Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Kahulugan ng Panitikan at mga Uri nito

Ano ang Panitikan?

Ang panitikan ay nagsasabi o nagpapahayag ng mga kaisipan, mga damdamin, mga


karanasan, hangarin at diwa ng mga tao. At ito rin ang pinakapayak na paglalarawan
lalo na sa pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula.
Ang salitang panitikan ay nanggaling sa salitang "pang-titik-an" na kung saan ang
unlaping "pang" ay ginamit at hulaping "an". At sa salitang "titik" naman ay
nangunguhulugang literatura (literature), na ang literatura ay galing sa Latin
na litterana nangunguhulugang titik.
Nagsasalaysay din ito sa pamahalaan, lipunan at mga pananampatalaya at mga
karanasang may kaugnay ng iba’t ibang uri ng damdamin tulad ng pag-ibig, kaligayahan,
kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba.

Uri ng Panitikan
1. TULUYAN o PROSA - nagpapahayag ng kaisipan. Ito'y isinusulat ng patalata.

2. PATULA - nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng pasaknong.


http://image.slidesharecdn.com/akdangpatula-140625020840-phpapp01/95/akdang-
patula-2-638.jpg?cb=1403680202
Dahilan sa Pag-aaral ng Panitikang Pilipino
1. Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating minanang
yaman ng kaisipan at taglay na katalinihan ng lahing ating pinagmulan.
2. Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na
nagsilbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang nanggaling
sa iba’t ibang mga bansa.
3. Upang mabatid natin ang mga kaisipan sa ating panitikan at makapagsanay
upang maiwasto ang mga ito.
4. Upang malaman an gating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikapang
ito ay mapagbuti at mapaunlad.
5. Bilang mga Pilipinong mapagmahal at mapagmalasakit sa ating sariling
kultura ay dapat nating pag-aralan an gating panitikan. Tayo higit kanino man
ang dapat magpahalaga sa sariling atin.

Mga Akdang Pampanitikan

Mga akdang tuluyan

Alamat -
isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga pangyayari hinggil sa t
unay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa kasaysayan. Kaugnay ang alam
at ng mga mito at kuwentong-bayan.

Anekdota -
isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang pangyayaring nag
anap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-
kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa
mga ginagawa ng mga tao.

Nobela -
o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksyon na binubuo ng iba't ibang kaba
nata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-
18 siglo, naging istilo nito ang lumang pag
ibig at naging bahagi ng mga pangunahing literary genre. Ngayon, ito ay kadalasan may
istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo. Mahabang kathang p
ampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pag
babalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng b
ayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila -
isang makasining na pagsasalaysay ng maraming pangyayaring magkasunod at magkaka
ugnay. Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-
kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at kawili-
wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela -binubuo ng mga kabanata -
maraming tauhan at pangyayari -kinasasangkutan ng 2 o higit pang tauhan.
Pabula - (Ingles: fable, Kastila: fabula) ay isang uri ng kathang-
isip na panitikan kung saan mga hayop o kaya mga bagay na walang-
buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, at l
obo at kambing. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat
nagbibigay ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong
kathang kuwentong nagbibigay-aral.
Parabula-
o talinghaga ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula sa Bi
bliya. Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na malimit na
ngangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan ang is
ang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na t
auhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsas
alita gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagp
apakita ng kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang bagay. Karamihan sa mga
talinghagang nasa Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na nagtuturo ng kung ano
ang katangian ng Kaharian ng Diyos.

Maikling kwento -
isang maigsing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng i
sa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na an
yo ng panitikan. Tulad ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginaga
gad ang isang momento lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buha
y ng pangunahing tauhan. Si Edgar Allan Poe ang tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwe
nto."

Dula -
isang uri ng panitikan na itinatanghal sa mga teatro. Nahahati ito sa ilang yugto na mar
aming tagpo. Pinakalayunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entabla
do.
http://www.slideshare.net/asanet2015/dula-40376935

Sanaysay- isang maiksing komposisyon na kailimitang naglalaman ng personal na kuru-


kuro ng may-akda.

http://www.slideshare.net/nicholeobillo/halimbawa-ng-impormal-na-sanaysay-at-
pormal-na-sanaysay

Talambuhay-
isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa
mga tunay na tala, pangyayari o impormasyon.

Halimbawa:

Talambuhay ni Dr. Jose Rizal

Si Dr. Jose Protacio Rizal ay ang Pambansang Bayani ng Pilipinas. Siya ay isinilang sa
Calamba, Laguna noong Hunyo 19, 1861. Ang kanyang mga magulang ay sina G.
Francisco Mercado at Gng. Teodora Alonzo.

Ang kanyang ina ang naging unang guro niya, maaga siyang nagsimula ng pag-aaral sa
bahay at ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Biñan, Laguna. Nakapag tapos
siya ng Batsilyer sa Agham sa Ateneo de Manila noong Marso 23, 1876 na may mataas
na karangalan. Noong 1877 ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral sa Unibersidad ng
Santos Tomas at Unibersidad Central de Madrid hanggang sa matapos niya ng sabay
ang medisina at pilosopia noong 1885. Natuto rin siyang bumasa at sumulat ng iba’t
ibang wika kabilang na ang Latin at Greko. At nakapagtapos siya ng kanyang masteral sa
Paris at Heidelberg.
Ang kanyang dalawang nobela “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” naglalahad ng
mga pang-aabuso ng mga prayle sa mga Pilipino at mga katiwalian sa pamahalaan ng
Kastila.

Noong Hunyo 18, 1892 ay umuwi ng Pilipinas si Dr. Jose P. Rizal. Nagtatag siya ng samahan
tinawag ito na “La Liga Filipina.” Ang layunin ng samahan ay ang pagkakaisa ng mga
Pilipino at maitaguyod ang pag-unlad ng komersiyo, industriya at agricultura.

Noong Hulyo 6, 1892 siya ay nakulong siya sa Fort Santiago at ipinatapon sa Dapitan noong
Hulyo 14, 1892. Apat na taon siya namalagi sa Dapitan kung saan nanggamot siya sa
mga maysakit at hinikayat niya ang mamamayan na magbukas ng paaralan, hinikayat
din niya ang ito sa pagpapaunlad ng kanilang kapaligaran.
Noong Setyem bre 3, 1896 habang papunta siya sa Cuba upang magsilbi bilang siruhano at
inaresto siya. Noong Nobyembre 3, 1896 ibinalik sa Pilipinas at sa pangalawang
pagkakataon nakulong siya sa Fort Bonifacio.

Noong Disyembre 26, 1896 si Dr. Jose Rizal ay nahatulan ng kamatayan sa dahilang
nagpagbintangan siya na nagpasimula ng rebelyon laban sa mga Kastila.

Bago dumating ang kanyang katapusan naisulat niya ang “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling
Paalam) upang magmulat sa mga susunod pang henerasyon na maging makabayan.

Noong Disyembre 30, 1896, binaril si Dr. Jose P. Rizal sa Bagumbayan (na ngayon ay
Luneta).

Talumpati-
isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng
pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng
kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasy
ong
pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

Balita - mga mahahalagang nangyayari sa loob at labas ng ating bansa.

Kwentong bayan- (Filipino: folklor) ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-


isip na mga tauhan na kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang
hari, isang marunong na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay a
ng kwentong-
bayan ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alama
t at mga mito.

Mga akdang patula

Mga tulang pasalaysay -


pinapaksa nito ang mahahalagang mga tagpo o pangyayari sa buhay, ang kagitingan at
kabayanihan ng tauhan.

Awit at Korido -
Ang awitin ay musika na magandang pakinggan. Kadalasang itong maganda kung gusto
rin ito ng makikinig. Mayroon itong tono at sukat. Naglalaman ang isang awiting ng bah
aging pang-
tinig na ginagampanan, inaawit at pangkalahatang tinatanghal ang mga salita (liriko), ka
raniwang sinusundan ng mga intrumentong pang-
musika (maliban sa mga awiting acapella at scat). Kadalasang nasa anyong tula at tumu
tugma ang mga salita ng mga awitin, bagaman, may mga relihiyosong mga taludtod o
malayang prosa. Ang mga salita ay ang liriko.
Ang korido ay isang uri ng panitikang Pilipino, isang uri ng tulang nakuha natin sa
impluwensya ng mga Espanyol. Ito ay may sukat na walong pantig bawat linya at may a
pat na linya sa isang stanza.Ang korido ay binibigkas sa pamamagitan ng pakantang pag
papahayag ng mga tula.

Epiko-
uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at pakikipagtunggali ng isang tao
o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil may mga tagpuang
makababalaghan at di-kapani-paniwala. Kuwento ito ng kabayanihan na punung-
puno ng mga kagila-
gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking
epiko.
Sa mahigpit na kahulugang pampanitikan, ang epiko (may titik o sa huli, isang pandi
wa) ay isang paglalahad na makabayani o bumabayani, samantalang ang epika (may tit
ik a sa huli, isang pangngalan) ay tulang-bayani, paglalahad na patula hinggil sa bayani.
May mga epikong binibigkas at mayroong inaawit.

Balad - Ang balada ay isang uri o tema ng isang tugtugin.

Sawikain - Ang sawikain ay maaaring tumukoy sa:


1. idioma, isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
2. moto, parirala na nagpapahiwatig ng sentimiento ng isang grupo ng mga tao.
3. salawikain, mga kasabihan o kawikaan.
Salawikain -
Ang mga salawikain, kawikaan kasabihan, wikain, o sawikain ay mga maiiksing pangu
ngusap na lubhang makahulugan at naglalayong magbigay patnubay sa ating pang-
araw-araw na pamumuhay. Naglalaman ito ng mga karunungan.

Bugtong -
Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o na
katagong kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang
bugtong). May dalawang uri ang bugtong: mga talinghaga (o enigma, bagaman tinataw
ag ding enigma ang bugtong), mga suliraning ipinapahayag sa isang metapora o ma-
alegoryang wika na nangangailangan ng katalinuhan at maingat na pagninilay-
nilay para sa kalutasan, at mga palaisipan (o konumdrum), mga tanong na umaaasa sa
dulot ng patudyong gamit sa tanong o sa sagot.

Sa panitikang Pilipino, nilalarawan nito ang pag-uugali, kaisipan, pang-araw-


araw na buhay at katutubong paligid ng mga Pilipino. Bilang isang maikling tula, madala
s itong naging paisipan sa tuwing naglalaro ang mga bata.
Kantahin – (katulad din ng awit) mga awitin na matatagpuan sa iba't ibang panig ng
lugar sa bansa.

Tanaga-
Ang tanaga ay isang maikling katutubong Pilipinong tula na naglalaman ng pang-
aral at payak na pilosopiyang ginagamit ng matatanda sa pagpapagunita sa mga kabata
an.
May estrukturang itong apat (4) na taludtod at pitong (7) pantig kada taludtod.

You might also like