Mga Probisyong Pangwika Sa Saligang

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Mga Probisyong Pangwika sa Saligang-Batas

 Saligang-Batas ng Biyak-na-Bato (1896) – Ang Wikang Tagalog ang magiging


opisyal na wika ng Pilipinas.

 Saligang-Batas ng 1935 – Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa


pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga
umiiral na katutubong wika. Hanggang hindi nagtatadhana ng iba ang batas, ang
Ingles at Kastila ay patuloy ng gagamiting mga wikang opisyal.

 Saligang-Batas ng 1973 – Ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga


hakbang tungo sa paglinang at pormal na adopsyon ng isang panlahat na wikang
pambansa na tatawaging Filipino

 Saligang-Batas ng 1987 – Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay


Filipino. Samantalang nililinang, ito’y dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa
umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika.

Ang Kasaysayan ng Komisyon sa Wikang Filipino

Itinatag ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) alinsunod sa Batas Komonwelt Blg. 184 na
nilagdaan ng Pangulo ng Komonwelt, si Manuel L. Quezon noong Nobyembre 13, 1936. Ang
pangunahing layunin ng Surian ay piliin ang katutubong wika na gagamiting batayan ng
pagpapalaganap at pagpapatibay ng wikang pambansa ng Pilipinas.

Ang batas ay pag-alinsunod sa Konstitusyon ng 1935 na nagtatadhanang “ang Kongreso ay


gagawa ng hakbang upang linangin at palaganapin ang wikang pambansa sa isang wikang
katutubo.”

Noong Enero 13, 1937, hinirang ng Pangulo ang mga kagawad ng SWP. Si Jaime C. de Veyra
ang naging unang direktor. Ang naging unang tahanan ng Surian ay ang isang maliit na silid
sa Department of Public Information. Pagkaraan, nagpalipat-lipat ito: napatira sa Silid Blg.
326 ng Kongreso, nagkaroon ng silid sa Malacañang, nalipat sa Philippine Columbian, at
noong 1940, napunta sa gusali ng UP Alumni sa Padre Faura. Noong 1942, napunta naman
ito sa Philippine Normal School (naging College at ngayo’y University) bago napalipat sa
“radio room” ng Mataas na Paaralang Mapa noong 1946. Nagbalik ito sa Malacañang noong
1947 bago napunta sa Philippine School at Arts and Trade. Nagkaroon din ito ng opisina sa
isang “Japanese Temple” sa kalye Lipa, Maynila.

Nang itadhana ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 94 at ang Batas ng Pagbabagong Tatag
ng 1947, inilipat ang pangangasiwa ng SWP sa Kagawaran ng Pagtuturo, at ito ay
nanahanan sa gusali ng Edukasyon sa Arroceros. Tumagal ito roon ng 34 na taon. Noong
1984, nang buwagin ang nasabing gusali at nalipat ang noo’y Ministri (ngayo’y Kagawaran)
ng Edukasyon, Kultura at Isports sa Palacio del Gobernador, lumipat ang SWP sa ikatlo at
ikaapat na palapag ng Gusaling LDCI sa kanto ng EDSA at East Avenue, Lungsod Quezon.

Noong Enero taong 1987, batay sa nilagdaang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 117 ng
Pangulong Corazon C. Aquino, ang SWP ay pinalitan ng Linangan ng mga Wika ng Pilipinas
na pagkaraan ay binuwag naman nang buuin ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas noong
1987. Petsa Agosto 14, 1991 nang likhain sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104 ang
Komisyon sa Wikang Filipino. May atas ang Komisyon na magsagawa, mag-ugnay at
magtaguyod ng mga pananaliksik para sa pagpapaunlad, pagpapalaganap at preserbasyon
ng Filipino at ng iba pang mga wika ng Pilipinas.

Ang pagpapabilis ng pagsasakatuparan ng atas ay isinagawa sa pamamagitan ng


pagbabalangkas ng mga patakaran, mga plano at mga programa ng iniuugnay sa iba’t ibang
tanggapang pampamahalaan at maging pribado man (RA 7104, Sek. 14-g).

Sa kasalukuyan, ang komisyon sa Wikang Filipino ay nasa ilalim ng Tanggapan ng Pangulo ng


Pilipinas at nakabahay sa ikalawang palapag (second floor) ng Gusaling Watson, 1610 J.P.
Laurel Street, San Miguel, Maynila.

Mga Naging Direktor/Tagapangulo Surian ng Wikang Pambansa, Linangan ng mga


Wika sa Pilipinas at Komisyon sa Wikang Filipino

RICARDO MA. DURAN NOLASCO(2006-Kasalukuyan).

Guro, iskolar at linggwista. Nakatuon sa ang komitment sa multilinggwal na adhikain. Ang


katwiran nito ay ibinatay sa pagiging multilinggwal at pagiging multikultural ng mga
Pilipino. Ang kasalukuyang administrasyon ng KWF ay naniniwala sa napakalaking bentahe
ng pagkakaroon ng Pilipinas ng mahigit na 170ng wika sa halip na isang disbentahe. Ang
natural na kundisyon ng karaniwang Pilipino at ng karaniwang mamamayan sa daigdig ay
hindi lang iisa ang alam na wika. Kinikilala ng KWF ang kahalagahan ng mga wikang
ginagamit ng mga Pilipino – ang katutubong wika para sa literasiya at edukasyon ng mga
mamamayan, etnikong pangangailangan at pang-araw-araw na gamit; ang wikang
pambansa para sa pambansang kamalayan, pagkakaunawaan, pakikipag-ugnayan at
pagkakakilanlan; at ang mga wikang pang-ibayong dagat na tutugon sa pangangailangan ng
wika ng malawak na komunikasyon (language of wider communication) at wika ng ugnayang
pang-internasyonal.

Kaugnay ng bagong bisyon ng KWF, nagkaroon ito ng mga bagong programa at proyekto,
tulad ng mga sumusunod: pinalalakas nito ang mga programa sa leksikograpiya; programa
sa balarila ng Pilipinas; programa sa ponolohiya, ponetika at ortograpiya; pambansang
programa sa pagsasalin; proyekto sa sa pagmamapa ng mga wika sa Pilipinas; proyekto sa
bibliograpiya ng mga wika sa Pilipinas; programa para sa endangered languages; corpus ng
mga wika sa Pilipinas. Sinisikap ng KWF na itayo ang Library at Archives of Philippine
languages; napataas ang kantidad at kalidad ng mga publikasyon; nagdadaos ng mga
seminar, workshop, lektyur, at iba pang aktibidad na pang-edukasyon; pinapaganda
ang website; nagkakaloob ng mga research grants o tinutulungan ang mga stakeholder na
makakuha ng mga research grants; nagtatayo ng mga language councils sa mga
rehiyon; pinalalakas ang mga kakayahang pang-IT at pampananaliksik, at higit sa lahat
sinisikap na magkaroon ng sarili tahanan at gusali ng wika.

NITA P. BUENAOBRA (1999-2006)

Guro at manunulat. Binigyang tuon ang pagpapatibay sa mga proyekto ng mga Panrehiyong
Sentro sa Wikang Filipino (PSWF) sa bawat etnolinggwistikong rehiyon na nakabase sa isang
pang-estadong unibersidad o kolehiyo. Binigyang pagpapahalaga at pansin ang mga
rehiyunal na wika sa pamamagitan ng paghanda/pagbuo ng mga diksyunaryong
traylinggwal.
PONCIANO B.P. PINEDA (1970-1999).

Manunulat, guro, linggwista at abogada. Tatlong rebolusyonaryong pagbabago ang


ibinunsod ng SWP sa kanyang pangunguna: ang Edukasyong Bilinggwal noong 1974, ang
wikang Filipino na ang nucleus ay Pilipino (na unang inlunsad noong 1983 at naging batayan
ng probisyong pangwika ng Konstitusyon ng 1986) at ang Alpabetong Filipino na pinagtibay
noong 1987. Itinatag ang 12 Panrehiyong Sentro ng Wikang Filipino sa buong kapuluan.

JOSE VILLA PANGANIBAN (1955-1970) (1946-1947)

Makata, lexicographer at linggwista. Pinagtuunan ng pansin ang pagpapaunlad ng wika.


Nagdaos ng mga pasanayan sa korespondensya opisyal sa buong bansa. Binalikat ang
pagsasalin at pananaliksik. Bunga nito ang paggamit ng wikang pambansa sa mga diploma,
pasaporte, atb. Nailathala ang English-Tagalog Dictionary na sinimulan sa panahon ng
panunungkulan ni Cirio H. Panganiban, at sinimulan ang talasalitaan ng walong pangunahing
wika sa Pilipinas. Noong 1959, ang Wikang Pambansa na batay sa Tagalog ay tinawag na
Pilipino.

CECILIO LOPEZ (1954-1955)

Iskolar at linggwista. Binigyang-diin ang linggwistika at pinasigla ang makabagong


linggwistikong pag-aaral sa wikang pambansa at iba pang mga katutubong wika sa Pilipinas.

CIRIO H. PANGANIBAN (1948-1954)

Manunulat, makata, mandudula, abogado. lpinagpatuloy ang diksyunaryong pinasimulan ng


kanyang sinundan. Pinasimulan ang paghahanda ng mga ispesyalisadong talasalitaan, tulad
ng Legal Terms, Arithmetical and GeometrIcal Terms at iba pa. Binuong muli ang Lupong
Sanggunian ng SWP.

JULIAN CRUZ BALMACEDA (1947-1948)

Mandudula, makata, nobelista. Nakapagpalimbag ng mga panayam at inumpisahan ang


paggawa ng Diksiyunaryong Tagalog.

LOPE K. SANTOS (1941-1946)

Makata, mandudula, nobelista, lider manggagawa at pulitiko. Pinasigla ang pagsusulat sa


wikang pambansa. Nagdaos ng mga seminar at pasanayan sa paggamit ng wikang
pambansa sa UP, PNU at iba pa. Ang mga dokumento at palatastasan ng pamahalaan ay
isinalin at ang opisyal na Gazatte ay inilathala sa wikang pambansa.
JAIME C. DE VEYRA (1937-1941)

Unang direktor at "tagapagtatag ng wikang pambansa." Sa panahon ng kanyang


panunungkulan, pinag-aralan ang mga wika sa PIlipinas upang piliin ang isa sa mga ito na
magiging batayan ng wikang pambansa. Napili ang Tagalog at naghanda ng gramatika at
bokabularyo ng nasabing wika na inilathala noong 1940.

Ebolusyon ng Wikang Pambansa

 Disyembre 30, 1937, iprinoklama ng Pangulong Quezon na ang wikang Tagalog ang
magiging batayan ng Wikang Pambansa. Magkakabisa ang proklamasyong ito
dalawang taon matapos itong mapagtibay.

 Noong 1940, ipinag-utos ang pagtuturo ng Wikang pambansa sa lahat ng pampubliko


at pribadong paaralan sa buong bansa.

 Simula Hunyo 4, 1946, nagkabisa ang Batas Komonwelt Blg. 570 na nagproklama na
ang Wikang Pambansa na tatawaging Wikang Pambansang Pilipino ay isa nang
wikang opisyal.

 Noong 1959 ibinaba ng Kalihim Jose B. Romero ng Edukasyon ang Kautusang


Pangkagawaran blg. 7 na nagsasaad na ang Wikang Pambansa ay tatawagin
nang Pilipino upnag mailagan na ang mahabang katawagang “Wikang pambansang
Pilipino” o “Wikang Pambansa Batay sa Tagalog”.

 Ngayon, Filipino na ang ngalan ng wikang pambansa, alinsunod sa Konstitusyon ng


1987 na nagtatadhanang "ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino." Ito ay hindi
pinaghalu-halong sangkap mula sa iba't ibang katutubong wika; bagkus, ito'y may
nukleyus, ang Pilipino o Tagalog.

Ang wikang filipino ay isa sa mga pangunahing wika sa ating bansa bukod dito, ito rin ang
ating pambansang wika.
Noong Nobyembre 13, 1936, inilikha ng unang Pambansang Asamblea ang Surian ng Wikang
Pambansa, na pinili ang Tagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika.
Naimpluwensyahan ang pagpili sa Tagalog ng mga sumusunod:

1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa


lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga
taumbayan ng kapuluan.

2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya.
3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at
malawak (sinasalamin ang dyalekto ng Toskong Italyano). Higit na mararaming aklat ang
nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo.

4. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas.

5. Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan—dalawang mahahalagang pangyayari sa


kasaysayan ng Pilipinas.

Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa
mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong pambansang
wikang papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag nitong Filipino. Hindi binanggit sa artikulong
tumutukoy, Artikulo XV, Seksyon 3(2), na Tagalog/Pilipino ang batayan ng Filipino;
nanawagan ito sa halip sa Pambansang Asamblea na mag-“take steps towards the
development and formal adoption of a common national language to be known as Filipino.”
Gayundin, nilaktawan ng Artikulo XIV, Seksyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na ipinagbisa
matapos ng pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos, ang anumang pagbabanggit ng Tagalog
bilang batayan ng Filipino at mismong ipinagpatuloy na “as [Filipino] evolves, it shall be
further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages
(pagbibigay-diin idinagdag).” Tiniyak pa ng isang resolusyon[4] ng Mayo 13, 1992, na ang
Filipino “ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong
Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng
komunikasyon ng mga etnikong grupo (pagbibigay diin idinagdag).” Gayumpaman, tulad ng
mga Saligang Batas ng 1973 at 1987, hindi nito ginawang kilalanin ang wikang ito bilang
Tagalog at, dahil doon, ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring maging anumang katutubong
wikang Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang
Cebu at Davao. Ididineklara ang buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa.

Ang sumusunod ay ibat ibang kautusang ipinairal ng ating pamahalaan tungkol sa


pagkasulong ng ating wika:Nobyembre 1936- Inaprobahan ng Kongreso ang Batas
Komonwelt Bilang 184 na lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa na naatasang gumawa ng
pag-aaral ng mga katutubong wika at pumili ng isa na magiging batayan ng wikang
pambansa.
Disyembre 30, 1937 – Sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ng
Pangulong Quezon, ang Wikang Pambansa ay ibabatay sa Tagalog.

Abril 1, 1940 – Ipinalabas ang Kautusang Tagapagpaganap na nagtadhana ng paglilimbag ng


isang balarila at isang diksyunaryo sa Wikang Pambansa. Ipinahayag pa ring ituturo ang
wikang pambansa sa mga paaralan sa buong Pilipinas na nagsimula noong Hunyo 19, 1940.

Hunyo 7, 1940 – Pinagtibay ng Batas-Komonwelt Blg. 570 na nagtadhana na simula sa Hulyo


4, 1946. Ang Wikang Pambansa ay isa sa mga opisyal na wika ng bansa.
Marso 26, 1954 – Nagpalabas ng isang kautusan ang Pangulong Ramon Magsaysay sa
taunang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa mula sa Marso 29 – Abril 4. Subalit
ang petsa ng pagdiriwang ay inilipat sa Agosto 13-19 tuwing taon.

Agosto 12, 1959- Tinawag na Pilipino ang Wikang Pambansa ng lagdaan ni Kalihim Jose
Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Blg 7. Ayon sa kautusang ito, kaylaman
at tutukuyin ang pambansang wika ay Pilipino ang gagamitin.

Oktubre 24,1967- Nilagdaan ni Pangulong Marcos ang isang kautusang nagtatadhana na ang
lahat ng mga gusali at mga tanggapan ng pamahalaan ay panganlan sa Pilipino.

Marso, 1968 – Ipinalabas ni Kalihim Tagapagpaganap, Rafael Salas, ang isang kautusan na
ang lahat ng pamuhatan ng liham ng mga kagawaran, tanggapan at mga sangay nito ay
maisulat sa Pilipino.

Agosto 7, 1973- Nilikha ng Pambansang Lupon ng Edukasyon ang resolusyong nagsasaad na


gagamiting midyum ng pagtuturo mula sa antas elementarya hanggang tersyarya sa lahat
ng paaralang pambayan o pribado at pasisimula sa taong panuruan 1974–75.

Hunyo 19, 1974 – Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ng Kagawaran ng Edukasyon at Kultura
ang Kautusang Pangkagawaran Blg.25 para sa pagpapatupad ng edukasyong bilingwal sa
lahat ng kolehiyo at pamantasan.

Pagkatapos ng Rebolusyon ng Edsa, bumuo muli ang pamahalaang rebolusyonaryo ng


Komisyong Konstitusyonal na pinamunuan ni Cecilia Palma. Pinagtibay ng Komisyon ang
Konstitusyon at dito nagkaroon muli ng pitak ang tungkol sa Wika:

You might also like