Act. 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANGALAN : _________________________________

TAON AT PANGKAT : __________________________

GAWAIN 1
Ano sa iyong palagay ang limang pinakamahalagang kontemporaryong isyu sa Pilipinas sa ngayon?
Ilista ang mga ito at ipaliwanag kung bakit itinuturing mo itong pinakamahalaga
KONTEMPORARYONG ISYU BAKIT MAHALAGA ITONG PAG-ARALAN

GAWAIN 2
Maraming kalamidad ang nararanasan ng Pilipinas taon-taon. Magbanggit ng tatlong (3) uri ng
kalamidad at ang nararapat gawin upang maiwasan ang masamang epekto ng mga ito.
URI NG KALAMIDAD EPEKTO PAANO MAIIWASAN

GAWAIN 3
Ano ang iyong nalalaman tungkol sa climate change o pagbabago ng klima ng mundo? Suriin ang
bawat pahayag at isulat sa patlang kung ang pahayag sa bawat bilang ay KATOTOHANAN, HAKA-HAKA, o
KONGKLUSYON.
_____________________1. Ang climate change ay dulot ng pagdami ng greenhouse gases sa himpapawid.
_____________________2. Ang pag-ikot ng mundo ay walang kinalaman sa pag-init ng panahon.
_____________________3. Ang pagkabulok ng mga bagay na organiko ay nagpapatindi sa climate change.
_____________________4. Dumarami ang nagkakasakit dahil sa matinding pag-init ng buong mundo
_____________________5. Dahil sa lumulubhang pag-init ng mundo, dumadalang ang pagkakaroon ng
malalakas na bagyo.
_____________________6. Hindi pa nakabubuo ng batas an gating pamahalaan na tutugon sa isyu ng climate
change.
_____________________7. Tumataas ang presyo ng mga serbisyong pampubliko dahil sa pagbabago ng klima
_____________________8. Walang tuwirang epekto sa agrikultura ang pagbabago ng klima
_____________________9. Mas malala ang suliranin ng climate change sa mga bahagi ng mundong mas malaki
ang konsumo ng greenhouse gases.
_____________________10. May mga polisiya ang ating pamahalaan na makakatulong sa pagtugon ng climate
change
GAWAIN 4
Bakit malaking suliranin n gating bansa ang unemployment o kawalan ng trabaho? Anu-ano ang mga
sanhi ng mga suliraning ito? Anu-ano ang epekto ng suliraning ito sa ating lipunan? Sagutin ang mga tanong
sa pamamagitan ng pagbuo ng cause and effect map.
SANHI BUNGA
UNEMPLOYMENT

GAWAIN 5: Basahin at suriin ang bawat pangyayari. Lagyan ng tsek kung maituturing itong kontemporaryong
isyu at ekis naman kung hindi.
____1. Pagsakop ng mga Espanyol sa Pilipinas ____11. Korupsyon sa pamahalaan
____2. Pagbabago ng klima sa buong mundo ____12. Prostitusyon
____3. Katiwalian sa pamahalaan ____13. Pandaraya sa pamilihan
____4. Suliranin ng isang mag-anak ____14. Paglaganap ng sakit
____5. Pagtatapos sa pag-aaral ng isang bata ____15. Pagkidnap sa mga dayuhan
____6. Pagkakalbo ng kagubatan ____16. Pagtanggal sa mga tiwaling kawani
____7. Pagkakatuklas ng taong tabon ____17. Pagbabayad ng malaking buwis
____8. Pagiging isang archipelago ng Pilipinas ____18. Paggamit ng pondo ng pamahalaan
____9. Pagdami ng Overseas Filipino Workers ____19. Paglaki ng populasyon
____10. Kahirapan ng maraming Pilipino ____20. Pagkasira ng mga likas na yaman

You might also like