Professional Documents
Culture Documents
Ang Panitikan NG Pilipinas Ay Pangunahing Tumutukoy Sa Umiiral
Ang Panitikan NG Pilipinas Ay Pangunahing Tumutukoy Sa Umiiral
Ang Panitikan NG Pilipinas Ay Pangunahing Tumutukoy Sa Umiiral
at anyo ng katutubòng panitikan. Subalit nakakasáma rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa
ng mga Pilipinong nása labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o
ng may-lahing Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinatawag ding Panitikang
Pilipino[1] ang Panitikan ng Pilipinas.[2] Sa kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang Filipino[3],
sapagkat kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng iba’t ibang
wika sa Pilipinas.
Noong 1983, para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan masarap mag sex
nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at buhay
sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng malikhain
pamamaraan.[6]
Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa lipunan.
Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya sa isang
ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang karanasang
pantaong natatangi sa sangkatauhan.[6]
May dalawang ng pag-uuri ng panitikan: ang ayon sa paghahalin at ang ayon sa kaanyuan o
anyo.[3]
Ayon sa paghahalin
May tatlong kabahaging uri ang paraan ng pag-uuri ng panitikan ayon sa paghahalin. Ito ang
pasalindila, pasalinsulat, at ang pasalintroniko.[3]
Pasalindila
Ang pasalindila ay ang paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng tao. Noong
hindi pa marunong magsulat ang mga ninuno ng mga makabagong Pilipino, binibigkas lamang
nila ang mga tula, awit, nobela, epiko, at iba pa. Kalimitang nagtitipun-tipon ang sinaunang mga
Pilipino upang pakinggan ang mga salaysayin, paglalahad o pamamayag na ito. Paulit-ulit nilang
pinakikinggan ang mga ito upang matanim sa kanilang isipan. Sa ganitong palagiang pakikinig at
pagbigkas ng panitikan, nagawa nilang maisalin ang mga ito papunta sa susunod na salinlahi o
henerasyon ng mga Pilipino.[3]
Pasalinsulat
Pasalintroniko
Ayon sa anyo
Ayon sa anyo, ang panitikan ay nahahati sa tatlong uri. Ito ang patula, patuluyan at patanghal.[3]
Patula
Nasa anyong patula ang panitikan kung saknungan ito at may taludturan. Katangian ng mga
taludtod ng mga tula ang pagkakaroon ng bilang at sukat ng mga pantig at ang pagkakatugma-
tugma o pagkakasintunug-tunog ng mga pantig. Subalit mayroon din namang mga panitikang
patulang tinatawag na Malaya sapagkat walang bilang, sukat, tugmaan, at pagkakasintunugan ng
mga pantig ng taludtod. Mayroong apat na uri ang anyong patula: tulang pasalaysay, tulang
paawit o tulang liriko, tulang dula o tulang pantanghalan, at tulang patnigan. May mga uri rin
ang bawat isa sa mga ito:[3]
May anim na uri ang tulang paawit o tulang liriko: awiting-bayan, soneto, elehiya, dalit,
pastoral, at oda.
May limang uri naman ang tulang dula o tulang patanghal: ang komedya, trahedya,
parsa, saynete, at melodrama.
May tatlong uri rin ang tulang patnigan: ang karagatan, duplo at balagtasan.[3]
Patuluyan
Ilan sa mga uri ng anyong patuluyan ang maikling kuwento, sanaysay, nobela o kathangbuhay, at
kuwentong bayan. Kinabibilangan ang mga kuwentong bayan ng alamat, mulamat o mito,
pabula, kuwentong kababalaghan, kuwentong katatawanan, at palaisipan.[3]
Patanghal
Tinataguriang patanghal ang anyo ng panitikan kung isinasadula ito sa mga entablado, mga
bahay, mga bakuran, mga daan, o sa mga naaangkop na mga pook. Mayroon itong mga sangkap
na diyalogong nasusulat na maaaring patula o kaya patuluyan ang anyo. Mayroon din itong mga
yugto na bumibilang mula sa isa magpahanggang tatlo. Binubuo ng tagpo ang bawat yugto. Sa
moro-moro, na isang halimbawa ng panitikang patanghal, tinatawag na kuwadro ang tagpo.
Kinakailangang ipalabas ito sa isang tanghalaan o dulaan upang matawag na patanghal.[3]
Katulad ng maraming mga banyagang kabihasnan, mayroon nang panitikan sa Pilipinas noong
unang mga kapanahunan.[3][5] Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa sari-saring mga lipon
at pangkat ng mga taong dumating sa mga kapuluan nito. May pagkaka-agwat-agwat na
dumating sa sinaunang Pilipinas ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay. Ang baybayin,
ang isa sa mga pagpapatibay na mayroon nang sistema ng pagsulat at pasalita sa sinaunang
Pilipinas bago pa man dumating ang mga pangkat ng mga dayuhan nagmula sa Kanlurang bahagi
ng mundo. Subalit karamihan sa mga naisulat na panitikang katha ng sinaunang mga tao sa
Pilipinas ang sinunog ng mga Kastila. Nangabulok at natunaw naman ang ibang naisatitik sa
ibabaw lamang ng mga balat ng punong kahoy at mga dahon ng mga halaman.[5]
Paraan ng pagbasa at pagpapaliwanag
Mayroong dalawang pamamaraan ng pagbasa at papaliwanang ng mga tekstong pampanitikan:
ang makasaysayan o historikal na paraan at ang pormalistikong kaparaanan.[7]
Paraang historikal
Kaugnay ng panitikang Pilipino, sina Jose Villa Panganiban at Teofilo del Castillo ang unang
gumamit ng ganitong paraan upang makamit ang interpretasyon ng panliteraturang mga teksto.[7]
Paraang pormalistiko