Heograpiya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Heograpiya

(Mula sa Griyego γεωγραφία, geographia, literal na


kahulugan: "paglalarawan sa daigdig") ay isang
larangan ng agham na pinag-aaralan ang mgalupain,
katangian, naninirahan, at hindi karaniwang bagay
sa Daigdig. Ang unang tao na gumamit ng salitang
Griyego na γεωγραφία ay si Eratosthenes (276–194
BC). Sinasakop ng heograpiya ang lahat ng disiplina
na sinisikap na unawain ang Daigdig at mga tao nito
pati na rin ang likas pagkakumplikado nito. Hindi
lamang ang mga bagay nito ang pinag-aaralan, ngunit
gayon din kung papaano ang mga ito ay nagbago at
lumitaw.
Paleolitiko
Ay ang panahon kung saan ang nakikita ang
pagbabagong-anyo ng tao. Isa sa mga
pinakamahalagang pangyayari dito ay ang
pagdiskubre ng apoy. Ang mga tao sa Paleolitiko ay
mga nomadiko, o walang permanenteng tirahan.
Hinahati ang panahong Paleolitiko sa tatlong bahagi:
Mababa, Gitna at Itaas. Ang Panahon ng Mababang
Paleolitiko ay sinasabing panahon ng pagbabago ng
anyo ng tao. Dito nakita ang isa sa mga
pinakamahalagang yugto ng tao na tawag
ay Australopithecine.

Panahon ng Bato o Neolitiko

ay isang malawak na kapanahunang prehestoriko


(bago sumapit ang nasusulat na kasaysayan) kung
kailan at saan gumagamit ang mga tao ng
mga bato para sa paggawa ng mga kagamitan o
kasangkapan. Karamihan sa mga dalubhasa sa
paksang ito ang naghahati sa Panahon ng Bato sa
tatlong peryodo: Matandang Panahong Bato
(Paleolitiko), Panggitna o Gitnang Panahon ng Bato
(Mesolitiko), at Bagong Panahon ng Bato
(Neolitiko).[1][2] Nagmula ang lithic o litiko mula sa
salitang Griyego na nangangahulugang "ng bato" at
tumutukoy sa mga materyales na ginagamit sa
paggawa ng mga kasangkapan at pagbubuo ng mga
sandata.
Sa arkeolohiya, ang Panahon ng Bakal

ay ang yugto ng kaunlaran ng sinumang tao na


namamayani ang bakal sa pangunahing sangkap sa
mga kagamitan at sandata. Kadalasang sumasabay
ang mga ganitong paghiram sa mga ibang pagbabago
sa lipunan, kabilang ang mga magkakaibang
pagsasanay sa pagsasaka, mga paniniwalang pang-
relihiyon.Sa kasaysayan, pinakahuling prinsipal na
panahon sa sistema ng tatlong-panahon para sa pag-
uuri ng mga lipunang bago ang kasaysayan, nauna
ang Panahon ng Tanso. Nag-iiba ang petsa at
konteksto ng panahong ito, depende sa bansa o
rehiyong pang-heograpiya.
Sinaunang mga kabihasnan o matatandang mga
kabihasnan
ay mga kauna-unahang pang mga kabihasnang o
mga sibilisasyon noong unang panahon na naitatag
ng mga tao. Kabilang sa mga ito ang sibilisasyon ng
mga Sumeryo sa Mesopotamya, ng mga Akadyano,
ng mga Asiryo, ng mga Babilonyo, ng sinaunang
Ehipto, ng sinaunang Indiya, ng Lambak ng Indus,
ng sinaunang Tsina, ng sinaunang Persiya,
ngsinaunang Gresya o kabihasnang Heleniko,
ng kabihasnang Helenistiko (kasama ang ng
mga Penisyo, ng sinaunang mga Romano, ng
mga Kelta, ng mga Dasyano, ng mga Ebreo, ng
mga Trasyano, ng mga Minoe), ang mga
kabihasnang bago-Kolumbyano
Gresya
ay matatagpuan sa pagitan ng Europa, Asia, at
Aprika. Dito naganap ang Klasikong Kabihasnan;
naging pangunahing bahagi ng Silangang Imperyo
Romano, at apat na siglo ng paghahari ng Imperyong
Ottoman. Tinaguriang "Duyan ng Sibilisasyong
Kanluranin" at pinagmulan ng demokrasyang
pamahalaan, pilosopiyang kanluranin, ang mga
palarong Olimpiko, panitikang kanluranin, agham
pampolitika, mga pangunahing prinsipyo ng
karunungan, at teatro, ang kasaysayan ng Gresya ay
mahaba at makulay, at ang kulturang naiwan nito ay
naipamana rin mga lupain ng Hilagang Aprika, sa
Gitnang Silangan, at naging basehan ng kultura ng
Europa at ng tinatawag na Kanluran.
Kabihasnang Minoan
ay isang dating kabihasnan sa pulo ng Creta na nagsimula
noong Panahon ng Tansong-Pula. Umiiral ito mula noong
mga 2700 BK. Tumagal ito magpahanggang mga 1450 BK,
bago napalitan ng kalinangang Miseneo. Hindi naman talaga
nalalaman ng mga dalubhasa kung ano ang tawag ng
mgaMinoe o Minoano para sa kanilang mga sarili, sapagkat
nagmula lamang kay Sir Arthur Evans ang
kapangalanang Minoan, na ibinatay mula sa maalamat o
mitikong nilalang na si Haring Minos.

Kabihasnang Mycenaean

ay isang lugar na pang-arkeolohiya sa Gresya, na tinatayang


nasa 90 km timog-kanluran ng Athens, sa loob ng hilaga-
silangan ng Peloponnese. Ang Argos ay 11 km papunta sa
timog; ang Corinth, 48 km pakanluran. Mula sa burol na
kinalalagyan ng palasyo, matatanaw ang kahabaan mula
sa Argolid hanggang sa Tangway na Saroniko.

Kulturang Hellenic

Mula dangtaong 303 B.K. hanggang sa ikalawang


dantaon B.K., nagsimula ang malaking impluwensiya ng mga
Griyego sa astrolohiya. Noong ika-lima at ika-apat na
dantaon B.K. dahil sa pananakop ng Dakilang si Alexander
lalo pang lumaganap ang Astrolohiya, naikalat ang kultura at
mga kaisipang Griyego. Ang pananakop na ito ay tinawag
na Helenismo ng mga Lumang Daigdig. Ang
mga Griyego ang may pakana na pagsasama ng
mga mitolohiya sa astrolohiya at sa kanila din nanggaling
ang mga pangalang pamilyar sa atin ngayon. Sa panahon ng
mga Griyego parehas ang mga diyoses ng mga buntala pero
iba nga lang ang pangalan at mga personalidad o pagkatao
ng mga ito.
Atenas
ay ang kabisera at pinakamalaking lungsod ng Gresya.
Matatagpuan ito sa rehiyon ng Attica. Isa ang Atenas sa
mga pinakamatandang lungsod sa buong mundo, na may
naitalang kasaysayan sa loob ng humigit 3,000 taon.
Ipinangalan ang lungsod sa dati nitong patron na
si Athenanoong kapanahunan ng Matandang Atenas.

Paglalayag ng Espanya

Noong 1519, nagsimulang maglakbay si Ferdinand


Magellan mula sa Espanya upang isagawa ang unang
paglalayag sa paligid ng mundo. Ang panggagalugad ni
Magellan ay binubuo ng limang mga barko tinatawag na San
Antonio, Santiago, Concepcion, Victoria, at Trinidad na
mayroong 264 mga tauhang mandaragat.[1] Si Magellan ay
isang Portuges na naglilingkod sa ilalim ng watawat at Hari
ng Espanya. Noong Marso 16, 1521, narating ng kaniyang
ekspedisyon ang pulo ng Samar sa Cebu,[3] kung saan
tinanggap siya nina Raha Kolambu at Raha Siagu. Ang mga
pulo ay pinangalanan ni Magellan bilang Kapuluan ni San
Lazaro, at inangkin ang mga lupain para sa Kaharian ng
Espanya, sa ilalim ng pangalan ni Haring Charles I ng
Espanya (Carlos I). Si Magellan at ang kaniyang mga
kasama ang sinasabing unang mga Europeong nakarating
sa Pilipinas.
Christopher Columbus
ay pinaniniwalaang mula sa Genoa, bagaman pinaniniwalaan din na
mula siya sa ibang lugar, mula sa Imperyo ng Aragon o sa mga Kaharian
ng Galicia oPortugal. Isa siyang eksplorador at mangangalakal na
tinawid ang Karagatang Atlantiko at nakarating sa Amerika noong 12
Oktubre 1492 sa ilalim ng watawat ngEspanya. Naniwala siyang ang
daigdig ay isa lamang maliit na bilog, at tinaya na ang isang barko ay
makakarating sa Malayong Silangan kung tatahakin ang pakanlurang
direksiyon.
Rebulusyong Industial
ay isang prosesong nangyayari sa ilang mga
lipunan. Binabago ng industriyalisasyon ang
lipunan kung saan ito nagaganap. Habang
nangyayari ang industriyalisasyon,
angpagmamanupaktura ay nagiging mas
mahalaga kaysa pagsasaka. Isa itong bahagi ng
proseso ng modernisasyon. Sa paggamit ng mas
mainam na teknolohiya, nagiging maaaring
makagawa ng mas maraming mabubuting mga
daladalahin sa loob ng mas maiksing dami ng
panahon. Mas maraming magagawang
produktong bagay ang isang tao. Mas
nakakagawa rin ng mas maraming natatanging
mga bagay ang tao.

Rebolusyong Siyentipiko

ay isang uri ng pag-aalsang nangyari noong panahon mailathala ni Nicolaus


Copernicus ang De revolutionibus orbium coelestium o "Mga Pag-inog ng
Makalangit na mga Espero" at ng malimbag din ni Andreas Vesalius ang
kanyang De Humani corporis fabrica o "Ang Kayarian ng Katawan ng Tao .Dahil
sa napakaraming paghahati sa kasaysayan, maraming mga siyentipiko ang
tumutol sa mga hangganan nito. Iniuugnay sa ika-16 hanggang ika-17 mga
daantaon ang kaganapang ito, bagaman nahanap nito ang huling hakbang sa
larangan ng kimika at biolohiya noong ika-18 hanggang ika-19 mga daantaon.

Ang kapitalismo ay isang sistemang pang-ekonomiya na batay


sa pribadong pagmamay-ari ng mga paraan ng paggawa at ang
kinaling operasyon para tumubo. Kabilang sa mga katangian
naka-sentro sa kapitalismo ang pribadong pagmamay-ari,
pagkaipon ng kapital, pasahod sa paggawa, boluntaryong
pagpapalitan, isang sistema ng presyo, at kompetatibong
mga merkado. Sa isang kapitalistang pampamilihang ekonomiya,
ang paggawa ng pasya at pamumuhunan ay tinutukoy ng bawat
may-ari ng yaman, ari-arian o kakayahan ng produksyon
sa pananalapi at pamilihang kapital, samanatalang ang presyo at
pamamahagi ng mga kalakal at serbisyo ay pangunahing
tinutukoy ng kumpetisyon sa pamilihan ng kalakal at serbisyo.
Unang Digmaang Pandaigdig
ay isang pandaigdigang digmaang naganap mula 1914
hanggang 1918 na kinasangkutan ng mga
makapangyarihang bansa sa mundo na noon ay
napapangkat sa dalawang magkalabang alyansa:
ang Alyadong Puwersa (batay saTatluhang
Kasunduan ng Imperyong Briton, Imperyong
Ruso at Pransiya) at Puwersang Sentral (mula naman
sa Tatluhang Alyansa ng Imperyong Aleman,Austriya-
Unggarya at Italya). Ang digmaan ang isa sa mga
pinakamapinsalang digmaan sa kasaysayan.

Ikalawang Digmaang Pandaigdig


ay isang pandaigdigang labanán na nagsimula
noong ika-1 ng Setyembre taóng 1939. Natapos
ito noong ika-2 ng Setyembre 1945, at nasangkot
ang karamihan ng mga bansa sa daigdig at
bawat kontinente na may naninirahan. Tinuturing
ito na pinakamalawak, pinakamahal at
pinakamadugong labanán sa kasaysayan ng
sangkatauhan. Maaalalang ang mga bansang
lumahok sa digmaan ay nagbuhos ng
napakaraming puwersang militar upang lupigin
ang bawat kalaban.

Demokrasya
Nasa gitna ng iba't ibang kahulugan ng
demokrasya ang kaparaanan na ginagampanan
ng pamamahala nito, at ang binubuo ng "mga
tao", ngunit may mga kapakipakinabang na mga
salungat ang magagawa sa
mga oligarkiya at awtokrasya, kung saan mataas
na nakatuon ang kapangyarihang politikal at hindi
nasasakop ng makahulugang pagpipigil ng mga
tao. Samantalang ginagamit sa kadalasan ang
katagang demokrasya sa konteksto ng isang
pampolitika na estado, ang mga prinsipyo na
nailalapat din sa ibang bahagi ng pamamahala.
Militarismo
ay kakaibang kapangyarihan ng estado na
karaniwang ipinatutupad nang panandalian
ng isang pamahalaan kapag hindi na nito
maayos magampananan ang pamamahala
gamit ang sibilyan nitong kapangyarihan Sa
isang ganap na batas militar, ang
pinakamataas na opisyal ng militar ang
namumuno, o naitatalaga bilang
tagapamahala o puno ng pamahalaan,
kasabay ng pagbuwag o pagtanggal ng lahat
ng kapangyarihan ng mga sangay ng
pamahalaan
mula tagapagpaganap, tagapagbatas,
hanggang panghukuman

Imperyalismo
ay batas o paraan ng pamamahala kung saan ang
malalaki o makapangyarihang mga bansa ang
naghahangad upang palawakin ang kanilang
kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o
paglulunsad ng mga pagtaban o kontrol na
pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang
mga bansa. Ilang malalaki o malalakas na mga
bansang kumukontrol sa ibang mga rehiyon upang
makalikha ng isang mas malaking imperyo.

You might also like