Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Bunga ng Pagsisikap

Ni Jenifer O. Domingo

Sa mundong isang hamon maging ang mabuhay,


Pakikipagsapalara’t mga pasakit ang bigay.
Kay hirap hanapin at arukin ang tagumpay,
Mga sagot ng mga katanungang walang humpay.

Mabuti na lamang ay aking napagtanto,


Sa pagsusumikap hindi dapat huminto.
Sipagan ang pag- aaral gawin ng husto,
Ituring bawat oras na higit sa ginto.

Mga asignatura’y lubos napag- aralan,


Mahihirap na sabjek, siyang dapat tutukan.
Arali’y unawain nang may kahusayan,
Hasain, pagyamanin ang murang isipan.

Pagsisikap na ito’y dapat bigyang- pansin,


Mga aklat, nobela’y kagyat na basahin.
Siyensiya, Matematika ibilang na rin,
Tukuyin elemento’t numero’y sagutin.

Naniniwala akong ang taong masipag,


Ay may panahon upang maging isang tanyag.
Kalaunan ang pangala’y mamamayagpag,
Sa talino’t talentong kanyang naiambag.

Ang sabi ng Nanay, “Anak mangarap ka,


Sa mga kakayahan mo, ika’y magtiwala.
Ang Panginoong Diyos na sa’yo ay nagpala,
Talino’y ibahagi, gamitin ng tama.”
At ngayo’y nakamtan na, tamis ng tagumpay,
Medalya’t diploma sa’yo na’y naibigay.
Anong sigla’t saya, kagalakan na tunay,
Pamilya’t kaibigan, lahat nagpupugay!

You might also like