Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika

Mga Konseptong Pangwika

Mga Layunin
Pagkatapos ng araling ito, dapat na:

 nakikilala at naipaliliwanag mo ang iba't ibang teorya tungkol sa pinagmulan ng wika (Biblikal at
Pansiyentipiko);
 natutukoy mo ang pagkakatulad at pagkakaiba ng iba't ibang teorya sa pinagmulan ng wika;
 natitimbang at kritikal na nasusuri mo nang may katalinuhan sa katotohanan ng iba’t ibang teorya ng
pinagmulan ng wika;
 nasusubok mo na manaliksik at makagawa o makalikha ng personal na teorya ukol sa pinagmulan ng
wika ng tao sa mundo.

 Ano-ano ang iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng wika?


 Ano-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng iba’t ibang teorya na pinagmulan ng wika?

Alamin ang mga sagot araling ito!

Pag-aralan Natin!
Sa pag-aaral ng iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng wika, mahalagang maunawaan natin ang kahulugan ng
wika at teorya.

Kahulugan ng Wika
 Binanggit ni Asenjo (2015) sa kaniyang papel na Tungo sa Multilingguwalismo at Pagkakapantay-
pantay: Wika at Kasarian sa Panitikan na ang kaniyang turing sa wika ay ayon sa pagpapakahulugan ng
Aleman na si Karl Marx. Ayon kay Marx, ang wika ay isang kamalayang praktika . Ipinaliliwanag ng
kaisipang ito na ang wika ay isang elementong nagtutulak sa tao upang lumikha. Sa pamamamagitan ng
wika, ang tao ay nakauugnay sa daigdig.
 Ayon naman sa Introduction to Applied Linguistics ni Henry Gleason, ang wika ay masistemang
balangkas ng mga binibigkas na tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo na ginagamit sa
komunikasyon ng mga tao sa isang tiyak na kultura. Samakatuwid, ang wika ay isang prosesong
nagsisimula sa

Pag-aralan Natin!

Mga Teorya sa Pinagmulan ng Wika


 Ang teorya ay sistematikong pagpapaliwanag tungkol sa kung paano ang dalawa o higit pang penomeno ay
nagkauugnay sa bawat isa.
 Ang mga teorya ay haka-haka rin ng mga indibiduwal na nagtangkang magpaliwanag ng anumang
bagay na naitala sa kasaysayan.
 Tinatayang may 3,000 taon na ang nakalilipas nang magkaroon ng interes ang tao na pag-aralan ang
pinagmulan ng wika (Pena, 2015).
 Nahahati sa dalawang pangkat ang mga teorya ng pinagmulan ng wika ng tao: (1) ang Teoryang
Biblikal at (2) ang Teoryang Siyentipiko o Makaagham.

Pag-aralan Natin!
Ang Teoryang Biblikal
May dalawang tala mula sa Bibliya ang tumatalakay tungkol sa paglaganap ng iba't ibang wika sa panig ng
mundo. Ito ay ang kasaysayan ng Tore ng Babel na binabanggit sa Lumang Tipan at ikalawa ang Pentecostes
na nasa Bagong Tipan naman.

Tore ng Babel

 Lalong kilala ito sa tawag na Teorya ng Kalituhan, hango ito sa aklat ng Genesis na sinasabing noon ay
may iisang wikang ginagamit ang tao, iyon ang wikang Armaic.
 Dahil sa iisa ang wikang ginagamit ng mga tao, nagkaisa silang magtayo ng isang Tore sa kapatagan ng
Shinar na sa paglalarawan sa aklat ng Genesis ay aabot sa langit na magiging tanyag sa daigdig.
 Ang kapangahasang ito ng mga tao ay nasaksihan ng Diyos, kaya iniba-iba Niya ang wika (Carpio
2012).

Pentecostes

 Matatagpuan sa ika-2 aklat ng mga Gawa bersikulo 1-12.


 Tinutukoy nito ang Pentecostes ng pagsapit ng banal na Espiritu Santo.
 Nakasaad dito na minsang nagtitipon-tipon sa isang lugar ang mga Apostol nang may narinig na ugong
na nagmumula sa langit at may tila apoy na hugis dila ang lumapag sa bawat isa at sila ay napuspos ng
Espiritu Santo.
 Pagkatapos nito, nagsimula silang magsalita ng iba't ibang wika.

Pag-aralan Natin!
Ang Teoryang Siyentipiko o Makaagham
Nagsimula noong ika-12 siglo ang pag-aaral tungkol sa pagkakaroon ng iba’t ibang wika sa mundo. Narito ang
mga mga sumusunod na teorya.

Teoryang Bow-wow

 Ipinagpapalagay ng teoryang ito na nagmula ang wika sa pangagaya o panggagad ng tao sa mga tunog
na nagmumula sa kalikasan.

Halimbawa: tahol ng aso at tunog ng lagasgas ng tubig sa talon

Teoryang Ding-dong
 Tanyag din ang teoryang ito sa tawag na Teoryang natibistiko.
 Ipinapalagay ng teoryang ito na nagmula ang wika mula sa paggaya ng tao sa mga tunog ng bagay na
naririnig sa kalikasan.

Halimbawa: tunog ng kampana at tik-tak ng orasan

Teoryang Pooh-Pooh

 Tinataya ng teoryang ito na dahil sa matinding emosyon, nakabubulalas ang tao ng tunog, na natuto ang
tao na makipag-usap sa kagustuhan niya na maipahatid ang kaniyang emosyon.

Halimbawa:

sakit: Aray! paghanga: Wow!

Teoryang Yo-he-ho

 Ang wika ay nagmula sa mga ingay na nalilikha ng mga taong magkakatuwang at magkakasama sa
kanilang paggawa gaya ng pagbubuhat ng mabibigat na bagay.
 Ang teoryang ito ay nakatuon sa tunog na nalilikha ng tao na nagmumula sa kaniyang puwersang
pisikal.

Halimbawa: ang tunog na nalilikha kapag nagbubuhat ng mabibigat na bato

Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay

 Ang wika ay nagmula sa mga tunog na nalilikha ng mga sinaunang tao sa sinaunang sibilisasyon sa
kanilang mga ritwal at dasal.

Halimbawa: sa ritwal na sayaw ng mga Mangyang Alangan

Found a problem with the content?

Mga Paalala
 Mahalagang maunawaan na ang mga teorya ay pangkaraniwang nakabatay rin sa personal na
pagpapalagay ng mga idibidwal na nagsusulong o nagtataguyod nito.
 Maraming iskolar sa larang ng wika ang nagtangkang ipaliwanag ang kahulugan at katuturan ng wika
gaya nina Asenjo, Marx, at Gleason.

Mahahalagang Kaalaman
 Mayoong dalawang kategorya ng mga teoryang nagpapaliwanag ukol sa pinagmulan ng wika ng tao sa
daigdig: Teoryang Biblikal at Teoryang Siyentipiko o Makaagham.
 Kabilang sa Teoryang Biblikal ang Teorya ng Tore ng Babel at Teorya ng Pentecostes.
 Ayon sa Teorya ng Tore ng Babel, ang pagkakaroon ng wika at naganap ng taangkain ng mga tao na
magtayo ng napakataas na tore na sisimbolo sa katanyagan ng tao.
 Ayon sa Teorya ng Pentecostes, nag-ugat ang pagkakaroon ng iba't ibang wika sa daigdig nang ang
nilukuban ng Espiritu Santo ang mga apostoles ni Kristo at nagsalita ng iba't ibang wika.
 Kabilang naman sa mga teoryang makaagham ang mga teroyang Bow-wow, Ding-dong, Pooh-pooh,
Yo-he-ho, at Teoryang Ta-ra-ra-boom-de-ay.

 Question 1
Alin sa sumusunod na ideolohiyang pangwika ang itinuturing ni Marx at sinang-ayunan ni Asenjo
(2015) na isang kamalayang praktika?

 Question 2
Ano ang kahulugan ng kamalayang praktika?

 Question 3
Alin sa sumusunod na ideyang nakalahad sa ibaba ang nagsasaad ng katotohanan tungkol sa teorya?

 Question 4
Sang-ayon sa pagpapaliwanag ni Gleason, paano nagkakaroon ng relasyon/ugnayan ang kaisipan ng tao at ang
wika?
 Question 5
Batay sa pagpapaliwanag ng Teoryang Ding-dong na kilala rin na Teoryang Natibistiko, paano nagkaroon ng wika
ang tao sa mundo?
 Question 6
Alin sa sumusunod na teoryang pansiyentipiko tungkol sa pinagmulan ng wika maibibilang ang tunog na nalilikha
ng isang babae o ginang kapag siya ay nagsisilang ng sanggol?
 Question 7
Ibigay ang angkop na kapareha:
Boom ganda! (Tagalog Rizal): Teoryang Pooh-Pooh
Bangui, ritwal ng mga Mangyan. (Mangyan Iplaongan) : −−−−−−−−−−−−

 Question 8
Alin sa sumusunod na teoryang pansiyentipiko tungkol sa pinagmulan ng wika maibibilang ang tunog na nalilikha
ng buhos ng ulan, kulog, at hangin?
 Question 9
Alin sa sumusunod ang hindi konkretong halimbawa ng teoryang bow-wow?
.
 Question 10
Batay sa binabanggit sa Bibliya, bakit hindi nagustuhan ng Diyos ang pagtatatag ng tore na nagbunsod ng pag-
iiba-iba ng wika ng tao sa daigdig noon?

You might also like