Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“Kambal ng Engkanto at itinakdang bantay”

Hi clark and sa mga vast listeners niyo po, I am one of your avid listeners. Gusto ko lang po e-
share sana yung kwento ng pagkatao ko at ang aking kambal. Itago niyo nalang po ako sa
pangalang Georgy. Ang aking sinasabing kambal ay hindi pangkaraniwan.
Eto po kasi yun. Nun pinagbuntis ako ng nanay ko di sana ako mabubuhay. Pinapili na siya ng
doctor ng date para ipa abort ako kasi kung hindi mamatay kami dalawa ng nanay ko. Despite
this choice, my mother chose to carry me until the end. So, pumunta yung lola ko sa isang sikat
na albularyo noon sa visayas para matulungan ang situation namin ng aking mother. Sinasabi na
ang albularyo na eto ay ginagamit na kasangkapan ng isang engkanto sa kanyang pag gagamot.

Matapos ginamot yung mother ko ng albularyo nato, isang miracle na unti unti akong tumubo
na normal sa tiyan ng mother ko. Pero isang paalala yung binilin ng albularyo sa nanay ko. May
kasabay daw akong isang hindi tulad natin at isang tagabantay sa anyo ng isang babaeng
nakaputi. Nung una, pinag sawalang bahala lang ng mother ko ang paalala na eto. Pero nung
nag toddler ako, may napansin silang kakaiba sa akin. Every time pinapagalitan ako ng mother
ko sa sobrang kakulitan ko, may bigla nalang daw mambabato sa may window namin na tila ba
nagagalit na pinagagalitan ako ng mother ko.

Meron din time nun na iniwan ako ng mother ko sa crib ko habang natutulog kasi naglalaba siya
sa c.r pero iniwan naman niyang nakabukas ang pintuan para marinig niya ako kung magising na
ako. Sa time na yun, doon nakatira sa amin ang cousin ko na nag nunursing during that time.
Habang naglalaba daw yung mother ko, bigla niyang narinig na umiyak ako pero Nakita niya sa
peripheral vision niya may nakaputi na babae na pumasok sa kwarto kung san ako natutulog at
parang pinatahan ako. Akala ng mother ko yun yung cousin ko na nagnunursing so pinagpatuloy
niya yung paglalaba. Mga 5 minutes after biglang dumating galing sa school yung cousing ko. So
nagtaka yung mother ko sino nagpatahan sa akin na babae na Nakita niya. Dali dali siyang
pumasok sa kwarto kung nasan ako and nakilabutan siya nung Nakita niya na ako lang mag isa
pero tila may nag aaliw sa akin and hawak ko na yung baby bottle ko. Kaya ayun natakot yung
mama ko na iwan ako ulit.

Marami pa po akong kwento tungkol sa aking kambal at bantay. Eto nalang po muna sa ngayon
san po mapili niyo pong basahin ang aking kwento,

You might also like