New Lesson Plan Format 3rdgradingtugmapanudyo

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

DISYEMBRE 3-7, 2018

Petsa

ARALIN I Mga Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong, Palaisipan/Bugtong

Panitikang Luzon: Larawan ng Pagkakakilanlan

I. MGA LAYUNIN PN:


FPN-IIIabc-13
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental (tono, diin,
antala), at mga di-berbal na palatandaan (kumpas, galaw ng mata/ katawan, at iba
pa) sa tekstong napakinggan

PB:
FPB-IIIabc-13
Nailalahad ang pangunahing ideya ng tekstong nagbabahagi ng bisang
pandamdamin ng akda

PB:
FPB-IIIabc-14
Naihahambing ang mga katangian ng tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at
palaisipan

PT:
FPT-IIIabc-13
Naipaliliwanag ang kahulugan ng salita sa pamamagitan ng pagpapangkat

PD:
FPD-IIIabc-13
Nasusuri ang nilalaman ng napanood na dokumentaryo kaugnay ng tinalakay na
mga tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan

PS:
FPS-IIIabc-13
Nabibigkas nang may wastong ritmo ang ilang halimbawa ng tula/awiting
panudyo, tugmang de gulong at palaisipan

PU:
FPU-IIIabc-13
Naisusulat ang sariling tula/awiting panudyo, tugmang de gulong at palaisipan
batay sa itinakdang mga pamantayan

WG:
FWG-IIIabc-13
Naiaangkop ang wastong tono o intonasyon sa pagbigkas ng mga tula/awiting
panudyo, tulang de gulong at palaisipan

EP:
FEP-IIIabc-13
Nagagamit nang wasto ang mga primarya at sekundaryang pinagkukunan
ng mga impormasyon
II. PAKSA A. Panitikan
Mga Tulang Panudyo, Tugmang de Gulong,Palaisipan/Bugtong

B. Gramatika
Suprasegmental (tono, diin, antala), at mga di-berbal na palatandaan (kumpas,
galaw ng mata/ katawan, at iba pa) sa tekstong napakinggan

C. Sanggunian
FILIPINO BAITANG 7 MODYUL pahina 1-8

D. Kagamitan
manila papel, pentel pen, kopya ng mga akda

III. YUGTO NG Mga Mahahalagang Tanong


PAGKATUTO
1.) Bakit mahalagang kilalanin at unawain ang mga akdang pampanitikan gaya ng
UNANG PAGKIKITA karunungang bayan na lumalaganap sa mga tiyak na panahon?
2.)Paano napaunlad ang ating literatura sa paggamit ng tugmang de gulong?
PD: 3.)Ano ang layunin ng tugmang panudyo?
FPD-IIIabc-13
Nasusuri ang nilalaman ng A. TUKLASIN
napanood na dokumentaryo 1.)Ano ang pagkakaiba ng Tulang Panudyo sa Tugmang de Gulong?
kaugnay ng tinalakay na mga
2.) Ano ang kahulugan ng Palaisipan at Bugtong?
tula/awiting panudyo,
tugmang de gulong at Tugmang Panudyo- Ang awiting ito ay karaniwang pumapaksa sa pag-ibig,
palaisipan pamimighati, pangamba, kaligayahan, mang aliw.pag-asa, at kalungkutan o ginawa
upang maging panukso sa kapuwa..
PB:
FPB-IIIabc-14 Tugmang de Gulong- Paalala na madalas makikita sa mga pampublikong
Naihahambing ang mga sasakyan. Layunin nito ay mang-aliw.
katangian ng tula/awiting
panudyo, tugmang de gulong
Bugtong
at palaisipan
Ito ay binubuo ng isa o dalawang taludtod na maikli na may sukat at tugma. Ang
pantig naman nito ay maaaring apat hanggang labindalawa.

Halimbawa: Isang supot na uling,


Naroroo’t bibitin-bitin
Sagot: duhat

May ulo’y walang buhok,


May tiyan, walang pusod
Sagot: palaka

Palaisipan - Ito ang mga tanong na kadalasang nakalilito sa mga tagapakinig. Sa


una akala mo’y walang sagot o puno ng kalokohan ngunit kung susuriin, ang
palaisipan ay nagpapatalas ng isip at kadalasang nagbibigay ng kasanayang
lohikal sa mga nagtatangkang sumagot.

Halimbawa:
May isang prinsesang sa tore ay nakatira, balita sa kaharian, pambihirang ganda.
Bawal tumingala upang siya’y makita. Ano ang gagawin ng binatang sumisinta?
Sagot: Iinom ng tubig upang kunwa’y mapatingala at makita ang prinsesa.

IKALAWANG PAGKIKITA
B. LINANGIN
PN: Pagganyak
FPN-IIIabc-13 Ipasagot sa mga mag-aaral ang palaisipan.
Naipaliliwanag ang
kahalagahan ng paggamit ng B.2 Paglinang ng Talasalitaan
suprasegmental (tono, diin, Ipatukoy sa mga mag-aaral ang salitang ugat ng sumusunod at ang
antala), at mga di-berbal na panlaping ikinabit rito, pagkatapos ay pabigyan ng sariling kahulugan.
palatandaan (kumpas, galaw a. Palaisipan = salitang ugat __________________ at panlapi _______________
ng mata/ katawan, at iba pa) Kahulugan: ____________________________________________________
sa tekstong napakinggan b. Awiting bayan = salitang ugat _______________ at panlapi _______________
Kahulugan: ____________________________________________________
PS: c. Bugtong = salitang ugat ___________________ at panlapi _______________
FPS-IIIabc-13 Kahulugan: ____________________________________________________
Nabibigkas nang may d. Tugmang de gulong = salitang ugat ___________ at panlapi ______________
wastong ritmo ang ilang Kahulugan: ____________________________________________________
halimbawa ng tula/awiting e. Awiting panundo = salitang ugat ______________ at panlapi _____________
panudyo, tugmang de gulong Kahulugan: ____________________________________________________
at palaisipan Pagbasa ng Teksto

WG: Unang Pagbasa Awiting Panudyo/Tugmang de Gulong


FWG-IIIabc-13 Ikalawang Pagbasa /Bugtong/Palaisipan
Naiaangkop ang wastong
tono o intonasyon sa B.3 SA ANTAS NG IYONG PAG-UNAWA
pagbigkas ng mga 1.)Tungkol saan ang binasa?
tula/awiting panudyo, tulang
de gulong at palaisipan 2.)Saan madalas makikita ang mga paalala sa tugmang de gulong?

3.) Ano ang kahulugan ng tugmang panudyo at tugmang de gulong?

4.)Bakit kailangan maglaro ng bugtung-bugtugan sa oras ng lamay?

5.)Ibigay ang kahulugang Palaisipan.

B.4 PAGSANIB NG GRAMATIKA

Ang Ponemang Suprasegmental

Ang suprasegmental ay makabuluhang yunit ng tunog na karaniwang hindi


tinutumbasan ng titik o letra sa pagsulat. Inihuhudyat o sinisimbolo ito ng mga
notasyong ponemik upang matukoy ang paraan ng pagbigkas ng isang salita o
isang pahayag.

Kabilang sa suprasegmental ay ang sumusunod:

a. Diin – ginagamitan ito ng simbolong dalawang magkahiwalay na bar (//) o


tuldok (.) upang matukoy ang pantig ng isang salita na may diin na
nangangahulugan ng pagpapahaba ng naturang pantig na may kasamang
patinig.
Halimbawa: /ala.ga/

b. Tono – ito ay paraan ng pagbigkas na maaaring malambing, pagalit,


marahan, o kaya’y waring laging aburido kundi man nasasabik.
Halimbawa: Ikaw pala! (nagulat)
c. Antala – nangangahulugang paghinto o pagtigil ng pagsasalita na
maaaringpanandalian (sa gitna ng pag-uusap) o pangmatagalan (katapusan
ng paguusap. Ito ay sinisimbolo ng tuldok (.) at kuwit (,).
Halimbawa: Maria/ Rhodora Antonio/ ang tawag sa kanya./
Maria Rhodora/ Antonio ang tawag sa kanya.//
Itanong: May pagkakaiba ba sa kahulugan

IKATLONG PAGKIKITA C. UNAWAIN AT PAGNILAYAN


EP: 1.) Gaano nakaapekto ang mga tulang panudyo, awiting panudyo, at tugmang
FEP-IIIabc-13 de gulong sa mga batang gumagamit nito sa paglalaro?
Nagagamit nang wasto
ang mga primarya at 2.)Gaano nakatutulong sa matatanda ang pagsagot sa palaisipan at bugtong
sekundaryang upang mahasa ang kanilang talino at memorya?
pinagkukunan ng mga
impormasyon

IKAAPAT NA PAGKIKITA
D. ILIPAT
PU: Pangkatang Gawain
FPU-IIIabc-13
Naisusulat ang sariling Bumuo ng limang pangkat sa klase. Magsusulat ang pangkat ng ayon sa
tula/awiting panudyo, sumusunod:
tugmang de gulong at Unang pangkat: awiting panudyo
palaisipan batay sa Ikalawang pangkat: tulang panudyo
itinakdang mga pamantayan Ikatlong pangkat: tugmang de gulong
Ikaapat na pangkat: palaisipan
PT: Ikalimang pangkat: bugtong
FPT-IIIabc-13 Ihandang ipresinta ito sa klase katulad ng segment ni Marc Logan sa TV Patrol.
Naipaliliwanag ang
kahulugan ng salita sa
pamamagitan ng Rubrik sa Pagmamarka
pagpapangkat Nilalaman – 40%
Paraan ng Presentasyon – 10%
Kasiningan – 30%
Orihinalidad (Walang hawig sa kaklase) – 5%
Wastong Tono, Intonasyon, at
Pagbigkas – 15%
Kabuuan = 100%

Goal - Nailalapat ang mga halimbawa ng karunugan bayan sa masining na paraan

Role - Tagapagbigkas ng tula -

Audience - Kamag-aral at Guro

Situation - Sa isang pagtitipon,magpapakita ng galing sa pagtula ng


tugmang de gulong ,tugmang panudyo,pahulaan at pagpapatalas ng isipan

Performance/s - Pagtula ng Tugmang De Gulong at Panudyo/Pahulaan at


Pagpapatalas ng Isipan

Standards - Rubriks sa Pagmamarka


IV. EBALWASYON Panuto: Piliin ang tamang sagot.
1. Tumutukoy ang ito sa pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagsasalita, na maaaring
maghudyat ng kahulugan ng pahayag
A. Tono
B. Intonasyon
C. Diin
D. Haba
2. Ang ________ ay nagpalilinaw ng mensahe o intensyong nais ipabatid sa
kausap.
A. Tono
B. b. Diin
C. c. Haba
D. d. Intonasyon
3. Tinatawag itong rehiyonal na tunog o accent. Sa anumang lugar mayroon
tayong pagkakaiba sa pagsasalita. Ano ang tawag dito?
A. Diin
B. Haba
C. Punto
D. Intonasyon
4. Ito ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa isang pantig ng salitang binibigkas.
A. Punto
B. Hinto o Antala
C. Diin
D. Intonasyon
5. Ang ______ay ang pagbigkas nang mahaba sa patinig (a, e, i, o, u ) ng bawat
pantig.
A. Punto
B. Hinto o Antala
C. Intonasyon
D. Haba
6. Ito ay bahagyang pagtigil sa ating pagsasalita upang higit na maging malinaw
ang mensaheng ibig ipahatid sa kausap.
A. Intonasyon
B. Haba
C. Hinto o Antala
D. Haba
7. Ano sa tingin mong mangyayari kung hindi nabigyan ng saglit na pagtigil sa
pagsasalita isang tao?
A. Mas maganda ang pagsasalita
A. Magiging mas malinaw ang pagsasalita
B. Hindi magiging malinaw ang mensaheng nais ipahiwatig
C. Walang ideya
8. Bukod sa mga ponemang suprasegmental ay nakakatulong din sa mabisang
pagpapahayag ang mga _______?
A. di berbal na palatandaan
B. berbal na palatandaan
C. ponema
D. Ponemang segmental

9. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga di berbal na palatandaan maliban sa


isa?
A. kumpas ng kamay
B. galaw ng katawan
C. pagbigkas ng tula
D. galaw ng mata
10. Anong bantas ang ginagamit sa pagkuha ng diin ng isang salita?
A. Kuwit (,)
B. Tutuldok o Kolon (:)
C. Gitling (-)
D. Patlang (_)

V. TAKDA Magbigay ng sariling halimbawa ng tugmang panudyo at tugmang de gulong at


basahin ito sa harap ng klase.

I.D Bilang ng mag-aaral na nagpakita ng antas ng pagkatuto.

 Ipagpatuloy

 Iturong muli

 Bagong Aralin

You might also like