Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Region X
DIVISION OF MISAMIS OCCIDENTAL
MOPUSTA Bldg., Osilao St., Poblacion 1, Oroquieta City, Misamis Occidental

PAKITANG-TURO

MASUSING BANGHAY-ARALIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO

I. Layunin:
Sa loob ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakapaglalarawan sa sinapit na hirap ni Sisa;
b. Nakapaghahalaga sa sakripisyong ginawa ni Sisa para sa kanyang pamilya;
c.Nakagagawa ng paghahambing kay Sisa sa mga kababaihan ngayon gamit ang
venn diagram.

II. Paksang-Aralin:
Paksa: Noli Me Tangere Kabanta 16: Sisa
Sanggunian: Noli Me Tangere nina Glady E. Gimena at Eslie S. Navarro
Pahina 34-35
Kagamitan: sipi ng kabanata, cartolina, marking pen, larawan at pandikit

III. Proseso ng Pagkatuto:

Gawaing Guro Gawain ng mga Mag-aaral


A. Panimulang Gawain:
1. Paghahanda
a. Panalangin
Tumayo ang lahat para sa
panalangin. Pangunahan mo
Mark. Amen

Magandang hapon klas? Magandang hapon Sir!

Kumusta kayo sa hapong ito? Okey lang po Sir.

Mabuti naman kung ganoon.

b. Pagtatala sa liban
Sinong liban ngayon? (ibibigay ng mga Mag-aaral)

c. Paalala
Klas, bago tayo
magsimula ay magkaroon
muna tayo ng kasunduan
at ang sumusunod
pagsinabi kung ;
Mata- ibigsahin tignan
ninyo ang ginawa ko o
tignan ang mga siping
hawak ninyo.
Bibig- maaring merong
maingay sa klase o di
kaya’y lakasan ang
pagbabasa.

Tainga- makinig ng
mabuti sa talakayan.
At iyan ang magiging
kasunduan natin.
Nagkakaintindihan ba
tayo? Opo Sir!

2. Pagbabalik-Aral
Ano ang tinalakay natin
kahapon? Sir tungkol sa_______.

3. Pangganyak
Gusto niyo bang maglaro? Opo Sir.

Kung ganoon maglalaro tayo


ng Picture Puzzle, ang
gagawin niyo lang ay bubuuin
ang mga ginupi-gupit na mga
larawan at pag nabuo na, ay
ididikit sa pisara. Ang unang
pangkat na makakadikit ay
magkakaroon ng ng limang
puntos (5). Maliwanag ba? Opo Sir.

Pero bago yan ay papangkatin


ko muna kayo sa tatlo.

Okey ngayon pumunta na


kayo sa inyong mga pangkat,
kailangan lahat ng miyembro
ay makikisangkot sa naturang
gawain. Nagkakaintindihan ba
tayo? Opo Sir!

Kung ganoon ay sisismulan na


natin.
(binigyan ng mga ginupit na
larawan ang bawat pangkat)
Unang pangkat, ano ang
nabuo ninyong larawan?Ano
ang sinisimbolo ng larawan? Ang nabuo naming larawan ay Ilaw o
bombilya na sumisimbolo sa isang Ina.

Mahusay!Pangalawang
pangkat,ano ba ng katangian
ang ipinapakita sa ina na nasa
larawan? Ipinapakita sa ina ang Pag-aalaga at pag-
aaruga na walang kapantay.

Mahusay!Pangkat tatlo,ano
bang larawan ang inyong
nabuo?anong katangian ang
ipinakita nito?

Pagyakap ng ina sa kangyang anak.Na


nagpapakita ng pagmamahal.
Mahusay! Bigyan ninyo ang
inyong mga sarili ng
Barangay clap.

B. Paglalahad
Batay sa mga nabuong mg
larawan, saan kaya patunkol
ang ating paksang tatalakayin
ngayon? Tungkol po sa INA sir.

Magaling!

Maliban sa mga salita nabuo


ninyo mula sa mga larawan,
sa tuwing naririnig ninyo ang
salitang Ina, Mommy, Nanay,
Mamo o Mudra, ano nga mga
salita, simobolismo o
pananaw ang maari ninyong (nagbibigay ng kani-nilang ideya)
iugnay?

Mula sa obra maestro ni Gat.


Jose Rizal na Noli Me
Tangere, siya ay kinilalang
dakilang ina at ito ang
tatalakayin natin ngayon na
pinamagatang, basahin nga ng Kabanata 16 SISA
sabay-sabay.

Pero bago natin iyan


tatalakayin ito ang ating
magiging layunin sa hapong
ito.
Layunin:
Sa loob ng isang oras na
talakayan ang mga mag-
aaral ay inaasahang;
a. Nakapaglalarawan sa
sinapit na hirap ni Sisa;
b. Nakapaghahalaga sa
sakripisyong ginawa ni
Sisa para sa kanyang
pamilya;
c.Nakagagawa ng
paghahambing kay Sisa sa
mga kababaihan ngayon
gamit ang venn diagram.

Para walang balakid sa


ating talakayan ay
tatanggalin muna natin
ang mga sagabal na
maaring dahilan ng ating
pagkalito.

C. Palinang ng Talasalitaan Itabi sa hanay ina ang kasingkahulugan


Basahin ang panuto. na matatagpuan sa hanay anak at gamitin
TALASALITAAN ito sa sariling pangungusap.

HANAY INA HANAY ANAK


1. A.
KAIN AGAD
PAGKAGAHAMAN
B.
2. NANANAKIT

SINUNGGABAN
C.
MASAYA
3.

D.
TAKAM
MAKASARILI

4. E.
KINUHA
MAPANG-ABUSO

F.
5.
NASASARAPAN
LANTAKAN

Ano ang kasingkahulugan sa


salitang pagkagahaman? D. makasarili

Tama, gamitin ito sa Makasarili ang aking kaklase dahil gusto


pangungusap. niya siya lang ang magtapos.

Mahusay, ikalawang bilang


Sinunggaban. E. kinuha

Tama, gamitin sa Kinuha niya ang pagkaing para sa akin.


pangungusap.

Magaling, ikatlong bilang


Takam. F. nasasarapan

Tama, gamitin sa Nasasarapan ako sa nilutong ulam ni


pangungusap. inay.
Mahusay, ika-apat na bilang
Mapang-abuso. B. pananakit

Mahusay, gamitin sa
pangungusap. Ang kanyang pananakit ang dahilan
kung bakit ako umalis sa amin.
Magaling, panghuling bilang
Lantakan. A. kain agad

Tama, gamitin sa Kumain siya agad pagkauwi niya sa


pangungusap. kanilang bahay.

D. Pagtatalakay sa Paksa:
Dahil natapos na nating
mahawan ang mga sagabal,
tatalakayin na natin ang
kabanata . Ang gagawin natin
ay magkakaroon tayo ng
pangkatang pagbabasa. At
gagamitin natin ang pangkat
ninyo kanina. Maliwanag ba? Opo Sir

Ang kadiliman ay nakalatag


na sa buong santinakpan.
Mahimbing na natutulog ang
mga taga-San Diego
pagkatapos na makapag-ukol
ng dalangin sa kanilang mga
yumaong mga kamag-anak.
Pero, si Sisa ay gising. Siya Opo Sir!
ay nakatira sa isang maliit na
dampa na sa labas ng bayan.
May isang oras din bago
narating ang kanyang tirahan
mula sa kabayanan.
Ipagpatuloy pangkat dalawa.

Kapuspalad si Sisa sapagkat nakapag-


asawa siya ng lalaking iresponsable,
walang pakialam sa buhay, sugarol at
palaboy sa lansangan. Hindi niya asikaso
ang mga anak, tanging si Sisa lamang ang
kumakalinga kay Basilio at Crispin.
Dahil sa kapabayaan ng kanyang asawa,
naipagbili ni Sisa ang ilan sa mga
natipong hiyas o alahas nito nuong sila
siya ay dalaga pa. Sobra ang kanyang
pagkamartir at hina ng loob. Sa
madalang na pag-uwi ng kanyang asawa,
nakakatikim pa siya ng sakit ng katawan.
Nananakit ang lalaki. Gayunman, para
kay Sisa ang lalaki ay ang kanyang
bathala at ang kanyang mga anak ay
anghel.
(natapos ang pagbabasa)

Naintindihan? Opo Sir!


Ngayon gusto kung ipakilala
sa inyo si Sisa. Kung saan
bibihisan natin siya ng
magagarang damit para kahit
papano ay maranasan niya
makasuot ng mamahalin
damit para mabihisin si Sisa
ay kailangan ninyong sagutan
ang mga tanong na nasa
piraso ng damit at bawat
tumpak na sagot ay katumbas
nito ay isang pisaro ng damit.
Nasa loob ng sisidlan na ito
ang mga pirasong damit ni
Sisa ipapasa ninyo ito habang
sinasabay ng awitin.
Kung sino ang matatapatan sa
paghinto ng musika ay siyang
sasagot sa katanungan.
Pagkatapos niyang masagutan
ang katanungan ay tatawag
siya ng mag-aaral na siyang
susunod na sasagot
kailangang mula ito sa ibang
pangkat sabay sabi sa
katagang:
“tulongan mo akong damitan
si Sisa pangalan ng susunod
na sasagot.” Maliwanag ba? Opo sir

Kung ganoon simulan na. (pinasa-pasa ang sisidlan)

Mga Tanong:

1. Ilarawan si Sisa bilang Si sisa ay mapagmahal at mapag-arugang


isang ina at asawa. ina kay Crispin at Basilio, mapagtiis sa
kanyang asawang sugarol.

2. Ano ang sakripisyong Ang sakripisyong ginawa ni Sisa para sa


ginawa ni Sisa para sa kanyang pamilya ay pagtitiis sa buhay
kanyang pamilya? magkasama lang buo.

3. Kung kayo si Sisa Hindi Sir, kasi kaya ko na mang buhayin


gagawin niyo rin ba ang yong mga anak ko sa sarili kung
pagtitiis niya sa kanyang pagsisikap at hindi ko hahayaan na
asawa? umabot sa punto na saktan na niya ang
mga anak ko.

4. Nagyayari pa rin ba sa Opo Sir nagyayari ba kasi marami pa ring


kasalukuyan ang sinapit ni mga kababaihan na kahit sinasaktan sila
Sisa sa kamay ng kanyang ay hindi nila kayang hiwalayan ang
asawa? kanilang asawa alang-alang sa
kompletong pamilya.

Si Sisa ay simbolo ng mga kababaihan na


5. Ano ang sinisimbolo ni inaapi at tinatapakan ang karapatan, mga
Sisa sa kabanatang babaing hindi binibigyang karapan upang
tinalakay? gumawa ng sariling desisyon, at mga
babaing sununod-sunuran sa kani-
kanilang asawa.

Malaki na ang pinagbago ng mga bagong


6. Ihambing si Sisa sa mga Sisa(kababaihan)ngayon, sila ay mga
kababaihan ngayon? palaban, hindi nagpapaapi, may
kakayahang magdesisyon para pamilya at
higit sa lahat naninindigan kung ano
tama.

Ang galing ninyo. Bigyan


ninyo ang inyong mga (nagpalakpakan ang mga mag-aaral)
sarili ng limang bagsak.
E. Paglalapat:
Upang lumalim pa ang ating .
kaalaman sa tinalakay na
paksa ay magkakaroon tayo
ng pangkatang gawain, gamit
ang parehong pangkat. Pumili
ng lider sa bawat pangkat
kung nakapili na, maaari nyo
ng kunin ang inyong gawain.
Pero bago iyan narito ang
gabay sa pagbibigay puntos. Pamantayan Kayo Na! Pwede Kula
(5Pts) na! ng
(4pts) Pa!
(3pts
)
Nilalaman maraming Sapat ang Hindi
inilahad mga gaanong
na imporma malaman
makabulu syong ang
hang inilahad. imporma
imporma syong
syon. inilahad.
Presentasyon Maayos at Hindi Walang
mahusay gaanong buhay
ang maayos at ang
pagpapali mahusay pagpapa
wanag. ang liwanag.
pagpapali
wanag.
Koopera Lahat ng Iilang Hindi
syon kasapi ay kasapi nakiki
may lang ang sang
Tatlong minuto para gawin ambag. nakikisang kot ang
kot. mga
iyan. Simulan! kasapi.
Kaltas
Kabuuan

Pangkat 1: ISLOGAN
Gumawa ng islogan tungkol sa
karanasan ni Sisa sa kanyang
pag-aasawa. “Inang hindi lumalaban ,kawawa ang
kalalabasan”

Pangkat 2: Venn Diagram

Ihambing si Sisa sa mga


kababaihan ngayon gamit ang
noon ngayon
Venn Diagram

Pangkat 3: CONCEPT MAP

Gamit ang concept map ibigay martir


ang mga salitang naglalaran
kay Sisa at ipaliwanag. mapagtiis SISA mapagmahal

mapag-aruga
Bumalik sa mga upuan at
makinig sa presentasyon,
magsimula tayo sa;
Pangkat 1
Pangkat 2
Pangkat 3 (nag-ulat)
(nag-ulat)
(nag-ulat)
Ang pangkat na may mataas
na marka ay ang
pangkat_____. Limang
bagsak para sa kanila.

F. Paglalahat (nagpalakpakan ang mga mag-aaral)


Sa kabuuan ano ang
ipinapakita sa kabanatang
tinalakay?
Sa kabanatang ito, pinakita ang pagiging
biktima ng mga asawang babae sa
paniniwalang panrelihiyon na dapat sila
ay maging sunod-sunuran lamang sa
kanilang mga asawa at tagatanggap din
Ano ang aral na iniwan ng ng kapalaran ng kanilang asawa.
kabanata sa mambabasa?

Dapat huwag magpapaapi at ipaglaban


Ano-ano ang mga sakit sa ang karapatan lalo ng ng mga
lipunan na sa kabanatang kababaihan.
tinalakay?
Ang mga sakit sa lipunan na matatagpuan
Naintindihan ba ninyo ang sa kabanata ay kahinaan ng kababaihan,
ating tinalakyan? pagiging tamad at pagkahilig sa sugal.
Mga katanungan, paglilinaw, Opo Sir!
mayroon?

Wala na Sir!

IV. Pagtataya/Ebalwasyon
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na tanong Bilugan ang titik
ng tamang sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan kay Sisa?
A. Martir at mapagmahal
B. Mabait at mapagtiis
C. Sugarol at pabayang ina
D. Maganda at mapag-aruga
2. Si Sisa ay sumasalamin sa ______________.
A. Kababaihang inaapi
B. Bayang inaapi
C. Anak na inaapi
D. Inang inaapi
3. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa sakripisyo ni Sisa?
A. Pagtitiis sa asawang walang pakinabang at sugarol.
B. Pananabik sa pag-uwi ng kangyang anak na si Bruno at Tarsilo
C. Pagiging mabuting asawa at mapagmahal na ina.
D. Pagiging martir sa kabila ng mga masamang karanasan.

4. Ano kaya ang naging damdamin ni Sisa sa naging buhay niya?

A. Nakontento, dahil nangingibabaw ang kanyang pagmamahal sa kanyang


pamilya.
B. Nasiyahan dahil kahit papaano ay naging kompleto pa rin sila.
C. Nalungkot, dahil sa kahirapan dinaranas ng mga anak niya.
D. Wala sa na banggit.

5. Ano-ano ang mga kaibahan ni Sisa sa mga kababaihan ngayon?

A. Matapang at naninindigan kung ano ang tama.


B. Palaban at hindi nagpapaapi.
C. May karapatang magdesisyon para sa pamilya
D. Lahat ng na banggit.

“Ang daling MATULOG, ang hirap BUMANGON, ang daling MAHULOG, ang
hirap mag MOVE-ON.
Ang mas malupit, HINANAP ako kasi BAGSAK ka, Eh ang tanong, noong nagklase
ako NAKINIG KA BA?

Susi ng Pagwawasto

1. C 2. A 3. B 4.C 5.D

V. Takdang-Aralin:
Magsaliksik ng mag-anak na maihahalintulad kina Sisa. Gamit ang Venn diagram isulat ang
pagkakaiba at pagkakapareho. Gawin ito sa malinis na short bond paper.

Inihanda ni:

ARIEL A. CAMINGAO
Teacher Applicant

You might also like