tyope – torpe, naduwag

8. Paghahalo ng salita
Halimbawa:
Bow na lang ng bow
Mag-jr (joy riding)
Mag-gimik
Mag-MU

9. Paggamit ng Bilang
Halimbawa:
45 – pumutok
1433 – I love you too
50-50 – naghihingalo

10. Pagdaragdag
Halimbawa:
Puti – isputing
Kulang – kulongbisi

11. Kumbinasyon
Pagbabaligtad at Pagdaragdag
Halimbawa:
Hiya – Yahi – Dyahi

Pagpapaikli at pag-Pilipino
Halimbawa:
Pino – Pinoy
Mestiso – Tiso, Tisoy

Pagpapaikli at Pagbabaligtad
Halimbawa:
Pantalon – Talon – Lonta
Sigarilyo – Siyo – Yosi

Panghihiram at Pagpapaikli
Halimbawa:
Security – Sikyo
Brain Damage – Brenda

Panghihiram at Pagdaragdag
Halimbawa:
Get – Gets/Getsing
Cry – Crayola
Balangkas ng Wika

Ang wika ay isang masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog (fonema)
na kapag pinagsama-sama sa makabuluhang sikwens ay makalilikha ng mga salita (morfema) na
bumabagay sa iba pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng mga pangungusap. Ang pangungusap
ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

1. Ponolohiya o fonoloji – pag-aaral ng fonema o ponema; ang fonema ay tawag sa makabuluhang yunit
ng binibigkas na tunog sa isang wika. Halimbawa ay ang mga fonemang /l/, /u/, /m/, /i/, /p/, /a/ at /t/
na kung pagsama-samahin sa makabuluhang ayos ay mabubuo ang salitang [lumipat].
2. Morpolohiya o morfoloji – pag-aaral ng morfema; ang morfema ay tawag sa pinamakamaliit na
makabuluhang yunit ng salita sa isang wika. Sa Filipino ang tatlong uri ng morfema ay ang salitang-ugat,
panlapi at fonema.

Salitang-ugat = tao, laba, saya, bulaklak, singsing, doktor, dentista


Panlapi = mag-, -in-, -um-, -an/-han
Fonema = a
*tauhan, maglaba, doktora

3. Sintaksis – pag-aaral ng sintaks; sintaks ay ang tawag sa formasyon ng mga pangungusap sa isang
wika. Sa Filipino, maaaring mauna ang paksa sa panaguri at posible namang pagbaligtaran ito.
Samantalang sa Ingles laging nauuna ang paksa.
Hal. Mataas ang puno.
Ang puno ay mataas.
The tree is tall. (hindi maaaring ‘Tall is the tree.’ o ‘Tall the tree.’)

4. Semantiks – pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang pangungusap; ang mga salita sa
pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang
nais ipahayag.

Hal. Inakyat niya ang puno.


Umakyat siya sa puno.
Makikita na nang ginamit ang pandiwang [inakyat] ang panghalip ng aktor sa pangungusap ay [niya] at
ang pantukoy sa paksa ay [ang]. Samantalang sa ikalawang pangungusap ang pandiwa ay napalitan ng
[umakyat] kaya nakaapekto ito sa panghalip ng aktor na dati’y [niya] ngayo’y [siya] na. Imbis na
pantukoy na [ang] ay napalitan na ng pang-ukol na [sa]. Nagkaiba na ang kahulugan ng dalawang
pangungusap.
Kasaysayan ng Wika

Mga Dahilan Kung Bakit sa Tagalog ibinatay ang Pambansang Wika

Mayroong limang dahilan ibinigay ang Surian ng Wikang Pambansa kung bakit sa Tagalog ibinatay ang
wikang Pambansa. Ito ay ang mga sumusunod.

1. Ito ay may pinakamayamang talasalitaan. Katunayan, ang Tagalog ay binubuo ng 30,000 salitang-ugat
at 700 panlapi.
2. Ito ang wikang ginagamit sa sentrong kalakalan.Ito ay wikang ginagamit sa punong-lungsod ng
Pilipinas, ang Maynila at siyang lingua franca ng buong bansa.
3. Ito ang salita o wikang ginagamit ng nakararami.
4. Ito ay madaling pag-aralan, matutunan at bigkasin.
5. May pinakamaunlad na panitikan sa lahat ng katutubong Wika sa Pilipinas.
Kasaysayan ng Pambansang Awit

•Hunyo 5, 1898 kinomisyon ni Emilio Aguinaldo sa si Julian Felipe, isang kilalang pyanista at kompositor
na taga-Cavite na lumikha ng isang martsa upang mapagkaisa ang damdamin ng mga Pilipino sa
paglaban sa mga mananakop na Kastila.

•Pinamagatan ni Julian Felipe ang kanyang nalikhang martsa na Marcha Filipino Magdalo.

•Hunyo 11, 1898 – itinanghal ni Felipe ang musika sa harap ni Aguinaldo at sa mga tinyente nito.

•Hunyo 12, 1898, unang tinugtog sa saliw ng bandang San Francisco de Malabon

•Jose Palma- isang kawal na naglapat ng titik sa martsa na hango sa kanyang tula na Filipinas

•1920 – isinalin nina Camilo Osias at Mary A. Lane sa wikang Ingles.

•1940 – nagkaroon ng maraming salin sa Filipino/Tagalog ngunit ang pinakapopular ay ang salin nina
Julian Cruz Balmaceda, Ildefonso Santos at Francisco Caballo (“O Sintang Lupa”)

•1943 -Sa ilalim ni dating Presidente Jose P. Laurel, isinalin ng Surian ng Wikang Pambansang titik ng
pambansang awit sa salitang Ingles at Pilipino. “National Ideal” ang naging pamagat nito sa Ingles at
“Diwang Bayan” naman sa Pilipino.

•Noong Mayo 26, 1956 unang inawit sa katutubong wika na Tagalog ang pambansang awit ng Pilipinas,
ang Lupang Hinirang

•1962 – pagbabago sa liriko at ang bersyong ginagamit hanggang sa kasalukuyan

You might also like