Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Magandang umaga sa inyong lahat, ngayon ay bumalik tayo sa taong 1974, ang panahon ng pamumuno ni

kalihim Juan L. Manuel. Sa panahong ito, ang kagawaran ng edukasyon at kultura ay nagpalabas ng kautusang
pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 na naglalayong ipatupad ang patakarang edukasyong bilingguwal na siyang nagbibigay
sigla sa paglalaganap ng wikang Pambansa.

Ang edukasyong billinguwal ay ang paggamit ng wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo, pero dahil bilingguwal,
maari paring gumamit ng ingles ang mga estudyante at guro

Sinasaad sa patakarang ito na:

1. Filpino ang pangunahing midyum sa elementarya, at bernakular ang wikang pantulong


2. Filipino at ingles ang midyum sa sekondarya at tersiyarya.

Sinabing ang edukasyong bilingguwal ay isang malaking hakbang sa pagsulong ng wikang filipino at sa paglalaganap ng
paggami t nito.

At susunod ay ang pamumuno ng pinakaunang babaeng pangulo ng pilipinas, Corazon C. Aquino, taong 1986. Sa
panahon niya, bumuo ng batas ang constitutional commission- ang saligang batas 1987. Nakasaad sa batas na ito ang
mga kailangang gawin upang maitaguyod ang wikang filipino.

Ito ay isa sa mga nararapat gawin:

1. Ang mga kagawaran/ kawanihan/ opisina/ ahensya ng pamahalaan ay magsagawa ng hakbang na naglalayong
gamitin ang Filipino sa opisyal na transaksyon, komunikasyon at korespondensya sapagkat ito ang wikang
Pambansa.

Sinsabing sa termino ni dating pangulong Corazon isinulong ang paggamit ng wikang filipino.

You might also like