Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Noong bata pa lang si Sir Gil ay laganap na ang mga kwento tungkol sa mga aswang,

tiktik, at tikbalang sa kanilang lugar sa Bukidnon. Tandang tanda pa niya ang mga balita
noon na mga taong nabibiktima ng sinasabing Tiktik na umaatake sa mga lumalabas sa
gabi.

Isa sa mga kapitbahay niya ang nakitang patay at wakwak ang katawan na
pinaniniwalaan sa lugar nila na inatake ng isang Tiktik. Sabi sa mga kwento, ang Tiktik
daw ay isang uri ng aswang na may mahabang dila, nakatira sa mga puno, at
kadalasan ay may mahahabang dila. Sila ay kumakain ng laman ng tao. Ang
kinaibahan nila sa aswang ay maingay sila at naglalabas ng tunog na "Tik...tik...tik.."
Kaya tinawag silang tiktik. Tulad ng aswang, ang Tiktik daw ay pumapatay ng mga
buntis na babae at ang sanggol na nas sinapupunan nito gamit ang kanilang mahabang
dila na bumubutas sa tiyan mg buntis.

Isang nakakakilabot ng datnan ng mga tao ang kapitbahay ni Sir Gil na wakwak
ang tiyan at walang mga internal organs. Sabi ng mga awtoridad na sumuri sa biktima
ay nabiktima daw ito ng mga sindikatong nagbebenta ng mga internal organs at iniwan
na lamang ang katawan sa lugar. Ngunit hindi kumbinsido ang mga tao doon at si Sir
Gil na pawang tao lamang ang may gawa sa karumal dumal na pagpatay sa kanilang
kapitbahay.

Isang araw inutusan ng nanay ni Sir Gil ang kanilang kasambahay na maghatid ng
ulam sa kanyang lola na nakatira pa sa kabilang bayan. Nagpaalam si Sir Gil na
sasama sa kanyang Yaya upang makita ang lola nito.

Alas siyete na ng gabi ng lumuwas na sa kagubatan sina Sir Gil at ang Yaya nito.
Ayon kay Sir Gil, dumaan daw sila sa kagubatan na may mga nagtataasang puno dahil
mas mapapadali ang pagtahak nila sa kabilang bayan, hanggang sa isang
nakakapanindig balahibong tunog ang kanilang narinig. "Tik... tik... tik..."

Naku pangga, bumalik na tayo dahil baka raw isang mabangis na hayop ang
naririnig nila. Napagpasyahan nilang bumalik hanggang sa may nakita si Sir Gil mula sa
itaas. "Yaya, ano po yung nasa taas ng puno?," tanong ni Sir Gil sa kanyang Yaya.

Sa 'di inaasahang dapat makita, tumambad sa Yaya niya ang isang nakakatakot na
nilalang na may mabuhok na katawan, madidilaw na mata, mala-paniking pakpak, at
isang mahabang dila. Nagsisitili ang Yaya ni Sir Gil ng "Takbo! takbo! isa yang Tiktik!"

Nagsitakbo ang dalawa sa kalagitnaan ng gubat. Napapansin ni Sir Gil na


nagsisilipat lipat ng iba't ibang puno ang Tiktik sa tuwing napapalingon sila. Hanggang
sa may nakita silang isang bahay.
"Tulong tulong! tulungan niyo po kami," nagmamakaawang katok ng Yaya niya.
"Anong nangyari?," tanong ng nakatira sa bahay na iyon. "Hinahabol po kami ng Tiktik."

Agad naman silang pinapasok ng bahay, at doon muna sila tumuloy hanggang
sumikat na ang araw.

Isa pa rin malaking palaisipan kay Sir Gil na kung hindi niya nakita ang Tiktik na
nasa taas ng puno, at hindi sila nakatakbo ng Yaya niya, ay malamang sila na ang
sunod na biktima ng Tiktik.

"May iba pa po bang nabiktima ng Tiktik?," tanong ni Bb. L kay Sir Gil.

"Naku Mam, lumipat na po kami sa Maynila at wala na akong balita pa sa Tiktik na


umaatake sa baryo namin.

"Grabe naman Sir, muntikan ka ng malamon ng isang Tiktik," birong sabi ni Gng.
Maria.

"Naku Mam meron pa akong nakakatakot na kwento noong nag-aaral pa ako ng


Clinical Psychology sa isang Unibersidad sa Maynila," sagot ni Sir Gil.

Nagpatuloy pa ang kwento ni Sir Gil tungkol sa kababalaghang nakita niya noong
estudyante pa lang siya ng Clinical Psychology.

You might also like