Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

PRE-TEST EXAMINATION

NAME: ________________________________________ Section: ____________________________


Diresyon: Isulat sa papel ang titik ng wastong sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya, at
instrumentalidad ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang
Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon, at korespondensiya?
a. E.O. No. 2010 c. E.O. No. 335
b. Srtikulo XIV Sek. 7 d. Artikulo XIV Sek. 8

2. Sino ang nag-utos na ipangalan sa Pilipino ang lahat ng edipisyo, gusali, at tanggapan sa bias ng Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 96 s. 1976?
a. Ferdinand Marcos c. Corazon Aquino
b. Diosdado Macapagal d. Manuel Quezon

3. Sino sa mga sumusunod ang nagpatupad ng batas na nagpatibay sa Tagalog bilang wikang opisyal?
a. Ferdinand Marcos c. Corazon Aquino
b. Diosdado Macapagal d. Manuel Quezon

4. Sino sa mga pangulo ang gumawa ng hakbang upang magamit ang Filipino sa mga opisyal na transaksyon,
komunikasayon, at korespondensiya?
a. Gloria Macapagal-Arroya c. Diosdado Macapagal
b. Corazon Aquino d. Manuel Quezon

5. Aling tungkulin ng wika ang tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-ugnayan sa iba?
a. Interaksiyonal c. Hueristiko
b. Instrumental d. Personal

6. Aling tungkulin ng wika ang tumutukoy sa pagkontrol ng ugali ng ibang tao?


a. REgulatoryo c. Personal
b. Hueristiko d. Instrumental

7. Alin sa mga sumusunod ang ginagamit sa pagkuha o paghahanap ng impormasyon na may kinalaman sa
paksang pinag-aaralan?
a. Personal c. Impormatibo
b. Regulatoryo d. Hueristiko

8. Alin sa mga sumusunod ang may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat o pasalita?
a. Hueristiko c. Impormatibo
b. Regulatoryo d. Personal

9. Alin sa mga sumusunod ang may tungkuling magpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro sa paksang pinag-
uusapan?
a. Hueristiko c. Personal
b. IMpormatibo d. Regulatoryo

10. Sino ang naglahad ng mga tungkulin ng wika?


a. M.A.K Halliday c. Manuel Quezon
b. Henry Gleason d. Lope K. Santos

11. Alin sa mga sumusunod na barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa
isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon, o bayan?
a. Dayalek c. Sosyolek
b. Idyolek d. Register

12. ____________ ang barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal
ng mga taong gumagamit ng wika.
a. Dayalek c. Sosyolek
b. Idyolek d. Register
13. Ano ang tawag sa komunikasyon kung ito ay ginagamitan ng wika o salita at mga titik na sumisimbolo sa
kahulugan ng mga mensahe?
a. Di-verbal c. Verbal
b. Silent Messages d. Kinesika

14. Alin sa mga sumusunod sa mga anyo ng di-verbal na komunikasyon ang nag-aaral ng kilos at galaw ng
katawan?
a. Kinesika c. Ekspresyon ng mukha
b. Galaw ng mata d. Vocalics

15. Isang uri ng di-verbal na komunikasyon na nag-aaral sa mga paghawak o pandama na naghahatid ng
mensahe.
a. Kinesika c. Ekspresyon ng mukha
b. Pandama o paghawak d. Vocalics

16. Sa katangian ng Pananaliksik, ____________ ang naglalahad ng mga impormasyong hindi basta galing sa
opinyo o kuro-kurong pinapanigan ng manunulat, kundi nakabatay sa mga datos na maingat na sinaliksik,
tinaya, at sinuri.
a. Obhetibo c. Sistematiko
b. Empiritikal d. Napapanahon o maiuugnay sa kasalukuyan

17. Ano ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa?


a. Blinggualismo c. Monolinggualismo
b. Multilinggualismo d. Lahat ng nabanggit

18. ___________ ang gamit ng wika na may kinalaman sa pagbibigay ng impormasyon sa paraang pasulat o
pasalita.
a. Impormatibo c. Personal
b. Hueristiko d. Regulatoryo

19. Ayon sa kasaysayan ng Wikang Pambansa, ang mga unang nandayuhan sa ating bansa ay ang mga
____________ na nagmula sa Borneo.
a. Negrito c. Indones
b. Malayo d. Amerikano

20. ______________ ay nahahawig sa balagtasan kung saan nagtatalo ang mga kalahok nang pa-rap.
a. Fliptop c. Hugot
b. Pick-up lines d. pagbo-broadcast

21. Alin sa mga sumusunod na itinuturing na pinakamakapangyarihang media sa kasalukuyan dahil sa dami ng
mamamayang naabot nito?
a. Telebisyon c. Radyo
b. Newspaper d. Tabloid

22. Anong taon na iniutos ni Haring Felipe II ng Espanya na ipagamit ang Wikang Katutubo sa pagtuturo?
a. 1634 c. 1643
b. 1635 d. 1653

23. Noong panahon ng rebolusyon Pilipino sumibol sa mga maghihimagsik na Pilipino ang kaisipang
“______________” laban sa Espanyol.
a. Isang bansa, isang wika c. isang wika, isang diwa
b. Isang bansa, isang diwa d. isang bansa, isang salita

24. Ano ang opisyal na wikang panuro mula Kindergaten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at
pribado man?
a. Filipino c. Bernakular
b. Mother Tongue d. English

25. Sino ang nagsaad na ang wika ay masistemang balangkas ng mga tunog na pinili at isinaayos sa pamaraang
arbitrary upang magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura?
a. Paz c. Henandez
b. Peneyra d. Henry Allan Gleason Jr.

You might also like