Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 13

VILLANUEVA, Vince Christian A.

Fil40 THX3

2015-07464

Term paper

Ang Industriya ng Gitara sa


Pilipinas

1
ABSTRACT

Ang kasalukuyang industriya ng paggawa ng gitara sa pilipinas ay

natatabunan ng malalaking imported na kumpanya ng gitara. Ito ay dahil sa

mababang kalidad ng mga gitara na hindi nagtatagal at nasisira kapag ito ay

inimport sa ibang lugar dahil sa kaibahan ng humidity kumpara dito. Ito ay

nag-iwan ng di magandang imahe sa industriya ng paggawa ng gitara sa

pilipinas. Kahit ang mga dekalidad na gitara na ginagawa pa din sa Pilipinas

ay nadadamay din dahil sa istigma na ito. Ang problemang ito ay dahil ang

mga luthiers sa pilipinas ay sadyang mas binibigyang halga ang paggawa ng

mas maraming gitara para sa mas mababang kalidad, na ang tanging silbi

lamang ay maging isang pasalubong kapag ikaw’y nagawi sa dating mga

tanyag na gawaan ng gitara. Ang paggamit ng plywood bilang top at body ng

gitara ay ang pangunahing dahilan sa pagkasira ng mga gitara na ito imbis na

tunay na tonewoods.

2
PANIMULA

Ang malinaw na pagkakaintindi sa istruktural na dynamics ng isang

instrumento ay mahalaga upang maintindihan kuhng paano gumawa ng isang

mabuting instrumento. Ang isang mahusay na luthier ay naiintindihan ito,

subalit halos lahat ng proseso ng pag gawa ng instrumento ay empirikal,

kagaya ng gawi ni Edison, na naisagawa sa pamamagitan ng mahusay na

pandinig at karanasan sa pag gawa.’ Yaan ang aking nabasa sa isang research

ni M. French & G. Bissinger French and Bissinger [2001] ukol sa mekaniks at

iba’t ibang uri ng materyales na ginagamit sa paggawa ng gitara.

Ang gitara ay isang 6 string na instrumento, na itinotono na E A D G B E

ang mga strings. Ito ay may napakahabang kasaysayan, na ayon kina Dr.

Kasha ay nagmula sa isang instrumento 4000 taon na ang nakalipas. Subalit

ang pinakamalapit na kamag-anak ng gitara ay ang lute. Ayon din kay Dr.

Kasha, nagmula sa lute ang pinakaunang gitara. Ito ay binago ng luthier na si

Antonio Stradivarius upang magkaroon ng 6 strings kontra sa 15 strings ng

lute.

Maaaring ang gitara ang maituturing nating lahat na pinakasikat na

instrumento sa mundo, dahil sa angkin nyang ‘versatility’ na maari mo syang

magamit pang rhythm or pangsabay sa pag-awit gaya ng piano, o di naman

kaya makagawa ng napakagandang melody kahit sya’y mag isa kagaya ng

3
mga ginagawa ng fingerstyle artists. Dahil dito, ang gitara ay isa sa

pinakanaaral nang instrumento dahil manggagawa na labis ang interes upang

mapaganda pa ito o di naman kaya kompetisyon sa kapwa nila manggagawa

sa industriya. Kaya’t sa dahilang ito, napili kong suriin ang gitara sa aspetong

di madalas nating nabibigyang pansin bilang pilipino, ang materyales at

pagkakabuo.

Ang acoustic guitar, upang maging mas payak, ay ang masasabi nating

pinakatanyag na instrumento na halos lahat ng bahay lalo na sa pilipinas ay

mayroon. Karamihan siguro sa ating mga pilipino ay ang unang natutunang

instrumento ay ang gitara. Maaring natuto tayo sa ating mga nakatatandang

kapatid o di kaya naman tayo ay sumailalim sa guitar lessons. Ngunit kahit

lahat tayo o karamihan sa atin ay sanay mag gitara, marami ang may hindi

alam kung paano ba talaga ito gumagana sapagkat ang gitara, bagama’t

madaling matutunan ay isang complikadong makina. Upang makagwa ng

simpleng chord ay dapat maayos ang pagkakabuo sa isang gitara. Ang mga

manggagawa ng gitara o kahit anumang instrumento ay tinatawag na luthiers.

Ang mga luthier ay mga dalubhasang manggawa ng mga instrumento na

minana ang mga pamamaraan ng mga nauna sa kanilang mga luthiers din

upang lalo pang mapaganda ng mga instrumento na kanilang magagawa. Ang

mga ipangbabago ng gitara sa pagtagal ng panahon ay kadalasan nagmumula

sa mga hiling ng mga musikero. Dahil sa mga pangangailangan na iyon ay

4
nagkaroon ng maraming uri ng gitara. Iba’t ibang hugis, laki, materyales,

elektroniks, at iba pa na ngayon ay nakikita na natin. Kumbaga ang relasyon

ng luthier at ng isang musikero ay ang syang nagdala sa kung anong mayroon

tayo ngayon.

Ngunit ano nga ba talaga ang aking pakay talakayin, tila napakahaba na

ng aking mga sinabi ngunit parang wala pa din akong kinaroroonan.

Maghintay lamang at narito na tayo sa ikalawang parte ng panimula, ang

kasaysayan ng gitara sa pilipinas.

Ang gitara ay unang dumating sa pilipinas noong panahon ng espanyol.

Naging pinakatanyag at kilala ang industriya ng pagawa ng gitara sa pilipinas

noong 1940s hanggang sa 1980s, na pinangunahan ng mga sikat na tatak gaya

ng Lumanog, Alegre, Susing, at Ferangeli. Ang mga gitarang gawa sa

pilipinas ay sikat noon dahil sa mahusay nitong pagkakagawa at mga

materyales na di makikita sa ibang bansa. Ngunit noong ang mga anak na ng

mga sinaunang luthiers ang humawak ng negosyo ay bumaba ang quality ng

mga gawa nilang gitara at tila bumaba.

Ang industriya ng gitara sa mundo ngayon ay dinodomina ngayon ng mga

malalaking imported na kumpanya. Ito ay dahil sa mga mabababang klase ng

gitara na bagama’t mura ay hindi nagtatagal at nababasag kapag nadala sa

lugar na iba ang humidity. Bagama’t mayroon pa rin namang mga mahuhusay

na manggagawa, di makiakailang nakapaglagay ng stigma sa puso ng mga tao

ang mga mabababang klase ng gitara na dahilan kung bakit hindi na tanyag

5
ang industriya ng gitara sa Pilipinas. Ang problemang ito ay hindi maayos

sapagkat karamihan sa mga luthiers sa pilipinas ay tinitipid sa materyales at

kagamitan ang mga gitara sapagkat ibinebenta lamang ito ngayon bilang

souvenirs, para lamang hindi mamatay ang negosyong minana pa nila sa

kanilang mga magulang. Dahil sa pagsasakripisyo na ito ay nakararami na

ngayon sa mga tindahan ang gitarang gawa lamang sa plywood at nagdadala

ng kahihiyan sa noon ay tanyag na mga gitara.

Para sa papel na ito, aking sinuri ang negosyo ng aming malapit na

kaibigan na nagpapatakbo na ngayon ng kanyang sariling gawaan ng gitara sa

Cebu; ang Alegre Guitars.

Background Of The Study

Sa Alegre guitars Philippines, ang pinakamadalas na kahoy na kanilang

ginagamit ay ang Canadian Cedar, Canadian Spruce, Calantan, Palisander, at

ang Mahogany plywood para sa mga low end na gitara. Upang mapanatili ang

pagkakatulad ng mga gitara, gumagamt sila ng isang instrumento na ang silbi

ay sukatin ang lalim ng gitara pati na rin ang lapad nito. Pareho lang ang

proseso sa paggawa ng mga low end at high end na gitara. Ang

pinakapagkakaiba lang talaga ay ang mga materyal na bagay gaya ng

tonewood na ginamit, lacquer finish na ginamit, at ibang bagay gaya ng

electronics at hardcase. Sabi din nila na sinusubukan nilang pnaatilihing

istandard ang paggawa nila sa lahat ng modelo. Ngunit kahit mayroong barayti

6
ng gitara na maaring mabili sa alegre, ang pinakamabenta pa din talaga ay ang

mga matatawag mo na ‘souvenir guitars.’ sabi nila ay halos 9 is to 1 ang ratio

ng mga low end na gitara na bebenta kontra sa mga high end na gitara na

kanilang mga ginagawa. At sa 1/10 na iyon ay halos nasa medium price pa

napupunta at kakaunti lamang doon ang napupunta sa tunay na high quality na

gitara. Sabi nga din ng aming kaibigan na kadalasang nabibili ang mga low

quality guitars at sinasamahan lamang ng mga hardcase upang magandang

itabi sa bahay. Halos 40 pursyento halos ng kanilang binabayaran ay para sa

hardcase lamang, ayon sa kanya. Kapag nakita mo talaga ang numero ng

malapitan ay maiisip mo na talagang mga low quality guitars lamang talaga

ang nabebenta sa industriya ngayon.

7
KATAWAN‘

Para sa papel na ito ay nakipagusap ako sa kaibigan ng aming pamiliya na

dealer ng gitara. Sila ay taga Cebu at ang pangalna ng kanilang tindahan ay

Alegre. Kinontact ko ang alegre upang humingi ng kanilang records ng sales.

Narito ang data na aking inihambing sa data mula sa isang tindahan ng

gitara sa USA.

Alegre guitars sales data

Year Units % change Retail % change Average Guitar

Php price Php under 3000

Php sold

2016 2100 -4.6 % 5,250,000 -5% 2500 1890

2015 2200 4.6 % 5500,000 2% 2500 1980

2014 2100 34 % 5420,000 12% 2600 1827

2013 1600 -12 % 4,800,000 7% 3000 1200

2012 1800 -- 4,500,000 -- 2500 1620

Guitar Center, USA data

Year Units % change Retail % change Average

$ price $

2016 2,630,950 6.4% 1,070,244,00 -5% 433

8
2015 2.472,700 -.3% 1,000,676,13 2% 403

2014 2,489, 390 -.3% 934,971,450 12% 372

2013 2,496, 185 5% 839,000,000 7% 353

2012 2,377,310 -- 820,746,000 -- 361

Base sa data na nasa taas, ang karaniwang presyo ng gitara na naibebenta sa

Alegre, Cebu ay 2260 Php. Kung ikukumpara mo ito sa presyo ng mga gitara

na naibebenta sa america na karaniwang nasa 400 USD kada gitara,

mapapansin mo na napakamura talaga ng gitara sa Pilipinas. Maituturing mo

itong isang mabuting aspeto at kalamangan laban sa mga imported na gitara.

Ngunit bakit kahit mura ay kakaunti pa din ang naibebenta? Bakit hindi na

kasama ang Pilipinas sa top importers ng acoustic guitar? Ito ay dahil, sa

totoo lang, sa quality talaga ng mga gitara na hindi talaga makalalaban sa mga

ginawa ng ibang bansa. Kahit gaano kahusay ang isang luthier, kung ang

materyales na gagamitin ay hindi nararapat ay hindi posibleng makagawa ng

magandang uri ng gitara. Makikita din sa data na bagama’t may mga quality

guitars pa din naman na nagagawa ng Pilipinas, sadyang binibili na lamang

ito bilang isang souvenir. Naniniwala ako na ang gitara ay isang instrumento.

Ang instrumento ay ginawa upang tugtugin. Ang instrumento ay ginawa

upang manghikayat ng bagong musikero. Naniniwala ako na hindi dapat

icompromisa ang mahusay na quality para lamang sa kakaunting kita.

9
.

Conclusion

Ang alegre guitars ay gumagamit ng 5 uri ng tonewoods sa nakaraang 5

taon. Ito ang Canadian Cedar, Canadian Spruce, Palisander, Calantan, at

Mahogany. Plywood. Sa mga ito, ang pinakaginagamit ay ang plywood, na ang

kadalasang halaga ay 1500-10,000 php kada gitara depende sa mga ekstrang

bagay kagaya ng preamp at hardcase. Ang mga dekalidad na gitara samantala

ng alegre ay binubuo lamang ang 10% ng buong kita nila. Makikita natin dito na

sa mga souvenir guitars lamang sila kumikita. Ngunit para sa mga gitarista sa

industriya, ang pinakmahlaga sa isang gitara ay ang playability nito. Para

umunlad ang industriya ng paggawa ng gitara sa Pilipinas, kailangang tingnan

talaga ng mga luthier ang kanilang gustong bentahan. Gusto ba nilang magbenta

ng gitara na hindi magagamit o gusto ba nilang magbenta ng gitara na maari

pang maipamana hanggang sa apo ng bumili. Naniniwala akong yan ang

kailangan upang maibalik ang dating katanyagan ng industriya ng paggawa ng

gitara sa Pilipinas.

10
Sanggunian

Acoustical Society of America. American Standards

Association-Acoustical Terminology. Number ANSI S1.1. Acoustical

Society of America, New York, 1960.

George Bissinger. Testing of acoustic stringed musical instruments: part

4. Experi

mental Techniques, pages 43–46, July/August 2001.

George Bissinger and Carleen M. Hutchins. Air-plate→neck fingerboard

coupling

and the ‘feel’ of the violin. Journal of the Catgut Acoustical Society,

4(3), May

2001. Reproduced from Catgut Acoustical Society Newsletter #44,

November1985.

Mary L. Boas. Mathematical Methods in the Physical Sciences. John

Wiley and

Sons, Inc., 2nd edition, 1983.

11
J. Bodig and B. A. Jayne. Mechanics of wood and wood composites.

Van Nostrand

Reinhold, New York, 1982.

Emmanuel Bossy and Renaud Carpentier. Simple methods for studying

violin plates. Technical report, The University of New South Wales and the

´Ecole Normale Sup´erieure, 1998.

R. R. Boullosa, F. Orduna-Bustamante, and A. P. Lopez. Tuning

characteristics,

radiation efficiency and subjective quality of a set of classical guitars.

Applied

Acoustics, 3(56):183–197, March 1999.

R. Inta The Acoustics of Steel string Guitar. Article, School Of Physics

The University Of New South Wales Sydney, Australia, September 6, 2007

Dana Bourgeois. Tapping tonewoods. how the selection of species helps

define the

sound of your guitar. Acoustic Guitar, (23), March/April 1994

12
R. E. Brune. Comments on the Kasha question. Guild of American

Luthiers, 4:42,

1985a.

R. E. Brune. Lutherie: Art or science? Guild of American Luthiers, 1:38,

1985b.

R. E. Brune. Letter to the editor. Guild of American Luthiers, 8:3, 1986.

Voichita Bucur. Acoustics of wood. CRC Press, 1995

13

You might also like