Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA FILIPINO 7

I. Layunin
a. Nahihinuha ang mga susunod na kaganapan batay sa suliraning inilahad sa paksa.
b. Naihahambing ang sakit ng hari sa mga “sakit” ng lipunan sa kasalukuyang panahon.
c. Nakabubuo ng isang islogan na nagpapakita ng mga suliranin sa pamahalaan ng Pilipinas.

II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Ang Ibong Adarna ( Ang Panaginip ng Hari, Saknong 030-045)
b. Sanggunian: Pinagyamang Pluma, Baisa-Julian et. al. 2014 , pp. 410 - 412
c. Kagamitan: Slide Presentation na kinapapalooban ng paksa, larawan ng mga suliranin ng bansa
d. Aral: Pagpapahalaga sa Pinuno ng Bansa

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral

A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
(Tatawagin ng guro ang isang mag-aaral upang
pangunahan ang panalangin.)
(Tatayo ang mga mag-aaral at pangungunahan ng
naatasang mag-aaral ang panalangin)
b. Pagbati

Isang magandang umaga sa inyong lahat!


Magandang umaga rin po!
c. Pagtala sa lumiban
(Aatasan ng guro ang kalihim ng klase upang itala
ang mga lumiban. (Titingnan ng kalihim ng klase kung may lumiban
at itatala ito.)

B. Balik-Aral
Natapos na nating talakayin “Si Haring Fernando at
ang Tatlong Prinsipe” kung saan ay nakilala nain at
naisa-isa ang katangian ng kanilang pamilya. Batay
sa ating tinalakay, ano kaya ang implikasyon ng
paraan ng pamumuno ni Haring Fernando sa
kaniyang nasasakupan?
Sapagkat si Don Fernando ay mahusay na
mamahala, ulirang hari, at pantay ang pagtingin sa
lahat, magiging higit na maunlad, payapa, at
masaya ang kanilang buong kaharian.
Tama! Malaki ang posibilidad na sumulong ang
isang kaharian kapag mahusay at patas ang
namumuno rito. Ngunit sa inyong palagay, sapat na
kaya ang magkaroon ng mabuting hari o pinuno
para umunlad ang isang bansa?
Sir sa tingin ko po hindi po sapat sapagkat
nangangailangan po iyon ng pagkilos ng
mamamayan. Hindi dapat parating iasa sa mga
namumuno ang kalagayan ng pinamumunuan.
Eksakto! Kahit sa realidad ng buhay, hindi dapat
laging asa nang asa sa tulong na ibibigay ng
gobyerno. Kailangan ding magsumikap ng
mamamayan para matamo ang sariling pag-unlad.

C. Pagganyak
Ang inyong klase ay hahatiin natin sa limang
pangkat para sa inihanda kong gawain. Sa pisara ay
mga nakapaskil na manila paper na naglalaman ng
mga saknong. Bubunot ang bawat representante ng
himig o tono na ilalapat sa mga saknong at inyo
itong itatanghal, aawitin sa klase.
(Bubunot ang bawat representante ng himig o tono
na ilalapat sa mga saknong)
1. Tatlong Bibe
2. Ako ay may Lobo
3. Leron Leron Sinta
4. Bahay-Kubo
5. Sitsiritsit
Ano ang inyong napansin sa inyong ginawang
aktibiti?
Sir mahirap po ilapat ang himig o tono sa bawat
saknong pero masaya pong gawin ang aktibiti.
Ang bawat kanta po sir ay mga kantang pambata na
kabilang sa mga katutubong awit sa bansa.
Masaya ang inyong ginawang aktibiti na pag-awit
kung saan ginamit ninyo ang tono o himig ng iba’t
ibang katutubong awit. Subalit may kaugnayan iyan
sa paksang tatalakayin natin ngayon na paksa na
“Ang Panaginip ng Hari”.

D. Paglalahad
Ang mga saknong na inyong nilapatan ng himig
kanina ay ang paksang tatalakayin natin sa araw na
ito. Ngayon naman ay muli natin itong babasahin
para mas maunawaan natin ang ating paksa. Subalit
bago iyon ay bigyang-kahulugan muna natin ang
ilang malalalalim na salitang makikita natin sa mga
taludtod. Upang mabatid ang kahulugan ng mga
salitang ito ay naghanda ako ng mga emoticon na
magiging clue ninyo nang sa gayon ay maibigay
ang ibig sabihin ng mga terminolohiya.
1. Talinghaga - hiwaga
2. Tampalasan - buhong o masamang tao
3. Matarok - mabatid
4. Nalulunos - labis na nalulngkot
5. Naratay - nagkasakit nang malubha
6. Monarka - hari
Naibigay na natin ang kahulugan ng ilang
terminolohiyang makikita natin sa paksa. Upang
mabalikan at mas maunawaan ang bawat saknong
ay muli nating basahin ang “Ang Panaginip ng Hari,
saknong 410 - 412”

(Babasahin ng mga mag-aaral ang “Ang Panaginip


E. Pagtatalakay ng Hari)
Ano ang naging epekto ng panaginip ng hari?
Sir dahil po sa panaginip ay nagkasakit si Haring
Fernando.
Tama, nagkasakit ang hari. Bakit kaya labis niyang
dinamdam at naging sanhi pa ng kaniyang
pagkakasakit ang panaginip na iyon?
Sapagkat sa kaniyang panaginip po sir ay nakita
niya ang paghihirap na dinanas ng kaniyang
bunsong anak na si Don Juan. Batid po natin na
labis niyang minamahal ang kaniyang bunsong anak
kung kaya’t ganoon na lamang ang kaniyang
hinagpis nang mapanaginipan niya ang masamang
kapalarang sinapit nito.
Magaling! Ang kaniyang panaginip tungkol kay
Don Juan ay nagdulot ng matinding hinagpis na
naging sanhi ng kaniyang pagkakasakit. Bakit kaya
masasabing kakaiba ang gamot na inireseta para sa
sakit ng hari?
Masasabi po sir na kakaiba ang gamot sapagkat ito
po ay magmumula sa awit ng Ibong Adarna na
matatagpuan pa sa bundok Tabor. Isang hiwaga po
sir kung pakaiisipin ang kakayahan ng awit na
magpagaling ng may sakit.
Mahusay! Isang hiwaga nga naman at sadyang
kakaiba ang iniresetang gamot na matatamo lamang
kapag nahuli at umawit ang Ibong Adarna.
Kung ikaw ang hari, anong kahulugan ang
maibibigay mo sa ganoong panaginip?
Kung ako po ang hari, titingnan ko ang panaginip
na iyon bilang banta sa papalit sa akin. Sapagkat si
Don Juan ang siyang laman ng aking panaginip, na
nagdusa at naghirap, mababanaag iyon na isang
paalala na ang kataksilan ng kaniyang mga kadugo
o nasasakupan man ay magdudulot ng pagdurusa ng
buong bayan.

Kung ako po ang hari, bibigyang-kahulugan ko po


ang panaginip na iyon sa ganitong paraan. Ang
pinakamalungkot at pinakamasakit na bahagi ng
buhay ay mararanasan kung makikita mong
nagdurusa ang iyong mahal sa buhay. Mas masakit
ang makita mo silang naghihirap kumpara sa
naghihirap ang iyong sarili.

Para naman po sa akin sir, bibigyang-kahulugan ko


po ang panaginip na iyon bilang pagpapakilala na
may “sakit” at pagdurusa ang bayan at ang tanging
lunas lamang nito ay magmumula sa mahiwagang
tinig o boses ng taong-bayan.
Nakagagalak at napakalalim ng inyong mga
pagsagot at pagsusuri. Ang panaginip ng hari ay
maaaring isang paalala para sa hinaharap, ang
katotohanang masakit makita na naghihirap ang
mahal sa buhay, o ito ay isang “panggising” upang
ipabatid na may suliranin ang bayan at
nangangailangan ito ng boses ng taumbayan.

F. Paglalapat
Ang sakit ng hari ay hindi pangkaraniwan at hindi
rin pangkaraniwan ang lunas dito. Sa totoong buhay
ay may mga sakit din na tinitingnan ng karamihan
na hindi pangkaraniwan tulad ng autism. Bilang
mag-aaral, ano ang magagawa mo para makatulong .
sa mga taong may ganitong uri ng sakit?
Ang hindi sila pagtawanan at respetuhin sila ay
sapat na upang makatulong sa kanila. Dapat silang
tratuhin nang tama dahil katulad natin, sila ay mga
tao rin. At katulad natin, may kahinaan din sila na
hindi hamak na mas mahirap igpawan kumpara sa
atin.

Sir makatutulong po ako sa kanila sa pamamagitan


ng paghingi ng tulong sa nakatatanda na
magsagawa ng mga programang naglalayong
mapabuti ang kanilang kalagayan, hindi man sa
pangkabuuan, kundi kahit man lang maranasan
nilang walang mali at walang kakaiba sa kanila.
Mahuhusay na mga tugon. Palagi nating tandaan na
anuman ang kakulangan ng isang tao, dapat nating
silang itrato nang tama. Minsan, ang mas mahirap
na bahagi ng pagkakasakit ay ang makarinig pa ng
panlilibak at paghuhusga mula sa ibang tao dahil
hindi nabibili ang lunas sa sakit na dulot niyon sa
kalooban.

G. Paglalahat Mga paksa:


Ang inyong klase ay nahahati sa limang pangkat. Sa 1. Kahirapan
puntong ito ay nais kong gumawa ang bawat 2. Droga
pangkat ng isang islogan kaugnay ng mabubunot na 3. Polusyon
paksa. Pagkatapos ay ipiprisinta ito sa klase. 4. Pagbaba ng edad ng criminal liability
5. Korupsyon

Pamantayan
Tahi ng mga Salita - 30%
Orihinalidad - 30%
Pagkamalikhain - 30%
Bisa - 10%

IV. Pagtataya
Panuto: Sa isang buong papel, sagutin ang mga
sumusunod na tanong.

1. Paano kaya nakaapekto sa kaharian ang


pagkakasakit ng hari?
2. Kung ikaw ay isa sa mga kaanak ng hari o ng
nagkasakit, ano ang gagawin mo sa pagkakasakit
niyang iyon?

V. Takdang-Aralin

Saliksikin at basahin ang saknong 046-080 ng


Ibong Adarna na may pamagat na “Si Don Pedro at
ang Puno ng Piedras”.
Gabay na Tanong:
1. Nagtagumpay ba si Don Pedro sa paghuli sa
Adarna. Bakit o bakit hindi?

“Ang pagkatao ay hindi nasusukat sa kulay ng balat o sa estado ng pamumuhay kundi sa


kung paano tayo rumespeto at magpakatao.” -ctto

You might also like