Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Ano ang kahulugan ng kultura?

Ang kultura ay ang kabuuan ng pinagsama-samang pananaw ng mga tao sa


kanilang lipunan. Nakapaloob sa pananaw na ito ang koleksyon ng mga
kaugalian, nakasanayan, paniniwala, tradisyon at iba pa. Maaring ang mga
pananaw na ito ay pamana pa ng mga naunang henerasyon na naisalin
hanggang sa kasalukuyang panahon.
Ito ay tumutukoy din sa paraan ng pamumuhay ng mga tao. Nagbibigay ito ng
kahulugan at paglalarawan sa lipunang kanyang ginagalawan. Dagdag pa, nagsisilbi
rin itong batayan ng mga kilos at gawi ng mga tao. Sa isang lipunan o
kumunidad, tumutulong ang kultura sa pagbibigay ng katwiran kung ano nga ba
ang kaibahan ng tama sa mali, at mabuti sa masama.
Ang kultura ay nagsisilbi ring pagkakakilanlan ng isang lugar. Nabubuo ang
kultura upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga indibidwal sa isang
partikular na lugar. Dahil bawat rehiyon ay mayroong sariling
pangangailangan, nag-iiba ang mga kilos at gawi nila kumpara sa iba pa.
Dahil bawat tao ay nabibilang sa lipunan, ibig sabihin, nabibilang din tayo sa
kultura nito. Hinuhubog nito ang bawat indibidwal para magampanan ang
kanilang papel sa lipunan sa kanais-nais na paraan. Sa tulong nito, mas
nagkakaroon ng kabuluhan ang buhay ng isang tao at mas nabubuo ang
kanilang pagkatao.

Elemento ng kultura
Ang sumusunod ay ang pito (7) sa pangunahing elemento ng kultura.

Kaugalian (Norms)
Ito ay ang mga asal, gawi o kilos na nagiging pamantayan ng isang indibidwal
kung paano siya gagalaw sa lipunan.

Apat uri ng norms

1. Folkways
Ito ay ang pangkalahatang batayan ng normal na pagkilos ng mga tao sa isang lipunan.
Halimbawa, sa Pilipinas, pangkaraniwan na sa mga bisita na iwanan sa labas ng bahay ang
kanilang mga tsinelas.
2. Mores
Ito ay mas mahigpit na batayan ng kilos, kung saan natutukoy ang moralidad ng isang tao sa
lipunang kanyang ginagalawan. Halimbawa, dapat magsuot ng maayos na damit sa tuwing
nagsisimba.
3. Taboos
Ang taboos naman ay ang paglabag sa mga mores, kung saan ang moralidad ng isang tao ay hindi
angkop sa dapat na kilos. Halimbawa, pagsuot ng maikling mga shorts kapag magsisimba.
4. Batas
Ito naman ang batayan ng kilos na ipinatupad ng kinauukulan para sundin ng mga mamamayan.
Ito ay kalimitang pormal at nakasulat sa konstitusyon.
Dalawang uri ng Kultura
Nahahati ang kultura sa dalawang uri. Ito ay ang materyal at hindi materyal na
kultura. Ang dalawang uring ito ay naiiba sa isa’t isa.

Materyal na Kultura
Masasabingg ang materyal na kultura ay mga bagay na makikita mo sa iyong
paligid. Ito ay mga bagay na nilikha at iyong nahahawakan. Ilang halimbawa
nito ay mga gusali o arkitektura, mga likhang sining, mga kasuotan, kagamitan,
at iba pa. Maari bang ding sabihin na ang pagkain ay isang materyal na kultura
sapagkat ito ay masasabing nagpapakita kung anong paniniwala o mismong
kultura ng isang pangkat o grupo ng mga tao.

Di-materyal na Kultura
Ang di-materyal na kultura ay mga bagay na hindi nahahawakan ngunit
maaring maramdaman o iyong maobserbahan sa iyong paligid. Kabilang dito
ang mga ideya, paniniwala, batas, mga kaugalian, at norms ng isang lupon ng
mga tao. Halimbawa sa di-materyal na kultura ay ang paniniwala ng isang tribo
sa mga anito o sinasabing diyos-diyosan.
Kahalagahan ng Kultura
 Nagkakaroon ng pagkakakilanlan ang isang pangkat ng mga tao.
 Napagbubuklod nito ang isang lugar at bagbubunga ito ng pagkakaisa.
 Sa pamamagitan ng kultura, naipapakita ng mga tao ang kanilang mga talento.
 Binubuo nito ang ating pagkatao
 Nagkakaroon tayo ang kaalaman sa ating kasaysayan at nakaraan.

You might also like