Si Jesus Na Nakita Ni Abraham

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

SI JESUS NA NAKITA NI ABRAHAM

Sa Matandang Tipan makailang ulit nating mababasa na nagpakita ang Dios kay Abraham, ang
itinuturing na ama ng pananampalataya ng mga Judio. Ilang talata bilang halimbawa:

“At nang si Abram ay may siyam na pu't siyam na taon, AY NAGPAKITA ANG PANGINOON KAY
ABRAM, at sa kaniya'y nagsabi, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat lumakad ka sa harapan
ko, at magpakasakdal ka. At ako'y makikipagtipan sa iyo at ikaw ay aking pararamihing mainam. At
nang matapos na makipagusap sa kaniya, ay NAIPATAAS ANG DIOS MULA SA PILING NI
ABRAHAM.” Gen. 17:1-2, 22

“At ang Dios ay nagsalita kay Moises, at nagsabi sa kaniya, Ako'y si Jehova. AT AKO'Y NAPAKITA
KAY ABRAHAM, , kay Isaac, at kay Jacob na Dios na Makapangyarihan sa lahat; nguni't sa
pamamagitan ng aking pangalang Jehova, noon ay hindi ako napakilala sa kanila.” Exo. 6:2-3

Ang tanong: Sinong yaong Panginoon na makailang ulit na nakita ni Abraham? Ang Dios Ama ba?
Kung ang Biblia ang pasasagutin natin, hindi dahil tuwirang sinabi nito na wala pang nakakita
kailanman sa Ama (cf. Juan 1:18). Ngayon, kung pala ang Ama ang nakita ni Abraham, sino? Isang
talata sa aklat ni Juan ang makakatulong sa atin dito.

"Sila'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, Si Abraham ang aming ama. Sa kanila'y sinabi ni Jesus, Kung
kayo'y mga anak ni Abraham, ay gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham. Datapuwa't ngayo'y
pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig
sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham." Juan 8:39-40

Pansinin, ayon kay Jesus ang tangkang pagpatay sa Kaniya ng mga Judio ay hindi ginawa sa Kaniya
ni Abraham—na magkakaroon lamang ng katuturan o sense kung nagkaroon ng pagkakataon na
magkita si Jesus at si Abraham at naging maganda ang pakikitungo ng huli sa una! Sa madaling salita,
ipinararating ni Jesus sa mga Judio Niyang tagapakinig na kung talagang itinuturing nila ang kanilang
mga sarili bilang mga anak ni Abraham, dapat hindi nila Siya papatayin dahil nang magkita sila ni
Abraham hindi nito ginawa ang gayon sa Kaniya!

Ngayon kung di pa ito sapat, dagdagan pa natin ang patunay:

"NAGALAK ANG INYONG AMA SI ABRAHAM NA MAKITA ANG AKING ARAW; AT NAKITA NIYA,
at natuwa. Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si
Abraham? Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago
ipinanganak si Abraham, ay ako nga." Juan 8:56-58

Kailangan ko pa ba magpaliwanag pa? Wala nang duda na si Jesus nga ang Panginoon na nakita ni
Abraham sa Matandang Tipan!

Para sa karagandang pag-aaral inire-rekomenda ko ang napakahusay na aklat ni Dr. Douglas


McGready sa pamagat na He Came Down from Heaven: The Preexistence of Christ and the Christian
Faith [IVP Academic; PRINT-ON-DEMAND edition (November 10, 2005)] na tumatalakay sa
pagkakaroon ni Jesus ng Divine Preexistence bago Siya maisilang sa mundo.

Want more?

You might also like