Lumawag, Pauline V.

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

THE PHILIPPINES AND THE WORLD DURING THE DAY I WAS BORN

PAULINE VALDEZ LUMAWAG

A folio prepared and submitted in partial fulfilment of the requirements in


History 101- Philippine History and Government

CENTRAL LUZON STATE UNIVERSITY


2𝑛𝑑 Semester, SY 2018-2019
FAMILY INFORMATION

PAULINE V. LUMAWAG
Father:
LUMAWAG MANUEL PILI
Mother:
SANTOS AMELIA VALDEZ
Siblings:
LUMAWAG PAOLO VALDEZ
LUMAWAG PRINCESS VALDEZ
SINO AKO?
Ako si Pauline Valdez Lumawag, ako ay 20 taong gulang na at inipanganak noong
Setyembre 5, 1998 at nakatira sa Barangay Bubulong Munti San Ildefonso Bulacan. Ako ang
panganay sa aming tatlong magkakapatid. Ang tatay ko ay isang magsasaka at housewife naman
ang aking nanay. Binuo ng aking magulang ang pangalan ko na dapat daw ay nagsisimula sa “P”
dahil nagsisimula ang pangalan ng dalawa kong lolo sa letter “P” at yun din ang umpisa ng middle
name ng aking papa. Tinatawag ako sa palayaw na Pau at Poleng, kapag nasa Bulacan ako ang
tawag saakin ay Pau pero pag nandito na ako sa CLSU ay Poleng na ang nakasanayan na tawag
saakin. Madalang na ang tumatawag saakin sa tunay ko na pangalan kaya minsan naninibago pa
ako kapag may tumawag sa akin na kakilala ko sa pangalan ko talaga.

Ako ay simpleng mag-aaral ng BS Agriculture sa Central Luzon State University. At


pangarap ko na maging successful na agriculturist balang araw. Simpleng teenager lang ako hindi
ako matalino gaya ng iba na kaklase ko pero hindi rin ako ganun katamad na mag-aaral kaya
nakakasabay parin ako sa mga kaklase ko. Masayahain akong tao pero tulad din ng iba minsan din
na nalulungkot at marunong magalit. Mahilig ako makipag kaibigan ayoko ng may kaaway dahil
ayoko ng nadadagdagan ang problema ko. Kung minsan din ay may ugali ako ng pagiging mapride.
Mahilig ako kumuha ng mga larawan lalo na kapag maganda yung view at nature. At mahilig din
ako sa aso at pusa na nakakapag pasaya saakin kapag malungkot ako at sobrang stressed na ako.
Mahilig din ako kumain hindi ako masyado mapili sa pagkain dahil tinuruan kami ng aking mga
magulang na hind imaging mapili sa pagkain na kung ano ang nakahain sa lamesa ay iyon ang
kakainin sa lamesa. Mahilig ako sa gulay at sinabawan na ulam. Pagdating nman sa lugar ang
paborito kong lugar ay sa dagat feeling ko kc narerelax ako pag nasa dagat ako kahit madalang
ako mapunta sa ganung lugar minsan iniisip ko yung pakiramdam na nandoon ako. Pero syempre
sa simbahan padin ang pinaka comport zone ko kapag malungkot ako o sobrang down ako at si
lord din yung nakakaalam pag masaya ako kasama na ang aking pamilya na sumusuporta saakin
sa lahat ng bagay.
Mga pangyayaring mahalaga sa Pilipinas sa taong 1998.
Mga Nanunungkulan

 Pangulo: Fidel V. Ramos (Lakas) (Hanggang Hunyo 30); Joseph Estrada(NPC) (Simula Hunyo 30)
 Pangalawang Pangulo: Joseph Estrada (NPC) (Hanggang Hunyo 30); Gloria Macapagal-
Arroyo (Lakas) (Simula Hunyo 30)
 Pangulo ng Mataas na Kapulungan (Senado): Neptali Gonzales
 Ispiker ng Mababang Kapulungan (Kapulungan ng mga Kinatawan): Jose de Venecia
 Punong Mahistrado: Andres Narvasa
 Kongreso: Ika-10 na Kongreso (Hanggang Hunyo 5); Ika-11 na Kongreso (Simula Hulyo 27)

Kaganapan

 Enero 28 – Binihag ng mga armado ang hindi bababa sa 400 mga bata at mga guro sa loob ng ilang oras,
sa isang mababang paaralan sa Maynila.
 Pebrero 2 – Bumagsak ang Cebu Pacific Flight 387 sa mga dalisdis ng Bundok Sumagaya sa Claveria,
Misamis Oriental, 104 pasahero ang namatay.
 Marso 8 – Ang Compostela Valley, ay itinatag bilang ika-78 lalawigan, sa pamamagitan ng Batas
Republika Bilang 8470.
 Mayo 11 – Halalang pampanguluhan sa Pilipinas, 1998.
 Hunyo 12 – Ipinagdiriwang ang Sentenaryo ng Kalayaan o ang Ika-100 Anibersaryo ng Araw ng
Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya.
 Hunyo 30 – Nanumpa si dating Pangalawang Pangulo Joseph Estradabilang ika-13 Pangulo ng Pilipinas.
The international events that happened on the day that I was born are;
 A Million Youth March for young professionals is planned in New York
 President Clinton Concludes his trip to Ireland.
 Concert in Rome is to mark the first anniversary of Mother Terresa’s death.
 North Korea’s newly elected parliament convenes.
 The government of North Korea adopts a military dictatorship on its 50th anniversary.
CONLUSION
Sa local history ay wala kong nakita na naging kaganapan noong Setyembre 5,1998 kaya ang
aking inilagay ay ang taon ng aking kapanganakan kung saan nalaman ko ang mahahalagang
kaganapan na nangyari sa kasaysayan ng Pilipinas. Kung saan nalaman ko na natapos ang
panunungkulan ni Fidel V. Ramos ng taon na iyon Hunyo 30, 1998 na sinundan ni dating
presidente na Joseph Estrada na nagsimula Hunyo 30,1998 at sinundan ni Gloria Macapagal
Arroyo. Ang pangulo ng mataas na kapulungan ng taon na iyon sa senado ay si Neptali Gonzales
ang spiker naman ng mababang kapulungan ay si Jose de Venecia. Ang punong mahistrado naman
noon ay si Andres Narvasa. Bukod sa mga iyon nalaman ko din ang mga naging kaganapan noong
1998 ng Enero 28 ang pagbihag ng mga armado ang hindi bababa sa 400 mga baa at guro sa loob
ng ilang oras sa mababang paaralan sa Maynila. Pebrero 2 naman ng bumagsak ang Cebu Pacific
Flight 387 sa mga dalisdis ng Bundok Sumagaya sa Claveria, Misamis Oriental, 104 pasahero ang
namatay. Noong Marso 8 naman ay itinatag ang Compostela Valley bilang ika-78 lalawigan, sa
pamamagitan ng Batas Republika Bilang 8470. Noong Mayo 11, 1998 ay naganap din ang pang
halalang pampanguluhan sa Pilipinas na panghanggang ngayun naman ay ginagawa parin natin.
At Hunyo 12 Ipinagdiriwang ang Sentenaryo ng Kalayaan o ang Ika-100 Anibersaryo ng Araw ng
Kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya.

Sa international history naman ay nalaman ko ang iba pang kaganapan na naganap mismo sa
araw ng aking kapanganakan noong Setyembre 5,1998 sa ibang mga bansa. Ito ay ang mga
sumusunod tulad ng A Million Youth March for young professionals is planned in New York,
President Clinton Concludes his trip to Ireland , Concert in Rome is to mark the first anniversary
of Mother Terresa’s death. North Korea’s newly elected parliament convenes. The government of
North Korea adopts a military dictatorship on its 50th anniversary. Nagalak naman ako dahil may
mga maganda din palang kaganapan na naganap noong araw ng aking kapanganakan. At marami
din ako nabasa na mga kilalang tao na ipinanganak kasabay ko at syempre kasabay ng aking
pagkabuhay sa mundong ito ay alam ko din na may mga namatay din sa araw naiyon. Base sa
aking nabasa masasabi ko na naging makasaysayan ang aking naging kapanganakan. At alam ko
na marami pang naging magandang kaganapan sa araw na iyon at isa na doon ay ang aking
kapanganakan.

You might also like