Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Nang mga nagdaang panahon, may isang nagngangalang Usman.

Pinaniniwalaang nananahanan siya sa malayong sultanato at isa siyang alipin.


Matapang, matas at kayumanggi si Usman. Higit sa lahat, siya’y matapat.

Isang umaga, nagpasiya si Usman na bumisita sa palengke malapit sa palasyo ng


namumunong sultang nagngangalang Zacaria. Masama ang ugali ni Zacaria.
Siya’y malupit at pangit ang hitsura. Dahil hindi niya matanggap ang kanyang
anyo, nagsagawa siya ng kautusang ang lahat ng mga lalaking nakahihigit sa
kanyang anyong pisikal ay dapat kitlin at maglaho.

Sa palengke, nakita si Usman ng mga tauhan ni Sultan Zacaria. Mabilis na nag-


ulat ang mga tauhan sa sultan sa pagkakita nila kay Usman na sa tingin nila’y
mas makisig kaysa sa sultan. Kagyat na nag-utos ang sultan na ibilanggo si
Usman at pagkatapos ay patayin ito. Agad na sinunod ng mga tauhan ang
kautusan ng sultan.

Nang Makita ni Potre Maasita, ang dalagang anak ng sultan si Usman ay


nakadama siya agad ng pag-ibig sa unang pagkikita nila ng binate. Nagmamadali
siyang pumunta sa kanyang amang sultan at nagmakaawang patawarin at
pakwalan si Usman.

“Para mo nang awa, Ama, pakawalan mo si Usman. Wala po siyang kasalanan,”


ang pagmamakaawa ng dalaga sa ama.
Ngunit sadyang malupit ang sultan. Hindi siya nakinig sa pagsusumamo ng
kanyang anak.
“Walang sinumang makapipigil sa akin,” ang wika niya sa sarili.
“Hu,hu,hu, maawa ka sana kay Usman, Ama,” ang panangis ni Potre Maasita
ngunit hindi siya pinansin ng sultan. Nagmatigas ito sa kanyang kagustuhan.

Sinubukan ni Potre Maasitang mag-isip ng paraan upang mapigilan ang


kamatayan ng lalaking labis niyang iniibig. Lihim siyang nagpadala ng mga
mensahe sa mga guwardiya ngunit ang lahat ng ito’y ipinaparating nila sa sultan.
Bunga niyon, nagpupuyos sa galit ang sultan. Dahil nga sa siya’y tunay na
malupit, kanyang iniutos na pati si Potre Maasita ay ikulong din.
Sa bilangguan, nagkaroon ng pagkakataong maging mas malapit sa isa’t isa sina
Usman at Potre Maasita. Higit na tumitindi ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.
Sa panahong iyon, lumabas ang pinal na kautusan. Kamatayan ang inihatol ng
sultan para sa kanila. Habang nasa daan ang sultan patungo sa silid na
pagbibitayan sa dalawa, biglang lumindol nang malakas. Yumanig sa palasyo at
nagiba ang pook. Napulbos ang buong palasyo.
Isang malaking bato ang bumagsak sa ulo ng sultan na naging sanhi ng kanyang
biglaang pagkamatay. Isa itong malupit na kamatayan para sa malupit na tao.

Samantala, sinubukan nina Usman at Potre Maasita na makalya mula sa


bilangguan. Nang makalabas sila’y hindi nagdalawang-isip si Usman. Mabilis pa
sa kidlat niyang tinutulungan ang mga sugatan at ang mga nasawi. Sa kabilang
dako, tumutulong din si Potre Maasita sa mga naulila at mga nangangailangan ng
tulong at pagkalinga.

Nang bumalik sa normal ang sitwasyon ay ipinagbunyi sila ng taumbayan.


“Mabuhay si Potre Maasita!” ang pagbubunyi at labis na pagpapasalamat ng mga
ito kina Usman at Potre Maasita. Labis ang kanilang kasiyahan nang matanto
nilang mabait na tao si Usman at si Potre Maasita nama’y may mabuting
kalooban.
Nang sumunod na araw, isang kasalan ang naganap. Si Usman, na isang alipin,
ay naging sultan at si Potre Maasita naman ang itinalagang sultana.

Mula noon, biniyayaan ang sultanato ng pagmamahalan kasabay ng kaunlaran sa


buong kaharian. Natagpuan ng taumbayan ang kagandahan at kaunlarang
kabaliktaran ng nagdaang panahon kung saan namayani ang kapangitan at
kalupitan.
-Pinagyamang Pluma 7, 2017

by

You might also like