Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Ang Libingan ni Manuel L.

Quezon

Ang aming unang pinuntahan ay ang “Quezon Memorial Shrine”


kung saan nakalibing si “Manuel L. Quezon”. Si Manuel L. Quezon
ay ang ikalawang pangulo ng Republika ng Pilipinas (15 Nobyembre
1935 – 1 Agosto 1944). Ipinanganak si Manuel L. Quezon sa Baler
sa lalawigan ng Tayabas (Tinatawag na Aurora) noong 19 Agosto
1878 ang tunay niyang pangalan ay Manuel Luis M. Quezon anak
siya ni Lucio Quezon at Dolores Molorina. Nagtapos siya sa Colegio
De San Juan de Leteran noong 1893.
Ang Aking Reaksiyon:
Ako ay masaya dahil unang beses ko palang ito nakita ng
personal. Ako ay natuwa sa kaniyang mga nagawa sa ating
bansa at syempre masaya din po ako dahil nakasama ko ang
aking mga kaibigan sa aming field trip. Nagagalak rin po ako
dahil nakita ko ang puntod ng kaniyang asawa na si “Aurora
Aragon Quezon”. Ako ay namangha sa ganda ng Quezon
Memorial Shrine dahil nung huli ko itong nakita ay noong
ako ay bata pa. At ngayo’y nakita ko na ulit ito hinding hindi
mawawala ang aking mga masasayang alala. Ang aming
unang ginawa nung pumunta kami dito ay kami ay pumila
ng mahaba ng sobrang tagal pero kahit matagal ang pila
nabawi naman ito ng saya at natanggal ang aking pagod
nang Makita ko ang magagandang bagay sa Quezon.

You might also like