Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 3

The Research

Gabi na at ako'y naglalaro padin ng Free Fire sa harap ng aming bahay. Medyo
malamig nun nung Gabi na iyon malamok at medyo mahamog din.. Ewan ko Ba parang wala
akong pake kung ganon ang sitwasyon basta lang makapag laro ako.. Kaya sa labas ako
naglalaro dahil mahina talaga ang internet connection mula sa loob ng aming bahay..

10:37pm
Gabi na talaga at madaming lamok sa tinatambayan ko.. Ewan ko Ba kung lamok o gamu-
gamo lang Ba ang Kumakapit sakin..
Mga ilang minuto ay matatapos naman nako sa aking nilalaro.. Dahil nasa kalagitnaan
naman na ko ng giyera.

10:53pm at ayun nanga.. Tapos na ang aking nilalaro..

Me : *Huaaaaammm!!* "inaantok nako.. --,--"

Gusto ko Pa Sana maglaro pero nagdesisyom nalang ako na pumasok sa loob ng bahay
dahil sa puntong iyon ay nakakairita na talaga ang mga insekto na kumakapit sakin.

Bago muna iyon ay nanuod muna ako ng mga na save videos ko sa YouTube. Mga Game
Related hanggang sa sinasabi Ko sa sarili ko na test your courage. Ano Ba iyon?
Syempre mga weird videos or disturbing clips.

Ewan ko Ba pero parang trip ko nalang minsan na manuod ng mga ganun kahit na sa
sarili ko eh di ko masabi kung natatakot din Ba ako.. Sanay naman ako manuod ng mga
ganung bagay pero depende sa mood or sitwasyon ko.

Alam mo Ba ung tipong 11pm na ng Gabi and nanunuod kapa ng mga ganung bagay? Grabe
napapaisip nalang ako minsan.. Paano Kaya kung totoo mga ganun? Mga weird or
disturbing things.

Bale ang video na pinanood ko mga 20-30 mins ang haba.. At totoo din yung video na
countdown. Something like top 10 or top 20 scariest videos or Disturbing videos or
footage.
Grabe ganon ang aking mga pinanood. Yung tipong pagsasawaan mo talaga mga nakikita
mong di talaga maganda sa imahinasyon ng Tao.

Pag tapos nun Ay halos mag alas dose na ng hating Gabi.. Syempre antok nako nun at
matutulog nako..

***
Sa maniwala or sa Hindi minsan naalala kopa yung mga pinapaginipan ko.. Dahil
minsan ay important iyon saken dahil para bang may mensahe or something clue kung
may mangyayari Ba.

First Dream

Medyo okey Pa kase tungkol lang naman ito sa


Noong nakatira Pa kami sa dati naming tinitirhan..

Yung tipong nanaginip ka na kumpleto Pa kayo magkakasama ng mga dati mong kaybigan.
Basta normal lang yung panaginip na iyon kase para bang akala ko sa panaginip ko ay
bumalik kami doon sa lugar na iyon at magkakasama ulet kami ng magbabarkada.

Pag tapos nun ay nagising ako dahil sa tuta naming napaka ingay tuwing umaga I mean
yung tipong alas kwatro palang ng umaga. Pero dahil antok pako nun pagkagising ko
eh pinilit ko ulit ipikit ang aking mga Mata at ituloy ulit ang pagtulog ko..
Ayaw ko kasing bumangon ng tuluyan kahit di Pa sapat ang tulog ko.

***

Second Dream

At ayun nga di ko namalayan nung time nayan panaginip na ulit..

Eto medyo may pagka weird na kase parang kakaiba na.. Ako daw ay nag reresearch
tungkol sa mga examples tungkol sa pag gawa ng comics. At ang kakaiba dun ay Hindi
ko matukoy yung lugar para Bang nasa opisina ako na Hindi ko maintindihan.. Ang
labo kase ehh.. And PARANG normal naman kase nag reresearch lang ko ng tungkol sa
elements ng comics.

At ayun nagising nanaman ako.. --,-- Bale dahil kasi sa ingay ng mga magulang ko
pinag uusapan nila yung nasa balita.. Hehehe Yep nakinig muna ko sakanila bago ko
ulit ituloy ang tulog ko..

***

And ayan nanaman nakikinig panga ako ehh.. biglang nakatulog na pala ako.. Eto na
talaga iyon ang Hindi ko inaasahan. Napaka Weird na ng panaginip ko. Kase noon
nangyari na sakin to ehh alam moba ung tipong natuloy ung panaginip mo?
Ganun ang nangyari sakin. Di ko alam kung anong oras na bago ulet ako nakatulog.

Pero eto talaga ang hindi ko inaasahan..


Nasa kalagitnaan daw ako ng research tungkol nga daw sa Comics. Mga ilang minuto
kaka scroll down ko.. May Ni-Click akong isang picture.. Parang Example pano gumawa
ng tamang linya para sa comics.. Kung paano mag Frame Divider. Nung pag ka click ko
daw doon ay lumabas naman pero nung naghanap ulet ako para reference din doon ay
may nakita akong kakaiba sa mga pictures.. Ni-click ko din iyon.. Isang GIF ang
WEIRD as in talaga ang WEIRD nya.. Comics style sya pero parang bumuo lang sya ng
Mukha doon.. Pero nakakatakot tignan. Hindi ko matukoy kung ano itsura pero parang
Jigsaw puzzle sya na mukha na Binuo mo pero Mali Mali.. Black and white sya.. And
yung mga Mata talaga nakakatakot doon.. Ang pinag wirduhan kopa ay may Sounds yung
GIF.. Para bang may mga bumubulong na kaluluwa.. Grabe nung punto na nun ay
nagscroll down ako agad and nag click ako ng picture.. Ewan ko Ba parang nag panic
Lang ako pero yung ni-click ko GIF ulet pero mas Malala na..
Parang isang 8sec na GIF Medyo dark red ang dating tapos parang mala polybius yung
dating then nung 4sec nag palit may mga Mata at bibig na may tumatagas na mga dugo
tapos parang pasigaw yung bibig nya pero ang tunog ay parang lost lady yung boses
parang paiyak na di mo matukoy. Sa puntong iyon talaga gusto kona magising.. Cuz
things get Worst and Weird na..

***
Di tulad sa mga palabas pag binangungot ay bigla silang babangon or didilat..

Pero sa sitwasyon ko talaga na iyon ay gising nga ako nakadilat pero. Alam mo yung
tipong gusto mong bumangon or itagilid yung posisyon ng paghiga mo pero hindi mo
maigalaw. gusto mo sumigaw o magsalita pero di mo magawang ibuka ang bibig mo..
Para bang yung kaluluwa ko ay half na lumabas sa katawan ko..
And yung gusto ko talaga gawin iyon ay kakaiba Pa yung paligid ko.. Ang Reddish..
Tapos parang may multo Ba sa harap ko pero di ko makita ang mukha dahil kamay lang
ang nakikita ko at parang sinasabing abutin ko daw sya.. Pero hindi ko ginawa..

Mga ilang Segundo ay parang bumagsak ako.. Ibang bagsak parang yung katawan ko
hinigop yung kaluluwa ko kase parang pabigla yung galaw ng katawan ko nun. Parang
7seconds Pa bago ako makabalik..
At ayun. Parang nanghinayang Pa ako sa mga nangyari bago ako umalis ng kwarto ko.
Mga 15mins ata ako nakaupo nun inaalala ang mga masasamang sandali.

Inalala ko ang mga na research sa panaginip yung mga kakaibang mga imaheng nakita
ko at yung alanganing pag gising ko. Na akala ko ikakamatay kona talaga. Halos nag
panic talaga ako nun nung di ko maigalaw ang katawan ko.
Mula nun ay bumangon na ako at kumain nalang ng almusal.

Based on True Story..

You might also like