Ang Hiling Ni Raze Lacsamana

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 32

SINOPSIS

"Ang babaeng bumuo sa akin ay ang siyang dahilan kung bakit ako nawasak." -Raze
Lacsamana

Simula nang mamatay ang ina at mapapangasawa ni Raze pitong taon na ang
nakakaraan, wala na siyang ibang ginawa kundi sisihin ang sarili niya sa kanilang
pagkamatay.

Isa lamang ang tangi niyang hangarin. Ito ay ang makamit ang hustisya subalit sa
paghahangad niyang makamtan ito, nagawa niya ang mga bagay na hindi niya gusto at
labag sa kaniyang konsensiya.
PROLOGO

4 AM na nang makauwi si Raze mula sa kanilang kumpanya. Bukod kasi sa pag-


aaral, abala rin siya sa pamamalakad ng kanilang negosyo dahil hindi kakayanin ng
kaniyang ina ang halos sampung negosyo. At his very young age, Raze is being used on
time management. Bukod sa pagiging estudyante, CEO, anak, at boyfriend, magiging
isang ama na rin siya.

"Razy Baby, inumaga ka na naman ng uwi. Natulog ka ba? Gutom ka?" Tanong ni Reign.

"Okay lang ako, baby. Teka, san ang punta nyo ni Mom?"

"Anak, magja-jogging kami ni Reign." Sagot ng ina nito. "Tingnan mo tong bagong
uniform sa village natin oh. Ang ganda."

"Kaya nga baby. Look." Dagdag pa ng kasintahan nito habang umiikot para ipakita ang
bagong uniporme ng lahat ng mga nagja-jogging sa kanilang village.

"Seriously, Mom, Baby? Alam ko kayo ang may pakana niyang uniform na yan. Ano na
naman ang naisip ng president at vice president ng village at bakit may pa-uniform pa
kayo eh magja-jogging lang naman kayo?"

"Razy Baby, naisip lang namin ni Mom na mas madaling makikita kung may outsiders na
nakapasok sa village kung pare-pareho ng outfit ang lahat ng mga nagja-jog tuwing
umaga." Sagot ni Reign na fiancee niya.

"How about the shoes?"

"Para complete package." Sabay na sagot ng ina niya at ni Reign.

Natawa na lang si Raze sa pag-iisip na mayroon sa dalawang babae sa buhay niya.

"Reign, halika na. Sisikat na ang araw." Sabi ng kaniyang ina habang palabas na ito ng
bahay.

Lumapit si Reign kay Raze saka naglalambing na yumakap dito.

"Razy Baby."

"Hmm?"
"Gusto mong sumama?"

"Kahit gusto ko, I need to sleep baby eh. Kaya nyo na yan ni Mom."

"Okay. Baby, may sasabihin ako sa'yo."

"Ano yun, Baby?" kinakabahang tanong ni Raze kay Reign.

Inilapit ni Reign ang kaniyang bibig sa tenga ni Raze.

"I'm pregnant, magiging daddy ka na. I love you." Then she gave a smuck on Raze's lip.

Hindi pa man makakilos si Raze dahil sa sobrang saya at pagkabigla ay lumabas na si


Reign sa kanilang bahay.

KABANATA 1
"Tulong. Raze, anak. Nasaan ka? Tulungan mo kami!" Sigaw ng kaniyang ina habang
siya'y ginagahasa ng lalaking hindi kilala.

"Baby! Tulong." Hinang hinang hingi ng tulong ng mapapangasawa niya nang ito'y
hampasin ng matigas na bagay sa kaniyang tagiliran.

"Anak! Si Reign!"

Humahangos na napabalikwas ng bangon si Raze. Isa na naman kasing posibilidad


kung paano namatay ang kaniyang ina at mapapangasawa ang kaniyang nakita sa
pamamagitan ng isang bangungot. Muli niyang ipinikit ang kaniyang mga mata para
muling matulog.

"Mom, Reign, I'm sorry. Wala ako noong mga panahon na pinakakailangan niyo ako.
Kung alam ko lang 'di sana sinamahan ko na lang kayo nung umagang 'yon."

Isang butil ng luha ang kumawala sa kaniyang mata ngunit kaagad niya itong pinunas
ng bumukas ang pinto ng kaniyang bahay.

"Niccolo, hindi ka manlang ba marunong kumatok?" Tanong niya sa bagong dating.

"Sinubukan ko lang kung kaya ako ng pintuan mo pero hindi pala. Walang kabagay-
bagay." Pagmamayabang naman nito.

"Ano pala ang ginagawa mo rito?"

"Bud, parang hindi mo naman ako kilala. Lumalapit lang naman ako sa'yo sa tuwing may
kailangan ako."

"Sabi na nga ba. Ano na naman ba ang ipag-uutos mong conde ka?"

"Simple lang, may pababantayan ako sa'yo."

May iniabot sa kaniyang envelope ang lalaki.

"Ikaw muna ang magbabantay sa kaniya. Busy ang mga tauhan ko pero kapag may
bakante na sa kanila, puwede mo na siyang iwan."

Binuksan niya ang envelope.


"Quinn Alfonso, 26, Kindergarten Teacher, single, Better living Subdivision." Basa ni
Raze sa nakasulat sa papel na kalakip ng larawan ng babae. "Sige, ako nang bahala dito."

"Bantayan mo siya at protektahan, Bud. At tutal wala na akong kailangan sa'yo, aalis na
ako."

Wala na siyang ipinagtaka sa ikinikilos ng kaibigan niya. Sanay na siya sa tila


pagkasintu-sinto nito.

Soot ang kaniyang gray v-neck shirt at skinny jeans, kaagad na sinimulan ni Raze
ang kaniyang pagiging tagapagbantay.

"Sinong mag-aakala na ang isang gwapong nilalang na tulad ko ay magiging


tagapagbantay lang. Kung hindi lang kita kaibigan na sintu-sinto ka ay hindi kita
pagbibigyan." Bulong niya sa sarili.

Mula sa kaniyang sasakyan ay nakita niyang lumabas ang isang babae na hindi
kataasan mula sa isang eskwelahan. Naglakad ito papunta sa isang malapit na grocery
store. Palihim niya itong sinundan.

KAAGAD na tinungo ni Quinn ang lagayan ng mga sanitary napkin. Ang mga nasa
ibaba lamang at kaya niyang abutin ay ang mga mahahaba at makakapal na napkin.
Handa na sana siyang tumawag ng trabahador para tulungan siya nang may isang lalaking
nag-abot sakanya mula sa likuran. Kaagad niyang naamoy ang panlalaking pabango.
Nang kaniya itong harapin upang sana'y pasalamatan, nagulat siya sapagkat wala na ito.

Nang maisip na iyon ang unang pagkakataon na may lalaking nag-abot sa kanya ng
bagay na iyon, biglang nag-init ang kaniyang pisngi at sigurado siyang namumula na ang
mga iyon.

Pagkapila ni Quinn sa pagbabayaran ng kaniyang mga pinamili, muli niyang naamoy


ang panlalaking pabango na naamoy niya kani-kanina lang.

"Excuse me." Tawag niya sa atensiyon ng isang lalaking mas matangkad kesa sakanya.
"Ikaw ba yung kanina?"

"Bakit mo kailangang tanungin?" Tanong din nito sa malamig na boses.

"Gusto ko lang naman magpasalamat."


Kaagad na umalis ang lalaki sa pila sapagkat nabayaran na nito ang nag-iisang ice
cream na binili. Kaagad naman niyang ipinakwenta sa babaeng nasa counter kung
magkano ang kaniyang mga pinamili kabilang na ang isang walong litrong tubig.

KITANG-kita ni Raze si Quinn na bigat na bigat sa mga pinamili nito kaya't hindi
niya napigilan ang sariling lapitan ulit ito.

"Ako na diyan." Sabi niya saka kinuha ang mga bitbit nito.

"Ako na, magaan lang naman ito." Dipensa ng babae.

"Miss Quinn..."

"Paano mo nalaman ang pangalan ko?"

Sandali siyang natigilan. Hindi dapat nito malaman na alam niya ang pangalan nito.
Naghanap siya ng maipalulusot.

"Ayan oh, sa ID mo."

Napatingin naman ang babae sa ID nito.

"By the way, I'm Raze. Raze Lacsamana." Sabay abot ng kaniyang kamay na walang
buhat sa babae.

"Quinn Alfonso." Pakilala naman nito.

Sa sandaling nahawakan ni Raze ang kamay ng babae, may naramdaman siyang


kung ano man na dumaloy sa kaniyang katawan.

"Reign." Bulong niya sa sarili.

Bumakas naman ang pagtataka sa mukha ni Quinn.

"Sino si Reign?"

KABANATA 2
Buhat ang mga pinamili ni Quinn, walang imik na sumusunod si Raze sa dalaga.
Huminto ito sa daan kung saan may kumpulan ng mga batang lansangan.

"Ate Quinn!" Masayang sigaw ng isa sa mga bata.

Kung kilala siya ng mga bata, siguro hindi ito ang unang beses nyang pupunta sa
mga ito.

"May dala ako para sa inyo. Heto, gummy bears, ang paborito niyo, may pananghalian na
rin kayo diyan. Sigurado ako hindi pa kayo kumakain."

"Salamat, ate Quinn."

"Uyy tingnan niyo siya, ang pogi. Boyfriend mo po?" Tanong kay Quinn ng
pinakamakulit na si Ondoy.

"Ano ka ba, siya si kuya Raze nyo, kaibigan ko." Pakilala naman ni sa kanya ni Quinn
habang ginugulo ang buhok ng batang lalaki.

Lihim naman siyang napangiti sapagkat itinuring na agad siya nitong kaibigan sa
sandaling panahon. "Too kind." Bulong pa niya sa sarili.

PAGKALABAS ni Quinn sa paaralan na kaniyang pinagtatrabahuhan, may isang


lalaki na humingi sa kaniya ng pera. Dahil sa awa para sa lalaki kaya agad niyang
inilabas ang kaniyang pitaka para sana bigyan ito ng pera nang bigla na lamang nitong
hinablot ang kaniyang pitaka saka tumakbo.

Unti-unting nanghina si Quinn sa labis na pagkagulat. Kinakapos na naman siya sa


paghinga at malapit ng mabuwal sa kaniyang pagkakatayo ng bigla na lamang may mga
kamay na pumulupot sa kaniya saka siya sinalo.

"Raze..."

"Shhh! Ayos na. Ako to. Nandito ako. Huwag kang matakot." -Raze

PINAGMAMASDAN ni Raze si Quinn habang palabas it sa paaralan nang makita


niya na may isang lalaking lumapit dito saka hinablot ang kaniyang pitaka. Mabilis
siyang lumabas sa kaniyang sasakyan saka hinabol ang lalaki at pinagbubugbog ito. Nang
mabaling kay Quinn ang kaniyang tingin, nakita niyang nanginginig ito at ano mang oras
ay handa na itong bumagsak sa kinatatayuan kaya dali-dali niya itong pinuntahan.

Kaagad niya itong sinalo.

"Raze..."

"Shhh! Ayos na. Ako to. Nandito ako. Huwag kang matakot." Pagpuputol niya sa mga
sasabihin ng dalaga. "Hayaan mo akong buhatin ka."

"Kaya ko namang maglakad. Salamat na lang."

"Hindi ko kaya, Quinn. Ihahatid na kita sa bahay mo. Ituro mo na lang sa akin ang daan."

Hindi na umimik pang muli si Quinn. Dahil siguro sa panghihinang nararamdaman


kaya ihinilig nito ang ulo sa matipunong dibdib ni Raze habang buhat siya nito.

PAGKARATING nila sa tapat ng apartment ni Quinn ay agad nya naman itong


ibinaba.

"Salamat ah. Kung wala ka baka napaano na ako." Pasalamat ng dalaga kay Raze.

"Wala iyon. Basta sa susunod huwag kang basta-basta magtitiwala sa kahit na sino kasi
hindi lahat ng makikilala mo ay tulad ko."

"Sorry. Naawa lang kasi ako sa lalaki. Bibigyan ko lang naman siya ng pangkain na
hinihingi niya nang hablutin niya na lang bigla yung wallet ko."

"See, kaya hindi ka dapat na naglalabas ng wallet sa daan."

Imbes na umimik pang muli si Quinn ay nginitian na lamang siya nito ng matamis.
Hindi pa ito nakontento ay niyakap pa siya. Nang kumawala ito sa pagkakayakap, may
kinuha itong isang pakete ng gummy bears sa kaniyang bag.

"Heto, sayo na."

"Ano to?"
"Gummy bears."

"Para saan naman ito?"

"Pasasalamat ko sa'yo. Nakakatulong iyan pampawala ng negative vibes."

"Huh? Paano?" Naguguluhang tanong ni Raze.

"Basta! One gummy bear a day, attracts positivity near." Sabi nito pagkatapos ay
kumindat.

Teka! Ang kindat na iyon. Kilala niya ang kakaibang kindat na iyon. Pero hindi,
hindi maaari. Wala na si Reign, at iyon ang dapat na isipin ni Raze.

"Natahimik ka ata bigla. Nga pala, s'an ka pala nakatira?"

Agad na nagpalinga-linga si Raze sa paligid. Nagbabakasakaling may bakante pa sa


apartment na tinutuluyan ni Quinn.

"Ayan oh, diyan." Turo ni Raze sa katabing kwarto na mukhang walang umuokupa.
"Lilipat pa lang ako diyan mamaya. Actually, kaninang nakita kita, papunta ako rito eh."
Pagsisinungaling pa niya.

"Huh? Ang alam ko ay pagmamay-ari 'yan ng pamangkin ng may-ari nitong apartment na


'to?"

"Ako nga yun. Ang pamangkin ng may ari nito."

"Yey! So maykapit- bahay na ako ulit. Bibihira ko kasing maramdaman na nanjan ka sa


kabila eh. Tyaka ngayon lang kita nakita. At least, alam ko na na mabait pala ang kapit-
bahay ko." Wika ni Quinn habang nakangiti ulit ng matamis.

Bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ni Raze. "Ang ngiti niya..."

KABANATA 3

"Masyado atang marami 'tong adobong niluto ko. Hindi naubos ng mga bata." Bulong ni
Quinn sa sarili.
Nasanay si Quinn na sa tuwing may sobrang ulam na natira ay binibigyan nya ang
may-ari ng apartment na inuupahan niya. Pero sa pagkakaalam na wala ito, naisip niyang
si Raze na pamangkin nito na lamang ang bigyan.

ABALA si Raze sa pag-aayos ng mga gamit dahil kalilipat pa lang niya sa apartment
na katabi ng kay Quinn. Kinailangan niya pang bayaran ng malaki ang may-ari nito dahil
nga sa mayroong nagmamay-ari ng kwartong gusto niya.

"Tao po." Boses iyon ni Quinn mula sa labas ng pinto.

Kaagad namang tinungo ni Raze ang pintuan para pagbuksan si Quinn.

"Hi." Kaagad na bati ni Quinn kay Raze.

Kapansin- pansin ang ang pagkagulat ni Quinn dahil nakahubad-baro si Raze.

"Eyes up here. Anong ginagawa mo rito?" Tanong ni Raze.

"Ahm, dinala ko 'to oh." Ipinakita niya kay Raze ang isang lunchbox na may lamang
adobo.

Niluwagan ni Raze ang bukas ng pinto.

"Pasok ka."

HABANG papasok si Reign sa apartment ni Raze at siya ay nasa sumusunod sa


binata, hindi niya maiwasang mamangha sa tattoo nito sa likod. Kung sa iba ay
nagmumukhang marumi ang tattoo, bumagay naman ito sa binata. The tribal tattoo
complemented his skin. Hindi niya napigilan ang sariling paglandasin ang daliri sa bawat
linyang nakikita niya sa likuran ng binata.

Natigilan si Raze sa paglalakad. Hindi dahil nagulat siya sa ginawa ni Quinn kundi
dahil iisang babae lamang ang alam niyang gumagawa sa kanya ng ganon.

"Ibaba mo nga 'yang kamay mo." Iritadong sabi ni Raze kay Quinn.
"Sorry." Bulong na lamang ni Quinn nang ibaba niya ang kamay.

Nagpatuloy sa paglalakad si Raze kaya 'yun na rin ang ginawa niya.

"Raze..." Pigil niya sa binata. "Sorry."

"Okay lang. Bakit mo ba kasi ginawa 'yun?"

"Ang ganda kasi ng tattoo mo."

"Talaga? Ano bang nakita mo?"

"Tribal. Sobrang ganda. Halatang matagal ginawa yan."

"Sure kang tribal yan?"

"Bakit, hindi ba?"

"Tignan mo kasing mabuti."

At unti-unting nakita ni Quinn ang nakasulat sa likuran ni Raze.

"Reign." Bigkas niya.

"Tama na 'yan. Halika na, sabayan mo akong kumain." Sabi ni Raze sa kan'ya saka nito
hinila ang kan'yang kamay patungo sa kusina.

PAGKATAPOS kumain, hindi na napigilan ni Quinn ang bumabagabag sa kan'yang


isipan.

"Raze, bakit Reign ang nakasulat sa likuran mo?"

Sandali siyang tinignan ni Raze sa mata saka ito nag-iwas ng tingin.

"Fiancee ko." Tipid nitong sagot.

Parang may kung anong tumusok sa puso ni Quinn. Hindi kaya may gusto na siya sa
lalaki? Pero hindi pwede. Ikakasal na ito. Sa pag-iisip na magkakagusto lang siya sa
lalaking ikakasal na ay bigla na lamang nanikip ang kaniyang paghinga. Kinapos na muli
siya ng hangin. Ngunit bago pa man siya mawalan ng malay, naramdaman niya ang mga
braso ni Raze na pumulupot at sumalo sa kaniya.

"Quinn!"

KABANATA 4

Nagising si Quinn sa isang puting silid. Sa amoy pa lang at sa IV na nakakabit sa


kaniyang kamay, alam niya na nasa ospital siya. Bumukas ang pinto at iniluwa nito ang
lalaking dahilan kung bakit siya nasa ganoong kalagayan ngayon.

"Kamusta ka?" Tanong nito sakanya.

Imbes na sayangin sumagot sa tanong ni Raze ay nanatili na lamang siyang tahimik.

"Nagugutom ka ba? Gusto mo bang kumain? Anong gusto mo?"

"Ang gusto ko lang ay gumaling na ako." Diretso niyang sabi. "Ano nga pa lang sabi ng
doktor?"

"May sakit ka pala sa puso. Bakit hindi mo sinabi?"

"Wala akong pagkakataon para sabihin sayo. So ano nga ang sabi ng doktor ko?" Iritado
niyang tanong kay Raze.

"Unti-unti na raw na nanghihina ang puso mo. Tapos lumayo ka raw sa mga bagay o tao
na makakapag-trigger sa pagsakit ng puso mo."

"So kailangan na kitang layuan." Bulong niya pero sapat na para marinig ni Raze.

"Excuse me? Bakit mo naman ako kailangang layuan?"

"Kasi nahirapan akong huminga dahil sayo."

At nanariwa sa isip ni Quinn ang pangyayari bago siya atakihin kanina.

"Kung ako ang dahilan, sorry. Pero ano bang nagawa ko? Nagulat na lang ako nang bigla
kang atakihin kanina. Huwag mo naman akong ginugulat ng ganon. My gosh, Quinn!
Tinakot mo ako!"

"Sorry." Bulong ni Quinn. "Nasaktan lang siguro ako kaya ganon. Pero hayaan mo na.
May isa lang akong hiling."

"Ano 'yon?"

Nag-aalangan man ay sinabi pa rin ni Quinn ang kanina niya pa gustong sabihin kay
Raze.

"Raze, puwede bang lumayo ka na sa akin?"


Napansin ni Quinn na pansamantalang natigilan si Raze.

"Sige, kung 'yan ang gusto mo." Sabay naglakad ito palabas ng pinto ng ospital.

Napatitig na lamang si Quinn sa likod ng papalayong bulto ni Raze.

Isang linggo na ang nakakaraan pero wala pa ring Raze na nagpakita kay Quinn.
Hindi naman niya masisisi si Raze kung hindi na talaga ito magpapakita sakan'ya dahil
siya naman ang humiling dito na lumayo siya. Lalabas na siya sa ospital ngayon at balak
niyang bisitahin mamaya si Raze sa apartment nito. Pasalamat na lang siya dahil nung
umalis si Raze ay hindi naman siya iniwan ni Niccolo.

"Alam mo ba na si Razy isang linggo ng hindi mapakali?"

"Ako rin naman."

"Wait, what?" Sa pagkabigla ay naapakan ni Niccolo ang break ng sasakyan.

"I think I like him na, Nics. Nasaktan ako nung nalaman kong may fiancee na siya."

"Fiancee? My gosh, Quinn. Nagluluksa pa langyung tao sa pagkamatay ng fiancee na


sinasabi mo."

"Namatay?"

Agad na umiwas ng tingin si Niccolo sa rear view mirror ng sasakyan.

"Ano na, Nics? Namatay ba?"

"Ah oo. Pati nanay niya. Sabay niyang ipinagluksa ang dalawang babae sa buhay niya."

"Anong nangyari?"

"Hindi ko alam. Tumahimik ka na." Pagpuputol ni Niccolo sa mga tanong ni Quinn.


KABANATA 5

Buong biyahe ay nanatili na lamang na tahimik si Quinn dahil sa pagkairita sa kan'ya


ni Niccolo kanina. Malapit na siyang lamunin ng katahimikan, mabuti na lamang ay
nakarating na sila sa apartment niya. Pagkababa ni Quinn ay agad niyang tiningnan ang
apartment ni Raze na mukhang walang tao. "Baka umalis na naman 'yon."

"Pasok ka na sa loob." Utos sa kaniya ni Niccolo.

"Mamaya na, puwede mo na akong iwan dito. Salamat, Nics."

"No, Quinn. I insist. Pasok na sabi eh!" Halos pasigaw na sabi ni Niccolo.

"Niccolo Racini! Huwag na huwag mo siyang sisigawan."

Halos mapaigtad si Quinn dahil sa lamig ng boses ni Raze na hindi nila namalayang
dumating na pala. Ngayon lamang niya narinig ang ganong boses ni Raze.

"Raze, Niccolo, magkakilala kayo?"

Imbes na sagutin siya ay nagtanong pa si Raze kay Niccolo.

"So you know her personally, Niccolo?"

"Yeah. Sh- she was my patient years ago, remember I'm a doctor. Nang dalhin siyang
walang malay sa ospital ay walang kamag-anak na umako sa kaniya. We've been friends."
Pagsisinungaling ni Niccolo kay Raze.

Nilingon naman ni Raze si Quinn upang kumpirmahin ang ang ang sinasabi ng lalaki
at tumango naman si Quinn.

"Sige, Raze, Quinn, mauna na ako."

"Salamat ulit, Nics." Sabi ni Quinn.

Agad namang pinaharurot ni Niccolo ang sasakyan nito.

"Raze..." Lumapit siya sa binata saka tumiklay para yakapin ito at ihilig ang ulo sa
matipuno nitong dibdib. "I miss you."

"You miss me?"

Imbes na sumagot ay tumango na lamang si Quinn.

"Binabawi ko na 'yung sinabi ko sa'yo noon. Ayaw ko ng lumayo ka. Hindi ko pala kaya.
Kung sa'yo, okay lang na hindi ako makita, sa akin kasi hindi ako mapakali 'pag wala
ka." Pagtatapat ni Quinn kay Raze.

Sinimulan naman ni Raze na haplusin ang buhok ni Quinn.

"You think okay lang sa'kin? 'Yung isang linggo na hindi ka nakikita was a hell. Gustong-
gusto kong puntahan ka noon pero gusto kong irespeto 'yung hiling mo. Hindi ako
expressive na tao, Quinn, pero miss na miss na kita."

Parang may kung anong humaplos sa puso ni Quinn. Sa ngayon, umaasa na siya na
baka may katugon ang pagkagusto niya sa binata. Para masiguro kung tama ang umasa pa
dito, naisip niyang itanong na lang.

"Raze?"

"Hmm?" Sabi ni Raze habang hinahaplos-haplos pa rin ang buhok ni Quinn.

"Do you like me?"

Imbes na sumagot ay ibinato sa kaniya ni Raze ang tanong.

"Ikaw ba, gusto mo ba ako?"

"Yes. I like you, Raze." Diretsong sagot ni Quinn.

"Well, I like you too."

"As a person o as a woman?"

"Pareho." Maikling sabi ng binata.

Lalo pang hinigpitan ng dalawa ang kanilang yakapan pero kumawala rin si Quinn.

"Hindi ako makahinga." Sabi nito.

"Sorry."

"Ayos lang. I'm so happy na gusto mo rin ako, Raze."

"Ako rin. Gusto mo ako, gusto rin kita, so tayo na ba?"

"Nope! Hindi puwede. Hanggat gusto pa lang natin ang isa't isa, hindi pa puwedeng
maging tayo. Dapat pag magiging tayo, mahal na mahal na natin ang isa't isa." Sabi ni
Quinn dito.

"Fine."

"Basta kapag mahal mo na ako, tell me. Saka pa lang puwedeng maging tayo." Dagdag
pa ni Quinn.

"Sige. Humanda ka na, Quinn. I'm sure I'm gonna love you soon."

"I'll love you too soon, Razy baby."

Sa pagkakabigkas ni Quinn ng huling dalawang salitang iyon ay literal na huminto sa


paghinga si Raze. Dahil ito sa pagkagulat at dahil din sa ang tanging taong tumatawag sa
kan'ya ng ganoon ay si Reign, ang fiancee niya na wala na.

KABANATA 6

Pauwi na si Quinn noon galing sa paaralan nang maramdaman niya na parang may
sumusunod sa kan'ya. Hindi siya nasundo ni Raze nang hapong 'yon. Nang maramdaman
niyang parang may papalapit sa kan'ya, binilisan niya ang paglalakad. Akala niya ay
nakalayo na siya pero nang sandali siyang huminto sa paglalakad ay may lalaking
humawak sa balikat niya.

"Quinn..." Si Niccolo lang pala.

"Baliw ka, Nics. Balak mo bang atakihin ako sa puso? Bakit ka ba kasi sumusunod sa'kin
ha?"

"Pinapasundo ka sakin ni Raze. Tara na raw sa apartment niya. Sabay-sabay tayong


maghahapunan."

IPINAGLUTO ni Raze si Quinn ng adobo. 'Yon ang dahilan kung bakit hindi niya
nasundo ang dalaga.

"Razy Baby, I'm home." Masayang sabi ni Quinn.

Agad namang lumapit si Raze kay Quinn para yakapin ito. Okay na sana kaso
someone cleared his throat.

"Ehemn! Puwede bang huwag kayong nagyayakapan sa harapan ko? Kadiri eh!" Sabi ni
Niccolo.

"Tsk! Shut up, bitter!" Sabat ni Quinn. "Maghanap ka na kasi ng babaeng magugustuhan
mo. Tyaka puwede ba, pakibabaan naman kasi 'yang standards mo para hindi 'yung
pinagdidiskitahan mo kami ng Razy baby ko."

"E kadiri naman kasi talaga e. Public display of affection. Yuck!"

"Pag ikaw nagmahal, huwag na huwag kang tatakbo sa akin para magpa-advice, Racini.
Who you ka sa'kin kapag." Singit ni Raze.

"Ouch! Mahu-who you ako ng best friend ko? No way. Kaya hindi na ako mai-in love."
Pagdadrama nito.

"Sinto- sinto ka talaga. Halina kayo. Kakain na tayo."

"Yum! My favorite!" Si Quinn na mukhang excited.


PAGKATAPOS nilang maghapunan ay kaagad ding nagpaalam si Niccolo na aalis
na.

"Ingat sila sayo, Psycho." Pang-aasar ni Raze.

"Whatever, Razy." Sagot naman ni Niccolo saka lumabas ng bahay.

"Razy baby, puwede bang dito na lang ako matulog mamaya?" Tanong ni Quinn.

"Sure."

"Bakit nga pala hindi mo ako sinundo kanina?"

"I was thinking the whole day."

"Anong iniisip mo?"

"Ikaw. Kung kailan ba puwedeng maging tayo?"

"I told you na kapag mahal mo na ako."

"How if sabihin ko na sayo na mahal kita?"

"Edi puwede na."

"Okay, Quinn, I love you."

"Totoo?"

"Yeah. I love you so much, Quinn."

"I love you too, Razy baby. Sige, boyfriend na kita."

Sobrang bilis nga mga pangyayari pero pakiramdam ng dalawa ay natural lang iyon.
Sa pakiramdam nila ay kilalang- kilala na nila ang isa't isa at kung mawawala pa ang isa
sa kanila ay hindi nila kakayanin.

"Baby..." Sabi ni Raze saka lumuhod. "I've been thinking about it the whole day. Ayoko
na muling maiwan kaya habang nasa akin ka pa, I will cherish every single day."

"Raze..." Sabi ni Quinn na maluha-luha na.


"Quinn Alfonso, it's so strange for me to know you for just a month but it feels like we've
been with each other for so long now. Ayokong mawala ka at mapunta pa sa iba. Baby,
marry me."

"Raze..." hindi mapigilan ni Quinn ang luha niya na dahil sa saya na nararamdaman niya.
"I love you so much. Yes, pakakasalan kita."

Hindi pa man nakapagsasaya ang dalawa ay nakarinig na sila ng putok ng baril mula
sa labas.

"Raze, ano 'yon?"

"Sisilipin ko lang. Dito ka lang."

Pagkalabas ni Raze ay nakita niya si Niccolo na nakahandusay sa sahig at naliligo sa


sarili nitong dugo.

Hindi napigilan ni Quinn ang sarili. Sa pag-aalala kay Raze ay lumabas din siya sa
apartment.

"Baby, tulungan mo akong buhatin siya." Nagpa-panic na si Raze.

Agad nilang isinakay sa kotse si Niccolo.

"Pumasok ka sa bahay. Kunin mo 'yung cellphone ko at tawagan mo si Zion at si Priam."


Saka pinaharurot ni Raze ang sasakyan.

Agad na pumasok si Quinn at tinawagan ang dalawa ngunit pagkatapos mismo ng


tawag ay may sumipa sa pinto. Pumasok ang mga kalalakihan at wala na siyang nagawa
nang takpan ng isa sa mga ito ang kaniyang ilong.

HINDI mapakali si Raze habang nasa ospital. Bukod kasi sa maraming dugo ang
nawala kay Niccolo ay iniwan niya ring mag-isa si Quinn. Akala niya'y mabuti ang
balitang maririnig niya nang dumating si Zion at Priam pero hindi pala.

"Bud, pagdating namin sa apartment mo ay wala na si Quinn." Imporma sa kan'ya ni


Zion.
"At heto pa, sira ang kandado ng pintuan mo." Dagdag naman ni Priam.

"Pero alam mo naman ang gwapo, we always find ways. Hindi binitiwan ni Quinn ang
cellphone kaya na-track ko kung nasaan na siya ngayon." Pagyayabang ni Zion.

"Nasaan siya?" Puno ng pag-aalala si Raze habang sinasabi ito.

"Nasa isang factory na pagmamay-ari ni Henry Cheng." Imporma ni Zion.

"Kilala ko siya. Kaibigan siya ng daddy ko noon pero anong motibo niya para kunin
sa'kin ang baby ko? Magbabayad siya." Nagtatagis ang panga ni Raze sa galit.

"Sup, madalang fafas?" Mahinang sabi ni Niccolo na gising na pala. "I heard na nakidnap
si Quinn. Go, find her. Ang dami kong isinakripisyo mailigtas ko lang siya noon."

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Raze.

"Go, find her! Tyaka ko na sasabihin kapag nandito na si Quinn. Kailangan niya ring
malaman ang lahat habang humihinga pa ako."

"Enough for that." Pagpuputol ni Zion sa eksena. "Naki-usap ako kay Mom kung
puwedeng humiram ng tauhan niya. Pinapatanong niya pala kung puwede na raw ba ang
isang daan? Busy kasi ang mga tauhan niya kaya 'yon lang ang kaya niyang ipahiram."

"Isang daan? Lang? Ang dami na non. Your mom is really something, Bud." Papuri ni
Priam. "Sige, ako na ang bahala sa mga baril. Kakausapin ko lang ang asawa ko para
riyan."

At agad namang tinawagan ni Priam ang asawa nito.

"Tara na, Bud. Handa na ang lahat." Imporma ni Priam.

"Humanda sa akin ang lahat ng kumuha sa baby ko. Magbabayad sila." Pagbabanta ni
Raze.

"Bud..." Hinawakan ni Niccolo ang kamay niya. "Dapat handa ang loob mo bago ka
pumasok doon. Mag-iingat ka." Paalala sa kaniya ng kaibigan.

"Salamat, Nics."
KABANATA 7

"Ang daming bantay sa loob." Imporma ni Zion na sumilip sa mataas na gate.

"Hindi tayo makakapasok ng buhay kung dito tayo sa harap dadaan. Doon tayo sa likod."
Sabi ni Raze
Kaagad na tinungo ng magkakaibigan kasama na ang isang daang tauhan ng ina ni
Andrius ang likuran ng factory kung saan napag-alaman nilang pinagdalhan kay Quinn.

Ekspertong inakyat nila ang mataas na bakod at walang ingay na umatake sa mga
tauhan sa loob. Mabuti na lamang ay mayroong silencer ang lahat ng baril na ipinahiram
ng asawa ni Priam.

"Raze, pumasok na tayo, ang mga tauhan na ni Zion ang bahala dito sa labas." Sigaw ni
Priam.

Agad na pumasok sina Raze sa gusali. Sandali niyang ipinikit ang mga mata para
pakiramdaman ang paligid. May mga yabag siyang naaramdaman na paparating.

"Two on the east, three on the west. Two on the south and four on the north." Sabi ni
Priam sa mga kaibigan. "Zion, on the north. Priam, on the west. Ako na ang bahala sa
East tapos unahan na lang tayo sa South. Let's move, Fafas."

At agad namang tumalima ang mga kaibigan niya.

Raze expertly walk silently towards the East. Nang makita ang dalawang lalaking
papunta sa direksiyon niya ay agad niyang binunot ang dalawang patalim mula sa boots
niya at ihinagis iyon sa dalawa na tumama naman sa dibdib nila. Agad niyang binunot
ang dalawang kutsilyo saka ibinalik sa sapatos niya. Pagkatapos ay muli niyang ipinikit
ang mga mata at narinig niya na lang ang maliliit na kaluskos papuntang timog at
sigurado siyang isa iyon kina Zion at Priam. Inisa- isa niya na lamang ang bawat kwarto
upang at sinimulang hanapin si Quinn. Isang kwarto na lang ang hindi niya pa
nabubuksan at nang buksan niya 'yon, bumungad sa kan'ya si Quinn na natutulog sa isang
kama. Lalapitan na sana niya ang dalaga nang biglang may lumabas sa likod ng pinto
saka siya tinutukan ng baril sa ulo.

"Ibaba mo ang baril mo." Utos ng pangahas.

Agad namang ibinaba ni Raze ang hawak na baril.

"Tito..."

"Ako nga, Lacsamana."

"Bakit mo ito ginagawa?"


"Ginamit ko lang namang pain 'yang babaeng 'yan para mahuli kita. Alam mo kasi,
hanggat nabubuhay ka palagi lang kaming magtatago ng mommy mo."

"Mommy? Buhay si Mom?"

"Oo. Matagal na siyang nasa akin. Kung hindi niya nga lang sana pinakasalan ang Daddy
mo edi sana ako ang napangasawa niya. Kaya gumawa ako ng paraan para magkahiwalay
sila ng daddy mo saka ko naman siya dinukot. Ibang bangkay ang ipinagluksa mo, boy.
At iyan..." Sabay itinutok niya ang baril kay Quinn. "Nadamay lang siya sa lahat ng plano
ko sa mommy mo."

"Ano? Paanong nadamay lang si Quinn? Walang kinalaman si Quinn dito."

"Sigrado ka bang wala? Mahina ka talaga, bata."

"Magbabayad ka. Sisiguraduhin ko 'yan."

"Tumahimik ka! Dahil alam mo na ang lahat, papatayin na kita." Saka muli niyang
itinutok ang baril kay Raze.

"BANG!"

Napapikit na lang si Raze pero wala siyang naramdamang sakit. Pagmulat niya ng
kan'yang mata, nakita niya na lamang si Henry Cheng na nakahandusay sa sahig.
Nilingon niya kung sino ang bumaril dito at laking gulat niya nang makita ang taong
matagal niya nang ipinagluluksa.

"Mom."

"Razy." Nanginginig na sabi nito.

Agad na lumapit si Raze saka hinagkan ang ina niya- na akala niya ay patay na, iyon
pala ay itinago lang sa kan'ya ng iba.

KABANATA 8

"Raze, sabi ng doktor unti-unti ng humihina ang puso ni Quinn." Sabi ni Zion.

Humahangos na pumasok si Priam sa kwarto.


"Raze, si Niccolo, wala sa kwarto niya."

Nagising naman si Quinn.

"Ba-by, I can't bre-breath." Uutal utal na sabi nito dahil sa oxygen na nakakabit sa kaniya.

Malakas na bumukas ang pinto at iniluwa non si Niccolo na may dalang ice box.

"Raze, may nahanap ng puso si Dad para kay Quinn." Sabi nito. "Quinn, buti gising ka
na. May sasabihin ako sa inyo ni Raze bago ka operahan."

"Ano 'yon?" Tanong ni Quinn.

"Quinn, hindi 'yon ang first time mong makapunta sa lugar na 'yon."

"What do you mean?"

"Pitong taon na ang nakakaraan ng akala ni Raze ay patay na ang mapapangasawa't ina
niya, tumatakbo ka noon palayo sa gusaling 'yon at nabunggo kita. Isinakay kita sa
sasakyan ko para sana dalhin sa ospital pero may humahabol sa'yo kaya idinala kita sa
ibang bansa para papalitan ang mukha mo. Ikaw at si Reign ay iisa. Noon pa lang Quinn,
alam kong ikaw si Reign na fiancee ni Raze pero hindi ko sinabi agad para sa proteksiyon
mo. Bud, patawarin mo ako kung hindi ko sinabi sayo agad ang tunay na dumukot sa
mommy mo at kay Reign dahil ayokong iwan mo ako, ayoko na patayin mo ang sarili mo
pag nakuha mo na ang hustisyang hinahanap mo. Akala mo hindi ko alam, nabasa ko
lahat sa diary mo nung lasing na lasing ka. Patawarin mo rin ako, dahil sa akin kaya
nawala ang baby nyo. Quinn, ikaw si Reign. Alalahanin mo na."

Agad na sinugod ni Raze ng suntok si Niccolo.

"Ba-by." Si Quinn na hirap na hirap ng huminga.

"Raze, si Quinn!" Sigaw ni Priam.

"Sorry Bud, pero kailangan na ni Reign etong puso. 30 minutes na mula nang matanggal
ito sa katawan. Mamaya mo na ako bugbugin." Sabi ni Niccolo.

Idinala na nila si Quinn sa operating room ng ospital kung saan siya ooperahan.
"Baby, will you marry me?"

"Yes, Razy baby, I'll marry you."

"YES! I'm so happy baby." Sigaw ni Raze.

"I'm pregnant, magiging daddy ka na. I love you." Then she gave a smuck on Raze's lip.

Ilan lamang sa mga alaalang naalala na ni Reign.

"Chill bud, magiging okay din siya." Says Niccolo. "Pasensiya na kung inatake siya ng
dahil sa akin pero kailangan niya na muna kasing malaman 'yon habang nabubuhay pa
siya sa sarili niyang puso."

"Bud..." Panay ang hinga ni Raze ng malalim. "Pagkagising niya kaya mahal niya pa rin
ako?"

Natawa na lang ni Niccolo sa kaibigan.

"Oo naman, Bud. Tyaka hindi naman ang puso ang nagmamahal, hypothalamus 'yon. Ang
trabaho lang ng puso ay magpump ng dugo. That's why we can perform heart transplant
but never on a brain." Sagot ni Niccolo.

Lumabas mula sa operating room ang doktor na nag-opera kay Quinn dahil hindi
kakayanin ni Niccolo ang pag-oopera dahil hindi pa magaling ang sugat niya.

"Lacsamana, the operation went well. Your fiancee was a fighter." Sabi nito kay Raze.

"Thanks God!" Sabi ni Raze.

"What? Come again? You said God, Raze."

"Yeah. I've been praying kanina pa."

"Iba ka na talaga, Bud. Siguradong dahil 'yan lahat kay Quinn."

"It's Reign, Bud. She's back for being my Reign baby now."
"Too much cheesiness can kill me, Bud so you better stop bago ka pa man mawalan ng
best friend."

"Sinto-sinto ka talagang conde ka." Pagpuputol niya sa mga sinasabi ni Niccolo.

"By the way, kailangan niya na palang gumising within 24 hours. Aalis na ako." Paalam
ng doctor.

Ang unang dalawampu't tatlong oras ay penitensiya para kay Raze dahil hindi pa rin
nagigising si Reign. Pumasok siya sa kwarto ng dalaga saka hinawakan ang kamay nito.

"Baby, please gumising ka na. Don't leave me. Gumising ka na riyan at mag pagaling ka
na, magpapakasal na tayo." Nagsusumamong paki-usap ni Raze kay Reign.

Ilang minuto niya pang pinakikiusapan ang dalaga pero hindi pa rin ito dumidilat.

"Reign, don't leave me. Mahal na mahal kita." Saka niya hinalikan ang likod ng kamay
nito.

Naramdaman ni Raze ang paggalaw ng hintuturo ng dalaga.

"Reign..."

Unti-unting dumilat ang mata nito.

"Baby, gising ka na. Doc!" Sigaw ni Raze.

"Ba-by, a-ak-ako s-si Reign. Naaalala ko na la-lahat." Pautal-utal nitong sabi.

"Shhh! Okay na, baby. Alam ko na lahat."

"So-sorry."

"Huwag kang mag-sorry. Wala kang kasalanan."

"Meron, may nagawa ako."

"Shhhh! Baby, you need to rest."


"I-iniwan ko si mommy noon para humingi ng tulong pero hindi ko siya nabalikan dahil
may nakabangga sa akin. Sorry." Pabulong na sabi nito habang umiiyak.

Bumukas ang pinto ng operating room at iniluwa nito ang doktor at maging ang ina
ni Raze.

"Mommy..." Umiiyak na bulong ni Reign. "Sorry, hindi kita nabalikan."

"Shsss. Reign, okay na. Matagal na kitang napatawad."

"Baby..." Muli itong bumaling kay Raze. "Do you still want to marry me kahit na ako ang
dahilan kung bakit ka nawasak?"

"Ang babaeng bumuo sa akin ay ang siyang dahilan kung bakit ako nawasak, pero I love
you Reign. Hindi matatalo ng nagawa mo ang pagmamahal ko sa'yo."

"Thank you." Bulong ni Reign.

"Rest baby, pagkalabas mo magpapakasal na tayo."

KABANATA 9

Kinakabahan si Raze habang nag-aantay sa may altar para sa pagdating ng kaniyang


mapapangasawang si Reign. Lumapit sa kaniya si Zion saka may ibinulong.

"Bud, ang mommy mo may kausap sa labas."

Walang nagawa si Raze kundi puntahan niya sa labas.


"Blaze, patahimikin mo na ang buhay namin. Matagal na tayong naghiwalay."

"Pero Lucky, hindi ako masaya na hindi kayo kasama."

"Bahala ka sa buhay mong lalaki ka!" Sigaw ng ina niya saka ito pumasok sa simbahan.

"Mom..." Kuha niya sa atensiyon ng ina niya. "Dad? You're here."

"Anak." Sabi sa kaniya ng ama. "Patawarin mo ako sa pag-iwan sa inyo."

"Dad? Bakit ngayon ka lang nagpakita ulit?"

"Sorry anak, I was so depressed when I leave you. Nangibang bansa ako. Naging magulo
ang buhay ko hanggang sa nakulong ako. Sorry."

"Okay lang, Dad. So anong problema nyo ni Mom?"

"Ang mama mo kasi, masyadong pabebe. Ayaw akong tanggapin. Liligawan ko ulit 'yan."
Sabi ng ama niya.

"That's my Dad." Sabi niya sa ama.

"Raze, nanjan na ang sasakyan ni Reign."

"Sige Nics, Dad, tara na sa loob."

NAGHIHINTAY na muli si Raze sa may altar nang bumukas ang pinto ng simabahan
at nagsimulang kumanta ang nirentahan nilang singer.

"I have died everyday waiting for you."

Hindi mapigilian ni Reign ang mga luha habang papunta sa altar kung saan
naghihintay si Raze sa kan'ya.

"Darling don't be afraid I have loved you for a thousand years."

Mahabang martsa pa bago nakarating si Reign sa altar kung saan naghihintay si Raze
sa kaniya.
"Raze Lacsamana, do you take Reign Hart to be your lawfully wedded wife?" Tanong ng
pari kay Raze.

"I do, Father."

"Reign Hart, do you take Raze Lacsamana to be your man?"

"I do, father." Sagot ni Reign.

"You may now state your vows."

"Razy baby, ang dami na nating pinagdaanan pero tingnan mo naman nandito pa rin tayo.
Kahit iba pa ang naging katauhan ko, minahal mo pa rin ako. True love really defies all
things. I vow to love you untill my very last breath. Sabi nila, ang mga taong nagundergo
ng heart transplant ay pwede lang mabuhay ng 5 years. So I want to spend my remaining
years with you. I will never leave you in sickness or in health, in richer or in poorer, till
death do us part." At isinuot ni Reign ang singsing kay Raze.

"Quinn, Reign, Baby, I love you so much. Salamat kasi kahit iba na yan..." Itinuro nito
ang kinaroroonan ng puso ni Reign. "Mahal mo pa rin ako. Magtiwala lang tayo sa nasa
itaas, alam kong hindi ka niya kukunin agad sa amin. Mabubuhay ka, hindi lang ng
limang taon. Sabay tayong tatanda, magkakaanak, apo hanggang sa mamuti na ang lahat
ng buhok natin. Lalaban tayo ng magkasama hanggang dulo. I vow to love and to cherish
you, till death do us part." Isinuot na rin niya ang singsing kay Reign.

"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride." Anunsiyo ng pari.

At nagsipalakpakan ang lahat ng tao sa simbahan.

Wala na sigurong mas sasaya pa sa sitwasyon ni Raze. Nakita na niya ang kaniyang
ina, nagbalik na ang kaniyang ama, at nalaman niya na ang dalawang babaeng minahal
niya ay iisa. Matapos ang lahat ay naikasal na siya kay Reign. Ayos na sana ang lahat
kaso...

Nagising si Raze mula sa sikat ng araw na tumatama sa kaniyang mukha mula sa


bintana ng kwarto nya. Nagkaroon lang pala siya ng mahabang panaginip. Pagkagising
niya, wala pa ring nagbago sa sitwasyon niya. Siya pa rin ay mag-isa, nandoon pa rin ang
katotohanan na patay ang dalawang babaeng pinakamamahal niya at ang magiging anak
niya, wasak pa rin siya.

"Kung sa panaginip na 'yon masaya, kasama ko sila, buo kami, sana hindi na lang ako
nagising." Ang hiling ni Raze Lacsamana.

~wakas

You might also like